Share

Chapter 144

Author: Shea.anne
last update Huling Na-update: 2025-02-10 23:14:48

"Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo."

Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita.

"Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."

Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.

Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.

At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo.

Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella.

"Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas."

"Hindi sapat 'yan."

Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 1

    Third Person's Point of View “Uy, ‘wag ngayon. Magiging ama ka na, pero hindi ka pa rin natatakot na hawakan ako sa pampublikong lugar, ah? Hindi ka ba nag-aalala na pagtawanan ka ng anak mo balang araw?”Ang malambing na tinig na narinig niya mula sa ilang metro ay labis na pamilyar kay Evan. Natigilan siya sa paglalakad dahil doon. Mag-isa lang siya ngayon na pumunta sa ospital para sa kanyang prenatal check-up. Nang tingnan niya ang sulok ng pasilyo, nanlaki ang kanyang mga mata sa dalawang bulto ng tao na halos magdikit na ang mga katawan.Isang hakbang na lang ang kailangang gawin ni Evan para tuluyang harapin ang katotohanan kung sino ang nakikita niya, ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon.Tumalikod na lang siya sa mga ito pero agad ding napatigil ng isang mas pamilyar pang boses ang narinig niya, tila anino itong sumusunod sa kanya. Ang tinig ay puno ng lambing at bahagyang pagkawili. “Anak natin, babe. Paano naman ako pagtatawanan ng anak natin? Alam niyang mahal n

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 2

    "A-ano ang sinabi mo?"Biglang nanlaki ang mga mata ni Evan habang nakatingin kay Dr. Bernard na balot ng pawis. Paano mangyayaring hindi anak ni Kenneth ang bata?"Patawarin mo ako, Evan," halos hindi makatingin si Dr. Bernard sa kanya dahil sa pag-usig sa kaniya ng konsensya. "Noong nagpunta ka sa akin para sa IVF, nakagawa ng malaking pagkakamali ang assistant doctor ko, ibang sperm test tube ang nagamit sa'yo Nang malaman ko ito, huli na ang lahat.""Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?""I'm sorry. I'm really sorry." Nagsimula nang lumuha si Dr. Bernard, nanginginig at hirap pang magsalita. "Alam mo ang sitwasyon ng pamilya ko, at ang ospital ay pag-aari ng pamilya Huete. Kung nalaman nilang nagkamali ako ng ganito kalaki, siguradong mawawalan ako ng trabaho. Baka pati pamilya ko ay madamay sa galit nila. Natakot lang ako, Evan. Patawad."Napalunok si Evan, tila naubusan ng sasabihin. Napakabigat ng rebelasyong ito, parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Hindi niya alam kung

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 3

    Hindi kalayuan sa likuran niya, bumaba si Kenneth mula sa kanyang mamahaling sasakyan. Agad nitong napansin ang malaking ibinagsak ng katawan ni Evan.Siguro nga, napakahaba ng limang taon. Bigla niyang naramdaman na ang pagitan nila ay tila langit at lupa na, isang distansya na mahirap ipaliwanag at piliting paglapitin.Hindi niya namalayan na nakakunot na pala ang kanyang noo. Iniunat niya ang kanyang kamay, nais abutin ang payat na balikat ng babae sa harap niya.Ano man ang nangyari limang taon na ang nakalipas, asawa niya pa rin si Evan Mae, kaya’t hindi niya rin matitiis na balewalain siya nito.Ngunit bago pa siya makalapit, biglang umatras si Evan, maingat na iniwasan ang kanyang hawak.Bahagyang nanginig ang mahahabang pilik-mata niya. Matapang niyang itinaas ang kanyang mga mata at pinilit titigan ang lalaking nasa harapan.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Sa lapit nilang iyon, hindi naitago ni Evan ang kirot na pilit niyang itinatago.Nanlamig ang pakiramdam ni Kenneth, para

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 4

    Nang makita ni Evan na malapit nang matumba ang batang lalaki, nagawa niyang mabilis na tumakbo at sinalo ang maliit na katawan nito sa kanyang mga bisig."Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"Sa malapitan, mas lalong naging kapansin-pansin ang maamo at gwapong mukha ng bata. Suot ang isang beige na suit, mukha siyang maliit na prinsipe mula sa isang fairytale.Ang batang lalaki na nasa bisig niya ay hindi man lang natakot o nahiya. Pinagmasdan siya nito gamit ang malaki at maaliwalas na mga mata. Makaraan ang ilang sandali ay ngumiti ito ng labas ang mga ngipin. "Okay lang po si Ashton. Thank you po sa pag-save pero lalaki po ako kaya hindi ako natatakot masaktan."Pagkatapos nitong sabihin ay inilingon niya ang kanyang ulo sa likod ni Evan, masayang kinausap nito ang nasa likod ng babae."Daddy, bleh pero naunahan ka ni magandang ate!"Ngumiti si Evan, ibinaba ang bata, at tumalikod upang tingnan ang tinutukoy nito. Hindi niya inaasahang makasalubong ang isang pares ng malalim na

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 5

    Sa loob ng silid,"Bakit, narito ka ba para magreklamo para sa anak mo?" agad nitong tanong."At kung oo?" nakataas na kilay na tanong."Nang niloko mo si Lola, inisip mo ba na darating ang araw na magkasama kami ng anak mo araw at gabi?" dagdag nitong tanong kay Kenneth."Evan, huwag mong sabihin na bibigyan kita ng pagkakataong saktan si Cheska. Pareho nating alam na hindi ka ganoong klaseng masamang tao." Malamig na ngumiti si Kenneth at walang bahid ng takot sa banta ni Evan."Gaano mo man ako kamuhian at si Ella, sa akin ka gumanti, kami ang diretsuhin mo hindi sa inosenteng bata." Diretsong sabi ni Kenneth kay Evan.Sigurado siya sa mga sinabi niya, at ang katiyakang iyon ay nagbigay ng matinding sakit sa puso ni Evan. Bigla siyang ngumiti nang mapait. Ano ito? Pinagtaksilan siya, sinaktan siya, at niloko siya, ngunit naniniwala pa rin ito na mabuti siyang tao. O baka naman dahil sobrang malambot ng puso niya noon kaya nagawa nina Ella at Kenneth na sirain ang buong buhay

    Huling Na-update : 2024-11-29
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 6

    Napakunot ang cute na mukha ni Ashton at tiningnan si Evan, na walang kaalam-alam sa nangyayari. Palihim siyang kumindat patungo sa direksyon ng hagdan at dahan-dahang itinulak si Evan papasok sa silid.“Alam ko. Nahihirapan ka Vanvan sa pagpili ng damit ng iyong susuotin, hindi ba?"Napakurap si Evan, litong-lito, at sinundan ang tingin ni Ashton papunta sa hagdan. Hindi lumipas ang isang minuto at bigla niya ring naintindihan ang lahat. Parang may bombilyang nagliwanag sa kanyang isipan. Hindi maipagkakailang sadya ngang konektado ang puso ng isang mag-ina.Kahit pa nga hindi karapat-dapat si Ella na tumapak sa lugar na ginagalawan niya ngayon, naroon pa rin at hindi siya patatahimikin ng anak nito. "Hmp!" matinis na boses ng isang batang babae mula sa itaas ang narinig nina Evan at Ashton.Si Cheska, na nagtatago sa hagdan at palihim na nagmamanman, ay napapadyak sa inis nang mapansin niyang natuklasan na siya sa kaniyang pinagtataguan. Agad siyang bumaba ng hagdan nang nagmamada

    Huling Na-update : 2024-12-01
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 7

    Hindi na siya nagulat sa pagiging successful ni Kevin. Sa totoo lang, sino mang nakakita kay Kevin ngayon nang personal ay hindi na rin magtataka sa tagumpay na tinatamasa ng lalaki Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit determinado itong iwan ang pamilyang kinalakihan, kung bakit ayaw nito sa pamilyang Huete ikinagulat niya lamang ay kung bakit siya determinado na iwan ang pamilyang Huete. Ngunit dahil dito, ang buong pamilya Huete, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, ay sinikap itong gawing lihim. "Grandma, huwag niyo pong pagalitan si Daddy," mahinang sabi ni Ashton, sabay ngiti nang matamis upang itago ang lungkot sa kanyang mga mata. "Sabi ni Daddy, may mahalagang ginagawa lang daw po si Mommy. Sigurado naman po akong mahal niya kami ni Daddy, at araw-araw siyang nagsisikap para makasama kami agad." Halata sa mata at boses ng bata ang pananabik para sa nanay na kailanman ay hindi niya pa nakakasama.Napabuntong-hininga na lang ang matandang babae, kahit gaano pa si

    Huling Na-update : 2024-12-01
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 8

    Nang matapos ang lahat ng paghahanda, nagsimula ng sakupin ng dilim ang langit. Bilang espesyal na taong personal na iniutos ni Kenneth, si Evan ang naatasan niya para asikasuhin ang pinakamahalagang bisita ngayong gabi. Sa entrada ng Angel Club, bumaba ng sasakyan si Evan at naglakad papasok, pilit binabalewala ang kirot sa kanyang bukong-bukong dahil sa suot na mataas na heels. Hindi na kasi siya sanay magsuot ng mga ganitong klase ng footwear.Ang in-apply na light makeup sa kaniya ay bahagyang nagtago ng kanyang panghihina at pagod. Ang kanyang mahaba at maluwag na nakatirintas na buhok, pati ang suot niyang off-shoulder na damit, ay nagbigay-diin sa kanyang kakaibang ganda at pagiging elegante. Ang ngiti sa gilid ng kanyang mga labi ay tamang-tama lamang, malaya at magaan. Sa ilang hakbang pa lamang, naging sentro na siya ng atensyon ng lahat ng naroon. Napahinto siya nang ang atensiyon ng mga tao ay napunta sa kaniyang likuran. Pinagkakaguluhan ng mga ito ang bagong dumating.

    Huling Na-update : 2024-12-01

Pinakabagong kabanata

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 144

    "Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 143

    Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 142

    Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 141

    "Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 140

    Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 139

    Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 138

    Gusto kitang patayin. Hulaan mo na lang kung ano ang gusto kong inumin."Habang nakatayo sa sala ay nilibot ni Evan ang paningin sa buong paligid. Mukhang napakahalaga ng tirahang ito kay Ella. Ang mainit na estilo ng probinsya ay nagbigay ng pakiramdam ng tahanan. Bagama’t hindi ito kasing engrande ng mansyon ng pamilya Huete, malinis at maaliwalas naman ito, eksaktong akma sa imahe ni Ella sa iba bilang isang banal na bulaklak.Ngumiti lamang si Ella, kunwaring hindi niya narinig ang sinabi ni Evan.Pumunta siya sa kusina at nagdala ng itim na tsaa. Kasabay nito, kinuha rin niya ang isang kutsilyong kumikislap sa lamig ng bakal at umupo sa sofa upang magbalat ng mansanas. Napatingin siya sa kanyang suot at agad na ibinaba ang kutsilyo, saka napangiti nang may kahihiyan. "Pasensya na, hindi ko alam na ikaw pala ang dumating. Akala ko kasi siya... Magpapalit lang muna ako ng damit. Alam mo na, medyo revealing lang itong suot ko."Sa sinabi niyang iyon, napansin ni Evan ang suot ni E

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 137

    "Ako pa ang naninira sa kanya? 'Wag mo akong patawanin, Kenneth. Alam kong alam mo kung anong mga kayang gawin ni Ella. Nagbubulagbulagan ka lang."Muling tumawa si Evan. Humakbang siya ng isang beses para mas malayo niya ang kanyang katawan niya sa isang hayop na nagkatawang tao. Nanginginig pa ang kanyang mga balikat dahil sa matinding emosyon. Isang ideya ang biglang pumasok sa kanyang isipan, kaya walang pag-aalinlangang sinabi niya ang laman ng kaniyang isipan. "Kenneth, kaya mo bang subukan natin siya?"Alam niyang imposibleng patunayan na may kinalaman si Ella sa pagdukot gamit lang ang isang text message.Pero kung mapipilit niya itong umamin mismo, mas magiging madali ang lahat."Ano ang balak mo?" Taas-noo si Kenneth habang tinitigan siya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla siyang nagbago ng isip at ngumiti. "Okay, sige, pero may kapalit."Kailanman ay hindi nag-atubili si Kenneth na ipakita ang kanyang malupit na ugali sa harapan ni Evan. Kaya naman sinulyapan s

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 136

    Para bang hindi lang isang simpleng mensahe ang natanggap ni Evan. Sa kanyang isipan, parang kusa itong umuukit sa kaniyang utak kahit hindi niya ito pakatandaan.Sa kanyang mga bangungot, sa mga sakit at pang-aabusong dinanas niya, palaging may isang lalaking may matang parang daga na nagsasalita sa kakila-kilabot na tono. Ang boses nito ay may kumpiyansa, tila siya na ang pinakamagaling sa mundo. Ang mga salita naman ay parang latay ng sinturon na nakatatak na sa kanyang isip, at kahit anong gawin niya, hindi niya ito matanggal.Biglang nanliit ang kanyang mga mata, nanginginig na tinitigan ang text message sa loob ng ilang segundo bago agad pinindot ang dial button gamit ang nanginginig niyang mga kamay.Kahit sigurado siyang si Mata ang nagpadala ng mensahe, gusto niya pa ring marinig mismo ang boses nito para makumpirma."The subscriber cannot be reached. Please try your call later."Sa tunog ng abalang linya, ibinalik niya ang tingin sa text message at muling pinagmasdan ang pan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status