“Gaano na katagal simula ng walang makita na pagunlad o updates sa inyo? Pinipigilan mo ba ang ibang na magtagumpay kung saan ka bumagsak? Isang desperadong lohika ang mayroon ka!”“Ang lakas ng loob mong akusahan kami ng ganyan? Sino nagsabi na ang aming R-and-D department ay walang resulta na maipapakita? Nakagawa kami ng breakthrough simula ng approval ng funding at malapit na kami makagawa ng high-end cosmeceuticals!” namula si George sa galit.“Gaano kalapit? Isang buwan? Isang taon?” pangungutya ni Ariel.Nairita si George. “Hindi aabutin ng ganoon katagal. Kaya kong igarantiya na ang aming R-and-D department ay kayang magpakita ng tatlong iba’t ibang cosmeceuticals ng isang linggo!”“Isang linggo? Totoo?” nagulat ang lahat. Walang umasa na ang R-and-D department ay sa wakas may ipapakita matapos ang ilang buwan na walang nagawa!“Magandang balita!”“Hindi ko inakalang maglalabas ng isang malaking rebelasyon si Mister Proctor galing sa kawalan!”“Tama. ang kumpanya natin a
“Mister Wolf, marami tayong mga talent sa ating R-and-D department. Kalahating taon ang kailangan nila para makakuha ng mga resulta!”“Sino ka ba sa tingin mo? Sinasabi mo na makakagawa ka ng sampung cosmetic product sa loob lang ng isang linggo?”“Nananaginip ka lang!” Ang panlalait ni George.Kung ang isang tao na wala sa field ay kayang gumawa ng bagong cosmetics sa loob lang ng isang linggo, edi ano ang rason para magkaroon pa ng research and development department?!“Leon, alam ko na kumikilos ka para sa interes ng kumpanya, pero wala ito sa kakayahan mo. Bakit ka gumagawa ng eksena?!” Tumingin ng hindi masaya si Iris kay Leon.Naalala niya kung paano sinabi ni Leon sa kanya na kulang sa kumpiyansa sa sarili si Leon kagabi.Ngunit, sa oras na ito, nangako si Leon na kaya niyang gumawa ng sampung bagong products sa loob lang ng isang linggo.Hindi siya maniniwala kay Leon!“Miss Young, hindi ko binabalak na gumawa ng eksena. Sinasabi ko ang katotohanan! May kumpiyansa ako n
“Sige, payag ako! Malapit ka na ring mawala sa kumpanya na ito!” Ngumisi si Ashwin habang tumingin siya ng nanunuya kay Leon. Tumingin siya na para bang sa kanya na ang tagumpay.“Pangako ito! Saksi si Miss Young at ang lahat ng mga katrabaho natin dito!” Ngumiti si Leon.“Hindi niya alam ang lugar niya!”Naaliw ang mga executive sa mga sinabi ni Leon.Sa tingin nila ay si Leon ay walang kakayahan na magtagumpay, at walang kahit sino sa kanila ang alam kung saan nakuha ni Leon ang lakas ng loob at kumpiyansa!“Sige, tapos na ang meeting!” Tumingin ng hindi masaya si Iris kay Leon.Pareho siya ng naisip sa iba at naisip niya na hindi magtatagumpay si Leon. Gayunpaman, nang makita niya ang kumpiyansa ni Leon, wala siyang masabi na kahit ano.…Sa mga sumunod na araw, madalas si Leon sa factory ,tumingin siya kung paano tataasan ang pagiging epektibo ng mga produkto kasama si Stanley pati na rin ang pag develop ng mga bagong product.Salamat sa lahat ng pagisiskap nila, may nakit
“Syempre! Maswerte ako ngayon, at natapos ko ang pangako ko kay Miss Young noong nakaraang linggo!” Tuwang tuwa si George at halata ito sa mukha niya.“Talaga? Edi dapat ka namin icongratulate!”“Ang high-end cosmetics ay mahalaga sa pag unlad ng kumpanya. Kapag nalaman ito ni Miss Young, ang department mo ay gagantimpalaan ng maganda!”…May ilang mga executive na nag offer ng congratulations nila.“Mister Proctor, mabuti ang ginawa mo!” Tumango ng natutuwa si Ashwin.Nasa parehong panig sila ni Georga sa sandaling yun. Isang magandang bagay para sa kanya na nagtagumpay ang R-and-D department. Ibig sabihin ay kumpleto na ang kalahati ng kasunduan! Hindi nagtagal, narinig nila ang tunog ng mga high heels na lumalapit. Pumasok ng kwarto si Grace, ang secretary.Umupo siya sa main position at tumingala siya, sinabi niya ng kakaiba, “Nasaan si Leon at Ariel? Bakit hindi ko siya nakikita?”“Hindi ko po alam, hindi pa namin sila nakita,” Umiling ang lahat ng nalilito.“Hindi kay
Pumalakpak si Geord, sumenyas siya sa mga specialist mula sa R-and-D department para dalhin ang dalawang trolley.Pagkatapos nito, binigay niya ang mga produkto sa kanila para itesting ito.Lahat sila ay ipinaliwanag ang mga data at requirements na kailangan para ituring ito na high-end product bago nila ito ilagay sa mga cosmetics machine.Para naman sa paraan ng pag gana ng mga machine, ginamit ni George ang laptop niya para iconnect sa screen at ipakita ang mga resulta sa malaking screen sa meeting room.Sa tabi nito, pinakita niya ang data para sa high-end products upang ang lahat ay pwede itong ikumpara.“Miss Young, tumingin kayo. Ang tatlong mga produkto na ito ay kwalipikado para maging high-end product base sa regulations ng bansa! Ang tatlong ito ay may data points din na higit sa requirements!” Ang proud na sinabi ni George.Ang labindalawang main factor ay tinesting, at tatlo silang lagpas sa requirements. Ibig sabihin ay maganda ang mga epekto nito.Ang kumpanya ay
Nilagay ni Leon sa meeting table ang mga produkto na mula sa itim na bag. May eksaktong labing isang bote.“Labing isa?”“Nagbibiro ba siya?!”Nabigla ang lahat habang nagkatinginan sila ng hindi sigurado.Walang kahit sino ang naniniwala sa sinabi ni Leon!“Makikita niyo kung totoo o ito o hindi pagkatapos ng testing!” Kalmado ang ekspresyon ni Leon habang binigay niya ang labing isang mga produkto sa mga specialist.Ang mga tao sa R-and-D department ay nagdududa habang nilagay nila ang lahat ng mga produkto sa machine, sumailalim ito sa testing.Hindi nagtagal, lumabas ang mga resulta.Ang mga empleyado ay lumaki ang mga mata at hindi sila makapaniwala sa mga numero na nakita nila sa screen.“Reed, kamusta ang mga resulta, high-end quality ba ang mga ito?” Hindi mapigilan ni George na magtanong.Ang ibang mga executive ay tumingin sa mga empleyado ng may pag aalala. Kahit na hindi sila naniniwala na kaya gumawa ni Leon ng mga cosmetics, unti-unting nawala ang kumpiyansa nil
Nabigla si George.Natulala si Iris.Kahit si Ashwin at ang lahat ng mga executive sa kumpanya ay hindi makapaniwala!Hindi nila inaasahan na hindi lang matutupad ni Leon ang pangako, gumawa pa siya ng cosmetics na pambihira!Ang mga epekto ng mga cosmetics ay mas maganda pa kaysa sa mga international brands!“Mabuti!”“Magaling!”Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo si Iris at hinampas niya ang mesa, nabigla ang mga executive at napatayo din sila.Tumayo ang lahat!“Leon, a-ang galing mo! Isa itong malaking himala!” Masyadong emosyonal si Iris, at niyakap niya si Leon sa harap ng lahat. Ang ngiti niya ay parang sandaang mga bulaklak, maganda talaga ito.Kahit na hindi niya alam kung paano ito ginawa ni Leon, alam niya na maganda ito.Kapag ang kumpanya ay may ganitong mga pambihirang produkto sa darating na panahon, magiging isang top international brand sila, ano pa ang makapasok sa high-end market!Halata na emosyonal talaga siya!“Iris, ikaw ay…” Natulala din si Leon.
Hindi naman ito isang malaking bagay, at ang pag ulit ng test ay hindi kailangan ng matagal na oras.Pagkatapos nito, ang mga specialist na mula sa R-and-D department ay nagsimula sa pag calibrate ng machine ulit, gumawa sila ng isang mas detalyadong test.Mabilis na lumabas ang mga resulta.Habang nakatingin sa screen, ang mga resulta ay naulit. Si Ashwin, George, at ang lahat ng mga nagduda na executive ay biglang tumahimik.Biglang walang kahit isang tunog sa buong kwarto.Tumingin sa paligid si Leon at kalmado siyang tumitig kela Ashwin at George. Siya ang unang sumira ng katahimikan, “Mister Mercer, Mister Proctor, may masasabi ba kayong dalawa tungkol dito?”“Yun ay…”Namutla ang mukha nila Ashwin at George. Ang ekspresyon nila ay malungkot na para bang natalo sila.Hindi malaman ng dalawa kung paano ito nagawa ni Leon. Hindi sila makapaniwala!“Dahil wala kayong masasabi, edi nanalo ako sa kasunduan na ito!” Ang malamig na sinabi ni Leon.“Leon, wag kang masyadong matu