ANG NAKANGISING MUKHA ni Diether ang bumungad kay Nina ng pumasok siya sa opisina nito. Sinadya niya talaga itong puntahan dahil parang pinagtataguan siya nito, she was there not because she missed him but because she really wanted to finish the plans she had started.
Tumayo ito at gustong burahin ni Nina ang kasiyahan sa pagmumukha ng lalaki ngunit nanatili pa rin siyang kalmado."Ah! Alam kong hinding-hindi mo ako matitiis, Nina. Nakapag-isip ka na ba ng maayos at napagtanto mo na ang lahat na hindi mo kayang mabuhay ng wala ako kaya pumunta ka dito para humingi ng tawad sa akin? Don't worry, I will forget everything and I will forgive you, Nina. For old time's sake."Hahalikan sana siya nito pero nilagpasan niya ito saka siya umupo sa guest's chair kahit hindi pa naman siya nito inaalok."Your mom told me you spent your whole weekend on one of your beach houses."Gagawa talaga ng kasinungalingan ang mga magulang para lang pagtakpan siya. Kababalik lang nila ni HayePINANUOD LANG NI Nina ang pagtunog ng kaniyang cellphone, ipinapakita sa screen doon ang pangalan na Hayes Xavier at wala siyang balak na sagutin iyon. Ilang oras na rin siya sa opisina ng kaniyang clinic. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa utak niya ang mga inihayag ni Argus o sadyang ayaw niya lang iyon na paniwalaan.Paulit-ulit niya nga rin tinitipa ang pangalan ni Hayes sa search bar pero katulad nga ng sinabi ni Argus, wala talagang ni isang bagay tungkol dito ang And when she searched about Hawthorne Salvatrix but Hayes' face always came out. Their faces are one hundred percent matched to each other as if they were really one person.Siguradong hinahanap na rin siya ng mga magulang at galit na galit ang mga ito. She watched Diether on the TV this afternoon and he already announced that their wedding will be off. Dahil don ay bumaba ang sales at stocks ng kompanya ng mga Lexington na ngayon ay pagmamay-ari niya samantalang tumaas naman ang sa kompanya ng ka
MULA SA LABAS ng silid ay pinapanuod lang ni Hawthorne si Nina kung paano nito gamutin si Draco habang nakaalalay naman dito si Kyon. Mayroon din naman siyang alam sa panggagamot, sa tagal ba niyang namuhay sa mundo ay nsubukan na niyang gawin ang lahat ng bagay pero pinalabas siya ni Nina ng sagutin niya ang tanong nito kung mayroon ba raw siyang lisensya. He doesn't need that kind of things kaya heto siya, nasa labas."It's the woods," Safiya said.Hinarap niya ito at nasira ang mukha niya ng maagaw ng kaniyang atensyon ni Constantine habang gumagawa ng kape nito na para bang nasa bahay lang ito."Nakita ko ang palatandaan nila sa mga ginamit nilang bala." Pagpapatuloy nito."Hindi ba at mahigpit kong bilin na huwag kayong gagawa ng kahit anong bagay ng walang pahintulot ko?" Pigil ang galit niya ng sabihin iyon.Nakadikwatro ito sa sofa, may bahid na dugo ang damit, madumi at magulo ang buhok. May ilang sugat din ito sa braso."Then what do you expect us to do,
HINDI NA NAPIGILAN ni Hawthorne ang sarili at nasuntok na niya ang pader sa sobrang galit na nararamdaman. Nagpupuyos ang kaniyang kalooban at gustong-gusto na niyang makapanakit. Matapos niyang ihatid si Nina ay bumalik din siya sa clinic nito. Ni hindi siya nito kinausap, ni hindi tiningnan. Ramdam niya ang panginginig nito, takot at kalamigan."Wala sa sarili si Draco, Hayes. Siguradong hindi niya rin alam ang ginagawa niya kaya huwag mo siyang sisihin." Safiya reasoned out but that only added to his anger."Dahil sa pagiging pasaway at mas pinairal n'yo pa ang katigasan ng ulo n'yo kaya ito nangyari." He retorted that he doesn't want to look at them because his vision might darken and he can't control himself and he might hurt them. "I already warned all of you but still, you didn't listen to me."Huminga ng malalim si Safiya, sumusuko. "I'm sorry! Okay! Kasalanan na namin ang mga nangyari. At kung may masama pang nangyari kay Draco ay siguradong hindi ko rin mapa
BEASTS. SHAPE-SHIFTERS. MONSTERS.Iyon ang mga nakasulat sa laptop ni Nina na ilang beses na rin niyang binabasa. Akala niya makakatulong sa kanya ang paghahanap ng katotohanan at eksplenasyon sa mga nangyari nitong nakalipas na linggo pero hindi pala, pakiramdam niya ay mas nadagdagan lang non ang mga problema niya.Pakiramdam niya ay mababaliw na siya.Sa pangatlong beses ay sinubukan niya ulit na tawagan si Hayes Xavier pero katulad noong una at pangalawa ay hindi nito sinasagot ang mga tawag niya."I'm giving you the benefit of the doubt you jerk." She gritted her teeth in annoyance as she massaged the back of her neck and almost threw her cellphone.Agad niyang isinara ang laptop ng may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina at sumilip don si Argus."You've been here for an hour now, Nina."Lumuob ito at napangiti na lang siya ng makitang may dala-dala itong baso ng gatas."It's almost midnight too."Minsan gusto niya rin ang pagiging
"HINDI KA MAKATULOG, Miss Nina?" Soleil asked her.Bahagya lang na tinanguan ito ni Nina habang nagbabasa ng isang fantasy novel sa kaniyang kama. Iyon ang naging libangan niya nitong mga nakalipas na araw para maibaling sa iba ang kaniyang atensyon at nasa kalagitnaan na rin siya ng libro."Mukhang ilang araw ka ng hindi maayos na nakakatulog, Miss Nina." Pansin nito. "Gusto mo bang magtanong ako sa doctor mo ng gamot para makatulog ka kahit pa paano?""Hindi na, Soleil. Huwag ka ng mag-abala pa" Agad siyang umiling.She's already problematic and she doesn't want to end up addicted to those medicines and drugs."Si Argus nga pala?""Nagpaalam siya sa akin na mawawala na ilang araw, may importante lang daw siyang gagawin pero babalik din naman siya agad." Inayos nito ang kaniyang kumot. "Hindi na raw siya nakapagpaalam sa iyo dahil marami kang inaasikaso nitong mga nakaraang araw."At hindi alam ni Nina kung bakit binundol na kaba ang kaniyang dibdib, nawala na rin ang atensyon niya sa
"IS THIS REALLY the place, Soleil?" Tanong ni Nina ng makababa sa kaniyang kotse at ilibot ang tingin sa paligid. Napakaliblib ng lugar na iyon, may kalayuan din. Ang gusaling natanaw niya ay may kataasan pero luma na."Ito naman ang nakasulat sa isa sa mga notes ni Argus, miss Nina kaya sigurado akong nasa tama tayong lugar." Sabi nito habang inaayos ang flashlight na gagamitin nila. "Are you sure about this, miss Nina? Paano kung mali ka pala? Ilang taon na rin nating kasama si Argus, sa tingin mo ba ay talagang magagawa niya ito?""Sana nga nagkakamali lang ako, Soleil pero kung totoo lahat ng ito ay hindi ko alam kung paano ko mapapatawad si Argus."Nagkatinginan sila ng makarinig ng mga nakakatakot na alulong, tila ba iyon nagtatawag ng tulong o ng mga kasama. Nagsimula silang maglakad pero hindi pa sila nakakalayo sa kaniyang sasakyan ng makarinig ulit sila ng alulong at may lalaki na lang na biglang lumitaw sa kanilang harapan, pulang-pula ang mga mata nito. Nagli
RAMDAM NI NINA ang panakanakang pagsulyap sa kanya ni Safiya. Magkatabi sila sa harapan ng kotse at ito ang nagmamaneho at wala siyang balak na kausapin ito hanggang sa makarating sila sa lugar na pinagdalhan ng mga ito kay Argus. Marahas at eksaherado itong sumagap ng hangin na tila ba ipinaparamdam sa kanya ang pagka-bored nito at hindi nito nagugustuhan ang katahimikan. Siguro pati ang ideyang ipinagmamaneho siya nito."If you're not going to talk to me or say something, I hope I'm not the one you forced to accompany you, right?""As far as I remember, I didn't force you," Nina said flatly."But you suggested to Hayes that I come with you even though he already volunteered."Kailangan niya munang iwasan si Hayes. Kapag kasama niya ito ay hindi siya nakakapag-isip ng maayos. Tila nakokontrol nito hindi lang ang kaniyang katawan kundi pati puso. It's scary how easily she forgets about her worries and problems every time he is with her."But you di
"THE WORLD WILL take us apart."Narinig ni Nina na bigkas ni Hayes ngunit nagtataka siya kung bakit nasa isang madilim siyang lugar at napapalibutan ng hamog. Naaninag niya rin sa paligid ang mga matataas at payat na mga puno at wala na siyang naririnig na ano mang bagay bukod sa boses lang ni Hayes."Your mind will forget me too but my heart will always be yours."Ang tono din ng boses ni Hayes ay medyo paos at tila umaalingawngaw sa paligid.Luminga-linga si Nina, naglakad-lakad. Sinusubakan niyang hanapin si Hayes, sinubukang sundan ang boses nito."And if ever we meet in our next lifetime, let me love you more than love itself."Ang panggabing hangin ay nanunuot sa kaniyang balat ngunit kakatwang hindi man lamang siya nakakaramdam ng lamig samantalang isang manipis na damit lang ang tangi niyang suot at alam niyang nababakat don ang hubog ng kaniyang katawan at maseselan ding bahagi ng katawan. Idagdag pa na nakapaa lang siya."If ever we can't recognize each other."Nagpaikot-ikot
NINA SHUT HER eyes in anticipation as she felt Hayes' lips on her toe and slowly rising on her knee up to her legs and thighs leaving small and sweltering kisses on her skin.Natutop niya ang bibig para pigilan ang pag-alpas ng anumang ingay dahil sinipsip na nito ang balat sa loob ng kanyang hita, malapit na malapit lang sa kanyang pagkababae habang ang mga kamay naman nito ay parehong hinihimas ang binti niya.Hubo't hubad na siya at malamig din ang cabin dahil sa aircon kaya dapat lang na lamigin siya pero ang init lang ang mas nangingibabaw sa nararamdaman niya. Gusto niyang humiyaw, isigaw ang pangalan nito. Gusto niyang malaman nito na kung ano man ang ginagawa nito ay gustong-gusto niya iyon pero ni hindi niya magawang umungol dahil baka marinig sila ng mga nasa labas. But she didn't want him to stop.Nina's chest is heaving while her eyes are closed. Her hands mindlessly start sliding down her stomach to reach the thing between her legs, to release some tension and relief. But
HUMINGA NG MALALIM si Nina.Ayaw man niya pero nakaramdam siya ng pagkahabag sa mga pinagdaanan ni Rosemarie kahit sabihin pa na siya din iyon. Ilang beses pa ba siyang makakaranas ng pagdurusa?Para sa kanya ay nakakalungkot ng naging buhay niya. Noon man o kahit ngayon. At ayaw na niyang isipin pa ang mga naging buhay niya bago pa ang buhay niyang ito. Pakiramdam niya, tila siya isang patay na paulit-ulit pang pinapatay."Come." Hayes held Nina's hand and pulled her inside the library.Pagpasok do'n ay may bubungad agad na malaking mesa na may holographic map."This is the map of Mysticshire. The old Mysticshire. We called it Arlan and Ariston, two of the most powerful place back then along with Psicadiasis."He zoomed in on the holographic map and it showed a detailed castle that she's sure it's in Arlan. Ipinaikot ni Nina iyon hanggang sa tumigil sa Psicadiasis. She had one of their lessons about Psicadiasis when she was in college. Some students even wrote an essay and thesis abo
ANG ISANG DAMDAMIN kapag pinipigilan ay mas lalo lang sumisidhi, tila isa itong sikreto o katotohanan na kahit anong pilit ng sinuman na itago o labanan at pigilan ay siguradong lalabas at lalabas pa rin ito.Iyon ang napatunayan ni Rosemarie.At paano niya nagustuhan ang isang taong kinamumuhian niya ng sobra? Kahit anong gawin niya ay hindi din niya alam ang sagot sa katanungan na iyon.Nagtaka siya ng hindi gantihan ni Damascus ang kanyang ngiti, dati ay ito pa ang unang bumabati sa kanya. Ramdam din niya ang malamig nitong pakikitungo sa kanya samantalang si Greige naman ay hayagan ang ipinapakita nitong disgusto kanya na hindi niya alam kung bakit. Si Sergei lang ang hindi nagbago pero dati naman na itong tahimik.Mayroong pagpupulong ang mga ito at nagtataka man si Rosemarie kung bakit siya nando'n ay masaya pa rin siya na pinagkakatiwalaan siya ng hari."Naghanda ho ako ng tsaa at tinapay para sa inyo. Ang tsaa ay siguradong makakatulong sa inyong mabilis na metabolismo—""Wala
"HINDI NAGKATAON LANG ang pagkakakilala ko sa kanya. Siguradong pinagplanuhan niya ang lahat ng ito, Kamahalan." Galit na bigkas ni Damascus habang nakakuyom ang mga kamao nito. "Kasalanan ko ito. Ako ang dahilan kung bakit siya nakapasok ng palasyo. Hindi ako naging maingat, ni hindi ko inalam ang lahat ng tungkol sa kanya. Naging padalos-dalos ako at pinagkakatiwalaan ko siya.""Parehas silang taga-Psicadiasis, siguradong magkakuntsaba sila ng lalaking iyon. Iutos mo na ang pagdakip sa kanya, Kamahalan, habang wala pa siyang ginagawang hakbang para saktan ka." Suhestiyon naman ni Greige na halatang kaligtasan lang ni Hawthorne ang inaalala nito.Kanina pa nakatanaw sa kadiliman ng kalangitan si Hawthorne. Umaasang makakahanap doon ng kasagutan sa isang bagay na ilang araw ng bumabagabag sa kanya nang oras na mapagtanto niya ang lahat ng mga nangyari simula ng bumalik sila ng Arlan.Nakangiting nilingon niya ang mga ito. "Maari bang kapag tayo-tayo lang ay ituring n'yo ako na parang
NAPAATRAS SI ROSEMARIE nang makita na si Salem ang pumipigil sa kanyang balak na patayin ang hari. Isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ay nabitawan niya ang hawak na patalim sa sobra pa ring gulat. Tila ba namanhid ang kanyang mukha at nabingi din siya dahil sa sobrang lakas no'n."Hindi ka ba talaga nag-iisip?" Pabulong na sigaw nito saka siya patulak na binitawan. "Hindi ba at binalaan na kita? Ilang beses pa ba dapat kitang pagsabihan bago ka magising sa katotohanan na hindi mo na maibabalik ang buhay ng iyong amain?""Nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang nasa katayuan ko.""Makinig ka sa akin." Madiin nitong hinawakan ang balikat niya. "Ang mga magulang ko hinatulan ng kamatayan ng bata pa ako. Si ama, pinagbintangan na pumatay sa isang maharlikang pamilya samantalang si ina naman ay pinagbintangan na magnanakaw. Para lang may makain kaming magkakapatid ay nagnakaw siya, para sa amin ngunit binawian pa rin ng buhay ang lahat ng mga kapatid ko. Ako lang ang natira at kahit k
"DINIG NINYO NA ba ang usap-usapan tungkol sa mahal na hari at kay Rosemarie?""Totoo ba talaga iyon?""Kung totoo ngang may pagtatangi ang kamahalan kay Rosemarie, paano na tayo? Paano na kung maging babae siya ng hari o 'di kaya ay maging reyna siya?""Kung magiging reyna nga si Rosemarie, hindi kaya gantihan niya tayo sa mga pang-aapi at pang-aabuso natin sa kanya? Naalala n'yo ba iyong sinandya natin na matapon ang kinakain niya?""Ikaw lang naman ang nagplano no'n tapos binuhusan mo pa siya ng tubig sa ulo niya kaya siguradong ikaw lang ang paparusahan niya. Tapos inutos-utusan mo pa siya, kahit ang mga nakatokang gawain mo ay ipinapagawa mo sa kanya."Iyon ang mga narinig ni Rosemarie sa kusina kaya hindi siya tuluyang pumasok dahil hindi niya alam kung saan nakukuha ng mga ito ang ganoong usapan.Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya tahimik na pumasok at ng makita ng mga ito ay agad siyang nilapitan ng mga ito."Rosemarie, kami na ang magbubuhat at gagawa ng pag-iigib n
NAGKAKAGULO ANG MGA kasamahang manggagamot ni Rosemarie ng bumalik siya sa bahay pagamutan."Anong nangyari sa 'yo at basang-basa ka, Rosemarie?" Nakakunot ang noo at nagtatakang tanong ng kanilang pinuno ng makita siya. "Ikaw lang ba ang naglaba?"Binanlawan niya ulit ang mga nilabhan at siniguradong malinis ang mga iyon bago siya bumalik kaya hapon na no'n at wala na ring masyadong pasyente doon."Bakit wala ni isa man ang tumulong kay Rosemarie samantalang hindi naman ngayon ang araw ng kanyang paglalaba?"Natahimik naman ang ibang mga manggagamot, iniiwasan na mapatingin sa mga mata ng kanilang pinuno."Wala ho silang kasalanan." Pagpigil ni Rosemarie sa babae. "Ako ho mismo ang nagprisinta na maglaba.""Ganon ba? Pero kahit na, dapat lahat tayo dito ay nagtutulungan.""Ano ka ba, pinuno?" Nilapitan ito ng isa nilang kasamahan, hinawakan siya sa braso habang ang isang kamay nito ay may hawak na maganda at mamahalin na palamuti. "Natapos naman na ni Rosemarie ng maayos ang kanyang
NAIIRITANG TUMAYO SI Rosemarie, pinagpupulot ang mga damit saka inilagay sa batya pagkatapos ay binuhat iyon at nagmamadali siyang umalis doon kahit madulas at mabato ang ilog.Parang tila sa kumukulong tubig ang nararamdaman niya at kapag tuluyan ng umapaw ay talagang hindi na niya mapipigilan ang galit. Kinamumuhian niya ito at nasasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa nito. Sa ginawa nitong pagkuha sa kaisa-isang taong nagmahal sa kaniya ng lubusan at itinuring siya na anak.At mas nasasaktan siya dahil hindi niya masabi dito ang katotohanan. Wala itong kaalam-alam sa paghihinagpis at mga kalungkutan niya."Ano bang problema at nagkakaganyan ka?" Humarang si Hawthorne sa harapan ni Rosemarie.Ganon na lang ang pagpigil ng dalaga na huwag itong singhalan."Kamahalan, baka ho may makakita at makakilala sa inyo dito. Dapat ang mga kawal sa palasyo ang kasama ninyo at hindi ang isang hamak na tulad ko lang, makakasira ho iyon sa reputasyon n'yo at ayaw ko na hong pag-usapan ka pa ng iban
"HINDI MO NA ako kailangan pang iligtas. Bumalik ka na sa Psicadiasis at ipinapangako ko sa 'yo na babalik din ako don. Magkakasama ulit tayo."Iyon ang huling mga salitang sinabi ni Tariq kay Rosemarie. Ang kanyang amain, ang lalaking kinilala niyang ama simula ng nagkaisip siya ngunit sa isang iglap ay hindi na niya ito makakausap at makikita pa. Hinding-hindi na niya ito makakasama pa.Napaluhod siya at sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang luha habang kitang-kita niya ang paggulong ng ulo nito sa kalupaan at pagbagsak ng wala na nitong buhay na katawan.Alam ni Rosemarie na nakita siya ng amain dahil iniangat pa nito ang kamay sa kanya at nakuha pa nitong ngumiti bago ito tuluyang pugutan ng ulo ni Hawthorne.Nang wala ng natirang mga kawal, nang makaalis na sila Hawthorne ay doon lang inalis ng babae ang kamay sa kanyang bibig. Doon na lang din siya humagulgol at nagsisigaw. Pinagsusuntok niya ang lupa sa sobrang sakit at galit na nararamdaman, na para bang sa paraan na iyon ay mapap