Marami pang celebrity ang napabalitang nagbuntis during pandemic times dahil total lockdown din sila sa kanilang mga bahay habang walang shooting. Nagkaroon ng maraming bilang ng mga tao ang nagkaroon ng mental health issues. May iba na nagkaroon ng manifestation ng depression and anxiety.
Hindi masyadong tumutok si Prim sa balita dahil lalong tumitindi ang epekto ng virus sa mga tao. Laman ng balita ang labas-masok na pasyente sa mga ospital at ang lumalaking bilang ng mga dinapuan ng sakit. Dumodoble rin ang bilang ng mga namamatay.
Lalo siyang nalungkot dahil hindi man lang niya nakita ang ama. Na-cremate na ito noong araw ding namatay siya. Mabuti na lang at nakausap pa niya ito. Habang tumatagal ay lalo siyang nag-alala kumbakit hindi man lang siya tinawagan o pinadadalhan ng mensahe ng asawa. Nakikita naman niyang seenzoned lang ang mensahe niya sa group chat ngunit nagrereply ito sa mga anak.
Kahit private m
Inunti-unting dalhin ni Prim ang kanyang mga gamit sa Rivera Residence ng hindi rin namamalayan ni Matthew ito sa mansion. Naging maingat siya. Ayaw niyang makita ang lalaki. “I told him the truth, Mama but he was not listening. Ang pinakinggan lang niya ay ang kanyang kapatid. Ang una niyang pinaniwalaan ay si Prince. Wala namang babae ang gustong ma-rape. Natakot ako dahil una kong inisip ang kapakanan ng mga bata sa sinapupunan ko.” Pinayuhan ni Rose na huwag ma-stress si Prim sa nangyayari. Kung kailangan niyang lumipat kaagad ay lumipat siya upang magkaroon ng kapayapaan ang kanyang kalooban. Sa tuwing magpapa-check-up siya ay magdadala na siya ng mga gamit sa Rivera. Nasabihan na niya ang mga kasambahay na linisin ang buong kabahayan sa kanyang paglipat. Nagkaroon ng simpleng kasiyahan sa kaarawan ng triplets. Doon din nalaman ni Matthew ang pag-ban kay Prince sa
Tumayo muna si Jude sa kanyang kinauupuan dahil nakikita niyang naguguluhan ang kausap sa kanyang mga sinasabi. Marami siyang hindi naiintindihan lalo pa’t kababalik lang nito sa pagkaka-stranded. Maraming nangyari at maaaring ang iba doon at kagagawan ng kanyang kapatid. Na-pressure na rin siya dahil marami siyang kailangang kumpirmahin kay Matthew ngunit malaking balakid ang kapatid nito na palaging sumusulpot kung saan sila magtatagpo kaya talagang alam niyang may something sa phone ni Matthew. Nilapitan ang mini garden sa gawing likuran na iyon upang humanap ng tyiempo. Lumapit din si Matthew dahil noon lang niya nakita ito. Hindi kasi siya nagpupunta roon. “Jude, I’ll ask another favor from you.” Napabuntung-hininga si Matthew at iniabot sa lalaki ang kanyang cellphone. “What is this?” Pinanuod ni Jude ang video at nagulat ito. Hindi niya inasahan iyon. &nb
Tinapat si Prim ng kanyang ob-gyne na hindi na magagawang i-schedule ang panganganak nito sa petsang gusto nila. Mao-overdue ang mga sanggol kung December 25 pa. Bago pa magpandemic ay buntis niya kaya mas maaga siyang manganganak. Maagang naghanda si Prim ng mga gagamitin sa kanyang panganganak. Isa sa kanyang kasambahay ang kanyang isasama. Hindi niya ipinaalam sa kanyang tita Joy na bumalik sila sa Rivera Residence. Ayaw nitong mag-alala ang matanda. Hindi na rin niya ito pababalikin sa lumang bahay upang mag-alaga ng panibagong anak ni Aragorn. Hindi na rin muna niya inistorbo ang mga anak nito. Through caesarian section manganganak si Prim. Hindi ito tulad ng mga babaeng manganganak sa normal na paraan na kailangan pang hintaying mag-labor bago siya manganak. Basta husto sa araw ay maaari na siyang magpadala sa ospital at ang ob-gyne na ang bahala. Sa St. Catherine naka-schedule ang pang
Nag-aalala pa rin si Prim kung darating ba ang mga anak. Matagal niyang hindi nakausap sa video chat at maraming beses niyang napalampas ang tawag ng mga ito. Hindi niya inasahan ang message ni Thea na pinayagan naman sila ng ama na mag-stay sa kanya during Christmas break. Naglakas loob pa silang magpaalam kay Matthew. Dahan-dahan silang nagtungo sa opisina nito. Nagtutulakan pa ang dalawang lalaki kung sino ang magbubukas ng pinto at kung sino ang magsasalita sa harap ng ama. Si Thea pa ang kumatok. “Come in!” Hawak ni Matthew ang baso ng alak. Inilagay nito sa ilalim ng kanyang mesa ang malaking bote ng alak. Dahan-dahang pumasok ang mga anak ni Aragorn. Nangingimi pa silang magsalita at walang tumitingin ng diretso sa mata ng lalaki. “Dad…uhm, we want to tell you something?” nahihiyang sabi ni Thea. “We want to stay with mom this Christmas.” Diretsahang nagpaa
Naging magdalas ang mga triplets sa Rivera Residence. Tuwing weekends ay nagpapahatid ang mga ito roon at naiiwang mag-isa si Matthew sa mansion. Naging abala na si Matthew sa operasyon sa winery dahil nagsimula na ring payagan ang ibang mga sasakyan na makapag-deliver ng kanilang mga produkto. Limitado pa rin ang mga empleyado sa pagpasok. Mas mainam na rin iyon upang iwas na magkahawaan ang mga trabahante kahit sa opisina at sa plantasyon. Sinimulan na niyang pag-aralan ang susunod na hakbang para sa plano nitong sa Aragon Grape Farm. Pinirmahan na niya ang release ng budget upang ipagawa ang nasa proposal ni Elmer. Si Elmer na ang bahalang makipag-ugnayan sa pamahalaan ng Ilocos na nakakasakop sa kanilang lugar upang tulungang i-promote ang Aragorn Grape Farm, pinapayagan nila ang grapefruit picking pero hindi sila magbibenta ng mga cuttings nito. Kahit gaano ka-busy si Matthew ay dumarating siya sa punto na nakakaramdam siya ng panga
Sa issue lang ni Prim sila nagkaroon ng komprontasyon ngunit hindi pa sila nagtutuos na magkapatid sa nangyari sa kanilang ina. Hindi rin halos nagkita sina Matthew at Prince simula ng muli silang magpang-abot sa Club Roman kung saan magkikita sana sila ni Jude. Iniwasan niya ang anumang komunikasyon sa kapatid. “May update na ba, Jude?” Naiinip na rin si Matthew. Gusto niyang maliwanagan ang mga bagay-bagay lalo na sa binabanggit ni Jude tungkol kay Maxine at Dea. “Pare, baka matatagalan ng konti pero huwag kang mag-alala kasi pinapaasikaso ko na. Mahirap ang sitwasyon natin ngayong pandemya.” Malaking pabor ang hinihingi ni Matthew sa kaibigan dahil hepe ito ng istasyon na humawak sa kaso ni Dea ng makidnap si Thea. Ito rin ang nagpadala ng pulis upang imbestigahan ang biglaang pagkamatay ng kanyang ina. Hindi nga ganoon kadali ang kanyang pakiusap. Hindi madaling mag-follow up lalo na sa s
Nagulat si Prim at ang mga bata ng dumating ang ina. Hindi ito nagsabing darating siya. Sinabi nitong nanggaling na siya sa quarantine facility kaya hindi sila dapat mag-alala. Tuwang tuwa siya ng makita ang mga apo at maging ang kambal na Aragorn. “Hindi man lang po kayo nagpasabi na uuwi kayo,” sabi ni Prim. Hindi napigilan ng mga bata ang hindi yumakap sa kanilang lola. “Kaya nga surprise di ba?” Aliw na aliw si Rose ng makita ang kambal. “Naku, ang cute naman ng kambal. Bakit ba kamukhang kamukha naman kayo ni Matthew?” tanong niya sa inosenteng mga sanggol habang tila ba nakikipaglaro rin ang mga ito sa kanya. Pangiti-ngiti pa. Lihim niyang kinausap si Prim. Sinabi nitong nagkaroon sila ng komprontasyon ni Matthew. Sinabi niya ang isinumbong nito sa kanya. “Mama, bakit po ninyo iyon ginawa?” “Ano’ng gusto mo, manahimik ako habang inaapi-api k
After three years… Naging tahimik ang buhay ni Prim. Graduating na ang kanyang mga anak at in the state of pandemic pa rin ang bansa ngunit bahagya nang sumisigla ang mga negosyo. Nagkaroon na rin ng bakuna. Ang pinapapasok na lang sa mga establisyimento ay iyong fully vaccinated at may boosters. Samantalang, ang mga anak ni Prim ay nagsipaglakihan na rin. Nasa poder pa rin sila ni Matthew at tuwing weekends and long vacation pa rin sila nag-i-stay sa kanilang ina. Matagal na hindi nagkaroon ng komunikasyon ang magkapatid ngunit nagpaalam si Prince na mangingibang-bansa muna kasama ni Maxine. Titira sila sa kanilang property sa Beverly Hills. Hindi naman niri-replayan ni Matthew ang anumang mensaheng galing sa kakambal. Itinuloy ni Prim ang skeletal na schedule ng mga staff niya sa Eufloria. Nagbukas na rin ang Eufloria sa Japan. Katulad ng pagsisikap ng flowershop sa Pilipinas, iyon din ang
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala