Walang lingon-lingon na inihakbang niya ang mga paa palabas sa mala-haunted house na bahay na iyon. Nagpupuyos ang dib-dib niya sa matinding irita at pagka-inis.
Marry him?
Huh! Sinong babaeng nasa matinong pag-iisip ang magpapakasal sa lalakeng tulad nito?
Sa sobrang gulat niya kanina sa narinig na sinabi nito ay napanganga na lang siya. Hindi siya nakapagsalita at tiningnan lang ito sa hindi makapaniwalang mga mata.
Nang pumunta siya doon, ang gusto niya lang ay maki-pagkasundo rito sa pamamagitan ng pagpayag na ibigay nalang ng tuluyan ang kanilang lupain rito kapalit ng pag-urong nito sa kaso laban sa kuya niya. Inisip niyang magiging madali lang iyon since iyon lang naman ang gusto nito, hindi niya akalain na mahihirapan siya. And at the end, hindi niya ito nakumbinsi.
Sarkastiko siyang nagpalatak. Oo nga pala, pumayag ito sa huli, pero para sa kapalit na pakasalan niya ito!
Nababaliw na ang lalakeng iyon!
Akala pa nga niya naringgan lang siya ng marinig ang sinabi nito o kaya naman ay nagbibiro lang ito. pero nang tingnan niya ito ay seryosong-sersoso ang walang emosyon nitong mga mata. Napatunayan niya doon pa lang, na ito ang klase ng tao na hindi marunong magbiro. Ni hindi nga siguro nito alam ang kahulugan ng salitang iyon!
Hindi niya alam kung paano niya ito tinalikuran at iniwan. All she knew is that, while turning her back, she felt so disgusted at what she heard and at the same time hopeless.
Nang nasa loob na siya ng sasakyan ay muli niyang ini-angat ang mga mata sa dambuhalang gate na iyon.
For her, it was like the gate to hell, and the devil is waiting inside for it's prey.
Akala nga niya hindi siya makakalabas doon o mas tamang sabihin na hindi siya nito palalabasin dahil kontrolado din nito ang pagbukas at pagsara niyon. Laking pasasalamat niya lang dahil kung paano ito kusang bumukas nang dumating siya ganoon din ng umalis siya.
She maneuver her car engine saka pinatakbo iyon palayo doon. Ipinapangako niya, iyon na ang una at huli niyang pagtapak doon.
<<<<---->>>>
"I'M sorry about the will Ciel," nakayuko ang ulo na sabi ng kuya William niya. "Wala rin akong alam, I found about it months after the burial. Sinabi at ipinakita sa akin ni Attorney Marcial ang last will and testament ni Papa." sabi nito na ini-angat pa ang ulo sa abogado ng kanilang pamilya na si Attorney Marcial Salvador na nasa kanyang tabi.
And you didn't even bother to tell me? I'm just a call away kuya!'
Gusto sana niyang isumbat iyon, pero pinigil niya ang kanyang sarili. Wala na rin naman mangyayari kung paiiralin niya ang sama ng loob niya, it was long over at hindi na maibabalik pa. Hindi rin iyon makakatulong bagkus magbibigay lang iyon ng lamat sa relasyon nilang magkapatid.
"Maniwala ka Ciel, hindi ko talaga alam." Ulit nito.
Bumuntong-hininga siya. "Huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan kuya because it's not helping us. Isa pa, hindi rin naman ako naging interesado sa lupaing iyon kailan man. Ang pag-usapan natin ngayon ay kung paano ka makakalaya rito," bumaling siya kay Atty. Marcial. "May tyansa ba na mananalo tayo sa kaso attorney?"
The old man look at them in weary eyes. Malalim din itong napabuntong-hininga bago nagsalita.
"Nasabi ko na ito sa kuya at sa ate Beth mo iha, kung ang tungkol sa lupa lang ang pag-uusapan, malaki ang tyansa na maibabalik iyon kahit kalahati lang ng kabuuan, we can sell the half and pay what we owed to Leandro with the other half is still intact with the two of you. But the case he file against Will," umiling-iling ito. "Honestly, mahihirapan tayong ipanalo iyon, he really did trespassed dahil doon siya sa bahay ni Leandro nadatnan ng mga pulis and the gun he used to point ay nakapangalan sa kuya mo. I tried to reach out for Leandro pero hindi niya ako biningyan ng pagkakataon, instead he send Lance with his message na hindi siya paa-areglo at magkita nalang daw tayo sa korte, but I will try to asked for an appointment again baka sakaling--"
"Huwag ninyo ng tangkain na kausapin pa ang halimaw na iyon Attorney," sa matigas na boses ay agap niya. Ginawa na niya iyon, insulto at pangmamaliit lang ang tangi niyang nakuha sa walang pusong lalakeng iyon!
