“Sa kabilang palad, ang apat na lalaki na nakasalubong namin sa bundok ay talagang salot ng lipunan, at hindi sila pwedeng pagbigyan ng basta basta!”Laging may klarong linya si Leon pagdating sa pagtatanim ng sama ng loob. Hiniwa nga siya ni Leopard, ngunit at least ay may mga moral at prinsipyo si Leopard. May magkaibang pananaw lang sila pagdating sa pamamaraan nila, at ang pagkakaiba na ito ay hindi sapat na rason para patayin niya si Leopard.Sa kabilang palad, ang apat na lalaki na binugbog niya sa bundok kanina ay walang prinsipyo at moralidad. Ang mga tao na tulad nito ay magiging salot sa lipunan, at kailangan nilang parusahan ng malubha!“Sige. Susundan ko ang desisyon mo…” Tumango si Iris pagkatapos makumbinsi ni Leon.“Maraming salamat, Mister Wolf. Pangako na tatandaan ko ang kabaitan mo ngayong araw. Kung may kailangan ka pa, ako, si Felix Leopard Moneta, ay tutuparin ang salita ko at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan ka, kahit na dumaan pa ako sa daga
Mabuti na lang at ang sugat ay natutuyo na at mukhang gumagaling na ito kahit na hindi pa matagal simula nang masugat si Leon.“Sumara na ang sugat sa likod mo, Leon! Mabilis talaga ang pag galing mo!” Nabigla si Iris.Naaalala niya na sinaksak si Leon sa dibdib noong niligtas siya nito sa unang pagkikita nila. Sa oras na ‘yun, ang peklat niya ay gumaling na at nabalatan ito sa isang araw lang, halos walang naiwan na kahit anong bakas.Nang makita ni Iris na mangyari ito ng pangalawang beses, hindi siya makapaniwala!“Baka ito ay dahil medyo mas maganda ang takbo ng katawan ko kumpara sa mga normal na tao, kaya mas mabilis ang pag galing ko…” Agad na napagtanto ni Leon na ito ay dahl siguro sa pagrefine niya ng spiritual energy.“Siguro nga.” Tumango si Iris at hindi niya na ito pinag isipan ng masyado.Pagkatapos, tinaas niya ang makinis na kamay niya at dahan dahan niyang nilagay ang ointment sa likod ni Leon. Ang mga kamay niya ay kumilos ng taas at baba, sa buong lugar, at hi
Fashionable ang suot na dress ni Lily, at kahit na hindi ito high-end luxury-brand na damit, bagay ito sa nakakaakit na ugali niya at sa pagiging simple niya.Ito ang unang beses na nakita ni Leon ang kagandahan ni Lily. Hindi siya kasing seksi at nakakaakit tulad nila Iris at Ariel pagdating sa katawan niya, ngunit ang kagandahan niya ay malapit sa lebel ni Ariel!“Leon… may problema ba?” Namula ang mukha ni Lily nang mapansin niya ang mainit na tingin ni Leon at tumibok ng kabado ang puso niya. Yumuko agad siya para umiwas ng tingin sa mga mata ni Leon.Simula noong tinulungan siya ni Leon, nagsimula siyang magkaroon ng damdamin para sa matangkad at gwapong si Leon. Dahil ito ang unang beses na inimbitahan niya si Leon sa bahay niya bilang isang bisita, sinasadya niyang magbihis at magbigay ng magandang impresyon kay Leon.Ang reaksyon ni Leon ang patunay na hindi nasayang ang pagsisikap niya, at nakaramdaman siya ng kaligayahan sa puso niya.“Uhh, wala. Wala naman…” Bumalik sa
Nanood si Bowden mula sa likod habang naglakad si Lily palayo kasama si Leon, at humigpit ang kamao niya ng may poot sa kanyang ekspresyon.“Matigas talaga ang ulo mo, no? Dahil gusto mong mapunta sa gulo, mukhang dapat kong tuparin ang gusto mo!” May masamang tingin sa mukha ni Bowden habang nilabas niya ang phone niya at tumawag siya sa kanyang phone.Magkatabing naglakad sina Lily at Leon patungo sa bahay ni Lily.“Mahilig maghiganti si Bowden. May nagsabi sa akin na makapangyarihan ang pinsan niya. Ngayon at may sama ng loob siya sayo, kailangan mong mag ingat kapag nakasalubong mo siya sa susunod,” Ang paalala ni Liy.Ang pamilya niya ay matagal nang kapitbahay ng pamilya ni Bowden, at may alam siya tungkol sa family background ni Bowden dahil dating may magandang relasyon ang pamilya nila. Ngunit, sa mga nakalipas na taon, ang finances ng pamilya ni Bowden ay lumago. Dahil dito, minsan na lang sila bumabalik sa dating bahay nila dahil bumili sila ng dalawang bagong bahay sa b
Kuminang ang mga mata ni Serena ng makita niya ang nangyari, at tila may naintindihan.“Leon, may mga gusto lang ako itanong sayo, Iniisip ko kung okay lang sayo na sagutin sila?” tanong ni Serena.“Ano iyon?”“Sasagutin ko lahat ng tanong mo” ngumiti si Leon at sinabi.“Hindi ka na bata, May girlfriend ka ba ngayon?” sabi ni Serena na may ipinahihiwatig.Ng marinig ni Lily ang sinabi ng kanyang nanay, agad niyang nahulaan ang intensyon ni Serena. Namula ang kanyang mukha at tumingin paibaba para iwasan ang titig ng kanyang nanay, at hindi rin nangahas na tumingin kay Leon.“Wala…” umiling si Leon at hindi nagelaborate.Kahit wala siyang girlfriend, kaka-diborsyo niya pa lang.Ngunit, ang diborsyo ay hindi dapat ipagmalaki, dahil hindi naman itinanong ni Serena, hindi niya ito sinabi.“Hindi ako makapaniwala na ang pambihirang tao na katulad mo ay wala pang girlfriend. Maganda rin ang ugali mo!” Medyo nagulat si Serena, ngunit lalo pa siyang napangiti.Tinignan niya ng mabuti
Galing sa labas, Isang magandang dalaga na mukhang nasa edad ng twenty-six o twenty-seven ang pumasok kasama ang dalawang lalaki.“Rizzy, Richard, bakit nandito kayo?” nagulat si Lily.Ang dalagang nasa harap niya ay anak ng kanyang Tiyuhin. Ito ang pinsan niya na si Rizzy Plummer.Isa sa mga binata sa likod ni RIzzy ay ang kanyang cousin-in-law, si Richard Lewis.Iniwanan sila ng tatay ni Lily ng maliit pa lamang siya, at ang kanyang nanay ang nagpalaki sa kanilang dalawa.Sa panahon na iyon, ang kanyang tiyuhin at ibang kamaganak ang tumulong sa kanilang pamilya, si Rizzy ay isa sa kanila.Magkasama silang lumaki dalawa, at maganda ang kanilang relasyon.Nang dinala sa ospital ang kanyang nanay, humiram sila ng pera kay RIzzy para makapagbayad.Maging tiyuhin niya o si Rizzy, pareho nilang ginawa ang lahat para matulungan ang pamilya ni Lily, kaya malaki ang utang na loob ng pamilya ni Lily.“Lily, narinig ko na nakalabas na sa ospital si Aunt Serena, katapusan na ng linggo
Napakaganda ng itsura ni Lily, naglaan pa siya ng oras para makapagbihis ng maayos ng araw na iyon. Nagmukha siyang elegante. Mas maganda pa si Lily sa naisip ni Duncan. Pakiramdam niya ay hindi pa siya nakakita ng ganito kadalisay at kagandang babae.Ng makita niya si Lily sa oras na iyon, nagulat siya. Pakiramdam niya na perpekto si Lily.“Mr. Leonard, masyado mo akong pinupuri…” magalang na ngumiti si Lily, nakaramdam siya ng konting hiya.Kailan lang siya nagtapos sa university, kaya pakiramdam niya ay masyado pa siyang bata at hindi pa niya kailangang maghanap ng kasal.Ngunit, ginawa pa rin ito ni Rizzy sa kabutihan ng kanyang puso. Kung nangyari ito sa ordinaryong oras, pagdadaanan niya ito para lang sa kapakanan ni Rizzy.Ngunit, kakaiba ang sitwasyon ngayon. Inimbita nila si Leon para pasalamatan si Leon sa pagtulong sa kanila.Biglang gusto siya ipakilala ni Rizzy sa isang lalaki. Siguro hindi niya naman iyon magagawa sa harap ni Leon?At saka, nagsisimula na siyang ma
Dahil nahulaan na ito ni Rizzy, kusang-loob na ito inamin ni Serena. Ng sa gayon, tumigil na si Rizzy sa pagsetup kay Lily sa ibang tao at para maiwasan na rin ang gulo.“Paano niyo magagawa iyon?!”“Aunt Serena, Kilala si Leon bilang taong walang silbi! Diborsyado din siya. Paano siya magiging karapat-dapat kay Lily?!”“Niloko niya ba kayo?!” hindi makapaniwala si Rizzy na halos mahulog ang panga niya sa sahig.“Ano? Walang silbi? Diborsyado?”“Rizzy hindi ka ba nagkakamli?!” tinignan ni Serena si Rizzy ng may pagkagulat at halos hindi makapaniwala sa sinasabi ni Rizzy.“Hindi ako nagkakamali!”“Aunt Serena, baka hindi mo alam, pero dati siyang kasal sa mga Mansons. Niloko siya ni Marilyn at napatalsik siya sa bahay ng walang kung ano sa kanyang pangalan…” kinuwento ni Rizzy ang lahat.Nagtatrabaho pa rin siya sa mga mansons, at may alam siya sa diborsyo ni Leon kay Marilyn. Alam niyang pinalayas si Leon ni Marilyn!Nagkaanak pa si Marilyn sa iba. Ang isang taong walang kwen