Si Gordon at ang mga tauhan niya ay may takot na tingin sa kanilang mga mukha habang mabilis nilang nireport ang lahat ng nangyari.“Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t isa siya sa mga bodyguard ng mga Shear?!” Ang malamig na sinabi ng lalaki. May malupit na aura siya. Ibang iba ito sa kinikilos niya kanina.“Yun ay… Hindi ko po alam…” Ang balisang sinabi ni Gordon.“Nasa anong lebel na siya? Nasa intermediate Innate State ba siya, o advanced Innate State? Ang isang lalaki na nasa edad niya na may ganung kapangyarihan ay kilala dapat!” Ang tanong ng lalaki.Alam niya na si Gordon ay nasa intermediate Innate State, at si Gordon ay may apat na tauhan na nasa advanced Acquired State.Kung ang kalaban nila ay hindi intermediate Innate State o mas mataas, impossible na matatalo si Gordon at ang mga tauhan nito.“Hindi po, nasa initial Innate State pa lang po siya, at malapit na po siya sa intermediate,” Ang tapat na sagot ni Gordon.“Ano? Sa initial Innate State?!” Nagalit ang lalaki
Nabigla si Leon na maramdaman na ang spiritual energy sa tuktok ng bundok ay halos naubos na.Mabuti na lang, hindi niya kailangan magsanay sa Mistcloud Mountain, kaya ayos lang kahit na ang spiritual energy ay naubos.Bukod pa dito, ang spiritual energy ay hindi isang bagay na hindi bumabalik. Sa loob lang ng tatlong buwan, ang spiritual energy sa tuktok ng Mistcloud Mountain ay babalik.Sayang lang kung hindi ito ginagamit!Pagkatapos ipunin ang morning dew, nagsimula nang umalis ng bundok si Leon.Ngayon at tapso na siya sa pagkuha ng mga material at ng dew, ang problema sa production ay naresolbe na rin.Ang pinakamahalagang parte sa mga ito ay ang dew.Plano ni Leon na ipangalan na spirit dew ang mga morning dew. Siya ang tanging tao na kaya gumawa nito, tulad ng kung paano may exclusive supplier ang mga food product.Sa ganun, basta’t kontrolado niya ang spirit dew, walang ibang cosmetic company ang kayang gumaya ng mga produkto nila. Masisiguro nito na ang kumpanya ay ma
Kapag nalaman ni Ashwin na lumagpas si Leon at nakialam si Leon sa pagkuha ng materials, magagalit si Ashwin!“Ano ang gusto mong sabihin? Bakit nagdadalawang isip ka?!” Tumingin ng kakaiba si Iris kay Leon, hindi niya maintindihan kung ang sinusubukang gawin ni Leon.“Gusto ko sanang sabihin na ang Shear Group ang pinakamalaking provider ng herbal medicine sa Springfield City. Dapat tayong makipag collaborate sa kanila. Hindi na kailangan makipag collaborate sa Life Pharmacy…” Nag ipon ng lakas ng loob si Leon para sabihin ito.Kahit na hindi niya gusto si Ashwin, hindi magaan sa loob niya na sumosobra siya at inaagawan niya ang responsibilidad si Ashwin.Kapag pumayag si Ashwin na makipag collaborate sa Shear Group, pwedeng ibigay na lang ni Leon kay Ashwin ang kontratang pinirmahan niya kagabi. Pagkatapos, mapupunta ang contribution kay Ashwin.Pagkatapos, hindi na siya sosobra, at makakapagbigay siya ng paliwanag kay Cynthia.“Sinasabi mo lang talaga ito ng basta basta! Kahit
“Pwede ko talaga ipakita sayo ang agreement, pero kailangan muna natin pumusta!” Ang kalmadong sinabi ni Leon.“Anong pusta?” Ang tanong ni Ashwin.“Hindi ka naniniwala na may agreement ako sa Shear Group, hindi ba? Kapag nakapag labas ako ng agreement, wag mo na akong lalabanan!” Alam ni Leon na lumagpas siya sa responsibilidad niya, kaya gumawa siya ng panangga laban kay Ashwin. Ayaw niyang magalit si Ashwin at labanan siya nito.”“Bakit naman kita lalabanan ng walang rason?! Baliw ka ba!” Naging masama ang ekspresyon ni Ashwin. Naisip niya na sinubukan siyang laitin ni Leon.“Sige, ikaw na mismo ang nagsabi nito. Hindi ka na pwedeng umatras sa mga salita mo!” Natuwa si Leon. Nahulog si Ashwin sa patibong niya.Kumaway lang si Ashwin, hindi niya na gustong mag abala kay Leon. Sinabi niya, “Paano kung hindi mo kayang maglabas ng agreement?”“Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo!” Ang sabi ni Leon.“Sige, payag ako!” Masayang masaya si Ashwin, mukhang nanalo nasiya. Ang ngi
Pagkatapos pakinggan ang nangyari, sigurado na si Iris na tunay ang Blue Star of the Sea!Bukod pa dito, ang Blue Star of the Sea ya may pambihirang halaga. Si Leon ay hindi isang tao na may maraming pera at mataas na kapangyarihan, ngunit nagawa niyang ibigay ang isang magandang bagay kay Iris.Ang puso niya ay parang isang malamig na lawa, ngunit ang lawa ay biglang nagkaroon ng mga alon.“Hindi lang ito swerte, imposible pa ito!” Sumimangot si Ashwin.Iniisip niya kung anong relasyon ni Leon sa mga Shear. Naiintindihan niya na ngayon na nagkataon na naging swerte si Leon para makilala si Benedict.Hindi pinansin ni Leon si Ashwin at nagpatuloy siya, “Tama, dahil doon, naging malapit ako kay Elder Shear. Tumawag ako sa kanya kagabi at sinabi ko sa kanya na kailangan ng kumpanya ng ilang mga material, at pumayag siyang makipag collaborate sa atin…”“Yun pala ang nangyari! Mabuti ang ginawa mo! Mukhang tama ang ginawa ko at hinayaan kitang pumasok sa kumpanya!” Ngumiti si Iris ha
“Ms. Young, kung wala na kayong kailangan, pupunta na ako sa factory,” Ang sabi ni Leon at umalis na siya ng opisina.Habang nakatingin sa paalis na si Leon, humigpit ang mga kamao ni Ashwin. Naging madilim ang ekspresyon niya.Noong nakaraang mga araw, kinuha ni Leon ang responsibilidad para sa production, at ngayon ay hinigitan ulit siya ni Leon. Hindi niya ito pwedeng tanggapin!“Mr. Mercer, dapat ka nang bumalik sa trabaho!” Ang kalmadong sinabi ni Iris.Ang pakiramdam ni Iris ay imposible para kay Ashwin na makatakasa sa responsibilidad sa paggawa ng pakana ni Michael laban kay Leon, kaya hindi na mataas ang tingin niya kay Ashwin.“Ms. Young, merong mga bagay na hindi ko alam kung dapat kong sabihin…” Nagdalawang isip si Ashwin bago siya huminto.“Ano yun? Sabihin mo lang sa akin,” Tumaas ang kilay ni Iris, iniisip niya kung ano ang balak sabihin ni Ashwin.“Ms. Young, alam ko na gusto niyong sanayin si Mr. Wolf…”“Kaya nga lang ay masyado siyang ambisyoso. Baka hindi mag
“Imposible yun! Hindi ako pagtataksilan ni Leon. Hindi siya ang tipo ng tao na gagawin yun!” Ang malamig na sinabi ni Iris, mabilis niyang itinapon ang pagdududa niya.Ang karamihan sa mga malaking pag unlad ng kumpanya ay dahil kay Leon. Tapat na nagbibigay ng marami si Leon para sa kumpanya, kaya hindi pweded pagdudahan ni Iris si Leon ng ganito!Niligtas pa ni Leon ang buhay ni Iris noon. May mabuting pagkatao si Leon. Kapag hindi man lang nagtiwala si Iris kay Leon, sino pa ba ang pagkakatiwalaan niya.“Ms. Young, dapat kayong mag ingat! Walang kahit ano si Leon ngayon, kaya napipilitan siyang umasa sa inyo. Kapag nagtagumpay siya dahil sa inyo, baka pagtaksilan niya kayo sa huli…” Hindi sumuko si Ashwin sa pagsasalita, ngunit pinigilan siya ni Iris bago pa siya matapos.”“Tama na!”“Ashwin, hindi ko papansinin ang mga insulto mo kay Leon ngayon dahil marami kang contribution sa kumpanya nitong mga nakalipas na dalawang taon, pero wag mo na itong uulitin!”“Sige na, bumalik k
Bukod pa dito, maganda mismo si Janice, kaya mabilis siyang nakakuha ng atensyon mula sa iba.Habang nakatingin sa kanila ang lahat, sina Leon at Janice ay dinala ng waiter sa isang kwarto. Umupo sila sa harap ng isa’t isa.Pagkatapos umoreder ng pagkain, pareho silang tumahimik.Matagal nilang hindi nakita ang isa’t isa, kaya tila naging estranghero sila sa isa’t isa.Makalipas ang mahabang sandali.“Leon, kamusta ka na nitong nakaraang mga taon?”“Janice, kamusta ka na?”Sinubukan nila Leon at Janice na sirain ang katahimikan nila, at pareho ang tanong nila ng hindi nila nalalaman.Pagkatapos itong itanong, pareho silang nabigla, hindi nila inaasahan ang ganito.Hindi mapigilan ni Janice na tumawa, nagpakita siya ng kanyang matamis na ngiti.“Bakit mo ako ginagaya?” Gumulong ang mga mata ni Janice kay Leon.“Yun ay…”Awkward na kinamot ni Leon ang ulo niya, “Ito siguro ay dahil matagal nating hindi nakita ang isa’t isa, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.”“Par