"T..Ten million?" halos magkanda-utal-utal siya ng marinig ang sinabi nito.
Hindi makapaniwalang dumako ang tingin niya sa hipag na nakaupo sa gilid nito who then just shamefully bit her lip.
"Kung ganoon, may karapatan pala talaga ang Leandrong iyon na kasuhan ka? How did you end up having a ten million debt with that man?" baling niya ulit dito.
Napalunok ang kapatid niya.
"I..I'm sorry Ciel, I didn't knew that it will come to this," mahina at tila puno ng pagsisisi na sabi nito.
She just look at him in disbelief.
"Sa simula pa lang ay interesado na sa lupa natin si Leandro, hindi iilang beses niyang sinubukan iyon na bilhin, as you can see, ang lupa nalang natin ang hindi niya nagagawang ariin dito sa San Isidro, kaya gumawa siya ng paraan para tuluyang mapasakamay niya ang lupa."
"At ano ang koneksyon niyon sa mga pagkakatalo mo sa casino kuya? And how did you end up in that gambling place?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. She knew him, never itong pumapasok sa mga sugalang ganoon kaya mahirap para sa kanya ngayon na maniwala na nalulong ito doon.
"This two consecutive years, naging failure ang sakahan, nabanggit ko iyon sayo di ba?"
"Yes isang beses, pero hindi mo na ulit nabanggit kaya akala ko na cope-up mo iyon!"
Tumango ito. "Yes I did Ciel, nakabawi ang sakahan ng unang taon dahil sunod-sunod akong nanalo sa casino."
"W..what?"
Napakagat-labi ito. "Papauwi na ako noon galing sa pagdalaw sayo ng maengganyo akong pumasok sa nadaanan kong casino, but believe me Ciel, hindi pagsusugal ang dahilan kaya ako pumasok doon, I just want to take some times, masyado akong maraming dinadalang problema noon kaya gusto kong magliwaliw muna. Nanood lang talaga ako doon. There's this man who approached me, kung gusto ko ba daw na maglaro, hindi ako naglaro ng gabing iyon at hindi naman niya ako pinilit but I found myself going back there again a few days later, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo na doon at nagsusugal. I got addicted because everytime I played I always win. I was so delighted dahil naresolba ang problema ko sa sakahan, pero may hangganan pala ang lahat. In my fourth come back, I lost, at sumunod pa iyon ng sumunod. Bumalik pa rin ako doon sa kagustuhan kong makabawi, pero hindi nangyari. That man approached me again at in-oferan ako ng loan. I was so desperate kaya napapayag niya ako."
"Then you made our land as collateral?"
Yumuko ito. Mariin siyang napapikit sa aksyon nitong iyon. Ngayon unti-unti na niyang naiintindihan ang lahat.
"Kung ibang lalake pala ang lumapit sayo, how did this Leandro entered the picture?"
"He was Leandro's man. Huli na ng malaman ko iyon. They both plan everything from the start!"
"Hindi nila kasalanan na nalulong ka sa casino kuya!" hindi niya napigilang sumbat. "You had a choice but then you didn't choose what is right!"
He close his eyes regretfully.
"I know I committed great mistake at pinagsisisihan ko iyon ng labis. But Leandro did all of that in purpose dahil matagal na niyang gustong mapasa-kamay niya ang lupain natin. He used his man, Lance, dahil alam niyang hindi ako papatol kung siya mismo ang mag-o-oofer sa akin. Lance offer was no limit, nagulat nalang ako ng makitang umabot na sa sampung milyong piso ang nakuha ko sa kanya at mas lalo pa ng makita ko ang kontrata, it stated that I'll surrender our land kung hindi ko iyon mababayaran sa loob ng isang taon and that happen to be last week!"
"Oh, God!" she murmured. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin ma-sinc-in sa kanyang utak ang lahat.
"Nakiusap ako kay Lance na bigyan ako ng ilang buwang palugit and he tell me to talk to the owner, imagined how shocked I was when I found out that Leandro was the owner and he's the one who's behind in all of it? He deliberately fool me Ciel, niloko ako ng tusong iyon!" nagtatagis ang mga bagang na sabi nito.
"A..anong sabi ni attorney Salvador, wala na daw ba tayong habol?"
"Pwede daw natin i-kontesta sa korte pero mahihirapan daw tayo," napakagat-labi ito. "They have my signature on every pages of that damn contract! n.. nadagdagan pa itong kasong kinakaharap ko ngayon!"
Umangat ang tingin niya rito. Iyon ang gusto niyang itanong kanina pa, kung bakit humantong sa tresspassing at attempted murder ang kaso ng kapatid?
"Did you really tried to kill him?"
Umiling ito. "That wasn't my intention when I go to him in his house, pumunta ako sa bahay niya para sana makiusap na habaan niya ang palugit, pero hindi ako pinagbigyan ng hayop na iyon! He mercilessly turn me down! Nilunok ko na lahat ng pride ko pati na dignidad pero hindi pa rin niya ako pinagbigyan, instead he gave me ultimatum, kailangan umalis na kami ng ate Beth mo bago matapos ang buwan na ito! I was consumed by my raged after hearing that, pumasok ako sa sasakyan saka kinuha ang baril.." muli itong napapikit. "Damn! I hope I fired right away, I really wanted to kill that bastard!" with gritted teeth he murmured.
"I'm glad you didn't sweetheart," si ate Beth niya. "Hindi mo naman gusto na mamulat ang anak natin na mamamatay tao ang papa niya di ba?"
Nagtiim ang mga panga nito. Nang bumaling ito sa asawa ay puno na ng pait ang mga mata.
"Anong kaibahan niyon sa sitwasyon ko ngayon? Our child will still grow up with an ex-convict father, I'm sure Leandro will do everything for me to rot in here. Wala na akong kawala Beth.. wala na!"
Umiling-iling ang hipag, unti-unting namuo ang mga luha sa mata, tumayo ito at buong higpit na niyakap ang kuya niya.
Mariin siyang napalunok, parang hinihiwa ang puso niya sa eksenang iyon, ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng mga ito ng sandaling iyon.
"No kuya," mahina niyang sabi na nagpabaling sa mga ito sa direksyon niya. "Hindi ka mabubulok rito! I will never allow that! Kunin na niya ang lupain natin, I don't care! Iyon lang naman ang gusto niya kaya ginawa niya ang lahat ng ito di ba? Ibigay nalang natin ng kusang-loob kapalit ng pag-urong niya sa kaso laban--"
Tumigil siya ng makitang umiling ito.
"I doubt if he'll ever agree to do that, hindi mo kilala si Leandro Ciel, he was ruthless and heartless at napakatuso, hindi iyon papayag sa ano mang settlement na gagawin natin. A beast like him will never going to care whether I rot here in jail or we are all going to sleep on the street, wala iyon puso!"
Magkailang ulit na niyang narinig ang mga salitang iyon, hindi lang sa kuya niya, sa ate Beth niya o sa mga kaba-baryo niya, pati sa mga bata ay narinig na niya ang salitang iyon, pero hangga't hindi niya ito nakakausap ng personal at masaksihan mismo ng kanyang mga mata ang sinasabi ng lahat ay hindi siya matitinag.
Hindi niya pwedeng hayaan nalang na makulong ang kuya niya. Kailangan ito ng ate Beth niya at ng magiging anak nito.
----<<<>>>----
"Miss Cielo Centeno?"
Kunot-noo siyang bumaling sa nagsalita.
"I'm sorry I'm late.." nakangiti nitong sabi saka nagmamadali umupo sa silyang nasa harap niya. "May tinapos pa kasi akong mga urgent na papeles, by the way I'm Lance Apostol." itinaas nito ang kamay para makipagkamay sa kanya.
So ito ang lalaking ginamit ng Leandrong iyon para maisahan ang kuya niya!
She didn't smile back, kanina pa nahihimugto ang loob niya sa iritasyong nararamdaman, he was late for almost thirty minutes! Ganoon ba ito ka unprofessional? Ang usapan nila sa telepono kaninang umaga ay ten thirty sila magkikita, and it's almost eleven now!
Itinago niya na lang ang inis na iyon sa kanyang sarili. Hindi niya dapat ipairal iyon dahil siya ang may kailangan rito kaya out of courtesy ay tinanggap niya ang kamay nito.
It was just a brief hold, agad niya iyon binawi saka palihim itong minasdan. Tantiya niya hindi nalalayo ang edad nito sa kuya niya, he is tall and has a fair complexion, masaya rin ang aura ng mukha nito na tila palakaibigan, iyon agad ang impresyon niya kanina ng makausap niya ito sa telepono. She wonder now on how on earth did he became Leandro's man? Malaki siguro ang binabayad rito kaya ganoon!
Umayos siya ng upo saka tinanggal ang bara sa kanyang lalamunan.
"Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa Mr. Apostol, alam kong alam mo kung bakit hiniling ko na magkita tayo--"
"Bago natin pag-usapan ang tungkol doon, pwede bang umorder muna tayo? I am starving!" mahina itong tumawa. "Sa dami ng ginawa ko, nakalimutan ko na mag-breakfast, kumain na muna tayo-- Ciel." nasa mga labi pa rin nito ang simpatikong ngiti.
"Sure Mr. Apostol, take your time!" hilaw siyang ngumiti.
Tumawag ito ng waiter saka umorder.
"Anong gusto mo Ciel?"
Tinaasan niya ito ng kilay, kumportableng-kumportable ito sa pagbanggit sa pangalan niya as if matagal na silang magkakilala.
"You won't mind if I call you Ciel, won't you?"
Nagplaster siya muli ng ngiti. "No, actually, iyan din naman ang tawag tawag sa akin ng mga kakilala ko, kaya walang problema."
"Glad to hear that, sige na umorder ka na."
Umiling siya. "I just had my breakfast before going here, so ikaw nalang. Isang fresh pineapple juice nalang please?" baling niya sa waiter.
Nang matapos umorder ang kaharap ay tumalima na agad ito. Naiwan silang dalawa na tila tinatantiya ang isa't-isa.
"As I've said, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa Mr. Apostol--"
"Lance.."
"Okey, Lance," sagot niyang diniinan pa ang pagkakabanggit sa pangalan nito. "I asked you to see me dahil gusto ko sanang makausap si Mr. Montenegro--ng personal," she said with emphasis on the last words. "As you see, ikaw lang ang may contact sa kanya kaya ikaw ang tinawagan ko. Can you please tell me his number or where to see him para makausap ko?"
Ngumuso ito saka nagkibit-balikat. "I doubt if kakausapin ka niya Ciel, he's busy and--"
"I am not asking a whole day of his time!" ewan niya pero bigla siyang nairita sa sagot nito. How dare him to hide after what he did! "Do you want me to just sit while my brother is in jail dahil sa kagagawan ng Leandrong iyon?!" di napigilan ang pagtaas ng kanyang boses.
Natigilan naman ito. Pati ang waiter na naglalapag ng pagkain sa kanilang mesa ay napatigil.
Hilaw itong ngumiti sa kanya.
"H..hey relaks," mahinahon nitong sabi.
Mariin siyang napatiim-bagang saka pilit na pinakalma ang sarili. Padaskol niyang dinampot ang baso ng pineapple juice saka ininom.
"I'm just asking for about thirty minutes, hindi niya ba ako pwedeng pagbigyan? Is he that cruel?"
Binasa muna nito ang mga labi bago tumingin sa kanya.
"Im going to inform Leandro about you wanting to meet and talk to him, tatawagan nalang kita kapag pumayag siya!"
Malalim siyang napabuntong-hininga saka tumango-tango. Wala nga siyang magagawa kundi ang maghintay. If he'll going to talk to her or not ay lutang pa sa hangin.
PINUNO muna niya ng hangin ang dib-dib bago naglakas-loob na pindutin ang doorbell sa dambuhalang gate na iyon sa kanyang harapan. Sa taas niyon ay hindi niya makita kung anong nasa loob.
Mag-aalas tres ng hapon kanina ng tawagan siya ni Lance at sinabing pumayag na ang amo nito na makipagkita sa kanya, hahh! after two days of waiting! And of all time, alas siyete pa ng gabi! At sa bahay lang nito.
Gusto sana niyang magprotesta at sabihing sa isang restaurant na lang pero hindi na niya ginawa, she's sure he won't agree to her, ito nga lang pagkikita nila ngayon ay pahirapan pa, ano pa kung hihilingin niyang sa labas silang magkita?
Muntik pa siyang mapatalon ng automatikong bumukas ang gate. Agad niyang inikot ang mga mata but she saw no one.
So computer control ang gate, ganoon ba?
Hindi na siya nagdalawang isip ng pumasok. Iyon naman talaga ang pakay niya kaya siya naroroon.
Muli siyang napapitlag ng automatiko ring iyon na nagsara.
Lihim siyang napasinghap ng mamasdan ang loob. Ewan niya, pero naninindig ang kanyang balahibo sa sobrang katahimikan. The ambiance inside was like in those horror films she watch. Napakatahimik at dim lang ang napapalibot na mga ilaw at ang mansyon-- no, hindi sapat ang paglalarawan na iyon sa strakturang nasa harap niya, the house infront of her was more of an spanish old palace na nakikita niya lang sa mga banyagang palabas.
"Gusto mo raw akong makita at makausap miss Centeno.."
Kulang nalang mapasigaw siya sa gulat ng marinig iyon. Hindi lang dahil bigla itong nagsalita mula sa kung saan kundi dahil sa malamig nitong boses na tila galing sa hukay.
Lumingon siya at umangat ng tingin, isang matangkad na lalake ang nakatayo di kalayuan sa kanya. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nasa ilalim ito ng lilim. The only thing she saw is both of his hands was in his pocket.
Unti-unti nitong inihakbang ang mga paa palapit sa kinaroroonan niya, mula sa konting liwanag ng ilaw at ng buwan ay unti-unti niyang naaninag ang itsura nito.
And when he finally in the open, with the light of the moon, she totally see his whole face, para lamang magimbal!
"YOU didn't come here to stare at my face and be dumbfounded, didn't you miss Centeno?" he hissed cold as ice."Huh?"Nakita niya ang mariin nitong pagtiim-bagang. Sa madilim na mukha ay humakbang ito at nilagpasan siya."If you want to talk, then come inside, huwag mong sayangin ang pagkakataon na ibinigay ko sayo sa pagtitig sa mukha ko, my time is precious miss Centeno!" matigas nitong dugtong saka umambang papasok sa loob.Doon lang siya tuluyang nahimasmasan."I..I'm sorry.." tangi nalang niyang nasambit habang natatarantang sumunod dito bago pa ito magbago ng isip.Nakahinga siya ng maluwag ng makitang hindi kasing dilim ng sa labas ang sa loob. Kung nagkataong ganoon nga ay baka mabalot na ng matinding takot ang buo niyang pagkatao.Nilagpasan nito ang sala. Tahimik pa rin siyang sumusunod dito. Kung saan sila patungo ay hindi niya alam. Hindi ba dapat kung mag-uusap sila ay doon lang sa sa
Decision Walang lingon-lingon na inihakbang niya ang mga paa palabas sa mala-haunted house na bahay na iyon. Nagpupuyos ang dib-dib niya sa matinding irita at pagka-inis. Marry him? Huh! Sinong babaeng nasa matinong pag-iisip ang magpapakasal sa lalakeng tulad nito? Sa sobrang gulat niya kanina sa narinig na sinabi nito ay napanganga na lang siya. Hindi siya nakapagsalita at tiningnan lang ito sa hindi makapaniwalang mga mata. Nang pumunta siya doon, ang gusto niya lang ay maki-pagkasundo rito sa pamamagitan ng pagpayag na ibigay nalang ng tuluyan ang kanilang lupain rito kapalit ng pag-urong nito sa kaso laban sa kuya niya. Inisip niyang magiging madali lang iyon since iyon lang naman ang gusto nito, hindi niya akalain na mahihirapan siya. And at the end, hindi niya ito nakumbinsi. Sarkastiko siyang nagpalatak. Oo nga pala, pumayag
Magkailang ulit na niyang pinindot ang doorbell pero wala pa ring bumubukas sa gate. Hindi siya sigurado kung nasa loob si Leandro ng mga sandaling iyon pero sinubukan niya pa rin na mag doorbell ulit.Habang ginagawa iyon ay palinga-linga siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang pagmasdan ang paligid. Hindi niya iyon nagawa noong nagpunta siya doon dahil bukod sa hindi siya interesado sa lugar nito ay gabi din noon at madilim.Right now, she has all the chance to roam her eyes around. Nasa pinakadulo ng lupain nito ang mansyon. Sa di kalayuan ay puro mga puno ng niyog ang kanyang nakikita, ang alam niya, koprasan ang pangunahing produkto doon. There are also fruit trees, iba't ibang klase na ang iba ay hindi niya mga kilala.Muli niyang idinako ang mga mata sa dambuhalang gate na nasa harap. Ngayon niya lang napagtanto na napapalibutan din ng mataas na pader ang mansyon. The only thi
"No! Hindi ako papayag Ciel!" nagtatagis ang mga bagang na sabi ng kuya William niya ng sabihin niya dito ang napagkasunduan nila ni Leandro. Maaga pa lang kinabukasan ay pinuntahan na niya ito sa presinto. "Hindi ako papayag na magpakasal ka sa walang pusong taong iyon! No!"She winced. Hindi niya rin iyon gusto pero wala na siyang maisip na ibang paraan pa.Wala sana siyang balak na sabihin dito ang tungkol sa naging usapan nila ni Leandro pero hindi niya iyon pwedeng gawin. Magtataka ito kung paano ito nakalaya. Isa pa malalaman din naman nito ang tungkol doon kaya wala ring say-say na ilihim iyon."It was what he wanted para iurong niya ang kaso laban sayo." Mahina niyang sabi."Wala akong pakialam kung mabubulok ako dito, basta hindi ka magpapakasal sa lalakeng iyon!""I need to kuya," mahina pa rin niyang sabi saka minasdan ito. "Hindi ko ito ginagawa para lamang sayo, I am also doing this for ate
Hindi niya alam kung paano nagsimula ang seremonya ng kasal nila ni Leandro. She was out of herself the whole time the judge officiated their vows. She was dumbfounded and still in disbelief. She knew it will going to happen eventually, pero hindi niya inaasahan na ganoon ka agad-agad. Ang buong akala nga niya ay mamayang hapon pa iyon. She didn't knew that it was this soon. Hindi man lang siya nito binigyan ng oras para ihanda ang sarili. Not physically but emotionally. Wala talaga itong konsiderasyon. They get married with just her shirt and jeans at ganoon din ito. Just like that. Wala man lang ka effort-effort. Sarkastiko siyang nagpalatak. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang tusong tulad nito? Basta makuha lang nito ang gusto nito, wala na itong pakialam pa sa iba pa! She was blank the whole time, ni hindi niya matandaan kung um'oo ba si
Kapwa sila tahimik habang binabaybay nila ang daan pauwi sa bahay nito. Tiim na tiim ang kanyang mga bagang habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at ang kanyang mga mata ay kasingdilim ng paligid na kanilang dinadaanan.She wanted to scream so loud, she wanted to cry hard dahil sa matinding irita at galit na nararamdaman. Wala pang beynte kwatro oras silang nagsasama bilang mag-asawa ay kinokontrol na nito ang buhay niya!Ano pa kaya sa darating na mga araw?"Umuwi na tayo!" matigas nitong sabi kanina sa bahay ng kuya William niya.Pinilit niyang magpakahinahon dahil hindi niya gusto na makita ng kapatid ang kinasuungan niyang sitwasyon dahil baka sisihin na naman nito ang sarili. She don't want that, iyon ang kahuli-hulihang gusto niyang maramdaman nito. Blaming himself."I..I'll bring my car and kukunin ko muna yung gamit ko sa lo--""No need to do that," agad nitong putol. "Meron tayong apat na sasaky
