Share

CHAPTER 4 - Helping Dad

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-08-19 10:45:44

Kung sasabihin ni Agnes na hindi totoo ang sinabi ng madrasta, mapapasama nga ito nguni't magagalit at malulungkot naman ang daddy niya.

Bumuntong-hininga na lang ang dalaga. "Y-yes... Dad." Mabigat sa loob na sagot ni Agnes habang naka-kuyom ang kanyang mga kamao sa ilalim ng mesa.

"That's great! Thank you... Thank you, Agnes." Lumambot ang mga mata ni Eduardo. Naramdaman din niyang may katuwang na siya ngayon. "Then, Agnes anak. Aasahan ni daddy ang magandang ibabalita mo, ha?"

.

.

Matapos kumain ng almusal ay tinulungan ni Marina sa pag-i-impake ang asawa.

"Maring, habang wala ako dito, ikaw na ang bahala sa pamilya natin, ha..... Si Agnes at alfie, kahit hindi mo sila tunay na mga anak, sana ay mapagtiyagaan mo sila. Lalo na si Agnes, alam kong hindi kayo magka-sundo, pero sana ay manatili ka pa ring ina sa kanya katulad ng kay Maylene, maaari ba?"

Habang nakatungo't nagtitiklop ng damit ay umiikot ang mga mata ni Marina. 'Sino bang may gusto maging anak ang babaeng 'yon? Binato n'ya 'ko ng tasa at hindi ko malilimutan 'yon!'

"Maring?" Tawag ni Eduardo nang hindi sumasagot ang asawa.

"Ha? O-oo! Oo naman. Hindi mo naman kailangang sabihin pa iyan. Parang anak na nga ang turing ko dun sa dalawa e." Naka ngiting wika ni Marina pag-angat ng ulo nito.

Dahil bibiyahe pa ay kinailangan ding umalis ni Eduardo nu'ng araw na 'yon. Inihatid ito ng lahat sa gate.

"Agnes." Hinawakan ni Eduardo sa balikat ang anak. "Puwede bang.... asahan ko ang pag-pasok mo sa mga Villacorte? Isa kasi iyan sa mga kinakapitan kong pag-asa ngayon para sa negosyo natin e."

Biglang nagkaroon ng pressure si Agnes. Napatingin ito sa kamay ng ama na nasa kanyang balikat. Pakiramdam niya ay biglang bumigat iyon. "Um..." Hindi n'ya magawa pa-kompromiso, paano kung mabigo siya?

"Oo naman! Kayang-kaya ni Agnes 'yon, hindi ba Agnes?"

Gustong pandilatan ni Agnes ang Madrasta. Alam niyang iniipit siya nito para sa kasiguraduhan ng pagpasok niya sa mga Villacorte.

Pag-alis ni Eduardo ay agad nilapitan ni Marina si Agnes. Nag-cross arms ito. "O, narinig mo naman ang daddy mo..." Bahagya itong lumapit kay Agnes. "Umaasa siya sa 'yo dahil ikaw ang unica hija niyang maaasahan n'ya." Panunuya nito.

Umalis na ang mag-ina at naiwan ang mag-ate sa labas. Naisip ni Agnes na marahil ay seryosohin na lang n'ya ang pag-pasok sa mga villacorte.

Habang chine-check ang mga gamit niyang ipina-impake ni marina ay nanonood naman sa gilid ng kama si Alfie. "Ate, aalis ka ba talaga? Paano ako? wala akong kasama." Nalungkot ito't yumuko.

"Sorry alfie. Narinig mo naman kung para saan ito'ng gagawin ni ate, 'di ba?"

Nang maalala ang mga napag-usapan kanina ay biglang nawala ang lungkot ng bata. "Oo nga pala, para sa negosyo ni daddy! Okay na 'ko ate, kapag may puwede din akong gawin para kay daddy, gagawin ko!"

Natuwa si Agnes sa konsiderasyon ng kapatid sa murang edad nito.

Dahil gustong maka-siguro ni Marina na sa mansiyon nga ng mga Villacorte ang tuloy ni Agnes, inihatid niya ito.

Pagbaba:

"Tandaan mo, dapat tumagal ka dahil inaasahan ng daddy mo ang–"

"Oo na tita, alam ko na. Puwede ka nang umalis.... Salamat sa paghahatid." Tumalikod na si agnes at lumapit sa gate bitbit ang malaking bag.

Nainis si Marina sa inasta ng dalaga, ngunit nang makitang magdo-doorbell na ito ay bigla siyang pumasok at nagtago sa loob ng sasakyan at pinag-madali ang driver sa pag-alis.

.

.

Medyo naiinip na si Agnes sa pagdo-doorbell nang wala pa ring magbukas ng malaking gate. 'Ano ba 'yan, mag me-media oras na yata ako dito sa labas, ang init-init pa naman. May tao nga kaya sa mansion'g 'to?'

Biglang nangislap ang mga mata ng dalaga. 'O baka, hindi talaga ako para dito! Tama, magdo-doorbell pa 'ko ng isa, kung walang magbukas, e 'di.... sorry na lang.'

Nag-doorbell ng isa pang beses si Agnes at nang wala pa rin'g magbukas ay masaya itong tumalikod para umalis na.

Ngunit hindi pa man nakalalayo ay narinig na lang bigla ng dalaga ang pag-bukas ng gate. Maya-maya ay narinig naman niya ang isang ma-baritonong boses ni isang lalaki.

Nanindig ang mga balahibo ni Agnes nang magkaroon bigla ng reyalisasyon. Ito marahil ang naririnig niya sa ibang babae patungkol sa isang lalaki– Boses pa lang, makaka-buntis na.

"Who are you?"

Biglang nanigas si Agnes, hindi agad nito magawang lingunin ang lalaki. Hanggang sa maulinigan niya ang pagdating ng isang may-edad na katulong.

"Señorito, ako na ang bahala dito. Maaari na kayong pumasok sa loob."

Kapagdaka ay narinig ni Agnes ang mga papalayong yabag.

"Ikaw, sino ka't anong kailangan mo?"

Kahit hindi pa nakikita ni Agnes ang hitsura ng may-edad na babae, sa tingin n'ya ay mukhang masungit ito.

Dahan-dahang lumingon ang dalaga. 'Sabi ko na e, mukha nga siyang masungit.' aniya sa sariling nang makita ang striktong mukha ng matandang babae.

Sa tantiya ni Agnes ay baka nasa edad 60 na ito mahigit. Hindi pa ganoon karami ang mga uban nito at wala rin masyadong kulubot ang mukha. Sa kanyang hinuha ay mukhang alaga nito ang sarili.

Lingid sa kanyang kaalaman ay sinusuri din siya ng matandang babae. Namangha ito nung unang makita ang mukha ng dalaga. Ngunit agad din naman itong naka-bawi.

"Ano, tatayo ka na lang ba diyan at mangangalong baba lang? Sinasayang mo ang oras ko!" Masungit na wika nito na nagsisimula nang mainis.

Naalimpungatan si Agnes. "P-pasensiya na po, manang!.... A-ano... kuwan kasi e..."

Umangat ang kilay ng may-edad na babae. 'M-manang?'

"N-naparito po ako p-para sana mag-apply..."

Nang marinig iyon ay tiningnan niya ang bagahe'ng dala ni Agnes. Nagduda siya. Sobrang ganda ng mukha ng dalaga, naparito nga ba ito para maging katulong? Bakit hindi na lang ito mag-apply ng mas maayos na trabaho na babagay dito? Sa nakikita niya kasi'ng ayos nito ay mas mailalarawan niyang maglalayas lang ito dahil sa pagre-rebelde sa kanyang striktong mga magulang.

Ngunit may naiisip din siyang maaaring intensyon nito. Kumitid ang kanyang mga mata nang maisip iyon. "Hindi ka puwede dito.... pasensya na." Dagli niyang tanggi sabay talikod sa dalaga

Natulala na lang si Agnes. 'A-ano? Ni-reject niya agad ako?'

Isasara na sana ng may-edad na babae ang gate nang bigla na lang may lumabas na nagmamadaling katulong buhat sa loob ng mansiyon. May bitbit ito'ng malaking bag at umiiyak habang hinahabol ng isa pang katulong.

"Roda, maghulus-dili ka nga! Hindi ka naman pina-lalayas ni ser Aeros e." Wika ng humahabol.

"Basta ayoko na! Lagi na lang niyang ginagawa 'yon, porke ba pangit ako? Sa buong buhay ko, ngayon lang ako napahiya nang gan'un!" Umiiyak na sagot ng isa na may dalang malaking bag. Tadtad ng taghiyawat ang mukha nito, ang malapad nitong ilong ay namumula na sa pag-iyak.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng may-edad na katulong na naka-ligtaan na 'atang isara ang gate.

Natigilan ang dalawa at bahagyang sumaludo sa matanda.

Napamangha si Agnes. Naunawaan niyang may mataas na katungkulan pala ang katulong na ito. 'Hindi kaya, mayordoma siya?.... Sayang!' Biglang nakaramdam ng panghihinayang ang dalaga. 'Kung alam ko lang, sana mas naging magalang pa 'ko.... sana pala hindi ko siya tinawag na manang kanina.'

"Um... k-kasi Ms. Mildred, gusto nang umalis ni Roda e, napagalitan po kasi ni ser–"

"Hindi n'ya lang po ako pinagalitan..." Muling umiyak si Roda. "Ipinahiya rin po niya ako sa harapan ng mga kaibigan niya, tapos kung anu-ano pa po ang sinabi sa 'kin.... sabi n'ya, ikiskis ko raw po ang mukha ko sa espalto para kuminis. Tapos.... tapos..." Animo bata ito na nag-susumbong.

Napahawak sa kanyang noo si Ms. Mildred. "Okay, tama na. Hindi ba sinabi ko na nu'ng una pa lang na huwag kang masyadong lumantad kapag nasa mansyon si ser Aeros? O, e ano'ng ginagawa mo dun?"

"Um, Ms... Ms. Mildred...." Sabat ng isa. "Nu'ng mga oras na 'yon kasi ay pare-pareho po kami nila Lucy, becca't Vanyl na may ginagawa e, kaya s'ya ang nagsilbi kay ser Aeros at sa mga kaibigan n'ya po."

Humarap si Ms. Mildred kay Roda. "Buo na ba ang pasya mong umalis? Hindi kita pipigilan sa kung anuman ang magiging desisyon mo."

"Buo na po ang desisyon ko. Aalis na po ako dito kahit hindi ko na masisilayan si ser Aeros...."

"Tsk..." Napa-palatak na lang si Ms. Mildred. Nalalaman niyang malakas talaga ang karisma ng guwapong amo, maging sa mga katulong ng mansiyon na pasimpleng sumisilay dito. Kaya naman hindi na s'ya nagtataka kung bakit willing si Roda na pagsilbihan ito kahit masama ang pagtrato nito sa kanya.

".... kaya ibabaon ko na lang sa limot ang pagtingin ko sa kanya, hayyy..... "

Gusto na lang umirap ng isang katulong. Hindi lang naman ito ang may pagtingin sa guwapong amo, maging sila din.

"Sige po Ms. Mildred, salamat po sa mga aral na natutunan ko sa 2 taon'g pagta-trabaho ko dito sa mansyon. Paalam Dina, Ms. Mildred." At umalis na si Roda.

Sa buong proseso ay hindi man lang napansin ng dalawang katulong si Agnes na noo'y tahimik lang na nanonood at nakikinig sa may gilid ng gate.

Nang makitang tapos na ang drama ay naisip na rin niyang umalis. Ngunit pagtalikod ay natigilan siya nang bigla siyang tawagin ni Ms. Mildred. "B-bakit po?" Pagtataka ng dalaga.

"Hindi ba namamasukan ka?.... tanggap ka na."

Related chapters

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    CHAPTER 5 - Hired

    "Wow!" Nang tumingin si Dina ay namangha ito nang makita si Agnes.Tila nagulantang si agnes sa sinabi ni Ms. Mildred. Handa na sana siyang magdiwang dahil hindi na siya matutuloy sa pamamasukan sa mga villacorte, ngunit..... "P-po?! Pero s-sabi n'yo–"Tumikhim ang Matanda "Kaya hindi kita tinanggap kanina ay dahil sapat pa ang katulong namin, ngayong umalis na ang isa, tanggap ka na." Bago pumasok ng mansyon ay ibinilin muna ni Ms. Mildred si Agnes kay Dina na dalhin muna ito sa maid quarters.Masayang kinuha ni Dina ang bisig ng dalaga. "Naku, ang ganda-ganda mo naman! Sigurado ka bang mamasukan ka dito?""H-ha?" Tila biglang naging lutang si Agnes. Hinding n'ya akalain ang pagbabago ng sitwasyon."Ayos ka lang ba?.... ang mabuti pa ay pumasok na tayo, baka magalit pa si Ms. Mildred." Tinawag ni Dina ang isang lalaking nagsisilbi rin sa mansion at ipinabitbit papasok ang bag ni Agnes.Wala sa loob na nagpatangay ang dalaga.Sa loob ng Maid Quarters:"Ang ganda naman n'yan

    Last Updated : 2023-09-09
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 6 - Unexpected Explicit scenes

    Si Dina ang bale tumatayong kanang-kamay ni Ms. Mildred pagdating sa mga gawain sa Mansiyon. Inilibot nito si Agnes at ipinaliwanag ang mga kailangan gawin at tupdin doon.Namangha si Agnes matapos ikutin ang kabuuan ng malaking bahay. "Ang laki pala talaga nitong mansion ng mga Villacorte no?""Sinabi mo pa." Natitigan ni Dina ang ayos ng agnes. "Bakit mo nga pala ginanyan ang mukha mo? Anong naisipan mo at kailangan mong mag-disguise? Ang ganda-ganda mo e.""Um... Kase..." Nag-isip ng ida-dahilan si Agnes ngunit wala itong maisip. Ano naman kasi ang sasabihin niya? Sasabihin ba niyang may pinagtataguan siya? Hindi kaya siya mapag-bintangan'g wanted nu'n?Napabuntong-hininga si Agnes. Tinitigan nito si Dina. "Dina, mapagkakatiwalaan ka ba pagdating sa mga sekreto?"Saglit na napa-maang si Dina. "O-oo naman! Alam mo ba kung bakit ako ang piniling maging kanang-kamay ni Ms. Mildred? Kasi sa lahat daw ay ako ang pinaka-mature mag-isip at maasahan. Kaya, ligtas sa 'kin ang sekret

    Last Updated : 2023-09-14
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 7 - Interrogation

    "Who's that?!" Sigaw ng lalaki."My god!! May nakakita yata sa 'tin, ikaw naman kasi e.... Dali ibaba mo ko!" Tinig ng tila natatarantang babae.kasunod niyo'n ay ang pagkaluskos sa loob na tila ba mga nagbibihis na ito. Napatakip sa kanyang bibig si Agnes. 'Patay!' Agad itong tumakbo na nagdulot ng muling pagkabangga nito sa isa pang lumang gamit na naroon'g malapit sa basement. Hindi na iyon nagawang pansinin ng dalaga, diri-diretso lang ito sa pagtakas.Habang palabas ay nakabangga ni Agnes si Frederick sa kusina. Dahil sa tagal kung kaya nainip na ito, sa pag-aalala rin'g baka hindi alam ni Agnes kung nasaan ang wine cellar. Ngunit hindi pinansin ni Agnes ang lalaki. Pagka-kita dito ay dumiretso ito sa maid quarters. Naiwang nagtataka si Frederick at napasulyap ito sa pinanggalingan ng dalaga.Biglang nagbukas ang pinto ng maid's quarters, at kahit madilim sa loob ng silid ay diri-diretsong tinakbo ni agnes ang kanyang higaan at nagtalukbong.Dahil double deck ang kanila

    Last Updated : 2024-01-04
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 8 - Home Vacation

    Biglang napag-isip-isip ni aeros na hindi kaya si Agnes ang naka-kita sa milagrong ginagawa n'ya ng 'lingguhang' nobya niya dahil sa sinabi nitong, naka-panaginip ito ng 'Nagpapalehang aso?'Naputol ang pag-iisip ng binata nang biglang mag-ring ang cellphone nito. "Hi Cindy~ miss me?.... Where, in your condo?..... okay..... I'll be right there."...Nagtungo muna si Agnes sa maid's quarter para kumuha sana ng pamunas niya ng pawis bago simulan ang pagtatrabaho, ngunit nang hanapin na ang paborito niyang facetowel na may burda pa ng initials niya ay hindi n'ya ito matagpuan.Hinanap niya iyon sa mga labahin. Hindi naman siya burara sa kanyang mga gamit kaya nagtataka ito kung bakit bigla iyon nawala. Napapakamot na lang ng ulo ang dalaga. 'Nasaan na kaya 'yon?'Sa ilang Araw na nagdaan ay hindi muna nagpakita si Aeros sa mansyon. Dismayado tuloy ang mga katulong na naghihintay sa muling pagbabalik ng binata. Dahil walang amo'ng pagsisilbihan, pinahintulutan muna ni Ms. Mildred a

    Last Updated : 2024-01-13
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 9 - First Meeting

    "Hi, sir pogi~""Hi sir, Aeros~ nandito pala kayo~""Sir Aeros~"Malalambing na bati ng ilang empleyadong babae ng isang malaking kumpanya sa makisig na lalaki habang prente at kumportable itong naglalakad na nakapamulsa pa."Hi, good morning ladies~" balik na bati ni aeros. Naka-suit ito ngayon at mukhang disenteng tingnan, malayo sa playboy na hitsura nito."Aray! Ano ba mag-ingat ka nga!" Pagtataray ng isang babae na'ng masagi ito ng isang lalaking may dalang Leather bag na kasunod lang ni Aeros.Pinanlamigan ng tingin ng lalaki ang babae. "Sorry, ang arte-arte mo naman kasi maglakad, para kang nagpa-fashion show." Bahagyang may irap pang wika nito.Iniwan na ng lalaki ang napangangang babaeng empleyado at sumunod na kay Aeros.Nagtawa si aeros at nilingon ang kasunod na lalaki sa kanyang likuran. "Huwag ganyan Jules, baka hindi ka magka girlfriend niyan, sige ka.""Hump! Hindi ko kailangan ng girlfriend." May bahagyang irap na sagot ng lalaki.Ito si Julius Benedicto; assis

    Last Updated : 2024-05-22
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    chapter 10 - Take Her By Force

    Sa una ay nagpipiglas pa si agnes nang biglang itong hilahin at yapusin ng lalaki, ngunit natigilan ang dalaga nang makita ito. Hindi rin nakakilos sila juvy at diane sa kanilang kinatatayuan nang makita ang lalaki."S-si.....si aeros Villacorte b-ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni juvy sa kaibigan na isa ring tulala."P-parang...." Hindi siguradong sagot naman ni diane.Umangat ang gilid ng labi ni aeros habang nakatingin sa natulalang mukha ng magandang dalaga sa kanyang harapan. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga nito. "Sumama ka sa kin." Bulong niya.Wala nang nagawa pa ang tulala pa rin'g si Agnes nang hilahin ito sa kung saan ni aeros, maging ang mga kaibigan ng dalaga.Hinila ni Aeros si agnes hanggang sa pasilyo ng ilang silid sa club. Sa gawing ito ay bibihira ang tao. Saka lang nagising si Agnes na'ng mamalayan ang pagbabago ng paligid. "T-teka..... s-saan mo ko dadalhin?" Saka lang muli nagsimulang pumiglas ang dalaga sa pagkaka-kapit ng lalaki."Shh.....

    Last Updated : 2024-05-22
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 11 - Interruption

    "Agnes!" Agad lumapit si Diane at agad din'g itinulak nang malakas ang lalaking nakakubabaw sa babae sa ilalim nito na alam niyang si Agnes. Tinulungan ni Diane si Agnes na ayusin ang sarili. Sa mga oras na iyon ay halos matanggal na ang b*a ng dalaga, ngunit dahil sa panlalaban nito ay hindi iyon tuluyang natanggal ni aeros. Habang si Diane ay aligaga sa pagtulong sa kaibigan, sa gilid naman ng kama ay naroong nakatunganga ang natulalang si Juvy. Nag-ngi-ngitngit ang mga ngipin nito na'ng maisip kung ano ang dinatnan nilang nagaganap sa dalawa pag pasok nila. Naisip niya kung hindi siguro sila dumating siguro ay nagpapakasaya na at nasa alapaap na ng kaligayahan ang mga ito. Hindi iniisip ni Juvy na dehado at inagrabyado si Agnes sa nangyari, hindi rin niya naisip na hindi talaga ginusto ng kaibigan ang pamimilit ni Aeros, dahil para kay Juvy; magandang pagkakataon at oportunidad na ito sa mga babaeng makakaniigan ang isang aeros Villacorte. "Juvy, ano bang itinatayo-tayo mo

    Last Updated : 2024-05-26
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 12 - Face To Face

    Matapos mangyari ang insidente sa club ay kaagad umuwi si Agnes. Hindi na rin nila napag-usapan nila Juvy at Diane ang tungkol sa lalaking humila sa kanya, at hindi na rin nagawa pang banggitin ni diane na ang lalaki ay si aeros Villacorte. Sa isang araw pa dapat ang balik ng mga katulong sa mansyon ng mga Villacorte, ngunit kinagabihan, nu'ng araw ring iyon mismo ay tinawagan ni Ms. Mildred si Agnes para pabalikin na ito sa mansiyon, maging ang iba rin'g mga katulong. Dahil sa nangyari at sa kanyang naranasan sa club ay hindi nakatulog si Agnes nu'ng gabing iyon, kaya mag-u-umaga na ito nakatulog at late nang nagising. Pupungas-pungas pa ito habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. Pagbalik ng Mansion ay nagtaka si Agnes nang walang makitang katulong na nagta trabaho. "Ms. Mildred, nasaan na po ang iba pa? Ako lang po ba ang pinabalik n'yo?" Hindi sinagot ng matanda ang tanong ni Agnes, sa halip ay pinandilatan niya ito. "Bakit late ka? Alam mo naman kung anong oras ka dapat bu

    Last Updated : 2024-05-26

Latest chapter

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 110 – Strife

    Dahil matagal nang kilala nila Agnes si Gerald kung kaya ay palagay na ang loob nila dito at ganun din naman ang huli. Nagpunta ito sa villa para maghatid ng ilang files kay Agnes dahil hindi na ito nakakapunta sa kumpanya gawa ng abala ito sa pag-aalaga sa kanyang anak.Pagdating ni Gerald ay pinagsilbihan ito ni marta at binigyan ng isang tasa ng kape. Ilang saglit lang ay may biglang nag-doorbell sa labas kaya kinailangang lumabas ni Marta. Pagbalik ay kasama na nito sila aeros at Fredericko. Nang makita si Aeros ay agad tumayo si Gerald para hinarangan ito. Sa kanyang senyas ay iniwanan sila ni Marta, pagbaling sa hindi inaaasahang bisita ay marahas n'ya itong tinanong: "Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" Matapos magpalitan ng ilang pangungusap ay ngumisi si gerald sa katanungan ni aeros: "Anong ibig kong sabihin? Hindi mo pa rin ba makuha? Ano ba ang pagkakaintindi mo?""Puwede ba, ayokong makipaglaro ng pala-isipan sa'yo, ano bang malay ko kung nag-aasume ka lang? D

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 109 – Thrilling Unexpectedness

    Pag-alis ni Esmeralda ay hindi na mapakali si Aeros, paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang huling kataga ng kanyang lola na meron silang anak ni Agnes. Naupo s'ya sa gilid ng kama at nakagat ang kanyang hinlalaki, pagkatapos ay muli siyang tumayo at nagpalakad-lakad.Kung ibang tao ang nagsabi niyon sa kanya ay tiyak na magkakaroon siya ng malaking pagdududa, ngunit iba kung ang kanyang lola ang nagsabi. Ngunit naiisip din n'ya na maaaring nag-iilusyon lang ang matanda dahil sa kagustuhan nitong magkaroon na ng apo sa tuhod. Dahil nga dito kung kaya ay kamuntikan na itong mapaglalangan ni Cindy noon.Ganun pa man ay meron'g parte ng kanyang utak ang nagsasabi sa kanya na maaaring posible nga iyon. 'M-magiging ama na ko?' aniya sa kanyang loob, bigla niyang nadagukan ang sarili. 'Mali, hindi pala..... ama na pala ako pero ngayon ko lang nalaman.' Mababakas kay Aeros ang excitement at tila gusto nitong mag selebra. Nagbabadya din ang pag-ngiti ng kanyang labi ngunit pilit n'ya

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 108 – The Shocking And Exciting News

    Mabilis na nakahanap ng magaling na hacker ang assistant ni Esmeralda nang utusan niya itong alamin ang kinaroroonan ni Agnes dahil na rin sa kuneksyon ng pamilya Villacorte. Nang gabing iyon ay nabuksan ng inupahang hacker ang naka lock na F@cebook account ni Agnes at doon tumambad sa kanya ang malaking impormasyon na agad niyang ipinadala sa kanyang amo kasama ang impormasyon kung saan ito nakatira.Nagitla si Esmeralda sa nalaman lalo na nang ipadala sa kanya ng kanyang assistant ang larawan ng isang buwan'g gulang pa lang na si Aaron. Doon niya biglang naalala ang isang buwang gulang din na sanggol na kanilang nakita ng caregiver sa mall. Nang kanyang paghambingin ay nakumpirma niyang malaki ang pagkakatulad ng dalawa.Napahawak sa kanyang dibdib si Esmeralda, ngayon niya natiyak kung bakit ganu'n ang kanyang naramdaman nang makita ang bata, kung bakit siya nakakaramdam ng koneksyon para dito. Malakas ang kanyang kutob na ang sanggol na iyon at ang anak ni Agnes sa larawan na i

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 107 – Concealment

    Gabi na nang umalis si easton dahil marami silang napag-usapan ng kaniyang lola. Pag-alis ni Easton ay naroon pa rin sa malaking sala si Esmeralda, tila malalim ang iniisip nito.Maya-maya ay lumapit si Ms. Mildred. "Donya Esmie, nakahanda na po ang hapunan. Nasaan na po si ser Easton, hindi po ba siya dito maghahapunan?""Umalis na, meron daw siyang kailangang imi-meet." Ani ng tulalang si Esmeralda."Donya esmie, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip n'yo a.""Naisip ko lang ang mga napag-usapan namin ni Easton. Alam mo, tama yung sinabi niya sa kin: kaming tatlo lang ang tunay na nagmamalasakit kay Aeros pero kaming dalawa lang ni Fredericko ang pinaka pinagkakatiwalaan n'ya, pero...... anong ginawa ko? Binigo ko siya. Ayun, umalis tuloy siya at nagpaka layo-layo."Nang maramdaman ng mayordoma na tila sinsisi na naman ng donya ang sarili ay inalo-alo n'ya ito. Hindi muna kumain ng hapunan si Esmeralda dahil wala pa itong gana. Nang maka-alis si Ms. Mildred ay kinuha ni Esm

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 106 – His Return

    "M-ma'am!.... K-kanina pa ba kayo nakabalik? Ba't ang aga n'yo naman ata'ang umuwi, diba dapat mamaya pang hapon ang uwi n'yo?" Tanong ng isang nagulat at kararating lang na yaya nang datnan ang kanyang among babae na nakaupo sa sala. "Analyn, mukhang nakakalimutan mo yata kung ano ang papel mo sa pamamahay na ito para tanungin ako nang ganyan." Sagot ng magandang babae na tinawag na "ma'am" ng kararating lang na yaya.Naging awkward ang kanilang pag-uusap, napayuko sa pagkapahiya ang nagngangalang Analyn at hindi nakasagot. Mabuti na lamang ay bigla niyang naalala ang kanyang alaga kaya nagkaroon ito ng excuse para hindi pansinin ang sinabi ng amo. Hinila niya ang dalang stroller papasok ng villa. "Ipinasyal ko po si Aaron, kasi nag-iiyak siya kanina e." Bahagyang umangat ang kilay ng magandang babae sa sofa nang marinig iyon. "Nag-iiyak? Paanong nag-iiyak, e hindi naman iyakin si Aaron?" Tumayo siya at nilapitan ang sanggol sa stroller na noo'y mahimbing na'ng natutulog. May pag

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 105 – Trouble

    "Señora, mukhang bagay na bagay po ito sa inyo o. Ang elegante ng disenyo at ang ganda ng kulay, bakit hindi n'yo po ito subukan?" Wika ng isang caregiver sa kanyang amo habang itinuturo ang isang magandang blouse. Naroon sila sa isang mamahaling boutique ng isang mall. "Señora?" Tawag niya nang hindi siya pansinin nito. Nakatingin lang ito sa isang stroller na naroon sa isang tabi sa labas. Lumapit siya sa matanda. "Señora, may problema po ba?""Ludy, tingnan mo nga yun, yung stroller na yun....." Turo ng señora sa stroller. "Tingnan mo nga kung may bata doon, kanina ko pa kasi napapansin yun doon e."Nilapitan ng caregiver ang naturang stroller at agad bumalik sa kanyang amo. "Meron pong baby sa loob, at ang cute cute n'ya. Ngumiti agad siya sa kin nang makita ako." Aniya na tila nagigiliwan sa sanggol, ni hindi n'ya napansin ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang amo.Biglang lumabas ng boutique ang Señora at tinungo ang kinaroroonan ng sanggol kasunod ang kanyang caregiver. Nang

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 104 – Detachment

    "Mukhang malalim ang iniisip mo dad a." Ani Agnes sa ama habang nakadungaw ito sa veranda. "May problema ba?"Nagpakawala ng buntong-hininga si Eduardo, pagkatapos ay inakbayan ang anak. "Wala naman. Ano ang tingin mo dito sa villa'ng nabili natin, mas malaki 'to kaysa sa dati.""Bakit nga pala mas malaki pa sa dati nating tinitirhan ang binili mo dad, e tatatlo lang naman tayo?""Ayos na rin ito para kung sakaling bumuo na ng pamilya si Alfie sa hinaharap, hindi siya mapapahiya kapag iniuwi na n'ya dito ang mapapangasawa niya."Napapalatak si Agnes. "Dad, ang layo at ang tagal pa nun a, ang bata-bata pa ng kapatid ko no.""Alam ko naman yun, pero ayos na rin siguro kung paghandaan natin yun nang maaga."Maya-maya lang ay biglang may sumingit sa gitna ng dalawa. Isiniksik nito ang sarili at yumakap sa magkabilang bewang nila."Bakit Alfie, may kailangan ka ba?" Tanong ni Eduardo sa kanyang bunso."Wala po, narinig ko kasi ang pangalan ko e, tinatawag n'yo po ako?" Sagot ng bata.Nagta

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 103 – Disconnection

    Mula sa condo ni Aeros ay nagtungo naman si Vance sa condo ni Cindy para kumpirmahin dito ang hinala ngunit nakakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas. Tinawagan n'ya ito ngunit hindi din nito sinasagot. Dumilim ang mukha ni Vance, tila pinagtataguan siya ng babae. Hindi siya tumigil sa pag-contact dito. Maya-maya lang ay may sumagot na sa kabilang linya: "O Vance, napatawag ka? Akala ko ba ay dapat magkanya kanya na–""Nasa labas ako ng Condo mo, buksan mo ang pinto." Putol ni Vance."At ano naman ang kailangan mo, wala ako diyan.""Nasaan ka?""Nandito ako kila Aeros..... Dito na kasi ako titira magmula ngayon hanggang sa maikasal kami...." May pagmamalaking sagot ni Cindy. "Huwag mong sabihing pupuntahan mo ko dito." Hindi siya sinagot ng lalaki dahil pinutol na nito ang linya. Ipinagkibit-balikat lang ni Cindy ang pagtawag ni Vance, subalit hindi nito akalaing pupuntahan nga siya nito sa mansyon."Ano, hinahanap ako ni Vance? Bakit daw?" Tanong ni Cindy kay Ms Mil

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 102 – Doubt

    "My goodness dude, what a big scoop!..... No way! You and Cindy...... were having a baby?" Usisa ni Vince paglabas ng mansyon, nakasunod ito kay aeros."Don't believe her bullsh*t, you know what kind of manipulative bi*ch she is...... Kailanman ay hindi ko kikilalanin ang bata sa tiyan n'ya.""But dude.... let's say that Cindy is indeed having an affair with a lot of men, but what if at the end of the day ay napatunayan na sayo nga yung bata, anong gagawin mo?"Pumasok sa sasakyan si Aeros. "Hindi ko magiging problema yun, atleast not for now...""What?" Tanong ni Vince habang inilalagay ang kanyang seatbelt. "Anong ibig mong sabihin?""Never mind. Basta I'm a hundred percent na hindi ako magkaka-anak sa ibang babae maliban kay agnes." Nang maisip ang dalaga ay tila nahawi ang karimlan kay aeros, ang pagkagalit niya dahil sa ginawa ni Cindy ay nawala. Hindi lang n'ya masabi kay Vince na hindi siya "tinatayuan" sa ibang babae kundi tanging sa kasintahan lang, kaya kumpiyansa siyang hin

DMCA.com Protection Status