Share

Kabanata 403

Author: Dragonsky
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Alam ni Leon na ayaw sa kanya ni Gilbert sa simula pa lang, ngunit kailangan niya ng apruba ni Gilbert kung gusto niyang manatiling maging kasintahan ni Iris, at ang pagtakas dito ay hindi mareresolba ang problema.

Nagdesisyon siya na gawin ang lahat ng makakaya niya para kay Iris.

Ang dalawa ay dumating sa isang tahimik na sulok sa labas ng hall at pinigilan siya ni Gilbert nang makumpirma na wala nang ibang tao sa paligid nila.

“Mr. Young, ano ang kailangan nating pag usapan?” Ang tanong ni Leon.

“Leon, dumiretso na tayo sa punto! Wala akong pakialam kung bakit ka lumalapit kay Iris, pero ito ang payo ko: Lumayo ka sa kanya, kung hindi ay mahaharap mo ang kahihinatnan!” Ang babala ni Gilbert.

“Mr. Young, mali ang pagka intindi niyo. Wala akong ibang motibo,” Ang tapat na sinabi ni Leon, ngunit agad siyang siningitan ni Gilbert.

“Tama na ang pagpapanggap! Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang presyo mo para umalis ka na sa tabi ni Iris!” Ang sigaw ni Gilbert.

“Mr. Young, hind
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 404

    Gayunpaman, tumigil siya sa huling sandali nang maalala niya ang mga salita ng tatay niya.Niligtas ni Leon si Iris at Elder Young noon at hindi mababayaran ni Gilbert ang utang na loob kapag pinatay niya si Leon.“Leon, bibigyan kita ng isang linggo para pag isipan ito. Maging ang pera o kahit anong gusto mo, bigyan mo lang ito ng presyo, pero dapat kang umalis, kung hindi ay hindi ako magpapakita ng awa!” Suminghal si Gilbert, bago siya umalis ng hindi man lang binibigyan ng pagkakataon si Leon na sumagot.Kahit na hindi niya kayang harapin ng direkta si Leon, ang impluwensya ng pamilya Young ay malaki at marami siyang paraan para tanggalin si Leon mula sa tabi ni Iris.‘Matalinong bata siya,’ Ang naisip ni Gilbert, ‘Malalaman niya kung ano ang kailangan niyang gawin sa huli!’Pinagpawisan si Leon habang pinanood niya na umalis si Gilbert mula sa distansya, natatakot na baka umatake si Gilbert. Kapag nawalan ng kontrol si Gilbert, magiging malubha ang pinsala kahit na makaligtas

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 405

    Ang calculation ay hindi kasama ang potential loss ng sangkap habang nasa manufacturing process at ang oras at pagsisikap para kunin ni Leon ang mga pills.Ang Cynthion Group ay hindi rin nagbigay ng mas mataas na presyo bilang pagpapakita ng kanilang sinseridad.“Bukod pa dito, ang mga pills na ito ang unang mga produkto na ilalabas namin at ang second batch ay kailangan ng oras para maproduce. May limitadog supply ng Energy Nurturing Pills na nasa ten thousand pills na total. Bumili na kayo sa madaling panahon habang mayroon pang stock!” Ang sabi ni Cynthia.“Sino ang nakakaalam kung gumagana ang pills?”“Tama. Sinasabi niyo lang na gagana ito at hindi namin alam kung ito ang katotohanan!”Nagkagulo ang mga madla pagkatapos ipakilala ni Cynthia ang mga produkto.Kahit na ang mga presyo para sa Energy Nurturing Pills ay affordable, ang karamihan sa mga bisita ay hirap maniwala sa sinasabing epekto ng pills at ang bilang mga makapangyarihang tao sa Springfield City, hindi nila ga

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 406

    Kung mayroon lang na two hundred pills, ang bawat tao ay mabibigyan ng portion na walo hanggang sampung pills.“Paano kung ganito, Ms. Shear, dahil kilala natin ang isa’t isa, bakit hindi mo ako bigyan ng eksepsyon at magbenta ka ng isang libo sa akin? Ayos lang ba ito?” Ang sabi ni Fane, bago siya tumingin kay Leon, inaasahan na ang pagkakaibigan nila ni Leon ay magbibigay sa kanya ng mas magandang kompromiso.Kinalaban niya sina Anson at Jacob sa bahay ni Xander para tulungan si Leon. Alam ni Cynthia na sina Leon at Fane ay magkaibigan at napatingin siya kay Leon para humingi ng apruba. Tutal, si Leon ang chairman ng Cynthion Group at siya ang may desisyon sa huli.Tumango ng konti si Leon at agad na ngumiti si Cynthia. “Mr. Poole, salamat at interesado kayo sa Cynthion Group. Tatanggapin ko ang alok mo!”“Mabuti!” Tuwang tuwa si Fane at tumingin siya ng nagpapasalamat kay Leon. Naisip niya na nagbigay ng eksepsyon si Cynthia para kay Leon, hindi niya alam na pumayag dito si Leon

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 407

    “Ayos lang ito sa amin!”Natuwa ang mga madla. Alam ng lahat na ang pamilya Fields at pamilya Shear ay magka kompetensya, kaya hindi pwedeng nagtatrabaho si There para sa mga Shear ng sikreto; Kaya naman, ang mga tauhan ni Theodore ang pinaka mapagkakatiwalaan sa pag testing ng epekto ng Energy Nurturing Pills.“Theodore, bakit ka nandito? Hindi ka welcome dito!” Dumilim ang ekspresyon ni Harvey habang tumingin siya kay Theodore ng may sama ng loob, gusto niya lumaban para sa atake ni Theodore kay Cynthia noon.“Wala akong pakialam kung welcome ako! Ang mahalaga ay kung may lakas na loob ka para ipasubok sa mga tauhan ko ang pills!” Ang tanong ni Theodore.“Bakit naman kami tatanggi? Pero, kailangan din pumili ng iba para hindi ka gumawa ng pakana!” Ang malamig na sinabi ni Harvey.“Sige. Ayos lang ito sa akin.” Nagkibit balikat si Theodore.Alam niya na ang Energy Nurturing Pills ay hindi gagana at hindi mahalaga kung paano subukan ang pills. Kapag naging klaro na na hindi gumag

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 408

    Sina Theodore at Jacob ay nagulat sa nakita nila at agad silang may naisip na konklusyon.“Harvey Shear, tingnan mo ang ginawa mo! Hindi lang sa hindi gumana ang pill, naging rason din ito para mawalan ng kontrol sa kapangyarihan ang tauhan ko. Dapat kang magbigay sa akin ng sagot ngayon!” Ang sigaw ni Theodore.“Hindi posible yun! Ang Energy Nurturing Pills na ginawa namin ay gumagana at hindi dapat ito magiging rason para mawalan ng kontrol ang kahit sino sa kapangyarihan nila! May problema siguro!”Nabigla at nalito sina Harvey at Cynthia sa sitwasyon. Nagsimulang maghinala si Harvey na nagpapanggap si Gordon upang suportahan ang sinasabi ni Theodore.“Harvey, nasa harap na ng lahat ang katotohanan! Ano pa ba ang masasabi niyo para sa sarili niyo?”“Tama!”“Nakikita natin lahat ito. Ang pills ay gumawa ng problema at rason ito para mawalan ng kontrol ang mga martial artist sa kapangyarihan nila!”“Hindi mga pills yun. Lason ito! Gusto niyo bang patayin kaming lahat?!”…Sum

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 409

    Gayunpaman, isang miyembro ng pamilya Fields ang nagtest ng pill, at base sa relasyon ng dalawang pamilya, si Gordon ay malamang na hindi sinuhulan ng mga Shear.“Huminahon kayong lahat. Hayaan niyo kaming dalawa na subukan din ang pills.”Ang dalawang lalaki ay huminahon na at ininom ang pills sa kamay nila ng walang pag aatubili.Ang pills ay natunay sa mga bibig nila at naging pure force ng energy ito na nagreplenish sa katawan nila.Ang parehong lalaki ay mga martial artist na may parehong level ng power ni Gordon, kaya agad nilang napansin na ang pills ay gumagana na tulad ng sinabi.Dahil si Gordon ay malapit na mag breakthrough, nagawa niyang umabot sa susunod na power level niya ng swerte, habang ang dalawa ay hindi binasbasan ng ganitong pagkakataon. Gayunpaman, sapat na ito para patunayan na epektibo ang Energy Nurturing Pills.“Kamusta ang pakiramdam mo?” Ang iba ay binigay ang atensyon nila sa dalawang lalaki na uminom ng pills.“Oo, masasabi namin na ang Energy Nurt

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 410

    “Two hundred pala!” Ang sabi ni Gilbert ng nakasimangot.May higit sa tatlumpung mahusay na martial artist sa isang makapangyarihang pamilya na tulad ng mga Young at ang two hundred pills ay mauubos sa isang iglap lang. Gayunpaman, dahil ito ang patakaran ng Cynthion Group, sumunod lamang si Gilbert.“Gusto ko rin ng two hundred first-grade Energy Nurturing Pills!”“Ako rin.”Habang sinabi ni Gilbert na ang two hundred first-grade Energy Nurturing Pills, ang iba ay sumugod papunta sa entablado.Mayroon lang na three thousand first-grade Energy Nurturing Pills at dahil sina Fane at Gilbert ay kumuha ng one thousand at two hundred ng mga ito, konti na lang ang natira para sa iba.Tama si Fane na ang kahit sinong magdalawang isip ay mawawalan ng pagkakataon na bumili nito.“Sandali lang! Simula ngayon, ang bawat customer ay maari lang bumili ng one hundred first-grade Energy Nurturing Pills at one hundred second-grade Energy Nurturing Pills, at umaabot ito na total na two hundred p

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 411

    “Mr. Collins, Mr. Lowe, basta’t pumayag kayo na bumili, papayagan ito ng Cynthion Group,” Ang sabi ni Harvey ng nakangiti.“Mabuti.” Gumaan ang loob nila Jacob at Anson.Sa isang iglap, ang first at second-grade Energy Nurturing Pills ay naubos na at dahil limitado lang ang supply nito, ang karamihan sa mga tao ay nakula lang ang second-grade Energy Nurturing Pills at ang ilan sa mga taong nakatayo sa dulo ng linya, nabigo sila na bumili ng kahit ano.Si Jacob ay hindi nagawang bumili ng first-grade Energy Nurturing Pills at nagawa niya lang na makuha ang two hundred-grade Energy Nurturing Pills, kaya maganda pa rin ito kumpara maraming hindi nakakuha ng kahit ano.Malapit nang tumawa si Fane nang makita ang mga madla na nag aagawan sa pills. Habang ang iba ay nag aagawan sa first-grade Energy Nurturing Pills, bumili siya ng one thousand pills. Nagpapasalamat siya sa tagumpay niya dahil kay Leon, na siyang nagbigay ng impormasyon kay Fane tungkol sa launch nito ng mas maaga.“Sir,

Pinakabagong kabanata

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 450

    “Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 449

    “Ah, sige,” Ngumiti si Leon. Iniisip kung paano nagtapat ng pag ibig si Cynthia sa kanya kagabi, medyo naging awkward siya.“Pati, dahil umalis ka na ng Elegante, mukhang ang shadow chairman ay maaaring bumalik na sa kumpanya natin?” Ngumiti si Cynthia.“Oo, sasama ako sayo sa kumpanya sa susunod,” Tumango si Leon.Para manatili siya sa tabi ni Iris, pinilit niyang iwanan ang Cynthion Group kay Cynthia.Gayunpaman, nakipaghiwalay na siya kay Iris at umalis na siya ng Elegante. Hindi niya na kailangan magpatuloy na iwanan ang lahat kay Cynthia.“Oo nga pala, Cynthia, may mahalaga ka bang pag uusapan sa akin noong dumating ka sa bar para makita ako kagabi?” Hindi mapigilan ni Leon an itanong nang maalala niya ang kagabi.“Ganito kasi. Hindi sapat ang Energy Nurturing Pills para sa demand sa Springfield City. Maraming mga major family ang naghihintay na bumili ng second batch. Bumili tayo ng isang batch ng mga materyal noong nakaraang mga araw. Kailan mo planong irefine ang second b