"Where do you think you're going?" Hindi pa man siya nakakarating sa pinakadulo ng hagdan nang maramdaman niya ang marahas nitong paghila sa kanya. She almost lost her balance kung hindi lang ito naging maagap sa paghawak sa palapulsuhan niya at itinulak papunta sa konkretong pader.Nagtatagis ang mga bagang nito habang nagbabaga ang mga matang nakatingin sa kanya."Hindi pa ako tapos magsalita, kaya huwag mo akong tatalikuran!""Bitiwan mo ako!" matigas niyang sabi saka buong lakas na nagpumiglas. Subalit walang laban ang lakas niya sa lakas nito."I already told you, walang sino man ang nangahas na sumalungat sa akin dito na hindi ko napaparusahan! Kung nasanay kang nagagawa mo ang lahat ng gusto mo, hindi mo iyon magagawa rito! Nandito ka sa pamamahay ko kaya susunod ka sa akin sa ayaw at gusto mo!" Halos ngumiwi siya sa paraan ng paghawak nito. Pakiramdam niya gawa sa kutsilyo ang mga palad nito at ngayon ay humihiwa sa kanyang palapulsuhan. Pero hind
Pigil na pigil niya ang kanyang hininga habang nararamdaman ang mga haplos ni Leandro sa kanyang braso paakyat sa kanyang balikat. Magkahalong takot at kaba ang lumukob sa kanya ng maramdaman ang isa nitong palad sa likod ng kanyang batok habang ang isa naman ay ibinaba nito sa kanyang baywang para suportahan siya na hindi tuluyang mapaupo sa naroroong kama."L..Leandro p..please stop it.." halos hindi iyon lumabas sa bibig niya. "Nagsisimula pa lang ako babe," paos nitong bulong saka ibinaba ang mukha sa kanya. Mariin siyang napapikit saka iniwas ang mukha rito reason why his kiss landed on her neck.She felt him stiffened. Isang iritableng tingin ang ibinigay nito ng i-angat ang tingin sa kanya."I won't tolerate you being this difficult so don't try my patience," matigas nitong sabi. "You're mine now! The sooner you realize that, the better it will be for you! Now, stay still!" mariing utos nito saka muling ibinaba ang mukha sa kanya. Sa pagkakataong
--AUTHORS NOTE--Sa mga nagbasa po ng storya na ito, gusto ko lang po na iabot ang taos-puso kong pasasalamat. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa kwentong pag-ibig nina Leandro at Cielo. Hindi ko po mararating ang puntong ito kung hindi dahil sa inyo. At sana kagaya sa suportang ibinigay ninyo sa akin sa kwentong ito, ganoon din ang ibigay ninyo sa akin sa mga susunod ko pang akda.Kung napansin ninyo, may inilagay akong konting pasilip sa kwento ni Marrius at Naya. After po ng on-going ko, isusunod ko po ang kwento nila. Muli, maraming-maraming salamat po.Hanggang sa muli.------------------------Naalimpungatan siya nang maramdaman ang tila paghilab ng kanyang tiyan. Ilang minuto niya pa iyon inobserbahan habang nasa isip na maaaring nilamig lang iyon o kaya may nakain siyang hindi natunaw.Her schedule of giving birth will be next week. Ngunit may posibilidad ding mapaaga ang kanyang panganganak. Marahan niyang ini-angat ang kanyang kamay papunta sa kanyang s
--Marrius--Halos magbaga ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang pigura iyon na naghihiyaw at tila walang pakialam na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. She was surrounded by men na halos lumuwa ang mga mata habang nakatitig sa dib-dib nitong halos lumabas na sa lalim ng uka ng suot nitong spaghetti strap na bestida. She dance in the middle as if there's no tomorrow. Hanggang taynga ang lapad ng ngiti nito, while he was there standing furiously.Nagpaalam lang ito na uuwi ng Manila dahil may importane itong aasikasuhin, but she never came back.Dalawang linggo siyang naghintay, pero ni anino nito hindi na nagpakita pa sa kanya. He tried to call her, pero palaging unattended ang cellphone nito.Nagsimula siyang mag-alala, inisip na baka may nangyari rito, kaya matapos ang dalawang linggong paghihintay sa wala ay nagdesisyon na siyang lumuwas ng Manila para hanapin ito. Only to find her this way.Kumuyom ang kanyang kamao at mariin na nagtagis ang kanyang bagang. Sobra si
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at taimtim na nag-alay ng panalangin sa harap ng puntod ng kanyang kuya William. Nang magmulat siya ng mga mata, isang masuyong ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Minasdan niya ang larawan ng kapatid na nasa gilid ng lapida. In that picture, he was smiling widely. "Kuya.." mahinang sambit niya. "Kumusta ka na? Sana katulad ng larawan mong ito, nakangiti ka rin diyan sa kinaroroonan mo habang nakatanaw sa amin. I know you are watching us, we are okey kuya. Next month pangalawang harvest na ng sakahan mula ng mawala ka, and we are copping. Sa tulong ng mga magsasaka alam kong makakabangon ang sakahan. Ate Beth and Kathleen is also doing fine." Inabot niya ang larawan nito at marahan iyon na hinaplos, "Ako rin kuya.." anas niya sa malamlam na mga mata. "I know you are seeing me now.. gusto kong sabihin na masayang-masaya ako sa mga sandaling ito. I finally found my home in Leandro's arm. Alam kong hanggang sa huli, hindi kayo nakapag-usap ng maay
Hindi niya mailarawan ang saya sa mukha ng asawa habang nakatingin ito sa monitor ng ultrasound.His eyes are twinkling from gladness. At the same time from unshed tears. Sobrang higpit rin ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. At bumalik sila ngayon sa kanilang OB para malaman ang gender ng kanilang pangalawang baby. He accompany her everytime. He was with her since her first ultrasound, na kahit anong busy nito, naghahanap talaga ito ng oras para lamang samahan siya."I want to always be with you in this journey with our second baby. Gusto kong maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako. His or her heartbeat, gusto ko, ako ang unang makakarinig. I want everything about him or her in details, mga bagay na hindi ko nagawa kay Briel. Sa pagkakataon ito, babawi ako Ciel. Pangako." Naalala niyang sabi nito sa kanya when she was on her second month. He said that with all the gentleness in his eyes while caressing her still flat belly. Tulad
--Marrius--Mula sa pagkakasadsad sa manibela ay nanlalaking ini-angat ni Marrius ang kanyang mukha. Gimbal sa nangyari."Fuck!" Mura niya ng may maramdamang likido na umagos mula sa itaas na bahagi ng kanyang ulo.Nang tingnan niya ang mukha sa front mirror ng kanyang pick up, doon niya nakita ang sugat sa kanyang noo. Nakuha niya marahil iyon ng masadsad ang kanyang ulo sa manibela dahil sa impact ng kanyang pagpreno.He gritted his teeth. His inside is like magma ready to erupt. Sino ba ang tangang babaeng iyon na bigla nalang tumakbo sa direksyon ng humaharurot niyang sasakyan? He darted his eyes infront, there's no sign of her. Nabangga niya ba ito? O basta nalang itong umalis matapos ang ginawang katangahan?He was annoyed thinking about her foolishness, and thinking about her running away. Magkagayon man bumangon pa rin kahit paano sa kanyang dib-dib ang pag-aalala ng maisip na baka nga nabundol niya talaga ito.Nang maisip iyon, dali-dali niyang hinawakan ang seradura ng pin
"Pwede bang ako naman ang makipagsayaw sa napakagandang bride, Tito Leandro?" Kapwa sila napabaling ni Leandro kay Marrius. "Kanina pa kasi ako naghihintay, pero parang wala ka yatang balak na paupuin siya. Kung hindi ninyo napapansin nakadalawang salang na kayo ng kanta." Natatawa nitong dugtong."When you're this inlove with your wife, hindi mo mapapansin ang oras, Marrius." Nagtaas ito ng kilay. "Yeah, hindi mo na kailangan ipangalandakan sa mukha ko, dahil halata naman. Now, pwede ko na ba siyang hiramin para maisayaw?"Leandro look at her with raised brow. Tila sa kanya nagpapaalam.Isang ngisi ang ibinigay niya rito. "Asikasuhin mo muna iyong mga ibang bisita. Pagbibigyan ko muna ang Marrius na 'to." She said chuckling.Bumitiw siya rito at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Marrius."Isang kanta lang Mauricius. Pagod na si Ciel." "No problemo Tito Leandro." Kindat pa nito sa Tiyo."Anyway may ipakikilala nga pala ako sayo mamaya, anak siya ng isang kaibigan. Dapat kahapon
"I-postpone kaya muna natin ang kasal natin, at sa katapusan nalang ng June itutuloy, ano sa tingin mo, sweetheart?"Tanong niya sa asawa habang pinapalitan ang bandage ng sugat nito. Tatlong araw pa lang ang nakakaraan buhat ng umuwi sila galing sa ospital. Ramdam niya ang pagkakatigil ito kaya umangat ang kanyang mga mata sa mukha nito, only to see his furrow brows."At ano ang dahilan na ipo-postpone natin?" Naglapat siya ng kanyang labi."Hindi ka pa masyadong magaling. Hintayin nalang natin na tuluyan kang gumaling bago natin ituloy." "Ang tiyan ko ang may sugat, Ciel. Hindi ang paa at kamay. I can walk you to the altar with no hussle. Maisusuot ko rin sa kamay mo ng maayos ang wedding ring natin. So why do we need to postpone it?" "Eh, kasi nga--""Enough of that thoughts." Agad na putol nito. "Sa pagkakataong ito, hindi ako papayag sa suhestyon mong iyan. Our wedding was already long overdue, and I can't wait another month to marry you."Nagtaas siya ng kilay. She wanted t
Dumating din si Marrius ng gabing iyon, at ganoon nalang din ang pasasalamat nito nang malamang nasa mabuting kalagayan na si Leandro."I'm glad that you're okey now. Sobra akong nag-alala nang tawagan ako ni Yaya Sela kagabi at ibinalita ang nangyari.""Kaya nag book ka ng flight agad-agad?" Leandro raised his brows. "May meeting ka pa bukas kay Mr. Tanagawa. What will you do about it?" "Tinawagan ko na ang secretary niya, pinosponed ko na muna ang meeting. I asked to set another date again.""Paano kung hindi pumayag si Mr. Tanagawa? Marrius, you lost a possible investor for the Cebu plantantion, alam mo ba iyon?" "Then maghahanap ako ng ibang investors."Dinig na dinig niya iyon sa labas ng pinto. Lumabas lang siya sandali at ito ang maririnig niya. Arguing over business. She rolled her eyesballs. Pati ba naman dito?"Do you think that it was that--""Woah..woah.. woah!" Palatak niya ng buksan ang pinto. Kapwa dumako ang tingin ng dalawa sa kanya. "Why are you arguing over bus
"L-Leandro..." Iyon na lamang ang tanging nasambit ng kanyang mga labi.Isang marahan na ngiti ang namutawi sa labi nito."H-Hi sweetheart.." paos nitong sabi.She swallow hard. Parang may kung anong humaplos sa kanyang puso na makitang gising na ito. Nagsimulang mamuo ang kanyang luha, at bago iyon tuluyang naglandas sa kanyang pisngi ay walang inhibisyon na siyang bumaling saka yumuko. Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya rito at kasabay niyon ang malakas niyang hagulgol."A-Ang sama mo.. ang sama-sama mo para takutin ako ng ganito!" Sumbat niya, bagama't napakahigpit naman ng kanyang yakap."S-Sweetheart, nadadaganan mo ang s-sugat ko." He chuckled.Nang marinig iyon, agad siyang bumitiw. Bumahid ang pag-aalala sa kanyang mukha. She immediately darted her eyes on his stomach, partikular sa sugat nitong nababalutan ng bandage."I-I'm sorry..." Kagat-labing sabi niya. "I-I will call the Doctor, para--" Ngunit pinigilan nito ang tangka niyang pagtayo. "Mamaya na. Dito ka muna.