Disclaimer: This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience.
October 2, 2025
Nagising ako sa sigaw ng mga kaibigan ko,
"AISHLEY NASAAN TOOTHBRUSH KO?!" sigaw ni Robyn
"Ay aba! Bakit ako? Toothbrush mo yan eh" sagot naman ni Aishley, rinig hanggang sa kuwarto ko ang tunog ng kutsara't tinidor sa kanyang plato.
"UYY ASAN KASEE, importante 'tong araw na 'to uyyy! Final PT day na kaya!" Sabi ng maliit na boses ni Robyn
"Tignan mo sa baba ng lababo jusko."
"Aishleyy!!! FINAL PT DAY NA NGA EH!"
Napa-isip ako bigla... Final PT day? Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko para makatingin sa orasan... at biglang napalaki ang mga mata ko dahil...
"HUTEK EIGHT NA?!?!?"
Napabilis kilos ko bigla habang umaalis sa kama. Dali-dali kong kinuha ang mga susuotin ko at pumunta sa cr. Pagkatapos, kinuha ko naman ng nagmamadali ang sapatos ko't kasama na ang bag ko. Nagbihis ako ng nagmamadali habang nakatitig saakin ang mga kaibigan ko.
"Uh, Chinee 'di ka na kakain?" Tanong ni Scymon, pagkatingin ko sakanya nakita ko na nakasuot siya ng pink na apron at nakamake-up din.
"Hindi na, hindi na. Tirhan niyo nalang ako mamaya. Bye na!" Sinabi ko habang tinatali ang nga sintas sa sapatos ko,
"Oy Chinee kain ka muna baka magutuman ka." Sabi ni Grecian habang nginangabngab ang sa tingin ko, luto ni Scymon.
"Late na 'ko, maya na. Oh bye na!" Sabi ko habang tumakbo papalabas ng apartment. Tinakbo ko ang sakayan ng dyip papunta narin sa eskuwela. Hingal na hingal, binuksan ko ang pinto ng klasrum namin at nakita kong wala nang mga tao't nakapatay na ang mga ilaw.
"ARGHHH!" Sigaw ko, iritang irita.
"Ms. Suministrado... you're late."
Bumukas ang mga ilaw at nakita ko si Professor Rey na nakaupo sa kanyang upuan sa gitna ng klasrum.
"Prof, sorry po talaga prof. Dala dala ko na po yung PT. Please prof tanggapin niyo na pinagpuyatan ko po 'to the whole week."
"What was the said due date?"
"T-today po, prof."
"Wrong! I said the due date was the class today! Nasa klase ka pa ba?" Sabi niya, tinuturo ang mga walang laman na mga upuan.
"W-wala na po, prof."
"Then you can't submit it anymore! Easy! Madali ka lang naman pala kausap eh!"
"Prof, please lang po..."
"I take that back, hindi ka madali kausap nga pala... ehem, as I was saying. The only hope you have is the alternative PT. Here you go, and do not be late in my class ever again, or else." Sabi niya habang nakaturo saakin, hinalungkat niya ang lamesa niya't may ibinigay saaking folder. "I need 4,000 words about that case due 'till October 15th. Now get out of my sight."
"What did I just say?" dagdag niya pa,
"P-prof, please-"
"Get. Out."
Huminga nalang ako ng malalim at tumungo papalabas ng klasrum. Saktong pagkalabas ng klasrum, tumulo na din ang mga luha ko.
Sa apartment, nakita kong nakaabang na saakin ang mga kaibigan ko. Wala ba silang magawa sa buhay? Isip-isip ko.
Sakto lang ang apartment namin, hindi maliit, hindi malaki. Mayroong apat na kuwarto, ang isa para sa aming lahat... este bedroom namin, ang pangalawa naman ay ang sala, este "netflix room", pangatlo naman ang kusina na kasama na ang dining room at ang pang apat naman ay ang gamit na gamit na kuwarto, na parang study area. Masaya naman tumira dito, sadyang hindi lang ako masaya.Pagkapasok ko sa apartment, niyakap nila ako habang umiiyak. Halos lagi-lagi kaming magkakaibigan makaranas ng isa saamin na umiiyak o merong pinagdadaanan, mahirap naman kasi talaga ang buhay. Pero atleast, we have each other."Okay lang yan pre, andito lang naman kami." Sabi ni Lois habang yinayakap ako.
"Kain muna tayo, I'm so hungreh" biro naman ni Seiya, tumawa kaming lahat at pumunta ang mga kaibigan ko sa dining area. Pumunta naman ako sa kuwarto namin at ibinaba ang mga gamit ko, pagkatapos, sumabay narin ako sakanilang kumain,
"gutom na gutom na 'ko, kain na tayo." Sabi ko habang nakangiti.
***
Tinitigan ko yung lamesa, sitting there was my alternative PT. 11pm na, wala parin akong nagagawa na kahit ano para sa alternative PT ko. Binuksan ko na yung folder na ibinigay sa akin, nakasulat doon yung kaso. Mayroon ding mga pictures, pero napataas yung kilay ko habang binabasa ko... "murder of Cholo Santos"
Napalaki bigla mga mata ko, si Cholo?! Patay na?! Ha?! What?! Why?! Where?! When?! How?! Tinanong ko sa sarili ko,
Kaya nga aalamin mo ngayon eh. Basahin mo na. Sagot ko muli sa sarili ko.
Binasa ko ng tahimik yung kaso "Murder of Cholo Santos-" wait, diba masyadong madugo 'tong kaso na 'to para sa isang college student? I mean literal na madugo. Eh bahala na, wala tayong magagawa dito.
Tinuloy kong basahin yung iba...
side: defendant
This case is confidential, therefore the given names and addresses are fictional and shall not be taken seriously.
Role: Your firm handles the accused murderer as their client. You are the senior partner of the firm. You have to justify the following evidences and accusations.Hold up. So wala ditong totoo? Pero totoong patay na si Cholo? Wait, what? I'm confused... Paano kaya natin 'toh maiaano. Tanong ko uli sa sarili ko
Gawan mo nalang kaya ng essay at tapusin mo na yan? Para sa grades mo lang naman 'to eh. Sambit ko sa sarili.
Naaalala mo pa ba si Cholo, Chinee? Kaklase mo yun dati! Siya yung nang aasar pa sayo kahit napakalungkot mo o badtrip mo pa! Hindi lang siya isang kaso na isosolve! Sinigaw ko uli sa sarili ko. Shems kinakausap ko na sarili ko, baliw na 'ko omg. Pero isang solusyon lang lang ang makakatapos neto...
"Si Cholo? P-patay na?" Sabi ni Grecian, "Weh, Chinee alam kong 'di 'to tunay. Imposible naman."
"Grecian, maniwala ka saken. Promise." Sabi ko,
"Eh kakachat lang namin nung nakaraang linggo eh. 'Wag mo ko biruin ng ganyan hoy."
"'Nubayan ayaw pa kase maniwala. Eh tignan mo..." sinabi ko habang naglalakad papunta sa lamesa kung nasaan yung folder, tinuro ko sakanya ang mga sulat, "ayan oh. Mur-der-of-Cho-lo-San-tos. Inisa-isa ko pa yan."
Napatulala siya ng iilang segundo. Pagkatapos, ngumiti siya ng saglit.
"Hindi, hindi 'yan totoo. Fake news, fake news."
"Grecian. Nag-aaral ako sa malaking university, at lahat ng mga kasong pinagpapractisan namin is based on past events. Lahat 'yun totoo. Pero ito, sabi dito yung mga ebidensiya tsaka yung mga tao etc are fictious kasi confidential case. That proves na totoo 'to. O ano, 'di ka pa naniniwala saakin?"
Ngayon, napakamot na siya ng ulo habang tumatawa.
"Chinee ha, tigilan mo 'ko." Sabi niya pa,"Grecian sa tingin mo magbibiro ako sa gantong lagay ko? Yung tipong kelangan ko makagawa ng essay sa isang kasong napakahirap at kelangan pa ng 4,000 words by the end of the week? Grecian, tatlong araw nalang ang natira saakin para gawin ko 'to."
"S-sure ka?" Sabi niya, "eh kasi... kakachat nga lang namin last week-!"
"Sabi dito na nangyari daw 'to last month. Pero nakasulat dito na yung mga detalye ay fake, fictional. Kaya siguro nangyari 'to ngayong linggo..."
"Sabihin mo na nga lang sa iba, please. Masyado 'tong maraming inpormasyon para sa'kin." Huminga siya ng malalim sabay punta sa kuwarto namin.
Napatulala ako sa lamesa uli, nakakasilaw ang ilaw ng lampara na nasa mesa. Nakikita ko lahat ng mga letrato ng kaso, lahat ng mga hindi totoong dates, information, mga tao pa. Binasa ko uli ang nakasulat na the given names and addresses are fictional and shall not be taken seriously. Paano ko hindi 'to seseryosohin kung close naming lahat 'tong taong dati patawa-tawa lang tapos ngayon pinatay na? Naalala ko pa nga dati noon...
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience.Naalala ko rin noon. Grade 7. June 19. Eto yung nagfirst day of school...June 19, 2018Nagmumukha akong ewan, papunta punta lang kung saan. Nakakaligaw naman 'tong school na 'to. Kitang kita ko na napakarami ng mga estudyante dito sa Saint Rita Academy. Noong pinapila ako sa section ko, nakita ko na may string bag yung kaklase ko na Hogwarts.Aarghh hindi mo alam kung gaano ako kaadik sa Harry Potteer urgh.Inisip ko sa sarili,Baka kapag lumapit ako o maging seatmate ko
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience.October 3, 2025Nagising uli ako sa mga sigaw ng mga kaibigan ko,"OLIIIIIIVE! NAKITA MO BA YUNG BLUE T-SHIRT KO?!?" Sigaw ni Dylanne, "JUSKO OLIVE BILIS BILISAN MO NAMAN MALIGO"Naririnig ko hanggang dito ang tunog ng pagprito sa kusina, pati narin ang mga tumatalsik na mantika. Ngayon, alam ko na nagluluto palang sila ng almusal, alam ko na hindi ako malalate sa klase. Sinubukan ko ng itayo ang sarili ko ng dahan-dahan, sinuksok ko ang mga paa ko sa mga tsinelas na nasa baba ng lamesang tinulugan ko kahapon, itinabi ko yung kumot na nakapatong sa'kin at naglakad ako papunta sa kusina, dahil hindi ko
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience."Ano yun?" tanong ni Robyn, "Pagkatapos ng 'patay na si Cholo' scene, meron pa? HaAy""Urgh, hindi hindi! Sorry talaga kasi bigla nalang lumabas yun sa bibig ko eh..." ang sabi ko, "Pero, sasabihin ko lang ha. Alam kong 'di mo ko papaniwalaan dito kasi masyado 'tong fictious pero nangyari talaga 'toh sa'kin and I need you guys. Sumakto lang talaga ngayon na ikaw lang ang nasa bahay...""Huy! Andito rin si Gab noh!" sabi niya,"wait- Oh?" tinanong ko, "Alam ko ma
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience. "'To gawin natin... makinig kayo sa'kin." Nagbubulungan kami habang nakaupo sa lamesa kahit kami-kami lang naman ang nasa apartment, sinabi ko lahat ng mga balak ko. Lumipas mga ilang mga minuto't oras na para gawin ang plano. Makikita mo 'ko ngayon... naglalakad sa campus namin. Naka-uniform ko, patingin-tingin pa'ko sa kaliwa't kanan pero sa paraang 'di halata. Noong malapit na'kong makarating sa gate, tinignan ko muna kung may guard... meron, pero babae. Sumenyas ako nang kamay na nagsasabing
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience. "GAB!" Sinigaw ni Robyn, "Asaan na siya?!?!" "Babalik 'yan in three... two..." nagbilang ako, ZAP! "AAAAAAAAAAAAAAHH!!" Sinigaw ni Gab, na gulo-gulo na ang buhok. "AAAAAAAHHHH!!!" Sinigaw naman ni Robyn na nagulat sa pagdating ni Gab, "JUSKO KAYO! GAB DITO KA!" Sinabi ko habang hinila si Gab papalayo sa puwesto niya kanina,
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience. "Eh ano?" Tinanong ni Dylanne, "Simple lang naman eh!" Sinabi ni Scymon, "Since we have the real document about the case, why don't we just check it out diba?" "Oo nga noh..." sinabi ni Robyn, pumunta ang lahat sa lamesa't tinignan yung dokumento habang ibinubukas ni Robyn ito. POLICE DEPARTMENT September 30, 2025
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience. "Lois, nakita mo jacket ko?!" tinanong ko, naghahalungkat sa kuwarto, "Loiiis-!" "Andyaan sa kabinet ni Seiya!" sinagaw niya mula sa study area, "Paano 'to napunta dito?!" hawak-hawak ko ang jacket ko na kakahanap ko lang sa kabinet ni Seiya, "Nakita ko lang dyan!" sinabi niya, "KAILANGAN BA NG MGA HI-TECH GADJETS SA PLANO?!" isinigaw ni Robyn, "KASE OBVIOUSLY, WALA TAYO NON"
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience. Sa tuwing nakikita ko kaming lahat na andirito sa labas, naiisip ko na nasa bakasyon lang kami't nagcacamping dito sa labas para lang maka-iwas sa katotohanan ng kahirapan sa kolehiyo. Pero minsan minsan tumatatak pa rin sa isip ko na kailangan ko talagang malaman kung anong nangyari kay Cholo. Noong natapos na akong magluto, lahat na kami ay tumatambay lang sa labas ng tent. Nagpapa-init sa apoy. Nagsandok sila tag-iisa ng pancit canton na mainit at umupo sa lapag habang kumakain. "Alam niyo, nakakataw
Ngunit tumalikod siya kaagad at sinarado ang pinto, pagkatapos ng ilang minuto sa video, pumasok na ang mga kaibigan ni Cholo, nagsisigawan sila't ang tumulong lang sa pag-tayo kay Vex ay isang lalaki na malaki, siya ang kumausap sa pulis noong naabutan namin ito... Tapos nakita namin silang nagtatakbuhan, nahuli si Vex at Polly, at nakita ko rin na binilin ni Vex na bantayan si Cholo... At pati na rin ang bilin na tignan kung buhay pa siya. Eksaktong sinabi ni Polly...inisip ko.So, hindi nagsisinungaling si Vex... Tuluyan pa ring nagpapatuloy ang malikot na paggalaw ng camera, pero noong pagkalipas ng ilang segundo, tumigil na ito. "Okay..." sinabi ko, "Ngayon medyo napaniwala mo ako," "Yey!" Sinabi
"Vex!" Binulong ni Ivy ng mahina, "Para saan yun?! Papalapit na tuloy sa atin yung guard!""Hindi ko lang kayo hahayaan na mahuli ng ganon noh!" Binulong naman ni Vex,"Oh ano?! Saan tayo magtatago neto?! Puro locker lang ang pagtataguan natin!" Binulong ni Ivy,"Tutal papunta naman dito yung guard at nakaalis na kayo dati sa puwesto, edi pumunta na tayo doon!" Binulong ni Vex, biglang napahawak sa ulo si Aishley,"Shemay!" Ibinulong niya, "Ikaw yung sumigaw noon!""H-Ha?" Binulong ni Vex,"I-Ikaw pala 'yun!" Itinuloy niya, "Kaya kami hindi nakatakas sa guard, dahil may sumigaw na lalaki! Ikaw- Ikaw yon!"
Nagising kami ng tanghali, sumakto ito sa pag-luto ni Dylanne ng ulam na sinigang na baboy, pagkalabas namin sa tent, nakita namin ang sleeping bag ni Vex na bughaw, nasa lapag at walang laman."Oh my gosh." Sinabi ni Grecian, kakalabas lang rin ng tent, "Si Vex nasaan?! Ampxta naman Ivy oh!""Bakit, urgh...?" Sinabi ni Ivy sa loob ng tent, siguro siya'y nagising sa sigaw ni Grecian,"Bakit mo pa kasi nireject si Vex matulog dyan? Nawala tuloy! Baka kung ano gawin noon! Nasa suspect list pa rin natin siya diba?" Sinabi ni Lois,"Kayo kaya magkaroon ng katabi na lalaki sa loob ng maliit na tent na sa mismong araw mo lang nakilala. Yuck." Sinabi ni Ivy, tumayo siya at lumabas ng maliit na tent niya, "Hutek nasaan nga?!"
"Oh shxt." Sinabi ni Gab,"Yep. True shxt!" Sinabi naman ni Vex, itinaas niya ang mga manggas ng damit niya't ipinakita niya ang iilang mga malalalim at maraming sugat na nasa braso niya, "The moment na hiniwa niya ito... I saw very well dahil hindi ganoong nakatakip ang mukha niya... na lalaki siya.""Shems..." sinabi ni Grecian, "Ang lalim niyan pxta... Oks ka lang?""It's starting to heal pero I think sanay na naman ako so..." tawa ni Vex,"Let me guess, gusto mo rin na sinugatan ka niya noh?" Sinabi ni Ivy,"That is correct!" Sinabi ni Vex, pumalakpak siya kay Ivy, "Very good, Deputy! Very good!""Tigilan mo nga ako." Sinabi ni
Nilakad uli namin ang biyahe papunta sa bahay ni Vex, at oo, nauuna si Aishley. Ngayon na nakarating na kami sa address, hindi ito katulad ng kay Polly Carinyo na malaking gate, at malaking puti na bahay, kundi isang maliit na apartment na halos walang gate na rin dahil sira-sira na ito. Binuksan ni Aishley ang gate ng dahan-dahan at pumunta siya sa harapan ng pinto. Tumingin muna siya sa amin at bumalik siya sa pag-harap sa pinto,knock, knock, knock."Sino 'yan?" isinigaw ng boses ng isang lalake na nasa loob ng apartment, tumingin naman si Aishley kay Ivy,"Deputy Police Chief, gusto lang namin magtanong ng mga bagay!"Nagulat kami sa napakabilis na pagbukas ng pinto, nakita ko si Vex, isang matangkad at medyo matabang ngu
Linakad uli namin ang biyahe papunta sa unang address, naglakad kami ng mga sampung minuto papunta't napatigil kami sa isang malaking itim na gate na may nakasulat na letrang "P" sa gitna,"Uhm..." sinabi ni Olive, "Is this it?""Siguro..." sinabi ko,"So ano plano?" tinanong ni Aishley,"Since mansion ata ang tinitirahan netong Polly na hinahanap natin... I think it's better we ring the bell." sinabi ni Ivy, naglakad siya papunta sa isang maliit na pindutan sa kaliwa lang ng gate, at pinindot niya ito,"Hello? How can I help you?" tinanong ng boses ng isang babae,"This is Deputy Police Chief Ivy speaking, we just want
October 2, 2025 (Loop)"Huy. Huy!" unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, nakita ko si Ivy na ginigising kami ng paulit-ulit, "Gising na!""hmmm..." sinabi ni Lois, "Anong oras na?"Idinilat ko ng maige ang mga mata ko para makita ang mga malalaki at matataas na puno sa ibabaw, pati na rin ang mga ibon na palipad-lipad,"Nakatulog tayo dito?" tinanong ko, umangat ako't bumangon noong nakita kong nakasandal ako sa kahoy na inuupuan namin kagabi,"Ugh..." sinabi naman ni Grecian, pati siya'y kakagising lang,"Oo, dyan kayo natulog." sinabi ni Ivy, "It's already 6:30 magprepara na kayo."
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience."ROBYN?!" sinabi ko,"BAKET?!" isinigaw niya ng gulat,"MAY MGA SUGAT KA!" itinuro ko sakanya ang braso niya,"AAAHH!" sumigaw siya,"Ha?!" sinabi naman ni Dylanne, "Ba't ngayon mo lang napansin, Robyn?!""Ewan!" sinabi niya, "Ngayon ko lang napansin na masakit pala siya! AAH!""Wait, ang sakit kaya lal
Disclaimer:This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience.Nagpahinga kami sa labas ng tent dahil sa pagod ng kakalakad, lahat kami'y magkadikit-dikit malapit sa apoy dahil sa lamig, kahit si Ivy ay nakisali sa amin, pero si Robyn, hindi. Pinuntahan ko siya para makita siyang nakatingin lang sa lapag magdamag, hawak-hawak ang jacket niyang 'di niya pa naisusuot ng maayos, umupo ako sa tabi niya't inayos ko ang pagkalagay ng jacket niyang makapal sakanya, tumingin siya sa akin at iniayos na ang jacket niya ng 'di na ako tumutulong,"'Di ka pa nagtanghalian ha..." sinabi ko, "Kunan na kita ng ulam at kanin gusto mo?"