The Blind Heart - Chapter 9
HIS warm palms explored the soft curves of her hips, as she rained tiny kisses on his face. Hindi na gaanong butuhan ang mukha ni Rhys ngayon. Nanumbalik na rin ang mga siksik na kalamnan sa matipunong katawan nito.
Hindi na nga magtatagal ang panahong ilalagi niya sa piling ng lalaki.
"I'm glad," bulong niya.
"Saan?" Bahagyang nakunot ang noo ni Rhys.
Binura ng mga daliri niya ang mga munting linya bago ginawaran ng isang masuyong halik.
"Hindi ka na galit sa akin," she said simply. "I missed you, Rhys." Kahit na presko sa labas, dinadarang na naman siya ng mga munting ningas ng pagnanasa na palaging nakapaikot sa kanilang dalawa ni Rhys.
Ikinukulong sila. Iginagapos. Ngunit maaaring siya lamang ang nakakaranas ng ganito. Dahil siya lamang naman ang nahihibang...
"Oh, Rhys," sambit niya, paanas, bago inilapat ang mga labi sa dulo ng matangos na ilong.
The Blind Heart - Chapter10Bumuka ang bibig ni Fabienne upang subuking magsabi ng katotohanan, ngunit naunang magsalita ang babaeng bagong dating."Wow! Ang ganda naman ng tagpo dito! Pang-Famas, a? Puwede bang sumali?"Kapwa nakatutok sa isa't isa ang pansin nila ni Rhys, kaya walang nakapuna sa pagdating ni Desiree."D-desiree!" Nanlalaki ang mga mata ni Fabienne, pagkakita sa pinsan. Para siyang binagsakan ng langit."O, mahal kong pinsan, bakit parang nakakita ka ng multo?" pang-uuyam ni Desiree. "At ikaw naman, sweetheart, hindi mo ba ako sasalubungin ng halik?"Pinanood ni Fabienne kung paano pumulupot ang magandang babae sa matangkad at guwapong lalaki. Ang mga ito ang bagay na magkasama. They are perfect to each other. Parehong matangkad. Parehong klasikal ang anyo.Hindi na niya hinintay ang iba pang mga eksena na maaaring maganap. Ayaw niyang masaksihan ang muling pagbawi ni
The Outlaw's DarlingBlurb:Si Alana ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig kaya lumaki siya sa layaw. Si Leon ay isang lalaking bandido na naninirahan sa kabundukan.Kahit labag sa kagustuhan ng mga magulang, nagpunta si Alana sa kanilang probinsiya.Na-kidnap siya at tinangay sa kabundukan. Ang layunin ni Leon ay maganda kaya ginawang bihag ang dalaga.Paano magkakaroon ang pag-ibig na walang kalayaan?* * *The Outlaw's Darling - Chapter 1Isang malakas na suntok ang pinawalan ng malaking kamao ni Leonardo Bueno. Mas kilala sa alyas na Ka Leon, ang kilabot na lider ng mga tulisan na naninirahan sa Bundok Mabilog.Tumalsik ang lalaking tinamaan sa panga. Napuruhan yata agad. Hindi na ito bumangon nang pabagsak na tumihaya sa putikan."Magtatanda na ang tarantadong 'yan," wika ni Leon, paangil.Bumaling siya sa dalagang nanginginig sa takot."Hin
The Outlaw’s Darling - Chapter2Alana was currently throwing one of her infamous tantrums.Nagdadabog siya. Nagbabalibag ng mga kasangkapan sa loob ng maluwang na kuwarto.She was creating a messy chaos for the benefit of her elderly parents.Ginagawa niya iyon para hindi siya piliting sumama sa pagbabakasyon sa Amerika.Dinampot niya ang isang mamahaling pigurin na yari sa bubog at akmang ibabato sa balkonahe nang sumuko ang kanyang ama."Okey, iha," her sixty-five-year-old father surrendered with two hands up. "Alright, I get your point now. You can calm down. Hindi na kita isasama sa Amerika.""Hindi n'yo na ako pipilitin?" She wanted to be sure.Nanlalaki na sa takot ang mga mata ni Donya Ana, singkuwenta y sais naman ang edad."You're too volatile, iha. Gusto mo bang ikuha kita ng appointment kay Dr. Eugenio?""Hindi ako nasisiraan ng ulo, Mama," she cut in irritably.
The Outlaw’s Darling - Chapter 3MAG-ISA lang si Leon na nanubok sa malaking bahay ni Don Paolo Martinez.He knew Bruno's stocky figure from afar. Lumabas ito mula sa harapang pintuan, at nagtungo sa kinaroroonan ng isang bagong tayong cottage.Nahinuha niyang hindi natutulog sa bahay ng amo ang katiwala.Ang mga babae lang ang natitira sa malaking bahay."Good," bulong ni Leon sa sarili. He pulled at the thick growth of vines on the concrete walls of the big stone house.Nang matiyak na kaya siyang dalhin ng mga halamang gapang, sinimulan na niya ang pag-akyat sa balkonahe.Nagpasalamat siya sa buwan na hindi pa isinisilang uli. Madilim ang paligid. Hindi siya basta-basta makikita habang nakalambitin siya sa tapat ng mga bintanang nangingitim na sa kalumaan ang salamin.Maingat niyang hinila pabukas ang isang kalawanging dahon upang makasilip sa loob.Ngunit nawalan siya ng tinag nang may marinig na mga boses.
The Outlaw’s Darling - Chapter 4UMUURO sa matinding sakit ang ulo ni Alana. Napaungol siya nang malakas.Iniangat niya ang isang kamay upang sapuhin ang kanyang noo. Ngunit hindi siya makagalaw.Tinangka niyang kumilos.Napakunot-noo si Alana. Bakit hindi siya makakilos?Pinilit niyang dumilat. Her eyes were gritty with fine particles.Ngunit napamulagat pa rin siya nang maramdamang umaalog ang kama niya. At tila napakalapit niya sa bintana..."A-ano'ng--?" umpisa niya, paungol. Na nauwi sa pagkabigla. "Oh, my God! Nas'an na ako?"She craned her neck to look up.Napagtanto na niyang nasa loob siya ng isang umaandar na sasakyan. Nakaharang ang mataas na upuan kaya pinilit niyang iangat nang husto ang kanyang ulo.Ngunit biglang nagkabaku-bako ang daan. Nakalog ang buong sasakyan kaya muling bumagsak si Alana.Habang tinitiis niya ang pagkaliyo, unti-unting nagbalik ang mga nangyari kagabi.Nagk
The Outlaw’s Darling - Chapter 5WHAT a beautiful creature! bulong ni Leon sa sarili habang pinapanood ang pangingislap ng mga mata ng babae.And she's got spirit, too, dugtong pa niya.Aaminin niyang humahanga siya sa ipinakikitang tapang ng babae.There was a challenge in her stormy eyes. And he was itching to take it.They would surely have a great time, playing ball together. She looked delicious enough to eat. The creamy skin and the ripeness of red, red lips reminded him of his favorite dessert--fresh strawberry with whipped cream and honey.Her body was soft and supple like a mink coat. She would perfectly fit him when--Dammit! What am I thinking?Purong pagnanasa na ang nadarama niya para sa babaeng ito!Ngunit kahit na napagtanto na niya ang maling nadarama, hindi pa rin niya naiwaksi ang maalab na emosyon.Tinitigan pa niya uli ito. Hinagod ng mga mata niya ang makinis na dibdib, tiyan, at mga hita nang i
The Outlaw’s Darling - Chapter 6PAGKAALIS ng lalaki, nagdumaling bumangon si Alana para alisin ang nakagapos na lubid sa kanyang mga binti. She stood up and walked towards the door with ginger steps.Nangingimi ang mga paa niya. Parang tinutusok ng maraming karayom ang mga kalamnan mula sa talampakan hanggang sa mga tuhod.Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng solidong pinto. Itinulak niya iyon nang buong ingat.Napahinto siya ng may marinig na mga boses-lalaki sa labas. Na sinalihan pa ng boses-babae.Bahagya niyang pinalaki ang awang para maintindihan niya ang pinag-uusapan.Ang una niyang napuna nang makarating sa malayong probinsiyang ito ay ang ibang diyalekto ng mga tagarito.Ayon kay Mang Bruno, bihira lang daw ang marunong ng matatas na Tagalog. Ang mga may aral lang, o di kaya'y ang mga nandayuhan lang doon.Kaya nagtaka pa siya nang maintindihan ang mga salitang naririnig sa labas.Sinilip niya ang
The Outlaw’s Darling - Chapter 7MATAPOS ang sandaling pamamahinga, tumayo na si Dalena upang mag-ayos ng sarili.Ipinusod nito ang mahabang buhok pagkatapos suklayin. Pinagpag ang palda at blusa bago lumakad patungo sa lamesa ng kusina."Siyanga pala, may dala akong pagkain," wika nito habang inilalabas ang mga laman ng basket na dala-dala kanina."Dalhan mo ng almusal ang bisita ko," he instructed in a casual tone.He zipped back his jeans before straightening on his feet."Bisita?" ulit ni Dalena. Nagtataka ang tono. "May bisita ka dito?" paniniguro nito."Uh-uh," tango ni Leon habang isinusuot ang polo na dinampot sa sahig. "Nasa kuwarto siya."Kunot-noong tumalima si Dalena. Hindi naman nagagalit pero takang-taka lang.Dala nito ang isang tray na may isang malaking coffee mug at isang platitong may ilang hiwa ng putong maalsa.Kumatok muna ito sa pinto bago itinulak pabukas.Saka lang lumapit sa
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya