Ano na balak mong gawin ngayon?" tanong ni Drake, kaibigan ni Asha. Ngayon ay nasa isang fast food chain sila para kumain ng tanghalian kahit 6pm na.
"Matulog," maikling sagot ni Asha na nababagot na kakahintay sa pagkaing in-order nila.
"Punta ka kaya muna sa probinsiya, tamang tama hinahanap ka ni lola eh dalawin mo na muna," suhestiyon ni Drake.
Kakatapos lang ni Asha sa isang misyon at ngayon ay may ilang linggo itong pahinga para na rin gumaling ang mga sugat nito.
"Sure, tingin ko mas okay na doon na lang muna ako magpahinga," pagsang-ayon ni Asha.
She can feel the pain in her back, thighs, shoulder, and arms. Unti-unti na kasing nawawala ang anesthesia na itinurok sa kanya kanina para matanggal ang bala sa balikat niya.
Asha wear dark colored clothes at naka jacket pa para matakpan ang mga sugat at pasa niya sa katawan.
Buti na lang at daplis lang ang natamo niya sa labanan sa misyon niyang iligtas ang mga babaeng nabiktima ng human trafficking para sa sexual exploitation at mayroon pang mga minor de edad.
"You look pale Ash,pagkatapos mong kumain ihahatid na kita sa condo mo para makapagpahinga ka," nag-aalalang sabi ni Drake sa kaibigan. Wala kang makikitang emosyon sa mukha at mata ni Asha kaya aakalain ng iba na ayos lang ito pero ang totoo ay nasasaktan ito.
Nakita lahat ni Drake ang mga natamong pasa at sugat nito sa katawan. Nakokonsensiya na hindi niya naprotektahan ang kaibigan. Kung sana lang isinama siya ng superior nila sa misyon ni Asha baka hindi na ito masyadong nasaktan.
"I'm fine Drake, the anesthesia is doing well wala akong maramdamang sakit," pagsisinungaling ni Asha, nakikita niya kasing nag-aalala ito sa kanya.
Dumating na ang order nila, kaya saglit na nakalimutan ni Asha ang sakit ng kanyang katawan ng magsimula na siyang kumain. Food is her comfort, pagkain lang ang katapat ng lahat ng pagod at sakit ng katawan niya.
"Hey Ash, kumusta? Dami ng pagkain ah," bati ni Easton na kakarating lang. Nakangiting aso ito kay Asha na agad namang inikutan ng mata.
"Ano ginagawa mo dito? Mambuburaot ka na naman ba?" asik ni Drake, may pa akbay akbay pang nalalaman si Easton habang nakangiting nakatitig sa mga pagkain.
"Umalis ka rito Easton, hindi ka welcome. Sa amin lang itong mga pagkain," pagdadamot ni Asha. Ugali na nitong mamburaot ng pagkain kahit kanina basta kakilala nito.
Mas malakas pang lumamon kaysa sa alaga nitong aso. "Grabe ka naman Ash, kinakamusta lang naman kita," nagtatampong turan ni Easton. Madrama itong ngumuso sa kanya at nag puppy eyes pa.
"Hindi ka naman pulubi, may trabaho ka kaya may pera ka," masungit na sabi ni Asha at nagpatuloy na sa pagkain.
"Hindi rin, hindi naman lahat ng may trabaho may pera. Yung iba kakahawak mo pa lang maya maya wala na," malungkot na tugon ni Easton at nakiupo na sa kanila.
"Saan napunta?" kuryosong tanong ni Drake. Nagtataka siya kung bakit mawawala agad, kung ninakaw siguro mawawala agad pero hindi naman nananakawan itong si Easton, sa galing nito sa martial arts malabong may magtangkang mangnakaw sa kanya.
"Napunta sa utang," nakapangalumbabang sabi ni Easton at naglalaway na nakatingin lang kina Asha at Drake na sarap na sarap sa kinakain.
"Imposible, last time I check hindi pa naman nagkakaroon ng financial crisis ang kompanya mo," sabi ni Drake. Minsan talaga ang weird ni Easton, kung ano ano na lang ang pinagsasabi nito.
"Pahingi na nga lang," sabi ni Easton at agad kinuha ang fried chicken ni Drake. Agad nitong nilamon ni Easton kaya wala ng nagawa si Drake kundi ang awayin ito.
"Kahit kailan talaga magnanakaw ka, dapat hindi ka na naging agent kasi magnanakaw ka ng pagkain," galit na sabi ni Drake kay Easton at nang hindi makapagpigil ay binatukan niya pa ito.
"Hoy hindi ko ito ninakaw, nagpaalam ako sayo," giit ni Easton habang nilalamon ang fried chicken.
"Hoy tumigil na nga kayo nakakahiya kayong kasama," inis na sabi ni Asha, hindi na niya tuloy ma-enjoy ang pagkain niya dahil sa ginagawa ni Easton at Drake sa harapan niya.
"Ito kasi eh hindi na lang bumili ng kanya," pagdadahilan ni Drake at agad inilayo ang pagkain kay Easton ng makitang naubos na nito ang fried chicken.
"Nagtitipid ako," sabi ni Easton at akmang kukuha ulit ng pagkain ng sipain ni Drake ang tuhod nito kaya napaupo ito ulit.
"Nagugutom ako kaya wag mong ginagalaw ang pagkain ko, galitin mo na ang lasing wag lang sa gutom dahil baka mapatay kita," galit na sabi ni Drake.
Pero dahil makulit si Easton ay hindi siya nakinig sa sinabi nito, hindi naman siya kayang patayin ni Drake alam niya yun.
Nagkakagulo ang dalawang lalaki sa lamesa nila kaya marami na ang taong nakatingin sa kanila, wala ng pakialam si Asha basta kakain siya dahil kanina pa siya nagugutom at isa pa sinaway na niya ang mga ito.
Maya maya pa ay nagsusuntukan na ang dalawa pero walang pakialam si Asha basta wag lang siyang guluhin ng mga ito.
Lumapit na ang dalawang guard ng fast food chain at inawat ang dalawa, "Mga sir wag po kayong gumawa ng gulo rito nakakapirwisyo na po kayo," sabi ng guard na mukhang napipikon na sa dalawa.
Nagsukatan ng tingin ang dalawa habang umuusok naman ang ilong ni Drake, para sa isang agent na nasa hukay ang isang paa ay importante sa kanila ang pagkain.
Kahit hindi masarap ang pagkakaluto basta makakain lang ay masaya na sila. Pinapahalagahan nila ang mga simpleng bagay na ginagawang basic lang ng iba.
"Drag that m*ron out of here, ninanakaw niya ang pagkain ko," sumbong ni Drake sa dalawang gwardiya na mukha namang hindi kombinsido sa dinahilan niya.
"Hindi pagnanakaw 'yun, nanghingi ako sayo," giit ni Easton. "Saka ka lang nanghingi nong nalamon mo na," sabi ni Drake pero ngumisi lang si Easton at akmang susugurin ulit ni Drake si Easton ng agad siyang pigilan ng dalawang guard.
Nasisiyahan si Asha sa napapanood niyang away ng dalawa habang kumakain siya, para lang siyang nanonood ng sine habang lumalamon ng popcorn.
"Sayang ang gagandang lalaki niyo sana pero kung mag-away kayo dinaig niyo pa ang mga babaeng nagsasabunutan," dismayadong sabi ng isang guard na medyo may edad na.
Natawa si Asha sa sinabi ng gwardiya, kung tutuosin totoo ang sinasabi nito. Parang bata kasing mag-isip ang dalawang lalaking ito.
Agad naman itong sinang-ayunan ng kasamahang guard, "Alam niyo mga bata, pagkain lang yang pinag-aawayan niyo pwede naman kayong bumili ulit tutal mukha naman kayong mga galante," pangaral ng isa pang guard.
"Ito kasi eh----." Hindi na pinatapos ng guard ang iba pang sasabihin ni Easton dahil piningot ito ng guard.
"Aray ko po mamang guard, wag po dyan m-masakit," reklamo ni Easton na agad namang ikinalukot ng mukha ni Drake, "Ang sagwa mo pakinggan," sabi ni Drake.
Maya-maya pa ay napagawi ang tingin ng dalawang guard kay Asha na tahimik na kumakain at nanonood sa kanila.
"Aba ang ganda pala ng taste niyong dalawa, magaling kayong pumili," makahulugang sabi ng isang mamang guard habang nakatingin ang dalawang guard kay Asha.
Alam ni Asha ang ibig sabihin ng sinabi nito, namula ang pisngi ni Asha sa sinabi ng mamang guard pero hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis na nararamdaman niya sa dalawang baliw na kaibigan niya.
Hindi na lang itinama ni Asha ang sinabi ng mamang guard, tahimik lang siya at tiningnan isa isa sa mata ang mga kaibigan niya.
May panganib na nakapaloob sa mga titig ni Asha na agad ikinalunok ng laway nina Drake at Easton dahil alam na nilang nanganganib ang buhay nilang dalawa.
Hindi lubos maisip ni Asha kung papaano naisip ng guards na pinag-aagawan siya ng dalawang baliw na lalaking ito. Tsk, kung magkakagusto ako sa lalaki bakit sila pa, ayaw ko ng sira*lo.
"Ano nangyayari rito?" tanong ng kakarating lang ng isang baklang malaki ang tiyan. Ito siguro ang manager ng fast food chain.
"Wala po sir, okay na," sabi ng mamang guard at iginaya paupo ulit ang dalawang baliw na nakayuko na.
"Oh sige, balik na kayo sa pwesto niyo," utos ng baklang manager at kakaiba ang tingin nito kay Drake, natipuhan yata si Drake.
Binalingan ng tingin ni Asha si Drake at Easton na nananatiling nakayuko.
Hinampas ni Asha ng malakas ang lamesa na ikinagulat ng dalawa, para itong nahuli ng ina na nangungupit kasi kapwa nakayuko. "Ash, magkaibigan naman tayo di ba?" nagpapaawang tanong ni Easton sa kanya.
Nanlilisik ang mata ni Asha, "Nakakahiya kayong dalawa," tanging nasabi ni Asha.
"Hindi ko sinasadya si Drake kasi ang damot," reklamo ni Easton at inikutan pa ng mata si Drake.
"Hoy kung hindi ka lang likas na matakaw at kuripot sana bumili ka na lang sayo," sabat ni Drake na umuusok ang ilong sa inis.
"Nagtitipig nga ako, bakit hindi mo na lang ako bigyan," sabi pa ni Easton na namumula na rin ang tainga sa inis niya kay Drake.
Napahilot sa sintido si Asha at napapikit.
Hindi naman niya pwedeng bugbugin ang dalawa sa harap ng maraming tao kaya mamaya na lang.
"Iniinom mo ba lahat ng gamot na binigay ko sayo?" tanong ni Doctor Jace kay Asha.Nag follow up check up kasi si Asha to make sure na gumagaling na ang sugat niya.Natigilan si Asha, nakalimutan niya kasing uminom kanina after niyang kumain dahil nanggulo sila Drake at Easton."Yeah," sagot ni Asha. Doctor Jace knows that Asha is lying. "You do know that you need to take the medicines to heal your wounds faster," paalala ni Doctor Jace.Tumango lang si Asha at maya maya pa ay nakatulala na ulit. Asha is thinking of ways on how to make her vacation meaningful aside from sleeping and eating. Maybe Drake's idea of vacation in the province with Lola Ciel is a great one."Okay we're done," anunsiyo ni Doctor Jace, agad namang tumayo si Asha at isinuot ulit ang t-shirt at jacket niya.&nbs
"Mom, nasaan si papa?" tanong ng batang si Asha.Nakasuot ito ng pantulog habang bitbit ang malaking Doraemon stuffed toy.Nilingon ng magandang ginang na nakaupo sa Piano bench ang anak na kinukusot ang mata at halatang inaantok pa."May inayos lang saglit ang daddy anak, mamaya uuwi na rin siya," sabi ng ina ni Asha at nilapitan ang anak saka binuhat ito."Ang tagal naman niya mama, sana umuwi na siya para tabi tayo matulog inaantok na kami ni Doraemon ko eh," maktol ni Asha sa ina.Ngumuso pa ito at kinakamot ang pisngi, ganito ang ginagawa ni Asha kapag naiinis siya o may hindi siya nagustuhan.Mahinang natawa ang ina ni Asha at pinanggigilan ang pisngi ng anak saka pinaulanan ng halik ang buong mukha ni Asha at humahagikhik si Asha sa ginagawa ng ina."Gusto mo ba
Narinig ni Asha na may nag doorbell kaya agad siyang tumayo at pinuntahan ang pinto.Pagkabukas ay agad niyang nakita si Jill na nakasuot ng all black attire."Hi Ash good morning, ano tara na?" bati ni Jill sa kanya. "Hello, good morning," bati rin ni Asha at agad kinuha ang maleta niya."Daan muna tayo sa grocery store, bibili ako ng chocolates," sabi ni Asha bago lumabas ng unit niya at isinarado ang pinto."Sure, bibili rin ako ng pang snack natin," masiglang turan ni Jill.Naglalakad na sila papunta ng elevator at kada taong madadaanan nila ay napapatingin kay Jill.Naka bad girl attire kasi ito taliwas sa mukha nitong mukhang anghel. Makulit at madaldal ito na parang hindi napapagod kakasalita.Ikinawit ni Jill ang isang kamay nito sa braso ni Asha h
Naabutan ni Asha si Rowan na sinusuntok ang punching bag habang nakasalampak naman sa sahig si Lexi.Pawisan na si Rowan pero hindi pa rin ito tumitigil, mas lalo lang nitong nilalakasan ang pagsuntok."Naglalabas ka ba ng sama ng loob?" tanong ni Asha saka pumasok sa loob. Napatingin sa gawi niya ang dalawa.Itinaas ni Asha ang supot na dala, "Chocolates," sabi na at doon ay agad lumapit ang dalawa sa kanya at basta na lang kinuha sa kanya ang supot na may lamang chocolates."Salamat Ash!" sabi ni Lexi na agad nilantakan ang mga tsokolate. Pareho ng nakasalampak sa sahig ang dalawa kaya umupo na rin si Asha sa sahig."Bakit nagba-boxing ka na ngayon? Pinayagan ka na ba ng doctor mo?" nagtatakang tanong ni Asha kay Rowan.Napatigil naman ito sa pagkain at napatingin sa mata ni Asha, bigla itong ngumisi at parang naintindihan na ni Asha ang sitwasy
Nasa biyahe na si Asha at Jill patungo sa Rizal province, nananakit na ang pwet ni Asha sa kakaupo. Halos isang oras na silang nasa biyahe at mabuti na lamang at hindi traffic dahil mas matatagalan sila.Nanood na lang si Asha ng anime movies habang tutok na tutok naman si Jill sa pagmamaneho.Habang nanonood si Asha ay bigla na lang nagprino si Jill kaya tumilapon ang telepono ni Asha, "Sh*t, Jill what happened?" agad na tanong ni Asha.Pati si Jill ay nagulat din, nang tingnan ni Asha ang nasa harapan nila ay laking gulat niya ng makita niya ang tatlong lalaki at ang kaawang awang lalaking nakahandusay na pinagsisipa at pinagsusuntok ng tatlong kalalakihan.Agad lumabas ng kotse si Asha at sumunod naman Jill. Asha gritted her teeth because of the sudden rage when she saw how does bast*rd hurting that helpless guy."Hey, stop that or I'll call the p
Pagkarating sa presinto ay agad lumabas ng kotse si Asha pero bago pa yun ay natawagan na niya ang abogado niya.Baka pati silang dalawa ni Jill makasuhan dahil sa kalagayan ng tatlong lalaking iyon.Nang makapasok sa presinto ay agad silang kinuhanan ng statement kaharap ang tatlong lalaki na bugbog sarado.“Bakit ganito kalala ang inabot ng tatlong ito? Athlete ba kayo? UFC fighters?” nagtatakang tanong ng babaeng pulis na kumukuha ng statement nila.Nagkatinginan silang dalawa ni Jill at nagkaintindihan sila sa pamamagitan lang nito. “Mga ordinaryong mamamayan lang po kami ma'am,” sagot ni Jill na namumula ang pisngi.Alam na alam ni Asha ang ganitong reaksyon, “Gusto lang po talaga naming ipagtanggol ang kapwa namin ma'am kaya ganyan ang inabot nila,” dagdag ni Asha. Pati siya namula ang pisngi sa sagot niya.“Gra
