Hindi ipinahalata ni Prim ang kaba habang kumakain ang tatlo niyang anak. Tahimik na bumalik si Thea sa tabi niya at tinapos ang kanyang kinakain.
“Who’s that man? Where did you meet him?” tanong niya pagkaupo ng anak.
“Ah, he is Mr. Matthew Aragorn, Mommy. He is sponsoring the Scholarship Program in Trinity High.” At nakikinabang ang kanyang anak sa Scholarship na iyon dahil matalino ang anak niya.
“Who’s that beside her?” tanong niya habang sumusubo ng pagkain.
“I think, that the famous model Judea Cooper. She is so pretty,” pabulong na tugon ng anak. “His wife…”
“Oh, his wife. That’s good!” Tumango-tango siya.
Tiningnan ni Prim ang mga anak. Hinaplos niya ang ulo ni Matthias at ngumiti lang ito sa kanya. Itinuloy ang pagkain niya. Unang lumabas si Thea through caesarian section, sumunod si Teo at si Matthias ang pinakahuling lumabas kaya parang ang liit niya. Nginitian rin niya si Mateo.
“Why Mommy?” tanong nito. Umiling siya at nilinis ang labi nito.
“Just eat, Anak. You like some more pepperoni?” Saka nilagyan pa ang paper plate nito.
Tumingin si Prim sa gawing kanan niya at halos paubos na rin ang pagkain ni Thea. Iniinom na lang nito ang kanyang orange juice. Pepperoni flavor lang ang madalas nilang orderin dahil iyon ang paborito nila.
Hinagod nito ang likod ng anak. Gusto sana niyang makalabas sila ng mas madalas lalo na pagkatapos ng klase at libre na rin siya sa trabaho.
Tiningnan niya ang mga ito. Ambilis nilang lumaki.
Pagkatapos kumain ay kumaway pa silang lahat sa kinauupuan ni Mr. Aragorn.
“Goodbye, Mr. Aragorn!” sabay-sabay nilang sabi at saka sila lumabas sa mas malapit na exit.
Hindi na tinapunan ng pansin ni Prim ang lalaki. Halos kaladkarin niya ang mga anak palabas kaagad ng SNR.
“Ah, that Mr.Aragorn is such an eavesdropper,” sabi ni Matthias, pagkalabas nito.
“Why did you say that? He is a good man,” pagtatanggol ni Thea.
“I wonder why he knew about the Boy with One Strand Hair?” Nagulat si Prim. Hindi niya inasahan ang sinabi ng bata. “He exactly knew what happened to the story. And we said it together,” seryosong sabi pa nito sa kausap. Takang- taka pa siya.
Nakasimangot na nagpapaliwanag si Matthias.
“By the way, who are you to talking to?”
“I’m telling it to Maia.” Nalungkot siyang bigla.
“That chubby little Maia,” sabat ni Teo.
“Your little crush,” sabi ni Thea at hinabol silang dalawa ni Matthias ng hampas. Kinatyawan siya ng ate at kuya.
Sinaway na niya ang bunso bago pa sila magkasakitan at magkapikunan. Ginulo niya ang buhok nito.
Kontento na siya sa kanyang nakikita. Masaya ang mga bata at wala silang inaalala.
Napakaliit talaga ng mundo at nagkurus muli ang landas nila. Ang masama lang nito, ang mga anak pa niya ang una nakakita kay Mr. Aragorn. Kinalma niya ang sarili na okay lang at walang dapat mahalata ang mga bata. Alam niyang possible siyang mamukhaan ni Mr. Aragorn ngunit tiyak na malabong magkita silang muli sa hinaharap.
Sampung taon na rin ang nakalipas, nang unang makita ni Prim ang lalaking iyon. Hindi niya kilala si Mr. Aragorn. Suki siya sa Eufloria. Kung hindi online, minsan ay itinatawag ng kanyang sekretarya ang kanyang order at ipinapa-pick na lang ito sa delivery boy.
Sa loob ng mahabang panahon ay nagpapadala siya ng bulaklak para kay Judea Cooper. Tuwing may mga okasyon at may mga kliyente silang padadalhan ng bulaklak, Eufloria na ang bahala. Trusted na nila ang flower shop.
Hindi nila nakalimutang magpabook sa Eufloria para asikasuhin din ang pinakamahalagang okasyon sa kanilang dalawa sa araw ng kanilang kasal. Umorder sila ng 5’ feet tall na cherry blossom tree para lang sa enggrandeng aisle sa loob ng simbahan. Bago pa makarating ang mga order nila ay inabot talaga ng buwan ngunit tamang - tama lang sa araw ng kanilang kasal.
Eufloria rin ang nag-asikaso sa flower arrangement ng reception ng kasal ni Judea at Matthew. Nasaksihan ng lahat ang live coverage ng magarbong kasal ng kilalang modelo na si Judea at ang bilyonaryong Aragorn.
Three months pregnant na rin noon si Prim. Simula ng malaman niyang buntis siya ay hindi na siya pumasok. Sina Bella at Rey na lang ang tumatao sa Flowershop pero work-from-home ang dalaga. Madalas silang puntahan ni Fernan.
Napakabilis ng mga pangyayari, hindi na siya dinatnan ng buwanang dalaw. Nang malaman niyang ang lalaking naulanan na kumuha ng mga bulaklak ay walang iba kundi si Matthew Aragorn, naisip niyang isunod ang pangalan ng mga bata sa kanya. Si Ma. Thea, Mateo at Matthias ang triplet. Hindi na niyang ginawang Matthew Jr ang bunso dahil Watanabe naman ang apelyido nila.
Si Mr. Matthew Aragorn ang madalas nilang pag-usapan sa Flowershop. Walang palya kasi siyang nagpapadala ng bulaklak kay Judea. Palagi silang nakaabang sa dalawa kung kukumpirmahin na ba nila ang kanilang relasyon.
“This guy must be crazy in love with Judea Cooper,” minsang nasabi ni Prim habang nag-i-spray ng tubig sa mga bulaklak.
“Masyado lang talaga siguro siyang in-love. You know, ganyan ang mga mayayaman. Bilmoko noon, Bilmoko niyan.”
“How does it feel to receive flowers even if I own a flower shop?” Nabigla si Bella sa narinig.
“Di nga! As in…” Tumango-tango naman si Prim.
Humugot si Rey ng long - stemmed Tulips at iniabot kay Prim. Hinawi niya ito at itinuro ang mapupulang rosas.
“I like that!” nagboses – bata ito at itinuro ang gusto. Sabay-sabay silang nagkatawanan sa kalokohan nila.
Gusto rin niyang makatanggap ng bulaklak at maranasang padalhan ng isang masugid na manliligaw na katulad ni Mr. Aragorn.
Doon siya naging curious sa pagkatao ni Mr. Aragorn. At nang makita niya ito sa telebisyon, walang duda. They are perfect match. Pogi, owner ng isang winery, richy rich lang. Saan ka pa?
Bigating customer si Mr. Aragorn. Pinakamahal na bulaklak para sa kanyang pinakamamahal na si Judea ang order niya. She can tell because she often arranges flowers for her.
Flower arrangement in Eufloria is done with full-effort and creativity. Hinding hindi mapapahiya ang customer at maging ang pagpapadalhan nito.
Tulad ng dati, Mr Aragorn ordered a special bouquet of flowers for his loving Judea, pipick-apin daw ng kanyang secretary. Napakaespesyal ng bouquet dahil sampung dosenang bulaklak ang binili niya. May halong inggit ang tingin niya sa bulaklak. Halos yakapin na ito ng kanyang sekretarya at mabuting nagkasya ito sa pinto.
Iyon ang mga panahon na pinangarap din niyang makahanap ng kanyang Mr. Aragorn na magpapadala ng bulaklak araw - araw kahit walang okasyon. Parang ayaw niyang pakawalan ang bonggang-bonggang bouquet na iyon.
“Feel na feel mo ang pagiging babae kapag nagkaroon ka ng boyfriend na mayaman," nangangarap na sabi ni Isabela.
“Angsarap naman niyang magmahal,” sabi naman ni Prim.
Pareho silang kumaway at nagpaalam sa malaking bungkos ng Tulips.
Sa mga order na bulaklak ni Mr. Aragorn para kay Miss Cooper, tiyak na makakapagpatayo na rin ito ng sariling Flower shop.
Hanggang pangarap lang naman ang lahat. Hindi naman ganoon kahalaga ang bulaklak kung sa basurahan lang din naman mapupunta. Sayang!
Para kay Prim, pinakamahalaga sa lahat bukod sa bulaklak ay ang intensyon ng nagbigay at kung ano ang mga prinsipyo nito sa buhay. Mahirap mabulag sa mga materyal na bagay dahil baka sa bandang huli , ikaw ay magkamali ng pagpili.
Inihahabilin ni Prim ang kanyang mga anak sa kanyang Tita Joy dahil may dadaluhan siyang Flower Arrangement Competition na isinagawa mismo ng kanyang kompanya sa ibang bansa upang i-promote ang Eufloria. Dumiretso siya sa school ng kanyang mga anak upang sunduin ang mga ito. Sa kabila ng pagiging abala ni Prim sa kanyang trabaho, hindi niya kinakalimutan ang kanyang responsibilidad sa mga anak. Kahit na nagkakaroon siya ng business trip sa ibang bansa, sinisikap niyang makadalo pa rin sa mga school activities ng mga ito. Mahalaga ang presensiya niya kahit minsan ay patapos na rin ang palatuntunan. “Hindi ka ba natatakot na isang araw ay bigla kang tanungin ng mga anak mo kung sino ang tatay nila?” Matagal na panahon na rin at iyon lang din ang paulit-ulit na inuusisa ng kanyang tita. Kinamatayan na nga ng kanyang Lola Matilda ang sama ng loob dahil sa nangyari sa kanya.  
Tahimik na nagmaneho si Matthew. Wala ring imik si Dea dahil pagod din ito at wala na siya sa mood para makipag-usap. Sa matagal na panahon ay halos kilala na niya ang ugali nito. Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin niya ito. To nurture your marriage, you have to float in love several times, seventy times seven pa nga dapat sa asawa. Ngunit sa tuwing titingnan niya ang asawa, nararamdaman niyang may kulang. “Honey, why don’t we go for a honeymoon? What do you think?” Hinawakan nito ang kamay ng asawa at hinalikan. Nakapikit pa ang asawa habang nakasandal sa front seat. “There you are again. How many honeymoons are we going to do when we only married once in our life? Nakakita ka lang ng bata, ako na naman ang binabalingan mo. Matris lang ba ang mahal mo sa akin?” paangil na sabi nito at hinila niya ang kamay sa asawa at saka humalukipkip. Iyon palagi ang linya ni Dea pero hindi niya naiisip na
Maagang gumising si Matthew upang pumasok sa opisina. Tulog na tulog pa ang kanyang asawa. Hinalikan niya ito at binulungan ngunit wala itong reaksyon. Kontento pa rin naman siya sa kanyang nakikita. Maraming lalaki ang inggit na inggit sa kanya dahil siya ang pinalad na mapangasawa ang isang tulad ni Judea ngunit iyon ang akala nila. Hindi nila alam kung gaano sumasakit ang ulo niya dahil sa ginagawa ng asawa. Tumunog ang kanyang cellphone. "Hello, kumusta? About tonight? Sige, I’ll meet you there,” tugon nito kay Noah Madrigal na isa ring successful businessman. Nakakatuwa ang kanyang kaibigan dahil napangasawa nito ang caregiver ng kanyang Lola Natalia. Malapit silang magkaibigan ni Noah. Sa kanya humingi ng payo ang lalaki kung ano ang gagawin. Napasubo kasi sa isang arranged marriage ang kaibigan dahil sa huling kahilingan ng kanyang lola na mamamatay na. Walang masama dahil dalaga naman
Hindi na nakapagpigil si Matthew sa kanilang sitwasyon ni Dea. Madaling araw na itong dumating. Madilim sa sala ng pumasok siya sa loob ng kabahayan. Kitang kita ni Matthew kung paano tinanggal ng asawa ang kanyang mataas na takong habang humawak ng mabuti sa knob ng pinto dahil sa kanyang kalasingan. Pagbukas ng ilaw ay gulat na gulat siya ng makita si Matthew na nakaupo sa single sopa chair at nakasalumbaba. Mulat na mulat ang mata at titig na titig sa kanya habang hawak sa kanang kamay ang baso ng alak. “Lasing na lasing ka ah!” Halatang pasuray-suray itong maglakad ng lumapit sa kanya. Yumuko ang babae. “Sweetheart!” Hahalik pa sana ang babae ngunit umiwas si Matthew. ”Adelle and the rest of the company went to Manila Yacht Club. We have never been there. Can we stay there for a weekend vacation, Honey?” Hinila niya ang babae at pinaupo sa long sopa. “Ouch! Ano ba?” “I don’t care where yo
Bandang alas diyes ng umaga gumising si Dea. Balewala sa kanya ang nangyari ng nagdaang gabi. Hindi niya kailangang ma-guilty. Alam niya kung paano mapapaamo ang lalaki. Kaya niya itong paglaruan sa kanyang mga palad. Alam niyang si Matthew pa rin ang magso-sorry at hahabol sa kanya. Hindi niya kailangang mag-alala. “Anong oras umalis ang Sir Matthew mo?” “Maaga po, tulad ng dati,” nangingiming sagot ni Madame Paulita, siya ang cook sa bahay na iyon. “Heto na po ang almusal.” Steemed rice and sunny side up ngunit nakasimangot siyang tumingin sa matanda. “Almusal ba ito? Pakakainin mo ako ng ganito? Ipagluto mo ako ng iba. Allergic ako sa eggs.” Mabilis na kumilos ang mga kasambahay. Maging ang matanda at nataranta. Hindi naman kasi nito ugaling mag-almusal. More on bread and fruits lang siya. Moody rin siyang mag-almusal. Picky sa pagkain kaya hindi madaling tandaan kun
Late nang nakauwi si Prim sa bahay nila. Nagmamadali pa siya. Tulog na ang mga bata pagdating niya. Nagising ang kanyang Tita Joy na nagbukas ng pinto para sa kanya. “Mano po!” “Kaawaan ka ng Diyos. Kumain ka na ba, Prim?” “Yes, Tita. Kumusta po ang mga bata? Pasensiya na po kasi hindi kaagad ako nakaalis sa store kanina.” Maraming customer sa Hallyu Tower Mall. Dito palaging nagkakaroon ng mahabang pila sa labas. “Okay naman sila. Sabihan mo pala ang anak mo, si Matthias. Medyo napagsabihan yata ni Fernan kanina dahil nadatnan niya ito na may kausap habang naghihintay ng sundo. Masyado kasing palakaibigan itong anak mo sa mga may edad.” “Thank you po, Tita. Bukas na lang po.” Dahan-dahang umakyat ng pangalawang palapag si Prim. Kulay pink na pinto ang kanyang binuksan, ang kuwarto ni Thea. Natutuwa siya dahil napaka-active
Matagal na panahong sinusuyo si Prim ng lalaki ngunit hindi niya alam kumbakit walang spark pagdating kay Fernan. Guwapong lalaki si Fernan kahit magsuot siya ng pang magsasaka sa kanyang bukid, lulutang pa rin ang kanyang kakisigan. Kahit ipagtulakan siya ng kanyang tita Joy ay hindi niya magawang sumunod. Kung lola Matilda nga niya ay walang nagawa, ngayon pa kaya na okay naman siya sa loob ng sampung taon. Naalala niyang tanong ni Fernan. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Madalas niyang palipad-hangin. Lahat naman ay idinadaan ni Prim sa biro. Ayaw lang niyang masaktan ang binata kaya sinasakyan niya ang trip nito. Gaano man katotoo ang mga ito sa loob niya. “Ano bang tanong mo?” “Kailan mo nga ako sasagutin?” “Nang ano ba? Sasagutin ng ano?” “Anglabo mo kasing kausap…” &nb
Sa katapat lang na kainan ay hindi nila pansin ang mga matang kanina pang inggit na inggit sa kanilang kasiyahan. Matamang nagmamatyag, seryosong nakatingin sa gawi nila at saka nilagok ang alak na nasa baso. Napailing siya habang nakikita ang tatlong bata. Tinitigang mabuti si Prim sa di-kalayuan. Nilaro ng kanyang daliri ang baso ngunit ini-imagine na labi ng babae ang pinaglalaruan nito. Bigla siyang napayuko at itinago ang pagngiti nito ng mag-isa. Bakit niya muling nakita ang babaeng iyon? Napayukong muli si Matthew at umiling, basta’t ang alam lang niya, ang ngiting iyon… ang ngiti ng babaing nakasama niya ng isang gabi. Sigurado siya na si Miss PRW iyon. “Miss PRW, you are making me crazy! Just tell me who you are,” sabi niya sa sarili. “You are making me look like a fool!” Mahigpit niyang hinawakan ang baso. “You can’t escape from me this t
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala