Hindi lang si Prim ang nahihirapan sa sitwasyon lalo’t higit ang triplets. Akala ni Prim at Matthew, ganoon kadaling paghiwalayin ang mga bata dahil gusto nilang makasama ang mga ito. Naaapektuhan ang mga bata sa kanilang pagtutunggali sa isa’t isa ng hindi nila namamalayan.
Matalino ang mga bata at bukas ang isipan nila sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Maaaring tahimik sila at hidni naririnig ang kanilang opinyon pero may gusto rin silang sabihin kung mabibigyan lang sila ng pagkakataon.
Pag-uwi ni Thea sa bahay ay diretso na ito sa kanyang study room. Napabuntung-hininga siya sa tuwing makikitang wala siyang aabutang nakaupo sa dalawang swivel chair. Gusto niyang maiyak pero nagpapakatatag din siya.
“You can do it, Thea. Make Mr. Aragorn proud as you have promised. Yes, I will make him proud of me… of Teo and Matthias,” sabi nito sa sarili.
Saka niya napansin ang video call ng kanilan
Fighting, Prim! Fighting, Kids!
Napansin ni Alfred ang dalawang itim na sasakyan sa tapat ng gate ng mga Rivera. Umalis kaagad ang mga ito at hindi na niya binanggit sa kanyang boss. “O, bakit tayo huminto?” “May nakaharang po sa gate. Hintayin po muna nating makaalis.” Paliwanag ng binata sa lalaking medyo may edad na rin. Paghinto ng sasakyan ay ipinagbukas si Primo ng kanyang mga alalay. Muli niyang binalikan ang kanyang anak. Masyado itong nahabag ng una silang magkita dahil parang wala ito sa sarili. “Ano bang problema ni Prim? May hindi ba sila pagkakaunawaan ng kanyang boyfriend? Mukha namang mabait ‘yong lalaki ah!” tanong nito sa nakatatandang babae. Hindi umimik si Joy dahil ayaw nitong banggitin ang tungkol sa mga Aragorn. Gusto niyang manggaling kay Prim ang impormasyon tungkol dito. Kung maililihim nila ang tungkol dito ay ililihim muna niya pansamantala. “
Sinamahan muna ni Joy si Thea sa kuwarto ni Prim. Hindi nito namalayan na ang pagdating ni Primo habang dumalaw rin si Troy ng gabing iyon. Pareho silang nakaupo sa sala sa magkatapat na upuan. “Good evening po, Sir.” Yumukod si Troy bilang paggalang sa lalaki. “Good evening, Iho!” sagot naman ni Primo. “Matanong nga kita, Iho…” “Yes po. Ano po iyon?” “Anong trabaho mo?” “Ah, teacher po ako sa Laboratory School sa Trinity High.” “Wow, teacher ka pala!” “Kaklase ko po si Prim noong kolehiyo,” dagdag pang sabi nito sa kausap. “Matagal na ba kayo ng anak ko?” Umiling ang lalaki. “Uhm, ganoon ba? Anong balak mo? Medyo nagkakaedad na ang anak ko. May plano ba kayong lumagay sa tahimik?” Medyo nabigla si Troy sa tanong. “Papa, ano bang tinatanong ninyo?” bahagyang tumaas ang tono ng pa
Lumabas si Prim upang makapagpahangin sa labas. Maraming nakakagulo sa kanyang isipan lalo na sa naging pagtatalo nila ng kanyang pinsan. Mukhang magkakaroon din siya ng problema dahil akala ng ama ay dalaga pa siya at si Troy ang kanyang boyfriend. Hindi pa niya nasasabi sa ama ang tungkol sa triplets at sa komplikadong sitwasyon nila ni Matthew. Hindi niya alam kumbakit parang may pumipigil din sa kanya na sabihin ang totoo sa kanya. Hindi rin natityiempuhan na nasa baba si Thea at hindi rin niya nakikita ang lolo. Nasa harap siya ng pool at nakasandal sa long bench habang tumutungga ng alak sa bote. Tumingala siya sa lahat. "Sorry, Lord sa naging desisyon ko ng araw na iyon. Ngayon ko po nakita kung anong kailangan ng mga bata dahil kahit ako ay kailangan ko rin ng isang ama. Paano po ako makakabawi? Paano po ninyo ako mapapatawad? Mahal ko na po siya.” Tuluyang bumagsak ang kanyang luha. Pumikit siya a
Nasa harap ng salamin si Prince at sinisipat-sipat ang kanyang mukha habang nagsusuklay ng buhok. Pinapraktis kung paano titingin ng kaakit-akit sa mga babae saka ito kikindat at magkakagat-labi. "Yeah, that’s my man!” sabi nito sa sarili at pinitik ang mga daliri. Kinuha ang kanyang denim jacket sa sofa sa loob ng kanyang kuwarto at tiningnang muli ang kabuuan ng kang hitsura sa mas malaking salamin kita ang sarili mula ulo hanggang paa. Pagbukas ng pinto ay nandoon ang kanyang ina. "Saan na naman ang lipad mo?” "Hindi po ako si Batman, Mama. Tsss, I want to relieve myself from stress,” tugon nito sa ina na kasalukuyang nakasunod at nakahalukipkip pa. Inismiran nito ang anak. Ibinulsa na nito ang susi sa maong pants niya ngunit hinila siya ng ina. "Kailan ka ba mag-aasawa?” seryosong tanong nito sa anak. "Wait lang, Ma. Hahanap po ako kaya ako la
Nagkaroon ng malay si Prim sa ospital. Napasigaw siya paggising at maging ang mga nurses at doktor na kasalukuyang nagro-roving para i-check ang mga pasyente sa emergency ay nagulat. Nasa tabi niya ang mga bata. Naubo siyang bigla at humugot ng malalim na hininga. Yumakap ang dalawang bata sa kanya. ”Mommy!” Muli sinuri ng nurse kung maayos na ba ang paghinga ni Prim. Maagap naman siyang nailabas ng flowershop bago pa tuluyang mapuno ng usok sa loob. Nagsipagdatingan ang kanyang staff. Inilabas muna nila ang mga bata, kasama nila si Rey. Nandoon si Bella at Jorgia. Ikinuwento nila ang nangyari sa Eufloria. Magkakaroon ng imbestigasyon ang mga taga-Fire Department kung ano ang sanhi ng sunog bago sila mapatalsik sa HallyuTower Mall. Ikinuwento ni Prim na nag-overheat ang electric fan na nakatabi sa basurahan na puno ng papel. Napailing ang babae. "Hindi ako nag-iwa
Tama ang tinumbok ng GPRS ni Thea, nasa Matabungkay Breeze Resort nga sila tulad ng sabi rin ng mga kapatid nito. Doon siya dinala ni Dea. "I need 20 million, Matthew for the life of your only daughter. I need a passport so that I can easily fly off after getting the money. Don’t worry, I won’t bother you anymore.” "Let’s annul our marriage.” "Sana, noon ka pa nakipaghiwalay kung mayroon ka naman palang bagong kalaro sa kama. In fairness, you have a unique taste when it comes to woman.” "Huwag mong idamay si Prim sa usapan.” "You seemed to love her, do you?” "Pakiusap ko lang, huwag mong takutin ang anak ko.” "She’s safe with me Matthew. Just bring me my money, passport and few new clothes.” Nasa loob lang ng kotse si Prim. Magkasama sila ni Matthew. Hindi sila nag-iimikan. Nakat
It was exactly nine days before Christmas when everything happened. Isang himala ang sinabi ng doktor ng ilabas si Matthew sa operating room. Halos mag-iyakan sina Mia, Prim at Thea. Ligtas na si Matthew sa tiyak na kapahamakan. Ikinuha ni Mia ng private room ang anak. Hindi iniwan ni Thea ang ama habang wala pa rin itong malay. Ikinuwento nito sa kanyang lola ang nangyari sa kanya ng kunin siya ni Dea. Takot na takot daw ito ngunit wala siyang nakikita dahil sa blindfold. Basta naririnig lang niya ang usapan. Nasa loob siya ng isang malaking bag at kaya kayang kaya pa rin siyang buhatin ni Dea. “Pakainin mo muna ang anak mo, Prim. Kanina pa siya sa tabi ni Matthew.” Sumunod naman si Prim. “Thea, kain ka muna. Si Lola Mia na muna ang magbabantay sa daddy mo. Hindi naman tayo aalis, di ba?” “I don’t like. I wanna stay beside daddy, Mommy.” “You need to eat. Magagal
Nagkaroon ng pagkakataon si Prim na bantayan si Matthew habang hinihintay na magkamalay ito. Nakatulog na si Thea sa tabi ng ama. Binuhat niya ito sa sopa upang makahiga ng maayos. Umuwi saglit ang ina nito upang makapagpalit ng damit. Tinitigan ni Prim ang maamong mukha ng lalaki. Napangiti siya sa kabila ng kalagayan nito. Hinawi ng bahagya ang kanyang buhok sa noo at sinalat ang makabilang kilay nito pababa sa kanyang matangos na ilong hanggang sa kanyang hugis-pusong mga labi. Nag-uumapaw ang puso niya sa mga oras na iyon dahil nagagawa niya itong titigan ng matagal. “Wake up, Matthew. Don’t sleep too long. The kids will get sad.” Mahabang katahimikan ang namayani habang nakatitig siya kay Matthew.” And… I will get sad too,” halos pabulong nitong pag-amin sa natutulog na lalaki. Kinuha niya ang kamay nito at idinampi sa kanyang pisngi. “Matthew, wake up! Wake up, please!” ani P
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala