Kinaladkad ni Matthew palabas ng kuwarto si Prim. Hindi umiimik ang mga bata dahil first time nilang nakitang mainit ang ulo ni Matthew.
“Bakit ngayon ka lang?!” tanong ni Matthew habang nasa tabi ni Teo. May dextrose na ang bata. Hindi sumunod si Troy. “Inuuna mo pa ang kung sinu-sino bago ang mga anak mo. Hayan, hindi mo ba na-tsi-check ang anak mo? Ah, siguro kasi busy ka diyan sa boyfriend mo na ka-meant to be mo! Ubos na ang oras mo para asikasuhin sila,” sabi ni Matthew habang nasa loob sila ng private room ng anak.
Isang malakas na sampal ang iginanti nito dahil ayaw na niyang magsalita. Ubos na ang lakas niya para magpaliwanag. Kitang- kita naman ang ebidensiyang nagseselos siya.
“Wala kang pakialam sa personal kong buhay. Hindi ko rin kailangang ipagpaalam sa iyo kung sino ang kasama ko at kung anong oras ako uuwi.”
“Okay, fine. Sa tingin mo, pinakikialaman kita! Kontrabida ako sa bu
This is terrible!
Nakapasok pa rin ang magkapatid sa school ngunit hindi sila sanay na dalawa lang. Tahimik si Thea habang dahan-dahan siyang kumakain ng pancake for recess. Nakakatatlong subo pa lang siya ay inilayo na niya ang tray ng pagkain. Inilayo rin ni Matthias ang kanyang tray at sabay silang napabuntung-hininga at sumalumbaba. “Uy, ano ba naman? Pareho kayong Biyernes Santo ang mukha,” sabi ni Barbhie. “Kumusta na kaya si Teo?” tanong ni Matthias. “Ilalabas na siya today,” tugon nito sa kapatid. “Gotcha!” Binulaga ni Maia si Matthias ngunit nilingon lang niya ito at binigyan nang fake na ngiti. “Ano ba?” naiiritang tugon ni Matthias. “Matt…” tawag ni Maia habang pinapagalaw ang kilay nito at nagmukhang rabbit dahil labas ang dalawang malalaking ngipin nito. “Why are you being so silly?”sabi ni Matthias. “Heto
Hindi halos makakilos si Prim sa kanyang kinatatayuan. Iisa-isahin ni Matthew na kunin sa kanya ang bata. Gusto na niyang mamatay kung mangyayari iyon. Muling natapig ni Prim ang photo frame nilang mag-anak. Pareho silang nagulat ni Matthew. Hindi niya naisip na makakagawa ng isang bagay si Prim dahil sa sobrang pagkadesperado niya ng mga oras na iyon. Tumalsik ang bubog ng salamin. “Patayin mo na lang kaya ako ngayon, Mr. Aragorn tutal, isa-isa mo na ring binabawi ang kaligayahan ko para mapapasaiyo sila ng walang kahirap-hirap.” “Prim…” Kinuha ni Prim ang piraso ng bubog at walang sabi -sabing naglaslas siya ng pulso sa harapan ni Matthew. Tumulo ang sariwang dugo sa sahig. “Prim!” Inawat niya ang babae. “Hayaan mo na lang akong mamatay para makuha mo na sila! Hayaan mo na akong mamatay!” At humagulgol si Prim. “Hayan mo na lang akong mamatay! T
Pumasok si Prim na may benda ang kanyang pulso. Naka-long sleeves ito kaya hindi halata ng mga staff niya. Hindi niya nagawang magpahinga. Lalo lang daw niyang maiisip si Teo. Mami-miss lang niya ang bata. Nalaman ni Troy ang nangyari kay Prim kaya pagkatapos ng kanyang klase ay dinalaw niya ito sa kanyang flower shop. “Yeah, iiyak mo lang.” Kasalukuyan silang nasa Ajumma’s Snack Bar at tumutulo ang luha ni Prim. Hindi niya magawang kumain. “Kukunin din niya si Matthias sa akin.” “Prim…” “Parang ikamamatay ko talaga, Troy. Alam mo naman kung gaano kahalaga silang tatlo sa akin. Sila lang ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Sila lang ang kaligayahan ko.” “Let’s get marry and we’ll get their full custody,” suhestiyon ni Troy sa babae. “Will you marry me, Prim?” “Troy, my heart is in agony dahil kinuha ni Mr. Aragorn ang anak ko.”
Binantayan ni Matthew si Prim hanggang sa tuluyan itong magkamalay. Sinabi ng mga doktor na ligtas na ito sa kapahamakan. Halata sa kanyang leeg ang marka ng kumot na itinali niya sa kanyang leeg. “Bakit mo iyon ginawa?” “Anong silbi ng buhay ko kung wala na ang anak ko, Mr. Aragorn?” “At anong silbi rin na nasa akin sila kung sisisihin naman nila ako sa bandang huli kumbakit nagpakamatay ka? Iyon ba ang gusto mong mangyari?” Umiyak si Prim. Hindi na inisip na Matthew na matindi ang pinagdadaanan ni Prim. “Sila lang ang buhay ko. Sila lang ang nagmamahal sa akin.” Hindi masabi ni Matthew na mahal din niya ito. He had met Prim at the right time but somewhere down the road, Matthew was lost. He didn’t believe that destiny is there waiting for the right time too. “You still have them. Nasa akin lang sila dahil gusto ko silang alagaan. Hindi ako puwed
Sabi nila, “We are created out of love because God is love. To love is to will the good of others for his/her own sake. For a person to realize this love, he or she must make oneself a gift to others.” But this thing called love is a bit tricky. People trick you by saying they love you but contradicts their words through their actions. And sometimes, they have their own misconception about what love is all about. Para kay Prim ang pagmamahal niya ay inilaan niya unang – una sa mga batang inaakala niyang kaganapan ng pagmamahal na iyon. Wala siyang tanging hangad kundi ang magkaroon ng mga anak. Hindi niya inisip na bago niya mahalin ang mga batang mabubuo sa kanyang sinapupunan ay una niyang mamahalin ang lalaking magsisilid sa kanya ng panibagong buhay. Para kay Matthew, ang kaganapan ng pagmamahalan ng mag-asawa ay ang pagkakaroon ng mga anak. Ngunit hindi iyon nagkaroon ng katuparan sa kay Dea na inaakala niyang
Hindi lang si Prim ang nahihirapan sa sitwasyon lalo’t higit ang triplets. Akala ni Prim at Matthew, ganoon kadaling paghiwalayin ang mga bata dahil gusto nilang makasama ang mga ito. Naaapektuhan ang mga bata sa kanilang pagtutunggali sa isa’t isa ng hindi nila namamalayan. Matalino ang mga bata at bukas ang isipan nila sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Maaaring tahimik sila at hidni naririnig ang kanilang opinyon pero may gusto rin silang sabihin kung mabibigyan lang sila ng pagkakataon. Pag-uwi ni Thea sa bahay ay diretso na ito sa kanyang study room. Napabuntung-hininga siya sa tuwing makikitang wala siyang aabutang nakaupo sa dalawang swivel chair. Gusto niyang maiyak pero nagpapakatatag din siya. “You can do it, Thea. Make Mr. Aragorn proud as you have promised. Yes, I will make him proud of me… of Teo and Matthias,” sabi nito sa sarili. Saka niya napansin ang video call ng kanilan
Napansin ni Alfred ang dalawang itim na sasakyan sa tapat ng gate ng mga Rivera. Umalis kaagad ang mga ito at hindi na niya binanggit sa kanyang boss. “O, bakit tayo huminto?” “May nakaharang po sa gate. Hintayin po muna nating makaalis.” Paliwanag ng binata sa lalaking medyo may edad na rin. Paghinto ng sasakyan ay ipinagbukas si Primo ng kanyang mga alalay. Muli niyang binalikan ang kanyang anak. Masyado itong nahabag ng una silang magkita dahil parang wala ito sa sarili. “Ano bang problema ni Prim? May hindi ba sila pagkakaunawaan ng kanyang boyfriend? Mukha namang mabait ‘yong lalaki ah!” tanong nito sa nakatatandang babae. Hindi umimik si Joy dahil ayaw nitong banggitin ang tungkol sa mga Aragorn. Gusto niyang manggaling kay Prim ang impormasyon tungkol dito. Kung maililihim nila ang tungkol dito ay ililihim muna niya pansamantala. “
Sinamahan muna ni Joy si Thea sa kuwarto ni Prim. Hindi nito namalayan na ang pagdating ni Primo habang dumalaw rin si Troy ng gabing iyon. Pareho silang nakaupo sa sala sa magkatapat na upuan. “Good evening po, Sir.” Yumukod si Troy bilang paggalang sa lalaki. “Good evening, Iho!” sagot naman ni Primo. “Matanong nga kita, Iho…” “Yes po. Ano po iyon?” “Anong trabaho mo?” “Ah, teacher po ako sa Laboratory School sa Trinity High.” “Wow, teacher ka pala!” “Kaklase ko po si Prim noong kolehiyo,” dagdag pang sabi nito sa kausap. “Matagal na ba kayo ng anak ko?” Umiling ang lalaki. “Uhm, ganoon ba? Anong balak mo? Medyo nagkakaedad na ang anak ko. May plano ba kayong lumagay sa tahimik?” Medyo nabigla si Troy sa tanong. “Papa, ano bang tinatanong ninyo?” bahagyang tumaas ang tono ng pa
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala