The Blind Heart - Chapter 4
"KUU, tigilan mo nga 'yang pagdududang 'yan, Iska. Mamaya mo n'yan, marinig ka ni Sir Rhys. Hala ka, mapapagalitan ka lang n'on. Kung may dapat na magduda, siya 'yon. Ab'e, sila ang magnobyo, a? Malalaman agad ni Sir kung peke ang nobya niya. Disinsana, hindi na isinama 'yung babae dito?" ang mahabang pahayag ni Mang Dolfo.
"Ab'e, bulag si Sir Rhys, a? P'ano niya malalaman na hindi si Ma'am Desiree 'yung babae?" bawi ni Aling Iska.
"Naku, pairalin mo nga sa tama 'yang dumi ng utak mo, Iska. Kapag ba humahalik, e, nakamulat ka? Hindi ba't nakapikit? O, e, di parang bulag ka na rin," pamimilosopo ng matandang lalaki, pagalit na. "Naku, tigilan mo na nga 'yang kadududang 'yan. Baka marinig pa tayo ni Sir Rhys. Kawawa naman 'yung tao kung mabibinat pa sa kunsumisyon sa atin."
"Naku, tama ka nga siguro, Dolfo. Marumi nga lang siguro ang utak ko," wika ni Aling Iska. Tila nakumbinsi na.
The Blind Heart - Chapter5Fabienne spent the next few but long hours in suspense. Hindi na nga uli lumabas ng silid-tulugan si Rhys, matapos itong magpahatid kay Mang Dolfo.Magtatakipsilim na nang magkalakas-loob siyang hanapin si Aling Iska para kausapin. Ngunit nabigo siya dahil marami itong mga kasama habang abala sa pagluluto sa kusina.Minabuti niyang magtungo na lang sa kanyang kuwarto upang doon magpalipas ng pagkabalisa.Naligo siya sa primitibo ngunit kumpletong banyo. Bagama't pulos sawali at sementado lang ang dingding at sahig niyon, mayroon namang shower at gripo sa munting lavatory sink.Fully-stocked din ang bathroom cabinet sa mga bagong sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush. May linen cabinet rin na kumpleto sa mga tuwalya, bimpo at mga roba.May kaya ang kinagisnang pamilya ni Fabienne pero alam niyang wala sila sa kalingkingan ni Rhys. Sa kotse pa lamang nito ay talagan
The Blind Heart - Chapter6"I'LL never marry the likes of you, Desiree," patuloy ni Rhys. "The world is littered with easy girls like you!"Ang bawat katagang nang-iinsulto ay tila balaraw na tumutusok at sumusugat sa kalooban ni Fabienne.Ngunit hindi siya umimik. Kinagat na lamang niya ang ibabang labi hanggang sa magdugo iyon.She tasted blood but her teeth did not let go the tender underlip."Palagi mong tatandaan 'yan. Marami akong makukuhang magiging kapalit mo, kahit na anong oras."Pinilit niyang tumugon upang mahinto na ang pananakit ni Rhys sa damdamin niya. Nangamba siya na baka hindi niya matagalan ang paghihirap."A-alam ko na ngayon 'yan, Rhys. Patawarin mo na sana ako sa naging pagkakamali ko. Hindi ko na uulitin ang mag-ilusyon," she said humbly. Lalo pang naging paos sa pandinig ang boses niya."Good," anang lalaki matapos ang saglit na katahimikan.
