ANG GALIT, PAGKALITO, at pagkabigo ay hindi magandang kombinasyon na nararamdaman ni Nina ng mga oras na iyon. And she doesn't know how to react to Hayes' revelation.Pero hindi rin siya tanga para hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang lahat at mas lalo lang nahihirapan ang kanyang kalooban.Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki na may buhat-buhat na malaking bagay na natatakpan ng abuhing tela. Inilagay ng mga ito iyon sa gilid bago sila lumabas.Inilahad ni Hayes ang kamay nito kay Nina ngunit sa halip na tanggapin ay tumayo siya at nauna ng lapitan ang bagay na iyon saka inalis ang nakatakip don. Kulang ang salitang pagkagulat ng makita niya ang larawan ng magandang babaeng nakapinta don.Siguro kung hindi niya kilala ang pamilyang pinagmulan ay baka iisipin niyang isa ito sa kanyang mga ninuno. They're not identically look alike but they have the same eyes and lips which make them have a resemblance to each other. The woman in
ANG KANYANG PAGHAKBANG ay unti-unting bumagal ng makita ni Hawthorne si Antonius. Kalalabas lang niya sa silid ng hari.Nang makita siya ng pinsan ay lumaki ang pagkakangisi nito ngunit kita naman sa mga mata nito ang matinding pagkamuhi at disgusto. Para nga bang naririnig na niya ang pag-iinsulto nito kahit nakatingin lang ito sa kaniya."Pinsan, ang magiting at tanyag na heneral ng ating kaharian. Ang tagapagligtas kong pinsan. Ang bukambibig ng mamayanan hindi lang sa palasyo kung hindi pati na rin sa buong Arlan."Dinig niya ang panunuya sa boses ni Antonius ngunit binaliwala na lang iyon ni Hawthorne. Akala niya marami ng nagbago sa nakalipas na limang taon ngunit nagkamali siya, tila wala pa ring pinagbago ang kanyang pinsan."Kahit saan man ako magpunta ay pangalan mo ang naririnig ko at hindi na ako magugulat kung dumating man ang panahon na mas mauuna kang pagawaan ng rebulto ng mga tao kaysa sa aking amang hari.""Bukal sa kalooban ko ang pagtulong at para iyon lahat sa har
HINDI MAN KASING rangya ng Arlan ang pinagmulan niyang bansa ay masasabi niyang sagana at maunlad ang bansang ito. Sa paglilibot niya sa mga nakalipas na araw simula ng dumating siya dito ay nasaksihan niya rin ang madilim na bahagi ng kaharian, ang bahaging pilit itinatago ng mga opisyal at pilit kinakalimutan ng lahat. Ang bahaging kahit saan ka man tumungo ay siguradong iyo itong makikita.Ang kahirapan.Ang mga nakakaawang mamamayan na pilit nabubuhay sa mundong pinapaikot ng mas may kapangyarihan.Iyon ang mga bagay na gusto man niyang baguhin ay hindi niya magawa dahil sa pinagmulang bansa ay wala din kapangyarihan ang tulad niyang babae.At isang babae lang naman ang kilala niyang kayang pantayan ang kapangyarihan ng isang hari o kahit ang emperador ngunit malayo na siya dito. Ilang milyong milya na ang layo niya dito at sa kapatid nito.Siguradong kapag nalaman ng mga ito na wala na siya ay mapapanatag na ang dalawa at hinding-hindi siya hahanapin dahil para sa mga ito ay wala
TAHIMIK NA INIABOT ni Rosemarie kay Salem ang halamang gamot, ito ang namumuno sa mga tagasilbi ng palasyo. Sa kusina man o paglilinis lalo na kapag tungkol sa hari at ang iinumin o kakainin nito."Gamot ito para sa pangangati. Ilaga mo at inumin ang katas bago ka matulog. Epektibo ito at siguradong mawawala ang pamumula sa iyong katawan."Napansin niya kasi na ilang araw ng masama ang pakiramdam nito. Hindi man sila naging malapit sa isa't-isa at halata ring hindi siya nito gusto, isa pa rin siyang manggagamot at iyon ang tungkulin niya."Iwasan mo din munang kumain ng pagkaing may hindi kaaya-ayang amoy at mga pagkaing hindi nakakaginhawa sa iyong kalusugan o panlasa."Kunot noong tinanggap naman nito iyon ngunit hindi naalis ang kasungitan ang paghihinala sa mukha nito. Kung nagulat man ay naglaho din iyon. Isang tango dito at agad na rin siyang bumalik sa kanyang ginagawa.Abala ang lahat ng umagang iyon para sa paghahanda ng isa sa mahalagang hapunan ng mga kabilang sa maharlikang
"SIGURADUHIN MONG MAIINOM iyan ng aking anak, Rosemarie."Puno ng pagtutol na nag-angat ng tingin si Rosemarie sa hari na ngayon ay nakatayo sa harap ng bintana at tinatanaw ang payapa at magandang tanawin sa labas."Ngunit, Kamahalan."Hanggang ngayon ay hindi pa maalis sa kanyang isipan ang naging reaksyon ni Antonius ng matapos ihayag ng hari kagabi na si Hawthorne ang magiging kapalit nito. Kabilang rin si Yovanna sa mga hindi natuwa doon.Punong-puno ng galit at poot na pinagduduro ni Antonius kagabi ang ama nito, hindi sinang-ayunan ang naging desisyon nito ngunit hindi naman tinanong kung bakit iyon ang naging desisyon ng hari.Sa totoo lang ay nahahabag din si Rosemarie sa anak ng hari ngunit hindi niya ito masisisi kung mas pinili nito si Hawthorne."Marami ang nakapagsabi sa akin na nahuhumaling sa 'yo ang aking anak at hindi ko siya masisisi dahil katangi-tangi naman talaga ang taglay mong kagandahan. Kung nagkaroon lang ako ng agam-agam tungkol sa pagiging manggagamot mo ay
MARAHANG KINUYOM NI Nina ang kanyang kamao. Hindi makatingin kay Hayes, nalilito at naguguluhan."So I poisoned him? I—I poisoned your cousin?"Oo nga at reincarnation lang siya ni Rosemarie pero sa katotohanang nagawa nito iyon ay hindi talaga siya makapaniwala. Based on Hayes' story about Rosemarie, how he described her, mukhang hindi ito makapapanakit ng tao. And she's a physician too."What happened after that? What did you do then?" Nina looked up at Hayes and she saw him intently staring at her."Nina—""Hayes." She stands up. "Please, just tell me everything.""It's late," huminga ito ng malalim. "Ihahatid na kita sa inyo. I will tell you everything but not now, you need to rest, Nina."Bumagsak ang balikat ni Nina at alam niyang hindi na niya mapipilit pa ang lalaki. Nauna na siyang lumabas ng function hall at hindi na hinintay si Hayes dahil kinausap pa nito ang mga empleyado ng hotel. Nasa harap na siya ng kanyang sasakyan ng makatanggap ng text mula kay Soleil.Nina greeted
WHEN HAYES' CAR stops in front of Nina, agad niyang binuksan ang pinto at sumakay doon habang buhat-buhat ang kanyang duffel bag. Samantalang si Hayes ay nakasunod lang ang tingin sa kaniya, kung naguguluhan at nagtataka man ay hindi na niya iyon pinansin pa.Nina gazed at her wristwatch. "Wow! It took you twenty minutes to get here since I texted you.""Something happened, Nina?""Nothing, Hayes." Nagkibit-balikat siya.Hindi siya naniniwalang wala itong alam sa nangyari sa kompanya o sa mga binabalak ng kanyang ama.At ngayong sigurado na si Nina na wala ng kakalaban sa kanyang kapangyarihan at magkukuwestyon sa kanyang pagkababae ay pansamantala niya munang ipinaubaya kay Soleil ang pamamahala sa kompanya habang inaalam niya ang katotohanan kay Hayes."I will give you maybe a week to tell me about everything. Every detail and you will not skip a thing about the past. So that's why I texted you to go here, Hayes, take me to a place where no one's gonna disturb us."Bahagyang namula a
DID HAYES REALLY hear Nina? Did he? Because based on his face and how he looks at her, yes he did but that's impossible, right? Maliban na lang kung mayroon itong superpower, iyong abilidad na makarinig ng tunog kahit sa malayong lugar.Well, Nina just wishes Hayes doesn't have that kind of power because if he does then she's screwed."M-May kailangan ka, Hayes?" Tanong niya, tila mas lalo pa siyang nagliliyab dahil sa uri ng titig nito.Yeah, she's really screwed."Dinners ready, Nina." Paos na sabi ni Hayes, hindi inaalis sa kanyang mga mata ang tingin nito.With his messy hair, sleepy eyes, terrifying gaze, and powerful aura. He can make everyone's knees weaken with that look. And when his eyes surveyed her body, that was when she became aware that she was only wearing a robe.Nina snapped back into reality.'Act natural, Nina. Just act natural.' Paulit-ulit niyang paalala sa kanyang sarili."Okay." She says while nodding her head as she simply hugs herself."Do you want to eat here
NINA SHUT HER eyes in anticipation as she felt Hayes' lips on her toe and slowly rising on her knee up to her legs and thighs leaving small and sweltering kisses on her skin.Natutop niya ang bibig para pigilan ang pag-alpas ng anumang ingay dahil sinipsip na nito ang balat sa loob ng kanyang hita, malapit na malapit lang sa kanyang pagkababae habang ang mga kamay naman nito ay parehong hinihimas ang binti niya.Hubo't hubad na siya at malamig din ang cabin dahil sa aircon kaya dapat lang na lamigin siya pero ang init lang ang mas nangingibabaw sa nararamdaman niya. Gusto niyang humiyaw, isigaw ang pangalan nito. Gusto niyang malaman nito na kung ano man ang ginagawa nito ay gustong-gusto niya iyon pero ni hindi niya magawang umungol dahil baka marinig sila ng mga nasa labas. But she didn't want him to stop.Nina's chest is heaving while her eyes are closed. Her hands mindlessly start sliding down her stomach to reach the thing between her legs, to release some tension and relief. But
HUMINGA NG MALALIM si Nina.Ayaw man niya pero nakaramdam siya ng pagkahabag sa mga pinagdaanan ni Rosemarie kahit sabihin pa na siya din iyon. Ilang beses pa ba siyang makakaranas ng pagdurusa?Para sa kanya ay nakakalungkot ng naging buhay niya. Noon man o kahit ngayon. At ayaw na niyang isipin pa ang mga naging buhay niya bago pa ang buhay niyang ito. Pakiramdam niya, tila siya isang patay na paulit-ulit pang pinapatay."Come." Hayes held Nina's hand and pulled her inside the library.Pagpasok do'n ay may bubungad agad na malaking mesa na may holographic map."This is the map of Mysticshire. The old Mysticshire. We called it Arlan and Ariston, two of the most powerful place back then along with Psicadiasis."He zoomed in on the holographic map and it showed a detailed castle that she's sure it's in Arlan. Ipinaikot ni Nina iyon hanggang sa tumigil sa Psicadiasis. She had one of their lessons about Psicadiasis when she was in college. Some students even wrote an essay and thesis abo
ANG ISANG DAMDAMIN kapag pinipigilan ay mas lalo lang sumisidhi, tila isa itong sikreto o katotohanan na kahit anong pilit ng sinuman na itago o labanan at pigilan ay siguradong lalabas at lalabas pa rin ito.Iyon ang napatunayan ni Rosemarie.At paano niya nagustuhan ang isang taong kinamumuhian niya ng sobra? Kahit anong gawin niya ay hindi din niya alam ang sagot sa katanungan na iyon.Nagtaka siya ng hindi gantihan ni Damascus ang kanyang ngiti, dati ay ito pa ang unang bumabati sa kanya. Ramdam din niya ang malamig nitong pakikitungo sa kanya samantalang si Greige naman ay hayagan ang ipinapakita nitong disgusto kanya na hindi niya alam kung bakit. Si Sergei lang ang hindi nagbago pero dati naman na itong tahimik.Mayroong pagpupulong ang mga ito at nagtataka man si Rosemarie kung bakit siya nando'n ay masaya pa rin siya na pinagkakatiwalaan siya ng hari."Naghanda ho ako ng tsaa at tinapay para sa inyo. Ang tsaa ay siguradong makakatulong sa inyong mabilis na metabolismo—""Wala
"HINDI NAGKATAON LANG ang pagkakakilala ko sa kanya. Siguradong pinagplanuhan niya ang lahat ng ito, Kamahalan." Galit na bigkas ni Damascus habang nakakuyom ang mga kamao nito. "Kasalanan ko ito. Ako ang dahilan kung bakit siya nakapasok ng palasyo. Hindi ako naging maingat, ni hindi ko inalam ang lahat ng tungkol sa kanya. Naging padalos-dalos ako at pinagkakatiwalaan ko siya.""Parehas silang taga-Psicadiasis, siguradong magkakuntsaba sila ng lalaking iyon. Iutos mo na ang pagdakip sa kanya, Kamahalan, habang wala pa siyang ginagawang hakbang para saktan ka." Suhestiyon naman ni Greige na halatang kaligtasan lang ni Hawthorne ang inaalala nito.Kanina pa nakatanaw sa kadiliman ng kalangitan si Hawthorne. Umaasang makakahanap doon ng kasagutan sa isang bagay na ilang araw ng bumabagabag sa kanya nang oras na mapagtanto niya ang lahat ng mga nangyari simula ng bumalik sila ng Arlan.Nakangiting nilingon niya ang mga ito. "Maari bang kapag tayo-tayo lang ay ituring n'yo ako na parang
NAPAATRAS SI ROSEMARIE nang makita na si Salem ang pumipigil sa kanyang balak na patayin ang hari. Isang malakas na sampal sa kanyang pisngi ay nabitawan niya ang hawak na patalim sa sobra pa ring gulat. Tila ba namanhid ang kanyang mukha at nabingi din siya dahil sa sobrang lakas no'n."Hindi ka ba talaga nag-iisip?" Pabulong na sigaw nito saka siya patulak na binitawan. "Hindi ba at binalaan na kita? Ilang beses pa ba dapat kitang pagsabihan bago ka magising sa katotohanan na hindi mo na maibabalik ang buhay ng iyong amain?""Nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang nasa katayuan ko.""Makinig ka sa akin." Madiin nitong hinawakan ang balikat niya. "Ang mga magulang ko hinatulan ng kamatayan ng bata pa ako. Si ama, pinagbintangan na pumatay sa isang maharlikang pamilya samantalang si ina naman ay pinagbintangan na magnanakaw. Para lang may makain kaming magkakapatid ay nagnakaw siya, para sa amin ngunit binawian pa rin ng buhay ang lahat ng mga kapatid ko. Ako lang ang natira at kahit k
"DINIG NINYO NA ba ang usap-usapan tungkol sa mahal na hari at kay Rosemarie?""Totoo ba talaga iyon?""Kung totoo ngang may pagtatangi ang kamahalan kay Rosemarie, paano na tayo? Paano na kung maging babae siya ng hari o 'di kaya ay maging reyna siya?""Kung magiging reyna nga si Rosemarie, hindi kaya gantihan niya tayo sa mga pang-aapi at pang-aabuso natin sa kanya? Naalala n'yo ba iyong sinandya natin na matapon ang kinakain niya?""Ikaw lang naman ang nagplano no'n tapos binuhusan mo pa siya ng tubig sa ulo niya kaya siguradong ikaw lang ang paparusahan niya. Tapos inutos-utusan mo pa siya, kahit ang mga nakatokang gawain mo ay ipinapagawa mo sa kanya."Iyon ang mga narinig ni Rosemarie sa kusina kaya hindi siya tuluyang pumasok dahil hindi niya alam kung saan nakukuha ng mga ito ang ganoong usapan.Ilang minuto pa ang pinalipas niya bago siya tahimik na pumasok at ng makita ng mga ito ay agad siyang nilapitan ng mga ito."Rosemarie, kami na ang magbubuhat at gagawa ng pag-iigib n
NAGKAKAGULO ANG MGA kasamahang manggagamot ni Rosemarie ng bumalik siya sa bahay pagamutan."Anong nangyari sa 'yo at basang-basa ka, Rosemarie?" Nakakunot ang noo at nagtatakang tanong ng kanilang pinuno ng makita siya. "Ikaw lang ba ang naglaba?"Binanlawan niya ulit ang mga nilabhan at siniguradong malinis ang mga iyon bago siya bumalik kaya hapon na no'n at wala na ring masyadong pasyente doon."Bakit wala ni isa man ang tumulong kay Rosemarie samantalang hindi naman ngayon ang araw ng kanyang paglalaba?"Natahimik naman ang ibang mga manggagamot, iniiwasan na mapatingin sa mga mata ng kanilang pinuno."Wala ho silang kasalanan." Pagpigil ni Rosemarie sa babae. "Ako ho mismo ang nagprisinta na maglaba.""Ganon ba? Pero kahit na, dapat lahat tayo dito ay nagtutulungan.""Ano ka ba, pinuno?" Nilapitan ito ng isa nilang kasamahan, hinawakan siya sa braso habang ang isang kamay nito ay may hawak na maganda at mamahalin na palamuti. "Natapos naman na ni Rosemarie ng maayos ang kanyang
NAIIRITANG TUMAYO SI Rosemarie, pinagpupulot ang mga damit saka inilagay sa batya pagkatapos ay binuhat iyon at nagmamadali siyang umalis doon kahit madulas at mabato ang ilog.Parang tila sa kumukulong tubig ang nararamdaman niya at kapag tuluyan ng umapaw ay talagang hindi na niya mapipigilan ang galit. Kinamumuhian niya ito at nasasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa nito. Sa ginawa nitong pagkuha sa kaisa-isang taong nagmahal sa kaniya ng lubusan at itinuring siya na anak.At mas nasasaktan siya dahil hindi niya masabi dito ang katotohanan. Wala itong kaalam-alam sa paghihinagpis at mga kalungkutan niya."Ano bang problema at nagkakaganyan ka?" Humarang si Hawthorne sa harapan ni Rosemarie.Ganon na lang ang pagpigil ng dalaga na huwag itong singhalan."Kamahalan, baka ho may makakita at makakilala sa inyo dito. Dapat ang mga kawal sa palasyo ang kasama ninyo at hindi ang isang hamak na tulad ko lang, makakasira ho iyon sa reputasyon n'yo at ayaw ko na hong pag-usapan ka pa ng iban
"HINDI MO NA ako kailangan pang iligtas. Bumalik ka na sa Psicadiasis at ipinapangako ko sa 'yo na babalik din ako don. Magkakasama ulit tayo."Iyon ang huling mga salitang sinabi ni Tariq kay Rosemarie. Ang kanyang amain, ang lalaking kinilala niyang ama simula ng nagkaisip siya ngunit sa isang iglap ay hindi na niya ito makakausap at makikita pa. Hinding-hindi na niya ito makakasama pa.Napaluhod siya at sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang luha habang kitang-kita niya ang paggulong ng ulo nito sa kalupaan at pagbagsak ng wala na nitong buhay na katawan.Alam ni Rosemarie na nakita siya ng amain dahil iniangat pa nito ang kamay sa kanya at nakuha pa nitong ngumiti bago ito tuluyang pugutan ng ulo ni Hawthorne.Nang wala ng natirang mga kawal, nang makaalis na sila Hawthorne ay doon lang inalis ng babae ang kamay sa kanyang bibig. Doon na lang din siya humagulgol at nagsisigaw. Pinagsusuntok niya ang lupa sa sobrang sakit at galit na nararamdaman, na para bang sa paraan na iyon ay mapap