Sekreto kong sinamaan ng tingin ang lalaki nang tumalikod siya! Walang hiyang hinayupak na ‘to! Just because he is handsome, gaganon ganon siya?Gusto kong magreklamo dahil hindi na umaandar ang bangka pero ayaw ko rin naman na pagtuunan niya ako ng pansin. He has this intimidating aura for a fisherman! I gritted my teeth when I saw him sit instead of doing something about the boat’s engine. Hindi ko kasi namalayan kanina kung bakit tumigil ang bangka. I was so emerse with my emotions. Na ngayon ay nakalimutan ko dahil natuun ang attention ko sa lalaki!Nang tumama ang mata niya sa akin agad akong nag-iwas ng tingin. Kunwari ay nagagandahan ako sa tanawin kahit ang totoo ay gustong gusto ko ng magwala dito!Huminga ako ng malalim. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ng biglang may nahulog sa dagat. Gumiwang ang bangka kaya napahawak ako sa upuan ko. Hindi na ako nakailag sa tubig na tumalsik sa akin. Sa mukha ko tumalsik yon pababa ng katawan ko. Napasinghap ako sa sobrang gulat.“Wha
Tumayo siya matapos niyang itanong ang pangalan ko. Agad siyang pumunta sa paanan at may kinalikot sa makina ng bangka. Ilang minuto siyang may ginawa roon hanggang sa narinig kong nabuhay ang engine. By this time, ilang bahing na ang nagawa ko. Para pa akong lalagnatin. Mabilis niyang pinaandar ang bangka patungo sa islang pupuntahan namin. Wala na siyang imik. It took us 20 minutes to arrive at the place. Pagbaba ko ng bangka, bigla akong kinabahan dahil wala akong alam sa lugar. Tapos ay nilalamig pa ako. Nagsisimulang bumaba ang araw kaya mas lalong lumamig ang paligid. Pinagmasdan ko ang paligid. Payapa ang lugar, hindi matao. Perfect place kung ikaw ay sawa na sa city life. Hawak-hawak ko ang twalya nang biglang umihip ang malakas na hangin. Agad akong nanginig nang tumama yon sa katawan ko. Bumaling ako sa dagat para sana tingnan kung nasaan na ang kasama kong lalaki kanina pero laking gulat ko nang wala na siya sa bangka. Nakaparada na ang bangka sa dalampasigan pero wala
Matapos kong mag-ayos ng sarili ay nagpasya akong lumabas. Wala pa akong kagamitan sa kwarto kaya hindi pa ako makapagluto ng kakainin ko. Saktong papalabas na ako nang makaamoy ako ng nilulutong pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. Plano kong maghanap ng karinderya para doon kumain pero nang nasa tapat ako ng gate, palabas na nang mapagtanto kong karinderya pala ang unang bungad ng gate. Kita ko si Aling Merna na may kausap sa mga kumakain sa loob. Agad akong huminto at sumilip. Saktong pagsilip ko ay nakita ako ni Aling Merna. Agad niya akong nginitian. “Jessica, hija. Kumain kana ba?” tanong niya.Nginitian ko rin siya pabalik. “Wala pa po.” “Dito kana kumain kung ganon. Masarap ang mga pagkain dito.” Dahil gutom ako ay pumasok na ako. Hindi rin naman gaano karami ang tao sa loob. May bakante pang mga lamesa. “Sandy, kunin mo ang order ni Jessica,” sigaw ni Aling Merna sa isang tao. Agad na lumapit sa akin ang tinawag niyang Sandy. “Ano pong sa inyo, ma’am,” nakangiti ni
Nanlalaki ang mata ko nang kaladkarin niya ako. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero di hamak na mas malakas siya kaisa sa akin!“Bitawan mo ako,” sigaw ko pero wala siyang pakialam. Mas lalo pa niyang hinihigit ang kamay ko. “Tulong!” sigaw ko sa mga tao.Pero hindi ko alam kung bakit walang nangahas na tumulong sa akin. May nakakakita sa ginagawa niya pero tumitingin lang sila. Nanonood! It's as if they couldn't see him kidnapping me!“Ate, tulong!” sigaw ko sa dinaanan naming babae. Pero laking gulat ko nang tinaasan pa niya ako ng kilay.“May ginawa ka kaya galit sayo si Darius! Hindi yan mananakit ng tao kung wala kang ginawa!” akusa niya. Pinanliitan niya ako ng mata.“Pero wala akong ginawa!” maghalong kaba at inis na sigaw ko sa babae. She just shrugged and turned her back on us. “Bitawan mo nga ako!” sigaw ko ulit.Nanlilisik na mata akong binalingan si Darius. I could feel him wanting to shut me up. Agad natupok ang galit ko nang makita kong nagliliy
Seryoso akong pumasok. Kahit ayaw ko ay mapilit siya. Matapos niya akong pagurin at ganon-ganonin mag-iimbita siya na kakain kami? May sira talaga itong lalaking to!Inimuwestra niya sa akin ang bakanteng upuan nang dumating kami sa kusina niya. Nakahain na roon ang pagkain naming dalawa. Nang hindi ako gumalaw ay hinigit niya ang upuan para sa akin. “Come on girl. Don't be stubborn,” sabi niya sa akin. He smiled at me and urged me to sit on the chair.I rolled my eyes. Kahit ayaw ko ay umupo nalang ako. Kita ko rin na masarap ang pagkain. It was seafood together with pasta. Dahil pagod ako ay mabilis akong magutom. Nagamit ko lahat ng energy ko kaya nangalam ang sikmura ko sa nakikita. I heard him laugh when he saw me sit. Agad ko siyang pinanliitan ng mata. Pero nang makita niya ako ay tumigil siya. Kunwari siyang nauubo. “Let's eat,” he said, smirking. Mabilis akong kumuha nung pasta at ng shrimp. Kita kong kumukuha pa siya nang hindi ko napigilan at kumain na ako. Sunod-sunod
Matapos naming mamili ay agad akong umuwi. Excited para i-try ang mga pinamiling appliances. Sa sobrang pagka-excite ay hindi na ako nakapagpasalamat kay Darius. Kusa ko na lang kinuha ang mga binili niya sa akin at agad siyang iniwan. Pagdating sa kwarto ay una kong sinubukan ang electric fan. Napangiti ako ng maramdamang maganda ang buga nito ng hangin. Hindi na ako maiinitan sa hapon. Kahit hindi na ako gumising maghapon ay hindi na ako maiinitan pa. Hindi ko muna sinubukan ang mini fridge kasi wala pa naman akong pagakin na mailalagay. Bibili ako mamaya pang-dinner at isasabay ko na ang pang-umagahan para hindi na ako lalabas. Nakahiga ako habang nakatutok sa akin electric fan. Kaya hindi ko namalayan na nakatulog ako. Matagal siguro akong natulog kasi paggising ko ay gabi na. Binalingan ko ang oras at nakita kong alas sais na. Dali-dali akong bumangon at tinignan kung bukas pa ba ang karinderya ni Aling Merna. Laking pasasalamat ko nang makita kung bukas pa. “Sandy, may pagk
Nang makasakay ako at nakaupo na ay agad na pinaandar ni Darius ang bangka. Kumapit ako ng mahigpit nang medyo bumibilis na ang andar nito. Nakalimutan ko pang magdala ng pantali sa buhok kaya napapapikit ako dahil nililipad ng hangin ang buhok ko papunta sa mukha ko. “Lumipat ka dito para hindi lumilipad sa mukha mo ang buhok mo,” utos ni Darius nang makita niyang hindi ako makakita dahil sa buhok ko. Paupo akong lumapit kasi natatakot ako na baka mahulog ako. Paglipat ko ng kabilang dulo ay nililipad na ng hangin ang buhok ko palikod. Wala ng sagabal sa mukha ko kaya kita ko na ang kagandahan ng dagat. Nang ma-steady ang andar ng bangka ay bumaba si Darius at saka hinanda ang lambat na gagamitin namin. “You know, I don't know how to fish. Huwag mo akong sisihin kapag wala tayong mahuli,” banta ko sa kanya. Baka mamaya, sabihan na naman ako ng useless! He just laughed at me. Nang hindi niya pinabulaan ang reklamo ko ay nagreklamo ulit ako. “I'm sure iitim ako dahil sa hangin
Nagu-guilty ako habang ginagamit ko ang binili naming skincare. Yong kada lapag ko sa mukha ko ng cream, maiisip ko ang perang pinambayad niya. Kaya maaga akong natulog. Kasi plano kong maaga rin gumising para pumunta sa bahay niya. Hindi naman kalayuan ang sa kanya. After ng rock formation na inakyat ko, mga ilang lakad mula roon ay makakarating ka sa bahay niya. Kaya alas syete ng umaga nang lumabas ako ng bahay. May coffee maker sa bahay ni Darius kaya roon na lang ako makikikape. Hindi naman siguro siya magdaramot ng kape. Maglilinis naman ako ng bahay niya. Nang nasa pintuan niya ako ay agad akong kumatok. It was cold outside. Malamig ang simoy ng hangin. Lalo pa na tabing dagat itong bahay niya. Kumatok ulit ako ng walang nagbubukas sa akin. Nilakasan ko pa nga para sure na maririnig niya. The only sounds I could hear were the waves of the ocean. Tapos may mga naliliparang ibon sa di kalayuan. “Tulog pa kaya to?” As I was about to knock again, biglang bumukas ang pintuan.
Masarap ang tulog ko. Ramdam na ramdam ko ang kaginhawaan ng hinihigaan ko. The temperature is just right for you to sleep well and have your rest well taken care of. Kaya lang, naalimpungatan ako nang maramdaman kong may naglalaro sa buhok ko. Bigla akong nagising. Hindi muna ako dumilat. Inaalala ko pa kung nasaan ako. I then realized I was hugging someone! My breath hitched. Unti unti ay kunwari akong tumihaya para matanggal ko ang kamay ko sa brasong yakap ko kanina! Nakakahiya ka, Jessica! Ilang minuto ang lumipas ay tumalikod ako kay Darius para maiwas ko ang mukha kong nag-iinit na sa kahihiyan. Kaya lang, parang alam niya na nagising ako! I heard him chuckle. “Good morning,” he said in his bedroom voice! Ano? Magsasalita ba ako o papanindigan kong tulog ako? Bakit kasi dito niya ako pinatulog? Ayan tuloy at nayakap ko siya! “Good morning,” kalaunan ay bati ko. Nagtago ako sa kumot dahil sa kahihiyan. “Let's go and have our breakfast. Kailangan nating mangisda ngayon. W
We spend our time admiring the view below. Naglatag ako ng maliit na banig at saka ako umupo roon. Si Darius ay may ginagawa sa may gilid. Gumagawa siya ng apoy dahil may iluluto daw. Hindi ko alam kung bakit niya pa pinapahirapan ang sarili niya sa ganyang bagay. May dala naman siyang mga pagkain na pwede ng kainin pero gusto daw niyang magluto. Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinignan ang marami kong kuhang litrato. Gusto kong mag post pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka malaman pa ni mama kung nasaan ako. The last time I know ay galit na galit siya at gusto niya akong pabalikin.Nakatalikod sa gawi ko si Darius, seryosong seryoso sa ginagawa niya. Ngumiti ako at saka siya kinuhanan ng picture. I bit my lower lips when I saw the photo looks good. Goodness! Kahit nakatalikod ay maganda ang kuha sa kanya! Samantalang nakaharap na ako sa camera pero kailangan pang maraming shot para makapili! Nagawa ngang magluto ni Darius. Akala ko ay imposible yon kasi nasa gubat kami. Masara
