“Oh my God! Oh my God!” Napasapo sa noo si Evangeline at hindi alam kung ano ang gagawin habang naghihintay sa labas ng OR. “Sshhh, just take a deep breath. Inhale and exhale, Vange,”aniya sa pinapatahan na kaibigan. Parang kakapusin na ito ng hininga habang nakatayo doon at tuwing may lalabas na attendant sa room ay biglang magpa-panic na naman ito. Hinihimas niya ang likod nito dahil sa kanilang dalawa ay kitang-kita na mas apektado si Vange sa nangyari kay Gabriel. And that's explain it all. May something nga sa dalawa.“Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to. Kung sana sinama ko na lang siya kahit napaka-kulit niya. Sana 'di na lang kami nag-away, sana tiniis ko na lang ang pagiging curious ko, sana...” At humagulhol na naman si Evangeline.Tumawag siya sa mansyon. May tauhan na pumunta agad sa hospital para samahan si Vange sa labas ng OR. Wala pa silang balita kay Gabriel. Hanggang ngayon wala pang binibigay na impormasyon ang doktor sa kalagayan ni Gabriel. Bumili siya ng makaka
Nakita niya kung papaano sumama ang timpla ng ekspresyon sa mukha ni Evangeline nang makita nitong kasama niya si Reous. Nakabusangot itong sinulyapan si Reous bago bumaling sa kaniya.“Kumusta si Gabriel? May balita na ba mula sa doktor?”Tumango si Vange. “Stable na siya. After two days, pwede na siyang kausapin.” Nakahinga siya ng maluwag sa nalaman. At least ngayon ay makakapag-relax na silang lahat mula sa stress dulot ng nangyari kay Gabriel. Lalo na si Vange. Dahil mas apektado ito.Si Reous ang nagpresinta na magbabantay kay Gabriel. Kakain na muna sila ni Vange. Balak niya na lang din samahan mamaya si Reous sa isang coffee shop. Nabanggit nito kanina na bibili ito ng kape.“Ano 'yon, ha?” Agad na bungad ni Vange sa kaniya.“Vange...”“Alam mo namang may fiancee iyon. Balak mo talagang maging kabít? Oh my God! Gumising ka na, Sally. Huwag mo sabihing gusto mo na rin siya?”Napanganga siya sa mga narinig. Hindi talaga nito hinayaang makapagsalita man lang siya. “Aawayin ko t
Nagising siya na wala na si Reous sa tabi niya. Madilim pa ang paligid. Nag-aagaw ang dilim at liwanag. Saktong alas 3 pa lang ng madaling araw. May kaba sa dibdib na lumabas siya. Agad niyang hinalughog ang buong bahay maging ang banyo. Pero hindi niya mahagilap si Reous. Akmang lalabas siya sa veranda nang may kamay na nagtakip sa ilong niya at ang naamoy niyang kemikal mula sa panyo na hawak nito ang dahilan ng panghihina niya.Nagising na lang siya sa loob ng sasakyan. Nakapwesto siya sa likuran at may tali ang kamay niya. Dalawang lalaki ang naka-upo sa unahan at may isa na nagbabantay sa gilid niya.Nakatakip ang bibig niya kaya hindi siya makapagtanong sa mga ito. Ano ba ang nangyayari? Saan ba siya dadalhin ng mga ito? At nasaan si Reous? Baka kinidnap rin ng mga ito ang lalaki.“Bumili muna tayo ng sigarilyo. Malayo-layo pa ang pantalan mula rito,”anang lalaking katabi ng driver.Namilog ang mata niya. Bakit sa pantalan ang punta nila? Kinilabutan siya nang maisip iyong idey
Hindi imposibleng malaman agad ng mga tauhan ni Treous ang lokasyon niya. Hindi mahirap na hanapin siya lalo pa at nandito lang naman siya malapit lang sa Paredez. Hindi naman talaga siya lumayo. Napatulala siya nang maalala ang sinabi ni Carrie. Ang ama niya ang mismong pumatay sa ama ni Treous kaya ito naghihiganti sa ama niya. At siya ang gagawing daan para makaganti sa ama niya. Hindi siya makapaniwala. Hanggang ngayon parang gusto niya pa rin isipin na hindi siya magagawang saktan ni Treous. Kahit papaano ay may pinagsamahan sila at... nangako ito sa harap ng altar.Pinakasalan siya nito. At iniisip niyang totoong minahal nga siya nito. Naiiyak na tinanaw niya ang karagatan. “Salome.”Napalingon siya sa likod nang marinig ang pamilyar na boses. “P-Papa.” Nanghihina niyang banggit.Tumayo siya sa pagkaka-upo at sinalubong ito ng yakap. Mahigpit ang naging yakap ng ama niya sa kaniya.“Everything will be fine. I heard about Treous.”Tumango siya habang naiiyak pa rin at yakap y
“Huwag kayong lumapit!”Akmang lalapitan siya ng mga tauhan ng kaniyang ama. Ramdam niya ang mga titig ni Treous. Bakas ang pag-asa sa mga mata nito. At nasasaktan siya sa mga tingin na iyon. May hindi tama sa mga nangyayari at kailangan niyang maintindihan iyon. Marami siyang itatanong ngayon kay Treous. “I can still drive,”ungot ni Treous. Umiling siya. “Ako na.”Napaawang ang bibig nito. Tama. Sa tagal ng panahon na nawalay ito sa kaniya ay marami siyang natutunan. She learn to drive a car, dahil maaring wala nang asawa na susundo sa kaniya. She learn to run a business, dahil wala na ang asawa para magpatakbo niyon. After he left, she learn to stand alone. O siguro simula pa noon ay talagang independent na siya. At nagpapasalamat siya doon dahil naging matatag siya hanggang ngayon.Inalalayan niya si Treous nang tumayo ito. Sapo pa rin ang tagiliran. Dederetso sila ngayon sa malapit na hospital para mapagamot ito.“Kahit anong sabihin mo, Papa. Sa asawa ko pa rin ako uuwi,"namam
“Sinong mag-aakala?” Napapailing si Evangeline habang pinagmamasdan si Treous. Natawa si Salome sa reaksyon ng kaibigan. Hindi pa rin ito makapaniwala na buhay at nakatayo sa harapan ang lalaking inakala nilang patay na. Sa pag-uwi nila ay ipinangako ni Treous na ipapaliwanag nito ang lahat sa kaniya. Kaya niyang maghintay para doon. Bukas ang puso niya sa mga paliwanag nito. “Inilibing na iyan, e. Zombie ba si Treous?”Napapailing siya habang nakaupo lang sila sa may lanai. Umiinom siya ng kape habang gatas ang kay Vange.Abala si Treous at Gabriel na ipasok ang mga gamit na dadalhin nila. Maiiwan si Gabriel at Vange doon. Ang orihinal na gumawa ng blueprint ay si Suzette. Kaya't si Suzette ang siyang magpa-follow up ng project. Nandiyan si Leandro upang alalayan ang fiancee. Oo, at nagkapalagayan na ulit ng loob si Suzette at Leandro. Mabuti na lamang lalo pa at buntis si Suzette, mas magiging maayos na ang sitwasyon ng dalawa.“Masalimuot ang lahat, Vange.” Huminga siya ng malal
Kanina lamang ay maingay ang mga bata na naglalaro habang binabantayan ni Treous. Katatapos lang maghapunan at kasalukuyan niyang chine-check ang report ng pinagkakatiwalaan niyang tauhan sa kompanya. Pagkapasok niya sa silid ay naabutan niya si Treous na nasa tabi ng dalawang bata na tulog na tulog na ngayon. Hindi ito natulog nanatili lang na nakamasid sa dalawa. Napagod ang dalawang bata sa maghapon na paglalaro kasama ang ama nila.Dahan-dahan na bumangon si Treous para umupo ng maayos sa kama. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Bahagya nitong hinila ang kamay niya upang maupo sa kandungan nito. Sumusob ang mukha nito sa leeg niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga doon. “Pasensya ka na sa kakulitan ng dalawa,”aniya at yumakap dito.“Hmm, I'm fine with it and I love it.”Yumakap ito sa kaniya. Nanatili ang katahimikan ng ilang saglit. Tila dinadama ang init ng katawan ng bawat isa. Kapayapaan at katahimikan ang lumukob sa paligid. “I wish to win your father's heart. Sinunod k
Nagising siya nang may maramdamang nakatingin sa kaniya sa paligid. At nang magmulat ng mata ay ang ngiti ni Treous ang sumalubong sa kaniya. "Morning,"bati nito sabay halik sa kaniya sa noo. Napaawang ang kaniyang labi nang pagmasdan ang mukha nito. Para pa ring isang panaginip ang lahat. Hindi niya lubos akalaing nangyari ang lahat ng iyon sa kanila. Muntik nang masira ang kaniyang pamilya. Muntik nang mawala sa kanila ang ama ng kaniyang mga anak. At parang kailan lang noong mangyari ang mga iyon. Kaya pakiramdam niya ay nananaginip pa siya."Morning, Treous." Mangha pero nagawa niya pa rin na ngumiti dito."Nasa baba na ang mga bata. Hindi ka na nila nahintay na gumising."Mahina siyang natawa dahil sa narinig. Ngunit kalaunan ay may naalala siya dahilan para mamilog ang kaniyang mata. Ito ang araw na pupunta siya sa company building para bumalik na ulit sa nakagawiang trabaho sa office. Tapos na ang semi vacation niya sa Paredez kaya balik opisina na naman siya ngayon."I'm la
Natahimik silang lahat. Walang nakapagsalita. Para siyang nabingi sa tunog ng baril. Hindi niya alam kung sino ang may tama sa kanila. At parang nag-slowmo ang lahat nang kumilos ang mga lalaki. Hindi niya na mahagilap sa harapan si Daniel. Hindi niya alam kung nasaan na ito. Nilingon niya ang ama-amahan. Namilog ang mata niya nang makita kung papaano ito sumuka ng dugo. Nabitiwan siya nito maging ang baril na hawak na tinutok lang nito kanina. Lalapitan niya sana ito upang matulungan pero isang kamay ang pumigil ng braso niya para hindi tuluyang makalapit sa ama. Nalingunan niya ang seryusong mukha ni Daniel. Ngunit sa kabila ng kaseryusuhan ay bakas ang pag-aalala sa mga mata. Napasinghap siya nang hilahin siya nito upang ikulong sa mahigpit na yakap. Tila saglit nitong nakalimutan ang sitwasyon nila at ang mga kasamahan. “Sumakay ng bangka ang kasama niya. Baka hindi pa nakakalayo. Sundan niyo!” Narinig niya ang head na minanduhan ang team nito. Kaya agad ay kanluran ang ti
Naagaw ang atensyon nila ng malakas na tunog sa labas. At ang nagmamadali na si Eric ang iniluwa ng pinto. Nanlalaki ang mata at halatang natataranta ito. “Nandiyan na sila!” Halos pasigaw ang pagkakasabi nito. Lumakas ang hangin sa paligid. Mabilis siyang hinawakan ni Grego sa braso para hilahin palabas ng silid. May malaking bag na bitbit si Eric habang hawak sa kabilang kamay ni Grego ang kalibre 45 na baril. Nanlalamig siya habang nakasunod sa dalawa. Ano mang oras mula ngayon ay pwede siya nitong patayin gamit ang baril na hawak nito. Mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Nagkanda patid na siya sa mga usling ugat sa gubat pero walang pakialam si Grego panay pa rin ang paghila nito sa kaniya.“Bilisan mo. Tànginà!”bulyaw ni Grego nang balingan siya. Sinikap niyang masabayan ang mga galaw nito pero hindi niya talaga kaya. “Ako nang bahala sa kaniya.” Si Eric na nakasunod ay agad sumingit. Hinawakan nito agad ang braso niya kaya patulak siyang binitiwan ni Grego.Nanatili an
Nagawa talaga iyon ng ina niya? Parang ayaw niyang paniwalaan. Pero si Ma'am Salome pa ba ang magsisinungaling sa kaniya? “Bakit, Ma?” Mahina niyang sabi habang naka-upo sa marbled floor ng malaking banyo. Pero tuwing iisipin niyang nagawang ahasin ng ina niya ang ama ni Daniel ay parang ayaw niya nang harapin pa ang mga Elagrue. Nahihiya siya sa mga nagawa ng pamilya niya. Walang ibang ginawa si Ma'am Salome kundi ang magpakita ng kabutihan. Lahat ng kailangan nila ay binibigay nito. Kahit hindi maayos ang pakikitungo ng ina niya sa ibang nandoon ay maayos pa rin silang pinakikitunguhan ni Ma'am Salome. Kaya hindi niya lubos akalaing kaya pa rin itong baliktarin ng ina niya. Hindi ganoon ang pagkakakilanlan niya sa ina niya. Mataas ang respesto niya dito kaya hindi niya agad mapaniwalaan.May inasikaso si Daniel pero babalik agad. May kasambahay na rin na itinalaga sa farm house para may makasama siya. Ang sabi ay para lang may makasama siya pero ang totoo ay para alagaan siya.
“I'm sorry for what happen to your house. May mga bantay ang lupain. Ginagawa nila ang lahat para mabantayan kung sino ang naglalabas masok dito. Ang tanging pinapayagan lang namin na pasukin nila ay ang lagoon. I never thought that na pati ang bahaging ito pagkakainteresan nila. Nalaman na lang namin nasusunog na ito. Ginawa namin ang lahat para hindi tupukin nang tuluyan ang buong bahay. Pero masiyado nang malaki ang apoy at light materials lang ang gamit sa naturang bahay kaya madaling natupok. I'm really sorry, hija.” Bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Ma'am Salome. Dahil gaya niya ay memorable rin dito ang dating tinitirhan. Ito na ngayon ang farm house na ni-renovate. Nalaman niya rin na dito nakatira si Daniel noong bata pa ito. That time, itinago ni Ma'am Salome si Daniel kay Sir Treous. Hindi niya rin akalaing may ganoong esturya pala sa pagitan ng mga ito. Bandang hapon na noong umalis si Ma'am Salome at Sir Treous. Doon nananghalian ang mag-asawa at sila ni Ma'am Salome
“Uuwi tayo ng Paredez. Let's meet my family again. This time I'm gonna marry you. Pananagutan kita.” Hindi na siya nakapalag nang sabihin nito iyon. It's just midnight nang magpaalam sila sa mga kasama nito na aalis sila ng maaga. Babyahe pa sila tungo ng Paredez. Halatang wala nang balak ipagpaliban ni Daniel ang lahat ng 'to. Sakay ng pick up nito nang marating nila ang lugar. Bandang 5:30 ng madaling araw. Nagsisimula nang sumikat ang araw. Bukas ang bintana kaya't lihim niyang inilabas ang kamay sa bintana para damhin ang hangin. Preskong-presko iyon iba sa hangin sa city. Bagay na hahanap-hanapin ng katawan niya.Home.Bahagya siyang napapikit nang dumampi ang pang-umagang hangin sa mukha. Ang dalawang bundok sa unahan ay parang magkasintahan na magkadikit at hindi mapaghihiwalay ng kahit na anong unos at bagyong dumating. Ang mansion sa unahan ay tila hindi nagbago. Ganoon pa rin ang itsura. Ang blue lagoon ay medyo nakakapanibago na. Ang hindi nagbago ay ang dami mga dumaday
Pinahintulutan niya ito at ngayo'y hinding-hindi niya na ito mapipigilan pa. Kita ang kasabikan at uhaw sa mga mata nito. Dahil sa init na naramdaman ay hindi na siya makapag-isip ng maayos. Nadadala siya sa mga halik nito.Tuluyan na siyang nalunod.“Uhh..” He suck her bréast from there up to her jawline. Bahagyang pumipisil ang kamay nito sa mga nadadaanan niyon. Biting her lower lip just so she can stop herself from móaning. Namumungay ang mata nang magtama ang mga mata nila. Hanggang ngayon hindi niya pa rin lubos akalaing nasa harapan niya ngayon ang lalaking hinahangaan ng marami. He can get girl in just a snap of his fingers. Kaya nga nandito siya. Dahil noong kinailangan siya nito ay ito siya't walang pag-aalinlangan niyang inihain ang sarili dito. Daniel can have everything he want. Even her. He's kíssing her while touching her down there. Hindi niya alam kung papaano ito hàlikan ng maayos nang hawakan nito ang pinakasensitibo niyang parte. “Danie-”Pinutol siya ng mapag