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 448

    “Hindi ba’t boyfriend mo siya? Sa kakayahan niya, dapat ay nanatili siya sa kumpanya para tulungan ka. Bakit siya umalis?” Ang tanong pa rin ni Ariel.Kung ibang tao ito, hindi na sana siya nag abala.Gayunpaman, iba si Leon. Nagsimula siyang magustuhan si Leon noon. Kahit na si Leon ang boyfriend ni Iris, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Leon, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.“Nakipaghiwalay na ako sa kanya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Naghiwalay na kayong dalawa? Paano naging posible yun?!” Nabigla si Ariel.Base sa nalalaman niya, naging magkasintahan sina Iris at Leon nitong nakaraan. Ilang araw pa lang ang lumilipas.Hindi niya inaasahan na maghiwalay sila ng mabilis!Hindi ito maiiwasan.“Haha, maganda at naghiwalay kayo! Ms. Young, sinabi ko na ito sa inyo noon. HIndi maaasahan si Leon. Matalino ang ginawa niyong pakikipaghiwalay sa kanya!” Tuwang tuwa si Ashwin. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumawa ng malakas

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 447

    Sa katotohanan, naisip niya na may saysay ang sinabi ni Louisa. Gayunpaman, ang mga guilty na kilos ni Leon at ang pagpatay ni Leon sa mga witness ay ang katotohanan!Basta’t hindi ito ipinaliwanag ni Leon, hindi siya maniniwala kay Leon!Tutal, may kinalaman ito sa kayamanan ng buong pamilya. Hindi niya ito pwedeng basta bastahin, ang lolo at tatay niya ay hindi rin siya papayagan.“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpaliwanag. Baka nasa mahirap na sitwasyon siya,” Ang matatag na sinabi ni Louisa.“Sa tingin ko ay hindi siya nasa mahirap na posisyon! Guilty lang siya, at may ibang plano siya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Iris, pwede bang wag ka nang matigas ang ulo? Matagal mo na siyang kasama. Hindi mo pa rin ba alam kung isa siyang mabuting tao o hindi? Bakit desidido ka sa isang maliit na bagay?!” Ang sabi ni Louisa.“Hindi totoo yan! Mahirap makilala ang isang tao! Paano kung nagpapanggap lang siya?!” Ang sabi ni Iris.“Pero—” Gusto pa magpatuloy ni Louisa, ngu

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 446

    Mahirap itong paniwalaan!“Naghiwalay na kaming dalawa!” Ang sabi ni Iris habang sinubukan niya maging kalmado. Gayunpaman, medyo nalilito pa rin siya.“Naghiwalay kayo? B-bakit?” Nabigla si Louisa. Tutal, naiintindihan niya na ito. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinabi niya ng galit, “Iris, may ginawa ba siya na hindi pwedeng pagbigyan? Sinaktan ka ba niya?”“Wag kang mag lala, hahanapin ko siya ngayon at kukunin ang hustisya para sayo!”“Hindi, mali ang iniisip mo,” Ang sabi ni Iris.“Ano pala ang nangyari?” Ang balisang sinabi ni Louisa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa pagitan nila Iris at Leon.“Ayos lang ako, wala itong kinalaman sayo. Wag ka nang makisali,” Huminga ng malalim si Iris at sinabi niya.Alam niya na si Louisa ay madalas gumawa ng gulo. Bad mood na siya ngayon. Ayaw niyang dumagdag dito si Louisa.“Hindi, hindi ko ito hahayaan! Kung hindi mo sasabihin sa akin, tatawag ako kay Leon ngayon. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangy

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 445

    Sa direktang pagkatao niya, wala siyang rason para itago ang kahit ano sa lolo niya. Nagdesisyon siya na sabihin sa lolo niya ang buong katotohanan.“Yun pala!”Kahit na nahulaan ito ni Benedict, medyo nabigla pa rin siya nang marinig ang mismong pag amin ng apo niya.“Grandpa, hindi po ba kayo sang ayon sa pagsasama namin ni Leon?” Ang nag aalala na tanong ni Cynthia.Alam niya na si Leon ay isang ulila na walang family background. Ang pinakamalaking rason sa paghihiwalay nila Leon at Iris ay hindi tugma ang kanilang family background.Ang mga Shear ay isa sa four great families ng Springfield City na tulad ng mga Young. Nag aalala siya na ang lolo niya ay may parehong opinyon kay Leon.Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Iris!“Hindi sumang ayon? Bakit hindi ako sasang ayon?” Ang tanong ni Benedict.“Isang ulila si Leon. Wala siyang magandang pamilya. Hindi po ba’t hindi kayo masaya tungkol doon?” Ang balisa na sinabi ni Cynthia.“Ang mga background ay hindi mahalaga pagdating s

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 444

    Para naman sa kanila ni Iris, pag uusapan niya ito kapag naklaro niya na ang pangalan niya!Masyado pang maaga sa kanya na pag isipan ito!“Oo nga pala. Saan ka tumutuloy ngayon, Leon? Masyado kang maraming nainom ngayon. Baka hindi ka man lang makapag lakad ng diretso. Ihahatid na kita pauwi!” Ang nag aalalang tanong ni Cynthia.“W-Wala akong tinutuluyan sa ngayon. Dalhin mo na lang ako sa isang malapit na hotel,” Ngumiti ng awkward si Leon. Tutuloy siya sa isang hotel ng isang gabi bago siya bibili ng isang bahay sa susunod na araw.“Bakit ka mananatili sa isang hotel? Tumuloy ka na lang sa bahay ko ng ilang araw?” Ngumiti si Cynthia at hinawakan niya si Leon sa braso. Kumilos siya ng malapit na para bang siya na ang girlfriend ni Leon.Tumigas ang buong katawan ni Leon sa malambot na nararamdaman niya sa braso niya.Gayunpaman, bago pa siya tumanggi, hinila na siya ni Cynthia palabas ng bar.…Sa Shear Mansion, nabigla sina Benedict at Harvey na makita na tinutulungan ni Cy

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 443

    Biglang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.“Bakit hindi? Isa ako sa four great beauties ng Springfield City, tulad ni Iris. Kahit na mas mataas ang rank niya sa akin, hindi ako talo sa kanya sa itsura o sa background! Kung kaya mo siyang tanggapin, bakit hindi mo ako pwedeng tanggapin?”Hindi inaasahan ni Cynthia na tanggihan siya ni Leon. Namutla ang mukha niya, namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Sa itsura niya at sa pamilya niya, maraming mga tagapagmana ng pamilya at mga talentadong lalaki ang gusto siyang ligawan. Ang lahat sa kanila ay pangarap na makasama siya!Ngunit sa sandaling yun, nag ipon siya ng lakas ng loob para sa unang pagkakataon na magtapat ng pag ibig sa isang lalaki, ngunit tinanggihan siya!Halata kung ano ang nararamdaman niya!“Yun ay—” Magulo ang puso ni Leon at hindi niya magawang huminahon.Si Cynthia ang pangalawa sa four great beauties sa Springfield City. Napakaganda niya. Ang kahit sinong lalaki ay magiging masaya na makasama siya.Si

  • The Ex-Husband's Revenge   Kabanata 442

    Nabigla si Leon habang tumingin siya kay Cynthia na para bang hindi makapaniwala.Baka dahil lasing siya, mabagal ang reaksyon niya, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Cynthia.“H-Hindi yun ang ibig kong sabihin,” Namula si Cynthia, napagtanto niya na hindi tama ang sinabi niya. Mabilis niyang binago ang pinag uusapan, “Leon, ayos lang kayong dalawa nitong nakaraan. Bakit bigla kayong nag break?”“Ganito kasi,” Nagbuntong hininga si Leon.Naiinis talaga siya sa sandaling yun at kailangan niya ng taong makakausap. Kaya naman, sinabi niya kay Cynthia ang lahat ng nangyari.“Sobra na ang mag-ama na yun! Tinulungan mo ang pamilya nila ng paulit ulit, pero ganito ang bayad nila sayo? Walang hiya! Pati iba rin talaga si Iris. Kahit ako ay nakikita ko ang moral character mo ay makatarungan. Imposible na isa kang kahina hinala at masamang tao. Pero, bilang girlfriend mo, hindi lang sa hindi siya nag tiwala sayo, naghinala pa siya na layunin mo ang pera nila. Kalokohan!”

DMCA.com Protection Status