Tinulungan ni Asha si Apollo na tumayo. Nakita niya itong nakatayo lang sa gitna ng kalsada habang may paparating na truck kaya agad niya itong tinulak.“Dapat hindi ka lumalabas ng walang kasama,” nag-aalalang sabi ni Asha. Kakatapos lang nilang maglibot ni Jill at ito na naman ang naabutan niya.“Wala kang pakialam,” masungit na tugon nito habang pinapagpagan ang sariling damit para matanggal ang dumi.“Tsk ang sungit,” bulong ni Asha sa sarili. “Ano yun?” biglang tanong ni Apollo na mukhang narinig ang sinabi niya.“Huh? Ah wala yun,” sabi niya at inayos ang sarili mabuti na lamang ay hindi sumalpok ang truck sa kabahayan pagkatapos makaiwas kay Apollo.“My god Apollo! Ano bang ginagawa mo ha!” singhal ng ina nitong namumula ang tainga sa galit at pag-aalala sa anak.
Agad tumayo si Apollo at saka lang niya nalaman na nasa loob pala siya ng kwarto ng kanyang ina. Dito na siya nakatulog pagkatapos ng nangyari kagabi.Maingat siyang naglakad palabas at mabuti na lamang at hindi na siya ulit nabangga sa kahit na anong bagay sa loob ng kwarto.Agad niyang pinihit pabukas ang pinto at gaya ng ginawa niya kagabi ay dumikit ulit siya sa pader para malaman niya kung saang parte na siya ng bahay nila.Makalipas ang ilang segundo ay narinig ni Apollo ang mahinang tunog ng kanyang tiyan na hudyat na gutom na siya. Kaya nang makapa niya ang door knob ng panghuling kwarto ay agad siyang tumalikod sa pinto ng kanyang likod bago humakbang ng tatlong beses saka niya nahawakan ang hawakan ng hagdanan pababa.Napalunok si Apollo ng maalala ang itsura ng hagdanang ito. Mahaba ang hagdan at napakaraming baitang. Mahigpit na humawak siya sa hawakan ng hagdan saka humakbang ng dahan dahan.Nakita ng isang katulong si Apollo na mag-is
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay agad bumaba si Apollo, hindi pa man siya tuluyang nakababa ay agad siyang inakbayan ng kaibigan niya.“Okay ka na ba?” tanong nito saka pasimpleng ginulo ang buhok na nakapagpairita sa kanya.“Stop that! Kakasuklay ko pa lang niyan!” naiinis na tugon ni Apollo saka nagpatuloy sa pagbaba.“Nakaayos tayo ngayon ah, ano meron Almazan?” parang nang-aasar na tanong ni Ashton sa kaibigan.“Bakit? Bawal na ba mag-ayos ngayon kahit wala namang ganap?” masungit na tanong ni Apollo.“Bakit di ka na lang muna maglakad lakad sa labas, Ash pakisamahan na lang si Apollo,” biglang sabi ni Ashton.Agad kumunot ang noo ni Asha at nagtataka itong tiningnan, “Sige na,” dagdag pa nito.Agad tumayo si Asha saka nilapitan si Apollo na tahimik lang, “Ashton is right, kailangan mo munang maglakad lakad,&rdqu
Pagkatapos ng nakakapagod na pagtakbo nila Jill at Asha ay agad na silang umuwi para magbihis.“Mga apo kung lalabas kayo, pakiusap mag-iingat kayo. Muntikan ng mabundol ng kotse si Ashton kaninang umaga sabi ng mga kapitbahay natin,” nag-aalalang sabi ng matanda habang nagbuborda sa sala ng bahay.Nagkatinginan si Asha at Jill, “I'll just check Ashton, wanna go with me Ash?” pag-aaya ni Jill na agad namang sinang-ayunan ni Asha.“Kung ganoon ay kumuha kayo 'nung niluto kong Letche Flan para may maibigay kayo sa kanila,” sabi ng matanda.Agad gumalaw si Asha at Jill saka nagtungo sa bahay nila Apollo.“You just need some rest, tapos linisin mo palagi ang sugat mo para hindi magkaimpeksyon,” narinig nila ang boses ng doctor na nasa living room.“Hi Ashton!” pagbati ni Jill kay Ashton na kasalukuyang ginagamot ng doctor. “Hey! Halika kayo!” tugon ni
Tahimik na pinagmamasdan ni Mrs. Almazan ang anak niyang natutulog. Halata sa mukha nito ang pagod at pag-iyak.“What happened Ashton?” tanong ng ginang sa kaibigan ng anak niyang nasa tabi lamang niya.“Honestly tita, hindi ko alam. Naalimpungatan kasi ako kagabi tapos parang may narinig akong bumagsak kaya bumaba ako tapos nakita ko na lang si Apollo sa kusina na duguan na at parang may hinahanap,” pagkukwento ni Ashton. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang kilabot sa kanyang katawan ng mabasa niya iyon.Pakiramdam niya ay parang may mali sa lahat ng nangyayari, “Jesus, ano ng nangyayari sa anak ko,” bulalas ng ginang at napaluha na lamang. Akala niya ay maayos na ang lahat pero nagkakamali siya.“He keep saying Lucienda's name, para bang naroon si Lucienda kahit wala naman,” dagdag ni Ashton saka pasimpleng hinaplos ang sariling braso dahil naramdaman niya ang pananatayo ng balahibo niya.Mrs.
Gabi na at nakatulala pa rin si Apollo habang nakahilata sa kanyang kama. Hating gabi na at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.“It's so soft,” usal ni Apollo. He can't get enough of Asha, her skin is so soft and warm. So comfy.Ramdam pa rin ni Apollo ang balat nito sa kanyang mga palad. Para siyang nawala sa sarili nang mahaplos niya ang malambot nitong labi.Wala sa sariling napahawak si Apollo sa kanyang labi, agad siyang napatayo ng makaramdam siya ng pagkauhaw.Dahil hating gabi na ay natutulog na ang lahat sa bahay kaya dahan dahang naglakad si Apollo ng sa ganun ay hindi niya maabala ang tulog ng mga tao roon.Pababa na ng hagdan si Apollo nang makarinig siya ng ingay sa kusina, mahina lang iyon pero rinig na rinig niya dahil na rin sa katahimikang bumabalot sa buong bahay nila.Nagtaka si Apollo dahil ang alam niya ay wala ng gising ng ganitong oras bukod sa kanya. Dahan dahang humakbang si Apollo pababa ng hagdan para
Kakauwi lang ni Ashton pagkatapos gawin ang kailangan niyang gawin related sa trabaho.Paakyat na ng hagdan si Ashton ng makita niyang lumabas si Asha galing sa silid ni Apollo. Agad kumunot ang noo ni Ashton sa kung ano ang ginawa ni Asha roon pero agad din namang nawala nang magkaideya siya.“Hi Asha! Kumusta ka?!” bati ni Ashton at kumaway pa sa dalaga. Tumigil ito sa tapat niya at tipid na nginitian siya. “Okay na ako,” sagot ni Asha.Naalala ni Ashton ang eksenang nakita niya noong dinala ito sa hospital, “Pasensiya ka na Asha hindi na kami ulit nakadalaw sayo, na busy kasi ako tapos naging mainitin ang ulo ni Apollo nitong nakaraang linggo.” Bakas ang sensiridad ng lalaki kaya naiintindihan ni Asha ang dahilan nito.“Ayos lang 'yun saka ayaw ko rin namang manatili ng matagal sa hospital,” kaswal na tugon ni Asha.“Tell me Asha, may boyfriend ka ba?” biglang tanong ni Ashton. Sa
Kasalukuyang nakaupo si Apollo sa living room ng bahay nila. Ramdam na ramdam ni Apollo ang mariing titig ni Asha habang ginugupitan siya ng tinawagan nitong barbero.“Ma'am kay gwapo naman po pala ng nobyo niyo, hindi pa ako tapos maggupit pero nakikita ko na ang tinatagong kakisigan nito,” puna ng barbero.Humigpit ang hawak ni Apollo sa kanyang kamay dahil sa maling akala nito na nobyo siya ni Asha, “She's not my girl---.” Hindi na natapos ang dapat na sasabihin ni Apollo dahil biglang sumabat si Asha.“He's handsome with or without a new haircut,” sagot ni Asha na parang wala lang iyon sa kanya pero halos magwala na ang puso ni Apollo sa sinabi nito.Naalala niya ang tinuran nito ng hilain siya nito paalis ng harden. Mukha raw siyang ermetanyo pero ngayon naman ay pinupuri nito ang kagwapuhan niya.“Is that a change of mind?” mapait na tanong ni Apollo. Hindi niya maintindihan ang daloy ng utak ni
Napakunot ang noo ni Jill nang mapansin na bigla na namang nawala si Asha pagkatapos kumain ng tanghalian.Kahapon niya pa napapansin ang kakaibang kilos ng kaibigan simula kagabi pero kahit anong tanong niya ay hindi naman ito sumasagot.Umakyat si Jill sa taas para sana magtungo sa kanyang silid ng makarinig siya ng kalabog mula sa isa sa mga kwarto roon.Napatingin si Jill sa pinakadulong parte ng second floor ng bahay at ito ay ang pinakadulong kwarto. Out of curiosity ay nagtungo siya roon saka narinig ng mas maayos ang tunog mula sa loob ng kwarto.Pinakinggan niya ito ng mabuti saka nalamang pamilyar sa kanya ang tunog 'nun, pinihit niya ang door knob ng pinto saka ito binuksan.Tumambad sa kanya ang pawisan na si Asha. Asha is punching the punching bag real hard kaya kahit malayo pa si Jill ay naririnig na niya ang tunog niyon.Nakakunot ang noong pinanonood ni Jill ang kaibigan na mukhang walang pakialam sa paligid
Inabot na sila ng gabi sa pamamasyal sa Uugong Park at nagtatampisaw sa magandang falls doon.Umahon na si Asha at nagtungo sa Mahogany House nila, katabi lamang nito ang falls. Saglit na umupo si Asha at tinuyo ang buhok gamit ang tuwalya saka kumuha ng barbecue.Tahimik na nagmamasid si Asha sa paligid hanggang sa tumunog ang telepono niya hudyat na may tumatawag doon.Nakita ni Asha na hindi registered ang number na tumatawag at hindi niya ugaling sumagot sa tawag ng hindi niya kilala.But she have this feeling that she have to answer the call so she do it. Nang masagot niya ang tawag ay hindi siya nagsalita, hinihintay niyang marinig ang boses ng tumatawag sa kanya.“Hello my dear friend, how are you? Do you already forget about me?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. Bumalatay ang gulat sa mukha ni Asha ng marinig ito.“Hey, I thought you're dead,” malamig na sabi ni Asha at s
Hindi maintindihan ni Apollo ang sariling nararamdaman. Nang makaalis si Asha at ang kaibigan nito ay dali dali siyang humakbang paakyat ng hagdan at hindi na naisip na maaari siyang mahulog ng tuluyan.Agad siyang pumasok sa kanya silid at narinig niya pa ang pagtawag nang kaibigan. “Hey bud, you okay?” rinig niyang tanong nito sa labas ng kanyang silid.“Leave me alone!” malakas na sigaw ni Apollo. “Okay, just call ne when you need something,” sagot ng kaibigan bago niya narinig ang yapak nito paalis sa harap ng kanyang silid.Agad nagtungo si Apollo sa kanyang kama at dali daling ibinagsak ang katawan doon at isinubsob ang mukha sa unan habang sumisigaw. Nilalabaw niya ang lahat ng hindi niya maintindihang pakiramdam.Lumipas na ang isang linggo at walang ibang ginawa si Asha kundi ang matulog at kumain dahil hindi siya pinapayagang pagalawin ng kanyang lola at kaibigan niyang si Jill.Ngay