Sinundan ni Aeros ang babae sa emergency room. Kumubli siya sa pinto at mula doon ay naririnig niya ang pagtatalak ng babae sa matandang lalaki: "Sinabi ko na sa inyo, di ba? Ang tigas ng ulo n'yo! Alam n'yo na ngang highblood kayo, kumain pa rin kayo ng lechon! Mabuti na lang at naagapan natin at hindi nauwi sa stroke, kung hindi.... Kung hindi...." Hindi nakapagsalita ang babae dahil naiyak na ito. Ang matanda ay kanyang lolo. "Siya! Pasensya ka na Dianne at nag-alala ka... " 'So, Dianne pala ang pangalan mo, ha. Humanda ka sa kin ngayon. Hindi kita hahayaang makawala.' ani Aeros na nasa pinto. "Alam mo namang Birthday ko ngayon, kaya gusto ko lang sanang maka-kain ng lechon kahit ngayon lang." Sagot ng matanda. Biglang tumunog ang cellphone ni Dianne. "Hello Agnes?" Natigilan si Aeros sa pinto. 'A-agnes? Agnes din ang pangalan ni panget, hindi ba? What a coincidence.' "O, 'lo, sabi ni Agnes happy birthday daw. Pasensya na raw at hindi ka niya mabati ng personal at kung
"Damn woman! She tricked me!" Nagpalinga-linga si Aeros sa paligid, hinahanap si Dianne. Papa-alis na sana ang binata nang pigilan ito ng babae sa mesa. "What?!" Tanong-singhal niya dito."Um, e-aeros... Hindi man ako yu'ng hinahanap mo pero, baka naman pwedeng tingnan mo muna ako sandali? Alam kong hindi ako maikukumpara sa ganda ni Agnes pero, meron din naman akong mga katangian na siguradong magugustuhan mo."Natigilan si aeros nang meron siyang na pick-up sa sinabi ng babae. "Wait, who the h*ll is that Agnes your talking about?"Nagtaka ang babae. "S-si agnes..... Yung kaibigan namin ni Dianne, di ba siya ang hinahanap mo?"Samantala, habang nasa kasagsagan ng kanyang pagpuga, nasampal ni Dianne ang noo. 'Mali! Nalimutan kong sabihin kay Juvy na huwag babanggitin si Agnes sa manyak na Aeros na yun!' inisip ni Dianne na bumalik para ipa-alala iyon kay Juvy, ngunit naisip rin niya na maaaring sa mga oras na iyon ay nalaman na ng binata na hindi si Agnes ang naroon. Na
"What an ugly little wretch! Puwede ba, bago ka makialam, manalamin ka muna..... Saka, anong pakialam ko sa rules n'yo, wala pa namang sinasabi sa kin si aeros. Kaya, shoo! Alis, tabi!" At tumuloy na ang babae sa malaking hagdan. Kaagad humabol si Agnes at hinarangan ang babae sa hagdan. "Miss, sinabi nang hindi ka puwedeng mang istorbo ng mga amo namin. Ang kulit mo rin e, hindi ka ba makaintindi?" Nagsalubong ang mga kilay ng babae. Hindi niya mapaniwalaang isang katulong lang sa mansyon ni Aeros ang maglalakas ng loob na sagutin siya nang ganito. "How dare you! Katulong ka lang dito!.... Isusumbong kita kay Aeros, ipatatanggal kita sa kanya!" Lihim na natuwa at nakaramdam ng paghanga si dina, Lilibeth at ang mayordoma para kay Agnes. Dahil naninimbang sila kung gaano ba kahalaga ang babae sa among lalaki, hindi nila magawang salungatin at sagutin ito. Tuloy, nagawa nitong bastusin si Ms. Mildred. Tiningnan ng matanda si Agnes nang may kaluguran. "Anong nangyayari dito?" Nati
Nagkatitigan nang matagal ang dalawa na tila binabasa ang mga mata ng isa't-isa. Hanggang sa bigla na lang nanigas at namula si Agnes, dahil sa naramdamang kung anong bagay na bigla na lamang tumigas sa kanyang hita. Bahagya rin niyang naramdaman na tila kumikislot-kislot ito na halos magpalundag sa dalaga. "B-bastos!!" Bagama't wala pang eksperyensiya, ngunit nauunawaan ni Agnes kung ano iyon. "Sh*t!.... Huwag kang malikot!" Ani Aeros nang tangkang tatayo ang dalaga. Bigla itong namaos at tila biglang nainitan. Nagliliyab ang damdamin nito sa magkahalong pagkagalak at pananabik. Tila "gumaling" na kasi ang e**ctile dysfunction niya at tila gusto na n'ya itong subukan sa mga sandaling iyon. Nararamdaman niya ang pagtindig nito kung hindi lang nadadaganan ng hita ng dalaga. Pumihit si Aeros at kinubabawan si Agnes kaya ang dalaga na ang nasa ilalim. "Aeros Villacorte, anong ginagawa mo? Pakawalan mo ko, harrassment itong ginagawa mong bastos ka!" Ani agnes. Matiim na tumingin sa m
Ngunit bago pa makuha nang tulayan ni Cindy ang pakete ay bigla naman iyon inilayo ni val. Nangunot ang mga kilay ng babae. "Val, what do you mean by this? Pumayag ka nang tulungan ako di ba? Huwag mong sabihing nagbago–""Shh..... " Biglang tinakpan ni val ang labi ni Cindy ng kanyang daliri. "Of course, I'm still willing to help you. It's just..... Ganu'n ganu'n na lang ba yun? Wala man lang ba ako compensation? Nahirapan kaya akong makuha 'to, alam mo namang ban ito dito sa bansa natin."Napabuga ng hangin si Cindy. Ang akala pa naman niya'y nagbago na ang isip ng lalaki. "Fine. Ano ba ang gusto mo? Sabihin mo agad kasi gusto kong ma-sette itong plano ko nang maaga."Hinawakan ni Val ang pala-pulsuhan ni Cindy. "Relax, maaga pa naman, saka hindi naman tatakbo si Aeros e. For sure, hanggang madaling araw na naman yan dito..... Paligayahin mo muna ako." At hinila niya ang babae sa parking lot.Binawi ni Cindy ang bisig. "Ano ka ba? alam mong hindi puwede di ba? may misyon a
"May kailangan ka ba?" Taas-noong tanong ni Lucy nang tawagin ito ni Cindy. Tila hindi ito magpapataob kahit nakikita niya ang kalamangan ni Cindy sa kanya. Ngumalong-baba si Cindy at ngumiti kay Lucy. "Nakita ko ang mga tingin mo, gusto mo ba ang mga ito? Sayang lang kasi parang hindi ito na-a-appreciate ng mga kasama mo, kung gusto mo, ibibigay ko na lang sayo lahat 'to." Nangislap sa excitement at sa saya ang mga mata ni Lucy. Kahit wala siyang alam sa mga mamahaling brands ng mga skin care at pabango, sa kanyang nakikita ay mukhang mamahalin ang mga ito. "Oo ba! Hindi ko tatanggihan ang mga yan." Yumuko siya para sana damputin na ang mga items nang magsalita si Cindy: "Sandali lang, hindi pa ko tapos. Ibibigay ko sa'yo ang mga ito kung tutulungan mo ko." "A-anong tulong? Basta ba kaya ko, gagawin ko, pero akin na lahat to ha." Nagtawa si Cindy. "Oo naman....... Makinig kang mabuti, ito and ipagagawa ko sayo. Kinasapakat ni Cindy si Lucy para makapasok sa kwarto ni aer
"S-ser–" hindi na naituloy ni Agnes ang sasabihin nang bigla siyang halikan ng amo. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa hindi akalaing gagawin ni Aeros sa kanya, ito pa naman ang first kiss niya. "Bitiwan mo ko, ano bang ginagawa mo?" Pumiglas siya inilayo ang kanyang mukha. "P-please..... Give this to me...." Namamaos na wika ni Aeros at hinuli niya ang mukha ng dalaga para sana halikan nang bigla siyang matigilan. Napatitig siya sa mukha ni Agnes na takang-taka. Alam niyang si Cindy ang dapat makakaniigan niya, ngunit bakit tila ang pangit na mukha ni Agnes ang kanyang nakikita. Dala ng siphayo at paghihirap na nararamdaman, kailangan na niyang makipag-niig kaya naman hindi na niya inisip pa kung sino ba talaga ang babae sa kanyang harapan. Simulan niya uli itong halikan. "Hayop! Bitiwan mo ko! Ayoko.... Huwag! Bitiwan mo ko!" Nakaramdam ng matinding takot si Agnes. Sa kabila ng pagdi-disguise niya ay tila magaganap pa rin ang kanyang ipinag-aalala. "Tulong! Tulungan n'yo ko!"
Tinawagan ni Ivan ang kanyang assistant at ipinadala ang gamot ng kanilang ospital pangontra sa aphrodisiac. Pagdating ay agad niyang ipainom iyon kay Cindy. Nalalaman ni Ivan kung gaano kahirap ang pagdadaanan ng taong nagamitan ng aphrodisiac kapag hindi nito nagawang makipag -niig agad. Ang gamot ay may pampatulog kaya nakatulog si Cindy. Tanging si Ms. Mildred at ang doktor lang ang naiwan kay Cindy dahil abala ang mga katulong sa paghahanap kay Agnes. "Kapag nawala na ang epekto ng aphrodisiac sa sistema niya, magigising na rin siya." Ani Ivan habang inililigpit ang kanyang mga gamit. "Pero maiba ako Ms. Mildred, bakit nandito itong si Cindy at bakit siya naka d**ga? Alam ko, may kinalaman ito kay aeros pero nasaan si Aeros?"Napahimas sa kanyang noo ang mayordoma at inilahad ang ginawa ng babae. Napanganga si Ivan, ngunit bigla niyang naisip kung bakit humantong pa sa pagdo-d**ga kay aeros ang lahat. Na-excite ang doktor. Tila may bagong Chismis na naman itong uungkati
"Ano, hindi siya pumasok sa kumpanya?" Nahilot ni Esmeralda ang sariling noo. "Nasaan siya ngayon?....." Napapalatak ito sa naging sagot ng tao n'ya sa kabilang linya. "Sa isang mumurahing hotel, kasama si Agnes?..... O sige, ituloy mo lang ang pagsunod-sunod sa kanya." Matapos ang ilang habilin ay ibinaba na niya ang telepono. 'Mukhang hindi ko talaga mapaghihiwalay ang dalawa, e ano kaya kung....' Bigla siyang may naisip at agad tinawagan ang kanyang assistant. "Alamin mo ang contact number ng pamilya ni Agnes, ngayon na."Makalipas ang mahaba-habang paghihintay ay nakuha na n'ya ang kanyang kailangan. Agad niyang tinawagan ang contact number ni Eduardo ngunit hindi ito sumasagot. Naisip na lang niyang maaaring abala ang ama ng dalaga dahil isa din itong negosyante. Hindi nag-aksaya ng panahon si Esmeralda, sunod niyang tinawagan ang ikalawang magulang ni Agnes– si Marina. "O, sino ba to?" Tanong ng may hindi kaaya-ayang boses ng isang babae sa kabilang linya, mababakas na may edad
Nagpupuyos si Esmeralda nang bumalik ito sa kanyang kotse, nang makita ng kanyang driver na tila mainit ang ulo ng amo pagkagaling nito sa loob ng café ay agad nitong binuksan ang pinto. Pagpasok sa loob ay eksaktong nag-ring ang cellphone ni Esmeralda. Isinantabi niya muna ang inis na nararamdaman mula sa pakikipag-usap kay Agnes. "O Cindy, bakit?..... Hindi ba't sinabi ng doktor kahapon na ayos naman ang bata, bakit nag-aalala ka pa?.... O s'ya, sige pupuntahan kita." Iniutos niya sa driver na dumiresto sa hospital."Lola Esmie...." Tumayo si Cindy at sinalubong ang kararating lang na si Esmeralda. Nasa isang hospital ito ngayon para ipa check-up ang kanyang pagbubuntis, nakapila ito dahil wala itong appointment. Kumunot ang noo nito Esmeralda habang tinitingnan ang mahabang pila. "Bakit hindi ka muna nagpa-appoint? Tuloy kailangan mo pang pumila."Yumuko si Cindy na tila nahihiya ito. "Biglaan po kasi ang pagpapa check-up ko e, kasi bigla pong sumakit ang tiyan ko." Nang marinig
"Maupo ka." Ani Esmeralda sa kararating lang na si Agnes. Matapos ang birthday party ng dalaga ay saka lang niya nakita ang ilang miss call mula dito. Nang tumawag uli ito at nang sagutin niya iyon ay diretsahan nitong sinabi na makipagkita siya dito bukas, pagkasabi ng oras at lokasyon ay agad ibinaba ni Esmeralda ang telepono nang hindi man lang pinagsasalita si Agnes.Naupo ang dalaga at pasimpleng sumulyap sa matanda. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba dahil nag-iba na ang pakikitungo at ang pakikiharap nito sa kanya. Kung noon ay lagi itong nakangiti sa kaniya, ngayon ay malamig na ito at makikitaan din ito ng pagka asiwa sa kanya na animo'y may nagawa siyang kasalanan."Siguro'y naisip mo na kung bakit ako nakipagkita sa'yo."Naikuyom ni Agnes ang mga kamao sa kanyang kandungan. "Patawarin n'yo po sana ako, pero hindi ko po lalayuan si Aeros.""Huwag mo munang sabihin yan, meron kang dapat makita't malaman na maaaring magpabago ng desisyon mo."Kinabahan bigla si Agnes
"Donya Esmie, ayos ka lang ba? May problema po ba kayo?" Tanong na may kahalong pag-aalala ni Ms. Mildred. Nitong mga nagdaang araw ay napapansin niya na tila laging may malalim na iniisip ang donya. Paminsan-minsan ay nakikita rin niya ang pagbubuntung-hininga nito na tila ba meron itong pinoproblema."Huwag mo na lang akong pansinin, meron lang akong iniisip."Naupo ang mayordoma sa tapat ni Esmeralda, nasa patyo sila ngayon. "Problema po ba sa inyong pamilya ang iniisip n'yo, bakit hindi n'yo ibahagi sa kin at baka makatulong ako."Sinulyapan ni Esmeralda si Ms. Mildred at bumuntong-hininga. "Mukhang kilalang-kilala mo na talaga ako ano?"Bahagyang nagtawa ang mayordoma. "Siguro nga po. Kasi, wala naman kayong ibang iniisip at wala namang ibang mahalaga sa inyo kundi ang kapakanan ng pamilya n'yo."Napahawak sa kanyang noo si Esmeralda. "Nalilito kasi ako Mildred, hindi ko alam kung anong desisyon ang dapat kong piliin, nagtatalo ang loob ko. Pasensya na kung hindi ko masasabi sa
"F-f*ck!.... Hey, r-relax.... we're almost there..." Mahina at namamaos na wika ni Aeros sa nobya habang hawak niya nang mahigpit ang puwit@n nito para hindi ito mahulog. "Ungghh...." Isang p@g-vngol lang ang isinagot ni Agnes pagkatapos ay yumakap ito nang mahigpit sa leeg ng nobyo, ang kanyang mga binti ay nakayakap din nang mahigpit sa bewang nito. "S-sige pa...." Anas nito, pagkatapos ay iginiling giling nito ang kanyang balakang. Nagpakawala ng buntong-hininga ang pawisang si Aeros. "A-alright, do you want to.... take the lead?" Pagkatanong ay umupo siya sa nakatakip na inidoro habang nakakandong sa kanya si Agnes. Pinunasan muna niya ang pawis nito sa mukha. "Alright, I'm yours, you can move now...." At dahan-dahan niyang iginiya sa pag-galaw ang balakang ng kapareha hanggang sa bumilis iyon nang bumilis."Ahhh....." Vngol ni Agnes na tila nasisiyahan sa kanyang ginagawang pag-indayog at pag-domina sa kandungan ng binata."Ahhh.... A-agnes....." Sagot-vngol ni Aeros. Nang ma
'Sino kaya itong tumatawag sa kin nang ganitong dis-oras ng gabi, hindi kaya si Aeros ito?' Pagtataka ni Agnes paglabas ng banyo habang pinupunasan ang basa niyang buhok, bagong ligo ito. Nang maisip na baka ang nobyo ang tumatawag sa kanya ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at naupo sa gilid ng kama, ngunit nabigo siya nang ang hindi kilalang numero ang tumambad sa kanya. 'Sino kaya ito?'Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba o hindi ang tawag dahil baka frank caller o wrong number lang ito. Subalit nang hindi ito tumigil sa pagri-ring ay naisip niya na baka kilala siya nito at baka talagang may pakay ito sa kanya. Sa huli ay sinagot na rin niya ang tawag. "Hello?...Sino ito at anong kailangan mo?""Hello ma'am...." Sagot ng isang babae sa kabilang linya. "Isa po akong receptionist, kayo po ba si agnes? puwede po ba kayong pumunta dito? Nandito po kasi si Mr. Aeros Villacorte sa hotel namin, dinala po siya dito ng kaibigan niya dahil lasing po siya at ayaw daw po'ng umuw
"Listen, hanggang ngayon ay nagkikita pa rin sila Aeros at Agnes, at walang naging epekto sa kanila ang pagtutol ni lola esmie sa kanila. Knowing Aeros, you know he's kind of persistent kaya kailangan na nating gumawa ng paraan."Prenteng sumandal sa kanyang kinauupuan si Vance, hindi ito makikitaan ng pag-aalala at pagkabalisa hindi katulad ni Cindy. "Bakit parang nagwo-worry ka nang husto diyan? dati naman ay matiyaga kang naghihintay kay Aeros a, that's unlikely you."Natigilan si Cindy at nag-iwas ng tingin. Inayos niya ang sarili at iwinaksi ang kanyang pag-aalala, mariin niyang itinaggi ang sinabi ni Vance. "Ano ba ang sinasabi mo diyan? Alam mo ang sitwasyon naming mga ronchillo diba? Siyempre kailangan ko nang mag magmadali, isa pa, ito ang task na ibinigay ng dad ko sa kin.""Kunsabagay....... So, ano ang gagawin natin? May plano ka na ba?"Kumitid ang mga mata ni Cindy. "Well, ganito....".."Ayos ka lang?" Tanong ni Agnes sa kasamang lalaki."Oo, okay lang ako." Sagot ni A
"O Aeros! Iho, nandito ka pala. Napasyal ka?..... Halika tuloy ka." Magiliw na bati at paanyaya ni Marina nang makita ang hindi inaasahang bisita sa pinto ng kanilang bahay. "Sandali lang ha, maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom." At nagtungo ito sa kusina.Hindi nabigyan ng pagkakataong magsalita ang binata, hindi tuloy nito nasabi ang kanyang pakay. Habang mag-isang nakaupo sa sala ay iginagala ni Aeros ng tingin ang kabuuan ng bahay. Hindi ganoon kalaki ang villa ngunit makikita pa rin na may nakaririwasang pamumuhay ang naninirahan doon."Maring, nasaan ka? Nakita mo ba yung necktie na bagong bili ko?" Sigaw at tawag ni Eduardo habang bumababa sa hagdanan, makikita na medyo iritado ito dahil hindi nito makita ang gamit na kanyang hinahanap. Pagbungad niya sa sala ay nagulat at natigilan siya nang matanaw si Aeros na hindi niya inaasahang makikita nang ganoong kaaga. "E-aeros Villacorte?"Tumayo ang binata at magalang na bumati. "G-good morning po.... tito."Napamaang si Eduard
Si Esmeralda ay merong nag-iisa at negosyanteng kapatid na lalaki. Katulad ng mga Villacorte, maganda din ang takbo ng negosyo at kilala din ito sa business world. Ngunit sa isang iglap ay bumagsak ang negosyo nito dahil may nagnakaw ng mga mahahalaga at confidential files ng kumpanya, at dahil dito ay unti-unting bumagsak ang stocks na nauwi sa pagkalugi ng negosyo nito. Nang pa-imbestigahan ay lumabas na isang empleyado na may apelyidong dela funetes ang may kagagawan ng lahat. Ang nasabing empleyado ay walang iba kundi ang kapatid ni Eduardo, na ama ni Agnes. Matapos nitong pagnakawan ang kumpanya ng kapatid ni Esmeralda ay hinimok nito si Eduardo na magtayo ng sarili nilang kumpanya gamit ang maliit lamang na kapital. Walang kaalam-alam si Eduardo na nanggaling pala sa nakaw ang magiging pundasyon nila sa pagtatayo ng sarili nilang negosyo.Dinamdam nang husto ng kapatid ni Esmeralda na si Eugenio ang nangyari, bilang isa sa mga tinitingala sa larangan ng negosyo ay hindi n