Pero bago pa man nakalabas ng silid na iyon si Anika ay nahablot na ni Warren ang kanyang buhok at agad sinakal si Anika at pinilipit ang kanyang kamay saka ito isinandal sa dingding.Pagkatapos ay kinuha muli nito ang baso at tinangkang ipainom kay Anika ang alak.Ngunit tumanggi ang dalagang ibuka ang kanyang mga bibig.Habang tumatanggi si Anika ay lalong pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Warren sa kanyang leeg kaya naman halos masakal ang dalaga at hindi na makahinga."Hindi! ayoko.Ayoko!" Palag ni Anika kahit hirap ng magsalita hanggang sa halos ungol na lang ang nagagawa ni Anika.Pero dahil halos hindi na siya makahinga, walang choice si Anika kundi ibuka na lang ang kanyang mga labi upang makasagap ng hangin at iyon ang sinamantala ni Warren.Nang bumuka ang kanyang bibig ay ibinuhos nito sa bibig ni Anika ang alak.Halos malunod ang dalaga.Pinilit niyang iluwa ngunit dahil sa nakatingala ay nakapasok ang alak at nainum niya ang iba.Pagkatapos mangyari iyon ay humalakhak na h
Nang mga oras naman na yun ay nalilito ang binata, sa kanyang isipan ay paulit ulit na nagbababala ang usapan nila ni Gwen.Nangako si Lyndon na hindi na tutulungan pa si Anica at ayaw niyang masira ang pangakong iyon nang dahil lamang kay Anika.Hindi karapat dapat ang babae para makagawa siya ng ganung pagkakamali.Dahil sa nasilayan ni Anika sa mukhang iyon ni Lyndon na tila walang pakialam sa kanya.Unti unting nalusaw ang pag asa ni Anika.Ang kanyang kamay na nakahawak sa paa ng binata at umaasa pa saba ay unti unting nanghina at kumalas sa pagkakahawak sa paa ni Lyndon.Kaya naman madali na siyang nakakaladkad ni Warren palayo. Dahil sa walang pakundangang pagkaladkad na iyon ay tumama ang kamay ni Anika ng malakas sa paa ng lamesa at nangdulot iyon ng sakit na parang kinuryente ang buong kamay niya.Sa huling sandali ay kumapit pa rin si Anika sa ibaba ng paa ng lamesa dahilan para mapigilan ang paghatak sa kanya ni Warren.Bagamat makirot ang ogma kamay sa paharabas na pagtama
Maraming bisita sa pasilyo at tinitingnan nila si Anika na parang isang kalonos lonos na anghel na nahulog sa lupa. Ikinaway si Anika ang kanyang mga kamay upang simpleng batiin ang mga naroroon lalo na ang ilang kalalakihan. Iyon ay upang makatawag ng pansin at ang mga mata ng mga ito ay mapunta sa kanila. Sa ganung paraan ay hindi makakakilos agad ng masama si Warren ngunit agad siyang nahawakan ni Warren at pinilipit muli ang braso niya."Wala ka bang kahihiyan!?" Paangil na sita nito sa kanya" Mabilis na kumilos ang dalaga habang ang mga estrangherong bisita sa ibang partido ay nag-unat ng kanilang mga kamay upang hatakin siya papasok sa loob. "Ano ang ginagawa mo? Sawa ka na ba sa buhay mo ha?" Muling sita ni Warren. at hinawakan ni Warren ang buhok ni Anika."Pinipilit mo akong gawin ito. Hinahamon mo akong babae ka, pwes makikita mo ngayon ang hinahanap mo" banta nito.Hindi alam ni Anika kung saan nanggaling ang lakas niya dahil itinulak pa rin niya si Warren palayo. S
Itinaas ni Anika ang kanyang kamay. Para ipakita sa binata kung ano ang masakit."Sobrang sakit talaga..!" sabi ni Anika sa binata na ipinakita ang sitwasyon ng kanyang kamay. Ang kanyang mga daliri ay bali pa rin at namamaga. Nakaya niyang tiisin ang sakit hanggang ngayon. At ngayon lamang niya nagawang sumigaw ang labis na sakit ng nasa harapan na siya ni Lyndon.Naitikom naman ni Lyndon ang kanyang mga labi na para bang pinipigilan ang galit.Naaawa siya sa nangyari dito."Magiging okay rin yan. Mamaya lang giginhawa na ang pakirama mo" sabi niya sa dalaga.Inalalayan jiLyndon si Anika paakyat sa kanyang silid Inakyat.Wala namang reklamo na agad sumunod ang dalaga sa kanya.Hondi nangtagal ay dumating si Rendel ang kaibigang doktor ni Lyndon na agad namang sumunod sa kanila sa silid.Nang makita nito si Lyndon na akay ang isang babaeng tila lasing ay agad niya itong inalalayan.Sa nakitang sitwasyun ng babae ay alam agad ni Rendel kung ano ang nangyari dito."Nabigyan ba siya ng ipin
Agad naman isinagawa ni Rendel ang nararapat para hatakin ang daliri ni Anika na baliko at lapatan ito ng tamang first aid.Napahiyaw si Anika sa sobrang sakit at namilipit sa kirot at tuluyan ng ng umiyak.Napayakap ito at napasobsob sa bewang ni Lyndon na nasa tabi niya ng mga sandaling iyon."Daddy.. ang sakit..tama na! ang sakit sakit. Hindi ko na kaya" umiiyak na sigaw ni Anika.Naaawa namang hinimas himas ni Lyndon ang ulo at buhok ng dalaga.Tun nga lamang ay hodi naman siya mapakali dahil isang napakagandang babae ang nakasubsob sa puson niyam"Hush! huwag ka ng umiyak mamaya lang makikita mo wala ng sakit niyan gagaling ka na" sabi niya sa dalaga. Hindi naman tinangkang galawin ni Anika ang kanyang kamay na nilalagyan ni Rendel ng benda ang daliri niya.Napasulyap si Rendel sa mga mata ng dalaga.Para itong nabunutan ng tinik ng makitang maayos na ang mukha nito at hindi nakakabakasan ng sakit.Ang pagtuwid ng baling buto ay napakasakit lang sa simula ngunit wala na rin kalaunan
"Hwag na huwag mo siyang pagdududahan! Si Gwen ay nakaratay sa kama ng matagal na panahon. Namuhay ng malungkot na halos katumbas na ay kamatayan" bilin ni Lyndon."Hindi siya magkakaroon ng kahit na anong masamang hangad para sa iba.Hinding hindi magagawang manakit ng iba ni Gwen" Paliwanag pa ni Lyndon."Sir, Hindi ko naman po iniisip yon. At lalong hindi ko kailanman iisipin iyon? " Sabi na lamang ni Roman ngunit iba ang nasa loob ng kanyang kalooban."Daddy...! Sigaw ng taong nasa loob ng silid na walang iba kundi si Anika.Gusto sanang magalit ni Lyndon dahil sa pagiging brat na iyon ni Anika.Pero pinigilan ng binata ang sarili at inintindi ang sitwasyun Anika. Ewan niya pero para talaga siyang sinapian ng mabuting anghel ng tawagin siya nitong " Daddy"Hindi siya makapaniwala na sinapian siya ng mabuting espiritu ng kabaitan ng sandaling iyon. Lumingon si Lyndon sa nakasaradong silid at pumihit pabalik saka hinawakan ng saradura ng pinto.Bago iyon buksan ay lumingon ang binat
Samantala sa mansion ni Lyndon, inilayo ni Gwen ang kanyang telelono sa kanyang tenga. Sabi ni Roman, ang kanang kamay ni Lyndon ay hindi daw uuwi ngayong gabi si Lyndon. Inangat niyang muli ang kamay para ibalibag ang kanyang telepono dahil sa galit pero may pumigil sa kamay niya."Miss Gwen huminahon kayo. Hindi masosolve ang problema sa paraang ganyan""Manang, nagsinungaljng na naman si Lyndon sa akin. Alam ko na kinuha at iniligtas ni Lyndon si Anika at malamang magkasama sila ngayon" badtrip na sabi ni Gwen."Miss Gwen, hindi mo naman siya maaaring hiwalayan, Sa ngayon ay tanging si Lyndon na lamang ang maaasahan mo" sabi ni Manang. Nagtagis naman ang mga ngipin ni Gwen bagamat totoo ang sinabi ng matanda."Pero hindi ko kayang makita at isipin na unti unti na siyang inaakit ng pokpok na yun""Imposible naman yun. Paano naman siyang manghihimasok sa relasyon ninyong dalawa?"sabi ni Manang.Si Manang Susan ay dating miyembro ng pamilya nila Gwen, siya ang nag alaga kay Gwen kahi
Gusto na sanang sipain ni Anika ang binata lalo na ang sipain ito sa pagitan ng hita nito upang tuluyan na itong makabitaw sa kanya. Pero nagpigil pa rin ang dalaga."Dahil katabi mo ako ngayong gabi, ang ibig sabihin ay hindi nagtagumpay ang hayop na Warren na yon. Ang nanay ko, ang kapatid ko sila malamang ay nasa panganib na. Kailangan kong makauwi.Kailangan ko silang protektahan" sabi ni Anika.Nakita naman ni Lyndon ang pagaalala sa mukha ni Anika at halos naiiyak na naman ito sa takot kaya napilitan ng magsalita ang binata."Nasa maayos silang kalagayan" Sabi niya sa dalaga."Hindi ako naniniwala, Hindi ako naniniwala sayo" Sabat ni Anika.Hindi na siya naniniwala sa kahit na anong sabihin ni Lyndon.Mula nang hindi ito tumupad sa kanyang pangako."Gusto ko silang tawagan" giit ni ang dalaga."Gusto ko lamang malaman na ligtas nila" giit pa niya."Ipinapangako ko na ligtas sila hinding hindi sila tatangkaing saktan ni Warren" Pangako ni Lyndol sa dalaga.Pero hindi niya kinakita
Napansin ni Lyndon na sa ikinikilos ng lalaki ay may lihim itong agenda. Pakiramdam niya ay sinasadya niting paglaruan si Anika.Dahil sa mga naiisip ay parang gusto ng hatakin at hilahin ni Lyndon ang lahat ng mga ngipin ang lalaking hanep kong makangiti kay Anika.Hindi na rin kasi nagugustuhan ni Felix ang malalalalim na titig nito sa dalaga.Narinig naman ng supervisor ang sigaw na iyon ng customer.Pero dahil meron siyang hinala na may kakaibang nangaganap sa pagitan ni Aika at ng kanilang VIP ay nag isip ng mabuti ang manager.Hindi siya mapupunta sa kinalalagyan niya ngayon.At mapo promote na manager sa bar na ito kung hindi siya marunong bumasa ng mga karakter ng mga tao. Ultimo ang mga simpleng kilos at simpleng tapik at himas ay alam niya ang kahulugan kaya nangpasya ang manager."Ah si Aika ba sir? Ah teka lamang air at parating na iyon.Teka saglit lang po ang maigie pa ay sunduin ko na nga. Maiwan ko po muna kayo at tatawagin ko si Aika. Sabi ng manager sabay isinara ang pin
"Tulad nga ng sinabi mo, may mga bisita naghihintay sa akin. Kaya't itigil mo na yang mga pagtatanong mo. Wala namang dahilan lahst yun nabanggit ko lang yun. Mabuti pa ay bumaba na lamang ako" Sabi ni Anika na umiwas na at mabilis na tumalilis palabas ng banyo.Hinabol naman siya ni Lyndon pero nagdedrederetos si Anika at mabilis ang naging hakbang.Nang mga sandaling iyon, ang manager ng club ay naghihintay pa rin kay Anika sa labas ng pinto.Nang makita nito na hindi sexy ang damit ni Anika, ganun din ay wala na itong make up at lipstick sa mukha ay napasimangot ang manager."Anong arte ito? bakit ganyan ang suot mo.Ano? Hindi mo na gusto kong trabaho, Tama ba?" Tanong nito sa kanya, sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.Nagkataon naman na nakasunod na si Lyndon kay Anika at naroon na ito sa likod ng dalaga. Tinitigan ni Lyndon ng matalim ang manager na tila sinasaway."Oh ano?wala ka ng kailangang gawin dito ano pang silbi mo.Ang arte arte mo kase porke ikaw ang mabenta
Tuluyan ng nainip si Lyndon kayat wapang banalang kinatok ang pinto."Anika..!! Anika, buksan mo ang pinto...Isa...! Sinabi ng buksan mo ang pinto" Sigaw ni Lyndon mula sa labas.Pero hindi pa rin sumasagot si Anika at tinakpan lamang ang kanyang tenga.Bagamat tensiyunado ay nangiisip ang dalaga kung paano makakalusot sa sitwasyun na ito."Madali lamang sanang magdahilan kung hindi lamang umeksena si Lyndon. Ngayon ay lalong naging komplilado ang sitwasyun niya" sa sabi ni Anika."Bakit ba kase palaging naroon si Lyndon sa club gayung may kasintahan naman ito.Ganun ba ito kasabik na may makasamang babae?" Sa ganun tanong ay parang may kung anong lungkot ang humimlay sa puso ni Anika."Umalis ka na"sigaw ni AnikaNagulat si Lyndon sa narinig. Hindi ba siya nagkamali ng narinig? Totoong narinig niyang pinalalayas siya ni Anika."Ang lakas ng loob ng babae.Siya si Lyndon ay itinataboy nito?" Dahil doon ay lalong tumindi ang galit ng binata. Matapos na ilang ulit na balyahin ang pinto a
Malakas na nauntog ang ulo ni Anika sa dibdib nito kaya halos mahilo ang dalaga.At ang mga basong hawak niya. na may laman ng alak ay natapon din mismo sa dibdib ng dalaga kasabay nanh paghampas ng mukha niAnika sa katawan ng lalaking tiyempong natumbahan niya.Yukong yuko si Anika dahil inisip niyang baka isa iyong sa mga lalaki sa loob ng silid iyon at baka makilala siya.Halos manginig si Anika sa takot.Ang manager naman ay tila namutla nang mapasulyap sa lalaking nabunggo ni Anika. Pagkatapos ay bigla na lang kinakitaan ito ng takot ang mukha."Naku Sir Lyndon, Pasensya na po. Pasensya na po sa katangahan ng aming mga alaga. Pasensya na talaga" sabi ng manager na walang tigil ng paghingi ng pasensya.Bigla na lamang nanigas si Anika ng marinig kung sino ang taong natumbahan niya.Naramdaman ni Anika na ang tray na hawak niya ay hinablot ng lalaki at inabot iyon sa manager."Kunin mo ito" utos ni Lyndon.Ang maotoritibong boses nito ang lalong nagpalambot ng tugod ni Anika.Biglang
Sanay na ni Anika na maalat ang palkitungo ng mga kasamahan. Ang mga babaeng nagtatrabaho sa club na yon ay hindi maganda ang pakikitungo sa mga babaeng pakiramdam nila ay mas maganda sa kanila.Lalong lalo na kapag ang babaeng yon ang pinaka sikat malakas kumita sa kasalukuyan. At sa mga gabing nagdaang iyon ay si Anika ang naging apple of the eye ni Madam Wendy at ng mga VIP costumer. At dahil doon pinagiinitan si Anika ng mga ibang babae sa club.Para sa mga ito dahil malaki ang kita ni Anika kesa sa kanila ay inaagaw ni Anika ang grasya kada gabi kaya parang naging tinik si Anika sa lalamunan ng lahat ng mga babaeng naroon.Dahil hindi lamang maganda si Anika para sa lahat.Siya sin ang pinakaseksi , pinakasariwa at may pinaka nakakaakit na mukha.Ang manager ng club nang sandaling iyon ay binuksan ang pinto ng kanilang pahingahan at tinawag si Anika."Aika, halika lumabas ka riyan nirerequest ka bg costumer" sabi nito.Nakabusangot na tumayo si Anika.Pero wala siyang karapatan
Naalala ni Julian na wala namang schedule si Lyndon ng kahit anong get together sa mga kaibigan nito. Wala itong mga kaibigan na makakasama at makaka inuman kaya't ipinagtaka iyon ng lalaki.Kaya naman napatanong si Julian sa amo."Sir gusto niyo bang tawagan ko ang ilan niyong mga kaibigan para may kasama kayo pagpunta roon.Wala kasi kayong ipina schedule sa akin tungkol dito"Sabi ni Julian."Hindi, Ayoko.Gusto ko ako lang mag isa" Seryosong sabi ng kanyang amo.Sa tagal na nagmamaneho at nagtatrabaho ni Julian sa kanyang amo ay mukhang alam na niya ang dahilan.Mukhang iisa lamang ang dahilan kung bakit nais magbalik doon ni Lyndon.Nang makarating sa club ay medyo napamaaga sila ng dating. kadalasan pag dumarating doon si Lyndol ay halos puno na na ito ng mga tao at halos napakaingay at napaka usok na.Isa sa mga lalaking manager ang agad siyang nakilala at lumapit sa binata at binati siya."Sir Lyndon, magandang gabi. Mabuti at napasyal kayo ulit. May mga nakahanda na pong silid sa
Nag atubili si Gwen sa pagsagot.Tinitigan si Lyndon at inalam ng dalaga kung may duda sa mga mata nito.Nang wala siyang makita lahit na anong pagdududa ay itinuloy ni Gwen ang pagsisinungaling."Oo naman, binigyan ko siya ng marami. Sobrang dami na sasapat para maiinom ng kapatid niya hanggang sa ang gamot ay maging available na sa mga botika at sinabihan ko siya na kung sakaling maubos at wala pa sa merkado ay magpasabi lamang siya" Pagsisinungaling ni Gwen pero naging mailap ang mga mata.Nagkunwaring hinimas ang mga kamay ni Lyndon para itago ang pagkabalisa ng mga mata niya."Ganun ba?Mabuti naman" Maiksing sabi ni Lyndon."Kahit papaano ay matatahimik na tayo at hindi tayo gagambalain ng babaeng iyon.Gusto ko lamang na sayo siya humingi ng gamot upang mapanatag ka na gamot lang ang nais niya at para na rin humingi siya ng tawad sa iyo." Paliwanang pa ni Lyndon.Nakayuko si Gwen kaya hindi na nakita ni Lyndon ang pagtalim ng mga mata ng babae at ang ngiting paismid ng dalaga.Hind
Nagkataon na ang driver na nasakyan ni Anika ng gabing iyon ay mabuting tao at naging tapat ito sa dalagang pasahero."Ineng, napakarami nito.Hindi niyo ako kailangan bayaran ng ganito kalaki" sabi ng lalaki."Manong, sa kalagitnaan ng gabi kayo ho ay nagtatrabaho at nagpapaka kuba sa pagmamaneho.Pasasalamat Lang ho yan dahil hinahatid ninyo kaming mga pasahero ng ligtas" yun na lamang ang sinabi ni Anika.Naguguluhan man at nalilito ay hindi na kumibo pa ang driver.Inayos ni Anika ang kanyang damit.Pagkatapos ay tumingin na sa labas ng bintana. Hindi ganun kadali para sa kung sino man ang mabuhay ng patas.Tulad na lamang din ng driver na kausap niya ngayon na kahit matanda na ay kinakailangan pang maghanap buhay para lamang maging patas at kaaya aya sa paningin ng iba.Ang mga ilaw sa daan ay hindi masyadong maliwanag, parang ang buhay niya tila laging malamlam.Ang driver ng taxi ay pasimpleng sumulyap sa babaeng sakay niya.Pansin ng matanda na iba ang babae kaysa sa mga babaeng m
Matapos ilabas ang lahat ng sama ng loob.Naglakad si Anika palayo sana sa lugar na yun. Pero ang lalaking palaging nagdadala sa kanya ng mga gamot ay nakita niyang naghihintay muli sa sasakyan tulad ng dati.Nang makita siya nito ay agad itong lumabas ng kotse naglabas ng sigarilyo at nagsindi.Matapos ang ilang hithit ay lumapit ito sa kanya.Hindi naman na nagulat pa si annika At alam na ng dalaga kung ano ang pakay nito."Asan ang pera?Tanong nito.Pero hindi na hinintay pa na sumagot pa ang dalaga agad itong hinablot ang bag na hawak ni Anika At kinuha roon ang pera.Lumapas ang ngiti ng lalaki ng makitang maraming laman ang bag ng dalaga.."Wow,kung ganito ba ng ganito gabi gabi eh di hindi nakakapagod magpunta dito" sabi ng lalaki na kuntento sa salaping nakita."Iba ka talaga.Gabi gabi kang tiba tiba.Oh eto na ang gamot mo" Abot sa kanya ng lalaki.Agad naman ano yung kinuha ni Anika iyon dahil para sa kanya yun lamang ang mahalaga.Kakalagay lamang ni Anika ng gamot sa kanyang