Pagkatapos ng mahabang sandali, binasa na ni Leon ang impormasyon at binaba niya ang dokumento na hawak niya.“Ariel, binasa ko na ang impormasyon. Tara at tumingin tayo sa factory.”“Sige,” Tumango si Ariel, at silang dalawa ay umalis ng opisina ng magkasama.Nang lumabas na sila ng opisina, nakarating na sila sa parking lot.Binuksan ni Ariel ang pinto ng BMW niya, at papasok na siya ng kotse nang tumingin siya sa likod. Mabilis niyang napansin na nakatayo lang si Leon sa lugar na parang isang puppet, tila walang plano si Leon na sumakay.“Leon, bakit nakatayo ka lang dyan? Dalian mo at sumakay ka na,” Ang sabi ni Ariel ng nalilito.“Ayos lang, pupunta ako doon sakay ang motorsiklo ko!” Tumuro si Leon sa motorsiklo niya.“Walang traffic ngayon. Maganda kung gagamit tayo ng kotse. Bakit gusto mong gamitin ang motorsiklo mo?” Ang nalilitong tanong ni Ariel.“Ano sa tingin mo? Ayaw kong maiwan ulit habang papunta!” Tumingin ng masama si Leon kay Ariel.“Ikaw…” Biglang namula an
Sa loob ng factory office, nakilala ni Leon at Ariel ang factory manager na si Guido Boyd. Siya ay medyo mataba na lalaki at nakasuot siya ng business suit.Si Guido ang may hawak ng day-to-day operations ng factory, siya ang nangangasiwa ng ilang mga proseso kabilang na ang production, shipment at quality inspection. Parte rin siya ng top management ng kumpanya at maaarin rin ikunsidera na isa mga big shots.Pero, si Leon at Ariel ay mga high-ranking na tao na pinadala ng head office para tignan ang factory, at sila rin ang mga taong may hawak ng cooperation sa Wick Group, partikular na si Ariel, siya ay kinukunsidera na makapangyarihang tao na kabilang sa head office, kaya kailangang mag-ingat ni Guido sa kanila.“Miss Summers, Mister Wolf, hayaan niyo akong samahan kayo sa workshop.” magalang na pagalok ni Guido.“Okay lang, Mister Boyd. Hindi planado ang pagbisita namin ni Mister Wolf. Titignan lang namin ang sitwasyon dito. Ituloy niyo lang ang mga ginagawa niyo. Maghanap ka l
Parte ng salary package ng Elegante Group ang performance bonus, at dahil hindi umabot ang production capacity sa nakaraang requirement, mahahati ang performance bonus.Ibig sabihin ang salary ng isang low-level employee ay mababawasan ng 150 dollars kada buwan ng walang magandang rason, kaya natural lang na magreklamo ang lahat.Dalawa ang rason kung bakit pinaalam niya ito kay Ariel. Una pakiramdam niya na ang raw materials ay hindi maganda katulad ng dati, at pangalawa nasa isip niya ang interes ng kanyang mga empleyado.“Problema? Ang pagkuha ng raw materials at ng production ay nasa ilalim ni Mister Mercer. Maaari mong ireport ito kay Mister Boyd o direkta kay Mister Mercer. Patawad kung hindi kita matutulungan.” sumimangot si Ariel.Pilit na ngumiti si Stanley. “Magiging prangka ako sa inyo, Miss Summers. Nireport ko na ang bagay na ito kay Mister Boyd, pero hindi niya ako binigyan ng direktang sagot. Si Mister Mercer naman ay isang high-level leader ng kumpanya na bihira lan
Wala man karapatan si Ariel na mangialam sa mga bagay na hawak ni Ashwien, pero si Leon—bilang tao na in charge sa cooperation sa Wick Group—ay may karapatan na mangialam sa kahit anong isyu na may kaugnayan sa mga produkto na sinusupply. Ang kanyang mga aksyon ay hindi matuturing na humihigit sa kanyang authority.“Ano? A…” nagulat si Stanley. Hindi niya inakala na ang small-time na secretary katulad ni Leon ay may hawak na malaking authority, na ang isang high-ranking figure katulad ni Ariel ay nagtatrabaho para sa kanya!Hindi kapani-paniwala, at ito ang unang beses na marinig niya ang isang pambihirang secretary!“Huwag kang malala, Mister Wallace.” Ibabahagi ko ang mensahe mo kay Miss Young mamaya, at gagawin ko ang lahat para matulungan ang lahat na makuha ang mga benefits na kanilang dapat makuha.” pangako ni Leon.“Salamat, Mister Wolf. Maraming salamat…” tuwang-tuwa si Stanley. Sabik niyang hinawakan ang kamay ni Leon, at nakipagkamay ng nakayuko, puno siya ng pasasalamat.
“Huwag ka magalala. Kumpiyansa ako dito! Ikaw na ang nagsabi na binigyan ako ng authority ni Miss Young sa bagay na ito, at ako ang may huling sabi pagdating sa produkto ng Wick Group! Dahil pinagkakatiwalaan niya ako, nasa akin na para abutin ko ang kanyang mga inaasahan sa akin!” sabik na ngumiti si Leon.Kahit ang research and development department ng kumpanya ay puno ng mga professional, sila ay mga empleyado lamang na nakaupo sa opisina ng buong araw! Walang saysay kung aasa tayo sa kanila sa mga kaalaman na kailangan, mas mabuti pang asahan ang mga karanasan ni Stanley!Higit sa lahat. May buong kumpiyansa si Leon sa kanyang medical skills, at ang tanging bagay na wala siya sa kasalukuyan ay ang kaalaman pagdating sa iba’t ibang aspeto ng mga produkto.Si Stanley ang tamang tao na bagay ipares sa kanya sa mga bagay na wala siyang sapat na kaalaman!“Masyado mong binibigyan ng kahulugan ang mga sinasabi ni Iris! Suko na ako!” kinagat ni Ariel ang kanyang mga ngipin sa galit.
Kung ang mga bagong sources ng raw materials ay mas marerefine ng mabuti at mababalik sa dating lebel, makukuha ulit ng lahat ang kanilang performance bonuses. Sa karagdagan, ang matagumpay na production ng cosmeceuticals ng may mas magandang epekto ay magtataas ng kalidad ng products ng Elegante Group, ang kanilang mid-to-high end products ay magiging first-class luxury products!Kapag tumaas ang revenue ng kumpanya, ang salaries, at benefits ng mga empleyado ay taas din, parang pumatay ka ng dalawang ibon gamit ang isang bato!“Mayroon kang punto, pero napakahirap pataasin ng refining efficiency at magdevelop ng cosmeceuticals! Ang pagsabi ko ng mahirap ay isa lamang pangmamaliit. Ito ay halos imposible magawa maliban na lang sa isang milagro!” hindi masayang sinabi ni Ariel. Pakiramdam niya ang pakikipagusap sa kanya ay parang pakikipagusap sa isang pader, at wala siyang masasabi na magpapalinaw sa kanya.“Paano mo malalaman na hindi magkakaroon ng milagro kung hindi mo susubukan
Pagkatapos sabihin iyon, tumigil si Iris at idinagdag, “Alam ko ginawa mo ito para tulungan ang mga lower-level employees, kaya hayaan mo akong magbigay ng suhestiyon. Kakausapin ko si Mister Mercer mamaya at hihilingin ko sa kanya na babaan ang production capacity standards ng factory para hindi maapektuhan ang performance bonuses!”“Hindi! Iris, alam ko ang isyu tungkol sa raw materials ay gumugulo sa iyo. Kahit babaan ang production capacity standard, isa lamang itong stop-gap na solusyon at hindi inaayos ang pinaka-dahilan nito! G… Gusto kong tulungan ka sa iyong mga pasanin.” sabi ni Leon, kumuha siya ng lakas ng loob.“Ikaw…” nagulat si Iris, at isang pambihirang init ang dumaloy sa kanyang puso. Tama ang hula ni Leon, ang isyu ng raw materials ay isa sa mga laging bumabagabag sa kanya!Ang mabilis na development ng kumpanya nitong nakaraang dalawang taon, kasama ng hindi sapat na supply ng raw materials, ang naging dahilan para hayaan si Ashwin gumawa ng business trip para m
Kapag ang energy-infused na morning dew ay idinagdag sa raw materials ng cosmetics, mas mabuti ang epekto ng kalalabasan na cosmeceutical at magpopromote ng mas mabuting amalgamation ng raw materials!Tignan niyo, ang ganda ng kalikasan!Kinolekta ni Leon ang morning dew sa container. Dahil ang spiritual energy na naproduce ng gabi ay naabsorb ng morning dew at wala ng extra spiritual energy para sa kanya na irefine, wala na siyang magagawa kung hindi bumaba sa bundok.Sa kumpanya, mainit na naguusap si Ashwin at Michael sa kanyang office. Si Ashwin ang in charge ng pagkuha ng mga raw material, pati ang production at processing, at ang factory manager na si Guido Boyd ay tauhan niya.Nanatili si Leon sa factory ng buong araw.kahapon, kung saan ipinaalam niya ang kanyang plano na pataasin ang refining efficiency at pagdevelop ng cosmeceuticals. Napagtanto ni Guido na may mali kaya nireport niya ito kay Ashwin agad.Halos sumabog si Ashwin sa galit ng marinig niya iyon! Alam niya