"Pero iha, baka sakaling pagbibigyan na niya tayo--"
"Buo na ang desisyon niya na ituloy ang kaso."
"How did you know? Nakausap mo ba si Leandro Ciel?" Ang ate Beth niya.
Lihim siyang nagtiimbagang. Kung alam lang ng mga ito na galing siya mismo sa bahay nito noong nakaraang gabi. She swallow her pride and almost beg pero hindi man lang ito natinag.
Marahan siyang umiling. "No ate Beth," pagsisinungaling niya. "Si attorney na mismo ang nagsabi, at kayo rin ni kuya na tuso at walang puso ang lalakeng iyon!"
"Pero susubukan ko pa rin iha, malay mo at maawa, tutal wala namang nasaktan kaya baka sakaling makikipag-areglo na sa atin sa pagkakataong ito."
She doubt that. Hindi marunong maawa ang tulad nito.
"Kung sakali mang hindi na talaga siya magpapa-areglo wala na tayong magagawa kundi harapin siya sa korte. I can't guarantee you your freedom Will, pero ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para maiksi na sentensiya lang ang ipapatong sayo."
"Kung halimbawang hindi tayo manalo sa kaso," Ang kuya niya. Tiim ang mga bagang nito. "Mga ilang taon ako makukulong attorney?"
"Since non bailable ang kaso, it's maximum ten to fifteen years."
Dinig na dinig niya ang pagsinghap ng ate Beth niya, agad rumehistro sa mukha nito ang takot at pag-aalala. Pati ang kuya William niya ay lumong-lumo. Napapikit na lang ito at napayuko.
"But as I promised, gagawin ko ang lahat para mapaiksi ang sentensiya ng limang taon, pinakamatagal na ang pito. Hindi rin ako papayag na makulong ka ng ganoong katagal Will, Matalik kong kaibigan ang Papa ninyo at para ko na rin kayong mga anak, kaya hindi ko kayo pababayaan."
"Maraming salamat Attorney Marcial,"
"Pero mas makakabuti talaga sana kung makakausap natin ng personal si Leandro--"
"Don't bother attorney," malamig niyang tugon. "A devil like him won't listen!"
Kapwa natahimik ang kanyang mga kaharap. Alam ng mga ito na totoo ang sinabi niya dahil ang mga ito ang higit na nakakakilala sa lalake.
<<<--->>>
"ATE BETH, are you okey?" kunot-noong tanong niya ng mapansin na tila hindi mapakali ang katabi niya. Nasa kahabaan na sila ng highway at pauwi na mula sa pag-bisita sa kuya niya. Actually, kanina niya pa iyon napansin noong nasa presinto pa lamang sila.
Marahan itong ngumiti. "M..medyo nahihilo lang ako Ciel," ipinikit nito ang mga mata.
"Nahihilo? Namumutla ka ate Beth!" nataranta na siya ng marealized iyon. Agad niyang pinagilid ang kanyang sasakyan at inihinto iyon sa gilid ng kalsada.
Inihimlay na ng hipag ang ulo nito sa backrest ng sasakyan, she was now sweating bullets.
"C..Ciel," mahinang anas nito. Napapangiwi na ang mukha. "I..I think something--something--"
"Oh my God!"
Nang makita niya ang itinuro nito ay halos himatayin siya sa matinding takot at pag-alala. Ang suot nitong leggings ay may bakas ng dugo!
"N..no.." nanghihina rin nitong anas ng makita rin iyon. Panic and fear was written all over her face gaya rin ng sa kanya.
Pero hindi siya nawalan ng loob. Agad niyang minani-obra ulit ang sasakyan at pinatakbo sa direksyon papunta sa pinakamalapit na ospital.
Agad naman itong inasikaso ng dumating sila doon, the attendant immediately brought her to the emergency room habang naiwan naman siya doon sa labas.
Hindi na niya alam kung ilang oras siyang nakaupo doon sa bench bago niya narinig ang pagbukas ng pinto.
Agad siyang tumayo ng makita ang Doctor na lumalabas mula roon, sa likod nito ay dalawang nurse.
"Doc, kumusta po ang hipag ko?" agad niyang tanong.
Ikinatakot niya ang nakitang pagkabahala sa mga mata nito.
"You're sister in law is safe now miss Centeno," sabi nito, magkagayon man hindi niyon nabawasan ang kaba niya dahil sa nakikitang malungkot na reaksyon ng mukha nito. "Pero nasa delikadong sitwasyon ngayon ang baby niya, masyado natatag ang dinadala niya. Sabihin mo sa akin.. may pinagdadaanan ba ngayon ang hipag mo?"
Napakagat-labi siya saka marahan na tumango. "N..nakulong po kasi ang kuya ko." pag-amin niya.
Tumango-tango ito. "I see, kaya pala," he murmured. "Pero hindi niya pwedeng ipagpatuloy ito. Isa ang stress kaya nakukunan ang isang nagdadalang-tao. If she continue this, malalagay sa peligro ang bata. Sa ngayon binigyan na namin siya ng pampa-kapit. Sana lang paggising niya, kalmado na siya. Talked to her when she wake up. Tell her to relaks and think of her baby if she want her to live."
Wala na ang doctor ay nanatili pa rin siyang nakatayo doon. Mas lalo lang gumulo ang kanyang isip sa nangyari ngayon sa hipag niya.
Hindi niya masigurado na makukumbinsi niya itong mag-relaks at huwag isipin ang problema, she knew her ate Beth, she was weak and very dependable with her brother. Kaya marahil nangyari ang pagdurugo nito ay dahil sa sobrang pag-iisip lalo na noong narinig nitong pag-uusap nila kanina ni Attorney Marcial. Hindi nito iyon nakayanang tanggapin.
Ano na Ciel.. Ano na ngayon ang gagawin mo?!
Ah, masakit na masakit na talaga ang ulo niya, pigain niya man iyon ay wala pa rin siyang maisip na solusyon.
Hindi lang ang kaso ngayon ng kuya niya ang gumugulo sa kanyang isip pati na rin ang kalagayan ng ate Beth niya at ang baby nito na nalalagay ngayon sa peligro ang buhay.
Handa ka bang gawin ang lahat para sa kalayaan ng kapatid mo?'
Parang bagting ang boses na iyon na bumalik sa kanyang isipan. Sinumpa na niyang kakalimutan na niya iyon pero parang tukso na naalala niya ang huling naging takbo ng pag-uusap nila ni Leandro.
Marry me!
Mariin siyang napapikit.
Hindi niya kayang gawin iyon, hindi niya masisikmura na magpakasal rito, pero paano kung iyon na lang ang tanging paraan?
Kaya niya bang isakripisyo ang sarili niya para sa kalayaan ng kuya niya? Para sa kalagayan ng ate Beth niya? Sa kaligtasan ng baby ng mga ito kapalit ng pagpapakasal kay Leandro?
Kaya niya ba iyon?
Ah, bahala na..
Mariin na lang siyang napalunok ng marealized niyang tinatahak na niya ang daan papunta sa mansyon ni Leandro.
Nakapagdesisyon na siya.
Tatanggapin na niya ang alok nito, she will going to marry him. Labag man iyon sa loob niya ay nakahanda na siyang magsakripisyo.
Ang sarili niya, kapalit ng tatlong pinaka-importante nilalang ngayon sa buhay niya.
Ang kuya William niya, ang ate Beth niya at ang pamangkin niya!