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama habang nanonood sa cellphone ko. Nakadapa ako habang hawak-hawak ang cellphone. Kanina pa ako dapat bumangon pero tinatamad ako. Wala rin naman akong plano sa araw na ito kaya heto at sa kama na siguro ako mabubulok. Nasa kalagitnaan ako ng pinapanood ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Mabilis akong umupo. Medyo na-conscious sa itsura kasi wala pa akong ligo. Nagkape lang ako kanina at bumalik ulit sa kama. I'm wearing the night dress that Darius bought me. Kumatok ulit ang tao sa labas kaya wala akong choice kundi ang pagbuksan kung sino man yon. Baka si Aling Merna lang. Pero hindi pa ngayon ang singilan ng upa ah! Pinalandas ko ang kamay ko sa buhok ko habang naglalakad palapit sa pintuan. Pagbukas ko ng pintuan, tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Darius. Napasinghap ako. Mabilis bumaba ang mata niya sa katawan ko. I saw him smirk. Isasara ko sana ang pintuan ko pero nauhanahan niya ako. Mabilis niyang itinulak ang pintuan kaya bumukas y
Matapos naming lumangoy ay pinasout niya sa akin ang extra niyang damit at ipinalupot niya sa akin ang towel niya. Saka lang siya tumuloy sa pag-ahon sa lambat. Marami kaming nahuli. Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang maraming isda sa lambat. “Paano ba yan? Mamimili ako ng mga damit!” tumatawa kong sinabi. He smirked at me. Mabilis niyang nilagay sa dala naming balde ang mga huli namin at saka kami bumalik na. Pinalupot ko ng mabuti sa katawan ko ang towel niya dahil sa hangin na tumatama sa katawan ko. Twenty minutes nang dumating kami sa dalampasigan. Tinulungan ko siyang ibaba ang balde na huli namin pero who am I kidding, wala akong naitulong. Sumasabay lang ako sa kanya habang dala dala niya ang balde. “You should change first. I'll wait for you here,” biglang sinabi niya. Ibinaba niya ang dala niyang balde at saka humarap sa akin. “You'll catch a cold.” Natatanaw namin ang carinderia ni Aling Merna. Kahit ayaw kong magpalit ay ayaw ko namang magkasakit. Mahirap na at m
May kaunting hikbi pa ako habang hinahawakan ko ang ipinapahawak niya sa akin. I'm no longer sad because of what happened. Umiiyak lang ako dahil may nang-aalu sa akin ngayon. Dati naman ay walang pakialam ang mga tao sa akin. They would just pity me and move on with their life. Sino nga ba naman ako? Mahirap lang kami.“Jessica, we are shopping you after this. Stop crying,” medyo seryoso utos ni Darius pero may nang-aalung boses parin. “Oo nga. This is just a pitiful cry. Titigil na ako,” sagot ko. Hindi muna ako huminga para tumigil ang hikbi ko. So much drama, Jessica!Kalaunan ay tumigil din ako sa pag-iyak. Na-distract ako sa paligid kaya hindi ko namalayang ngumingiti na pala ako. “Paano kung wala tayong mahuli?” nakangiti kong tanong. He just mentioned na nakapangisda siya dito kung nasaan kami ngayon pero wala raw siyang nahuli kahit isa.“Then we are not shopping you,” nanunuyang sinabi niya. “Wow ha! After promising me shopping, biglang hindi pala matutuloy,” nakanguso k
Iyak ako ng iyak nang makapasok ako ng kwarto ko. Hindi ako makapaniwala na inaway ako ng mga babae dito dahil lang sa isang lalaki. Balewala rin na naglaba ako kay Darius. Kinailangan ko ulit labhan kasi hindi na makilala ang mga damit ko. Nilagyan ko lang ng benda ang sugat ko at naglaba ulit ako. Pumapatak ang luha habang kinukusot ang mga damit. Gabi na ng matapos ako. Sa bahay ko na din sinampay ang mga yon. Baka kung ano pa ang gawin nila kung ilalabas ko pa. Sa sobrang pagod ko at sa sobrang sama ng loob, paghiga ko ng kama ay agad akong nakatulog. I had a peaceful night. Kinaumagahan, nanatili ako sa loob. Mabuti ay may nabili ako dati na biscuit at mga cookies kaya iyon na ang kinain ko sa buong araw. I refuse to go out. Ganon din ang ginawa ko sa sumunod na araw. The third day, I decided to go out. Medyo magaling na ang sugat ko. Nawala na rin ang puffy ng mata ko kakaiyak. Nang dumaan ako sa karinderya, tinawag ako ni Aling Merna pero nagkunwari akong hindi siya narinig
Kasalukuyan akong naghahanap ng pwedeng masuot. Hindi ko namalayan na nasuot ko na pala ang lahat ng damit ko. Kakaunti lang din naman kasi ang damit ko. Napanguso ako nang makitang isang pares nalang ang natitira sa mga damitan ko. Lahat ay nasa labahan na.Kahit wala ako sa mood maglaba ay wala akong choice. Kailangan ko kung ayaw kong maghubad. Matapos kong magbihis ay magsisimula na sana akong maglaba pero naisip kong baka pwede sa bahay ni Darius? May washing machine siya kaya hindi ako nahihirapan.Binalingan ko ang oras at nakitang alas dyes na. Baka nasa bahay pa siya? Kung wala siya, edi babalik ako. Wala namang mawawala. Kaya yon ang ginawa ko. Binalot ko sa isang malaking supot ang mga lalabhan ko at saka lumabas para pumunta kay Darius. Habang palabas ako ay nakita ko sa tapat ng karinderya na may nakatayo roon na mga babae. Mga irita ang mukha nila.“Makilala ko lang kung sino yon. Ilalampaso ko ang nguso niya!” rinig kong galit na sinabi ng isang babae.Umiwas ako ng
Nagu-guilty ako habang ginagamit ko ang binili naming skincare. Yong kada lapag ko sa mukha ko ng cream, maiisip ko ang perang pinambayad niya. Kaya maaga akong natulog. Kasi plano kong maaga rin gumising para pumunta sa bahay niya. Hindi naman kalayuan ang sa kanya. After ng rock formation na inakyat ko, mga ilang lakad mula roon ay makakarating ka sa bahay niya. Kaya alas syete ng umaga nang lumabas ako ng bahay. May coffee maker sa bahay ni Darius kaya roon na lang ako makikikape. Hindi naman siguro siya magdaramot ng kape. Maglilinis naman ako ng bahay niya. Nang nasa pintuan niya ako ay agad akong kumatok. It was cold outside. Malamig ang simoy ng hangin. Lalo pa na tabing dagat itong bahay niya. Kumatok ulit ako ng walang nagbubukas sa akin. Nilakasan ko pa nga para sure na maririnig niya. The only sounds I could hear were the waves of the ocean. Tapos may mga naliliparang ibon sa di kalayuan. “Tulog pa kaya to?” As I was about to knock again, biglang bumukas ang pintuan.
Nang makasakay ako at nakaupo na ay agad na pinaandar ni Darius ang bangka. Kumapit ako ng mahigpit nang medyo bumibilis na ang andar nito. Nakalimutan ko pang magdala ng pantali sa buhok kaya napapapikit ako dahil nililipad ng hangin ang buhok ko papunta sa mukha ko. “Lumipat ka dito para hindi lumilipad sa mukha mo ang buhok mo,” utos ni Darius nang makita niyang hindi ako makakita dahil sa buhok ko. Paupo akong lumapit kasi natatakot ako na baka mahulog ako. Paglipat ko ng kabilang dulo ay nililipad na ng hangin ang buhok ko palikod. Wala ng sagabal sa mukha ko kaya kita ko na ang kagandahan ng dagat. Nang ma-steady ang andar ng bangka ay bumaba si Darius at saka hinanda ang lambat na gagamitin namin. “You know, I don't know how to fish. Huwag mo akong sisihin kapag wala tayong mahuli,” banta ko sa kanya. Baka mamaya, sabihan na naman ako ng useless! He just laughed at me. Nang hindi niya pinabulaan ang reklamo ko ay nagreklamo ulit ako. “I'm sure iitim ako dahil sa hangin