Inihahabilin ni Prim ang kanyang mga anak sa kanyang Tita Joy dahil may dadaluhan siyang Flower Arrangement Competition na isinagawa mismo ng kanyang kompanya sa ibang bansa upang i-promote ang Eufloria.
Dumiretso siya sa school ng kanyang mga anak upang sunduin ang mga ito.
Sa kabila ng pagiging abala ni Prim sa kanyang trabaho, hindi niya kinakalimutan ang kanyang responsibilidad sa mga anak. Kahit na nagkakaroon siya ng business trip sa ibang bansa, sinisikap niyang makadalo pa rin sa mga school activities ng mga ito. Mahalaga ang presensiya niya kahit minsan ay patapos na rin ang palatuntunan.
“Hindi ka ba natatakot na isang araw ay bigla kang tanungin ng mga anak mo kung sino ang tatay nila?”
Matagal na panahon na rin at iyon lang din ang paulit-ulit na inuusisa ng kanyang tita. Kinamatayan na nga ng kanyang Lola Matilda ang sama ng loob dahil sa nangyari sa kanya.
Nagtaka ang lahat ng ilang araw na itong hindi pumapasok sa flower shop. Magkagayunman ay abala itong tanggapin ang mga online orders kaya alam ni Prim na patuloy pa ring umoorder si Mr. Aragorn ng bulaklak para kay Ms. Copper.
Lahat ay nagulat ng kumpirmahin nito ang kanyang pagdadalantao. January na noon ng malaman niyang buntis kaagad siya. Hindi rin makapaniwala ni Prim. Napatanong siya kumbakit ambilis niyang nabuntis.
“Walang single-parent sa pamilya natin. Kung sakali ay ikaw ang kauna-unahan sa pamilya ng mga Rivera,” naaalala niyang sabi ng kanyang Lola Matilda.
Lalong nagngitngit ang kalooban ni Prim ng sabihin niya ang pagbubuntis sa kanyang ina. Halos gumuho ang mundo niya ng sabihing magpalaglag na lang siya dahil dugo pa naman daw ito at wala pang buhay. Kinilabutan si Prim at ibinaba kaagad ang tawag.
“No, stay with me.” Hinimas niya ang maliit na umbok ng kanyang puson. “Mommy will love and keep you,” paniniguro niya.
Simula noon ay hindi na niya kinausap ang ina. Nagpapadala na lang siya ng pera bilang suporta sa kanyang naging kalagayan. Ngunit nang manganak siya at napabiyahe ang mag-asawa pabalik ng Pilipinas upang makita ang mga apo nila. Ang kanyang ina ang siya pang tuwang – tuwa.
“Paano mo palalakihin ang mga bata? Tatlo sila?” nag-aalalang tanong ng ina. Hindi niya tinitingnan ang ina. “Alam ba ng lalaking iyon ang tungkol sa mga bata?” Umiling si Prim. Wala siyang planong sabihin.
Sabay-sabay na naglakihan ang mga bata at sila ang madalas na nakakausap nito sa video chat. Ilang taon na rin na niyayaya silang apat na magtungo sa Japan upang makapagbakasyon.
Ngunit hindi lang siya pumapayag. “Saka na lang po,” iyon ang palagi niyang sagot sa ina.
“Pasensiya ka na sa mga nasabi ko noon. Nag-alala lang ako sa iyo. Ayokong masira ang buhay mo. Hindi ko inaasahan ang mga nangyari sa iyo at kumbakit ganyan ang naging desisyon mo. Sana mapatawad mo si Mama. Sorry, Prim Rose.” Mensahe ng ina sa kanya. Alam ng ina na malaki ang tampo nito dahil sa mga sinabi niya.
Hindi rin kasi siya humaharap sa ina sa matagal na panahon.
Kung tutuusin, muntik nang maging single parent ang kanyang ina ngunit nakapangasawa pa rin naman daw siya. Primo ang tunay na pangalan ng kanyang ama. Rosario naman ang kanyang ina kaya Prim Rose ang ipinangalan sa kanya.
Nakilala ng kanyang ina si Toshihiro Watanabe ng mag-exchange student ito sa Japan. Nakipaghiwalay ang ina sa kanyang tunay na ama dahil sa pagiging seloso nito kahit kasal naman sila sa simbahan. Nang sabihin ng ina ang tungkol sa kanya sa Hapon na kinakasama niya ay willing naman daw siyang ampunin nito. Kaya Watanabe ang kanyang apelyido.
Hindi naman iyon pinagsisihan ni Prim lalo na ng malaman niyang nagdadalantao siya at tatlo pa sila. Tikom pa rin ang bibig niya sa pangyayari. Wala siyang takot na hinarap ang buhay kasama ng kanyang tatlong anak.
