Napagtanto ni Cynthia na mali ang naisip niya.Tutal, si Leon ay isang ulila lang. Wala siyang magandang background.Bukod pa dito, si Cynthia ang tagapagmana ng mga Shear. Hindi lang siya sobrang ganda, mayaman at makapangyarihan pa siya. Maraming mga lalaki ang nanliligaw sa kanya, kaya paano siya magiging interesado sa ordinaryong si Leon?!“Janice, ano ang trabaho mo ngayon?” Ang tanong ni Leon, gusto niyang malaman ang tungkol kay Janice.“Ah, pumasok ako sa isang malaking kumpanya pagkatapos kong mag graduate. Naging maswerte ako, at isang department manager na ako. Kumikita ako ng ilang libo sa isang buwan.”Medyo natuwa si Janice sa sarili niya. Pagkatapos nito, na alaala niya ang sitwasyon ni Leon, at sinabi niya, “Leon, naalala ko na binanggit mo na isa kang presidential secretary sa isang cosmetic company.”“Hindi masama ang posisyon na yun, pero ang secretary ay kadalasang inuutusan lang sa mga maliit na bagay sa huli. Madalas ay trabaho ito ng isang babae, at wala ka
“Magbabayad ako gamit ang card!” Walang pakialam si Leon at binigay niya ang card niya s waitress.May higit sa ten million sa account na yun, kaya ang five hundred ay wala lang sa kanya.Habang nakatingin sa card sa kamay ni Leon, nabigla ang waitress.Ang kahit sinong kumakain sa isang high-end restaurant na ganito ay kadalasan na mayaman. Ang ilan sa mga mayaman na tagapagmana ay ginagamit ang kanilang mga card na mula sa Rivercity Bank.Kahit na hindi niya alam na ito ay isang Supreme Card, alam ng waitress ang kahalagahan ng Rivercity Bank!Nabigla talaga siya. Hindi niya mapigilan na isipin na mabuti at nanatili siyang mabait. Kung may sinabi siya na makakagalit sa kanila, baka matanggal siya sa trabaho!“Leon, hindi maganda ang financial position mo. Kailangan mo ang pera mo para sa maraming bagay sa susunod. Hayaan mo na ako na ang magbayad para dito!” Mabilis na kinuha ni Janice ang card at binalik niya ito kay Leon. Pagkatapos nito, nilabas niya ang phone niya at sinabi
“Janice, hindi maganda ang traffic dito sa lungsod. Hindi madali makahanap ng parking, kay mas maganda ang magkaroon ng motorsiklo. Pwede mong iwanan muna ako kotse mo dito. Kapag tapos na tayo sa shopping, pwede kang bumalik para kunin ulit ito,” Alam ni Leon na nag drive si Janice papunta dito. Mas madali gamitin ang motorsiklo niya.“Ah, sige,” Tumango si Janice. Pagkatapos nito, dinala na siya ni Leon paalis.…Ang Fuller Mall ay isang shopping mall na malapit sa restaurant.Pagkatapos mag park ni Leon, naglakad siya papunta sa mall kasama si Janice.Pareho silang nag shopping.Nang makita ang malaking clothing brand, dinala ni Janice si Leon sa loob.Ang shop ay hindi isang malaking international brand, pero kilala ito sa loob ng bansa. Isa itong mid- to high-end brand.Malaki ang lugar, nahahati ito sa men’s wear at women’s wear area.Dinala ni Janice si Leon sa men’s wear area.“Janice, hindi ba’t gusto mo bumili ng mga damit? Dapat kang pumunta sa women’s wear area, b
"Leon, fashion always comes and goes, and soon, this will be out of style before you know it. Bumili na lang tayo ng isang set. Hindi na kailangang bumili ng napakarami, di ba?" Sabi ni Janice, pilit na ngumiti. "Okay lang iyon. Kailangan ko rin ng mga bagong dagdag sa aking wardrobe, kaya bakit hindi bumili ng ilan pa habang tayo pa?" Walang ganang sabi ni Leon. "Pero..." napatigil si Janice dito. Gusto niyang baguhin ang isip ni Leon, ngunit bago pa siya makapagsalita, sumingit si Leon, "No buts! Miss, can you help me pack these up and put them on my tab?" "Opo, ginoo." Tuwang-tuwa rito ang tindera. Ito ang kanyang unang pagkakataon na makatagpo ng isang customer na kasing bukas-palad ng isang ito, at mabilis niyang napagtanto na ang lalaking ito ay malamang na isang bilyonaryo. Nang mapagtanto ito, ang kanyang saloobin ay ganap na nagbago, at siya ay nakaplaster ng isang malawak na ngiti sa kanyang mukha. Pagkatapos, na parang natatakot na magbago ang isip ni Leon sa susunod
"Pero..." Walang maisip na dahilan si Janice para tanggihan ang alok ng salesgirl. "Tara. Tara tignan natin." Hinawakan ni Leon ang kamay niya at kinaladkad papunta sa women's department. Nang makitang wala na siyang balak na makaalis dito, napabuntong-hininga si Janice at nagpaubaya. Pagkatapos ng lahat, narito na siya; hindi masasaktan ang sinuman na subukan ang ilang piraso. Kahit na lumabas ang mga ito sa kanyang badyet, maaari niyang piliin na huwag bilhin ang mga ito. Pumasok si Janice sa women's department na may ganitong kaisipan. "Miss, ang mga palda at damit na ito ay ang pinakabagong mga dagdag sa aming tindahan; Sigurado ako na ang eleganteng disenyo ay magiging kahanga-hanga sa iyo, kaya huwag mag-atubiling subukan ang ilan sa mga ito ... makikinis na damit sa kanyang harapan. "Um..." medyo nag-alinlangan si Janice. Kahit alam niyang hindi magiging mura ang mga damit na ito at malamang na hindi kakayanin ng kanyang wallet ang presyo, babae pa rin ang puso niya
Ito ay malayo sa kanyang badyet. "I don't think it's that special. Never mind. Let's go check out some other store..." Ibinalik ni Janice ang mga damit sa salesgirl pagkatapos magpalit ng mga ito. Nawala ang ngiti sa mukha ng salesgirl habang ang disappointment ay bumalot sa kanyang puso. Inaasahan niya na ang ilan sa mga bagay ay makatawag pansin kay Janice, ngunit sa pag-iisip, si Janice ay isang napakagandang babae, at hindi nakakagulat kung si Janice ay mas mapili pagdating sa fashion. Sa pag-iisip na ito, lumiwanag ang mukha ng salesgirl nang may pumasok na ideya sa kanyang isipan. Lumapit siya sa isang rack ng mga damit sa kabilang bahagi ng silid at sinabi, "Miss, may magandang damit dito sa tindahan. Ito ay utak ng isa sa pinakasikat na fashion designer sa bansang ito. Ang kalidad nito ay hindi malalampasan kapag ito. pagdating sa tela o disenyo, at isa ito sa mga pinakamagandang bagay na ipinapakita namin sa tindahang ito…" Lumingon sina Leon at Janice upang sumulyap
"Miss, pakisamahan mo na itong damit pati na rin ang ibang damit na sinubukan ni Janice sa bill! Kukunin ko lahat!" Tiwalang deklara ni Leon. "Yes, Sir! Ilalagay ko sa tab mo ngayon din!" ang tindera ay ganap na nasa buwan. Mabilis niyang inilagay ang mga damit sa isang paper bag, ang ngiti sa kanyang mukha ay napakalapad na para bang anumang oras ay mahahati ang kanyang mga pisngi. "Teka miss! I don't want any of them..." Mabilis na humakbang si Janice para pigilan siya. "Janice, you look amazing in these clothes. Bakit ayaw mo?" Nataranta si Leon dito. "I..." Pulang-pula ang mukha ni Janice sa kahihiyan, pero hindi na niya naitago ang hiya. Bumulong siya sa kanya, "Wala akong ganoon kalaking pera..." "Walang pera?" nabura ang kulay sa mukha ng salesgirl. Ang akala niya ay isang mayaman na lalaki si Leon dahil sa pagiging bukas-palad nitong kumilos ngayon, ngunit ngayon, tila napagtanto niya na niloko siya ng dalawang ito! "Sir, gusto mo pa ba itong mga damit?" tanong ni
