CureAng tunay na pag-ibig ay hindi lamang nagmamahal—naghihilom din. Sapagkat sa yakap ng minamahal, natutunaw ang sakit, at sa kanyang pagmamahal, gumagaling ang sugatang puso.📿 MARIKAH SYCHELLE Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang lalim ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Dok Hideo noon. Mawala ang kanyang mapapangasawa, sumunod ay ang Ama ni Arkey, at ang panghuli ay mga magulang niya kung saan nadamay ang mga magulang ko kaya sila nasawa apat na taon na ang nakararaan.At ang lahat ng ito. Nasisiguro niya na kagagawan lamang ng kanilang hinahanap na Mastermind. Sa loob ng walong taon ay hindi siya sumusuko upang makamit ang hustisya na hindi lamang para sa kanya, kundi para na rin sa akin, kasama na si Arkey para sa kanyang Ama, at para sa mga magulang ng namayapang fiancè ni Dok Hideo. Nakakahabag mang isipin sa napaka lalim na paraan. Sinasalo niya ang lahat ng pasakit. Kahit pa na nasasadlak siya sa walang katapusang siklo ng pagdurusa ay hindi nawawala ang busilak niyang k
MeantAng pag-ibig na itinadhana ay tulad ng dalawang alon sa malawak na dagat—maaring maglayo ng hangin at panahon, ngunit sa huli, sa utos ng tadhana, muling magtatagpo sa dalampasigan ng walang hanggang kapalaran📿 MARIKAH SYCHELLE Hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi mula nang ako'y magising hanggang sa matapos akong magdasal sa umagang ito. Napakasarap ng aking naging tulog dala na rin siguro ng aming mahabang biyahe kahapon papunta rito sa Baguio. Mabuti at may naka-heater ang silid na ito kaya hindi ko gaanong dama ang napakalamig na klima. Nagtungo na ako sa restroom ng silid na ito upang maghanda sapagkat kami'y magmimisa sa Baguio Cathedral. Isa rin sa rason kaya ako nasasabik sapagkat muli ko na naman akong magtutungo sa tahanan ng Panginoon. Marami akong gustong ipagpasalamat sa kanya lalo na at unang misa sa para sa taon na ito ng 2019. Marami rin akong gustong ipagpanalangin, lalo na sa kaligtasan ng aking mga minamahal. Lalo na ng aking Iniirog...Kaya nang m
WorthHuwag mong sukatin ang halaga mo batay sa opinyon ng iba. Ang tunay mong halaga ay hindi nakasalalay sa paningin nila, kundi sa kung paano mo ipinapakita ang pagmamahal at respeto sa iyong sarili.👨⚕️HIDEO ADONIS Hindi ko naman akalain na sobrang saya ko ay ito ang magiging dahilan ng pagkakahulog namin sa bangka. Mabuti at mabilis kaming nasagip ng mga nandoon at nakiusap ako sa mga tao doon huwag kaming kuhanan o ano pa man. Kahit na nangayari ang hindi inaasahan ay labis pa rin ang saya na aking nadarama. Kaya pag-upo ko sa kanya sa isang bench ay kaagad akong nagtungo sa sasakyan dahil naalala ko na may mga paper bags doon na naglalaman ng mga damit na pinamili ko sa Paris. Bago ako magtungo sa airport pauwi ay dumaan muna ako sa mga Boutique doon upang bilhan siya maging si Athena ng mga designer clothes na alam kong babagay sa kanila. Balak ko sanang ibigay ang para kay Marikah pag-uwi namin sa Maynila. Pero mukhang nakalaan na gamitin namin niya ito ngayon. Kinuha k
RepentAng pagsisisi ay hindi lamang nasa salita, kundi nasa gawa. Ang puso na nagsisisi ay handang magbago at ituwid ang pagkakamali📿 MARIKAH SYCHELLE Walang kahit na anomang pagsisisi akong nadarama matapos niya akong gawaran ng halik sa aking labi. Nananatili na magkadikit ang aming mga noo habang nakatitig sa isa't-isa. Kay sarap nga naman na magmahal, lalo na kung isang Hideo Canliagn ang magmamahal sa'yo. Ang pagmamahal na ipinadarama niya sa akin ay pawang kapayapaan ng aking puso at kaisipan kahit na hindi alintana sa akin na siya ang aking pinipili. Hindi ako nakalaan sa Panginoon, bagkus ay inilaan siya sa akin. Pinili ko siya ng walang pag-aalinlangan. Ang tanging gagawin ko na lamang ngayon ay magkaroon ng lakas ng loob upang masabi ito kay Lola Perla...Alam ko na labis ko siyang masasaktan sa desisyon ko na ito. Iyon ang kinatatakot ko ngayon. Lalo na at alam ko na may sama pa rin siya ng loob dahil tandang-tanda kung paano niya pinagtabuyan noon si Dok Hideo sa la
AgonyHindi lahat ng sakit ay sigaw; minsan, ito ay tahimik na pagluha sa gabi, isang bigat sa dibdib na hindi maipaliwanag, at isang ngiting pilit upang itago ang matinding dalamhati.👨⚕️HIDEO ADONISNapatitig ako sa papel, habang mahigpit pa ring nakahawak sa mga kamay ni Marikah. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng aking mga daliri, pero mas matindi ang bagyong bumabangon sa loob ko.Muli akong tumingin kay Athena, humugot ng malalim na hininga, pilit na pinapakita ang damdaming unti-unting nagbabadyang sumabog. Kailangan kong magpigil."Saan mo ito nakita, Athena?" Tanong ko, mahinahon ngunit may bigat sa bawat salita.Napahigpit din siya ng hawak sa rehas ng hagdanan, waring kinakalma ang sariling galit bago sumagot."Sa dati mong silid." Malamig ang kanyang tinig. "Pinagpaalam ko na kay Kuya Ivo na gamitin iyon pansamantala, mas maluwag kasi para sa mga gamit namin. Natagpuan ko 'yan habang nililinis ang kwarto."Tahimik akong napasinghap."Pwes, magpapaliwanag ako, Athena.
ValorAng tunay na tapang ng pag-ibig ay hindi nasusukat sa tamis ng matatamis na salita, kundi sa kakayahang manatili at ipaglaban kahit sa gitna ng sakit at pagsubok.📿MARIKAH SYCHELLE Tinapos ko ang pag-ikot ng rosaryo sa aking mga daliri habang tahimik na inuusal ang panghuling dasal sa aking isipan. Nasa loob pa rin ako ng sasakyan ni Dok Ivo, pahatid patungong Marikavan.Dumaan siya sa isang sikretong shortcut, kaya hindi na namin kinailangang makipagsapalaran sa trapiko ng Lipa City. Ngayon, binabagtas na namin ang mahabang daan patungo sa aming bayan.Siya ang unang bumasag ng katahimikan. "Kung hindi ako nagkakamali, isa ka sa mga madre sa Cathedral sa Lipa?""San Sebastian?""Oo.""Tama ka. Doon ako nag-temporary vows."Lumiko siya, papasok na sa aming bayan."Nakikita rin kita sa San Sebastian. Isa ka rin bang sakristan doon?"Namukhaan ko siya. Noong nagkumpil ako, isa siya sa mga sakristan na natatandaan ko."Oo... Pero hindi rin ako nagpatuloy sa seminaryo."Nag-atubil
Affirmation Ang tunay na pag-ibig ay hindi lang sinasabi, kundi ipinapakita sa bawat araw. Sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin ko nang walang pag-aalinlangan.👨⚕️ HIDEO ADONISHawak ko ang papel na matagal nang nakatago sa pahina ng aking lumang Pharmacology book—isang lihim na pilit kong ibinaon sa limot. Habang papalapit ako kay Athena, naramdaman kong muli ang bigat ng mga alaalang bumalot sa akin noon.Itinago ko ito, hindi upang makalimutan, kundi upang hindi matuklasan nina Mom at Dad ang madilim na balak na bumalot sa isip ko noon. Akala ko, iyon lamang ang paraan para matapos ang sakit para tuluyan nang mapawi ang hinagpis na iniwan ni Sychelle. Pinaniwala ko ang sarili kong natanggap ko na ang kanyang pagkawala, ngunit nang bawian ng buhay si Ponce sa selda, parang binuksan muli ang sugat na akala ko’y matagal nang naghilom.Muli, huminto ang mundo ko. Mas lalo akong binalot ng matinding paninisi dahil sa akin, nawala sila. Ako ang dahilan. At sa ba
Permission Ang paghingi ng permiso upang pakasalan ang babaeng mahal mo ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang tanda ng respeto—sa kanya, sa kanyang pamilya, at sa pagmamahal na nais mong ipaglaban habang buhay.👨⚕️ HIDEO CANLIAGN Napatingin ako sa ibaba habang patuloy na lumulutang ang helicopter sa himpapawid. Sa kabila ng kadiliman ng gabi, kumikislap ang napakaraming bituin sa kalangitan, at ang bilog at maliwanag na buwan ay tila ilaw na gumagabay sa mapayapang dagat ng Isla Marikavan.Muling sumagi sa isip ko ang mga kwento ni Marikah at kung paano niya inilarawan ang kagandahan ng kanilang isla. Tunay ngang payapa itong pagmasdan, kahit kakaunti lamang ang mga tahanang nakatayo rito, kabilang ang sa kanila.Napabuntong-hininga ako bago ibinaba ang tingin sa natatanaw kong dalampasigan. Doon ko naisip ipalapag ang helicopter sa hindi kalayuan mula sa isang two-story house na eksaktong tumutugma sa paglalarawan ni Marikah. Kung tama ang aking alaala, iyon ang tahanan ni
BeaconIn the middle of all my wandering, you became my beacon — a light I never asked for, but you turned out to be the home I'd been searching for all along.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Ito pala ang kasagutan sa mga hindi ko maipaliwanag na nararamdaman nitong mga nagdaang araw. Buong akala ko, pagod lamang ang sanhi at normal na kapag sunod-sunod ang shift hours ko. Pero ang pagseselan ko sa matatapang na amoy, na noon ay wala lang sa akin, naging hudyat pala ng isang bagong yugto sa aming buhay.Nakangiti akong napapikit. Napakabuti talaga ng Panginoon. Sa mismong araw ng kaarawan ng aking asawa, ibinigay Niya ang isang napakagandang balita — isang regalo na hindi kayang tapatan ng kahit anong bagay sa mundo.Napatingala ako sa kaharap naming altar, habang pareho kaming nakaluhod ng aking asawa sa loob ng maliit na prayer room. Tahimik naming ipinagpasalamat ang lahat—ang kanyang kaarawan, ang aming pagsasama, at higit sa lahat, ang bagong buhay na ibinigay sa amin.Marahan kong idina
GraceThe arrival of a child is a blessing from God—a reminder that with every new life, He pours out His endless love and grace.👨⚕️ HIDEO ADONISA few days later...Simula nang mawala siya, ang mga sumunod na taon ay naging mapurol. Bawat kaarawan ko, hindi ko na naramdaman ang kasabikan o kaligayahan. Sa labis na lungkot na bumalot sa akin, ang tanging hangarin ko tuwing sasapit ang aking kaarawan ay makita siyang muli. Isang simpleng hiling—ang mawala na sa mundo ito.Ngunit sa taon na ito, tila may bagong simula. May mga pagdapo ng kasabikan at kaligayahan na matagal kong nawalang dama. Isang bagay na hindi ko inasahan, pero dumating—siya. Ang babaeng nagbigay liwanag sa madilim kong mundo, ang nagbigay ng pag-asa upang makabangon muli.Siya ang bagong buhay ko.Ang aking asawa—si Marikah.At siya’y tulog pa rin, ang mga labi ay nakangiti habang pinagmamasdan ko siya. Inaasahan ko na mauuna siyang magising, sapagkat sabik na sabik siya para sa aking kaarawan. Nabanggit ko pa ng
TetheredKahit gaano kalayo ang marating natin, mananatili tayong nakatali sa isa't isa ng mga alaala, pangarap, at pagmamahal.👨⚕️HIDEO ADONISSinabi ko na nga ba ay maaabutan ko ang traffic. Umalis ako kanina nang dumating na sila Lola, Lolo, at Manang Dona. Ang aking asawa ang siyang mag-aalaga ngayon kay Lolo sapagkat mag-luluto sila Manang pati si Lola, at tutulong si Athena sa mga ito. Kaysa mainis sa traffic ay nilakasan ko ang aircon ng sasakyan dahil mukhang mahaba-habang hintayan ito. Naka-attached ang cellphone ko sa isang holder, nakita ko ang sunod-sunod na notification ni Les. Nakabukas pala ang data ko at nalimutan ko na isara kaninang kinuha ko ang pina-reserve kong lansones at rambutan, naubusan ako ng dalandan kaya maghahanap na lang akk mamaya dito sa Lipa. Ang traffic talaga rito ay hindi na nagbago. Pinindot ko ang video call, kaagad naman niya ito sinagot. “Magpaliwanag ka, bakit ngayon mo lang sinabi na ikinasal ka na? Ni hindi ko nga alam na nagka-girl fri
AwakenLubos na nagising ang mga puso para sa bagong pag-asa at pakikibaka dahil sa mga pagsubok na siyang paparating. Mas magiging matatag na haharapin ito. 👰♀️ MARIKAH SYCHELLE “Aba, Ginoong Maria,Napupuno ka ng grasya,Ang Panginoon ay sumasaiyo.Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,At pinagpala namanAng 'yong anak na si Hesus.” Taimtim kong pag-usal, habang patuloy kong iniikot ang hawak kong rosaryo.“Santa Maria, Ina ng Diyos,Ipanalangin mo kaming makasalanan,Ngayon at kung kami'y mamamatay.” Pagpapatuloy ni Nurse Chrystallene.Nagtinginan kami at sabay na sinambit ang salitang 'Amen'.Kasalukuyan kaming nandito sa chapel ng hospital at sabay na nagdasal ng alas tres ng hapon. Nag-sign of the cross kami. “Maayos na pakiramdam mo?” tanong niya habang sabay kaming tumayo at naglakad palabas.“Oo, hindi naman na ako binabagabag,” sagot ko, na ramdam ang kaunting ginhawa mula sa aming pagdarasal.“Kasalanan ito ni Dok Hera, kakairita talaga 'yon,” napairap siya, na tila n
StandSa gitna ng unos at panghuhusga, ang mahalaga ay kung paano ka nanindigan—hindi para sa gusto ng iba, kundi para sa totoo mong paniniwala at pangarap sa buhay.👨⚕️HIDEO ADONIS Pagpasok ko pa lang sa private plane, agad na tumama sa paningin ko ang isa sa mga iginagalang kong doktor — si Dr. Mouse Rosswell Velaroza, ama ni Dr. Rat Velaroza.Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit. Nang magtama ang aming mga mata, agad din siyang tumayo para salubungin ako, sabay kamayan."It's nice to see you, Dok Canliagn," bungad niya, may pamilyar na ngiti sa kanyang mukha."So glad na sabay tayong pupunta roon," tugon ko, magaan ang loob habang tinatanggap ang mainit niyang pagbati.Habang nagsisimula na kaming mag-ayos ng aming mga gamit, pasimpleng tumingin ako sa paligid. Hinahanap ko si Dok Rat dahil nabanggit niya noon na sasama siya sa medical conference na ito.“Where’s your son po?” tanong ko, medyo nagtatakang wala siya roon.Napangiti si Dok Mouse, sabay iling.“That big ra
DedicationAng tunay na dedikasyon ay hindi nasusukat sa oras o pagod, kundi sa puso mong handang magsakripisyo para sa layuning pinaniniwalaan mo👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Kaagad akong mapangiti nang makita si Nurse Chrystallene na abala sa pagsasaayos ng mga supply sa Nurse station. Buong akala ko ay mauuna ako sa kanya, pero mukhang mas maaga pa rin siyang nag-time in. Kahit taga Laguna siya, never siyang nale-late. Kaagad siyang bumaling sa gawi ko at napangiti.“Good morning, Nurse Marikah! Blooming na naman tayo ah!”Ngumiti ako ng bahagya habang nilalagay ang bag ko sa locker.“Ay, alam ko na! Malungkot ka kasi walang bubuklat sa’yo ng three days.” May halong pang-aasar na sambit niya.“Kahit taga Laguna ka, nauuna ka pa rin mag-time in. Maaga ka bang bumibyahe?” tanong ko sa kanya habang naglalakad patungo sa PC at binubuksan ito.“Mga ala una ng madaling araw ay gising na ako, tapos mga alas tres ay bibyahe na. Mga four yata ay nandito na ako tapos matutulog muna ako saglit sa
Intertwined Tila ba ang ating mga tadhana’y magkalapat na sinulid na magkaiba sa simula, ngunit sa bawat hibla ay unti-unting nagtagpo, nag-ugat, at naging iisa.👨⚕️HIDEO ADONIS Saktong isinara ko ang maleta nang maramdaman ko ang mga bisig ni Marikah na yumakap mula sa aking likuran. Napangiti ako’t marahang hinaplos ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin. Lumulukso ang puso ko sa tuwing ganito siya ka-clingy sa akin. Ngayong araw ang flight ko papunta sa International Doctor's Conference. Tatlong araw rin akong mawawala. May mahalagang diskusyon tungkol sa bagong banta ng isang posibleng pandemya, at kailangan ng matinding paghahanda ng mga medical experts sa buong mundo.“Baka hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko sa loob ng tatlong araw,” mahina niyang sabi, ramdam ko ang kaunting pangungulila sa tinig niya. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha, pinagmamasdan ang bawat detalye ng babaeng mahal ko. Basa pa ang kanyang buhok habang nakasuot na siya ng puting
LurkingSa likod ng katahimikan, may matang laging nagbabantay, pusong laging nagmamasid, at damdaming matagal nang kinikimkim.👨⚕️ HIDEO ADONISKahit araw ng mga puso ay hindi nagpapahuli ang bawat departamento aa mga dekorasyon nila upang ipadama ang diwa ng araw na ito. Pero mas bida ang Cardiology Department sa mga sandaling ito. My programa sila sa araw na ito na libreng konsulta, at mababang presyo ng ECG at ibang procedure para sa mga may karamdaman sa kanilang puso. Kaninang pagpasok ko dito sa opisina ko ay bumungad sa akin ang mga roses, cards, at chocolates na siyang nasa table ko. Nasanay na lamang ako sapagkat taon-taon naman akong binibigyan ng mga staff at Nurses maging ng ibang mga Doctors ng mga Valentine gifts. Mamaya rin ay ako ang magbibigay sa kanila ng greeting cards kapag bumisita ako sa bawat departments. Pero sa taong ito, walang makakapantay sa iniregalo sa akin ng Diyos, ito ay ang aking asawang si Marikah. Habang umuupo sa swivel chair ko
MarkedMay mga bakas na hindi nakikita ng mata na mga tanda ng sakit, saya, at pagmamahal na iniwan sa puso ng panahon.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Pagmulat ng aking mga mata. Ang sinag ng araw ay banayad na sumisilip mula sa mga kurtina, nagbibigay ng gintong liwanag sa paligid ng kwarto. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa tabi ko. Nakayakap pa rin siya sa akin ng mahigpit na para bang kahit sa tulog ay ayaw niya akong pakawalan.Nakangiti akong napapikit muli.Ilang sandali akong nanatili lang sa ganoong posisyon, nakikinig sa mahinang tibok ng puso niya.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya. Napakagwapo niya kahit tulog. Ang asawa kong minsan ay nababalot ng lungkot at hinagpis, ngayon ay may kapayapaan na sa kanyang mukha.Nagmulat siya ng mata, bahagyang namungay pa, pero agad akong nginitian."Good morning, mahal..." bulong niya, paos pa ang boses mula sa pagkakatulog. Mas malalim ito kaya tila nagwawala na naman ang sistema kom "Good morning din sa'yo, mahal ko..." sagot ko