Magkailang ulit na niyang pinindot ang doorbell pero wala pa ring bumubukas sa gate. Hindi siya sigurado kung nasa loob si Leandro ng mga sandaling iyon pero sinubukan niya pa rin na mag doorbell ulit.Habang ginagawa iyon ay palinga-linga siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang pagmasdan ang paligid. Hindi niya iyon nagawa noong nagpunta siya doon dahil bukod sa hindi siya interesado sa lugar nito ay gabi din noon at madilim.Right now, she has all the chance to roam her eyes around. Nasa pinakadulo ng lupain nito ang mansyon. Sa di kalayuan ay puro mga puno ng niyog ang kanyang nakikita, ang alam niya, koprasan ang pangunahing produkto doon. There are also fruit trees, iba't ibang klase na ang iba ay hindi niya mga kilala.Muli niyang idinako ang mga mata sa dambuhalang gate na nasa harap. Ngayon niya lang napagtanto na napapalibutan din ng mataas na pader ang mansyon. The only thi
"No! Hindi ako papayag Ciel!" nagtatagis ang mga bagang na sabi ng kuya William niya ng sabihin niya dito ang napagkasunduan nila ni Leandro. Maaga pa lang kinabukasan ay pinuntahan na niya ito sa presinto. "Hindi ako papayag na magpakasal ka sa walang pusong taong iyon! No!"She winced. Hindi niya rin iyon gusto pero wala na siyang maisip na ibang paraan pa.Wala sana siyang balak na sabihin dito ang tungkol sa naging usapan nila ni Leandro pero hindi niya iyon pwedeng gawin. Magtataka ito kung paano ito nakalaya. Isa pa malalaman din naman nito ang tungkol doon kaya wala ring say-say na ilihim iyon."It was what he wanted para iurong niya ang kaso laban sayo." Mahina niyang sabi."Wala akong pakialam kung mabubulok ako dito, basta hindi ka magpapakasal sa lalakeng iyon!""I need to kuya," mahina pa rin niyang sabi saka minasdan ito. "Hindi ko ito ginagawa para lamang sayo, I am also doing this for ate
Hindi niya alam kung paano nagsimula ang seremonya ng kasal nila ni Leandro. She was out of herself the whole time the judge officiated their vows. She was dumbfounded and still in disbelief. She knew it will going to happen eventually, pero hindi niya inaasahan na ganoon ka agad-agad. Ang buong akala nga niya ay mamayang hapon pa iyon. She didn't knew that it was this soon. Hindi man lang siya nito binigyan ng oras para ihanda ang sarili. Not physically but emotionally. Wala talaga itong konsiderasyon. They get married with just her shirt and jeans at ganoon din ito. Just like that. Wala man lang ka effort-effort. Sarkastiko siyang nagpalatak. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang tusong tulad nito? Basta makuha lang nito ang gusto nito, wala na itong pakialam pa sa iba pa! She was blank the whole time, ni hindi niya matandaan kung um'oo ba si
Kapwa sila tahimik habang binabaybay nila ang daan pauwi sa bahay nito. Tiim na tiim ang kanyang mga bagang habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at ang kanyang mga mata ay kasingdilim ng paligid na kanilang dinadaanan.She wanted to scream so loud, she wanted to cry hard dahil sa matinding irita at galit na nararamdaman. Wala pang beynte kwatro oras silang nagsasama bilang mag-asawa ay kinokontrol na nito ang buhay niya!Ano pa kaya sa darating na mga araw?"Umuwi na tayo!" matigas nitong sabi kanina sa bahay ng kuya William niya.Pinilit niyang magpakahinahon dahil hindi niya gusto na makita ng kapatid ang kinasuungan niyang sitwasyon dahil baka sisihin na naman nito ang sarili. She don't want that, iyon ang kahuli-hulihang gusto niyang maramdaman nito. Blaming himself."I..I'll bring my car and kukunin ko muna yung gamit ko sa lo--""No need to do that," agad nitong putol. "Meron tayong apat na sasaky
"Where do you think you're going?" Hindi pa man siya nakakarating sa pinakadulo ng hagdan nang maramdaman niya ang marahas nitong paghila sa kanya. She almost lost her balance kung hindi lang ito naging maagap sa paghawak sa palapulsuhan niya at itinulak papunta sa konkretong pader.Nagtatagis ang mga bagang nito habang nagbabaga ang mga matang nakatingin sa kanya."Hindi pa ako tapos magsalita, kaya huwag mo akong tatalikuran!""Bitiwan mo ako!" matigas niyang sabi saka buong lakas na nagpumiglas. Subalit walang laban ang lakas niya sa lakas nito."I already told you, walang sino man ang nangahas na sumalungat sa akin dito na hindi ko napaparusahan! Kung nasanay kang nagagawa mo ang lahat ng gusto mo, hindi mo iyon magagawa rito! Nandito ka sa pamamahay ko kaya susunod ka sa akin sa ayaw at gusto mo!" Halos ngumiwi siya sa paraan ng paghawak nito. Pakiramdam niya gawa sa kutsilyo ang mga palad nito at ngayon ay humihiwa sa kanyang palapulsuhan. Pero hind
Pigil na pigil niya ang kanyang hininga habang nararamdaman ang mga haplos ni Leandro sa kanyang braso paakyat sa kanyang balikat. Magkahalong takot at kaba ang lumukob sa kanya ng maramdaman ang isa nitong palad sa likod ng kanyang batok habang ang isa naman ay ibinaba nito sa kanyang baywang para suportahan siya na hindi tuluyang mapaupo sa naroroong kama."L..Leandro p..please stop it.." halos hindi iyon lumabas sa bibig niya. "Nagsisimula pa lang ako babe," paos nitong bulong saka ibinaba ang mukha sa kanya. Mariin siyang napapikit saka iniwas ang mukha rito reason why his kiss landed on her neck.She felt him stiffened. Isang iritableng tingin ang ibinigay nito ng i-angat ang tingin sa kanya."I won't tolerate you being this difficult so don't try my patience," matigas nitong sabi. "You're mine now! The sooner you realize that, the better it will be for you! Now, stay still!" mariing utos nito saka muling ibinaba ang mukha sa kanya. Sa pagkakataong
Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at bahagya pang nagtaka ng masilayan ang hindi pamilyar na kwarto. Nang gumalaw siya at maramdaman ang pananakit ng katawan, doon pa lang na sinc-in sa kanyang utak kung nasaan siya at kung ano ang mga naganap kagabi.Agad niyang pinakiramdaman ang sarili. Maliban sa masakit ang mga kalamnan ay wala na naman siyang kakaibang naramdaman sa katawan. Inalsa niya ang kumot at nakahinga siya ng maluwag ng makitang suot pa rin niya ang pares ng pajamang sinuot niya kagabi. The reason why her body aches is maybe because of the struggle she did when Leandro tried to take advantage of her last night. She shiver as she thought of what happened, nanayo ang kanyang mga bahalibo nang maisip na muntik na siya nitong naangkin. She was so sure she saw it in his eyes. Those lust, desire and wantonness, kitang-kita niya ang mga iyon sa mga mata nito kagabi kaya buong akala niya hinding-hindi niya ito magagawang pigilin.
"Nakahanda na ang kabayo Leandro." sabi ni mang Nestor na sumulpot mula sa gilid nila. He came from the back, pupunas-punas pa ito ng kamay."Sige po mang Nestor, pupuntahan na namin ni Cielo." bumaling ito sa kanya at hinawakan siya sa siko. "Halika na." sabi nito saka iginiya na siya papunta sa likod na bahagi ng mansyon. Maang siyang napatingin rito ng marating nila ang bahagi kung nasaan ang kwadra ng mga kabayo. And infront, there were two horses, nakatali iyon. Marahil ang mga kabayong iyon ang sinasabi ni mang Nestor.Sinasabi ba nitong kabayo ang kanilang gagamitin sa pag-iikot sa hacienda?Pinuntahan ni Leandro ang isa at ikinalas sa pagkakatali. "Ho..ho.." agad nito iyon tinapik-tapik ng bahagyang umalma.Doon pa lang ay nanlaki na ang kanyang mga mata."Huwag mong sabihin na, kabayo ang gagamitin natin doon sa ating pupuntahan?" di niya napigilang tanong.Taas kilay itong bumaling sa kanya. "Th
--AUTHORS NOTE--Sa mga nagbasa po ng storya na ito, gusto ko lang po na iabot ang taos-puso kong pasasalamat. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa kwentong pag-ibig nina Leandro at Cielo. Hindi ko po mararating ang puntong ito kung hindi dahil sa inyo. At sana kagaya sa suportang ibinigay ninyo sa akin sa kwentong ito, ganoon din ang ibigay ninyo sa akin sa mga susunod ko pang akda.Kung napansin ninyo, may inilagay akong konting pasilip sa kwento ni Marrius at Naya. After po ng on-going ko, isusunod ko po ang kwento nila. Muli, maraming-maraming salamat po.Hanggang sa muli.------------------------Naalimpungatan siya nang maramdaman ang tila paghilab ng kanyang tiyan. Ilang minuto niya pa iyon inobserbahan habang nasa isip na maaaring nilamig lang iyon o kaya may nakain siyang hindi natunaw.Her schedule of giving birth will be next week. Ngunit may posibilidad ding mapaaga ang kanyang panganganak. Marahan niyang ini-angat ang kanyang kamay papunta sa kanyang s
--Marrius--Halos magbaga ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang pigura iyon na naghihiyaw at tila walang pakialam na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. She was surrounded by men na halos lumuwa ang mga mata habang nakatitig sa dib-dib nitong halos lumabas na sa lalim ng uka ng suot nitong spaghetti strap na bestida. She dance in the middle as if there's no tomorrow. Hanggang taynga ang lapad ng ngiti nito, while he was there standing furiously.Nagpaalam lang ito na uuwi ng Manila dahil may importane itong aasikasuhin, but she never came back.Dalawang linggo siyang naghintay, pero ni anino nito hindi na nagpakita pa sa kanya. He tried to call her, pero palaging unattended ang cellphone nito.Nagsimula siyang mag-alala, inisip na baka may nangyari rito, kaya matapos ang dalawang linggong paghihintay sa wala ay nagdesisyon na siyang lumuwas ng Manila para hanapin ito. Only to find her this way.Kumuyom ang kanyang kamao at mariin na nagtagis ang kanyang bagang. Sobra si
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at taimtim na nag-alay ng panalangin sa harap ng puntod ng kanyang kuya William. Nang magmulat siya ng mga mata, isang masuyong ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Minasdan niya ang larawan ng kapatid na nasa gilid ng lapida. In that picture, he was smiling widely. "Kuya.." mahinang sambit niya. "Kumusta ka na? Sana katulad ng larawan mong ito, nakangiti ka rin diyan sa kinaroroonan mo habang nakatanaw sa amin. I know you are watching us, we are okey kuya. Next month pangalawang harvest na ng sakahan mula ng mawala ka, and we are copping. Sa tulong ng mga magsasaka alam kong makakabangon ang sakahan. Ate Beth and Kathleen is also doing fine." Inabot niya ang larawan nito at marahan iyon na hinaplos, "Ako rin kuya.." anas niya sa malamlam na mga mata. "I know you are seeing me now.. gusto kong sabihin na masayang-masaya ako sa mga sandaling ito. I finally found my home in Leandro's arm. Alam kong hanggang sa huli, hindi kayo nakapag-usap ng maay
Hindi niya mailarawan ang saya sa mukha ng asawa habang nakatingin ito sa monitor ng ultrasound.His eyes are twinkling from gladness. At the same time from unshed tears. Sobrang higpit rin ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. At bumalik sila ngayon sa kanilang OB para malaman ang gender ng kanilang pangalawang baby. He accompany her everytime. He was with her since her first ultrasound, na kahit anong busy nito, naghahanap talaga ito ng oras para lamang samahan siya."I want to always be with you in this journey with our second baby. Gusto kong maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako. His or her heartbeat, gusto ko, ako ang unang makakarinig. I want everything about him or her in details, mga bagay na hindi ko nagawa kay Briel. Sa pagkakataon ito, babawi ako Ciel. Pangako." Naalala niyang sabi nito sa kanya when she was on her second month. He said that with all the gentleness in his eyes while caressing her still flat belly. Tulad
--Marrius--Mula sa pagkakasadsad sa manibela ay nanlalaking ini-angat ni Marrius ang kanyang mukha. Gimbal sa nangyari."Fuck!" Mura niya ng may maramdamang likido na umagos mula sa itaas na bahagi ng kanyang ulo.Nang tingnan niya ang mukha sa front mirror ng kanyang pick up, doon niya nakita ang sugat sa kanyang noo. Nakuha niya marahil iyon ng masadsad ang kanyang ulo sa manibela dahil sa impact ng kanyang pagpreno.He gritted his teeth. His inside is like magma ready to erupt. Sino ba ang tangang babaeng iyon na bigla nalang tumakbo sa direksyon ng humaharurot niyang sasakyan? He darted his eyes infront, there's no sign of her. Nabangga niya ba ito? O basta nalang itong umalis matapos ang ginawang katangahan?He was annoyed thinking about her foolishness, and thinking about her running away. Magkagayon man bumangon pa rin kahit paano sa kanyang dib-dib ang pag-aalala ng maisip na baka nga nabundol niya talaga ito.Nang maisip iyon, dali-dali niyang hinawakan ang seradura ng pin
"Pwede bang ako naman ang makipagsayaw sa napakagandang bride, Tito Leandro?" Kapwa sila napabaling ni Leandro kay Marrius. "Kanina pa kasi ako naghihintay, pero parang wala ka yatang balak na paupuin siya. Kung hindi ninyo napapansin nakadalawang salang na kayo ng kanta." Natatawa nitong dugtong."When you're this inlove with your wife, hindi mo mapapansin ang oras, Marrius." Nagtaas ito ng kilay. "Yeah, hindi mo na kailangan ipangalandakan sa mukha ko, dahil halata naman. Now, pwede ko na ba siyang hiramin para maisayaw?"Leandro look at her with raised brow. Tila sa kanya nagpapaalam.Isang ngisi ang ibinigay niya rito. "Asikasuhin mo muna iyong mga ibang bisita. Pagbibigyan ko muna ang Marrius na 'to." She said chuckling.Bumitiw siya rito at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Marrius."Isang kanta lang Mauricius. Pagod na si Ciel." "No problemo Tito Leandro." Kindat pa nito sa Tiyo."Anyway may ipakikilala nga pala ako sayo mamaya, anak siya ng isang kaibigan. Dapat kahapon
"I-postpone kaya muna natin ang kasal natin, at sa katapusan nalang ng June itutuloy, ano sa tingin mo, sweetheart?"Tanong niya sa asawa habang pinapalitan ang bandage ng sugat nito. Tatlong araw pa lang ang nakakaraan buhat ng umuwi sila galing sa ospital. Ramdam niya ang pagkakatigil ito kaya umangat ang kanyang mga mata sa mukha nito, only to see his furrow brows."At ano ang dahilan na ipo-postpone natin?" Naglapat siya ng kanyang labi."Hindi ka pa masyadong magaling. Hintayin nalang natin na tuluyan kang gumaling bago natin ituloy." "Ang tiyan ko ang may sugat, Ciel. Hindi ang paa at kamay. I can walk you to the altar with no hussle. Maisusuot ko rin sa kamay mo ng maayos ang wedding ring natin. So why do we need to postpone it?" "Eh, kasi nga--""Enough of that thoughts." Agad na putol nito. "Sa pagkakataong ito, hindi ako papayag sa suhestyon mong iyan. Our wedding was already long overdue, and I can't wait another month to marry you."Nagtaas siya ng kilay. She wanted t
Dumating din si Marrius ng gabing iyon, at ganoon nalang din ang pasasalamat nito nang malamang nasa mabuting kalagayan na si Leandro."I'm glad that you're okey now. Sobra akong nag-alala nang tawagan ako ni Yaya Sela kagabi at ibinalita ang nangyari.""Kaya nag book ka ng flight agad-agad?" Leandro raised his brows. "May meeting ka pa bukas kay Mr. Tanagawa. What will you do about it?" "Tinawagan ko na ang secretary niya, pinosponed ko na muna ang meeting. I asked to set another date again.""Paano kung hindi pumayag si Mr. Tanagawa? Marrius, you lost a possible investor for the Cebu plantantion, alam mo ba iyon?" "Then maghahanap ako ng ibang investors."Dinig na dinig niya iyon sa labas ng pinto. Lumabas lang siya sandali at ito ang maririnig niya. Arguing over business. She rolled her eyesballs. Pati ba naman dito?"Do you think that it was that--""Woah..woah.. woah!" Palatak niya ng buksan ang pinto. Kapwa dumako ang tingin ng dalawa sa kanya. "Why are you arguing over bus
"L-Leandro..." Iyon na lamang ang tanging nasambit ng kanyang mga labi.Isang marahan na ngiti ang namutawi sa labi nito."H-Hi sweetheart.." paos nitong sabi.She swallow hard. Parang may kung anong humaplos sa kanyang puso na makitang gising na ito. Nagsimulang mamuo ang kanyang luha, at bago iyon tuluyang naglandas sa kanyang pisngi ay walang inhibisyon na siyang bumaling saka yumuko. Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya rito at kasabay niyon ang malakas niyang hagulgol."A-Ang sama mo.. ang sama-sama mo para takutin ako ng ganito!" Sumbat niya, bagama't napakahigpit naman ng kanyang yakap."S-Sweetheart, nadadaganan mo ang s-sugat ko." He chuckled.Nang marinig iyon, agad siyang bumitiw. Bumahid ang pag-aalala sa kanyang mukha. She immediately darted her eyes on his stomach, partikular sa sugat nitong nababalutan ng bandage."I-I'm sorry..." Kagat-labing sabi niya. "I-I will call the Doctor, para--" Ngunit pinigilan nito ang tangka niyang pagtayo. "Mamaya na. Dito ka muna.