Parang dream come true para kay Prim na maging sila ni Mr.Aragorn. Maging si Bella ay natuwa sa kanilang nalaman. Lahat ay kinikilig sa kanilang dalawa. Makahulugan ang tinginan nila ng ihatid nito ang lalaki sa labas ng Eufloria. Walang naglakas ng loob na magtanong.
“Kailan pa?” tanong ng kaibigan habang tila ba nagmumuni-muni pa rin.
“Just recently…” sabi naman nito.
“What about the other one?” Alam ni Prim na itatanong nito ang tungkol kay Prince. Napabuntunghininga na lang ang kausap.
“He is giving me a headache. Muntik silang magpang-abot na magkapatid kanina,”
“Omg! Anghaba ng hair mo, Mars.”
“Yeah, isa sa kanila ay ipupulupot ko sa haba ng hair ko. Sasakalin ko para matauhan,” tugon ni Prim. Ipinakita niya ang mensaheng natanggap mula kay Prince.
“I am going to take you back. You are mine in the beginning. Beside
Minsan, nagbabago talaga ang ihip ng hangin...kahit sa lalaki.
Makalipas lang ang ilang araw matapos ang isinagawang pagsugod sa mga pinaghihinalaang kuta ng mga illegal na gawain ni Primo ay parang bumaliktad naman ang sitwasyon kay Matthew. Sinugod ng PDEA ang buong taniman sa malalaking plantasyon ng mga Aragorn. Kahit sa compound ng Winery ay naghalughog ang mga awtoridad. Gulat na gulat ang mga tauhan na kasalukuyang abala sa magkaibang lugar ng plantasyon. Nahintakutan din ang mga nasa bottling area at packaging area ng makita ang mga armadong kalalakihan sa loob ng gusali. Malawak ang lugar kaya maraming pulis ang isinama upang walang makatakas. Hindi pumasok si Mr. Robinson dahil inatake ito ng rayuma. Hindi makapaniwala si Matthew. ”What’s the meaning of this, Chief?” “Here’s the search warrant, Mr. Aragorn. May karapatan kang manahimik at humanap ng abogado dahil anumang sabihin mo ay puwedeng gamitin laban sa iyo,” sabi ng isang pulis.
Dumiretso si Matthew sa tahanan ng mga Rivera. Inabutan niya si Prim na naghihintay talaga sa kanya. Nasa loob ng kuwarto ang kanyang mga anak. Nakita ni Prim ang pagod sa mukha ng lalaki sa kauna-unahang pagkakataon ngunit umaliwalas ang mukha nito ng makita siya. Hindi na nakaiwas si Prim sa ambush na dampi ng mga labi ni Matthew. Napakapit itong bigla sa lalaki. Ngumisi ang lalaki ng makitang gulat na gulat pa rin si Prim. “Ikaw talaga, parang first time palagi sa iyo. Sa susunod, sagutin mo naman.” Hinampas ni Prim ang lalaki ng mahina sa balikat. Parang asawang naghihintay si Prim kaya siya napangiti. Nananabik siya sa araw na sa mansion na maghihintay ang babae sa kanya mula sa opisina. Tinulungan siya nitong tanggalin ang kanyang tuxedo at iniwan sa sandalan ng sopa. Dahan-dahan silang umakyat sa hagdan habang niluluwagan ang kanyang kurbata. Nakahawak si Prim sa kanyang braso habang p
Naging laman ng balita sa iba’t ibang istasyon ang naganap na raid sa Aragorn Winery Corporation. Marami ang napailing na inside job ang nangyari. May nagsasabing baka may malaking galit ang isang sindikato na nakabangga nito kaya siya binubuweltahan. May nagsasabi pang pulitika daw ito ng mga mayayamang negosyante upang ma-dominate ng ibang kompanya ang kalakalan. Malaki ang naging epekto ng isyu sa winery. Problemado ang mga stakeholders ng corporation sa nangyari at si Primo lamang ang chill at walang inaalala. Matagal nang naging usap-usapan ng mga stakeholders ang paglantad ni Primo. Alam nila na darating ang isang araw ay gagawa na naman ito ng gulo. “Wala talagang matinong gagawin ‘yang si Primo,” sabi ni Mr. Balvidich habang hinihigop ang laman ng kanyang tasa. “Ang kanyang tagapagmana ang dapat mahawakan sa leeg ni Matthew,” suhestiyon ni Mr.Queng. “That’s righ
Samantala, paparada pa lang ang kotse sa tapat ng Eufloria. Nakita niyang lumabas sa flower shop ang kanyang ninong Primo. Kinabahan tuloy siya. Naisip niyang baka nagmamanman na ito upang manggipit sa kanya ngayon. Hindi siya nagpahalata pero ang staff ni Prim ang tinanong ni Matthew. “Sino ‘yung mga kaaalis lang na mga lalaki?” “Ay pasensiya na po,Sir. Busy ako sa counter. Hindi ko po alam kung sinu-sino iyon? Baka po mga customer na hindi naman bibili. Baka napadaan lang,” sagot ni Catcat. Nilingon ni Matthew ang kabuuan ng lugar, ang iba naman ay abalang nag-aassist sa mga customers at inayos ang mga silver cans ng mga bulaklak. Pagpasok nito sa loob ng opisina ay tamang-tama namang kalalabas lang ng banyo si Prim. Magaling talagang magdala ng damit si Matthew. Doon pa lang ay napahanga na niya si Prim. Dumampi kaagad ang malambot niton
Pinag-isipang mabuti ni Rose kung tatawagan ba si Primo upang isangguni ang problema ng anak sa kanya. Hindi inasahan ni Primo ang tawag na iyon kay Rose. “Rose, napatawag ka!” “Primo, ano bang ginagawa mo sa anak mo? Dinadagdagan mo ang problema ni Prim,” sabi ng babae sa kabilang linya. “Bakit naman? Ano bang ginawa ko? Gusto kong makilala ang manugang ko, Rose. Kahit drug lord ako, kailangan ko pa ring makita ang lalaking nakabuntis sa anak mo,” tugon naman ni Primo na bakas ang pag-aalala. ”Nagdadalawang-isip ang anak mo. Baka naman sa bandang huli ay makipaghiwalay na lang siya sa lalaki na iyon.” “Sige, hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko. Oo na,” anito. “Gusto ka rin daw makilala ng lalaking iyon.” “Kilala mo ba?” Ngunit naputol ang linya ni Rose, hindi na ito nakatawag. Hindi rin naman masa
Samantala habang nasa sariling tirahan si Primo at tahimik na kumakain ay tinawagan nito si Zoren. “Yes, Boss!” “Sa tingin ko naman ay nakikita mo ang mga anak ni Matthew.” “Yes, Boss!” “Alam mo ang schedule nila?” “Hindi, Boss kasi iba po ang kasama nila.” “Alamin mo, hunghang! I want to use them,” sabi nito. “Tiyak na sila lang ang kahinaan ni Matthew bukod sa ina ng mga anak niya. Let’s use his kids.” “Okay po, Boss!” Lihim ding tumawag siya ng ibang grupo na hahawak dito upang walang maghinala sa kanya. Masinsinan silang nag-usap sa kanilang hatian kapag naisakatuparan ang kanilang trabaho ngunit laking gulat niya ng kausapin din siya ni Matthew. “Zoren, nasaan ka na?” “On the way na, Boss!” “Sige, kita tayo sa baba. Sa may coffee
“Bakit ba gabing-gabi ay wala pa ang mga bata? Ni hindi ko matawagan si Prim,” sabi ni Joy sa sarili habang paroo’t parito sa hardin at tinatanaw kung may hihintong sasakyan sa tapat ng kanilang gate. Pag-alis ng ama ay saka lang sinabi ng tita na hindi pa nakakauwi ang mga bata. "Saan ka ba galing? Hindi pa nakakauwi ang mga bata. Suskupo!” “Baka naman po kasama ni Matthew. Hindi po ba tumawag sa inyo?” Kalmado lang siya habang akmang tatawagan sana si Matthew. Hindi sinabi ni Prim ang nangyari sa kanya ngunit ang higit niyang inalala ay ang malaman niyang hindi pa nakauwi ang mga bata. Napawi ang kanyang kaba ng makita si Matthew na kasama ang mga ito. Niyakap sila ni Matthew ng mahigpit. “Mahal na mahal ko kayo! Kayo ang buhay ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala kayo!” Hinigpitan ni Matthew ang yakap sa mga bata at maging kay Prim. H
Habang papalabas ang kotse sa main road ay nakita ni Bryan ang pamilyar na mga tauhan ni Primo na papasok sa isang malaking compound kasunod ng pagpasok ng malaking six-wheeler truck, ilang bloke lang ang layo sa resort. “Huli ka, Balbon! Akala mo ha! Tapos mandadamay ka pa ng iba,” sabi nito sa sarili. Maingat siyang kumuha ng video upang hindi siya mahuli sa ginagawang pagmamanman. Itinimbre kaagad niya ito, direkta kay Chief Jude Lorenzo at lihim na ring pinakilos ang mga kapulisan. Nahanap na nila ang kuta ni Primo. Ayaw na nilang mabulilyaso ang operasyon dahil sa mga tiwaling pulis na kasamahan nila. Lalakarin daw ang asunto sa araw na iyon. Hindi alam ni Matthew ang gagawin. Tinawagan niya si Bryan. ”Bumalik ka dito. Dalian mo! May nangyari kay Prim!" At itinawag niya sa pulisya sa nakakasakop ng lugar ang nangyaring aksidente upang mapag-aralan ang trajectory nit
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala