Home / Romance / The Disguised Maid In The Wolf's Den / CHAPTER 3 - Feud In The Family

Share

CHAPTER 3 - Feud In The Family

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2023-08-19 10:44:50

Hindi nagustuhan ni Agnes ang sinabi ng madrasta, sumama ang mukha ng dalaga. "Ako pabigat? Sige nga tita, magkuwentahan tayo kung sino ang MALAKAS gumastos dito, kung sino ang totoong 'pabigat'!" Sinulyapan ni Agnes ang mga alahas na suot ng madrasta nang ganito kaaga.

"Una, hindi lang ako ang nakikinabang sa pera ni daddy, hindi ba kayo rin'g mag-ina?"

Sumama ang mukha ni Marina. "AGNES! sumasagot ka na nang ganyan sa 'kin ngayon?!"

"Opo! dahil alam kong nasa katwiran ang mga sinasabi ko, at hindi pa 'ko tapos..... Iyang mga alahas n'yo, kaninong pera ang ipinambili n'yo diyan? 'yung sobrang mahal na tuition fee ni Maylene, sino ang nagbabayad? Isama pa natin ang ibang luho n'yo katulad ng pagsusugal n'yo't halos araw-araw na pagsho-shopping n'yong dalawa, hindi ba sa daddy ko nang-gagaling 'yon?"

Nagkaroon ng katahimikan sa buong hapag. Maya-maya:

"Hoy, Agnes! Sumosobra ka na sa pagsagot-sagot mo sa mommy ko a, baka nakakalimutan mo, kabilang na kami sa pamilya'ng 'to, kaya ayusin mo ang pagtrato sa 'min!" Talak ni Maylene nang makitang hindi na makapag-salita ang ina.

Nagtawa si Agnes. "Ayusin ko ang pagtrato ko sa inyo? E kayo? Paano n'yo ba ako tratuhin? Lalo ka na, kung umasta ka akala mo ikaw ang totoong anak ng may-ari nito'ng Villa. Hoy Maylene, hindi ka totoong anak ng daddy ko, kaya hindi ka ba nahihiya noong pinagtatrabaho ka n'ya sa kumpanya ng ninong Efren ko para ma-reduce kahit paano ang mamahalin'g tuition fee mo? pero ayaw mo?..... Hindi mo ba naisip na tulong iyon kay daddy? Aba, daig mo pa ako e, dahil halos walang gastos si daddy sa pag-aaral ko, dahil nagpa-scholar ako!"

Hinampas ni Marina ang mesa. "Tama na! Tumigil ka na Agnes, mas matanda ako at si Maylene sa 'yo, wala kang galang!"

"Pasensiya na tita, pero mas gusto kong igalang 'yung mga karapat-dapat galangin."

"At talagang sumasagot ka pa, ha!..." Dinampot ni marina ang tasa'ng inuman ng kape at ibinato kay Agnes, mabuti na lang at alisto ang dalaga. Nasalag iyon ni Agnes at naibato pabalik kay Marina.

"Ahh! Aray!" D***g ni Marina nang tamaan ito sa noo.

"M-mommy!!" Sigaw ni Maylene.

"Anong nangyayari dito?!" Natigilan ang tatlo sa mesa sa pagdating ng isang may-edad na lalaki, hawak nito ang kamay ng isang batang lalaki.

.

.

.

Tahimik ang buong hapag maging ang mga naroroon, habang ang tanging maririnig lang ay ang pagtunog ng may kalumaan na'ng orasan na naka-sabit sa may kataasang haligi ng Villa.

Ilang beses na'ng nagtanong ang haligi ng tahanan'g naroon'g naka-upo sa kabisera ng mesa, ngunit gaputok man sa mga itinanong niya ay walang sumagot.

"Ano, ganito na lang ba tayo?...." Mahina niyang tanong. "Hindi ba talaga kayo aamin, ha? Maylene, Maring, Agnes.... Hindi ba talaga kayo magsasalita?....."

CRASHH!!

Nagitla ang lahat nang biglang hawiin ni Eduardo ang ilang nakalatag na pagkain na abot niya. Nahulog ang mga iyon at nagkanda-basag sa sahig "HINDI BA TALAGA KAYO MAGSASALITA?!!"

Sa gulat at takot ay napayakap ang mag-ina sa isa't-isa. Habang ang bata naman'g katabi ni Agnes na halos ayaw na'ng humiwalay sa kanya ay natakot din, at ngayo'y nakayakap nang mahigpit sa dalaga.

"D-dad...." lakas-loob na tawag ni Agnes. "P-please.... natatakot ang kapatid ko."

Sumunod si Marina. Bahagya itong nagkaroon ng lakas ng loob at ginaya si Agnes. "O-oo nga Edward.... s-sayang ang pagkain... h-h'wag mo naman'g itapon."

Pinanlisikan ng tingin ni Eduardo si marina. "Nanghihinayang ka? Sino'ng bumili niyan?! Sino?!!"

Naitikom ni Marina ang bibig. 'Ikaw.... Hindi ko naman sinabing ako, e.' wika n'ya sa loob-loob niya.

"Ano'ng sinabi ko sa inyo bago ako umalis? Nalimutan n'yo na ba?..... Kahit hindi kayo magkakasundo huwag kayong magsasakitan. Pero ano yung inabutan ko? Nagbabatuhan kayo ng baso!! Iisang pamilya tayo pero bakit mga nag-aaway kayo? Ano ang problema't pinag-aawayan niyo?"

Nagkatinginan ang tatlo. Paano nila aaminin kay Eduardo na ang kanilang pinag-aawayan ay siguradong magpapa-init lang muli ng ulo nito? Nahihiya rin sila'ng aminin na nagkukuwentahan sila.

Itinukod ni Eduardo ang siko sa lamesa at sinapo ang kanyang noo. Sa hitsura nito ay mukhang pagod na pagod na ito, na hindi naman maikakaila dahil paroo't parito ito para maisalba ang kanyang negosyo.

Nahabag si Agnes sa nakitang ayos ng ama. Dati'y ang tingin n'ya dito ay hindi tumatanda, ngunit nang malugi ang negosyo nito ay bigla na lang nagsulputan ang mga puti nitong buhok at bigla na lang ito'ng tumanda.

Naramdaman ni Agnes ang pag-init ng kanyang mga mata dahil sa awa sa ama. Nang tingalain s'ya ng kapatid ay agad niyang pinahid ang mga namumuo niyang luha.

Nang mga oras na iyon ay nagkaroon ng panata si Agnes sa sarili. 'Dad. magmula ngayon, hindi na 'ko magpapasaway. Hindi ko na lang papatulan ang 'isinumpa' kong madrasta. Kung ano ang alam kong makakabuti para sa 'tin at sa pamilya natin.... gagawin ko, matulungan lang kita, mapa-gaan ko man lang ang mga pasanin mo..."

Hindi namalayan ni Agnes na tuluyan nang nahulog ang kanyang mga luha. Muling napa-angat ng ulo ang kanyang bunsong kapatid na noo'y naka-hilig sa kanyang dibdib. "Ate, umiiyak ka? Natatakot ka rin ba kay daddy?"

Ngumiti si Agnes at hinimas ang kapatid sa ulo. "Hindi Alfie, naisip lang ni ate na maging responsable na magmula ngayon. Kikilos ako't magtatrabaho para matulungan naman si daddy, at nang sa ganu'n ay hindi na s'ya masyado mahirapan."

Nagliwanag ang mga mata ni alfie "Ako rin ate! Kapag lumaki na 'ko, magiging magaling na piloto ako at magpapayaman ako.... Tapos, tapos, ipapasyal ko kayo ni daddy!"

Mahina't banayad lang ang boses ng magkapatid, ngunit dahil tahimik sa buong hapag ay dinig iyon.

Umirap sila Marina't Maylene sa magkapatid, pareho ang mga ito ng iniisip– Nagpa pakitang-gilas at nagpapalakas sa ama si Agnes.

Habang negatibo ang dating ng Sinabi ni Agnes sa mag-ina, kay Eduardo naman ay parang mayuming tunog ng payapang hangin, na kumakalma sa magulong isipan ang tinig ng mag-kapatid.

Unti-unting sumibol ang ngiti sa mga labi ni Eduardo habang nakatingin sa kanyang panganay at bunso.

"Actually....." Bumaling ang lahat kay Eduardo. Makikitang nabawasan na rin ang init ng ulo nito. "Sinundo ko si Alfie sa school para i-surprise siya, para ma-isabay ko na rin s'ya pag-uwi, dahil..... gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang magandang ibabalita ko. Kaya lang......" Naalala ni Eduardo ang kanyang dinatnan pag-uwi. "Anyway, ang magandang ibabalita ko ay, may nakita na kami ni pare'ng Rey na potential investors.."

"Wow! May nakita ka na? Congratulations, honey!" Masayang bati ni marina.

"Congratulations, tito. Sana magtuloy-tuloy na 'yan!" Bati ni maylene.

Ito ang naisip ng mag-ina para makabawi kay Eduardo, ang purihin ito.

"No, no, no... Not yet. Patapusin n'yo muna ako. Ang sabi ko ay potential investors, means hindi pa kami nagkakaroon ng business deals. May events kaming a-attend-an ni pare'ng Rey. Ang host ng events ay ang bigatin at Elite sa business worlds–si Frederick Villacorte..."

'Villacorte?' napukaw ang atensyon ni Agnes at lalo pang naging masidhi ang pakikinig nito sa ama.

"Kaya kami a-attend ni pare'ng Rey ay dahil magkakaroon ng evaluations sa mga maliliit na negosyanteng kagaya namin. Ang mapipili ay ang tutulungan ng Villacorte's PromGrand."

Tila nadismaya ang mag-ina. Nawala ang ngiti ng mga ito dahil hindi pa pala sigurado.

"Bakit ganyan ang mga mukha niyo? Tingin niyo ba hindi papasa si daddy? Wala ba kayong tiwala sa kakayahan niya?" Puna ni Agnes sa mag-ina.

Napalingon si Eduardo sa mga ito.

Pinanlisikan ni Marina si Agnes. Balak ba nitong pagmukhain silang mag-ina na 'unsupportive' sa ama nito?

Biglang may naisip si Marina na pambawi kay Agnes. "Right! Muntikan ko nang malimutan..." Aniya na humahampas-hampas pa sa mesa. "Edward, alam mo ba'ng sinabi ni Agnes na may alam daw siyang paraan kung paano ka matutulungan?"

Nabaling ang tingin ni Edward kay Agnes. "Hmm? Talaga, Agnes?"

Pasimpleng sinamaan ng tingin ni Agnes ang madrasta. Alam niyang balak nitong i-push ang pag-papaalis sa kanya, ngunit hindi n'ya ito pagta-tagumpayin. Bumaling siya sa ama. "Actually dad, gusto kong mag-try sa ACL Corpor–"

"Ang sabi ni Agnes, balak daw niyang pumasok sa mansiyon ng mga Villacorte, bilang....... Katulong."

Nagitla si Eduardo. Nu'ng marinig niya ang pamilya Villacorte ay naisip niya ang magandang oportunidad, ngunit...... bilang katulong?

"T-teka.... Katulong? B-bakit ka naman magkakatulong sa mga Villacorte?" Baling ni Eduardo kay Agnes.

Si Marina ang sumagot. "Honey, huwag ka munang mag-isip ng negatibo...... Ang talagang layunin ni Agnes, ay para mapalapit sa puno ng mga Villacorte, nang sa ganun ay makuha niya ang pabor nito at tuloy, mailapit ang problema sa negosyo mo. Hindi ba, Magandang ideya iyon? Alam mo, matalino talaga ito'ng si Agnes e."

Ikinuyom ni Agnes ang mga kamao. Ang talagang gusto niya ay ang makapasok na intern sa ACL corporation para makakuha ng experience at maging isa sa mga top executives doon balang araw, sa ganu'n ay magagawa na niyang hatakin pa-angat ang negosyo ng ama.

Kokontrahin na sana niya ang sinabi ng madrasta nang makita ang mga nagni ning-ning na mga mata ng ama sa kanya.

"T-totoo ba 'yon Agnes? G-gagawin mo 'yun, para tulungan si daddy?"

Hindi agad nakasagot ang dalaga. Naitutop nito ang mga labi.

Related chapters

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    CHAPTER 4 - Helping Dad

    Kung sasabihin ni Agnes na hindi totoo ang sinabi ng madrasta, mapapasama nga ito nguni't magagalit at malulungkot naman ang daddy niya.Bumuntong-hininga na lang ang dalaga. "Y-yes... Dad." Mabigat sa loob na sagot ni Agnes habang naka-kuyom ang kanyang mga kamao sa ilalim ng mesa."That's great! Thank you... Thank you, Agnes." Lumambot ang mga mata ni Eduardo. Naramdaman din niyang may katuwang na siya ngayon. "Then, Agnes anak. Aasahan ni daddy ang magandang ibabalita mo, ha?"..Matapos kumain ng almusal ay tinulungan ni Marina sa pag-i-impake ang asawa. "Maring, habang wala ako dito, ikaw na ang bahala sa pamilya natin, ha..... Si Agnes at alfie, kahit hindi mo sila tunay na mga anak, sana ay mapagtiyagaan mo sila. Lalo na si Agnes, alam kong hindi kayo magka-sundo, pero sana ay manatili ka pa ring ina sa kanya katulad ng kay Maylene, maaari ba?"Habang nakatungo't nagtitiklop ng damit ay umiikot ang mga mata ni Marina. 'Sino bang may gusto maging anak ang babaeng 'yon? Binato

    Last Updated : 2023-08-19
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    CHAPTER 5 - Hired

    "Wow!" Nang tumingin si Dina ay namangha ito nang makita si Agnes.Tila nagulantang si agnes sa sinabi ni Ms. Mildred. Handa na sana siyang magdiwang dahil hindi na siya matutuloy sa pamamasukan sa mga villacorte, ngunit..... "P-po?! Pero s-sabi n'yo–"Tumikhim ang Matanda "Kaya hindi kita tinanggap kanina ay dahil sapat pa ang katulong namin, ngayong umalis na ang isa, tanggap ka na." Bago pumasok ng mansyon ay ibinilin muna ni Ms. Mildred si Agnes kay Dina na dalhin muna ito sa maid quarters.Masayang kinuha ni Dina ang bisig ng dalaga. "Naku, ang ganda-ganda mo naman! Sigurado ka bang mamasukan ka dito?""H-ha?" Tila biglang naging lutang si Agnes. Hinding n'ya akalain ang pagbabago ng sitwasyon."Ayos ka lang ba?.... ang mabuti pa ay pumasok na tayo, baka magalit pa si Ms. Mildred." Tinawag ni Dina ang isang lalaking nagsisilbi rin sa mansion at ipinabitbit papasok ang bag ni Agnes.Wala sa loob na nagpatangay ang dalaga.Sa loob ng Maid Quarters:"Ang ganda naman n'yan

    Last Updated : 2023-09-09
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 6 - Unexpected Explicit scenes

    Si Dina ang bale tumatayong kanang-kamay ni Ms. Mildred pagdating sa mga gawain sa Mansiyon. Inilibot nito si Agnes at ipinaliwanag ang mga kailangan gawin at tupdin doon.Namangha si Agnes matapos ikutin ang kabuuan ng malaking bahay. "Ang laki pala talaga nitong mansion ng mga Villacorte no?""Sinabi mo pa." Natitigan ni Dina ang ayos ng agnes. "Bakit mo nga pala ginanyan ang mukha mo? Anong naisipan mo at kailangan mong mag-disguise? Ang ganda-ganda mo e.""Um... Kase..." Nag-isip ng ida-dahilan si Agnes ngunit wala itong maisip. Ano naman kasi ang sasabihin niya? Sasabihin ba niyang may pinagtataguan siya? Hindi kaya siya mapag-bintangan'g wanted nu'n?Napabuntong-hininga si Agnes. Tinitigan nito si Dina. "Dina, mapagkakatiwalaan ka ba pagdating sa mga sekreto?"Saglit na napa-maang si Dina. "O-oo naman! Alam mo ba kung bakit ako ang piniling maging kanang-kamay ni Ms. Mildred? Kasi sa lahat daw ay ako ang pinaka-mature mag-isip at maasahan. Kaya, ligtas sa 'kin ang sekret

    Last Updated : 2023-09-14
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 7 - Interrogation

    "Who's that?!" Sigaw ng lalaki."My god!! May nakakita yata sa 'tin, ikaw naman kasi e.... Dali ibaba mo ko!" Tinig ng tila natatarantang babae.kasunod niyo'n ay ang pagkaluskos sa loob na tila ba mga nagbibihis na ito. Napatakip sa kanyang bibig si Agnes. 'Patay!' Agad itong tumakbo na nagdulot ng muling pagkabangga nito sa isa pang lumang gamit na naroon'g malapit sa basement. Hindi na iyon nagawang pansinin ng dalaga, diri-diretso lang ito sa pagtakas.Habang palabas ay nakabangga ni Agnes si Frederick sa kusina. Dahil sa tagal kung kaya nainip na ito, sa pag-aalala rin'g baka hindi alam ni Agnes kung nasaan ang wine cellar. Ngunit hindi pinansin ni Agnes ang lalaki. Pagka-kita dito ay dumiretso ito sa maid quarters. Naiwang nagtataka si Frederick at napasulyap ito sa pinanggalingan ng dalaga.Biglang nagbukas ang pinto ng maid's quarters, at kahit madilim sa loob ng silid ay diri-diretsong tinakbo ni agnes ang kanyang higaan at nagtalukbong.Dahil double deck ang kanila

    Last Updated : 2024-01-04
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 8 - Home Vacation

    Biglang napag-isip-isip ni aeros na hindi kaya si Agnes ang naka-kita sa milagrong ginagawa n'ya ng 'lingguhang' nobya niya dahil sa sinabi nitong, naka-panaginip ito ng 'Nagpapalehang aso?'Naputol ang pag-iisip ng binata nang biglang mag-ring ang cellphone nito. "Hi Cindy~ miss me?.... Where, in your condo?..... okay..... I'll be right there."...Nagtungo muna si Agnes sa maid's quarter para kumuha sana ng pamunas niya ng pawis bago simulan ang pagtatrabaho, ngunit nang hanapin na ang paborito niyang facetowel na may burda pa ng initials niya ay hindi n'ya ito matagpuan.Hinanap niya iyon sa mga labahin. Hindi naman siya burara sa kanyang mga gamit kaya nagtataka ito kung bakit bigla iyon nawala. Napapakamot na lang ng ulo ang dalaga. 'Nasaan na kaya 'yon?'Sa ilang Araw na nagdaan ay hindi muna nagpakita si Aeros sa mansyon. Dismayado tuloy ang mga katulong na naghihintay sa muling pagbabalik ng binata. Dahil walang amo'ng pagsisilbihan, pinahintulutan muna ni Ms. Mildred a

    Last Updated : 2024-01-13
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 9 - First Meeting

    "Hi, sir pogi~""Hi sir, Aeros~ nandito pala kayo~""Sir Aeros~"Malalambing na bati ng ilang empleyadong babae ng isang malaking kumpanya sa makisig na lalaki habang prente at kumportable itong naglalakad na nakapamulsa pa."Hi, good morning ladies~" balik na bati ni aeros. Naka-suit ito ngayon at mukhang disenteng tingnan, malayo sa playboy na hitsura nito."Aray! Ano ba mag-ingat ka nga!" Pagtataray ng isang babae na'ng masagi ito ng isang lalaking may dalang Leather bag na kasunod lang ni Aeros.Pinanlamigan ng tingin ng lalaki ang babae. "Sorry, ang arte-arte mo naman kasi maglakad, para kang nagpa-fashion show." Bahagyang may irap pang wika nito.Iniwan na ng lalaki ang napangangang babaeng empleyado at sumunod na kay Aeros.Nagtawa si aeros at nilingon ang kasunod na lalaki sa kanyang likuran. "Huwag ganyan Jules, baka hindi ka magka girlfriend niyan, sige ka.""Hump! Hindi ko kailangan ng girlfriend." May bahagyang irap na sagot ng lalaki.Ito si Julius Benedicto; assis

    Last Updated : 2024-05-22
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    chapter 10 - Take Her By Force

    Sa una ay nagpipiglas pa si agnes nang biglang itong hilahin at yapusin ng lalaki, ngunit natigilan ang dalaga nang makita ito. Hindi rin nakakilos sila juvy at diane sa kanilang kinatatayuan nang makita ang lalaki."S-si.....si aeros Villacorte b-ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni juvy sa kaibigan na isa ring tulala."P-parang...." Hindi siguradong sagot naman ni diane.Umangat ang gilid ng labi ni aeros habang nakatingin sa natulalang mukha ng magandang dalaga sa kanyang harapan. Inilapit niya ang kanyang labi sa tenga nito. "Sumama ka sa kin." Bulong niya.Wala nang nagawa pa ang tulala pa rin'g si Agnes nang hilahin ito sa kung saan ni aeros, maging ang mga kaibigan ng dalaga.Hinila ni Aeros si agnes hanggang sa pasilyo ng ilang silid sa club. Sa gawing ito ay bibihira ang tao. Saka lang nagising si Agnes na'ng mamalayan ang pagbabago ng paligid. "T-teka..... s-saan mo ko dadalhin?" Saka lang muli nagsimulang pumiglas ang dalaga sa pagkaka-kapit ng lalaki."Shh.....

    Last Updated : 2024-05-22
  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 11 - Interruption

    "Agnes!" Agad lumapit si Diane at agad din'g itinulak nang malakas ang lalaking nakakubabaw sa babae sa ilalim nito na alam niyang si Agnes. Tinulungan ni Diane si Agnes na ayusin ang sarili. Sa mga oras na iyon ay halos matanggal na ang b*a ng dalaga, ngunit dahil sa panlalaban nito ay hindi iyon tuluyang natanggal ni aeros. Habang si Diane ay aligaga sa pagtulong sa kaibigan, sa gilid naman ng kama ay naroong nakatunganga ang natulalang si Juvy. Nag-ngi-ngitngit ang mga ngipin nito na'ng maisip kung ano ang dinatnan nilang nagaganap sa dalawa pag pasok nila. Naisip niya kung hindi siguro sila dumating siguro ay nagpapakasaya na at nasa alapaap na ng kaligayahan ang mga ito. Hindi iniisip ni Juvy na dehado at inagrabyado si Agnes sa nangyari, hindi rin niya naisip na hindi talaga ginusto ng kaibigan ang pamimilit ni Aeros, dahil para kay Juvy; magandang pagkakataon at oportunidad na ito sa mga babaeng makakaniigan ang isang aeros Villacorte. "Juvy, ano bang itinatayo-tayo mo

    Last Updated : 2024-05-26

Latest chapter

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 120 – The End

    Lumabas si Ivan at nagalinga-linga sa paligid ng entrance ng hotel, napakamot ito ng ulo. 'Akala ko ba ay may mga babaeng naka-abang dito sa labas na gustong makapuslit sa bachelor's party niya Aeros, ba't wala naman?' muli siyang naghanap at naglakad-lakad, hanggang sa makita n'ya ang isang kahina-hinalang babae. 'Ayun!' agad niya itong nilapitan.Tila nabulabog ang babae kung kaya't bigla itong lumayo. "Teka miss, sandali!" Pinigilan ito ni Ivan bago pa ito makatakbo . "Huwag kang matakot sa kin, hindi ako masamang tao...." Inilabas n'ya ang kanyang doctor's ID at ipinakita iyon. "Isa akong doktor kaya nakakasiguro kang matino akong tao."Napamaang ang "babae" nang masilayan si Ivan, ngunit tila hindi s'ya nakilala nito. Palihim siyang napa-palatak. 'Matino? May matino ba na bigla na lang lalapit sa hindi n'ya kilala at pipigilan pa itong umalis?'Tinakpan ng "babae" ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang kanyang mahabang buhok, at gamit ang pinaliit at pinalambot na boses ay sum

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 119 – Bachelor's Party And Bridal Shower

    Nang ginanap ang bachelor's party ay ilan sa mga babaeng nakakakilala kay aeros sa kanilang social circle ang nagtangkang pumuslit kung saan ito dinadaos, sa pagbabakasakaling maangkin nila ito sa huling pagkakataon. Pagkatapos kasi ng bachelor's party ay ikakasal na si Aeros kaya ito na lamang ang kanilang pagkakataon. Ngunit dahil sa higpit ng seguridad ay walang kahit na sino ang nagtagumpay na makapasok.Inginuso ng ivan kay vince ang isang matangkad na lalaking nakatayo na naka shades sa isang tabi. "Ano yan? Bakit may ganyan?""A, yan ba? Ano pa ba? edi proteksyon." Nagkaroon ng malaking pagtataka si Ivan. "P-proteksyon?! Tama ba ako ng dinig?" Kinalikot pa nito ang kanyang tenga na wari'y nililinis n'ya iyon.Tila nandiri si Vince, bahagya itong ngumiwi at lumayo nang kaunti sa kaibigan doktor. "Doktor ka diba? Siguro ay dapat mo na'ng check-up-in iyang tenga mo, mukhang mahina na ang pandinig mo e, o kaya baka marami ka na'ng tutuli."Lumapit si Ivan at niyakap ang kaibigan,

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 118 – Wedding Plan

    Magmula nang hindi na nakakapunta sa kumpanya si Agnes ay dinadalhan na ito ng trabaho ni Gerald, lalo na kapag naiipon na iyon sa opisina nito, at iyon ang dahilan ng pagparoon nito. Naisip ni Gerald ang kanyang inasta'ng bigla na lamang pagsingit sa pag-uusap ng iba. "Um.... P-pasensya na."Pumalatak si Aeros ngunit ngumisi ito. "Ayos lang. Alam mo, tamang-tama ang dating mo. Tinatanong mo kung sino ang ikakasal, diba?" Hinawakan n'ya ang kamay ni Agnes. "Kami ni Agnes ang ikakasal, pumunta ka ha."Kitang-kita ni Gerald ang asta'ng may panunuya ni Aeros sa kanya, naiinis man ay hindi naman n'ya magawang tingnan ito nang masama. Nalalaman din niyang talunan na s'ya nito kaya maaaring totoo ang sinasabi nito. Bumaling siya kay Agnes. "Totoo ba yun Agnes, magpapakasal ka na?"Sumagot si Agnes. "Oo Gerald. Magpapakasal na kami ni Aeros."Hindi nakapagsalita si Gerald ngunit halos malukot na n'ya nang hindi sinasadya ang hawak na document envelope."Bakit nga pala pumunta ka nang gani

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 117 – The Wedding

    "Grandma!" Tawag ng nagmamadaling si Aeros. Nang papunta si Esmeralda kila Agnes ay kasunod ito sa pag-aalala na baka mag take advantage ito kay Agnes at sabihin ang hinanaing nito tungkol kay Aaron. Gustung-gusto na kasi nitong makasama ang bata. Lumapit s'ya at binulungan ito. "What are you doing?""Aeros, anong ginagawa mo dito, hindi ka ba pupunta sa kumpanya ngayon?" Tanong ni Esmeralda, tila hindi nito inintindi ang tanong ng apo. "Mabuti na rin na nandito ka, nang sa ganun ay mapag-usapan na natin ang magiging kasal niyong dalawa ni Agnes.""G-grandma?" Napasulyap si Aeros kay Agnes sa pag-aalalang baka nabigla ito.Hindi alam ni Agnes ang magiging reaksiyon, tama nga ang kanyang iniisip, ngunit hindi pa siya makakasagot sa ngayon dahil meron pa siyang dapat ikonsidera."Ano sa tingin mo iha, puwede ka ba ngayon para makapag meeting na tayo ng tungkol sa pag-iisang dibdib n'yo ni Aeros?" Nakangiting tanong ni Esmeralda.Napakamot ng ulo si Agnes "Um.... Ano po kasi e..."Nang

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 116 – Reconcilation (2)

    Biglang tumayo si Aeros sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang lola. "Grandma, pupunta na lang uli kami ni Agnes sa ibang araw. Huwag na po kayong sumama sa kanya pagbalik, promise, sa susunod ay dadalhin na namin dito sa Aaron." At hinila na nito patayo ang nagtatakang si Agnes."Ha? Aalis na agad kayo? Kay bilis naman! Dito na lang kayo mananghalian." Ani Esmeralda, sinunggaban nito ang kamay ni Agnes at tumingin dito nang may halong pakikiusap.Bumaling si Agnes kay Aeros. "Oo nga naman Aeros, dito na lang tayo mananghalian para magkasama pa kayo ni don- ni lola Esmie." Aniya nang hindi nauunawaan ang sitwasyon ng pagkakaganito ni Aeros."Um...." Hindi alam ni aeros kung papayag ba sa gusto ng dalawa o hindi, para kasing sinisilihan ang tumbong nito at tila hindi makatagal nang nandoon si Easton.Nahalata ni Easton ang nakaiilang na sitwasyon kaya nagkusa na ito. "Ehem..... Grandma, ang mabuti pa ay babalik na lang ako sa ibang araw. Maiwan ko na muna kayo." Aalis na sana it

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 115 – Reconciliation

    Nang maibigay na ni Gerald ang mga dokumento kay Agnes ay umalis na rin ito. Dahil sa nangyari ay wala siyang balak pang magtagal doon lalo na nang sitahin siya ni Agnes tungkol sa lihim na kumpetisyon na isinagawa nila ni aeros. Alam niyang maaari nga itong magalit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na kagagalitan siya nito nang naroroon si Aeros, nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon para tuyain siya, kaya agad na rin siyang nagpaalam.Matapos makapag usap at matapos maging malinaw ang lahat ay doon na nananghalian si Aeros, matapos kumain ay nagtungo naman sila ni agnes sa mansyon ng mga Villacorte."O bakit?" Tanong ni Aeros nang biglang bitiwan ni Agnes ang kanyang kamay, nasa pintuan na sila ngayon. "Nag-aalala ka ba? ako na ang nagsasabi, tanggap ka na ng lola ko kaya wala nang magiging problema.""P-pero...."Hinawakan ni Aeros nang mahigpit ang kamay ni Agnes. "Nandito ako kaya huwag kang mag-alala. Kung sakali mang umatras si grandma sa sinabi niya, sa pagkakataong ito ay

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 114 – New Chapter?

    Bagaman nagkakaroon ng udyok si Agnes na lapitan si Aeros ngunit hindi niya magawa dahil sa hiya. Na-misinterpret pala niya ito at mali ang kanyang iniisip tungkol dito.Maya-maya lang ay pinutol na ni Aeros ang pakikipag-usap sa kanyang lola. Nang makita ni Agnes na papalabas na ito ng fire exit ay tumakbo siya palayo, tila wala pa siyang lakas ng loob na harapin ito. Aalis na muna siya para na ring mapag-isipan ang dapat niyang gawin.Tulala si Agnes nang magbalik ito sa kanyang suite. "Kumusta Agnes, nahanap mo ba ang nobyo mo? Nagkausap ba kayo? Nagkaayos na ba kayo?" Agad na tanong ni Marta.Nagbalik sa kanyang wisyo si Agnes at napamaang sa matandang katulong. "Inabutan ko po siya pero hindi po kami nagka-usap...... Saka, nanay Marta, hindi ko na po nobyo si Aeros, hiwalay na po kami at nananatili pa rin pong ganun hanggang ngayon kaya paano naman po kami magkakabalikan?"Hindi inintindi ni Marta ang sinabi ni Agnes. "Doon din naman kayo pupunta, may kutob akong magkakabalikan

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 113 – Overheard

    Nang sumunod si gerald sa hotel ay nagtaka nang husto si Agnes nang makita ang mukha nito na may mga pasa at band aid. "Ged, napaano ka?" "Nadisgrasya ako pagkuha ko ng document. Natisod ako at nadapa, tapos bumagsak ako, tumama ang mukha ko sa mesa.""G-ganun ba? Pero......" Nagkaroon ng pagdududa si Agnes dahil sa kanyang nakikita ay mukha namang hindi ang pagtama sa lamesa ang dahilan ng pagkakabugbog ng mukha ni Gerald, sa halip, sa kanyang nakikita ay mukhang nakipag away ito.Hindi sinabi ni gerald kay Agnes ang tungkol sa kumpetisyon nila ni Aeros. Sa hotel gagawin ng dalawa ang huli nilang paghaharap at dahil nandoon na rin naman sa hotel ay inayos na ni Gerald ang lahat ng kakailanganin...........Sa araw ng kompetisyon:"Akala ko ay hindi ka na darating e."Pumalatak si aeros. "Ano'ng tingin mo sa kin?""Kung ganun, ihanda mo na ang sarili mo para matalo, dahil hindi kita pagbibigyan." Nilingon ni Gerald ang nakasarang pinto. Naisip n'ya ang kakatwang sitwasyon ni Aeros;

  • The Disguised Maid In The Wolf's Den    Chapter 112 – Competition

    Pag-alis nila aeros at Fredericko ay agad nag-impake ng ilang gamit si Agnes para sa kanila ni Aaron. Dahil madalian ay tinulungan na siya ni Marta sa pag-iimpake. Nagtanong ito. "Bakit biglaan naman yata ang pag-alis mo iha, mag-a-out of town ka ba? Saka bakit pati gamit ni Aaron ay iniimpake mo, isasama mo ba ang bata?""Opo, isasama ko po ang anak ko pero hindi po kami mag-a-out of town, mag -i-stay po muna kami sa hotel."Napamaang si Marta. "Magho-hotel kayo ni Aaron? Ano na naman ang gagawin n'yong mag-ina doon?""Nanay Marta, katulad po ng sinabi ko, doon na muna kami...... nag-aalala po kasi ako na baka bumalik uli ang ama niya at kunin siya nang sapilitan sa kin."Natigilan si Marta. "T-teka..... yung lalaki kahapon, ibig mong sabihin...."Bumuntong-hininga si Agnes. "Opo, tama po kayo. Siya po si Aeros, ang ama ni Aaron.""Aba, e ka-guwapo naman pala ng dati mong nobyo! Pero, bakit ganito na ang sitwasyon n'yo ngayon? Puwede ko bang itanong kung ano ang nangyari sa inyong da

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status