The Blind Heart - Chapter7HER shaky legs obeyed the commanding voice in the bedroom. Dinala siya ng mga paa sa kuwarto, kung saan naghihintay sa kama si Rhys.Nasa dating puwesto pa rin ang lalaki. Still on a reclining position against the tall mound of soft pillows.His bronze skin was in direct contrast with the pristine whiteness of the embroidered pillowcases. Maging ang kubrekama na kulay mapusyaw na asul ay nagpatingkad rin sa pagka-kayumanggi ng balat nito."Bilisan mo, Desiree," utos ng lalaki, nang maramdamang papalabas na siya ng banyo. "Don't make me wait for you for too long. Baka magbago ang isip ko."She doubted it. The hard shaft of his masculinity was pulsing with an intense desire to possess a feminine body.Kusang kinalas ng mga daliri niya ang pagkakabuhol ng tuwalyang itinapis sa basang katawan. Halos nakalutang na lamang siya nang sumampa na rin siya sa kama. Pinakikilos
The Blind Heart - Chapter8Naramdaman ng lalaking bulag ang pagkilos niya para bumangon. Her movements were slow and heavy.Her body was still sore and tender. And she was already feeling sleepy after the exhausting bout of passion."Saan ka pupunta?" His voice arrested her from trying to roll away from him. He also captured her arm with steely fingers. "Pinaaalis na ba kita?"There was something cold and menacing in his hard tone. "Hindi ako ang kailangan mo, hindi ba? Si Desiree ang gusto mo," pahayag niya. Aywan kung paano nanatiling kalmado ang kanyang boses. "Hahanapin ko si Desiree para sa 'yo.""Bakit?""Para masiyahan ka sa paghihiganti mo," she sighed. "You'll want to take your revenge with her. 'Yan ang sabi mo.""Oo, pero hindi na sa paraang naisip ko nung una," salo ng lalaki. "Nandito ka na sa kama ko, wala na siyang lugar dito."Napakurap si Fabienne sa narinig. "A-
The Blind Heart - Chapter9HIS warm palms explored the soft curves of her hips, as she rained tiny kisses on his face. Hindi na gaanong butuhan ang mukha ni Rhys ngayon. Nanumbalik na rin ang mga siksik na kalamnan sa matipunong katawan nito.Hindi na nga magtatagal ang panahong ilalagi niya sa piling ng lalaki."I'm glad," bulong niya."Saan?" Bahagyang nakunot ang noo ni Rhys.Binura ng mga daliri niya ang mga munting linya bago ginawaran ng isang masuyong halik."Hindi ka na galit sa akin," she said simply. "I missed you, Rhys." Kahit na presko sa labas, dinadarang na naman siya ng mga munting ningas ng pagnanasa na palaging nakapaikot sa kanilang dalawa ni Rhys.Ikinukulong sila. Iginagapos. Ngunit maaaring siya lamang ang nakakaranas ng ganito. Dahil siya lamang naman ang nahihibang..."Oh, Rhys," sambit niya, paanas, bago inilapat ang mga labi sa dulo ng matangos na ilong.
The Blind Heart - Chapter10Bumuka ang bibig ni Fabienne upang subuking magsabi ng katotohanan, ngunit naunang magsalita ang babaeng bagong dating."Wow! Ang ganda naman ng tagpo dito! Pang-Famas, a? Puwede bang sumali?"Kapwa nakatutok sa isa't isa ang pansin nila ni Rhys, kaya walang nakapuna sa pagdating ni Desiree."D-desiree!" Nanlalaki ang mga mata ni Fabienne, pagkakita sa pinsan. Para siyang binagsakan ng langit."O, mahal kong pinsan, bakit parang nakakita ka ng multo?" pang-uuyam ni Desiree. "At ikaw naman, sweetheart, hindi mo ba ako sasalubungin ng halik?"Pinanood ni Fabienne kung paano pumulupot ang magandang babae sa matangkad at guwapong lalaki. Ang mga ito ang bagay na magkasama. They are perfect to each other. Parehong matangkad. Parehong klasikal ang anyo.Hindi na niya hinintay ang iba pang mga eksena na maaaring maganap. Ayaw niyang masaksihan ang muling pagbawi ni
The Outlaw's DarlingBlurb:Si Alana ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig kaya lumaki siya sa layaw. Si Leon ay isang lalaking bandido na naninirahan sa kabundukan.Kahit labag sa kagustuhan ng mga magulang, nagpunta si Alana sa kanilang probinsiya.Na-kidnap siya at tinangay sa kabundukan. Ang layunin ni Leon ay maganda kaya ginawang bihag ang dalaga.Paano magkakaroon ang pag-ibig na walang kalayaan?* * *The Outlaw's Darling - Chapter 1Isang malakas na suntok ang pinawalan ng malaking kamao ni Leonardo Bueno. Mas kilala sa alyas na Ka Leon, ang kilabot na lider ng mga tulisan na naninirahan sa Bundok Mabilog.Tumalsik ang lalaking tinamaan sa panga. Napuruhan yata agad. Hindi na ito bumangon nang pabagsak na tumihaya sa putikan."Magtatanda na ang tarantadong 'yan," wika ni Leon, paangil.Bumaling siya sa dalagang nanginginig sa takot."Hin
The Outlaw’s Darling - Chapter2Alana was currently throwing one of her infamous tantrums.Nagdadabog siya. Nagbabalibag ng mga kasangkapan sa loob ng maluwang na kuwarto.She was creating a messy chaos for the benefit of her elderly parents.Ginagawa niya iyon para hindi siya piliting sumama sa pagbabakasyon sa Amerika.Dinampot niya ang isang mamahaling pigurin na yari sa bubog at akmang ibabato sa balkonahe nang sumuko ang kanyang ama."Okey, iha," her sixty-five-year-old father surrendered with two hands up. "Alright, I get your point now. You can calm down. Hindi na kita isasama sa Amerika.""Hindi n'yo na ako pipilitin?" She wanted to be sure.Nanlalaki na sa takot ang mga mata ni Donya Ana, singkuwenta y sais naman ang edad."You're too volatile, iha. Gusto mo bang ikuha kita ng appointment kay Dr. Eugenio?""Hindi ako nasisiraan ng ulo, Mama," she cut in irritably.
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya