KUSOT ang mukha nang umuwi si Zieth Kate sa Mansion De Domingo ng hapon ding iyon. Natapos ang kaniyang trabaho at obligasyon bilang CEO pero ang pagkainis niya sa kanilang bagong CEO na si Kurt Justin Steve Del Pacio ay hindi natapos. Hanggang sa pag-uwi niya ay dala niya ang pagkayamot sa lalaking panay naman ang papansin sa kaniya kanina kahit nasa field sila ng works.Ang buong akala nga niya kanina ay natapos na ang pagpapansin nito sa kaniya kanina nang hinampas niya rito ang mga bulaklak na ipinabibigay sa kaniya. Malay niya ba na ganoon ka-consistent ang lalaki at hindi basta-basta sumusuko. Kung hindi siya magkakamali, ayon na din sa klase ng diskripsiyon ng lalaki, kilala na niya ang mga galawang iyon. Kumbaga sa estilo ng panliligaw ng mga playboy, paimbabaw lang iyon. Sa katagalan, mawawala din iyon. That kind of pursuing a coarse for a girl is just a bet that they must play to win. Gawain na iyon ng mga lalaki at aware siya sa mga tactical na paraan ng mga ito.Well, no
KINAUMAGAHAN ay muli na namaang pumasok sa trabaho si Zieth Kate. As usual, maaga siyang nagising at inasikaso ang kaniyang Mom. Kahit sa kabila ng napakaraming obligasyon bilang CEO, kahit minsan ay hindi niya inisip ang pagod upang maaalagaan at isupervise ang private nurse na kinuha niya upang alagaan ang kaniyang Mom while she out. Kahit minsan napakahassle na para sa kaniya ang obligasyong iyon ay no choice naman siya. Siya na lamang ang tanging maaasahan nito. Her relatives are too busy to cater her Mom's need and time. Like her, they are all business-minded. She tried to ask help anyone of the Del Fuego's clan to take care of her Mom but she found no answer even response.Nagkaniya-kaniyang dahilan lamang ang mga ito. Bagay na hindi na niya inulit pang makiusap muli. She is not a kind of person who still insisting nor persistent in asking help. Kung ayaw nilang alagaan ang Mommy niya, then fine. Siya na lang ang aako ng lahat ng responsibilidad.She was in her room on that
NAIIBANG kagalakan at kapayapaan ng isip ang nararanasan ni Zieth Kate ng umagang iyon. Para niyang nakalimutan ang mga personal na problema simula ng sinubukan niyang buksan ang kaniyang mga mata para makita ang mga taong makakasama niya sa muling pagbangon kasama na ang Hotel Uno. Nagsimula din ito ng muli niyang buksan ang kaniyang puso para makipag-ayos sa kaniyang kuya Blake noong dalawin niya ito sa kulungan. Hindi man naging gaya ng dati ang kanilang pagkikitang muli, gayunman ay naging sapat na rason ang naging pag-uusap nila upang buksan ang mga posibilidad at pagkakataon para magkaayos sila. Hindi din naman nagtagal ang kanilang naging pag-uusap ng kaniyang kuya Blake. Ang mahalaga lang ay mayroon na uli silang koneksiyon at malayang kumunikasyon. Anytime ay puwede na niyang dalawin ang kaniyang kuya Blake ulit. Iyon ang ipinangako niya sa kaniyang kuya bago sila tuluyang nagpaalaman sa isa't isa. Hindi niya nga inaasahang hihilingin ng kaniyang kuya ang bisitahin niya ito
WHAT???" Malakas na bulalas ni Zieth Kate ng marinig ang buong kuwento mula kay Miah. Hindi siya makapaniwalang pagkatapos ng halos dalawang taong pagsasama nito at ng boyfriend nitong si Albert Jade Prominore ay malalaman na lamang niyang pinagtaksilan ng lalaki ang kaniyang pinsan. Ang buong akala nga niya ay nakatakda na ang kasal ng dalawa. Iyon pala ay hindi na matutuloy pa at wala ng kasalang magaganap. Iyak ng iyak naman si Miah habang nagkukuwento. Wala naman siyang magawa kundi ang maawa na lamang rito habang nakikita ang miserable nitong kalagayan. Paano ba niya matutulungan ang pinsan niya kung hindi nga niya natulungan ang kaniyang sarili noong niloko lang din siya ni Edward? "Ilang buwan ka na niyang niloloko?" Iyon ang kusang lumabas sa bibig niya kahit alam niyang hirap na hirap na ang kaniyang pinsan. Halos ayaw na nga nitong huminga at wala ng ginawa kundi ang umiyak na lamang. Sinubukan nitong tanggalin ang parang bikig na nakabara sa lalamunan nito para lang
IT WAS late ieght o'clock in the evening when Zieth took a visit to her cousin Miah. Naabutan niya sa sala ng mga ito ang kaniyang Tito Elijah at Tita Mona. "Good evening,Tito Elijah, Tita Mona." Masayang bungad na bati niya sa mga ito dahil busy ang dalawa sa mga papeles na kung hindi siya magkakamali ay para sa business ng mga ito. Bahagya namang nagulat ang mag-asawa nang makita siya. "O, Zieth Kate, ikaw pala. Kanina ka pa ba diyan?" Pahayag ng kaniyang Tito Elijah na noon lang tumayo upang lapitan siya at akayin. "Halika, maupo ka." Aya nito sa kaniya at itinuro siya sa naroong sofa."May kailangan ka ba? Mukha yatang napasugod ka rito ah? Ginulat mo kami sa iyong pagdating." tanging nasabi ng kaniyang Tita Mona. "Come here. Kumain ka na ba?" agaw nito sa kanya mula sa kaniyang Tito Elijah at ang nangyari, napapagitnaan na niya tuloy ang mag-asawa.Mahigpit siyang umiling."Aba, mabuti kung ganoon. Kung gusto mo dito ka na magdinner." Alok sa kaniya ng kaniyang Tito nang mak
MAGDAMAG na nasa ospital si Zieth Kate ng gabing iyon dahil sa nangyari kay Miah. Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Miah ang bagay na iyon sa sarili nito. Mabuti na lamang at naisipan niyang dumalaw sa pinsan at puntahan ito sa kuwarto nito. Kung hindi, baka hindi siya sa hospital magpupuyat kundi sa punernarya.Matapos madala nila sa ospital si Miah kagabi ay umuwi na kaagad ang mga magulang nito dahil hindi na bagay sa mga ito ang magpuyat. Nakiusap ang mga ito na siya na muna ang magbantay at hindi naman siya tumanggi dahil ayaw niya ding iwan ang pinsan. Baka kasi kapag nagising ito ay muli na namang kitlin nito ang sariling buhay nito.Noon ay mag-uumaga na at nakatulog siya sa upuan sa gilid ng patient bed. Hindi siya sanay na matulog nang ganoon ang posisyon pero dahil siguro sa puyat ay nakalimutan na niyang hindi siya sanay sa ganoong ayos ng pagkakahiga.Nagisnan niyang umuungol si Miah. Gising na ito at tinatawag ang pangalan ng Mommy at Daddy nito. Mabilis niyang nila
KANINA pa si Zieth Kate tumatawag sa kaniyang sekretarya na si Bea pero nananatiling unattended ang tawag niya. Hindi siya makakapasok ngayong araw dahilan nga sa nangyari kay Miah kaya kanina pa siya tumatawag sa kaniyang sekretarya upang i-inform sa mga ito na hindi siya makakapasok sa Hotel Uno.Magiiwan na lamang siya ng tasks para sa mga ito at i-cancel ang anumang appointments niya sa trabaho. Kailangan siya ngayon ng kaniyang pinsan kaya kahit 24 hours ay babantayan niya ito. Natatakot siyang baka muli nitong pagtangkaan ang sarili nitong buhay. Ikalimang tawag na niya ito kay Bea. Kanina pa siya naiirita rito at bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Masyado bang busy ang mga ito sa trabaho nila o baka naman nagkakaumpukan na naman ang mga ito at nagchichismisan?She is a kind of no-strict CEO. Masyado siyang maluwag sa ng mga employees nila. Iyon siguro ang marahil naging isang scope ng pagkakaroon ng elligiblity at long term service ng kanilang mga staffs. Naging par
Miah was released out of the hospital in the next days. Hindi naman kasi ganoon kalala ang nangyari sa pinsan ni Zieth Kate kaya minabuti na ng Tito Elijah at Tita Mona niya na iuwi na si Miah sa bahay ng mga ito. Hindi na din siya tumutol dahil mababaw na sugat lang naman ang likha ng pagtatangka nito laban sa sarili. Kailangan niya na ding pumasok sa opisina kinabukasan. Everyone in the Hotel Uno needs her presence and her ideas. Kailangan niyang pangatawan ang pagiging CEO lalo na sa panahong nakabilanggo ang kaniyang kuya Blake.Matapos maihatid sa kanila si Miah, umuwi na siya kaagad sa Mansiyon De Del Fuego upang saglit na makapagpahinga. Sa kabuuan ay may liban na siyang dalawang araw at may natitira pa siyang 15 hours para makapagpahinga.Kailangan niyang makabawi ng lakas at makapag-isip na muli ng maayos. Hindi rin basta-basta pag-alala ang kaniyang naramdaman sa pinsan sa mga nakalipas na oras at araw. Ngayon ay panahon naman para siya naman ang magkaroon ng time sa kaniya
ALAM ni Zieth Kate na hindi solusyon ang pagkulong sa loob ng C.R na ito ag makaiwas kay Mr. Chingson. Magiging grounds lang iyon para maalarma ito na nakatunog na siya sa masamang tangka nito. Kutob pa lang naman ang sa kaniya.She has this gut feeling that’s making her incredibly uneasy. Her heart has been racing uncontrollably. How can she stops feeling this way? Just the way he stares at her, she can sense his desire to ruin her. She’s only a human, a woman who can easily detect danger just from a look.Marahas siyang bumuga ng hangin. Isang malalim na inhale at exhale ang kaniyang ginawa. Nagpapasalamat naman siya ng maging epektibo ang kaniyang ginawang iyon. Matapos marelax ang sarili ay inayos niyang mabuti ang kaniyang poise. To the max na hindi iyon mapansin ng lalaking hindi niya alam kung bakit naging isang banta sa buhay niya ngayon!“What took you so long?” bungad sa kaniya ng lalaki ng iluwa siya ng pinto. Nakaupo na si Mr. Chingson at hawak-hawak ang isang bagay na umu
ANG buong akala ni Zieth Kate ay isang fastfood restaurant ang lugar kung saan sila magkikita ni Mr. Chingson. Iyon ang kompletong address na tinext sa kaniya ng binata. Noong una ng matanggap niya ang text nito ay napatanong pa siya kung sino ito.Hanggang sa magpakilala na ang naturang texter.Akala niya ay doon na natatapos ang pabitin nito. Hindi pa pala. Ang inaakala niyang fastfood ay isa palang Inn. May kakaibang kaba na nabuhay si dibdib ni Zieth Kate sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya itong pakikipagnegosasyon sa binata o mas mabuting huwag na lamang ituloy. May kakaibang senses na namumuo sa kaniyang pagkatao. Para niyang naamoy ang panganib lalo na sa tuwing naaalala kung paano siya tingnan ng binata.Kahit sinong tao ay makakaramdam ng pagkailang at aligaga sa mga tinging ibinabato ng isang kagaya ni Mr. Chingson. It is seems like Mr. Chingson is a kind of a man who will not do good things.Ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang sakong kahit nak
Matagal na hinintay ni Zieth Kate ang magiging tugon ni Mr. Chingson. Muli siyang nakaramdam ng kakaibang pagkailang ng muli itong lumapit sa kaniya.Nakaramdam naman siya ng inis dahil para sinasayang nito ang oras niya sa mga pabiting salita.“Come on, Mr. David Chingson. Don’t waste my time for your own interest. Your flirting won’t work on me.” Wika niya rito na hindi napigilang umatras ng konti. Masyado na kasing malapit ang lalaki sa kaniya. Amoy na amoy niya ang pabango nito na parang magpahilo sa kaniya. Hindi ito ang unang lalaking nakasalamuha niya pero sa totoo lang, ngayon lang siya nakalanghap ng ganitong amoy ng isang lalaki. Natawa naman ito sa naging reaksiyon nya.“Relax. Pagbibigyan kita sa hiling mo.”Para naman siyang nabuhayan ng loob.“Iyon ay kung papayag ka sa gusto ko.” Nanunudyo ang mga titig nito. Nangaakit. Waring gusto siyang mahipnotismo.Kung siya lang talaga ang susundin, kanina pa niya gustong umalis. Pinipigilan lamang niya ang sarili dahil ayaw niy
STEVE was out of his companies and walk for a while. Mag-aalas singko na ng hapon at dumarami na ang dumarating na mga bisita. He needs to entertains them one by one because he is the only one who must do it. Alam niyang busy ang mga tao sa bahay nila lalo na ang kaniyang Lola Mareet, leaving him no choice but to shoulder the warmest welcome to all guests arrived and those coming yet.Malawak ang kanilang bakuran kaya hindi siya nangangambang mapupuno ang kanilang bahay bago gumabi. Hindi naman siya nag-invite ng marami dahil wala naman siyang gaanong kakilala rito at kapamilya. Iilan-ilan lamang ang pinadalhan niya ng invitations at mensahe sa social media. Kung bibilangan, hindi na siguro tataas sa 30 katao ang kaniyang naimbitahan. Ang pamilya lamang ng mga ito ang nagpadami ng tao. Wala naman sa kaniya ang pag-alala na baka kulangin ang pagkain sa sobrang dami ng mga dumating. In fact, his Lola Marett prepares the party. Kilala niya ang kaniyang Lola pagdating sa party o selebra
EVERYTHING is settled down. The creative designs, table presentations, food preparations and party over-all impressions is orderly complete. Steve’s big day is waving tonight. Nagsimula ang preparasyon sa ganap na alas tres ng hapon. Sinadyang i-advance ito upang bago magdilim ay nakaprepared na lahat. Dinner ang target ng kaniyang selebrasyon at masama naman kung pagugutuman niya ang mga bisita. Imbitado lahat ng mga kakilala ni Steve lalo na ang mga kaibigan niya since high schools at sa iba pang mga panahon. Hindi din nakaligtaan ang mga officemates niya. Lahat ay pawang naroon liban sa isang personalidad na kanina pa niya hinihintay. Panay ang linga niya sa buong paligid. Naging malikot ang kaniyang mga mata kanina pa. ‘Nasaan na ba siya? Darating kaya siya?’ anang kaniyang isip na hindi nasiraan ng pag-asang makakarating nga ang inaasahang bisita. “Happy birthday, Steve!” Isang pamilyarn na boses ang nagpalingon sa kaniya. Hindi na siya nagulat nang makilala si Bea. Kasama
BAGO sa mga mata ni Zieth Kate ang lugar na kinatuntungan niya ngayon. Sa labas pa lamang ay ibang atmospera na ang kaniyang nasagap. ‘Ito na siguro ang Zulabi’s Inn and Restaurant’, anang isip niya. Maayos na narating niya ang lokasyon ng mas maaga pa kaysa sa oras ng kanilang appointment ni Mr. Chingson. Panakaw na sinulyapan niya ang suot na wristwatch. It was nine in the early morning. Matapos maipark ng maayos ang kotse sa nakareserved na parking area, lumabas na siya ng kotse. Maingat na binaybay niya ang malawak na pathway ng open area papasok sa entrance. Marami siyang nakikitang turista na kasabayan niya sa pagpasok sa loob. Kalimitan sa mga turista ay mga foreigner na mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.May mga maputlang maputi, may mga maitim at kulot na kulot ang buhok. Mayroon namang mga singkit ang mga mata at meron ding mamula-mula ang mga kutis. Tama ang kaniyang mga nabalitaan at nakuhang infos.Isa din sa kilala at dinarayo ng mga turista ang naturang Resto at I
ISA si Mr. Leon Chingson na nakausap ni Zieth Kate online para alukin ng shares contract. Bigatin ang naturang bilyonaryo at may-ari ng sikat na Zulabi Inn and Restaurant dito sa buong Batangas. Matagal din bago niya nakausap ang naturang negosyante at makakuha ng appointment mula rito. Finally, nakausap na niya din ito online. Nagsettled na nga ito ng schedule para sa isang formal na pag-uusap patungkol sa offers niya. “Nine thirty at my office. Don’t be late. Alam mo na, marami din akong transactions na kailangang harapin.” Paalala nito sa kaniya na akala mo ay isang president ng Pilipinas kung umasta. Tiyakan naman siyang tumugon. “I promised not to be late, Mr. Chingson. I will please to arrive before your timer starts.”“I like your styles, Ms. Del Fuego. I can’t wait to see in personal.”Iyon ang naging pag-uusap nila kanina. Hindi masasabing pormal, hindi din masasabing propesyunal. Mukhang nakuha niya ang kiliti ng binatang negosyante. Sana nga ay kumagat na ito ng tu
AND it’s happened na kinabukasan na ang kaarawan ni Jino ngunit hindi pa din tapos ang problema ni Zieth Kate sa Batangas. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya naaayos ang problema. Nalulungkot siyang hindi siya makakauwi ng Cebu lalong makakadalo sa 6th birthday ni Jino bukas.Hindi naman puwedeng basta na lamang niya iwan ang kanilang shipping lines na may problema. Sa hindi niya malaman ang gagawin, iisa ang pumasok sa isipan niya. Iyon ay tawagan si Arianne at sabihin ditong hindi siya matutuloy sa pagpunta ng Palawan.Iyon na lang ang pinakamabisang paraan na puwede niyang gawin. Maiintindihan naman siguro iyon ni Arianne. Saka na lamang siya dadalo sa susunod na kaarawan ni Jino. Marami pa naman sigurong darating na kaarawan nito. Nanlulumo ang mga daliring itinipa niya ang sauladong numero ni Arianne sa kaniyang mobile phone. Sinadya niyang burahin iyon upang hindi na malaman o matrace pa ninuman ang kinaroroonan nina Jake at Arianne sa Palawan. Ayaw na niyang malagay sa pa
Tomorrow will be Steve’s big most-waited day. Dahil nagiisang apo ng Del Pacio, tiyak na hindi basta-basta handaan ang magaganap kinabukasan. Pinagkaitan man ng pagkakataong magkaroon ng isang Masaya at kompletong pamilya ang isang gaya niya, hindi naman siya nagkulang o nanlimos ng pagmamahal sa mga taong nakakilala sa kaniya. Imbitado lahat ng mga kakilala at kaibigan niya. Siyempre ay isa na doon si Billy na tinawagan niya kanina para sabihin dito ang kompletong detalye kung kailan at ano’ng oras magaganap ang selebrasyon. Ang loko sa sobrang excited, mamayang gabi daw ay pupunta na kaagad dito sa Cebu. Nagbook na din daw ito kaagad ng plane ticket. Para mas kapani-paniwala, kumuha pa ito ng selfie sa harap ng ticketing shop. Hindi din mawawala ang kaniyang office mate na sina Jorge, Bea, Jonney , Nikko at iba pang mga staffs ng Hotel Uno. Paano ba’ng wala ang mga ito ay superclose na sila sa isa’t isa? Even the place became the base of all his deceptions and treacherous characte