Inihatid ni Matthew ang mga bata sa Rivera Residence. Muli siyang nakatunton sa tahanan ng mga Rivera. Magiliw na siyang binati ng tita ni Prim. Nagmano ang mga bata at dumiretso na sa kanilang mga kuwarto.
“Good evening po!”
“Good evening naman, Iho. Matagal kang hindi nakadalaw ah!”
“Oo nga po eh. Kumusta po kayo?”
“Okay lang ako. Ikaw? Kumusta ka? Nakikiramay ako sa nangyari sa iyong asawa,” sabi ng babae.
“Salamat po!”
“Kami ang dapat magpasalamat sa ginawa mong pagliligtas kay Thea. Nalungkot kami ng malamang nasaktan ka sa hostage taking,” anito.
“Kahit naman po sinong ama ay isusuong ang sarili para lang sa kaligtasan ng anak,” tugon ni Matthew.
Bumaba ang mga bata upang mag-good night kiss sa kanya. Kitang -kita ni Ligaya kung gaano kamahal ng triplets ang kanilang ama simula ng makilala nila i
Nakaupo si Prim sa long sofa. Tahimik ito habang mag-isa sa loob. Nagkabuhul-buhol na yata ang dalangin ni Prim. Hindi niya halos matapos ang Our Father sa sobrang kaba. Puro na lang yata Our Father who art in heaven ang nasasabi niya. Ni hindi niya maumpisahan ang Hail Mary dahil nai-imagine niya kung ano ang posibleng mangyari sa kanya. Para siyang naghihintay ng customer na anumang oras ay handa na siyang ikama. Hindi siya makakapalag kapag hinubaran siya lalo pa’t nakabestida siya. Mukhang ililislis na lang ng konti ang kanyang damit at puwede na siyang pagsamantalahan. Hindi siya makakakilos dahil nakaposas pa siya. Wala siyang makikita dahil nakapiring siya. Hindi man lang niya maipagtatanggol ang kanyang sarili at wala siyang maituturong salarin na puwedeng dakpin kung sakaling maka-survive siya as rape victim. Iyon na ang worst scenario sa kanyang isipan. Gusto na niyang tawagin si Mr. Aragorn upang humingi ng tulong. Naalala niya noon ng halos pagsama
Matamlay ang mga bata paggising kinabukasan dahil nakausap nila ang ama at hindi siguradong masusundo sila nito. Busy ang ama sa ilang mga gawain sa opisina. Wala silang ganang kumain. Ni ayaw nilang galawin ang kanilang almusal. “So, aaksayahin ninyo ang pagkain, ganoon ba? Eat now!” Nakasimangot ang mga bata habang kumakain. Nadatnan sila ng kanilang Lolo Primo at hindi umimik ang mga ito. “Pagpapasensiyahan na ninyo dahil may mga sumpong.” “Sige, mga apo! Ba-bye na si Lolo. Kitakits mamaya. Teka, kailan pala dadalaw si Troy? Kakausapin ko kayong dalawa. Kailan ninyo balak magpakasal?” Sumunod si Prim sa ama hanggang sa labas ng pinto. “Papa…” Hindi alam ni Prim kung paano ipapaliwanag sa ama ang buong katotohanan. Napabuntunghininga na lang siya ng hindi siya pansinin ng ama. Umalis siya pagkaalis ng ama at matapos niyang kausapin ang mga
Hindi nakadalaw si Primo sa kanyang anak dahil inaasikaso rin nito ang pamamalakad sa kanyang negosyo. Dinadalaw niya ang ilang mga sikretong pasugalan at mga club tuwing gabi kung hindi kinukulang ng supply ng droga sa lugar. Binibigyan siya ng update sa maayos na daloy ng negosyo nito. Pinupuntahan din niya ang mga secret drug den upang tingnan mismo kung gaano kahigpit ang security dito. Pinindot niya ang contact sa kanyang cellphone. ”Kumusta? Anong sitwasyon natin dyan?” “Okay lang po, Boss. Anggaling po ng plano ninyo!” “Ako pa ba? Akala siguro ni Matthew ay mauutakan niya ako. Bantayan mong mabuti ang ating secret garden,” sabi niya sa kausap. Naging abala ang gabi sa mga aliwan sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan. Malakas pa rin ang bentahan ng droga sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng bansa kaya mabilis ang pasok ng pera sa ganitong illegal na gaw
Hindi na nagkaila ang pusong matagal ng nananabik na mabigyan siya ng pagkakataon upang muling makapiling ang lalaking unang nagpatibok sa kanyang puso. Tila ba nananaginip si Prim ng mga oras na iyon dahil sa sobrang pagod niya. Hindi pa siya masyadong nakakapagpahinga sa kanilang biyahe pagkatapos ng weekend na iyon. Hindi niya naramdaman ang matipunong bisig na bumuhat sa kanya at maayos siyang inihiga sa kama. Tinitigan siya ni Matthew habang himbing na himbing silang magkatabi. “I appreciate your beauty while you are sleeping right now than what we did that night in the dim light. I love you, Prim. Hindi ko akalaing mamahalin kita ng ganito. Ayoko nang mapalayo sa iyo,” bulong nito sa babae habang himbing na himbing na natutulog. Tuluyang nadarang ang dalawa sa sobrang pananabik at sa matagal na pinipigilang damdamin. Ang simpleng dampi ng labi ni Matthew ay nauwi sa mainit na tagpo. Nanatiling nakapikit s
Hawak ni Matthew ang tatlong piraso ng dahon bilang ebidensiya na ginagawang taniman ng marijuana ang lumang tunnel. Kinausap niya si Prim sa cellphone ng gabing iyon. “Prim, I’ll send you the kids early.” “May ginawa ba ang mga bata?” “Wala naman. I’ll be busy. Hindi ko sila mababantayan. At saka baka puwedeng pakisabihang mabuti si Matthias na iwasan ang sobrang likot.” “Oh, I see. Pasensiya ka na. Hindi kasi ako malikot na bata. Mukhang sa inyo nagmana nang pagiging malikot si Matthias.” “Pasensiya ka na but I will just see them in your house. Kung magtanong si Matthias, please give them an alibi.” “Kausapin mo na lang din bago mo sila ihatid bukas. I don’t want to give him a wrong impression na pinapa-deport mo na sila dahil may ginawa siyang hindi maganda.” “Yeah, I’ll do it. Prim…” “Yes, Mr. Arag
Nag-usap ang magkapatid sa Club Roman. Humanap sila ng pribadong lugar upang makapag-usap tungkol sa kanilang plano. Matagal na panahon din ang ginawang surveillance ni Prince sa mga lugar na pasugalan at drug den ng Ninong Prim nila. Pareho nilang pinagkasunduan na susugpuin nila ang matagal nitong pagkakalat ng droga sa buong Kamaynilaan. Si Prince ang ginawang asset ng mga pulis. Matagal ng nakatimbre sa pulisya si Primo dahil sa mga ilegal na gawain ng matandang Severino. Kailangan nila ng malakas na ebidensiya laban sa kanya. Nasa libretang iyon ang mga listahan ng lahat ng mga shabu laboratories ni Primo at maging ang mga club na lihim na nagsasagawa ng pot session gabi-gabi habang tulog at nagpapahinga ang karamihan. May mga mapa rin sa bawat lugar kung saan ito matatagpuan at kung ano ang disguise nito sa labas ng gusali. Samantala, inabutan ni Primo na nasa hardin ang anak at dinidiligan ang mga succulent
Pinayagan ni Matthew si Zoren na umuwi muna upang makapagpahinga. Marami din itong ipinaasikaso at hindi naman ito masyadong nagreklamo. “Puwede kang umuwi ng maaga ngayon.” “Thanks, Boss. Dadalawin ko rin ang nanay ko.” Habang nasa daan ay tinawagan nito si Naomi. “ Kumusta ang sitwasyon diyan?” “Okay naman po, Sir. Ha a e, Sir Matthew… uuwi po sana ako ng maaga kapag natapos ko ang mga scheduler ninyo. Okay lang po ba?” “Sige, no problem. I-send mo lang sa akin ang schedule ko ng mas maaga ha!” “Yes, Sir.” Nagmadaling umalis si Naomi pagkatapos niyang ayusin ang schedule ng boss. Umuwi siya saglit sa kanyang inuupahang apartment at nagpalit ng damit. Pumili siya ng fitted dress at inilugay ang kanyang mahabang buhok. Tinanggal din niya ang kanyang salamin, naglagay ng contact lens at nag-appply ng simpleng mak
Parang dream come true para kay Prim na maging sila ni Mr.Aragorn. Maging si Bella ay natuwa sa kanilang nalaman. Lahat ay kinikilig sa kanilang dalawa. Makahulugan ang tinginan nila ng ihatid nito ang lalaki sa labas ng Eufloria. Walang naglakas ng loob na magtanong. “Kailan pa?” tanong ng kaibigan habang tila ba nagmumuni-muni pa rin. “Just recently…” sabi naman nito. “What about the other one?” Alam ni Prim na itatanong nito ang tungkol kay Prince. Napabuntunghininga na lang ang kausap. “He is giving me a headache. Muntik silang magpang-abot na magkapatid kanina,” “Omg! Anghaba ng hair mo, Mars.” “Yeah, isa sa kanila ay ipupulupot ko sa haba ng hair ko. Sasakalin ko para matauhan,” tugon ni Prim. Ipinakita niya ang mensaheng natanggap mula kay Prince. “I am going to take you back. You are mine in the beginning. Beside
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala