Kung ang mga bagong sources ng raw materials ay mas marerefine ng mabuti at mababalik sa dating lebel, makukuha ulit ng lahat ang kanilang performance bonuses. Sa karagdagan, ang matagumpay na production ng cosmeceuticals ng may mas magandang epekto ay magtataas ng kalidad ng products ng Elegante Group, ang kanilang mid-to-high end products ay magiging first-class luxury products!Kapag tumaas ang revenue ng kumpanya, ang salaries, at benefits ng mga empleyado ay taas din, parang pumatay ka ng dalawang ibon gamit ang isang bato!“Mayroon kang punto, pero napakahirap pataasin ng refining efficiency at magdevelop ng cosmeceuticals! Ang pagsabi ko ng mahirap ay isa lamang pangmamaliit. Ito ay halos imposible magawa maliban na lang sa isang milagro!” hindi masayang sinabi ni Ariel. Pakiramdam niya ang pakikipagusap sa kanya ay parang pakikipagusap sa isang pader, at wala siyang masasabi na magpapalinaw sa kanya.“Paano mo malalaman na hindi magkakaroon ng milagro kung hindi mo susubukan
Pagkatapos sabihin iyon, tumigil si Iris at idinagdag, “Alam ko ginawa mo ito para tulungan ang mga lower-level employees, kaya hayaan mo akong magbigay ng suhestiyon. Kakausapin ko si Mister Mercer mamaya at hihilingin ko sa kanya na babaan ang production capacity standards ng factory para hindi maapektuhan ang performance bonuses!”“Hindi! Iris, alam ko ang isyu tungkol sa raw materials ay gumugulo sa iyo. Kahit babaan ang production capacity standard, isa lamang itong stop-gap na solusyon at hindi inaayos ang pinaka-dahilan nito! G… Gusto kong tulungan ka sa iyong mga pasanin.” sabi ni Leon, kumuha siya ng lakas ng loob.“Ikaw…” nagulat si Iris, at isang pambihirang init ang dumaloy sa kanyang puso. Tama ang hula ni Leon, ang isyu ng raw materials ay isa sa mga laging bumabagabag sa kanya!Ang mabilis na development ng kumpanya nitong nakaraang dalawang taon, kasama ng hindi sapat na supply ng raw materials, ang naging dahilan para hayaan si Ashwin gumawa ng business trip para m
Kapag ang energy-infused na morning dew ay idinagdag sa raw materials ng cosmetics, mas mabuti ang epekto ng kalalabasan na cosmeceutical at magpopromote ng mas mabuting amalgamation ng raw materials!Tignan niyo, ang ganda ng kalikasan!Kinolekta ni Leon ang morning dew sa container. Dahil ang spiritual energy na naproduce ng gabi ay naabsorb ng morning dew at wala ng extra spiritual energy para sa kanya na irefine, wala na siyang magagawa kung hindi bumaba sa bundok.Sa kumpanya, mainit na naguusap si Ashwin at Michael sa kanyang office. Si Ashwin ang in charge ng pagkuha ng mga raw material, pati ang production at processing, at ang factory manager na si Guido Boyd ay tauhan niya.Nanatili si Leon sa factory ng buong araw.kahapon, kung saan ipinaalam niya ang kanyang plano na pataasin ang refining efficiency at pagdevelop ng cosmeceuticals. Napagtanto ni Guido na may mali kaya nireport niya ito kay Ashwin agad.Halos sumabog si Ashwin sa galit ng marinig niya iyon! Alam niya
Pagpapatuloy pa ni Ashwin, “Tatawagan ko ang ilang senior executives at sabihan sila na makipagtulungan sa R-and-D department para lagyan ng pressure si Leon. Habang nasa meeting, lahat tayo ay magtutulungan para pigilan si Leon na masunod ang gusto niya!”“Sige” tumango si Michael at naglakad palabas ng office. …Sa kabilang banda, si Leon at Ariel ay paalis ng factory, pero ng marinig nila ang balita na magdadaos si Iris isang high-level meeting, nagdesisyon sila na itabi ang kanilang plano at maglakad papunta sa meeting room ng magkasama.Ang company executives ay nasa loob na ng meeting room ng dumating si Leon at Ariel. Sa puntong iyon, ang tunog ng mga heels ang narinig at naglakad si Iris sa conference room kasama ang kanyang secretary na si Gracie.Ang dating maingay na meeting room ay agad tumahimik habang papunta si Iris sa kanyang upuan at naupo.“Dahil ito ang ating routine meeting, gusto ko na ang lahat ng department ay magpresent ng progress report at business repo
Ng makita niyang hindi makapagsalita ang lahat, wala ng magawa si Ashwin kung hindi magsalita. “Miss Young, may tiwala kami sa abilidad ni Miss Summers, pero—” Ngunit, ginambala siya ni Iris bago pa siya matapos magsalita, “Ayaw ko ng makarinig ng pero! Si Leon ang nakapag-secure ng contract sa Wick Group, kaya nasa rason na ang cooperation na ito ay dapat lang na ibigay sa kanya! Ang bottom line ay: napagdesisyunan ko na, at lahat ng diskusyon tungkol sa bagay na ito ay matatapos na dito!” hinampas ni Iris ang lamesa at gumawa ng pinal na desisyon.“A.. Sige.” umasim ang ekspresyon ni Ashwin, at nahihiya siyang napaatras.Ang una niyang plano ay makipagtulungan sa ilang executives para lagyan ng pressure si Leon at subukan si Leon na bitawan ang kanyang authority. Pero hindi niya inakala na papahalagahan ni Iris si Leon ng higit pa sa kanyang inaasahan, na umabot sa punto na binigay niya ang kanyang lahat para ipagtanggol si Leon at sayangin ang pagsisikap ni Ashwin.Ngunit, siya
“Gaano na katagal simula ng walang makita na pagunlad o updates sa inyo? Pinipigilan mo ba ang ibang na magtagumpay kung saan ka bumagsak? Isang desperadong lohika ang mayroon ka!”“Ang lakas ng loob mong akusahan kami ng ganyan? Sino nagsabi na ang aming R-and-D department ay walang resulta na maipapakita? Nakagawa kami ng breakthrough simula ng approval ng funding at malapit na kami makagawa ng high-end cosmeceuticals!” namula si George sa galit.“Gaano kalapit? Isang buwan? Isang taon?” pangungutya ni Ariel.Nairita si George. “Hindi aabutin ng ganoon katagal. Kaya kong igarantiya na ang aming R-and-D department ay kayang magpakita ng tatlong iba’t ibang cosmeceuticals ng isang linggo!”“Isang linggo? Totoo?” nagulat ang lahat. Walang umasa na ang R-and-D department ay sa wakas may ipapakita matapos ang ilang buwan na walang nagawa!“Magandang balita!”“Hindi ko inakalang maglalabas ng isang malaking rebelasyon si Mister Proctor galing sa kawalan!”“Tama. ang kumpanya natin a
“Mister Wolf, marami tayong mga talent sa ating R-and-D department. Kalahating taon ang kailangan nila para makakuha ng mga resulta!”“Sino ka ba sa tingin mo? Sinasabi mo na makakagawa ka ng sampung cosmetic product sa loob lang ng isang linggo?”“Nananaginip ka lang!” Ang panlalait ni George.Kung ang isang tao na wala sa field ay kayang gumawa ng bagong cosmetics sa loob lang ng isang linggo, edi ano ang rason para magkaroon pa ng research and development department?!“Leon, alam ko na kumikilos ka para sa interes ng kumpanya, pero wala ito sa kakayahan mo. Bakit ka gumagawa ng eksena?!” Tumingin ng hindi masaya si Iris kay Leon.Naalala niya kung paano sinabi ni Leon sa kanya na kulang sa kumpiyansa sa sarili si Leon kagabi.Ngunit, sa oras na ito, nangako si Leon na kaya niyang gumawa ng sampung bagong products sa loob lang ng isang linggo.Hindi siya maniniwala kay Leon!“Miss Young, hindi ko binabalak na gumawa ng eksena. Sinasabi ko ang katotohanan! May kumpiyansa ako n
“Sige, payag ako! Malapit ka na ring mawala sa kumpanya na ito!” Ngumisi si Ashwin habang tumingin siya ng nanunuya kay Leon. Tumingin siya na para bang sa kanya na ang tagumpay.“Pangako ito! Saksi si Miss Young at ang lahat ng mga katrabaho natin dito!” Ngumiti si Leon.“Hindi niya alam ang lugar niya!”Naaliw ang mga executive sa mga sinabi ni Leon.Sa tingin nila ay si Leon ay walang kakayahan na magtagumpay, at walang kahit sino sa kanila ang alam kung saan nakuha ni Leon ang lakas ng loob at kumpiyansa!“Sige, tapos na ang meeting!” Tumingin ng hindi masaya si Iris kay Leon.Pareho siya ng naisip sa iba at naisip niya na hindi magtatagumpay si Leon. Gayunpaman, nang makita niya ang kumpiyansa ni Leon, wala siyang masabi na kahit ano.…Sa mga sumunod na araw, madalas si Leon sa factory ,tumingin siya kung paano tataasan ang pagiging epektibo ng mga produkto kasama si Stanley pati na rin ang pag develop ng mga bagong product.Salamat sa lahat ng pagisiskap nila, may nakit