Bakas sa mukha ni Janice ang pag-aalala, umaasang tatanggapin ni Leon ang payo niya at matanggal ito bago maging huli ang lahat. Hindi alam ni Leon kung ano ang magiging reaksyon dito. Masasabi niyang hindi naiintindihan ni Janice ang uri ng kanyang trabaho, ngunit alam niyang sinubukan lang nitong tumulong, kaya hindi niya sinubukang labanan ito. "Sige, promise hindi na mauulit," nakangiting sabi niya. Ang tanging dahilan kung bakit siya pumasok sa negosyo ay dahil sinubukan niyang itatag ang Energy Convergence Circle, at alam niya na ang industriyang ito ay hindi kung ano ang tila sa labas; kung makikisali pa siya at matuklasan ng ibang tao na naramdaman niya ang espirituwal na enerhiya ng mga bato, ang mga kahihinatnan ay magiging kakila-kilabot! Kung nangyari iyon, hindi man lang niya magagarantiya ang kanyang kaligtasan. Samakatuwid, iyon ang una at huling pagkakataon na sinubukan niyang sumugal sa mga gemstones, at ni minsan ay hindi siya umaasa na ang negosyong ito ay
“Sino ang lalaking yun? Hindi kaya’t siya ang boyfriend ni Ms. Shear?”“Hindi naman siguro? Si Ms. Shear ang isa sa four most beautiful women sa Springfield City at siya ang hiya ng mga Shear. Sa katayuan ni Cynthia, ang pagkakaroon ng isang boyfriend ay malamang na magkakalat ito ng balita sa buong Springfield City. Hindi pa natin narinig ang tungkol dito.”“Oo, tama. Sa tingin ko ay ang lalaking ito ay ang bagong assistant o secretary ni Ms. Shear…”…Habang nakatingin habang paalis ng mabagal sina Leon at Cynthia, pinag usapan ito ng lahat. Sa huli, marami sa kanila ang naisip na si Leon ay ang bagong assistant o secretary ni Cynthia, kaya mas naging kalmado sila.Sa president’s office, inutusan ni Cynthia ang ilang mga empleyado na iusog ang isang mesa, pinaupo niya si Leon sa tabi niya. Nakaupo sila ng malapit sa isa’t isa, kaya mas madali na mag trabaho sila ng magkasama.Noong umalis na ang mga empleyado, sina Leon at Cynthia na lang ang naiwan sa opisina.“Cynthia, pwede
“Ah, sige,” Ngumiti si Leon. Iniisip kung paano nagtapat ng pag ibig si Cynthia sa kanya kagabi, medyo naging awkward siya.“Pati, dahil umalis ka na ng Elegante, mukhang ang shadow chairman ay maaaring bumalik na sa kumpanya natin?” Ngumiti si Cynthia.“Oo, sasama ako sayo sa kumpanya sa susunod,” Tumango si Leon.Para manatili siya sa tabi ni Iris, pinilit niyang iwanan ang Cynthion Group kay Cynthia.Gayunpaman, nakipaghiwalay na siya kay Iris at umalis na siya ng Elegante. Hindi niya na kailangan magpatuloy na iwanan ang lahat kay Cynthia.“Oo nga pala, Cynthia, may mahalaga ka bang pag uusapan sa akin noong dumating ka sa bar para makita ako kagabi?” Hindi mapigilan ni Leon an itanong nang maalala niya ang kagabi.“Ganito kasi. Hindi sapat ang Energy Nurturing Pills para sa demand sa Springfield City. Maraming mga major family ang naghihintay na bumili ng second batch. Bumili tayo ng isang batch ng mga materyal noong nakaraang mga araw. Kailan mo planong irefine ang second b
“Hindi ba’t boyfriend mo siya? Sa kakayahan niya, dapat ay nanatili siya sa kumpanya para tulungan ka. Bakit siya umalis?” Ang tanong pa rin ni Ariel.Kung ibang tao ito, hindi na sana siya nag abala.Gayunpaman, iba si Leon. Nagsimula siyang magustuhan si Leon noon. Kahit na si Leon ang boyfriend ni Iris, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na magtanong tungkol kay Leon, gusto niyang malaman kung ano ang nangyari.“Nakipaghiwalay na ako sa kanya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Naghiwalay na kayong dalawa? Paano naging posible yun?!” Nabigla si Ariel.Base sa nalalaman niya, naging magkasintahan sina Iris at Leon nitong nakaraan. Ilang araw pa lang ang lumilipas.Hindi niya inaasahan na maghiwalay sila ng mabilis!Hindi ito maiiwasan.“Haha, maganda at naghiwalay kayo! Ms. Young, sinabi ko na ito sa inyo noon. HIndi maaasahan si Leon. Matalino ang ginawa niyong pakikipaghiwalay sa kanya!” Tuwang tuwa si Ashwin. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na tumawa ng malakas
Sa katotohanan, naisip niya na may saysay ang sinabi ni Louisa. Gayunpaman, ang mga guilty na kilos ni Leon at ang pagpatay ni Leon sa mga witness ay ang katotohanan!Basta’t hindi ito ipinaliwanag ni Leon, hindi siya maniniwala kay Leon!Tutal, may kinalaman ito sa kayamanan ng buong pamilya. Hindi niya ito pwedeng basta bastahin, ang lolo at tatay niya ay hindi rin siya papayagan.“Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niyang magpaliwanag. Baka nasa mahirap na sitwasyon siya,” Ang matatag na sinabi ni Louisa.“Sa tingin ko ay hindi siya nasa mahirap na posisyon! Guilty lang siya, at may ibang plano siya!” Ang malamig na sinabi ni Iris.“Iris, pwede bang wag ka nang matigas ang ulo? Matagal mo na siyang kasama. Hindi mo pa rin ba alam kung isa siyang mabuting tao o hindi? Bakit desidido ka sa isang maliit na bagay?!” Ang sabi ni Louisa.“Hindi totoo yan! Mahirap makilala ang isang tao! Paano kung nagpapanggap lang siya?!” Ang sabi ni Iris.“Pero—” Gusto pa magpatuloy ni Louisa, ngu
Mahirap itong paniwalaan!“Naghiwalay na kaming dalawa!” Ang sabi ni Iris habang sinubukan niya maging kalmado. Gayunpaman, medyo nalilito pa rin siya.“Naghiwalay kayo? B-bakit?” Nabigla si Louisa. Tutal, naiintindihan niya na ito. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinabi niya ng galit, “Iris, may ginawa ba siya na hindi pwedeng pagbigyan? Sinaktan ka ba niya?”“Wag kang mag lala, hahanapin ko siya ngayon at kukunin ang hustisya para sayo!”“Hindi, mali ang iniisip mo,” Ang sabi ni Iris.“Ano pala ang nangyari?” Ang balisang sinabi ni Louisa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari sa pagitan nila Iris at Leon.“Ayos lang ako, wala itong kinalaman sayo. Wag ka nang makisali,” Huminga ng malalim si Iris at sinabi niya.Alam niya na si Louisa ay madalas gumawa ng gulo. Bad mood na siya ngayon. Ayaw niyang dumagdag dito si Louisa.“Hindi, hindi ko ito hahayaan! Kung hindi mo sasabihin sa akin, tatawag ako kay Leon ngayon. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang nangy
Sa direktang pagkatao niya, wala siyang rason para itago ang kahit ano sa lolo niya. Nagdesisyon siya na sabihin sa lolo niya ang buong katotohanan.“Yun pala!”Kahit na nahulaan ito ni Benedict, medyo nabigla pa rin siya nang marinig ang mismong pag amin ng apo niya.“Grandpa, hindi po ba kayo sang ayon sa pagsasama namin ni Leon?” Ang nag aalala na tanong ni Cynthia.Alam niya na si Leon ay isang ulila na walang family background. Ang pinakamalaking rason sa paghihiwalay nila Leon at Iris ay hindi tugma ang kanilang family background.Ang mga Shear ay isa sa four great families ng Springfield City na tulad ng mga Young. Nag aalala siya na ang lolo niya ay may parehong opinyon kay Leon.Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Iris!“Hindi sumang ayon? Bakit hindi ako sasang ayon?” Ang tanong ni Benedict.“Isang ulila si Leon. Wala siyang magandang pamilya. Hindi po ba’t hindi kayo masaya tungkol doon?” Ang balisa na sinabi ni Cynthia.“Ang mga background ay hindi mahalaga pagdating s
Para naman sa kanila ni Iris, pag uusapan niya ito kapag naklaro niya na ang pangalan niya!Masyado pang maaga sa kanya na pag isipan ito!“Oo nga pala. Saan ka tumutuloy ngayon, Leon? Masyado kang maraming nainom ngayon. Baka hindi ka man lang makapag lakad ng diretso. Ihahatid na kita pauwi!” Ang nag aalalang tanong ni Cynthia.“W-Wala akong tinutuluyan sa ngayon. Dalhin mo na lang ako sa isang malapit na hotel,” Ngumiti ng awkward si Leon. Tutuloy siya sa isang hotel ng isang gabi bago siya bibili ng isang bahay sa susunod na araw.“Bakit ka mananatili sa isang hotel? Tumuloy ka na lang sa bahay ko ng ilang araw?” Ngumiti si Cynthia at hinawakan niya si Leon sa braso. Kumilos siya ng malapit na para bang siya na ang girlfriend ni Leon.Tumigas ang buong katawan ni Leon sa malambot na nararamdaman niya sa braso niya.Gayunpaman, bago pa siya tumanggi, hinila na siya ni Cynthia palabas ng bar.…Sa Shear Mansion, nabigla sina Benedict at Harvey na makita na tinutulungan ni Cy
Biglang hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.“Bakit hindi? Isa ako sa four great beauties ng Springfield City, tulad ni Iris. Kahit na mas mataas ang rank niya sa akin, hindi ako talo sa kanya sa itsura o sa background! Kung kaya mo siyang tanggapin, bakit hindi mo ako pwedeng tanggapin?”Hindi inaasahan ni Cynthia na tanggihan siya ni Leon. Namutla ang mukha niya, namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.Sa itsura niya at sa pamilya niya, maraming mga tagapagmana ng pamilya at mga talentadong lalaki ang gusto siyang ligawan. Ang lahat sa kanila ay pangarap na makasama siya!Ngunit sa sandaling yun, nag ipon siya ng lakas ng loob para sa unang pagkakataon na magtapat ng pag ibig sa isang lalaki, ngunit tinanggihan siya!Halata kung ano ang nararamdaman niya!“Yun ay—” Magulo ang puso ni Leon at hindi niya magawang huminahon.Si Cynthia ang pangalawa sa four great beauties sa Springfield City. Napakaganda niya. Ang kahit sinong lalaki ay magiging masaya na makasama siya.Si
Nabigla si Leon habang tumingin siya kay Cynthia na para bang hindi makapaniwala.Baka dahil lasing siya, mabagal ang reaksyon niya, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Cynthia.“H-Hindi yun ang ibig kong sabihin,” Namula si Cynthia, napagtanto niya na hindi tama ang sinabi niya. Mabilis niyang binago ang pinag uusapan, “Leon, ayos lang kayong dalawa nitong nakaraan. Bakit bigla kayong nag break?”“Ganito kasi,” Nagbuntong hininga si Leon.Naiinis talaga siya sa sandaling yun at kailangan niya ng taong makakausap. Kaya naman, sinabi niya kay Cynthia ang lahat ng nangyari.“Sobra na ang mag-ama na yun! Tinulungan mo ang pamilya nila ng paulit ulit, pero ganito ang bayad nila sayo? Walang hiya! Pati iba rin talaga si Iris. Kahit ako ay nakikita ko ang moral character mo ay makatarungan. Imposible na isa kang kahina hinala at masamang tao. Pero, bilang girlfriend mo, hindi lang sa hindi siya nag tiwala sayo, naghinala pa siya na layunin mo ang pera nila. Kalokohan!”