Hindi siya makahuma sa kinalalagyan dahil sa mga narinig mula dito. Wala siyang makapa na salita sa utak. Malabo pa sa kaniya ang mga narinig. Paanong siya? Kung ikukumpara sa mga nagkakagusto rito, wala siya sa kalingkingan ng mga iyon.Klarong-klaro. Pinaglalaruan lang siya nito. Nasabi na nitong kapag may gustong makuha ang lalaki ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para makuha iyon. At ano naman ang makukuha nito sa kaniya? Wala naman siya no'ng mga bagay na mayroon ang mga babae nito.Sa kalibre ni Daniel. Hindi ang tulad niya ang pipiliin nito hanggang sa dulo. Para lamang iyong nangyari sa Mama niya. Bínúntis lang ng mayamang lalaki. Tapos ay iniwan ang mama niya. Kaya ba ayaw na ayaw ng mama niya na naglalapit siya kay Daniel? Dahil ba maaring mangyari ang ganito?Napalunok siya at bahagyang dumistansya ng kaunti mula kay Daniel. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang mga kasamahan nila. “Inaantok na ako,”biglang nasabi niya. “Then let's go to the-”“Alam ko na kung saan.
Nakangisi na tinanggap ni Bruce ang kamay niya na may panunuya sa mga mata. Sinusubukan pa yata ang pasensya ni Daniel. May lamig sa mga mata na tiningnan ni Daniel ang kaibigan. Naiilang na ngumiti si Solen. Hindi alam kung ano ang ire-react. Binitiwan din naman kalaunan ni Bruce ang kamay niya. “Calm your bàlls, bruh!” Natatawa si Bruce na tinapik ang balikat ng bad mood na si Daniel.“Alistair here!” Nagpakilala iyong kulay blonde ang buhok. Tinanguan niya lang ito at nagpakawala ng tipid na ngiti. “Gino, and here is Troy.” Tinuro ni Gino ang sarili sabay turo sa akbay-akbay na tahimik na si Troy. Seryoso lang na nagtaas ng kamay si Troy.May mga itsura ang mga ito. Sa built ng katawan at pormahan alam mong belong ang mga ito sa mundo ni Daniel. Siya lang naman kasi ang outsider dito.Sa apat si Bruce lang ang may lakas ng loob na makipagkamay. Iyong tatlo parang takot na pansinin siya. Ilang saglit ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa baywang niya. Nalingunan niya si Dan
Hindi niya matagalan ang titig nito kaya't agad siyang tumayo. “C-CR lang ako.”Hindi niya na ito matingnan ngayon. Hindi niya na rin hinintay na sumagot pa ito at umalis na doon. Mabilis siyang nag-lock ng pinto pagkarating niya sa silid. Nagtungo siya sa banyo niya at problemado na hinarap ang salamin. Pinagmasdan niya ang mukha sa repleksyon niyon. Napaawang ang labi niya nang makita kung gaano kapula ang pisngi niya. Napahawak siya doon. Paniguradong nakita nito ang pamumula ng mukha niya. Mas lalo siyang nahiya sa ideyang iyon.Hindi raw ito naniniwala sa fix marriage pero hindi nito sinabi kung wala nga ba itong fiancee. Maraming nagkakandarapa para makuha si Daniel. At hinding hindi nito ibababa ang standard nito para patulan siya. Hindi ang kalibre ni Daniel ang gagawa ng kahíbangan na 'yon. Biglang naalala niya ang mga búlly na kaklase niya noon sa Paredez. Noong una ay pinapahirapan siya ng mga ito pero noong lumaki sila ay bigla na lang nanligaw sa kaniya. “I have my wa