"Agnes!" Agad lumapit si Diane at agad din'g itinulak nang malakas ang lalaking nakakubabaw sa babae sa ilalim nito na alam niyang si Agnes. Tinulungan ni Diane si Agnes na ayusin ang sarili. Sa mga oras na iyon ay halos matanggal na ang b*a ng dalaga, ngunit dahil sa panlalaban nito ay hindi iyon tuluyang natanggal ni aeros. Habang si Diane ay aligaga sa pagtulong sa kaibigan, sa gilid naman ng kama ay naroong nakatunganga ang natulalang si Juvy. Nag-ngi-ngitngit ang mga ngipin nito na'ng maisip kung ano ang dinatnan nilang nagaganap sa dalawa pag pasok nila. Naisip niya kung hindi siguro sila dumating siguro ay nagpapakasaya na at nasa alapaap na ng kaligayahan ang mga ito. Hindi iniisip ni Juvy na dehado at inagrabyado si Agnes sa nangyari, hindi rin niya naisip na hindi talaga ginusto ng kaibigan ang pamimilit ni Aeros, dahil para kay Juvy; magandang pagkakataon at oportunidad na ito sa mga babaeng makakaniigan ang isang aeros Villacorte. "Juvy, ano bang itinatayo-tayo mo
Matapos mangyari ang insidente sa club ay kaagad umuwi si Agnes. Hindi na rin nila napag-usapan nila Juvy at Diane ang tungkol sa lalaking humila sa kanya, at hindi na rin nagawa pang banggitin ni diane na ang lalaki ay si aeros Villacorte. Sa isang araw pa dapat ang balik ng mga katulong sa mansyon ng mga Villacorte, ngunit kinagabihan, nu'ng araw ring iyon mismo ay tinawagan ni Ms. Mildred si Agnes para pabalikin na ito sa mansiyon, maging ang iba rin'g mga katulong. Dahil sa nangyari at sa kanyang naranasan sa club ay hindi nakatulog si Agnes nu'ng gabing iyon, kaya mag-u-umaga na ito nakatulog at late nang nagising. Pupungas-pungas pa ito habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. Pagbalik ng Mansion ay nagtaka si Agnes nang walang makitang katulong na nagta trabaho. "Ms. Mildred, nasaan na po ang iba pa? Ako lang po ba ang pinabalik n'yo?" Hindi sinagot ng matanda ang tanong ni Agnes, sa halip ay pinandilatan niya ito. "Bakit late ka? Alam mo naman kung anong oras ka dapat bu
"What the f**k?" Naibulalas na lang ni Aeros matapos makita ang mukha ni Agnes, pagkatapos ay tumalikod na ito at muling naupo.Samantala, natulala naman si Agnes nang makita si aeros. Biglang na-alala ng dalaga ang lalaking nang-haras sa kanya kagabi. "H-hindi..... siya yun!"Dahan-dahan lumapit si Agnes sa likuran ni Aeros. Gustong kumpirmahin ng dalaga na kung ito nga ang lalaking nang-haras at nagtangka sa kanya sa club kagabi.Ngunit bago pa makalapit ay biglang lumingon si aeros sa kanyang likuran. "Hoy panget, ilayo mo nga yang pagmumukha mo sa kin, huwag kang lalapit." Pagkatapos ay muli itong tumalikod.Natigilan at natulala na lang si Agnes. Maya-maya, na'ng maunawaan na rin sa wakas ang sinabi ng amo ay nagalit ito. "Ano'ng sabi-" ngunit natigilan ang dalaga at biglang napahawak sa kanyang mukha.Oo nga naman, nawala sa isip niyang naka-disguise siya gamit ang make-up. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga. 'Oo nga pala, ito nga pala ang resulta na gusto ko. Hindi b
"S-sir aeros h'wag po... A-ayoko pa pong mamatay!" Pagmamaka-awa ni Agnes. Na'ng mga oras na iyon ay lubos siya'ng natatakot para sa sariling buhay. 'Diyos ko, ano ba itong napasukan ko? Nagsisisi na ko't pumasok-pasok pa ko dito!' Hindi pinansin ni aeros ang pagmamaka-awa ni dalaga. Mainit ang ulo ng binata at kailangan niyang mailabas iyon, kaya nga lang si Agnes ang minalas na napagbuntunan nito. May ipinatong si aeros sa magkabilang balikat ni Agnes. "kapag nahulog yan, lagot ka sa kin." Pagkatapos ay lumayo na ang binata at umasinta. "Heto na, huwag kang malikot!" "S-sir aeros.... maawa po kay-" BANG!! kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagsigaw ni Agnes. Muli namang napalabas si Ms. Mildred at natigilan nang makita ang nakasandal na si Agnes sa poste ng gazebo. "Naku, Diyos ko! Sir Aeros.... Sir Aeros, ano pong ginagawa n'yo kay Agnes, señorito?!" "Huwag kayong makialam, may kasalanan to kaya ko siya pinarurusahan!" At muling naghanda ang binata at umasinta. "M-Ms.
Bumuntong-hininga si Ms. Mildred. "Sa loob lang ng isang taon, dalawang katulong agad ang nawala sa 'tin... Sige Agnes, ikaw ang bahala. Nakakapanghinayang lang." Tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto. Ngumisi si Lucy at lumapit kay Agnes. "Aalis ka na? Sayang naman, akala ko pa naman tatagal ka. Sige umalis ka na..... Sa totoo lang na-aalibabaran ako sa pagmumukha mo e. Para kang bangungot." At tumawa ito habang palabas ng maid's quarters. Masamang tiningnan ng apat na katulong ang direksyon ni Lucy. "Huwag mong intindihin ang babeng yun Agnes. Masama lang talaga ang ugali niyan." Ani Lilibeth. "Agnes, aalis ka na ba talaga? Baka puwede mong pag-isipan?" Ani dina. "Oo nga. May problema ba? Binu-bully ka ba ni Lucy? Isumbong mo lang kay Ms. Mildred ang babaeng yun kapag binu-bully ka." Umiling-iling si Agnes. "Hindi, hindi dahil doon. Pasensya na kayo. Alam kong ayaw n'yo kong umalis, pero desidido na talaga ako." Hindi na lang niya sinabi ang ginawa ni Aeros dahil baka m
"Sir, h-hindi naman po.... nakipag-usap po kasi ako kay Ms. Mildred sa loob kaya medyo natagalan ako–" "Nagawa mong makipag chismisan kahit alam mong may trabaho kang dapat gawin, parte ba ng trabaho mo ang makipag daldalan? At pinaghintay mo pa ako." Putol ni Aeros. "S-sir.... Hindi naman sa ganun–" Tumayo si aeros at bahagyang lumapit kay Agnes. "I don't wanna hear your lame excuses. Kung hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo, bakit nandito ka pa? Huwag mo nang isiksik ang sarili mo dito at umalis ka na lang." Huminga nang malalim si Agnes. Hindi niya mapigilang mainis sa huling sinabi ng guwapong amo. 'Ako, sinisiksik ang sarili ko dito? Puwede ba? Hoy walanghiya, kung alam mo lang kung gaano ko na ka-gustong umalis sa mansyon'g ito. Kung magagawa ko lang ang misyon ko nang mas maaga, aalis talaga ako dito!' Upang makaiwas at para hindi na niya marinig pa ang mga nakakairitang sasabihin ng amo ay sinabi ng dalaga na magta trabaho na siya, kaya tinalikuran na niya si Aeros
"Agnes." Natigilan si Agnes sa paglalampaso sa mahaba at mataas na hagdan at napatingin kay Lucy. "Ano yun?" Tanong niya habang patuloy sa ginagawa, tila ayaw niyang tapunan ng pansin ang babae. "Itigil mo muna yan at mag-usap tayo." Utos ni Lucy na parang amo. Tumaas ang kilay ni Agnes at tumingin sa babae. "Tatapusin ko muna itong ginagawa ko, umalis ka muna at na-aabala mo ko." Iwinasiwas n'ya ang kanyang kamay kay Lucy na parang nagtataboy lang siya ng langaw. "Hindi! Ngayon na tayo mag-usap!" At kinuha ni Lucy ang pang lampaso sa kamay ni agnes at inihagis sa isang tabi, saka hinila ang dalaga sa isang abandonadong silid. Maraming silid ang mansyon ng mga Villacorte, at dahil da-dalawa lang naman ang amo dito, maraming kuwarto ang bakante. "Ano ba kasi yun? Baka mahuli tayo ni Ms. Mildred niyan e." Ani agnes habang hinahaplos-haplos ang kanyang pala-pulsuhan dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Lucy. Tiningnan ni Lucy nang may pagdusta si Agnes, tila ninanamnam n'ya a
"Sir aeros? Sir aeros!" Tawag ni Agnes. 'Naku, hindi kaya, tumakas s'ya?' nakahanda na sana siyang umalis at iulat kay Ms. Mildred ang nangyari. Ibinilin kasi ni Frederick sa kanila ng mayordoma na bantayan ang binata. Ngunit nang paalis na ay bigla siyang nakarinig ng paglagaslas ng tubig. Inakala ni Agnes na baka nasa banyo lang ang amo nang maulinigan niya muli ang paglagaslas ng tubig. Doon natukoy ng dalaga na hindi iyon nanggagaling sa banyo. Nang pakinggan niyang mabuti ay naulinigan niya ito sa bintana. Nang sumilip si Agnes ay natanaw niya ang nagsi-swimming na si Aeros sa isang malaking pool. May madadaanan sa kuwarto ni Aeros mula sa veranda papunta ng pool, at hindi ito nakita ni Agnes nung huling pasok niya sa silid ng binata. Nang pagmasdan ng dalaga ang amo ay bigla itong namula dahil agad napukaw ang kanyang atensiyon ng bagay na nakaumbok sa boxer short nito. Umalis si Agnes sa bintana. Mahirap na, baka mahuli pa siya ng lalaki na naninilip sa kanya. Pagbaling
Dahil matagal nang kilala nila Agnes si Gerald kung kaya ay palagay na ang loob nila dito at ganun din naman ang huli. Nagpunta ito sa villa para maghatid ng ilang files kay Agnes dahil hindi na ito nakakapunta sa kumpanya gawa ng abala ito sa pag-aalaga sa kanyang anak.Pagdating ni Gerald ay pinagsilbihan ito ni marta at binigyan ng isang tasa ng kape. Ilang saglit lang ay may biglang nag-doorbell sa labas kaya kinailangang lumabas ni Marta. Pagbalik ay kasama na nito sila aeros at Fredericko. Nang makita si Aeros ay agad tumayo si Gerald para hinarangan ito. Sa kanyang senyas ay iniwanan sila ni Marta, pagbaling sa hindi inaaasahang bisita ay marahas n'ya itong tinanong: "Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" Matapos magpalitan ng ilang pangungusap ay ngumisi si gerald sa katanungan ni aeros: "Anong ibig kong sabihin? Hindi mo pa rin ba makuha? Ano ba ang pagkakaintindi mo?""Puwede ba, ayokong makipaglaro ng pala-isipan sa'yo, ano bang malay ko kung nag-aasume ka lang? D
Pag-alis ni Esmeralda ay hindi na mapakali si Aeros, paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang huling kataga ng kanyang lola na meron silang anak ni Agnes. Naupo s'ya sa gilid ng kama at nakagat ang kanyang hinlalaki, pagkatapos ay muli siyang tumayo at nagpalakad-lakad.Kung ibang tao ang nagsabi niyon sa kanya ay tiyak na magkakaroon siya ng malaking pagdududa, ngunit iba kung ang kanyang lola ang nagsabi. Ngunit naiisip din n'ya na maaaring nag-iilusyon lang ang matanda dahil sa kagustuhan nitong magkaroon na ng apo sa tuhod. Dahil nga dito kung kaya ay kamuntikan na itong mapaglalangan ni Cindy noon.Ganun pa man ay meron'g parte ng kanyang utak ang nagsasabi sa kanya na maaaring posible nga iyon. 'M-magiging ama na ko?' aniya sa kanyang loob, bigla niyang nadagukan ang sarili. 'Mali, hindi pala..... ama na pala ako pero ngayon ko lang nalaman.' Mababakas kay Aeros ang excitement at tila gusto nitong mag selebra. Nagbabadya din ang pag-ngiti ng kanyang labi ngunit pilit n'ya
Mabilis na nakahanap ng magaling na hacker ang assistant ni Esmeralda nang utusan niya itong alamin ang kinaroroonan ni Agnes dahil na rin sa kuneksyon ng pamilya Villacorte. Nang gabing iyon ay nabuksan ng inupahang hacker ang naka lock na F@cebook account ni Agnes at doon tumambad sa kanya ang malaking impormasyon na agad niyang ipinadala sa kanyang amo kasama ang impormasyon kung saan ito nakatira.Nagitla si Esmeralda sa nalaman lalo na nang ipadala sa kanya ng kanyang assistant ang larawan ng isang buwan'g gulang pa lang na si Aaron. Doon niya biglang naalala ang isang buwang gulang din na sanggol na kanilang nakita ng caregiver sa mall. Nang kanyang paghambingin ay nakumpirma niyang malaki ang pagkakatulad ng dalawa.Napahawak sa kanyang dibdib si Esmeralda, ngayon niya natiyak kung bakit ganu'n ang kanyang naramdaman nang makita ang bata, kung bakit siya nakakaramdam ng koneksyon para dito. Malakas ang kanyang kutob na ang sanggol na iyon at ang anak ni Agnes sa larawan na i
Gabi na nang umalis si easton dahil marami silang napag-usapan ng kaniyang lola. Pag-alis ni Easton ay naroon pa rin sa malaking sala si Esmeralda, tila malalim ang iniisip nito.Maya-maya ay lumapit si Ms. Mildred. "Donya Esmie, nakahanda na po ang hapunan. Nasaan na po si ser Easton, hindi po ba siya dito maghahapunan?""Umalis na, meron daw siyang kailangang imi-meet." Ani ng tulalang si Esmeralda."Donya esmie, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip n'yo a.""Naisip ko lang ang mga napag-usapan namin ni Easton. Alam mo, tama yung sinabi niya sa kin: kaming tatlo lang ang tunay na nagmamalasakit kay Aeros pero kaming dalawa lang ni Fredericko ang pinaka pinagkakatiwalaan n'ya, pero...... anong ginawa ko? Binigo ko siya. Ayun, umalis tuloy siya at nagpaka layo-layo."Nang maramdaman ng mayordoma na tila sinsisi na naman ng donya ang sarili ay inalo-alo n'ya ito. Hindi muna kumain ng hapunan si Esmeralda dahil wala pa itong gana. Nang maka-alis si Ms. Mildred ay kinuha ni Esm
"M-ma'am!.... K-kanina pa ba kayo nakabalik? Ba't ang aga n'yo naman ata'ang umuwi, diba dapat mamaya pang hapon ang uwi n'yo?" Tanong ng isang nagulat at kararating lang na yaya nang datnan ang kanyang among babae na nakaupo sa sala. "Analyn, mukhang nakakalimutan mo yata kung ano ang papel mo sa pamamahay na ito para tanungin ako nang ganyan." Sagot ng magandang babae na tinawag na "ma'am" ng kararating lang na yaya.Naging awkward ang kanilang pag-uusap, napayuko sa pagkapahiya ang nagngangalang Analyn at hindi nakasagot. Mabuti na lamang ay bigla niyang naalala ang kanyang alaga kaya nagkaroon ito ng excuse para hindi pansinin ang sinabi ng amo. Hinila niya ang dalang stroller papasok ng villa. "Ipinasyal ko po si Aaron, kasi nag-iiyak siya kanina e." Bahagyang umangat ang kilay ng magandang babae sa sofa nang marinig iyon. "Nag-iiyak? Paanong nag-iiyak, e hindi naman iyakin si Aaron?" Tumayo siya at nilapitan ang sanggol sa stroller na noo'y mahimbing na'ng natutulog. May pag
"Señora, mukhang bagay na bagay po ito sa inyo o. Ang elegante ng disenyo at ang ganda ng kulay, bakit hindi n'yo po ito subukan?" Wika ng isang caregiver sa kanyang amo habang itinuturo ang isang magandang blouse. Naroon sila sa isang mamahaling boutique ng isang mall. "Señora?" Tawag niya nang hindi siya pansinin nito. Nakatingin lang ito sa isang stroller na naroon sa isang tabi sa labas. Lumapit siya sa matanda. "Señora, may problema po ba?""Ludy, tingnan mo nga yun, yung stroller na yun....." Turo ng señora sa stroller. "Tingnan mo nga kung may bata doon, kanina ko pa kasi napapansin yun doon e."Nilapitan ng caregiver ang naturang stroller at agad bumalik sa kanyang amo. "Meron pong baby sa loob, at ang cute cute n'ya. Ngumiti agad siya sa kin nang makita ako." Aniya na tila nagigiliwan sa sanggol, ni hindi n'ya napansin ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang amo.Biglang lumabas ng boutique ang Señora at tinungo ang kinaroroonan ng sanggol kasunod ang kanyang caregiver. Nang
"Mukhang malalim ang iniisip mo dad a." Ani Agnes sa ama habang nakadungaw ito sa veranda. "May problema ba?"Nagpakawala ng buntong-hininga si Eduardo, pagkatapos ay inakbayan ang anak. "Wala naman. Ano ang tingin mo dito sa villa'ng nabili natin, mas malaki 'to kaysa sa dati.""Bakit nga pala mas malaki pa sa dati nating tinitirhan ang binili mo dad, e tatatlo lang naman tayo?""Ayos na rin ito para kung sakaling bumuo na ng pamilya si Alfie sa hinaharap, hindi siya mapapahiya kapag iniuwi na n'ya dito ang mapapangasawa niya."Napapalatak si Agnes. "Dad, ang layo at ang tagal pa nun a, ang bata-bata pa ng kapatid ko no.""Alam ko naman yun, pero ayos na rin siguro kung paghandaan natin yun nang maaga."Maya-maya lang ay biglang may sumingit sa gitna ng dalawa. Isiniksik nito ang sarili at yumakap sa magkabilang bewang nila."Bakit Alfie, may kailangan ka ba?" Tanong ni Eduardo sa kanyang bunso."Wala po, narinig ko kasi ang pangalan ko e, tinatawag n'yo po ako?" Sagot ng bata.Nagta
Mula sa condo ni Aeros ay nagtungo naman si Vance sa condo ni Cindy para kumpirmahin dito ang hinala ngunit nakakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas. Tinawagan n'ya ito ngunit hindi din nito sinasagot. Dumilim ang mukha ni Vance, tila pinagtataguan siya ng babae. Hindi siya tumigil sa pag-contact dito. Maya-maya lang ay may sumagot na sa kabilang linya: "O Vance, napatawag ka? Akala ko ba ay dapat magkanya kanya na–""Nasa labas ako ng Condo mo, buksan mo ang pinto." Putol ni Vance."At ano naman ang kailangan mo, wala ako diyan.""Nasaan ka?""Nandito ako kila Aeros..... Dito na kasi ako titira magmula ngayon hanggang sa maikasal kami...." May pagmamalaking sagot ni Cindy. "Huwag mong sabihing pupuntahan mo ko dito." Hindi siya sinagot ng lalaki dahil pinutol na nito ang linya. Ipinagkibit-balikat lang ni Cindy ang pagtawag ni Vance, subalit hindi nito akalaing pupuntahan nga siya nito sa mansyon."Ano, hinahanap ako ni Vance? Bakit daw?" Tanong ni Cindy kay Ms Mil
"My goodness dude, what a big scoop!..... No way! You and Cindy...... were having a baby?" Usisa ni Vince paglabas ng mansyon, nakasunod ito kay aeros."Don't believe her bullsh*t, you know what kind of manipulative bi*ch she is...... Kailanman ay hindi ko kikilalanin ang bata sa tiyan n'ya.""But dude.... let's say that Cindy is indeed having an affair with a lot of men, but what if at the end of the day ay napatunayan na sayo nga yung bata, anong gagawin mo?"Pumasok sa sasakyan si Aeros. "Hindi ko magiging problema yun, atleast not for now...""What?" Tanong ni Vince habang inilalagay ang kanyang seatbelt. "Anong ibig mong sabihin?""Never mind. Basta I'm a hundred percent na hindi ako magkaka-anak sa ibang babae maliban kay agnes." Nang maisip ang dalaga ay tila nahawi ang karimlan kay aeros, ang pagkagalit niya dahil sa ginawa ni Cindy ay nawala. Hindi lang n'ya masabi kay Vince na hindi siya "tinatayuan" sa ibang babae kundi tanging sa kasintahan lang, kaya kumpiyansa siyang hin