"I don't think Leandro married you for love." Gulat siyang napatigil ng madatnang nasa labas ng ladies room si Ava. Kampante itong nakasandal sa pader sa may gilid, nakasalikop ang mga kamay and already looking groggy."Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Leandro! Hindi ang katulad mo ang gugustuhin niyang makasama sa buhay!"Nagtiimbagang siya. How dare her came all the way here just to tell her this stupid things and ruined her night!Bakit? Ano bang tingin nito sa kanya para sabihin nitong hindi siya karapat-dapat? And who the hell is she to insult her that way? Ngayon nga lang sila nagkita at nagkakilala!Akala ba nito tatayo lang siya at makikinig? Akala ba nito iiyak lang siya at magmumukmok sa isang gilid na tila isang basang sisiw sa mga pinagsasabi nito? She look at her and raised her eyebrows, a sarcastic smile registered on her face."Then why do you think he married me kung hindi niya ako mahal?" Ngumisi ito. "A rebound perhaps."Ngumisi rin siya. "If it is for reboun
Mariin siyang napalunok habang ramdam niya ang tila patalim nitong kamay na nakahawak sa braso niya. It was so tight that it hurts. Pakiramdam niya ano mang sandali ay magkalasog-lasog na ang kanyang palapulsuhan."Sinong nagsabi sayo na pwede kang pumasok rito?" He asked in a voice so cold as if coming from the grave."I.. I.." she lost her words. Nangikig siya ng umangat ang kanyang tingin.Ang mukha nito ay sing-dilim ng gabi at ang mga mata ay sing-talim ng kidlat. Tagis na tagis ang mga bagang nito na tingin niya ay sasaktan siya nito ano mang oras. His hold of her tightened more dahilan para mapangiwi siya.She was used of his cold treatment, at naranasan na rin niya kung paano ito magalit. She experienced it all pero hindi kasing lala sa ngayon. Noon, kaya niyang lumaban, kaya niyang salubungin ang galit nito, pero sa pagkakataong iyon, wala siyang nagawa kundi ang ipinid ang kanyang mga labi. "Get out!" Matigas na utos nito saka marahas siyang binitiwan. His dark eyes is pie
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng umuwi sila matapos na manggaling sa clinic. Hindi niya sana gustong umuwi sa bahay ni Leandro ng mga sandaling iyon pero natatakot siya na baka tulad noon ay sugurin nito ang bahay ng kapatid. Baka sa pagkakataong ito ay magpang-abot na ito at ang kuya niya. Pwede naman siyang tumuloy nalang muna sa isang hotel sa bayan at magpalipas ng sama ng loob, but would it be a wise idea? Baka halughugin nito ang buong bayan kapag ginawa niya iyon.She smile sarcastically. Nababaliw na nga siya dahil nagagawa niya pang mag-isip na hahanapin siya nito sa mga oras na iyon. Kung hindi niya pa alam, baka nagpapakalasing na ito ngayon o kaya naman ay nagmumukmok.He must love Celine that much to act that way. "We're here.."Bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang boses ni Marrius. Inilinga niya ang mga mata. Napakatahimik ng paligid. She wonder now kung naroroon si Leandro sa loob. Nang bumaba si Marrius ay agad itong umikot at tinungo ang kinaroroonan niy
She wanted to kiss him back badly!Iyon ang sigaw ng kanyang puso at katawan. Pero nong unti-unti na niyang ipinikit ang kanyang mga mata, ang nangyaring eksena ng araw na iyon ang biglang pumasok sa kanyang isip. Ang eksena kung saan halos manlisik ang mga mata nito habang nagwawala. She shriek in horror and open her eyes. Isang tulak agad ang ginawa niya rito. Nababaliw na siya. Nababaliw na dahil sa kabila ng ipinakita nito, heto at nasasabik pa siya sa halik nito.Nang hindi ito tuminag ay sunod-sunod na ang ginawa niyang pagtulak. She need to do that, habang kaya niya pang kontrolin ang kanyang sarili. She need to stop him habang hindi pa siya tuluyang nadadarang sa apoy ng pagnanasa nito.Who knows, baka sa tuwing angkin siya nito, hindi siya ang nasa isip at nakikita nito kundi si Celine.Now she knew why she suddenly want to stop him. Hindi lang dahil sa masama ang loob niya sa ginawa nito kanina kundi higit ang dahilang hindi niya kayang tanggapin na iba ang nasa isip nito h
It left her speechless. Her heart is going crazy against her chest. Hindi man nito direktang sinagot ang tanong niya, nag-iwan pa rin iyon ng di matatawarang kaligayahan sa kanyang puso. It makes her hope that somehow they can make it work. Na kahit paano, may pag-asa pa silang dalawa. "What happened earlier, I promised, it won't happen ever again." Bulong nito habang hinahalik-halikan ang puno ng kanyang taynga. Gusto sana niyang itanong kung bakit ganoon nalang ang naging galit nito kanina, but what he is doing to her is making her lose her senses. Mas nananaig na ngayon ang kiliti kaysa sa tanong na nasa kanyang isip. Mas nananaig ang sensasyon kaysa sa panibugho na kanyang nararamdaman.Bumaba pa ang labi nito sa kanyang leeg. Instinctively, ay iniwas niya iyon, but he made her stay steadily. His breathing was a smell of mix mint and liquor. Nakainom ito alam niya, pero mas higit yata siyang lasing kaysa rito. Bawat halik na ipinakakaloob nito sa kanya ay higit pa yata ang epek
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Ang mukha ni Leandro ang namulatan niya. Nakatukod ang braso nito sa kama at nakatunghay sa kanya."Good morning..." He greeted huskily.Pinaglapat niya ang mga labi, before greeting him back. "Morning, k-kanina ka pa gising?" "Just enough to watched my beautiful wife." Nag-init ang kanyang mukha sa tinuran nito.She saw him raised his other hand and landed on her cheek. He then caress it gently. "Let's make it work Ciel." Seryosong na nitong sabi. "I want to make our marriage work."Napalunok siya saka marahan na tumango. "I want that too." bulong niya. Gumuhit ang ngiti sa labi nito saka pumungay ang mga mata. When she saw him slowly lowering his head, marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata.He kissed her gently. So gently as if it was promising her forever. SABAY silang bumangon ng umagang iyon, at sabay na naligo na nauwi na naman sa isang mainit na pagniniig sa loob ng banyo. "I can't get enough of you." Humihingal nitong bulo
"K-Kailangan pa ba nating sumakay ng kabayo sa pupuntahan natin?" May halong takot sa boses na baling niya kay Leandro. Tiningnan niya ang kabayo nitong si Thunder, hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan sa tuwing iniisip na sasakay siya rito. Pakiramdam niya kasi mabigat ang loob ng naturang hayop sa kanya.Leandro darted his eyes on her with amused smile. Alam niyang nakikita nito sa kanyang mukha ang takot."You don't need to be afraid of him sweetheart, mabait itong si Thunder." Sabi nito, pagkunwa'y sumampa na sa likod ng kabayo nito. "Come.."Nang iabot nito ang kamay sa kanya ay napasimangot siya. "I don't think so na mabait siya Leandro." Sabi niya na nakatingin sa mukha ng kabayo. He is looking at her with sharp eyes. Hindi tuloy niya napigilang maalala ang gabing kung saan sila unang nagkakilala ni Leandro. That night he also looked at her with dark and sharp eyes. Tulad na tulad ni Thunder ngayon.A smile rose at the corner of her mouth with that memory. "What's so funn
Halos paliparin niya ang minamaneho niyang sasakyan papasok sa bahagi ng koprasan. Nasa dulong bahagi pa ang talon. At kailangan niyang makarating agad doon. She maneuver the car as fast as it could. Wala na siyang pakialam sa lubak-lubak at makipot na daan. Nang marinig niya ang sinabi ng trabahador kanina ay hindi na siya nag-aksaya ng minuto. Natatarantang tinungo niya ang garahe at minaneho ang unang sasakyang nakita niya doon.Habang umaalis dinig niya pa ang tawag sa kanya ni Yaya Sela at Mang Nestor, pero hindi na siya tumigil pa. She need to get at the falls before it's too late. Ano ba kasi ang pumasok sa kukote ng kuya niya at pumunta ito doon? Alam naman nito na teritoryo iyon ni Leandro, for heaven's sake! Habang papunta doon ay nagdasal na siguro niya sa lahat ng mga santong kilala niya. She prayed hard that nothing bad happened either to the two of them. She hold at the steering wheel tightly. Kita niya ang panginginig ng kanyang kamay habang nakahawak doon at ramda
--AUTHORS NOTE--Sa mga nagbasa po ng storya na ito, gusto ko lang po na iabot ang taos-puso kong pasasalamat. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa kwentong pag-ibig nina Leandro at Cielo. Hindi ko po mararating ang puntong ito kung hindi dahil sa inyo. At sana kagaya sa suportang ibinigay ninyo sa akin sa kwentong ito, ganoon din ang ibigay ninyo sa akin sa mga susunod ko pang akda.Kung napansin ninyo, may inilagay akong konting pasilip sa kwento ni Marrius at Naya. After po ng on-going ko, isusunod ko po ang kwento nila. Muli, maraming-maraming salamat po.Hanggang sa muli.------------------------Naalimpungatan siya nang maramdaman ang tila paghilab ng kanyang tiyan. Ilang minuto niya pa iyon inobserbahan habang nasa isip na maaaring nilamig lang iyon o kaya may nakain siyang hindi natunaw.Her schedule of giving birth will be next week. Ngunit may posibilidad ding mapaaga ang kanyang panganganak. Marahan niyang ini-angat ang kanyang kamay papunta sa kanyang s
--Marrius--Halos magbaga ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ang pigura iyon na naghihiyaw at tila walang pakialam na nagsasayaw sa gitna ng dancefloor. She was surrounded by men na halos lumuwa ang mga mata habang nakatitig sa dib-dib nitong halos lumabas na sa lalim ng uka ng suot nitong spaghetti strap na bestida. She dance in the middle as if there's no tomorrow. Hanggang taynga ang lapad ng ngiti nito, while he was there standing furiously.Nagpaalam lang ito na uuwi ng Manila dahil may importane itong aasikasuhin, but she never came back.Dalawang linggo siyang naghintay, pero ni anino nito hindi na nagpakita pa sa kanya. He tried to call her, pero palaging unattended ang cellphone nito.Nagsimula siyang mag-alala, inisip na baka may nangyari rito, kaya matapos ang dalawang linggong paghihintay sa wala ay nagdesisyon na siyang lumuwas ng Manila para hanapin ito. Only to find her this way.Kumuyom ang kanyang kamao at mariin na nagtagis ang kanyang bagang. Sobra si
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at taimtim na nag-alay ng panalangin sa harap ng puntod ng kanyang kuya William. Nang magmulat siya ng mga mata, isang masuyong ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Minasdan niya ang larawan ng kapatid na nasa gilid ng lapida. In that picture, he was smiling widely. "Kuya.." mahinang sambit niya. "Kumusta ka na? Sana katulad ng larawan mong ito, nakangiti ka rin diyan sa kinaroroonan mo habang nakatanaw sa amin. I know you are watching us, we are okey kuya. Next month pangalawang harvest na ng sakahan mula ng mawala ka, and we are copping. Sa tulong ng mga magsasaka alam kong makakabangon ang sakahan. Ate Beth and Kathleen is also doing fine." Inabot niya ang larawan nito at marahan iyon na hinaplos, "Ako rin kuya.." anas niya sa malamlam na mga mata. "I know you are seeing me now.. gusto kong sabihin na masayang-masaya ako sa mga sandaling ito. I finally found my home in Leandro's arm. Alam kong hanggang sa huli, hindi kayo nakapag-usap ng maay
Hindi niya mailarawan ang saya sa mukha ng asawa habang nakatingin ito sa monitor ng ultrasound.His eyes are twinkling from gladness. At the same time from unshed tears. Sobrang higpit rin ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. At bumalik sila ngayon sa kanilang OB para malaman ang gender ng kanilang pangalawang baby. He accompany her everytime. He was with her since her first ultrasound, na kahit anong busy nito, naghahanap talaga ito ng oras para lamang samahan siya."I want to always be with you in this journey with our second baby. Gusto kong maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako. His or her heartbeat, gusto ko, ako ang unang makakarinig. I want everything about him or her in details, mga bagay na hindi ko nagawa kay Briel. Sa pagkakataon ito, babawi ako Ciel. Pangako." Naalala niyang sabi nito sa kanya when she was on her second month. He said that with all the gentleness in his eyes while caressing her still flat belly. Tulad
--Marrius--Mula sa pagkakasadsad sa manibela ay nanlalaking ini-angat ni Marrius ang kanyang mukha. Gimbal sa nangyari."Fuck!" Mura niya ng may maramdamang likido na umagos mula sa itaas na bahagi ng kanyang ulo.Nang tingnan niya ang mukha sa front mirror ng kanyang pick up, doon niya nakita ang sugat sa kanyang noo. Nakuha niya marahil iyon ng masadsad ang kanyang ulo sa manibela dahil sa impact ng kanyang pagpreno.He gritted his teeth. His inside is like magma ready to erupt. Sino ba ang tangang babaeng iyon na bigla nalang tumakbo sa direksyon ng humaharurot niyang sasakyan? He darted his eyes infront, there's no sign of her. Nabangga niya ba ito? O basta nalang itong umalis matapos ang ginawang katangahan?He was annoyed thinking about her foolishness, and thinking about her running away. Magkagayon man bumangon pa rin kahit paano sa kanyang dib-dib ang pag-aalala ng maisip na baka nga nabundol niya talaga ito.Nang maisip iyon, dali-dali niyang hinawakan ang seradura ng pin
"Pwede bang ako naman ang makipagsayaw sa napakagandang bride, Tito Leandro?" Kapwa sila napabaling ni Leandro kay Marrius. "Kanina pa kasi ako naghihintay, pero parang wala ka yatang balak na paupuin siya. Kung hindi ninyo napapansin nakadalawang salang na kayo ng kanta." Natatawa nitong dugtong."When you're this inlove with your wife, hindi mo mapapansin ang oras, Marrius." Nagtaas ito ng kilay. "Yeah, hindi mo na kailangan ipangalandakan sa mukha ko, dahil halata naman. Now, pwede ko na ba siyang hiramin para maisayaw?"Leandro look at her with raised brow. Tila sa kanya nagpapaalam.Isang ngisi ang ibinigay niya rito. "Asikasuhin mo muna iyong mga ibang bisita. Pagbibigyan ko muna ang Marrius na 'to." She said chuckling.Bumitiw siya rito at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Marrius."Isang kanta lang Mauricius. Pagod na si Ciel." "No problemo Tito Leandro." Kindat pa nito sa Tiyo."Anyway may ipakikilala nga pala ako sayo mamaya, anak siya ng isang kaibigan. Dapat kahapon
"I-postpone kaya muna natin ang kasal natin, at sa katapusan nalang ng June itutuloy, ano sa tingin mo, sweetheart?"Tanong niya sa asawa habang pinapalitan ang bandage ng sugat nito. Tatlong araw pa lang ang nakakaraan buhat ng umuwi sila galing sa ospital. Ramdam niya ang pagkakatigil ito kaya umangat ang kanyang mga mata sa mukha nito, only to see his furrow brows."At ano ang dahilan na ipo-postpone natin?" Naglapat siya ng kanyang labi."Hindi ka pa masyadong magaling. Hintayin nalang natin na tuluyan kang gumaling bago natin ituloy." "Ang tiyan ko ang may sugat, Ciel. Hindi ang paa at kamay. I can walk you to the altar with no hussle. Maisusuot ko rin sa kamay mo ng maayos ang wedding ring natin. So why do we need to postpone it?" "Eh, kasi nga--""Enough of that thoughts." Agad na putol nito. "Sa pagkakataong ito, hindi ako papayag sa suhestyon mong iyan. Our wedding was already long overdue, and I can't wait another month to marry you."Nagtaas siya ng kilay. She wanted t
Dumating din si Marrius ng gabing iyon, at ganoon nalang din ang pasasalamat nito nang malamang nasa mabuting kalagayan na si Leandro."I'm glad that you're okey now. Sobra akong nag-alala nang tawagan ako ni Yaya Sela kagabi at ibinalita ang nangyari.""Kaya nag book ka ng flight agad-agad?" Leandro raised his brows. "May meeting ka pa bukas kay Mr. Tanagawa. What will you do about it?" "Tinawagan ko na ang secretary niya, pinosponed ko na muna ang meeting. I asked to set another date again.""Paano kung hindi pumayag si Mr. Tanagawa? Marrius, you lost a possible investor for the Cebu plantantion, alam mo ba iyon?" "Then maghahanap ako ng ibang investors."Dinig na dinig niya iyon sa labas ng pinto. Lumabas lang siya sandali at ito ang maririnig niya. Arguing over business. She rolled her eyesballs. Pati ba naman dito?"Do you think that it was that--""Woah..woah.. woah!" Palatak niya ng buksan ang pinto. Kapwa dumako ang tingin ng dalawa sa kanya. "Why are you arguing over bus
"L-Leandro..." Iyon na lamang ang tanging nasambit ng kanyang mga labi.Isang marahan na ngiti ang namutawi sa labi nito."H-Hi sweetheart.." paos nitong sabi.She swallow hard. Parang may kung anong humaplos sa kanyang puso na makitang gising na ito. Nagsimulang mamuo ang kanyang luha, at bago iyon tuluyang naglandas sa kanyang pisngi ay walang inhibisyon na siyang bumaling saka yumuko. Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya rito at kasabay niyon ang malakas niyang hagulgol."A-Ang sama mo.. ang sama-sama mo para takutin ako ng ganito!" Sumbat niya, bagama't napakahigpit naman ng kanyang yakap."S-Sweetheart, nadadaganan mo ang s-sugat ko." He chuckled.Nang marinig iyon, agad siyang bumitiw. Bumahid ang pag-aalala sa kanyang mukha. She immediately darted her eyes on his stomach, partikular sa sugat nitong nababalutan ng bandage."I-I'm sorry..." Kagat-labing sabi niya. "I-I will call the Doctor, para--" Ngunit pinigilan nito ang tangka niyang pagtayo. "Mamaya na. Dito ka muna.