“Pakiusap, bigyan niyo ako ng isang pagkakataon…”Ang pag uusap nila ay kumuha ng atensyon mga taong dumadaan, lumaki ang mga mata ng mga tao sa paligid nila at tumingin sila ng nalilito kay Leon ahabang yumuko si Mason sa harap ni Leon.Kahit sin Janice ay hindi alam kung ano dapat ang reaksyon niya.“Tumayo ka muna!” Ang kumbinsi ni Leon. Mabilis kumalat ang balita sa internet at ayaw niyang mapagkamalan siya ng iba na isa siyang bully.“Kapag tumangi kayo na tanggapin ako bilang disipulo niyo, hindi ako tatayo!” Ang determinadong sinabi ni Mason.“Tumayo ka muna. Hindi ako pwede maging master mo, pero pwede ako magbigay ng payo sayo dahil mukhang tapat ka,” Ang sabi ni Leon ng may problemadong ekspresyon, habang iniisip kung paano siya tutulong kay Mason.“Salamat, Master!” Tuwang tuwa si mason at yumuko siya bago siya tumayo.“Wag mo akong tawagin na master. Sinabi ko na sayo na hindi ako tumatanggap ng disipulo. Pwede lang kita bigyan ng payo, at wag mo na ulit akong tatawa
“Congratulations,” Ang sabi ni Leon.Ang progress ni Mason sa cultivation ay nahinto ng anim na taon at ang true energy niya ay umabot sa isang lebel; amg tangin rason kung bakit hindi niya maabot ang mas mataas na lebel ay dahil may blockage sa internal circulation niya. Sa tulong ni Leon, ang naipon na true energy ay sumabog, dinala ang cultivation level ni Manson pataas hanggang sa Intermediate Innate Level.“Salamat sa tulong niyo, Mr. Wolf.” Lumuhod ulit ng magalang si mason. Akala niya ay papayuhan siya n iLeon ng matagal na panahon at hindi niya inaasahan na umabot siya ng higit sa Initial Innate State; sa ikinagulat niya, ilang minuto lang ang kailangan para tumulong kay Mason sa pag angat sa dalawang lebel.Ang ganito talento ay pambihira at hindi lang mapagpasalamat si mason, lumaki pa ang paghanga niya kay Leon.“Wala ito. Walang problema,” Ang sabi ni Leon, medyo bitter siya. Kakalampas niya lang sa Initial Innate State at hindi inaasahan ni Mason na umangat sa Intermed
Hinampas ni Samuel ang mga palad niya sa mesa ng may madilim na ekspresyon.“Dad, ang isang lalaking si Leon Wolf ay niloko ako. Nagreport ako sa Wick Group at malaki ang nawala sa kumpanya natin…” Ipinaliwanag ni Brody ang sitwasyon. Alam niya na si Leon ay isang ulila lang at sa tingin niya ay wala itong kakayahan para maimpluwensyahan at utusan si Jenson, kaya naisip lang ni Brody na ang pagtaas ng mga presyo na gumalit sa Wick Group at kay Jenson ay parte lang ng tungkulin niya.“Sino si Leon Wolf? Walang problema ang Sullivan Enterprises sa kanya, kaya bakit niya tayo nirereport?” Ang tanong ni Samuel.“Siya ang ex-husband ni Marilyn at may sama ng loob siya sa sakin…” Ang maingat na sinabi ni Brody.“Ang ex-husband ni Marilyn? Kaya pala! Sinabo sayo ng paulit ulit na magpakasal sa isang inosenteng babae. Hindi ka nakinig at naghanap ka ng isang kasal na babae! Gusto mo ba akong bigyan ng heart attack?” Ang sigaw ni Samuel habang tumingin siya ng masama kay Marilyn.Ang pamil
Nag aalala si Brody, natrauma siya mula sa huling atake ni Leon.“Relax, ako na ang bahala dito magiging ayos na ang lahat! Minsan,ang karahasan ay hindi ang solusyon at kailangan mo maging matalino tungkol dito!” Tumuro si Samuel sa ulo niya.“Maging matalino tungkol dio?” Ang nalilito na inulit ni Brody.“Ang lahat ay may kanya-kanyang kahinaan. Kapag nalaman natin ang kahinaan iya, pwede siya maging ang pinakamahusay na tagapaglaban sa buong mundo at hindi pa rin ito makakatulong sa kanya!” Ang sabi ni Samuel.Kuminang ang mga mata ni Brody habang tumawa siya ng sabik, “Naiintindihan ko na. Baka isang ulila siya, pero meron siyang bagong girlfriend. Kailangan lang natin itarget ang girlfriend niya at sigurado na ang kamatayan niya!”“Magaling na bata!” Tumawa ng malakas si Samuel.“Dad, sa tingin ko ay mas higit ito kaysa sa inaasahan niyo. Nagawan niyang palabanin ang Wick Group laban sa atin at may pambihirang lakas siya. Hindi siya ang dating lalaki na katulad niya na baka
“Si—Sino ka?” Tumakbo si Leon palabas ng kwarto ng hindi komportableng paraan.“Ako. Ang. Dapat. Mong. Katakutan!” Ang galit na sabi ng babae. Napagtanto niya na hindi siya makahabol kay Leon, kumuha siya ng pinakamalapit na pwede niya makuha at hinagis niya ito kay Leon.Agad na naging magulo ang buong kwarto.Hindi nagtagal ay ang ingay ang kumuha sa atensyon ni Iris, na siyang nasa itaas.Lumabas siguro siya ng shower at bumaba siya suot ang isang skin-tight silk gown habang basa ang buhok na parang isang sirena na kakaahon lang sa dagat.“Louisa, Leon, ano ang ginagawa niyong dalawa?” Nabigla siya na nasa ganitong kondisyon ang kwarto.“Pinsan!” Ang babae ay yumakap kay Iris.“P—Pinsan?! Iris, ito ang pinsan mo?” Nabigla si Leon at humanga rin siya. Kaya pala ang babaeng ito ay maganda na parang isang fairy. Nakasalubong niya pala ang pamilya ni Iris.“Oo. Ipapakilala ko siya sayo. Ito ang pinsan ko, si Louisa Greene. Louisa, ito si Leon.” Pinakilala ni Iris ang dalawa sa i
“Siya ang secretary ko at nakatira siya ngayon dito,” Ang paliwanag ni Iris.“Nakatira siya dito? Boyfriend mo ba siya? Opisyal na ba kayong nakatira ng magkasama?” Nabigla si Louisa at sinuri niya si Leon mula ulo hanggang paa, hindi niya mahanap ang kahit anong espesyal na pwede hangaan ng isang magandang babae na tulad ni Iris.“Ano ang sinasabi mo? Magkaibigan lang kami. Tumahimik ka!” Namula ang mukha ni Iris.“Talaga? Hindi ako naniniwala doon!” Naghihinala na tumingin si Louisa.“Minsang niligtas ni Leon ang buhay ko, at dahil wala siyang lugar na tutuluyan, sinabi ko sa kanya na pwede siya tumuloy dito sa ngayon…” Ang sabi ni Iris.“Ganun ba? Libog, bakit hindi ka pa umaalis ngayon? Bala mo pa maging malapit sa pinsan ko?” Tumitig ng maingat si Louisa kay Leon.Lumubog ang puso ni Leon, ngunit hindi siya aamin na may gusto siya kay Iris, kaya ngumiti siya at sinabi niya, “Ang pangalan ko ay Leon, hindi Libog…”“Hmph! Bahala na! Tatawagin kitang Libog! Isang malibog na la
Naging awkward si Leon.“Naisip ko na walang kwenta ko, pero mas malala ka pa pala sa inaakala ko!” Gumulong ang mga mata ni Louisa. “Mabuti na lang at nakuha ko ang lisensya ko noong bakasyon, hindi tulad mo!” Proud siyang tumingala habang binuksan niya ang pinto ng kotse sa tabi niya at pumasok siya sa loob.Namula ang mukha ni Leon, nabigla siya sa kakaibang ugali ni Louisa; gayunpaman, ipinagkatiwala ni Iris ang pinsan niya kay Leon, kailangan sumunod ni Leon at pumasok siya ng kotse ng nag aatubili.…Sa Springfield University, dumating ng maaga si Louisa, ngunit ilang araw pa rin ang kailangan nila para kumpletuhin ang lahat procedure para sa admission.Tumakbo si Louisa papunta sa dalawang high school schoolmates niya na pumasok din sa Springfield University.Ang mga schoolmate niya ay parehong mga babae. Ang isa sa kanila ay tinatawag na Annie Holt, ang isang magandang babae, ngunti matangkad at payat siya na binabagayan ng suot nito, kaya madali isipin na mula siya sa is
“Probinsyano ka! Nasa tamang edad na kami ngayon, kaya bakit hindi kami pwede pumunta?” Proud na sinabi ni Louisa habang naka diretso ang tayo.Noong bata pa siya, lagi siyang binabantayan ng mga magulang niya at hindi siya pwede pumunta sa isang bar, ngunit nakalaya na siya sa mga ito at kakatapos niya lang magdiwang ng eighteenth birthday niya.Para sa isang tao na mapaglaro na tulad ni Louisa, determinado siya na pumunta sa isang bar dahil interesado siya.“Oo, matanda na kami ngayon.” Gusto rin pumunta ni Annie.Parehong galing sa mayamang pamilya sina Annie at Louisa at gusto nila ng excitement.“Wag na lang. Mapanganib ang mga ganitong lugar. Wag na tayong pumunta…” Ang bulong ni Lacey.“Ano ang dapat mong katakutan? Isa itong sibilisadong lipunan. Ang isang bar ay katulad lang ng isang karaoke club! Lacey, wag kang mag alala. Treat ko ito! Magsaya tayo!” Ang sabi ni Louisa bago niya hinawakan sa braso ang mga kaibigan niya at hinila niya ang mga ito palabas ng campus.“Hi