Nanood si Bowden mula sa likod habang naglakad si Lily palayo kasama si Leon, at humigpit ang kamao niya ng may poot sa kanyang ekspresyon.“Matigas talaga ang ulo mo, no? Dahil gusto mong mapunta sa gulo, mukhang dapat kong tuparin ang gusto mo!” May masamang tingin sa mukha ni Bowden habang nilabas niya ang phone niya at tumawag siya sa kanyang phone.Magkatabing naglakad sina Lily at Leon patungo sa bahay ni Lily.“Mahilig maghiganti si Bowden. May nagsabi sa akin na makapangyarihan ang pinsan niya. Ngayon at may sama ng loob siya sayo, kailangan mong mag ingat kapag nakasalubong mo siya sa susunod,” Ang paalala ni Liy.Ang pamilya niya ay matagal nang kapitbahay ng pamilya ni Bowden, at may alam siya tungkol sa family background ni Bowden dahil dating may magandang relasyon ang pamilya nila. Ngunit, sa mga nakalipas na taon, ang finances ng pamilya ni Bowden ay lumago. Dahil dito, minsan na lang sila bumabalik sa dating bahay nila dahil bumili sila ng dalawang bagong bahay sa b
Kuminang ang mga mata ni Serena ng makita niya ang nangyari, at tila may naintindihan.“Leon, may mga gusto lang ako itanong sayo, Iniisip ko kung okay lang sayo na sagutin sila?” tanong ni Serena.“Ano iyon?”“Sasagutin ko lahat ng tanong mo” ngumiti si Leon at sinabi.“Hindi ka na bata, May girlfriend ka ba ngayon?” sabi ni Serena na may ipinahihiwatig.Ng marinig ni Lily ang sinabi ng kanyang nanay, agad niyang nahulaan ang intensyon ni Serena. Namula ang kanyang mukha at tumingin paibaba para iwasan ang titig ng kanyang nanay, at hindi rin nangahas na tumingin kay Leon.“Wala…” umiling si Leon at hindi nagelaborate.Kahit wala siyang girlfriend, kaka-diborsyo niya pa lang.Ngunit, ang diborsyo ay hindi dapat ipagmalaki, dahil hindi naman itinanong ni Serena, hindi niya ito sinabi.“Hindi ako makapaniwala na ang pambihirang tao na katulad mo ay wala pang girlfriend. Maganda rin ang ugali mo!” Medyo nagulat si Serena, ngunit lalo pa siyang napangiti.Tinignan niya ng mabuti
Galing sa labas, Isang magandang dalaga na mukhang nasa edad ng twenty-six o twenty-seven ang pumasok kasama ang dalawang lalaki.“Rizzy, Richard, bakit nandito kayo?” nagulat si Lily.Ang dalagang nasa harap niya ay anak ng kanyang Tiyuhin. Ito ang pinsan niya na si Rizzy Plummer.Isa sa mga binata sa likod ni RIzzy ay ang kanyang cousin-in-law, si Richard Lewis.Iniwanan sila ng tatay ni Lily ng maliit pa lamang siya, at ang kanyang nanay ang nagpalaki sa kanilang dalawa.Sa panahon na iyon, ang kanyang tiyuhin at ibang kamaganak ang tumulong sa kanilang pamilya, si Rizzy ay isa sa kanila.Magkasama silang lumaki dalawa, at maganda ang kanilang relasyon.Nang dinala sa ospital ang kanyang nanay, humiram sila ng pera kay RIzzy para makapagbayad.Maging tiyuhin niya o si Rizzy, pareho nilang ginawa ang lahat para matulungan ang pamilya ni Lily, kaya malaki ang utang na loob ng pamilya ni Lily.“Lily, narinig ko na nakalabas na sa ospital si Aunt Serena, katapusan na ng linggo
Napakaganda ng itsura ni Lily, naglaan pa siya ng oras para makapagbihis ng maayos ng araw na iyon. Nagmukha siyang elegante. Mas maganda pa si Lily sa naisip ni Duncan. Pakiramdam niya ay hindi pa siya nakakita ng ganito kadalisay at kagandang babae.Ng makita niya si Lily sa oras na iyon, nagulat siya. Pakiramdam niya na perpekto si Lily.“Mr. Leonard, masyado mo akong pinupuri…” magalang na ngumiti si Lily, nakaramdam siya ng konting hiya.Kailan lang siya nagtapos sa university, kaya pakiramdam niya ay masyado pa siyang bata at hindi pa niya kailangang maghanap ng kasal.Ngunit, ginawa pa rin ito ni Rizzy sa kabutihan ng kanyang puso. Kung nangyari ito sa ordinaryong oras, pagdadaanan niya ito para lang sa kapakanan ni Rizzy.Ngunit, kakaiba ang sitwasyon ngayon. Inimbita nila si Leon para pasalamatan si Leon sa pagtulong sa kanila.Biglang gusto siya ipakilala ni Rizzy sa isang lalaki. Siguro hindi niya naman iyon magagawa sa harap ni Leon?At saka, nagsisimula na siyang ma
Dahil nahulaan na ito ni Rizzy, kusang-loob na ito inamin ni Serena. Ng sa gayon, tumigil na si Rizzy sa pagsetup kay Lily sa ibang tao at para maiwasan na rin ang gulo.“Paano niyo magagawa iyon?!”“Aunt Serena, Kilala si Leon bilang taong walang silbi! Diborsyado din siya. Paano siya magiging karapat-dapat kay Lily?!”“Niloko niya ba kayo?!” hindi makapaniwala si Rizzy na halos mahulog ang panga niya sa sahig.“Ano? Walang silbi? Diborsyado?”“Rizzy hindi ka ba nagkakamli?!” tinignan ni Serena si Rizzy ng may pagkagulat at halos hindi makapaniwala sa sinasabi ni Rizzy.“Hindi ako nagkakamali!”“Aunt Serena, baka hindi mo alam, pero dati siyang kasal sa mga Mansons. Niloko siya ni Marilyn at napatalsik siya sa bahay ng walang kung ano sa kanyang pangalan…” kinuwento ni Rizzy ang lahat.Nagtatrabaho pa rin siya sa mga mansons, at may alam siya sa diborsyo ni Leon kay Marilyn. Alam niyang pinalayas si Leon ni Marilyn!Nagkaanak pa si Marilyn sa iba. Ang isang taong walang kwen
“Tigilan mo na! Hindi mo na kailangang magpanggap pa!”“Pareho tayong lalaki dito! Wag mo isiping hindi ko alam ang iyong iniisip!”“Sinasabi ko sa iyo, ang basura na katulad mo ay dapat alam kung saan lulugar. Tigilian mong mangarap ng mas mataas sa iyo!”“Hindi ka karapat-dapat!” suminghal si Duncan.Maganda at dalisay si Lily. Kahit sinong lalaki ay mabibighani sa kanyang itsura. Hindi siya naniniwalang hindi ganon ang taningin ni Leon kay Lily.Sinubukan niyang magisip ng paraan kung paano mapapaalis si Leon!“Tama ka, Hindi ako bagay kay Lily, pero hindi ka maikukumpara sa kanya!” may madilim na mukha si Leon, matapos siyang magalit sa kayabangan ni Duncan.“Bata, kilala mo ba ako? Ang lakas ng loob mong kausapin ako ng ganito?!”“Pagod ka na bang mabuhay?!” galit na sumigaw si Duncan habang tinitignan ng masama si Leon.Kung hindi niya ginagawang magiwan ng magandang impresyon kay Lily, sinugod na niya si Leon para turuan ng Leksyon.“Leon, tumahimik ka na!”“Anong kar
May mapanuksong tawa ang narinig habang naglalakad si Bowden kasama ang pito o walong lalaki na malalaki ang katawan.Ang frontman ay mukhang nasa tatlumput taong gulang. Marami siyang tattoo sa kanyang mga braso at leeg, at mukha siyang mabangis. Hindi siya ang itsura ng taong dapat mong kalabanin.Siya ay si Walter Grim, pinsan ni Bowden.“Bowden, anong ginagawa mo dito?!” nagbago ang ekspresyon ni Lily.Nagdilim din ang mga mukha ni Jared at Serena.Kahit si Rizzy at si Richard ay nagulat matapos silang mapalibutan ng mga mababangis tignan na tao.“Ano sa tingin mo?!”“Malamang, nandito ako para gumanti kay Leon? Ano pa ba ang dapat ko ginagawa?!” malakas na tumawa si Bowden.“Bowden, ilan taon na tayong magkapitbahay. A-anong balak mong gawin?” sabi ni Serena na may masamang tingin sa kanyang mukha.“Aunt Serena, dahil ikaw ang matanda dito. Magiging prangka ako sayo!”“Ngayon, si Leon ang dahilan kung bakit ako natanggal sa trabaho ko sa ospital, ngunit tinulungan din si
Tumango si Walter at naging seryoso ang kanyang ekspresyon.“Kung narinig niyo na pangalan ng tatay ko, umalis na kayo agad!” suminghal si Duncan habang nakataas ang kanyang ulo.“Walter, ano na…” nagsimula ng magpanik si Bowden, at hindi na alam ang kanyang gagawin.Pinlano niya ang lahat ng maayos, ngunit hindi niya inasahan na ang isang katulad ni Duncan ay magpapakita. Mukhang may kakayahan ang tatay ni Walter, kaya hindi niya magagawang saktan ang lalaki.Ngunit, hindi siya papayag umalis ng walang nakukuha!“Mas magaling pa rin talaga si Mister Leonard. Mas mabuti pa siya kaysa sa taong walang kwenta!” ng makita niya ang pangyayari, Nagalak si Rizzy. Binigyan niya ng thumbs up si Duncan bago tumingin kay Leon ng may pangmamaliit.“Tama, lahat ng ito ay salamat kay Mister Leonard…” Tumingin si Serena at Lily kay Duncan ng may pagpapasalamat.Ang mga tao ni Walter ay mga taong tila hindi nila kaya, inilagay nila ang kanilang pagasa kay Duncan.Dahil sa pagpuri ng lahat sa k