"Hanggat nakakalaya pa si Warren. Huwag kang umasa na ligtas ka At maayos kang makakapamuhay. Huwag kang mag alala dahil sa pagkakataong ito" tumitig si Lyndon sa dalaga."Tutulungan kita na mahuli si Warren at maipasok sa kulungan. Tutulungan kitang makuha ang hustisyang gusto mo" Sabi sa kanya ni Lyndon habang malapit na malapit ang bibig nito sa mukha niya.Ramdam ni Anika ang init ng hininga nito na dumadampi malapit din sa kanyang mga labi.Saglit ba lumingon si Anika kaya halos magtama na ang mga labi nila.Bago pa lumapat sng mga labi nila ay nagtanong ang dalaga."Ano namang kondisyon ang kapalit ng tulong na yan. Ano na naman ang kailangan kong gawin?" Nagdududa ang tanong ng dalaga."Dahil tinawag mo akong daddy ngayong gabi.Walang kondisyon ang tulong ngayon""Totoo, libre ko itong ibibigay sayo" nang marinig ni Anika ang salitang daddy ay biglang inilayo ni Anika ang kanyang mukha at tumingin sa ibang direksyon. Nahihiya siya lalo na ng maalala niya ang sinabi ni Lyndon na
Samantala.... sa mansion ay gumising naman at bumangon na si Gwen.Halos hindi rin ito nakatulog ng buong gabi kaya lalong para itong nanghihina at tila namumutla.Naroon sa silid ni Gwen ang kanyang yaya na biglang sumilip sa bintana nang marinig na may pumasok na sasakyan sa gate."Miss Gwen, si sir Lyndon ay bumalik na" sabi nito sa kanyaNapansin nito na si Gwen ay tila wala sa mood kaya't sinabihan ni manang ang alaga."Miss Gwen, wag mo ng isipin ang tungkol kagabi.Maging masigla ka huwag ka sanang ganito. Hindi matutuwa si sir sa makikita niya na ganito ka"payo ng yaya ni Gwen.Narinig ni Gwen ang mga yabag ni Lyndon paakyat sa hagdan at diretso itong pumasok sa silid niya."Gising ka na ba?Akala ko ba gusto mong matulog ng matulog?" Tanong ni Lyndon kay Gwen.Hindi magawang ngumiti ni Gwen.Lalong hindi nya rin magawang magkunwaring masigla."Akala ko ba ay pupunta ka sa Cebu?" Biglang tanong ni Gwen.Napatda naman saglit si Lyndon at medyo naging malikot ang mga mata."Ah kina
"Hindi ako makapaniwalang nagawa akong saktan ng isang babae lamang.Oo, nasaktan ako ng ganito ng dahil sa iyo" Sabi ni Roman na tinitigan nang masama si Anika. Walang nagtatangkang saktan ako!" dagdag pa ng lalaki."Kaya kung banggain ang kahit na sinong malalaking tao para sa amo ko.Pagkatapos ay si Gwen lamang ang mananakit sa akin ng ganito? Hindi ba't malaking insulto yun para sa akin?" Galit na sabi ni Roman.Naiintindihan ni Anika na may pagka arogante rin ang lalaki. Lalo pa't mataas din naman ang pride nito kahit ito ay kanang kamay lamang at personal driver na Lyndon.Matapos bumalik ni Anika sa kanilang kumpanya, ang una niyang ginawa ay ang tumawag sa pulisya.Pagkatapos ay nag report agad agad sa mga nangyari.Hindi lumaon, si Warren ay inaresto agad agad."Malayo ang abot ng batas, hindi ka ba natatakot?" Pagkarinig nito ay napatingin ni Lyndon sa naglalakad na pigura sa TV screen habang live na nai-broadcast ang balita tungkol sa pagkakadakip kay Warren.Kitang kita ni Ly
Ang lalaking nakakasalubong ni Anika sa pinto at nakakasabay niya ay walang iba kundi si Jhino.Wala na ito sa wheelchair ngunit ang kanang binti nito ay halos nakatingkayad pa at meron pa rin itong tungkod.Mabilis naman na yumuko si Anika at lumakad ng mabilis upang hindi mapansin ni Jhino. Wala pa siyang pasensya para harapin ito. Hindi pa niya nakakalimutan ang kasalanan nito sa kanya at alam niyang galit din naman ito sa kanya.Pero bago pa man niya nagawang humakbang palayo ay pinigilan na siya ni Jhino."So, kamusta?Ang tagal nating hindi nagkita" bati nito sa kanya."Oo nga" maiksing sagot lamang ni Anika na tiningnan ang mga binti ng lalaking kaharap."Mukhang medyo nakarecover ka naman na" Dagdag na sabi niya.Hahakbang na sana palayo ulitAnika ng biglang hinawakan ni Jhino ang kamay ni Anika at pinakatitigan ang dalaga. Mahinahon at medyo malambing itong nagtanong."Anika,kumain ka na ba?pwede mo ba akong samahang kumain?" Pakiuspa ni Jhino."Pasensya na pero kumain na kasi a
"Pwede ba Jhino, Huwag na natin balikan pa ang nakaraan.Meron kang maayos na pamilya at maayos ang kalagayan nyo sa buhay.Mabait ka naman kaya sigurado akong balang araw makakahanap ka rin ng mas mabuting tao kaysa sa akin" Sabi ni Anika.Gusto na sanang umalis ng dalaga pero pinigilan siya ni Jhino.Hinarangan pa nito ang pinto.Para hindi siya makalabas. Pagkatapos ay tumawa ito ng tila makahulugan."Pwes, sabihin mo sa akin, sino ang mas magaling sa amin? ako ba?O si Lyndon? Sino ang mas masarap sa kama ha? Sino ang mas nagpalasap sayo ng mas masarap na pakiramdam ha?"Nakakainsulto yun para kay Anika kung tutuusin. Nakakapanghinayang ang malinis at walang bahid ng dungis na pagtingin niya dito noon."Hindi ba niya alam?"Sinubukan ni Anika na magsalita. Pero bago pa man siya maibuka ang kanyang bibig at makasambit ng kahit na ano ay lumapit na si Jhino sa kanya malapit na malapit na halos amoy na niya ang hininga ng lalaki.Ang kanyang boses ay napakahina pero halos maramdaman na
Matapos marinig ang lahat. Nagmamadaling tinakbo ni Lyndon si Gwen at kumuha ng tissue.Pagkatapos ay tinulungan ang dalaga na mailuwa ang nakabarang pagkain sa bibig nito."Subukan mong isuka" utos ni Lyndon sa namumulang sa dalaga. Pagkatapos ay tinapik tapik ang likod nito upang maibuga ang pagkain sa bibig nito.Mabuti na lamang at nailabas din naman agad ni Gwen ng pagkain kaya umayos na ang lagay nito. Pagkatapos ay pinilit ngumiti."Lyndon, ang lahat ng sinabi niya ay totoo. Tama ba?"biglang tanong ni Gwen sa binata.Narinig naman iyon ni Anika at wala ng siyang nagawa. Ayaw man niyang makasakit ng iba pero kasubuan na.Halos lapirutin na lang ni Anika ang dulo ng kanyang damit dahil sa hiya at tensiyon.Tulad ng isang makasalanan na nahuli ay wala na siyang matatakbuhan.Ang mukha naman Lyndon bagamat relax at katulad pa rin ng mga nakaraan.Wala itong reaksiyon at ni walang pakiramdam. Hindi mo ito kababakasan ng kahit na anong expression.Parang para dito ay walang kuwenta la
Lingid kay Anika ay nakatitig si Lyndon sa dalaga nang lumabas ito kaya't napansin ni Lyndon na nang maglakad si Anika palayo ay paika-ika ito.Nakita pa niya na may umaagos na dugo sa talampakan nito at ang mga marka ng dugo ay naiiwang bumakat sa sahig na nilakaran nito.Nang makalabas na nang tuluyan si Anika At naisara na niya ang pinto ay saka lamang yumuko si Anika upang tingnan kung ano ang sanhi ng kirot sa kanyang mga paa.Pagkakita niya na may isang maliit na bubog na kasalukuyang nakabaon sa kanyang talampakang ay napangiwi si Anika sa sakit ngunit tiniis niya ang sakit at dahan dahang hinugot ang maliit na bubog na iyon sa kanyang paa.Pagkatapos ay muli niyang iniapak at inilakad ng muli.Nung mga sandaling iyon ay nakamasid naman sa kanya si Jhino.Habang hindi halos maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Sinulyapan lamang saglit ni Anika ang dating kasintahan pagkatapos ay walang kibo nang umalis ng mabilis sa lugar na yun.Bagamat natatakot sa maaring kalabas
"Sino yan?" Tanong niya pero binuksan ba rin niya ang pinto.Bago tuluyang kumalat ang liwanag mula sa ilaw ng sala palabas ng kanilang pintuan. Nakita ni Anika ang anino ng isang matangkad na tao na nakatayo sa pinto.Napakatangkad yung taong ngayon na para bagang nagbibigay ng mataas na temperatura sa lugar..Hindi makahinga si Anika, ang unang reaksiyon ni Anika ay isarado ba lang ang pinto dahil sa takot pero hindi na nagawa pa ni Anika ang balak dahil hinahawakan na ni Lyndon ang pintuan at pumasok sa loob. Naiwang gulat at nabigla si Anika."M-Mister Lyndon, Bakit ho kayo nandito?Ano ho ba ang kailangan nyo?" Tanong ni Anika. Pero pinagsisihan na rin niya ang tanong na iyon. Dahil sa totoo lang ay hindi naman na kailangan magtanong dahil alam na niya ang sagot sa tanong niya.Malamang alam na nya kung bakit ito naroroon.Napahugot ng malalim na hiinga si Anika at muli sanang magsasalita pero nagulat abg dalaga dahil Ibinalibag ni Lyndon ang pinto pasara at ini lock pa na ikinagi
"Ayaw mo?" Malalim ang titig sa kanya ni Lyndon."Oo, hindi kan a ba nakakaintindi ng tagalog ngayon? Tumingin si Anika Yanqing kay Lyndon at inulit ang sinabi,"Ang sabi ko, Ayoko...." Nakita niyang umataras ang lalaki; inilagay ang mabuto nitong mga daliri sa kanyang leeg, hinapikan nito si Anika ng mariin at dahan-dahang ibinubuka ang puting polo nito.Nalantad ang magandang balikat, collarbone, dibdib ni Lyndon. Nang tuluyang hubarin nito ang polo, parami nang parami ang bahagi ng katawan nito na nalalantad hanggang sa tinanggal nito ang sinturon sa kanyangbaywang.Nagulat si Anika dahil, Naligo si Lyndon kasama niya sa bathtub, at tumalsik ang tubig mula sa kanyang katawan papunta kay Anika.Ang bawat patak ng tubig ay nagpapanatili pa rin ng temperatura ng katawan ni Lyndon, mainit, maligamgam.Pagkatapos ay tahimik nitong Ipinasa ang shower head sa kamay ni Anika at wlang kibong umalis si Lyndon. Nawalan ng lakas si Anika parasuportahan ang sarili kaya napaupo siya sa bath
Samantala kabilang dulo ng linya, mahigit namang hinakawan ni Gwen ang kanyang telepono, ang mga luha ay malayang dumadalot sa kanyang mga mata. Pinunasan ito si yaya Susan ang luha ng alaga gamit ang kanyang mga daliri."Miss Gwen, hindi ito ang oras para umiyak" anito."Hindi man lang siya nagkunwari o nagsinungaling para hindi ako masaktan. Nagpunta talaga siya doon para kay Anika" nagaalala na si Yaya Susan sa alaga niya."Naisip mo na ba malamang ay alam ko din na ikaw ang gumawa ng paraan para si Anika at mapilitang magtrabaho sa club, kaya hindi imposible na hindi alam ni Felix na ikaw ang nanakot kay Anika kapalit ng gamot."Bakit naman sasabihin yun ni Anika."ikaw ang magtanong sa kanya? Tumigil sa pag-iyak si Gwen. "Bakit? Nagkalakas ng loob si Anika na sabihin sa kanya?""Nakita ko ang inutusan inutusan mo,Nanatili nakatiklop ang kanyang bibig. Pero ang kanyang paa at kamay ay baldado" sabi ni Yaya Susan."Ano ang ibig mong sabihin? "Noongunang makita ko, ayaw ko p
Namutla at nagkulay asul ang mukha ni Xander ng mapagtantong muntikan na siya. Hinawakan naman ng mahigpit ni Lyndon ang pulso ni Anika at naramdamab niyang tila hindi susuko si Anika kaya dinidiinan pa nila lalo ang pagkakahawak sa pulso nito.Sinulyapan ni Lydon ang mukha ni Anika, Ngayon lang niya nakita ang matindong poot at kulimlim ng mga mata ni Anika. Ilang beses na itong nasuklam sa kanya ngunit ngayon lamang niya nakita ang poot at tapang na ito ni Anika, ngayon lamang."Huwag magpadalos dalos" bulong nito kay Anika Binitiwan ni Xander si Sonia sa kamay, at ibinalibag ka paanan ni Lyndon.Ang mukha nito ay nanlamig na kinuha ang bote ng alak mula sa kamay ni Anika atitinapon ito sa lupa."Julian...." Senyas ni Lyndon"Yes sir...." "Ipadala mo muna ang babaeng ito sa ospital at bigyan siya ng bakuna sa rabies Agad namang kumilos ang lalak at mabilis na kinuha si Sonia. Napakatangkad ng lalaki sa isip isip ni Sonia, at nakikita lamang niya sa gilid ng kanyang mata na k
"Hindi...! Maawa ka sa kanya, huwag mo siyang idamay" halos magpumilitsi Anika na tumayo.Nakita niya ang panlilisik ng mga mata ni Xander. Alam ni Anika na may masama itong balak sa kaibigan.Ngunit may dumagan na mabigat na kamay sa kanyang balikat. Hinawakan siya ni Lyndon at sumulyap sa kanya ng matatalim."Huwag kang makialam sa buhay ng ibang tao" halos paangil na sabi nito nangarongi naman ito ni Sonia ay namutla ang mukhang babae.Pero bigla itong napaiktad dahil parang sinadyang pisilin ni Xander itaas na dulo ng kanyang sugat kaya bumulwak ng malakas ang masaganang dugo mula dito."Aaaah....tama na, maawa ka Mr.Xander." Halos mamatay na si Sonia sa sakit. Namilipit ang babae ng lalo pa itong higpitan ni Xander."Mr.Xander, pakiusap, pakawalan mo ako.Hayaan mo ako wala akong kasalanan sayo, bitawan mo ako" sigaw ni Sonia.Dalawang beses pang diniinan ni Xander ang sugat ni Sonia saka inilabas ang kanyang dila na tila ba isang halimaw na natutuwang namimilipt sa sakit ang ba
Napakaingat ni Lyndon sa pagbuhat kaya Anika, sa takot na kapag gumagamit siya ng kaunting puwersa, matutunaw ito sa kanyang mga bisig.Isinandal ni Lyndon ang ulo ni Anika sa kanyang dibdib, kung gising pa ito ngayon sa sandaling ito, tiyak na maririnig nito ang tibok ng kanyang puso.Maingat ang bawat kilos ng binata, ngunit halos hindi magawang tingnan ang namumulang mukha ni Anika. Dinala siya ni Lyndon sa labas, yumuko at inilagay sa sofa. Marahan niyang tinapik ang mukha nito,"Si Anika..... Anika, okay ka lang ba?" ngunit hindi magawang magsalita in Anika.Si Lyndon aman na halos pabulogn na ang timbre ng salita ay nakagawa lamang siya ng mahinang paghinga, na bahagyang tumaas atbumababa ang kanyang dibdib.Sumulyap si Lyndon sa coffee table, ngunit ang yelo sa loob ay halos matunaw na. Sa labis na taranta, kinuha ito ni Lyndon gamit ang isang kamay at ibinuhos ang tubig sa malaking pitsel sa mukha ni Anika.Nanginginig si Anika sa lamig, at ang tubig na bumubuhos sa kanyang b
"Mr. Xander anong ginagawa mo? Anong mangyayari kapag masyadong mataas ang temperaturta ha? may masama bang manyayari sa akin ha?" nagaalalang tanong ni Anika."Boss, Delikado ang ginawa mo, paano kung may mangyari sa kanya" sabi ng isa sa mga tauhan niya."Bakit? natatakot ka ba? Isa lamang siyang hostess, wala siyang halaga sa lipunan at walang mangangahas at magkakainteres maghanap dyan" sabi ni Xander. Ang lugar na ito ay ginawa para maglaro at magenjoy. Sinong gago ang pupunta dito para lamang mabored.Kinuha ni Xander ang upuan sa tabi niya at binasag ang temperature control, at kahit ang memory lock sa tabi ng door handle ay binasag din nito. maging ang mga tauhan ni Xander ay nagalala."Okay, hindi mo na kailangang lumabas, manatili ka na lang dyna Anika. Total matigas ka!"Hindi na makahinga si Anika kahit na nakasuot siya ng magaan at manipis na damit, ang temperatura na bnapakataas na ng degree at imposibleng makalabas.Lalong nahirapan si Anika at nanikip na ang dibdib at
Halos lumabas ang puso ni Sonia ng makita niya ang mstutulis na pangil ng dambuhalang aso. Nang makita ni Julian ang dalagang malapit sa mga aso ay sumigaw si Julian."Mag-ingat ka sa aso.!" Ngunit huling na. Hindi napansin ni Sonia ang asong nakatali sa dalawang haligi at sa oras na lumapit siya sa pintuan ang dalawang Tibetan Mastiff na breed ng aso ay dumamba na kay Sonia. Sa gulat ni Sonia at takot para sa sarili hindi siya agad nakaatras at hindi niya malayang naiharang niya ang kanyang kamay kung kayat nasakmal ang isa sa mga asong naunang nakalapit ang kamay ni Sonia.Agad namang sinakluluhan ni Julian si Sonia at inawat ang aso ngunit hindi napigilan ni Julian ang pagdamba naman ng isa pa at muling nasakmal si Sonia.Nang makita ni Sonia ang ngipi ng aso sa kamay niya at umagos ang dugong ay umiyak ng malakas ang dalaga at nagwala na sa takot.Sa pagkakataong iyon ay nagtungo si Lyndon sa pinto at binuksan upang alamin kung anong kaguluhan sa labas. Namumula pa ang mata nito
"Inaantok ka na ba? Bubuhatin na kita pabalik sa kuwarto" ang mukha ni Lyndon ay naiilawan ng apoy, may kaunting init. "Hindi, gusto ko ng isang baso ng juice."Tumayo ang binata at nagtungo sa kusina. Hawak ni Gwen ang mga daliri niya."Nasaan ang cellphone mo?" Kinuha niya ito mula sa bulsa niya at inilagay sa mesa. Nakahinga ng maluwag si Gwen. Sinabi niya na ang oras ni Lyndon pagkatapos umuwi ay para sa kanya na. Maya maya tumunog ang cellphone ni Lyndon na iniwan nito sa lamesa. Nang dumating ang tawag, si Lyndon ay nasa kusina pa rin. Inosenteng sinagot ni Gwen ang telepono, inilapit niya ito sa kanyang tenga dahil narinig niyang boses ng babae iyon.Samantala nenenerbiyos naman si Madam Wendy habang hawak ang telepono ng biglang pumasok ang tawag. Ang boses ni Madam Wendy ay puno ng pag-aalala. "Mr. Lyndon!" Sabi nito, Hindi niya narinig ang boses ni Lyndon ni tunog man lang ng hininga. Hindi na naglakas-loob pang magsalita si Madam pero sa bandang huli ay nagbago
Natakot si Anika sa mga salita noon ni Lyndol pero mas nakakakilabot ang isang lalaking kaharap niya ngayon. Si Xander ay isang manyak at demonyo. Nais naman sanang tumulong ni Madam Wendy sa nakikitang sitwasyon kaya't humakbang ito palapit sa dalawa para sana tumulong. Ngunit itinaboy siya ni Xander."Umalis ka dito.HUwag kng makialam!" utos nito sa matanda.Pagkatapos ay sinenyasan ni Xander ang dalawa sa kanyang mga tauhan at pagkatapos ay kinaladkad ng mga ito si Madam Wendy palabas.Alam mo dito sa pangmayamang club kahit nirerespeto si Madam Wendy.Walang sinuman ang nagtatangka na pakialaman ako. Nakita ni Anika ang pagsara ng pinto sara.Kaya ang puso ni Anika ay halos tumalog sa takot, labis na nakaramdam ng kaba at panginginig na para bang sa anumang sandali ay itutulak siya sa malalim na bangin."Hindi ko gusto ang pera mo. At lalong hindi ko isusuot ang damit na ito' tangi ni Anika."Ang maliit mong mga bibig na yan ay masama ang tabas. Mukhang hindi pa yata ito napupuwer