Bumuntong-hininga si Ms. Mildred. "Sa loob lang ng isang taon, dalawang katulong agad ang nawala sa 'tin... Sige Agnes, ikaw ang bahala. Nakakapanghinayang lang." Tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto. Ngumisi si Lucy at lumapit kay Agnes. "Aalis ka na? Sayang naman, akala ko pa naman tatagal ka. Sige umalis ka na..... Sa totoo lang na-aalibabaran ako sa pagmumukha mo e. Para kang bangungot." At tumawa ito habang palabas ng maid's quarters. Masamang tiningnan ng apat na katulong ang direksyon ni Lucy. "Huwag mong intindihin ang babeng yun Agnes. Masama lang talaga ang ugali niyan." Ani Lilibeth. "Agnes, aalis ka na ba talaga? Baka puwede mong pag-isipan?" Ani dina. "Oo nga. May problema ba? Binu-bully ka ba ni Lucy? Isumbong mo lang kay Ms. Mildred ang babaeng yun kapag binu-bully ka." Umiling-iling si Agnes. "Hindi, hindi dahil doon. Pasensya na kayo. Alam kong ayaw n'yo kong umalis, pero desidido na talaga ako." Hindi na lang niya sinabi ang ginawa ni Aeros dahil baka m
"Sir, h-hindi naman po.... nakipag-usap po kasi ako kay Ms. Mildred sa loob kaya medyo natagalan ako–" "Nagawa mong makipag chismisan kahit alam mong may trabaho kang dapat gawin, parte ba ng trabaho mo ang makipag daldalan? At pinaghintay mo pa ako." Putol ni Aeros. "S-sir.... Hindi naman sa ganun–" Tumayo si aeros at bahagyang lumapit kay Agnes. "I don't wanna hear your lame excuses. Kung hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo, bakit nandito ka pa? Huwag mo nang isiksik ang sarili mo dito at umalis ka na lang." Huminga nang malalim si Agnes. Hindi niya mapigilang mainis sa huling sinabi ng guwapong amo. 'Ako, sinisiksik ang sarili ko dito? Puwede ba? Hoy walanghiya, kung alam mo lang kung gaano ko na ka-gustong umalis sa mansyon'g ito. Kung magagawa ko lang ang misyon ko nang mas maaga, aalis talaga ako dito!' Upang makaiwas at para hindi na niya marinig pa ang mga nakakairitang sasabihin ng amo ay sinabi ng dalaga na magta trabaho na siya, kaya tinalikuran na niya si Aeros
"Agnes." Natigilan si Agnes sa paglalampaso sa mahaba at mataas na hagdan at napatingin kay Lucy. "Ano yun?" Tanong niya habang patuloy sa ginagawa, tila ayaw niyang tapunan ng pansin ang babae. "Itigil mo muna yan at mag-usap tayo." Utos ni Lucy na parang amo. Tumaas ang kilay ni Agnes at tumingin sa babae. "Tatapusin ko muna itong ginagawa ko, umalis ka muna at na-aabala mo ko." Iwinasiwas n'ya ang kanyang kamay kay Lucy na parang nagtataboy lang siya ng langaw. "Hindi! Ngayon na tayo mag-usap!" At kinuha ni Lucy ang pang lampaso sa kamay ni agnes at inihagis sa isang tabi, saka hinila ang dalaga sa isang abandonadong silid. Maraming silid ang mansyon ng mga Villacorte, at dahil da-dalawa lang naman ang amo dito, maraming kuwarto ang bakante. "Ano ba kasi yun? Baka mahuli tayo ni Ms. Mildred niyan e." Ani agnes habang hinahaplos-haplos ang kanyang pala-pulsuhan dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Lucy. Tiningnan ni Lucy nang may pagdusta si Agnes, tila ninanamnam n'ya a
"Sir aeros? Sir aeros!" Tawag ni Agnes. 'Naku, hindi kaya, tumakas s'ya?' nakahanda na sana siyang umalis at iulat kay Ms. Mildred ang nangyari. Ibinilin kasi ni Frederick sa kanila ng mayordoma na bantayan ang binata. Ngunit nang paalis na ay bigla siyang nakarinig ng paglagaslas ng tubig. Inakala ni Agnes na baka nasa banyo lang ang amo nang maulinigan niya muli ang paglagaslas ng tubig. Doon natukoy ng dalaga na hindi iyon nanggagaling sa banyo. Nang pakinggan niyang mabuti ay naulinigan niya ito sa bintana. Nang sumilip si Agnes ay natanaw niya ang nagsi-swimming na si Aeros sa isang malaking pool. May madadaanan sa kuwarto ni Aeros mula sa veranda papunta ng pool, at hindi ito nakita ni Agnes nung huling pasok niya sa silid ng binata. Nang pagmasdan ng dalaga ang amo ay bigla itong namula dahil agad napukaw ang kanyang atensiyon ng bagay na nakaumbok sa boxer short nito. Umalis si Agnes sa bintana. Mahirap na, baka mahuli pa siya ng lalaki na naninilip sa kanya. Pagbaling
"Ba't ang tagal mo? Kanina ko pa sinabing linisin itong kwarto ko a?" Iritadong wika ni Aeros habang nakasandal ito sa headboard ng kanyang kama at habang nagbubuklat ng erotic magazine. Bahagyang lumapit si Agnes bitbit ang vacuum, walis, basahan at mga ini-spray na mga panglinis, pati deodorizer. 'tsk...' napa-palatak na lang ang dalaga sa kanyang sarili nang makita ang pabalat ng magazine. "Pasensya na po sir, may ginagawa kasi ako kanina na hindi ko puwedeng iwan nu'ng nag-utos kayo, saka hindi ko kasi alam kung general cleaning ba ang ipagagawa mo sa kin, kaya kinuha ko pa ang mga ito." "Excuses, excuses.... Palagi kang may dahilan. Maglinis ka na lang." At hindi na pinansin pa ni Aeros ang dalaga at nagpatuloy na sa pagbabasa. Umirap na lang si Agnes. Ngunit: "Anong iinirap-irap mo diyan? Akala mo ba maganda ka? Ang panget mo kaya." Ani Aeros nang hindi nag-aangat ng ulo. Napamaang na lang si Agnes. 'Nakita n'ya ang pag irap ko? Paano? Hindi naman siya nakatingin?' Bina
Kung hindi pa tatawagin ng Mayordoma ang apat ay hindi nito tantanan si Agnes. Sinamantala ito ng dalaga at nagtungo muna sa maid's quarter. Magtatago muna s'ya dahil baka nasa paligid lang si Aeros. Ngunit pagpasok ng maid's quarter ay dinatnan niya roon si Lucy na masama ang timpla. Aatras sana ang dalaga at hindi na tutuloy nang pigilan ito ni Lucy. Tumanggi si Agnes at sinabing marami pa syang gagawin ngunit hinila siya papasok ni Lucy. "Magsabi ka ng totoo, anong ginawa n'yo ni ser Aeros sa loob ng kuwarto niya, ba't nag lock pa kayo?" Tanong ni Lucy na animo'y isang imbestigador. "Wala.... Ano bang gagawin namin?" Sagot ni Agnes ngunit paiba-iba ito ng tingin. Hindi siya makatingin nang diretso kay Lucy dahil parang gusto siyang kainin nang buhay nito. "Singungaling! Dalawa lang tayo dito, ba't hindi mo pa aminin na inaakit mo si ser Aeros nang mga oras na yun at may ginagawa ka na sa kanya." Paratang ni Lucy. Nagsalubong ang mga kilay ni Agnes. Hindi talaga niya maunawa
Kinagabihan, dahan-dahang nagtungo si Cindy sa kuwartong kinaroroonan ni Aeros. Kanina sa bonfire party ay abala siya dahil sa dami ng mga lalaking lumalapit at nakikipagkilala sa kanya kaya hindi niya namalayang wala na pala doon si Aeros.Hindi niya mapigilang makaramdam ng inis dahil sa kabila ng pakikipaglandian niya sa mga lalaki doon sa mismong harapan nito, ay parang wala lang sa binata. 'Humanda ka ngayon sa kin, I'll make sure to punish you.' May pilyang ngiti ang namutawi sa labi ni Cindy habang tinutungo ang kwarto. Ngunit madilim na pag-akyat niya dahil nakapatay na ang mga ilaw. 'Tulog na si Aeros?' dahan-dahan siya'ng pumasok ng kwarto.Hindi binuksan ni Cindy ang ilaw, gamit ang cellphone ay inilawan niya ang kanyang daanan hanggang sa marating na niya ang kama. Dahil sa kadiliman ay halos hindi niya makita ang binata. Humiga siya at tumabi kay aeros. Niyakap niya ito at sinimulang haplusin ang katawan nito. Nang magtagal ay nainip si Cindy dahil walang nagi
Sinundan ni Aeros ang babae sa emergency room. Kumubli siya sa pinto at mula doon ay naririnig niya ang pagtatalak ng babae sa matandang lalaki: "Sinabi ko na sa inyo, di ba? Ang tigas ng ulo n'yo! Alam n'yo na ngang highblood kayo, kumain pa rin kayo ng lechon! Mabuti na lang at naagapan natin at hindi nauwi sa stroke, kung hindi.... Kung hindi...." Hindi nakapagsalita ang babae dahil naiyak na ito. Ang matanda ay kanyang lolo. "Siya! Pasensya ka na Dianne at nag-alala ka... " 'So, Dianne pala ang pangalan mo, ha. Humanda ka sa kin ngayon. Hindi kita hahayaang makawala.' ani Aeros na nasa pinto. "Alam mo namang Birthday ko ngayon, kaya gusto ko lang sanang maka-kain ng lechon kahit ngayon lang." Sagot ng matanda. Biglang tumunog ang cellphone ni Dianne. "Hello Agnes?" Natigilan si Aeros sa pinto. 'A-agnes? Agnes din ang pangalan ni panget, hindi ba? What a coincidence.' "O, 'lo, sabi ni Agnes happy birthday daw. Pasensya na raw at hindi ka niya mabati ng personal at kung
"Ano, hindi siya pumasok sa kumpanya?" Nahilot ni Esmeralda ang sariling noo. "Nasaan siya ngayon?....." Napapalatak ito sa naging sagot ng tao n'ya sa kabilang linya. "Sa isang mumurahing hotel, kasama si Agnes?..... O sige, ituloy mo lang ang pagsunod-sunod sa kanya." Matapos ang ilang habilin ay ibinaba na niya ang telepono. 'Mukhang hindi ko talaga mapaghihiwalay ang dalawa, e ano kaya kung....' Bigla siyang may naisip at agad tinawagan ang kanyang assistant. "Alamin mo ang contact number ng pamilya ni Agnes, ngayon na."Makalipas ang mahaba-habang paghihintay ay nakuha na n'ya ang kanyang kailangan. Agad niyang tinawagan ang contact number ni Eduardo ngunit hindi ito sumasagot. Naisip na lang niyang maaaring abala ang ama ng dalaga dahil isa din itong negosyante. Hindi nag-aksaya ng panahon si Esmeralda, sunod niyang tinawagan ang ikalawang magulang ni Agnes– si Marina. "O, sino ba to?" Tanong ng may hindi kaaya-ayang boses ng isang babae sa kabilang linya, mababakas na may edad
Nagpupuyos si Esmeralda nang bumalik ito sa kanyang kotse, nang makita ng kanyang driver na tila mainit ang ulo ng amo pagkagaling nito sa loob ng café ay agad nitong binuksan ang pinto. Pagpasok sa loob ay eksaktong nag-ring ang cellphone ni Esmeralda. Isinantabi niya muna ang inis na nararamdaman mula sa pakikipag-usap kay Agnes. "O Cindy, bakit?..... Hindi ba't sinabi ng doktor kahapon na ayos naman ang bata, bakit nag-aalala ka pa?.... O s'ya, sige pupuntahan kita." Iniutos niya sa driver na dumiresto sa hospital."Lola Esmie...." Tumayo si Cindy at sinalubong ang kararating lang na si Esmeralda. Nasa isang hospital ito ngayon para ipa check-up ang kanyang pagbubuntis, nakapila ito dahil wala itong appointment. Kumunot ang noo nito Esmeralda habang tinitingnan ang mahabang pila. "Bakit hindi ka muna nagpa-appoint? Tuloy kailangan mo pang pumila."Yumuko si Cindy na tila nahihiya ito. "Biglaan po kasi ang pagpapa check-up ko e, kasi bigla pong sumakit ang tiyan ko." Nang marinig
"Maupo ka." Ani Esmeralda sa kararating lang na si Agnes. Matapos ang birthday party ng dalaga ay saka lang niya nakita ang ilang miss call mula dito. Nang tumawag uli ito at nang sagutin niya iyon ay diretsahan nitong sinabi na makipagkita siya dito bukas, pagkasabi ng oras at lokasyon ay agad ibinaba ni Esmeralda ang telepono nang hindi man lang pinagsasalita si Agnes.Naupo ang dalaga at pasimpleng sumulyap sa matanda. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba dahil nag-iba na ang pakikitungo at ang pakikiharap nito sa kanya. Kung noon ay lagi itong nakangiti sa kaniya, ngayon ay malamig na ito at makikitaan din ito ng pagka asiwa sa kanya na animo'y may nagawa siyang kasalanan."Siguro'y naisip mo na kung bakit ako nakipagkita sa'yo."Naikuyom ni Agnes ang mga kamao sa kanyang kandungan. "Patawarin n'yo po sana ako, pero hindi ko po lalayuan si Aeros.""Huwag mo munang sabihin yan, meron kang dapat makita't malaman na maaaring magpabago ng desisyon mo."Kinabahan bigla si Agnes
"Donya Esmie, ayos ka lang ba? May problema po ba kayo?" Tanong na may kahalong pag-aalala ni Ms. Mildred. Nitong mga nagdaang araw ay napapansin niya na tila laging may malalim na iniisip ang donya. Paminsan-minsan ay nakikita rin niya ang pagbubuntung-hininga nito na tila ba meron itong pinoproblema."Huwag mo na lang akong pansinin, meron lang akong iniisip."Naupo ang mayordoma sa tapat ni Esmeralda, nasa patyo sila ngayon. "Problema po ba sa inyong pamilya ang iniisip n'yo, bakit hindi n'yo ibahagi sa kin at baka makatulong ako."Sinulyapan ni Esmeralda si Ms. Mildred at bumuntong-hininga. "Mukhang kilalang-kilala mo na talaga ako ano?"Bahagyang nagtawa ang mayordoma. "Siguro nga po. Kasi, wala naman kayong ibang iniisip at wala namang ibang mahalaga sa inyo kundi ang kapakanan ng pamilya n'yo."Napahawak sa kanyang noo si Esmeralda. "Nalilito kasi ako Mildred, hindi ko alam kung anong desisyon ang dapat kong piliin, nagtatalo ang loob ko. Pasensya na kung hindi ko masasabi sa
"F-f*ck!.... Hey, r-relax.... we're almost there..." Mahina at namamaos na wika ni Aeros sa nobya habang hawak niya nang mahigpit ang puwit@n nito para hindi ito mahulog. "Ungghh...." Isang p@g-vngol lang ang isinagot ni Agnes pagkatapos ay yumakap ito nang mahigpit sa leeg ng nobyo, ang kanyang mga binti ay nakayakap din nang mahigpit sa bewang nito. "S-sige pa...." Anas nito, pagkatapos ay iginiling giling nito ang kanyang balakang. Nagpakawala ng buntong-hininga ang pawisang si Aeros. "A-alright, do you want to.... take the lead?" Pagkatanong ay umupo siya sa nakatakip na inidoro habang nakakandong sa kanya si Agnes. Pinunasan muna niya ang pawis nito sa mukha. "Alright, I'm yours, you can move now...." At dahan-dahan niyang iginiya sa pag-galaw ang balakang ng kapareha hanggang sa bumilis iyon nang bumilis."Ahhh....." Vngol ni Agnes na tila nasisiyahan sa kanyang ginagawang pag-indayog at pag-domina sa kandungan ng binata."Ahhh.... A-agnes....." Sagot-vngol ni Aeros. Nang ma
'Sino kaya itong tumatawag sa kin nang ganitong dis-oras ng gabi, hindi kaya si Aeros ito?' Pagtataka ni Agnes paglabas ng banyo habang pinupunasan ang basa niyang buhok, bagong ligo ito. Nang maisip na baka ang nobyo ang tumatawag sa kanya ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at naupo sa gilid ng kama, ngunit nabigo siya nang ang hindi kilalang numero ang tumambad sa kanya. 'Sino kaya ito?'Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba o hindi ang tawag dahil baka frank caller o wrong number lang ito. Subalit nang hindi ito tumigil sa pagri-ring ay naisip niya na baka kilala siya nito at baka talagang may pakay ito sa kanya. Sa huli ay sinagot na rin niya ang tawag. "Hello?...Sino ito at anong kailangan mo?""Hello ma'am...." Sagot ng isang babae sa kabilang linya. "Isa po akong receptionist, kayo po ba si agnes? puwede po ba kayong pumunta dito? Nandito po kasi si Mr. Aeros Villacorte sa hotel namin, dinala po siya dito ng kaibigan niya dahil lasing po siya at ayaw daw po'ng umuw
"Listen, hanggang ngayon ay nagkikita pa rin sila Aeros at Agnes, at walang naging epekto sa kanila ang pagtutol ni lola esmie sa kanila. Knowing Aeros, you know he's kind of persistent kaya kailangan na nating gumawa ng paraan."Prenteng sumandal sa kanyang kinauupuan si Vance, hindi ito makikitaan ng pag-aalala at pagkabalisa hindi katulad ni Cindy. "Bakit parang nagwo-worry ka nang husto diyan? dati naman ay matiyaga kang naghihintay kay Aeros a, that's unlikely you."Natigilan si Cindy at nag-iwas ng tingin. Inayos niya ang sarili at iwinaksi ang kanyang pag-aalala, mariin niyang itinaggi ang sinabi ni Vance. "Ano ba ang sinasabi mo diyan? Alam mo ang sitwasyon naming mga ronchillo diba? Siyempre kailangan ko nang mag magmadali, isa pa, ito ang task na ibinigay ng dad ko sa kin.""Kunsabagay....... So, ano ang gagawin natin? May plano ka na ba?"Kumitid ang mga mata ni Cindy. "Well, ganito....".."Ayos ka lang?" Tanong ni Agnes sa kasamang lalaki."Oo, okay lang ako." Sagot ni A
"O Aeros! Iho, nandito ka pala. Napasyal ka?..... Halika tuloy ka." Magiliw na bati at paanyaya ni Marina nang makita ang hindi inaasahang bisita sa pinto ng kanilang bahay. "Sandali lang ha, maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom." At nagtungo ito sa kusina.Hindi nabigyan ng pagkakataong magsalita ang binata, hindi tuloy nito nasabi ang kanyang pakay. Habang mag-isang nakaupo sa sala ay iginagala ni Aeros ng tingin ang kabuuan ng bahay. Hindi ganoon kalaki ang villa ngunit makikita pa rin na may nakaririwasang pamumuhay ang naninirahan doon."Maring, nasaan ka? Nakita mo ba yung necktie na bagong bili ko?" Sigaw at tawag ni Eduardo habang bumababa sa hagdanan, makikita na medyo iritado ito dahil hindi nito makita ang gamit na kanyang hinahanap. Pagbungad niya sa sala ay nagulat at natigilan siya nang matanaw si Aeros na hindi niya inaasahang makikita nang ganoong kaaga. "E-aeros Villacorte?"Tumayo ang binata at magalang na bumati. "G-good morning po.... tito."Napamaang si Eduard
Si Esmeralda ay merong nag-iisa at negosyanteng kapatid na lalaki. Katulad ng mga Villacorte, maganda din ang takbo ng negosyo at kilala din ito sa business world. Ngunit sa isang iglap ay bumagsak ang negosyo nito dahil may nagnakaw ng mga mahahalaga at confidential files ng kumpanya, at dahil dito ay unti-unting bumagsak ang stocks na nauwi sa pagkalugi ng negosyo nito. Nang pa-imbestigahan ay lumabas na isang empleyado na may apelyidong dela funetes ang may kagagawan ng lahat. Ang nasabing empleyado ay walang iba kundi ang kapatid ni Eduardo, na ama ni Agnes. Matapos nitong pagnakawan ang kumpanya ng kapatid ni Esmeralda ay hinimok nito si Eduardo na magtayo ng sarili nilang kumpanya gamit ang maliit lamang na kapital. Walang kaalam-alam si Eduardo na nanggaling pala sa nakaw ang magiging pundasyon nila sa pagtatayo ng sarili nilang negosyo.Dinamdam nang husto ng kapatid ni Esmeralda na si Eugenio ang nangyari, bilang isa sa mga tinitingala sa larangan ng negosyo ay hindi n