“Hindi ka ba mag-aasawa?” Minsan ay seryoso siyang tinanong ni Fernan.
Si Fernan, ang dakila niyang alalay slash replacement sa flower shop. Siya ang pansamantalang nagpupunta rito upang tingnan ang buong operasyon sa flower shop. Sina Bella at Rey ay marunong nang magdesisyon sa mga maliliit na bagay. Pagkaminsan ay tatawag pa rin kay Prim upang ikonsulta pa rin tungkol sa ilang bagay na hindi nila kayang desisyunan.
Si Fernan kasi ang nagdi-deliver ng mga pumpon ng rosas sa flower shop at kalaunan ay naisip niyang makisosyo na rin. Business partner silang dalawa. Naging matalik silang magkaibigan.
“Hay naku, Fernan. Sakit ng ulo lang ‘yan,” sabi nito.
“Hindi nga! Kailan naman ako naging sakit ng ulo?”
“Hindi naman ikaw ang sinasabi ko eh. Sabi ko, sakit lang sa ulo ang pag-aasawa. Nakikinig ka ba sa akin?”
“Why not trust me?”
At tatahimik na si Prim. Alam na niya ang kasunod noon.
Kababata niya si Ferdinand sa probinsiya. Sa sobrang pagiging loyal nito ay sinundan talaga siya sa Manila. Nang malaman niya ang naging kalagayan nito, siya na rin ang halos tumayong ama ng mga bata. Siya ang naisasama niya sa mga naging check-up nila sa pedia at madalas silang mapagkamalang mag-asawa.
“Alam mo, wala talaga akong balak mag-asawa. Pero balak ko lang magkaroon ng anak.”
“Bakit naman? May magmamahal pa naman sa iyo kahit ganyan ang naging kalagayan mo. Tulad ko.”
“Well, no man has even caught my interest. Siguro, ganoon lang talaga!” Kumibit-balikat ang dalaga.
“So, ibig sabihin, hindi mo pa talaga siya nakikita? Hindi mo ba nakikita na ako ang destiny mo?” Nagpa-cute pa ang binata sa harap niya.
“Alam mo, Fernan…” At tinitigan siya ng binata. Tinapik pa niya ito sa balikat.
“Yes, Prim Rose my love! Listen to me first. Huwag kang magsalita ng tapos. Minsan, dumarating ang tunay na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon. Tandaan mo, walang aksidente sa mundo. May dahilan ang mga bagay-bagay.”
That’s a very classic saying and it is always proven and tested.
Inilapit ni Prim ang kanyang mukha sa lalaki. Hindi ito kumilos ngunit halatang abut-abot ang kaba nito at bigla siyang napalunok. “Maging writer ka na lang kaya baka kumita ka pa,” lakas ng tawa ni Prim. Fernan is expecting something else. Napakamot na lang siya ng ulo kasi wala siyang mapapala sa pangungulit kay Prim.
Matalas din ang dila nito at may pagkataklesa pa. May point naman ngunit minsan ay baluktot pa rin ang katwiran. Parang maraming hugot sa buhay.
Malaking biyaya sa kanya ang tatlong bata. Sa katunayan, para sa kanya, ang triplets ang nagdala ng malaking suwerte sa buhay niya.
Education ang tinapos ni Prim ngunit dahil nahilig sa kanyang paghahalaman at sa pag-aayos ng bulaklak ay naengganyo siya ng lola na kumuha ng Certificate in Floriculture Technology.
Nagdalawang -isip pa siya noong una kung itutuloy ba ang plano sa Flower shop dahil hindi naman ugali ng mga kalalakihang Pilipino ang mamigay ng bulaklak. Gumamela lang ng kapitbahay ay okay na. Walang flower arrangement iyon at freshly picked pa. Paulit-ulit din ang kuwento ng kanyang lola.
Ngunit mabilis magbago ang panahon upang maimpluwensiyahan ang mga tao. Marami ng puwedeng magpakilig sa mga kababaihan ngayon kasama na dito ang pagbibigay ng bulaklak.
Lahat naman ng ideya ni Prim ay galing din sa kanyang mga gusto sanang mangyari sa buhay. Idinadaan nila sa creativity ang lahat. Nagmi-meeting sila kung paano pa mapapahanga ang kanilang mga customers.
Pagod na rin ang mga bata pagdating nila sa bahay. Sinalubong sila ng kasambahay at nilapitan sila ng kanyang tita. Nagmano ang tatlong bata kahit medyo lulugu-lugo na ang mga ito.
“Brush your teeth and change your clothes." Kanya-kanyang pasok sa kuwarto ang tatlo. Iniakyat din ng kasambahay ang mga gamit nila.
Matatalino naman ang mga anak ni Prim. Mababait at masunurin silang lahat. Hindi siya nagkaroon ng anumang problema sa school. Marami ang pumupuri sa kanilang academic achievements. Curious din sila kumbakit wala siyang asawa. Ang akala nga ng iba ay nabiyuda siya ng maaga.
Alam niya na magtatanong ang mga ito sa kanilang ama. Balang araw, tiyak na hindi nito maiiwasan na sabihin ang totoo.
Ngunit ang sasabihin lang niya ay ganito... “One night, there was a boy who is standing inside my flower shop, all wet and accidentally met a girl like me.” Kahit na ang totoo ay wala naman talagang aksidente sa mundo. Hindi aksidente ang pagtatagpo nila ng gabing iyon. Hindi aksidente na nagkaroon siya ng anak na triplets.
Marami lang talagang kababalaghan ang mundo na hindi mauunawaan ng kahit na sino. May mga bagay na kailangang manatiling misteryo ngunit hindi ang tungkol sa kanilang ama.
Ang triplets ang inspirasyon niya sa buhay at ang dahilan kumbakit kailangan niyang mag-triple-kayod. Kontento na siyang kasama ang mga bata ng hindi niya inisip na may magiging kulang sa kanila pagdating ng araw dahil hindi nila kilala ang tunay na ama.
Ang tatlong bata ay sapat na.
Tahimik na nagmaneho si Matthew. Wala ring imik si Dea dahil pagod din ito at wala na siya sa mood para makipag-usap. Sa matagal na panahon ay halos kilala na niya ang ugali nito. Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin niya ito. To nurture your marriage, you have to float in love several times, seventy times seven pa nga dapat sa asawa. Ngunit sa tuwing titingnan niya ang asawa, nararamdaman niyang may kulang. “Honey, why don’t we go for a honeymoon? What do you think?” Hinawakan nito ang kamay ng asawa at hinalikan. Nakapikit pa ang asawa habang nakasandal sa front seat. “There you are again. How many honeymoons are we going to do when we only married once in our life? Nakakita ka lang ng bata, ako na naman ang binabalingan mo. Matris lang ba ang mahal mo sa akin?” paangil na sabi nito at hinila niya ang kamay sa asawa at saka humalukipkip. Iyon palagi ang linya ni Dea pero hindi niya naiisip na
Maagang gumising si Matthew upang pumasok sa opisina. Tulog na tulog pa ang kanyang asawa. Hinalikan niya ito at binulungan ngunit wala itong reaksyon. Kontento pa rin naman siya sa kanyang nakikita. Maraming lalaki ang inggit na inggit sa kanya dahil siya ang pinalad na mapangasawa ang isang tulad ni Judea ngunit iyon ang akala nila. Hindi nila alam kung gaano sumasakit ang ulo niya dahil sa ginagawa ng asawa. Tumunog ang kanyang cellphone. "Hello, kumusta? About tonight? Sige, I’ll meet you there,” tugon nito kay Noah Madrigal na isa ring successful businessman. Nakakatuwa ang kanyang kaibigan dahil napangasawa nito ang caregiver ng kanyang Lola Natalia. Malapit silang magkaibigan ni Noah. Sa kanya humingi ng payo ang lalaki kung ano ang gagawin. Napasubo kasi sa isang arranged marriage ang kaibigan dahil sa huling kahilingan ng kanyang lola na mamamatay na. Walang masama dahil dalaga naman
Hindi na nakapagpigil si Matthew sa kanilang sitwasyon ni Dea. Madaling araw na itong dumating. Madilim sa sala ng pumasok siya sa loob ng kabahayan. Kitang kita ni Matthew kung paano tinanggal ng asawa ang kanyang mataas na takong habang humawak ng mabuti sa knob ng pinto dahil sa kanyang kalasingan. Pagbukas ng ilaw ay gulat na gulat siya ng makita si Matthew na nakaupo sa single sopa chair at nakasalumbaba. Mulat na mulat ang mata at titig na titig sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang baso ng alak. “Lasing na lasing ka ah!” Halatang pasuray-suray itong maglakad ng lumapit sa kanya. Yumuko ang babae. “Sweetheart!” Hahalik pa sana ang babae ngunit umiwas si Matthew. ”Adelle and the rest of the company went to Manila Yacht Club. We have never been there. Can we stay there for a weekend vacation, Honey?” Hinila niya ang babae at pinaupo sa long sopa. “Ouch! Ano ba?” “I don’t care where yo
Bandang alas diyes ng umaga gumising si Dea. Balewala sa kanya ang nangyari ng nagdaang gabi. Hindi niya kailangang ma-guilty. Alam niya kung paano mapapaamo ang lalaki. Kaya niya itong paglaruan sa kanyang mga palad. Alam niyang si Matthew pa rin ang magso-sorry at hahabol sa kanya. Hindi niya kailangang mag-alala. “Anong oras umalis ang Sir Matthew mo?” “Maaga po, tulad ng dati,” nangingiming sagot ni Madame Paulita, siya ang cook sa bahay na iyon. “Heto na po ang almusal.” Steemed rice and sunny side up ngunit nakasimangot siyang tumingin sa matanda. “Almusal ba ito? Pakakainin mo ako ng ganito? Ipagluto mo ako ng iba. Allergic ako sa eggs.” Mabilis na kumilos ang mga kasambahay. Maging ang matanda at nataranta. Hindi naman kasi nito ugaling mag-almusal. More on bread and fruits lang siya. Moody rin siyang mag-almusal. Picky sa pagkain kaya hindi madaling tandaan kun
Late nang nakauwi si Prim sa bahay nila. Nagmamadali pa siya. Tulog na ang mga bata pagdating niya. Nagising ang kanyang Tita Joy na nagbukas ng pinto para sa kanya. “Mano po!” “Kaawaan ka ng Diyos. Kumain ka na ba, Prim?” “Yes, Tita. Kumusta po ang mga bata? Pasensiya na po kasi hindi kaagad ako nakaalis sa store kanina.” Maraming customer sa Hallyu Tower Mall. Dito palaging nagkakaroon ng mahabang pila sa labas. “Okay naman sila. Sabihan mo pala ang anak mo, si Matthias. Medyo napagsabihan yata ni Fernan kanina dahil nadatnan niya ito na may kausap habang naghihintay ng sundo. Masyado kasing palakaibigan itong anak mo sa mga may edad.” “Thank you po, Tita. Bukas na lang po.” Dahan-dahang umakyat ng pangalawang palapag si Prim. Kulay pink na pinto ang kanyang binuksan, ang kuwarto ni Thea. Natutuwa siya dahil napaka-active
Matagal na panahong sinusuyo si Prim ng lalaki ngunit hindi niya alam kumbakit walang spark pagdating kay Fernan. Guwapong lalaki si Fernan kahit magsuot siya ng pang magsasaka sa kanyang bukid, lulutang pa rin ang kanyang kakisigan. Kahit ipagtulakan siya ng kanyang tita Joy ay hindi niya magawang sumunod. Kung lola Matilda nga niya ay walang nagawa, ngayon pa kaya na okay naman siya sa loob ng sampung taon. Naalala niyang tanong ni Fernan. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Madalas niyang palipad-hangin. Lahat naman ay idinadaan ni Prim sa biro. Ayaw lang niyang masaktan ang binata kaya sinasakyan niya ang trip nito. Gaano man katotoo ang mga ito sa loob niya. “Ano bang tanong mo?” “Kailan mo nga ako sasagutin?” “Nang ano ba? Sasagutin ng ano?” “Anglabo mo kasing kausap…” &nb
Sa katapat lang na kainan ay hindi nila pansin ang mga matang kanina pang inggit na inggit sa kanilang kasiyahan. Matamang nagmamatyag, seryosong nakatingin sa gawi nila at saka nilagok ang alak na nasa baso. Napailing siya habang nakikita ang tatlong bata. Tinitigang mabuti si Prim sa di-kalayuan. Nilaro ng kanyang daliri ang baso ngunit ini-imagine na labi ng babae ang pinaglalaruan nito. Bigla siyang napayuko at itinago ang pagngiti nito ng mag-isa. Bakit niya muling nakita ang babaeng iyon? Napayukong muli si Matthew at umiling, basta’t ang alam lang niya, ang ngiting iyon… ang ngiti ng babaing nakasama niya ng isang gabi. Sigurado siya na si Miss PRW iyon. “Miss PRW, you are making me crazy! Just tell me who you are,” sabi niya sa sarili. “You are making me look like a fool!” Mahigpit niyang hinawakan ang baso. “You can’t escape from me this t
Walang nagawa si Prim. Pinagbigyan niya si Fernan na lumabas silang dalawa. Pinaghandaan naman niya ang kanyang pakikipag-date rito kahit medyo hindi palagay ang kanyang kalooban. Mabilis na dumating ang araw ng Linggo at ipinaalala ni Fernan ang date nila. “I’ll fetch you at around 6PM,” text message nito kay Prim, habang tumitingin ng isusuot para sa kanyang pag-alis. “Balita ko ay may date kayo ni Fernan,” usisa ng tita habang nasa kuwarto nito at dala ang hamper ng mga bagong labang damit. “Nai-chika po ba sa inyo ng mga bata?” Madalas si Matthias lang naman ang madaldal sa kanila at dakilang storyteller talaga. “Alam mo naman si Matthias. May maitatago ka pa ba sa bibig ng anak mo?” “Ewan ko po ba doon at kung anong naisip. Nagpapasamang kumain sa labas.” Maagang naghanda sa sarili si Prim. Ayaw niyang paghintayin si F
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala