Pasimple, gamit ang kanyang bibig ay itinuro ni Anika ang lalaki sa gilid nila sa may di kalayuan."Napansin ko lang kasi na nakasunod siya sa akin eh kanina pa sa third floor" Sabi ni Anika."Interesado ba siya sayo? Yun ang tanong ng binata.Halos mamatay na sa kaba si Anika pero ganito pa ang tanong ng lalaki. Gusto na sanang mainis ni Anika pero kailangan niya ng tulong ni Lyndon sa mga sandaling iyon."Posibleng tauhan siya ni Warren at may masamang balak sa akin" Sabi naman ng dalaga ng pabulong ulit.Pa simpleng sinipat ni Lyndol ang lalaki. Pagkatapos ay wala namang sinabi.May mga bagay siya na kailangang unahin at asikasuhin. Mabilis na lamang na umalis si Lyndol at naglakad patungo sa entrance ng isang restaurant, mabilis namang sumunod doon s Anika.Tumayo si Anika nang malapit na malapit kay Lyndon Natatako kase siya na baka ang lalaking sumusunod sa kanila ay mabilis na sumunod at bigla na lamang siyang hablutin.Ang mga bagay tungkol kay Warren na pina post niya ay nagi
"Pero iba ka naman sa mga lalaki.Mas maginoo ka naman kaysa sa kanila"Sabi ng dalaga.Hindi naman malaman ni Lyndon kung pinupuri ba siya o hindio iniinsulto."Bakit? Ilang lalaki na ang sinabihan mo ng ganyan habang nasa kama kayo?" Sabi ni Lyndon."Wala pa.Ikaw pa lang" maiksing sagot ni Anika.Hindi malaman niLyndon kung ano ang iisipin kaya sumimangot na lamang ito at lumakad na ang binata papasok sa looban pa ng restaurant at sinundan naman ito ni Anika.Pero hindi niya akalain na meron may kasama pala ito na nasa loob.May isang tao pa roon sa pwesto na naghihintay sa kanila.Hindi nagtaas ng ulo si Anika pero nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang isang babae.Si Gwen ang babaeng kampanteng nakaupo sa bilog na lamesaKaya naman huminto si Amika sa pinto at hindi na nagpatuloy na pumasok pa sa loob ng pribadong silid kung saan doon naka tila nagpareserve ang binata.Yun nga lang hahakbang na sana patalikod si Aika nang biglang kumaway sa kanya ang taong naroroon sa sulok nu
Lalabas na sana ang waiter ng mapansin nito si Anika.Nakita ng waiter na wlaang laman nag baso ng dalaga."Maam lagyan ko po ng laman ang baso ninyo" sabi nito.Gusto sanang sabihin ni Anika na huwag na pero nalagyan na ito ng waiter."Miss Anika, talagang hinahangaan kita sa katapangan mo" biglang nangsalita si Gwen."Ito ay isang bagay na hindi kayang gawin ng isang ordinaryo babae" dagdag pa nito.Kumunot naman ang noo ng dalaga kung ano ang ibig sabihin ni Gwen."Alam mo na, hibdi biro ang tumayo para sa iba, yung tumulong para sa kapanan ng iba" Sabi ni Gwen saka dumampot ng kapirasong isda at inilagay sa kanyang plato."Narinig ko kay Lyndon na nasagasaan mo si Warren dahil sa mga bagay na ginagawa mo tulad ng pagtulong mo sa ilang biktima nito" Sabi pa ng babae.Nanahimik si Anika.Kung tutuusin, rakot naman talsga ang dalaga na balikan talaga siya ni Warren kung sakali.Kaya naman kapag ginagawa niya ang report ay nagtatago lang siya sa isang penname o alyas at hindi siya nagpala
Ngumiti naman si Gwen, ngumiti ng pagka lapad lapad, ngiting isang peke lamang."Hindi mo ba siya gustong ihatid?Yun ang nasa isip nito.Nagtagis ang bagng ni Lyndon at binuksan ang pinto ng sasakyan.Pagkatapos ay pinanood na ni Gwen si Lyndon nang itulak nito ang pinto at lumabas. Pagkatapos ay umikot pakabila para sundan si Anika na bumaba na rin.Natataranta pang lumabas ng sasakyan si Anika.Hindi na niya nagugustuhan ang kaplatikan ni Gwen. Alam niya may nais mangyari ang babae.Hindi makapaniwala si Anika na para siyang naipit sa gitna ng nagiiringang bato. Ramdam niyang merong hindi pagkakaintindihan ang dalawa pero naiinis siya dahil bakit dinamay pa siya. Dana ponayagan na lamang siyang mag taxi para hindi na sana siya laling psginitan ni Gwen.Nang paakyat na si Anika sa hagdan ng lumang apartemtn ay nakita niyang nakasunod pala sa kanya si Lyndon.Tigil siya sa paghakbang at hinarap ito"Narito na ako sa hagdan.Huwag mo na akong intindihin.Pwede ka nang bumalik sa kanya" sa
"Ano ba?Tigil mo yang bibig mo!"Nay, si Mister Lyndon ang nagbigay ng gamot sa akin.Ang ganoong uri ng gamot ay hindi makukuha ay hiid kase nabibilo pa sa botika" Yun na lamang ang paliwanag nya.Pagkarinig niyon ay lalo namang naging masigasig ang ina ni Anika na asikasuhin ang bisita. Lalong nagkaroon ito ng pagpupursige na asikasuhin ang tagapagligtas ng anak niya.Hindi siya makapaniwalang ang mamanugangin nya ay ang kanila rin palang tagapagligtas sa ikalawang anak."Naku eh mas dapat pala natong siyang asikasuhin. Hindi ka pa ba kumakain? Bibili ako ng pagkain ng maraming pagkain.Teka at akoy lalabas at bibili ako ng mailulutong asarap" Sabi pa ng ina ni Anika na nagpakaabala na sa pag aasikaso.Hindi naman malaman ni Lyndon kung ano ang gagawin at napasulyap na lamang kay Anika na hindi mapakali ng sandaling iyon."Inay hindi na kailangan kumain na po sya" sabi ni Anika na nagmamadaling pinigilan ang kanyang ay ina na wag nang mag abala pa.Ikalawa, iniisip nya rin naman na an
Sa palagay naman ni Anika ay dapat niyang sabihin na masakit talaga,tutal naman ay kasalanan ng binata kung bakit siya nasaktan.At para sa kanya mas makakabuti sa mga panahon ngayon ang samantalahin ang sandali na ng makuha ang simpatya nito."Ang sakit..sobrang sakit" sabi ni Anika.Naalala bigla ng dalaga na meron silang Betadine sa silod nila.Kaya pa ika ikang nagpunta si Anika sa drawer sa gilid ng kama at hinanap ang gamot na iyon.Kinakailangan si Anika na yumuko para hanapin sa ilalim na drawer ang gamot at sa kanyang pagyuko, ang bukod sa umahat ang suot niyang blouse, Ng buhok di ni Anika ay nalaglag at naexpose ang maputing batok ng dalaga.Ang posisyun niyang nakatuwad at kita ang hubog ng maganda niyang balakang na bakat sa manipis niyang kasuotan ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam kay Lyndon.Sa liwanag ng ilaw ay naging mapanglaw katulad nng mga mata ni Lyndon. Ang kurba ng katawan ni Anika ay maganda at sa posisyun nito ay medyo hindi mapakali ang binata at medyo nan
"Mister Lyndon isa kang mabuting tao, Kaya sana tanggapin mo ito" sabi ng kanyang ina.Sumulyap si Lyndon sa plastic bag na inaabot ng ina ni Anika. Pagkatapos ay napatingin sa kapatid ni Anika na si Angela na nakatayo hindi sa di kalayuan. Payat ito dahil sa mahabang pagkakasakit at pagkakaratay sa kama.Para itong isang batang hindi na develop ang katawan. Mahiyain ito at napakapula. Pero ngayon, magalak itong nakangiti at binati pa siya.Maayos na nga ang hitsura nito ngunit ang kanyang mga ngiti ay inosente At walang kalaban laban."Sige salamat po" Nagulat man si Lyndon sa sarili dahil sa unang pagkakataon ay, tinanggap niya ang regalong iyon.Matapos makitang tinanggap ni Lyndon ang bigay ng kanyang ina, mabilis na naglakad si Anika sa pinto at pinagbuksan ang bisita.Alam ni Anika na nananatiling naghihintay kay Lyndon si Gwen sa ibaba, kaya para kay Anika ay hindi na dapat niya pang ihatid si Lyndon pababa.Nang pababa na ng hagdan si Lyndon ay humabol pa ang ina ni Anika at na
Pagkatapos ng kanyang trabaho ng araw na iyon ay hindi agad umuwi si Anika. Nag overtime sa sa trabaho para sana sa follow up issue na nakuha niya sa trabaho.Nang makita niya ang orasan ay hindi niya inaasahan na halos alas onse na pala ng gabi kaya naman nagmamadali siyang lumabas ng building ng kumpanya.Natatakot ka siya kasi baka mapag iwanan siya ng huling biyahe ng mga bus o di naman kaya ng mga tren.Kung saka sakali at nangyari iyon ay kinakailangan na naman ni annika ang magtaxi at gastos na naman iyon.Sa kamalasan, huli na nga si Anika kaya habang naghihintay ng Taxi ay doon na naramdaman ni Anika ang pagbigat ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay inaantok na siya pero pinupwersa niya pa ring ibukas ang kanyang mga mata.Nitong mga nakaraang araw at gabi kasi ay hindi mapayapa ang kanyang isipan kung kayat hindi rin siya nakakatulong.Pero alam niyang kailangan niyang maging alerto.Mas maigi na ang maging maingat.Napansin ni Anika na masyadong mabilis magmaneho ng driver
"Anong ibig mong sabihin?Nanginginig na tanong ni Anika."Aba, siguro naman panahon na para matikman kita makabawo man lang sa ilang araw kong lugi" Nakangising sabi ng lalaki.Hinablot nito si Anika sa collar ng suot nito at pakaladkad na hinatak papasok sa sasakyan pero nanlaban si Anika, kahit sugatan at bugbog na ay buong tapang na lumaban si Anika. Lahat ng lakas ay tila ibinigay at ibinuhos na ni Anika ng sandaling iyon.Isang malakas na tadyak ang ibinigay ni Anika sa lalaki at tinamaan ang lalaki sa maselang bahagi nito kaya't napaigtad ito at napa aringkingking at nabitawan si Anika.Sinamantala naman iyon ng dalaga at walang lingon lingong kumaripas ng takbo palayo. Tumakbo si Anika na parang wala ng bukas, na parang may isang halimaw na humahabol sa kanya.Alam niyang isang mabangis na hayop ang nasa likuran niya.Ngunit sa kasamaang palad. dahil sa madalas balisa at hilam ng luha ang mga mata ni Anika hindi nakita ng dalaga ang isang sasakyang na paparating At kitang kita
"Hindi ko nga rin alam basta pinamimigay niya ang pera. Ultimo mo nga si Madam Wendy sapilitang binibigyan niya eh" kuwento nito."Ang lahat ng tao rito sa club ay ay sinasamba ang pera pero si Anika, pinamimigay niya ang pera at nakakapagtaka diba? Bakit pa siya nangtatrabaho sa maruming lugar na ito kung ayaw pala niya ng malaking kita?" Sabi pa ni Sonia na medyo pabulong.Nakuyom ni Lyndon ang mga kamao at nanigas ang panga."May itatanong ako.Kapag hindi ako nagpupunta.Nagte table ba siya?" Tanong ng binata.Marami ng mga eksenang pumapasok sa isipan ni Lyndon at hindi na niya gusto ang nararamdaman."Naku Hindi, naroon lang siya sa waiting area.Noong isang beses kaya siya lumabas ay para daw kumuha ng heatpack dahil para siyang sinisikmura namimilipit siya noon kaso sakto kase natiyempuhan siya ni Mr.Cheng ayon diba naroon ka nun.Nilabas mo siya diba" daldal ni Sonia."Alam mo bang kinabukasan noon hanggang kahapon ay nasa waiting area lang siya. Bukod pa sa mula noon ay palagi
"Domestic violence, iyan ang sinabi ni Sonia noong kinausap niya ako.Siya ba ang sinasabing iyon ni Sonia.Ang lalaking iyon ba ang may kagagawan ng mga pasa yan sa iyong tagiliran?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Lyndon.Hindi nagawang magsalita ni Anika, hindi niya malaman kung bakit ganoon ang tanong ni Lyndol.Noong gabing hinahatak siya ng matandang lalaki papasok sa club ay ito ang pumagitna sa sitwasyon at alam nito ang sitwasyon niya.Dapat alam din ni Lyndon kung ano ang nararanasan niya at nararamdaman niya ng sandaling yun. Kaya't hindi niya maintindihan kung bakit ganin ang tanong nito.Posible bang walang idea si Lyndon sa nangyari o wala lang talaga itong pakialam."Mister Lyndon wala kang pakialam sa akin.Tama ba?At hindi ka man lang nakakaramdam ng awa tama rin ba?" Makahulugang tanong ni Anika.Pakiramdam kase ni Anika, parang ang pag asang nasilayan niya kanina ay biglang naglaho. Kung minsan ay gusto niyang tumakas o di naman kaya ay makawala sa hindi niya gusto
Napansin ni Anika ang tention sa mukha ni Lyndon kaya nagpilit na ngumiti si Anika.At pinilit i relax ang katawan."Teka lang bat para mo namang ini interrogate ang lalaki na para siyang isang kriminal?" Tanong ni Anika."Huwag mo akong ngitian dahil hindi ako nakangiti sayo" seryosong sabi nito."Ayaw mo kuwestiyonin ko siya.Mas gusto mo bang magpadala pa ako ng ibang tauha para kaladkarin siya rito palayo at doon ko tanungin?" banta nito.Nang marinig iyon ay hindi na nakuha pa ni Anika ang magkunwaring nakangiti. Sa huli si Rigor na nakatayo sa harapan ni Julian ay hindi na mapakali. Natatakot ito na maaaring ma expose niya ang totoo at kapag nangyari iyon ay tiyak na babalatan siya ng buhay hindi Gwen."Isa...".Nagsimula ng magbilang si Lyndon.At sinulyapan naman ni Anika si Rigor na namumutla ng sandaling iyon."Dalawa....Muling bilang ng binata. Pagkatapos ay sinulyapan ni Anika ang sasakyan na malapit sa kanila At umaasang maintindihan sana ni Rigor ang sinesenyas niya."Tatlo..
Nagtataka siya dahil pwede namang ipahiram na lang nito ang damit sa kanya at hindi na ako kailangan pang yakapin siya. Nahiya si Anika kaya bumulong sa binata."Mister Lyndon baka marumihan kita at ang damit mo. Hindi ko kayang bayaran ang coat na ito" sabi niya."Hindi mo naman kailangang bayaran yan. Suotin mo lang" deretsong sabi ni Lyndon. Bagamat namangha ay nanahimik si Anika at sinamantala na lang ang masarap at maligamgam na pakiramdam habang suot ang mamahaling thrench coat ng binata.Pero hindi na uminom pa ang binata.Tumayo ito myla sa sofa.Matapos umupo lamang ng ilang minuto ay tayo na ito."Lumabas ka na at magpalit ka ng damit""May pupuntahan ba tayo?Saan tayo pupunta?" Tanong ni Anika."Hindi ba't masama ang pakiramdam mo? Iuuwi na kita""Pero hindi pa tapos ang serbisyo ko sa club.Kailangan kong manatili pa dito" Sabi ni Anika.Hindi niya masabi kay Lyndon na hindi pa siya maaaring umalis."Hindi ko ugali ang maghintay sa kahit na sino bilisan mo na at magpalit ka n
Pero muling nagsinungaling si Anika sa harapan ni Lyndon na lalong ikinasingkit ng mga mata ng binata."Wala nga ito.Natumba lang ako.Kaya ako nagkaroon ng pasa""Fuck! Anika, hanggang ngayon ba naman pinoprotektahan mo siya.Wow!" galit ng sabi ni Lyndon.Tuluyan ng umalpas ang tinitimpi niyang galit.Hindi malaman ni Anika kung maiiyak ba siya o matatawa. Hindi niya maintindihan kung bakit ba siya inuusisa ni Lyndon?Kung ito ba ay para kaawaan siya o kung ito ba ay para pagtawanan siya at tawagin siyang ba tanga."Oo nga,Tingnan mo nga naman di ba? Sobra na akong pathetic. Sobra na kong nakakaawa at miserable.Sa tuwing nagsasabi ako ng totoo walang naniniwala sa akin" sabi na lamang ni Anika para ilayo na sana ang topic."Dahil sa mukha kang peke. Dahil halatang halata ka kapag nagsisinungaling" Sabi ni Lyndon."Talaga...!?""Oo, hanggang ngayon hindi mo pa rin maperpekto ang pagsisinungaling Anika.Hindi ka magaling dyan kaya itigil mo na" pambubuking sa kanya ni Lyndon."Masakit ba?
"Ang alin ang pananakit sa babae.Hindi dapat kinukonsinti yun Aika....At nainis sa lalaki yun. Ang kapal ng mukhang manakit at mang abuso.saksakan naman ng pangit"inis na sabi ni Sonia."Ang lalaking iyon ay walang puso, walang kaluluwa.Hindi normal na sinasaktan niya ang girlfriend niya.Domestic violence ang tawag dun Aika" nanlalaki ang mga matang sabi ni Sonia."Tingnan mo nga kung anong nangyari sayo?" naaawa talaga si Sonia sa kasama.Nakuyom naman ni Lyndon ang kanyang kamao at humigpit ang isang kamay na nakahawak sa braso ni Anika."Boyfriend..!?" tanong nito kay Anika na may matatalas na titig at madilim na mukha.Naisip ni Sonia na kung saka sakali ay makapag babati si Aika at ang kanilang VIP guest ay mas makabubuti iyon para lay Aika.Hindi lamang makakaalis si Aika sa kahirapan at sa pagdurusa dahil sa sira ulo niyang boyfriend.Kahit papano natitiyak ni Sonia na magiging maayos ang dalawa dahil bagay sila.Si Aika ay maganda at ang kanilang VIP guest ay parang diyos sa kag
Dahan dahan pa rin pinilit ng dalaga makabalik sa kanilang waiting room. Halos nakahawak na siya sa dingding para lamang makakuha ng suporta.Habang papunta pabalik sa waiting area ay napadaan si Anika sa isang private room at dahil nga namimilipit na sa sakit ng kanyang tiyan at halos pinanlalamigan na ng buong katawan ay hindi sinasadya ni Anika na mabunggo ang isang tao napalabas ng oras na yan.Nagulat si Sonia nang makita si Anika ng malapitan.Si Sonia ang nabunggo ni Anika na papalabas naman noon sa isang private room."Aika okay ka lang ba?Anong nangyari sayo? Bakit namumutla ka?Bakit ganyan ang itsura mo? Tanong sa kanya ni Sonia.Pagtingala ni Anika ay hindi sinasadya na napahawi ang kanyang buhok na sinikap niyang itabing sa kanyang mukha.Para matakpan ang mga pasa sa kanyang mukha ganun din ang putok sa sulok ng kanyang mga labi.Dahil sa hiindi niya pagkakaroon ng tip ng mga sumunod na gabi ulitcay nakatikim na naman siya ng kalupitan kay Rigor kayat ang dating pinagpasaa
Kaya bilang pasasalamat ay nagdesisyon si Anika na kumuha ng taxi at isinabay na niya si Sonia paguwi. Habang nasa biyahe ay ang babae naman ang nagkuwento ng tungkol sa buhay nito at ilang problema.Sa pag uwing iyon ni Anika bagamat masakit ang lahat ng katawan at wala siyang mapagsabihan dahil wala dapat makaalam.Tulad ng nakagawian ay palihim na pumasok si Anika sa kanilang bahay at dahan dahang naligo saka dahan dahang tumabi sa mahimbing ng kapatid at ipinahinga ang pagod na katawan peor nagongahirpa kay Anika ang makatulog agad.Kinabukasan ng gabi ay muling pumasok sa club si Anika pero hindi siya nagreport sa kanilang opisina dahil hkdi niya kayang tumayo kaninang umaga.Kahit halos maluha pa sa sakit ang kanyang katawan at may mga ilang galos pa ay kinakailangan niyang pumasok.Hindi siya maaring pumalya kahit isang gabi lang.Nang mga sandaling iyon ay hinila siya ni Madam Wendy sa isang sulok at kinausap. Matagal siyang tinitigan ng babae habang humihitit buga ito ng kanya