”Pangalawa ang Westpraise Group, na may hawak ng twenty-two percent ng sales channels at pangatlo ang Uniqpeace Enterprises na mayroong fourteen percent… Ang natitirang twenty percent ay hawal ng ilang small- to medium sized na distributor at agents…” Mahusay na pinaliwanag ni Ariel habang naka-hover ang cursor sa screen at pumipindot ng sa ilang grupo ng data.Bilang manufacturer, kailangan ng Elegante Group ng mga distributor na bahala sa wholesaling, promotions at iba ibang integrasyon ng resources bago makarating ang mga produkto sa merkado.Samakatuwid ang distributor ay mahalagang koneksyon, at mayroong dalawa posibleng sales route para sa Elegante Group.Ang una ay makipag-kooperate sa tatlong pangunahing distributors, ngunit ang tatlong pangunahing distributor ay magkakatunggali, ang Elegante Group ay maari lamang pumili sa isa sa kanila para sa kooperasyon.Ang pangalawang route ay makipag-kooperate sa mga small- at medium-sized na distributor at agents. Marami sila at me
Ngunit, may napansin si Leon na kakaiba.“Iri— I mean, Miss Young… Ang Wick Group ang nangunguna pagdating sa shares ng sales channel bakit hindi natin ikunsidera ang kooperasyon sa kanila” Nagtatakang tanong ni Leon. Parang narinig niya na Wick Group dati, ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito narinig o kailan.Pagkatapos magtanong ni Leon, tumahimik ang buong conference room.Binaling ng lahat ang kanilang atensyon sa kanya at tinignan siya ng kakaiba na parang tumitingin sa isang tanga.“Mukhang wala kang pinagaralan bago pumunta dito, Mister Wolf. Paanong hindi mo alam ang pinaka-basic na kaalaman?” nangaasar na ngiti ang lumabas sa mukha ni Michael.“Basic na kaalaman? Tungkol saan?” naguguluhan si Leon.“Pinapahiya mo ang sarili mo Leon! Ako na magsasabi sayo!” galit na tinitigan ni Ariel si Leon at sinabi, “Ang lahat sales channels ng Wick Group pagdating sa cosmetics ay high-end at luxury good! Maraming kilalang pangalan sa mundo ng cosmetics at luxury goods ay
Pagkatapos niyang lumabas ng conference room, huminga siyang malalim at kinalma niya ang kanyang sarili bago sinagot ang tawag.“Hello, Si Mister Leon Wolf ba itong kausap ko? Si Bernard Wick ito. Naaalala mo pa ba ako?” Ang unang narinig ni Leon ay ang malakas na halakhak ni Bernard.“Ah ikaw pala, Elder Wick. May maitutulong ba ako sa inyo?”Agad na naalala ni Leon na si Bernard ang matandang ginoo na kanyang ginamot sa park noong nakaraang umaga.“Hindi ko kasi alam kung paano kita mababayaran sa pagligtas mo sa aking buhay, kaya naisip ko na ayain kang kumain sa labas bilang tanda ng aking pasasalamat. Kailan ka pwede?” nakangiting tanong ni Bernard.“Okay lang, Elder Wick. Ginawa ko lang naman iyon dahil nandoon ako, hindi niyo kailangang maging magalang” agad na sinabi ni Leon.“Hindi ko magagawa iyon! Hindi mo na nga tinanggap ang bayad ko sa paggamot mo sa akin, Hindi mapapalagay ang loob ko kung hindi kita ililibre kahit pagkain lang” Pinilit ni Bernard at maririnig mo
“Hindi na nahiya!” ngumisi si Michael.Hindi siya pinansin ni Leon, at mabilis na naglakad sa papunta sa tabi ni Iris at tuwang-tuwa na sinabi “May maganda akong balita na sasabihin, Miss Young. Posible na ang kooperasyon sa Wick Group. Naisara ko na ang deal sa— ”“Bobo ka ba, Mister wolf?” ginambala siya ni Michael bago pa makapagtapos ng pagsasalita si Leon, “Nilinaw na ni Miss Summers sayo kanina na hindi kwalipikado ang kumpanya natin para makipag-kooperasyon sa kanila. Hindi sila interesado sa ating alok! May alzheimer ka ba? O kapareho ng goldfish ang memorya mo?” tumawa ng may pangungutya si Michael kay Leon.Halos pareho ang reaksyon ng mga tao at iniisip nila kung sinasadyang manggulo ni Leon!“Tumahimik ka!”Tinignan ni Leon ng masama si Michael. “Sino nagsabi sayong hindi makikipag-kooperasyon satin ang Wick Group? Kakakuha ko lang ng tawag mula sa kanilang chairman at nagkasundo kaming pumirma ng kontrata mamayang gabi!”“ANO?! Yung tawag na nakuha mo ay galing sa ch
Hindi nagmamadali si Leon na patunayan ang kanyang sarili, Kapag nakuha na niya ang deal at napirmahan na ang kontrata mamayang gabi, wala ng dahilan para hindi siya paniwalaan ni Iris.Gamit ang pagiisip na iyon, nagkaron ng ideya si Leon at binago niya ang kanyang mga salita, “Ang punto ko ay dapat sikapin ng kumpanya na makipag-kooperate sa Wick Group. Ito ang pinakamaganda nating pagpipilian sa ngayon! ”“Katawa-tawa at hindi makatotohanan!” hinampas ni Michael ang kanyang mga kamay sa lamesa at tumayo. Ginawa ng tanga ni Leon ang kanyang sarili kanina, kaya hindi niya na ito kinutya. Sa halip, sinabi niya ang kanyang pananaw “Miss Young, bilang sales director ng kumpanya, responsibilidad ko ang lahat ng problema pagdating sa sales! Tingin ko dapat nating ipagpatuloy ang kooperasyon sa Westpraise Group at imungkahi na magkaron ng negosasyon at sikapin na bawasan ang kanilang hinihiling na kita ng five percent.”Nagpatuloy siya “At saka, pwede tayong tumuloy sa pangalawang sales
“Ikaw…. ay girlfriend ni Leon? Totoo ba ito?” Dahil sa pagkagulat naiwan ni Iris ang kanyang bibig na nakabukas. Naalala niya na hindi gusto ni Ariel si Leon ng magkita sila nakaraang dalawang araw, at tinawag niya pa itong bading.Hindi niya inasahan na magkakalapit si Leon at Ariel sa loob lamang ng dalawang araw, at ang kamanghamangha ay ang relasyon nila ay umusad ng napakabilis!“Hindi niya ako girlfriend…” tinignan ng masama ni Ariel si Iris at nagalit, inisip niya sa kanyang sarili “Dahil ito sa pagsalo ko sayo matapos mong tanggalin si Joseph!”“H-h-hindi, Hindi ko siya girlfriend, Iri— Uhhh… Miss Young. Walang nangyayari sa aming dalawa, maniwala ka sakin!”Winagayway ni Leon ang kanyang kamay ng paulit-ulit para ipakitang totoo ang kanyang sinasabi at ayaw niyang maging mali ang pagkakaunawa ni Iris sa kanyang relasyon kay Ariel.“Ikaw…” galit na galit si Ariel dahil hindi niya maintindihan kung anong gustong iparating ni Leon sa kanyang mga galaw. Tila nagmamadali siyan
Naging matatag si Michael sa pananalig niya, hindi dahil gusto niyang labanan si Ariel, kundi dahil nilalabanan niya si Leon!“Magandang ideya ito!”“Kailangan ng pasensya kung gusto natin umusad. Dapat tayong manatili na stable bago tayo sumulong sa merkado…”Maraming mga conservative na senior executive ay nagbigay ng suporta nila.“Hindi, walang punto na idelay natin ito ng isang taon! Nakipagkasundo ang kumpanya natin sa kanila ngayon, ang balanse ng kapangyarihan ay mapupunta sa kamay ng Westpraise Group. Magiging mas mahirap sa atin na sumulong sa susunod na hakbang!” Ang sabi ni Ariel.Dahil magkaiba sila ng opinyon ni Michael, ang mga radical at conservative ay nagtalo, at wala sa kanila ang sumusuko.“Sige na. Tumahimik kayong lahat!” Tinapik ni Iris ang mesa, sumenyas siya na tumahimik ang lahat.“Dahil may dalawang magkaibang pananaw, hahayaan ko na kumilos ang magkabilang panig sa kanilang mga mungkahi. Si Mister Duvall ang mamumuno sa pag negotiate sa Westpraise Gro
“Gusto mo lang gumawa ng eksena!” Tumingin ng hindi natutuwa si Iris kay Leon. Sa tingin niya ay hindi kaya ni Leon na makakuha ng kontrata mula sa Wick Group, at iniisip niya kung kaya niyang sisantihin sa kumpanya si Leon kapag nabigo ito.“Ang punto ay, nauubusan na tayo ng oras. Makikipag negotiate si Miss Summers at Mister Wolf sa Wick Group. Kapag hindi niyo nakuha ang rights para makipag cooperate sa kanila sa loob ng dalawang araw, susundin natin ang plano ni Mister Duvall!” Ang huling desisyon ni Iris.Alam ni Iris na magiging mahirap para magkaroon ng partnership sa Wick Group, kaya nilagay niya ang pag asa niya kay Airel dahil hindi siya umaasa na makakatulong si Leon!“Umaasa akong makita na sisante ka na sa loob ng dalawang araw, Mister Wolf!” Ngumiti ng mayabang si Michael habang nasa imahinasyon niya na inaapakan niya ang ulo ni Leon.Umiling ang senior executives sa pagkadismaya at tumingin sila ng nanunuya kay Leon. Walang kahit sino ang umaasa na mananalo si Leon!