I love gems, lovies. Baka naman makakabahagi from you po ✧˚ ༘ ⋆。♡˚
Handa na si Evan sa maaaring mangyari.Mabilis siyang humakbang palayo habang panay ang lingon, nag-aalalang baka biglang habulin siya ni Kenneth. Ngunit sa kanyang pagtingin pabalik, nakita lamang niya itong nakataas ang kilay at nakangit nang mapang-uyam sa kaniya.Walang bakas ng galit sa ngiting iyon, ngunit para kay Evan, may kakaibang babala itong dala. Isang dahilan para lalo siyang magmadali.Habang pinapanood niyang lumayo si Evan, dahan-dahang pumili si Kenneth ng numero mula sa kanyang address book. Sa isang mabilis na galaw ng daliri at tinawagan niya ang number na hinahanap niya.Bilang mag-asawa, alam ni Evan ang kanyang mga kahinaan, pero hindi lang ang babae ang may alas sa larong ito. Ganoon din naman siya, alam niya ang mga kahinaan ng babaeng napangasawa.Samantala, sa labas ng meeting room ay matagal nang naghihintay si Jaxon.Nang makitang lumabas si Evan, mabilis niyang sinenyasan ang mga security ng kumpanya na protektahan sa gulo si Evan. Nagawang pigilan ng
"Siya ang unang sumagot sa tawag, at simula noon ay hindi na siya tumigil sa pag-iyak," mahina ang boses ni Maris, kita sa kanyang mukha ang pag-aalangan. "Kung ayaw mo siyang kausapin, ayos lang. Naiintindihan ko naman... Alam kong may kasalanan rin si Ella sa’yo.""’Wag mo na pong isipin ‘yon," sagot ni Evan, pilit na pinapalakas ang sarili. "Bihira na lang rin akong umuwi, kaya siguro mas mabuting harapin ko na lang po ito nang personal."Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at pumasok.Kahit pilit ngumingiti sa ina, ang totoo niyan ay wala na siyang maramdaman kundi pamamanhid sa sakit.Sa loob ng sala, nakaupo si Anthony sa gitna, kitang-kita ang pagkainis sa mata nito. "Ikaw na mismo ang magsabi, paano mo balak ayusin ang tungkol kay Ella?""Ayusin?" Walang emosyon si Evan habang naupo sa tapat ng sofa. "Ano ba ang gusto niyang gawin ko? Gusto niyo bang gayahin ko siya?""Anong kalokohan ‘yan? Ibinigay ng kapatid mo kay Kenneth ang isang anak, si Cheska ay tunay na anak ni
Tahimik na ibinalik ni Evan ang tingin sa harapan. Naiiba siya sa mga taong nagtatakbuhan para hindi mabasa ng ulan. Dahan-dahan siyang naglakad sa lansangan ng walang direksyon.Hindi niya namalayang naglakad na pala siya sa kung saan, hanggang sa bumungad sa kanyang paningin ang isang pamilyar na tanawin.Hindi kalayuan, sa kadiliman ng gabi, tahimik na nakatayo ang villa ni Kevin. Ang liwanag mula sa crystal na chandelier nito ay bahagyang tumatama sa kanyang mga paa.Mahigpit niyang hinawakan ang maliit na piraso ng mooncake sa kanyang palad. Hindi niya alam kung bakit siya napadpad dito. Parang isang tao lang siyang naglalakad habang nananaginip kanina. Marahil, sa kaibuturan ng kanyang isipan, ito na lang ang tanging lugar kung saan siya maaaring huminga at pansamantalang makaramdam ng kapayapaan.Napangiti siya ng mapait at umatras ng isang hakbang para magtatago sa likod ng mga halaman.Pinagtawanan niya ang kaniyang sarili, ang sarili niyang kahinaan.Hindi ba't napagdesisyo
Sa ilalim ng mainit at malinaw na ilaw, ilang komiks ang nakakalat sa isang parte ng silid. Ang kabuuan naman ng kwarto ay may estilo na tiyak na kaaya-aya, simple ito pero kumportable. Sa isang sulok naman nakatayo ang isang mamahaling telescope. Ang buong attic ay gawa sa salamin, kaya kung maaliwalas ang gabi, makikita ang kalangitang puno ng bituin sa pamamagitan lamang ng paghawi sa kurtina nito. Iyon lang, sayang at malakas ang ulan ngayon. Sinasabayan pa ng kulog ang bawat pagtama ng patak ng ulan sa salamin na lalong nagpapalalim sa pakiramdam ng pag-iisa ni Evan. At ang mas masama doon? Mukhang wala si Kevin sa mood makipag-usap. Tahimik siyang naglalaro ng baso ng alak, waring hindi alintana ang presensya ni Evan. Habang pumapatak ang segundo, tila mas lumalawak ang katahimikan sa pagitan nila. Paminsan-minsan, palihim siyang sumusulyap kay Kevin, ngunit sa huli, napilitan siyang kunin ang maliit na mooncake at itinulak iyon palapit sa kanya. Sa sandaling iyon, na
Sandali siyang natahimik, saka pilit na ngumiti at nagkunwaring walang pakialam. "Sa totoo lang, hindi ako gusto ng pamilyang 'yon... at hindi ko na rin sila gusto." Kahit anong damdamin, kapag nagbigay ka, natural lang na umaasa kang may matatanggap kang kapalit. Sa loob ng maraming taon, ginawa niya ang lahat upang maging mabuting anak at mabuting kapatid, ngunit hindi kailanman naging patas ang kanyang ibinibigay at natanggap mula sa mga ito. Tahimik siyang tinitigan ni Kevin, saka kumuha ng isa pang baso, pinuno ito ng whisky, at marahang inilapag sa harapan niya. "Evan, there are things that we can't force ourselves into. Don't take it too much." "Oo nga." Napasinghap si Evan, at hindi niya namalayang garalgal na ang kanyang boses. Ibinaba niya ang ulo sa bandang sahig, parang batang nahuli sa maling gawain. Kinuha niya ang baso ng matapang na alak at ininom ito sa isang lagukan. Hindi na siya muling tiningnan ni Kevin, sa halip, nilagay niya ang butones sa isa s
Kung sakaling nagkabaliktad ang sutwasyon at siya ang dahilan kung bakit nakulong si Kenneth na tuluyang sumira ng buhay nito, marahil ay may katuwiran ang lahat ng ginagawa ng lalaki ngayon.Pero wala naman siyang kasalanan.Dahil lang sa minahal niya ito noon, ang naging kapalit ay ang maiwan at masaktan nang ganito.Bahagyang nanigas ang mga daliri ni Kenneth na mahigpit na nakahawak sa kanyang kwelyo. Pero makalipas ang ilang sandali, tila walang nangyari. Isang malamlam na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi, at ang kanyang tinig ay banayad na tila bulong ng isang nagmamahal."Hindi mo na ako mahal... Hindi pa ba iyon hindi patas parusa sa akin?"Sa mundong ito, napapaisip na lang si Evan kung mayroon bang pag-ibig na purong walang kapalit at panghabambuhay?"Kenneth, kung handang magpakamatay ni Ella para manatili ka sa kanya, hindi ko na kasalana 'yon."Natatawa si Evan sa walang kwentang katwiran ng lalaki.Tumingin siya pababa sa mga daliri nito, isa-isang inalis ang pagkak
Napatigil si Stephanie sa sinabi ni Evan. Napalunok siya at di-sinasadyang iniwas ang tingin.Matagal siyang nanirahan sa ibang bansa, kaya ngayon lang niya nakita si Evan na ganito. Lubhang kalmado, matibay, at matalas ang isipan.Nagdulot ito ng di maipaliwanag na kaba sa kanya. Ngunit sa halip na umatras, lalo siyang nagalit at naasiwa. Imbes na huminto, mas lalo niyang sinugod si Evan. Ni hindi man lang niya napansin si Ashton, na patakbong bumalik dala ang tray."Auntie, huwag mo pong saktan si Vanvan!"Mabilis na inilapag ni Ashton ang tray, sabay takbo sa gilid ni Stephanie. Hinila niya ang laylayan ng damit nito habang nakakunot ang noo.Sa paningin ng bata, napakabait at kaaya-aya ni Vanvan. Kaya ano ang magiging laban nito sa mataray na Auntie niya?Bilang isang mabuting lalaki, ayaw niyang manood na lang tulad ng ginagawa ng Kuya Kenneth niya. Kailangan niyang protektahan si Vanvan!Ngunit hindi pinansin ni Stephanie ang pakiusap ng bata.Sa halip, ibinuhos niya ang galit
Hindi kailanman ipinapakita ni Ashton ang kanyang emosyon.Hangga't hindi malubha ang isang sugat, karaniwan niyang hindi ito binibigyang pansin.Bukod pa roon, mahusay siyang binabantayan ng kanyang mga bodyguard, bihira siyang masaktan at lalo na, hindi niya kailanman nagamit ang pagkakataong iyon para subukin kung gaano siya kahalaga sa kanyang ama.Kaya naman, nang makita ni Ashton si Evan na hindi alam ang gagawin para sa kanya, hindi niya mapigilang mapangiti nang palihim. Kahit alam niyang hindi tama ang ganoong pag-iisip.Sa wakas, naalala ni Evan si Jaxon at mabilis na kinuha ang cellphone niya para tawagan si Kevin.Pagkasagot pa lang ng tawag, hindi na siya makapaghintay na mag-hello ang nasa kabilang linya."Sir Jaxon, ako si—"Sa opisina ng Huete Group, sandaling tumigil sa pagsusulat si Kevin. Bahagyang sumingkit ang kanyang mga mata, saka malamig na nagsalita."Evan, si Kevin ito."Biglang bumagsak ang balikat ni Evan sa panghihinayang.Sa sampung beses na pagtawag niy
chapter 175Kabanata 175: Kasinungalingang Sabihing Hindi Ako NatatakotAng kamao niyang nakababa sa gilid ay mahigpit na nakasara, at maririnig ang tunog ng kanyang mga daliri na kumakaluskos sa lakas ng pagkakakuyom. Sa huli, hindi na nakapigil si Kenneth. Itinaas niya ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan ang pulso ni Evan. Napakahigpit ng kanyang pagkakahawak na para bang gusto niya itong sakalin sa mismong sandaling iyon."Evan, huwag mong isipin na kayang protektahan ka ni Chris. Ano bang karapatan mo para magsalita sa akin nang ganito?""Tama ka. Wala akong karapatang protektahan ako ng kahit sino." Mataas na itinaas ni Evan ang kanyang baba, bakas sa kanyang mga mata ang mapait na pangungutya sa sarili. Sa malungkot na tinig ay sinabi niya, "Mali ako noon nang mahalin kita. Ang lahat ng nangyayari ngayon, pati na ang nakaraang limang taon, ay parusa sa mga kasalanan ko. Tinatanggap ko na iyon. Pakisuyo, ipagawa mo na agad ang kasunduan sa diborsyo. Sabihin mo na kahit ano
Samantala, sa opisina ng pangulo ng Huete Group, paulit-ulit na tinitingnan ni Jaxon ang kanyang cellphone bago tuluyang nagdesisyong humingi ng pahintulot na umalis."Second Master, may kailangan lang po akong asikasuhin. Puwede po bang lumiban ako nang maaga ngayong araw?""Makikipagkita ka ba sa girlfriend mo?" Taas-kilay na tanong ni Kevin na may nakangiting pagtanggi. "Pag-usapan natin 'yan pagkatapos ng trabaho.""Hindi po." Nag-atubili si Jaxon sandali ngunit sa huli ay binanggit ang pangalan ni Evan. "Magbubukas po bukas ng alas-nwebe ng umaga ang studio ni Miss Evan, at inimbitahan niya ako ngayong gabi para makisaya."Mula nang mangyari ang insidente sa ospital, nagpalitan ng numero ng cellphone sina Evan at Jaxon, kaya’t maaari na silang mag-usap nang hindi na dumadaan kay Kevin.Tiningnan ni Kevin ang kanyang tahimik na cellphone, bahagyang nanliit ang kanyang mga mata na tila may iniisip. Mahirap hulaan kung ano talaga ang kanyang nararamdaman."Hulaan mo," sabi ni Kevin.
Noong panahong iyon, iniisip na talaga ni Evan ang magpakamatay. Lahat ng may kinalaman kay Huete Beicheng ay iniiwasan niya, at wala siyang balak makipagkita sa isang psychologist.Kahit hindi naman niya kasalanan, hindi niya talaga alam ang nangyari.Nagulat ang lalaki nang makita niyang tanggapin ni Evan ang responsibilidad. Nanlaki nang bahagya ang kanyang singkit na mga mata, pero agad din itong bumalik sa dati at ngumisi nang may pang-aasar."Ganito ba talaga ka-plastik ang mga mayayaman?""Bahala ka na sa iniisip mo." Alam ni Evan kung ano ang tingin sa kanya ng lalaki, kaya hindi na siya nakipagtalo. Kinuha niya ang isang papel, isinulat ang kanyang numero, at iniabot ito sa lalaki."Gusto mo ring matulungan ang babaeng iyon, di ba? Anuman ang plano mo, handa akong akuin ang kalahati."Hindi ito kinuha ng lalaki. Tinitigan siya nito nang malalim at lumakad palayo."Mrs. Huete, huwag mong isipin na pera ang solusyon sa lahat."Nang makaalis ang lalaki, kinuyom ni Evan ang pape
"Kung mag-isa lang ako, baka hindi ko kinaya." Hindi itinanggi ni Evan. Bahagyang nanginig ang mahahaba niyang pilikmata, tinatago ang libu-libong iniisip sa likod ng kanyang mga pagiging matatag. Sa huli, lumabas ang isang kalmado at mahinahong ngiti sa kanyang mga labi."Hindi tulad noong limang taon na ang nakalipas, hindi na ako mag-isa ngayon, Teacher."Nakatatak pa rin sa kanyang dugo at buto ang mga peklat na iyon, at gabi-gabi itong lumilitaw sa kanyang mga panaginip.Ayaw na niyang balikan ang nakaraan, pero mas ayaw niyang sayangin ang kanyang buhay dahil dito.Bahagyang kumirot ang puso ni Chris. Napatigil siya at nag-isip saglit."Hindi ka ba nagsisisi?""Bakit ako magsisisi?" Ngumiti si Evan, bahagyang itinaas ang kanyang baba at kumindat nang masigla sa kanya."Ginawa nila ang lahat para siraan ako, pero ginamit ko rin sila minsan. Kaya, patas lang kami.""Evan, ikaw talaga..." Kumplikado ang ekspresyon ni Chris. Matagal siyang tahimik bago ngumiti nang may halong pag
Sa sofa, tahimik na tinitigan ni Evan si Chris na mukhang masaya. May iniisip siya, kaya nagtanong, "Teach– I mean, Chris, ano ba ang pinagkakaabalahan mo?""Ah, may ilang bagong disenyo ng alahas na ilulunsad sa summer season. Excited na ako dahil pinapadala nila sa akin ang mga guhit para suriin ko," sagot nito habang mabilis na pinindot ang enter key sa kanyang laptop.Pagkatapos, itinukod ni Chris ang siko sa lamesa at tiningala siya. Bahagyang umalon pa ang kanyang chestnut-colored na buhok sa kanyang paggalaw, lalong nagpatingkad tuloy ito sa malambot nitong anyo."Hindi ito magiging maayos kung wala ako. Ang dami kong nakikitang mali sa mga disenyo! Tignan mo, napabayaan mo na ang ating munting Evan. Pasensya na, mahal kong apprentice, nalulungkot ka ba? Pakiramdam mo ba nag-iisa ka?"Napatitig si Evan sa isang hibla ng buhok nito, at sandaling nag-isip. Maraming salita ang pumasok sa isip niya, pero sa huli, kinagat niya ang labi at mapait na ngumiti. "Chris, salamat sa lah
Bago pa man matapos ang handaan sa kaarawan, nagmadaling lumapit ang mga pangunahing shareholder upang alamin ang kalagayan ni Kevin. Nang malaman nilang may koneksyon si Ella kay Mrs. Alejandrino, agad silang lumapit kay Kenneth at pinuri siya. Ito ang nag-iisang dahilan kung bakit pumayag si Kenneth sa hiling ni Stephanie na ipakita sa publiko ang matamis nilang ugnayan ni Ella.Bukod sa reaksyon ng mga tao sa internet, lahat ng nangyari ay ayon sa kanyang plano.Nanalo siya nang malaki, kahit ang pagkatalo niya sa appointment meeting ay nabaligtad matapos niyang ikalat ang masamang relasyon nila ni Evan. Ngunit sa kabila ng lahat, bakit pakiramdam niya ay may malaking butas sa kanyang dibdib? Parang may kulang, at hindi siya makatawa nang totoo.Samantala, biglang nagbago ang takbo ng opinyon sa internet.Hindi alam kung kailan nagsimula, ngunit sa gitna ng mga negatibong komento, may ilang kakaibang account na lumitaw. Mabilis silang napansin ng mga netizen na masigasig sa pangh
"Kahit isa siyang Cinderella, baka naman isa siyang babaeng may kakaibang galing kaya nakuha niya ang puso ni Kevin Huete.""Seryoso ba talaga 'to? Parang wala nang naniniwala sa tunay na pag-ibig ngayon.""Huwag kayong magpatawa, may nabasa akong tsismis sa ibang link. Ang babaeng kasama ni Kevin Huete sa party ay hindi siya! Yung isa ang bagay talaga sa kanya, alam niyo na."Habang binabasa ito, biglang may tumawag kay Evan.Tiningnan niya ang caller ID at napangiti ng mapait bago sinagot ang tawag."Teacher, mas magaan na ba ang pakiramdam mo ngayon?""Huwag kang mag-alala, ayos lang ako." Sagot ni Chris na tila walang pakialam. "Evan, kung wala kang ginagawa, puntahan mo naman ang Beredo Apartment at tingnan mo kung tapos na ang pag-aayos sa studio natin. Unit 666 sa ika-12 palapag. Ang code sa pinto ay 09763.""Sige, pupunta ako ngayon." Sagot ni Evan, ngunit sandaling natigilan. Alam niyang nag-aalala lang si Chris para sa kanya kaya idinagdag niya, "Teacher, ayos lang ako."Ba
"Kahit isa siyang Cinderella, baka naman isa siyang babaeng may kakaibang galing kaya nakuha niya ang puso ni Li Shao.""Seryoso ba talaga 'to? Parang wala nang naniniwala sa tunay na pag-ibig ngayon.""Huwag kayong magpatawa, may nabasa akong tsismis sa ibang link. Ang babaeng kasama ni Li Shao sa party ay hindi siya! Yung isa ang bagay talaga sa kanya, alam niyo na."Habang binabasa ito, biglang may tumawag kay Evan.Tiningnan niya ang caller ID at napangiti ng mapait bago sinagot ang tawag."Teacher, mas magaan na ba ang pakiramdam niyo?""Huwag kang mag-alala, ayos lang ako." Sagot ni Chris na tila walang pakialam. "Xiao Evan, kung wala kang ginagawa, puntahan mo naman ang Jiaxing Apartment at tingnan kung tapos na ang pag-aayos sa studio natin. Unit 666 sa ika-12 palapag. Ang code sa pinto ay 09763.""Sige, pupunta ako ngayon." Sagot ni Evan, ngunit sandaling natigilan. Alam niyang nag-aalala lang si Chris para sa kanya kaya idinagdag niya, "Teacher, ayos lang ako."Bago ibaba an
Siyempre, mas maagang makapagsimula ang treatment to cude, mas mabuti. Sa yaman ng kanyang Uncle, tiyak nakapagpakonsulta na ito sa mga dalubhasa mula sa malalaking ospital, lokal man o internasyonal. Ngunit sa kasamaang-palad, tila hindi naging maganda ang epekto ng gamot at rehab kay Kevin. Pati nga si Jaxon ay umamin na rin na wala na siyang magagawa pa.Sa ganitong sitwasyon, wala na talagang ibang pagpipilian kundi subukan ang ibang paraan. Evan is doing everything, baka sakaling may mahanap na mabisang lunas mula sa tradisyunal na medisina.Dahil sa napakalaking halagang inialok niya bilang pabuya, agad siyang nakatanggap ng pribadong mensahe sa kaniyang prompt."Ayon sa iyong hinihiling, wala kaming maitutulong pagdating sa Western medicine. Pero kung hindi mo alintana ang Chinese medicine, may maipapakilala kaming isang matandang doktor na matagal nang nagretiro. Noong kabataan niya, isa siyang kilalang dalubhasa sa Chinese medicine. Ngayon, tanging ang address na lang niya