Hindi naman ito isang malaking bagay, at ang pag ulit ng test ay hindi kailangan ng matagal na oras.Pagkatapos nito, ang mga specialist na mula sa R-and-D department ay nagsimula sa pag calibrate ng machine ulit, gumawa sila ng isang mas detalyadong test.Mabilis na lumabas ang mga resulta.Habang nakatingin sa screen, ang mga resulta ay naulit. Si Ashwin, George, at ang lahat ng mga nagduda na executive ay biglang tumahimik.Biglang walang kahit isang tunog sa buong kwarto.Tumingin sa paligid si Leon at kalmado siyang tumitig kela Ashwin at George. Siya ang unang sumira ng katahimikan, “Mister Mercer, Mister Proctor, may masasabi ba kayong dalawa tungkol dito?”“Yun ay…”Namutla ang mukha nila Ashwin at George. Ang ekspresyon nila ay malungkot na para bang natalo sila.Hindi malaman ng dalawa kung paano ito nagawa ni Leon. Hindi sila makapaniwala!“Dahil wala kayong masasabi, edi nanalo ako sa kasunduan na ito!” Ang malamig na sinabi ni Leon.“Leon, wag kang masyadong matu
Ang problema sa raw materials ay dati pa problema ni Iris. Ngunit hindi lang sa gumawa ng bagong high-end products si Leon, natanggal pa niya ang problema ni Iris.Isa itong malaking biyaya sa mga mata ni Iris!Ito ang unang beses na tinanggap niya talaga ang kakayahan ni Leon!“Y-Yan ay… Tao ba siya?!”Ang lahat ng mga executive sa kumpanya ay nakanganga ng malaki. Nakatingin sila kay Leon na para bang nakatingin sila sa isang halimaw.Mas malala ang kondisyon nila Ashwin at George. Natulala sila at nabigla.“P-Paano nangyari ito…” Naging pula ang mukha ni Ashwin. Mabilis ang kanyang paghinga, para bang malapit na siyang umubo ng dugo.Isa siyang taong mataas ang pride at tingin sa sarili. Hindi mataas ang kahit niya sa kahit sino.Isang ulila pa si Leon. Tutal, isang basura si Leon na walang kakayahan. Mababa ang tingin ni Ashwin kay Leon!Ngunit sa sandaling yun, ang tao na nakita niya bilang isang walang kwentang langgam ay nagpakita ng pambihirang kakayahan at talento!H
“Mas maganda ito. Mukhang kailangan ko tanggapin ang paghingi mo ng tawad! Sana ay alain mo ang lugar mo sa susunod!” Ang simpleng sinabi ni Leon, hindi niya pinansin si Ashwin pagkatapos nito.“Miss Young, kung wala na kayong kailangan, babalik na ako sa trabaho,” May madilim na ekspresyon si Ashwin sa kanyang mukha. Pinahiya siya ng sobra, at wala na siyang dignidad para manatili doon. Tumalikod siya para umalis umalis.“Mister Mercer, sandali lang,” Pinigilan ni Iris si Ashwin.“Miss Young, may kailangan ka pa ba?” Ang tanong ni Ashwin.“Gumawa na ng mga bagong produkto si Mister Wolf. Ang susunod na hakbang para sa kumpanya ay ang imass-produce ang mga ito. Pagdating doon, siya na ang magiging responsable sa ngayon. Pagkatapos, ikaw ang aasikaso nito para sa kanya…” Ang sabi ni Iris.Hindi lang sa gumawa ng mga bagong high-end product si Leon, tinaasan niya pa ang efficiency ng pagproseso ng mga raw materials.Pareho itong may kinalaman sa production. Ang ibigay ito kay Leon
Isa itong malaking kontribusyon at tila hindi pa sapat ang dividends lang!Kahit na humingi ng shares si Leon, susubukan ni Iris na makuntento si Leon!“Hindi siya isang tanga. Paanong hindi siya masaya…” Gumulong ang mga mata ni Ariel at sinabi niya ito.Base sa kasalukuyang account ng kumpanya, ang total na profit nila sa bawat taon ay nasa forty hanggang sixty million sa isang taon.Kapag nakuha ni Leon ang ten percent ng dividends, ibig sabihin ay makakakuha siya ng four hanggang six million dollars sa isang taon. Hindi ito isang maliit na numero!Kahit na magdesisyon si Leon na mag retiro, mabubuhay siya gamit ang pera na yun!Isa itong pambihirang regalo. Naisip ni Ariel na hindi tatanggi si Leon!Gayunpaman, bago pa siya matapos magsalita, nabigla si Leon sa kanya!“Iris, ayaw ko ng dividends, gusto ko ng…” Tumingin si Leon kay Ariel at huminto siya sa sasabihin niya.May mga bagay na hindi niya kayang sabihin kapag nandito si Ariel.“Leon, nababaliw ka na ba?!” Sa sob
Huminga ng malalim si Ashwin, ginawa niya ang lahat para huminahon siya.“Ang ibig niyong sabihin ay ang plano natin para sirain ang production…” Mabilis na naintindihan ang ibig sabihin ni Ashwin.Noon, pareho nilang pinag usapan ang makipag tulungan para harapin si Leon, ngunit napatagal ito dahil sa problema sa development ng products at sa pagtaas ng efficiency ng pagproseso ng raw materials nila.Dahil tapos na ang problemang ito, oras na para magpatuloy sila sa plano nila!“Tama! Nakaisip na ako ng plano na walang butas. Walang masamang mangyayari dito…” Ngumisi si Ashwin habang pinalapit niya si Michael para ibulong ang plano ng detalyado.“Mabuti, magandang ideya ito! Basta’t maging maayos ang plano, mapapatalsik natin si Leon mula sa kumpanya!” May kinang sa mga mata ni Michael habang nagsimula siyang tumawa.“Syempre! Ngayon, sundan mo lang ang plano ko at kumilos. Ngayon naman, gusto ko na masira ng tuluyan ang reputasyon niya. Hindi siya makakabangon mula dito!” May k
“Sana ay magamit mo siya ng mabuti sa darating na panahon! Ah, ganun ba? Mahusay talaga siya?” Nabigla si Iris.“Sobra! Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mo tanungin si Ariel.” Tumuro si Leon kay Ariel sa tabi niya.“Oo, tama si Leon. Maraming kakayahan si Mister Wallace,” Tumango si Ariel.Kasama niya si Leon sa factory sa nakalipas na mga araw at nakita niya mismo ang kakayahan ni Stanley. Talentado ang lalaking ito.“Mukhang mahusay siya! Bakit hindi ko ito gawin? Ang manager ng second factory, si Mister Lennon, ay magreretiro na sa susunod na buwan. Kapag nag retiro na siya, si Mister Wallace ang gagawin kong kapalit niya,” Ang sabi ni Iris.Dahil recomenda ito nila Leon at Ariel, mas mataas na ang tingin ni Iris kay Stanley kaysa sa dati.“Sige,” Masaya si Leon. Pagkatapos nito, tila may naisip siya habang idinagdag niya, “Iris, may isa pa.”“Tungkol doon sa ten percent dividend. Pakiramdam ko ay hindi ko ito kayang tanggapin ng mag isa. Sa tingin ko ay kalahati nito
“Leon, binigay ko sayo ang ten percent ng dividends hindi lang dahil pinataas mo ang efficiency ng raw material at dahil gumawa ka ng mga bagong produkto, ito rin ay dahil nagawa mong makuha ang partnership ng Wick Group para sa kumpanya! Nararapat sayo ang mga reward na ito, hindi mo dapat makipag hati sa kahit sino! Para naman kay Mister Wallace, ang lahat ng mga higher-up sa kumpanya ay may mga dividend na base sa posisyon at kontribusyon nila.“Kapag nakuha niya na ang posisyon ng manager sa second factory, magiging isang company executive na siya. Pagkatapos, natural na makakuha din siya. Hindi mo kailangan mag alala tungkol sa kanya!” Ang matatag na sabi ni Iris.Ang karamihan sa mga executive sa kumpanya ay meron lang one o two percent. Kahit sina Ashwin at Ariel at mayroon lang eight at six percent.Ang karamihan sa mga tao ay kasama ni Iris ng higit sa dalawang taon. Lahat sila ay may kontribusyon sa kumpanya.Kapag si Stanley ay nakakuha ng dividends dahil lang tumulong s
“Wag mong kwestyunin ang mga bagay na walang kinalaman sayo! Gawin mo na lang ang sinabi sayo!” Ang hindi masaya na sinabi ni Guido.“Yun ay…” Tila problemado talaga si Stanley. Pagkatapos, kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi niya, “Mister Boyd, pasensya na po, pero hindi ko ito magagawa!”May malamig na tingin sa mga mata ni Guido, “Hindi mo ito gagawin?”“Sige, mag impake ka na at umalis ka na! Hindi mo na kailangan magtrabaho dito!”“Ano? Paano niyo ito nasabi?! Mister Boyd, nagtrabaho ako sa kumpanyang ito ng halos sampung taon. Ako ay…” Nabigla si Stanley. Gusto niya pa magsalita, ngunit sumingit si Guido bago pa siya matapos.“Sundin mo ang sinabi sayo kung hindi ay umalis ka na! Ikaw mismo ang gagawa ng desisyon!” Ang malamig na sinabi ni Guido.“Pero…”“Walang pero!”“Nakita mo na dapat ang announcement sa human resources, hindi ba? Tinulungan mo si Mister Wolf sa mga nakalipas na araw. Kahit anong pagsisikap ang ibigay mo, hindi ka man lang nakatanggap ng kahit a