Share

Chapter 1

GEN'S POV

What are the two things that we humans cannot escape? Some say fate. Others time.

Me? I say both.

As I stared down at my mismatched socks, I can't help but smile. Kung hindi ako marahil nalasing ng soju kagabi baka tamang pares ang nakuha ko kanina nang magising. Maybe, if I wake up early I won't be standing on the sidewalk but on a shed. Comfortable and far from being sunburnt. But fate has annoying timing, right?

So, kaysa magalit ako't mainis sa sarili ko. Mag e-enjoy na lang ako.

Pinunasan ko ng panyo ang noo saka tumayo ng tuwid. Raising both my hand, I mimic not just the chant of the people around but also their energy.

"Viva Pit Señor!Pit Señor!!!"

I was smiling from ear to ear while my eyes were roaming around Mango Avenue that was thronged with people, who's like I were very eager to catch a glimpse of the extravagant parade of Sinulog. The excitement I felt is uncontainable, nahawa na ko sa mga katabi ko sa kalye. Tuluyan ko ng nalimot ang pagiging bad trip ko.

Today's the last day of the week-long festival celebration and it's also our last day here in Cebu. I was with my college best friends—Donna, Chardii, and Karlo–that sadly all were MIA at the moment. Iginala ko ang mga mata sa halos 'di mahulugang karayom na kalye, nagbabakasaling makita ko ang tatlo. When I failed to spot one of them, I let out an exasperated sigh.

I can't blame them if they will go all out since today's our last day. Besides, this place is jampacked. No, it is an understatement. The whole street is crazy and intense. Going from point A to point B would be difficult right now, that's why I decided to stay on the street where my friends left me.

Standing and observing.

People are wearing colorful headdresses and some even put on face paint just to complete the Sinulog vibe. And I'm one of those people.

Bumili kami ng headdress sa sidewalk vendor na nakita namin kanina on our way here, may sunglasses pang kasama. Ng makarating naman kami dito may mga tourist booth na nag kalat,nag o-offer sila ng assistance sa gaya namin at kasama don ang free face paint. So ayun naka complete Sinulog Gear ako.

I'm a typical tourist, duh! Don't judge me, lamang I* ko din 'to. Hashtag OOTD.

Napatingin ako sa pamaypay na hawak ko. I checked the schedule for today's event.

Nakita kong may mga kuwarenta minutos na lang at mag sisimula na ang parada, malapit sa pwesto namin ang starting point non kaya di kami masyadong matagal ang ipaghihintay namin kung sakali.

"Saan na kaya yung mga 'yon?" Palinga-lingang hanap ko sa mga kaibigan ko.

Sa di kalayuan ay namataan ko si Donna at Chardii. The former was the videographer while the latter is doing her famous line 'Welcome back to my channel, Bish!' while twirling numerous times.

Si Chardii kasi o Ricardo sa totoong buhay ay isang sumisikat na influencer at make up artist. Ayaw niyang patawag sa totoo niyang pangalan dahil ang sagwa nga naman babaeng-babae siya tapos tatawagin siyang Ricardo. Maganda ito. Makinis at  maputi. Huwag mo lang pagsalitain.

Habang si Donna ang dahilang bitter ng tropa. She's like me, working her ass off in a nine to five job and NBSB. She can throw below-the-belt jokes and at the same time come up with the most sound advice for everyone. Kaya siguro madami ang nai-intimidate dito at natatakot manligaw.

Maganda naman ito. Morena't balingkinitan ang katawan, sadyang mataray lang siguro ang dating nito sa mga lalake kaya di ligawin.

"Gen, oh!"

Napatingala ako sa pinanggalingan ng boses. It was Karlo. He's the thorn among the roses. Napatitig ako sa plastik na hawak nito.

"Thanks," I rummaged the content and when I saw the cold bottled water, parang lalo akong nauhaw. Mabilis kong tinungga iyon dahil kanina pa talaga ko nauuhaw. Ang init din kasi sa pwesto namin.

"Nice jacket ha? Iba talaga Komisyon-er!" Biro ko sa kaibigan habang ang pansin ay nasa bagong suot niyang jacket.

It's Off White with large stripes designs on both arms. Sigurado akong lumabas na ng commission nito mula sa pagbebenta ng mga properties. He's a Real Estate Salesperson of a known developer in the country.

"Ganda ba?"

Nakangising umikot pa ito para ipagyabang ang logo ng hoodie n'ya. I rolled my eyes dramatically.

"Yeah. Lakas maka RK. Ikaw na talaga. Pahipo nga ng pang mayamang jackey mo."

"Bagong komisyon kasi ko kaya ayun napa add to cart," sagot nitong napakamot pa sa batok.

magkabilang braso.

"Hoy Genessia anong hipo-hipo ha?" Boses ni Chardii at binanggit talaga ang medyo 'di kagandahan kong pangalan.

Napangiwi ako.

"Wala eto kasing si Karlo bumili ng pang shala na jacket," inginuso ko si Karlo na nasa tapat ko.

"Akala ko naman kung ano. Bagay nga sayo Karlo,I likey!" Si Donna na inikutan pa ang binata habang tumatango-tango.

"Pero ang init-init naka ganyan ka,anong trip mo?" Pagsusungit nito sabay hawak sa bewang.                                                        

"Later tatanggalin ko to,bago kaya sinuot ko lang para may pang I* ako.Alam mo namang lagi kaming naka coat and tie sa work. Besides, nakita ko kasing naka crop top tong si Gen baka kabagan kaya dinala ko na."

Inirapan ko lang siya. Ginawa pa kong dahilan gusto lang naman niyang pumorma.

"May t-shirt ako ng Sinulog, remember? Tsaka street party naman ang pupuntahan natin after kaya walang masama sa suot ko," mataray kong sagot saka sinipat ang get-up ko.

I'm rocking a set of white biker shorts na pinatungan ko ng black t-shirt na may print ng 'Sinulog'. To complete the monochromatic OOTD theme, I paired it with my white Airmax. Habang ang unat na unat at hanggang dibdib kong buhok ay pinag tripan ni Donna na plantsahin.

Perfect na sana huwag lang mapansin ng mga kaibigan ko ang medya ko, for sure asar talo talaga ko.

I love dressing up and I'm the certified fashionista sa aming apat. Lalo ko pang nahasa ang pagiging OOTD master ko dahil sa work ko. I'm a Junior Content Creator sa isang leading newspaper sa bansa at isa sa mga requirement ng boss ko ay always dress to impress.

Pero bilang na ang mga araw kong 'to. Kung papalarin ang application namin ni Donna sa palasyo, I will be wearing the famous modern Filipiniana inspired uniform.

I sighed only to be irritated when Karlo pinched my cheeks.

"Eh, sorry na."

"K. Fine, wag sa mukha!" Pinalis ko kagad ang kamay niya't malakas na pinalo ito sa braso.

I hate it 'pag pinipisil ang mukha ko,naiirita ko. Isa pa masasayang ang make up na pinag hirapan ko ngayong araw bihira na nga lang akong sipagin eh.

"Ay naku, Karlo alam mo naman ang number 1 rule ng mga girls di ba? WAG ANG FACE!!!" Narining kong sabi ni Chardii. "Guluhin nyo na lahat wag lang ang make up namin!" She added and Donna agreed.

Panay ang hingi ng sorry ng kawawang si Karlo. Napangiti na lang ako ng lihim.

Hindi naman talaga ko naka heavy make up. Manipis na foundation lang ang nilagay ko sa mukha ko para lang matakpan nang kaunti ang mga maliit na freckles na nagkalat sa cheek ko, hanggang sa may puno ng ilong. 'Cause I hate them to death.

Natural na makapal at naka shape ang mga kilay ko kaya konting gamit lang ng spool brush I'm good na. Habang ang mahahaba kong pilik mata ay nilagyan ko ng mascarra para mas tumingkad ang kulay light brown at medyo bilugan kong mga mata.

Well, di naman sa pag bubuhat ng sariling bangko pero I'm a head turner, sabi ng parents ko. Wala kong choice but to believe them.

Madalas kasi akong muse ng elementary at suki din ako ng Miss United Nations. Ilang beses na ding naging representative ako sa Miss Intrams noong high school. Napag-tripan pa nga 'ko ng block section namin noong 2nd-year college, isabak ba naman akong representative for Binibining JMA. Pinalad namang manalo pero natalo din kami nang sa institute na namin ang labanan. Paanong hindi,  higante ang mga kalaban ko at nag mukha kong midget sa height kong 5'3. Ayun, talo.

Natigil ang GGSS moment ko nang hilahin ako ni Donna para mag lakad. 'Di ako nag protesta at nag patianod lang habang nakasunod sa amin si Chardii at Karlo.

"Hey,saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Donna na ang higpit nang pagkakahatak sa braso ko.

"I read a tweet earlier saying that the Crown Prince will be there," sabay turo nito sa isang kalye na napapalibutan ng mga pulis at sangkaterbang Royal Guards.

"This will be his first appearance ever since he came back from the US."

Sinundan ko ng tingin ang sinasabi nito. That explains the crowd. Matagal kasing nawala ang Crown Prince sa bansa, balitang nag aral ito sa USA at kababalik lang kamakailan. So s'yempre lahat ng tao sa Cebu gustong makita nag prinsipe. May mga nagkalat pang avid fans ng mga royals at may kaniya-kaniyang bitbit na posters.

What's with them? Tao lang din naman 'yon.

"Bakla, are you serious? Gusto mong makipag siksikan d'yan?" Halos lumabas ang litid na tanong ko sa kaibigan.

"Eh, sayang kasi." Lumungkot ang mukha nito nang ma-realize ang sinabi ko. Yumuko at nalaglag ang magkabilang balikat.

"Okay lang yan, Dons. 'Di ba nag apply naman kayo ni Gen as Royal Aide ? Malay mo kasama kayo sa grand winners at may chance na maka daupang palad ang poging si Prince Liam,"  alo ni Chardii sa kaibigan namin sabay akbay dito.

Muntik na kong matawa sa kalokohang sinabi nito kay Donna. Yes, we both applied for Royal Aide or staff position inside the palace, but it doesn't mean na makikita namin agad ang mga Royals. Baka nga mas may chance pa na magkaroon ako ng boyfriend this night kesa makita ang gwapong prinsipe.

"Sabagay."

"Sabi sayo Dons,ako na lang tingnan mo eh.Hawig kami ni Prince Liam.Lamang lang ng isang tabo yun," biro ni Karlo at nag flex pa ng braso. Gwapo naman talaga ng kaibigan namin. Moreno't matangkad sa height na 5'10 at may hitusra dahil medyo bumbayin ang feature ng mukha nito. Pero dakilang friendzone.

"Pesti! Baka kahit mabaliw si Prince Liam, never mong magiging kamukha!" Pinanggigilan ni Donna ang braso nito. Panay lang ang ilag ni Karlo.

Natawa na lang kami pareho ni Chardii habang pinanonood ang dalawa. Sa aming apat, kasi si Donna ang super fan girl ang mga Royal Princes lalo na sa Crown Prince. Hindi namin siya masisi dahil isa lang siya sa daang milyon na baliw na baliw sa mga Royals.

The Philippines or Reino de Filipinas, being one of the remaining Constitutional Monarchy in South East Asia, has a King as the head of the state and a Prime Minister as head of the government. The Royal Family is well respected and loved by nation kahit pa nga ang duties nila ay for ceremonial na lang since we adopted the constitutional monarchy, still, the people can't help themselves to go gaga over them.

Bakit? Apat na simpatikong rason lang naman.

Una, ang matalino,makisig at seryosong Crown Prince ng bansa, His Royal Highness Prince Liam. Pangalawa, the drop-dead gorgeous rebel and second in line to the throne, Prince Lazlo. Pangatlo, the charming and drool-worthy prince with six-pack abs, Prince Yñaki. At ang pang apat at huling rason, ang pinaka makulit at palikero sa lahat ,Prince Lachlan.

Silang apat lang naman ang dahilan, maliit na bagay.

"Ghorls, balik na tayo don sa pwesto natin kanina," narinig naming aya ni Chardii

Magkasabay na tumango kami ni Donna at tinahak na ang pabalik sa pwesto namin kanina.Naririnig na din namin sa megaphone and pag a-anunsiyo na mag sisimula na ang parada.

"BAKLA, ANO KERI PA?" Natatawang tanong sa kin ni Donna.

Nakaupo ako sa sidewalk dahil sumakit at nangalay ang mga binti ko.Nahirapan kasi kaming makipag siksikan sa sa parade kanina at dahil sa sobrang tagal na din naming nakatayo nakaramdam ako ng pagod.

"I'm good, five minutes," inubos ko ang natitirang baso sa boteng hawak.

May dalawang oras din kaming nanood ng parada.Napakadami kasing tao kaya ang hirap makaalis at makalakad kailangan pa naming makipag balyahan ng kaunti.Papunta kami sa isang kalye na pag dadausan ng street party.

Kung tutuusin, malapit lang iyon sa Mango Avenue at Fuente Osmeña pero dahil sa dagsa ng tao at walang masakyan, kailangan naming magsimula ng maglakad para hindi kami masyadong gabihin.

"Ano mga ghorls? Kaya ba today?" Chardii asked sarcastically. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa 'min.

Natatawang inabot ko ang dalawang kamay ko sa harap niya nagpapa alalay sa pagtayo. Ilang saglit pa, naglalakad na kami patungo sa venue ng street party. Napansin ko agad ang makeshift stage na naka pwesto sa bungad ng kalsada at ang mga nagkalat na malalaking sound system sa paligid.

There's an ample amount of party lights, enough to keep the whole area illuminated and have that street party vibe. The DJ's already playing some music and plenty of people are starting to dance. Bigla akong na-excite sa nakita ko.

Oh, yes. Partey! Nakangiti kong sigaw sa utak ko.

When was the last time na naka pag club kaming magkakaibigan?  Two years ago kung tama ang recollection ko. Masyado kaming naging busy sa kani-kaniyang trabaho.  At kung mag bonding man kami it's either coffee or SamG. Ganoon yata talaga kapag adult ka na. Mas uunahin mong matulog at i-save ang sweldo kaysa gastusin sa kung ano-ano.

I sighed and followed the lead of my friends. I'm here to enjoy at sasamantalahin ko iyon. Bukas kasi babalik na kami ng Manila. Back to reality, ika nga.

Ilang saglit nga lang ay nakihalo na kami sa mga tao na naroon. May ilan kaming nakausap na gaya din naming tourist yung iba galing pang ibang bansa. May mga umiikot na mga lalake parang mga 'alak man', may malaki silang sukbit na water jug sa likod pero imbes na tubig Red Horse ang laman nito. When you need your fix, kaway ka lang at presto lalapit sila sayo.

Pero parang mabibitin ako sa ginagawa nilang 'to.Paiwan ko kaya kay alak man

yung jug?

'Di ko na namalayan kung ilang baso na ng beer ang nainom ko basta alam ko medyo madami-dami na, close na kasi kami ni Kuya Benjie 'yong isa sa mga alak man dito sa street party. Nakikipag biruan na nga siya sa 'min nila Chardii at feeling ko type nya ang friend kong maharot.

Baka may booking maya si Beks! Natatawang sabi ko sa utak ko. Lasing na nga 'ata ako kung anu-ano na kasing pumapasok sa isip ko.

Habang sa di kalayuan ay nakita ko si Donna at Karlo nakatayo malapit na sa stage. Mag papalit na kasi ang DJ ayon kay Donna kaya ang bakla super excited, gusto pag sumayaw kami sa harapan pa talaga.

While I was busy refilling my cup with beer, I saw on my peripheral that Karlo's walking towards me. He's pointing in the restroom's direction, so I nod. I decided to wait for him. Puno na kasi at siksikan kaya kailangan ko ng human shield para di naman mapitpit ang katawan kong di pa nakaka recover sa balyahan kanina.

I was standing right next to a paramedic van three meters away from the stage when I felt Karlo's presence. As if on cue, my fave song echoed around the place. Excitement filled me and I quickly grabbed the hand of Karlo who pulled his hoodie on top of his head.

"OMG!Something like this..tara!" Hila-hila ko ang kamay nya, ang buong atensiyon ko'y nasa stage.

Naramdaman ko na napahinto siya, medyo nainis ako.

Asar, ang arte!

"Tara na, bilisan mo! Andon si Donna. I love that song and I want to dance," walang lingon-likod na sabi ko pa din sa kanya. Nilakasan ko ng kaonti ang boses ko para marinig nya ko habang hawak ko pa din ng mahigpit ang kamay niya.

Natigilan ako.

Ba't parang lumambot kamay ng mokong na to? Alam ko makalyo to e. Inubos na naman siguro yung lotion ni Tita. I shook my head and continue to pull him.

Little did I know that just like my mismatched sock, fate once again toyed me. That simple act of pulling his hand would let me cross paths with someone that will change everything in my life.

Who would have thought that I'll have a  magical night wearing a crop top and mismatched socks?

The culprit....the man in the Off-white jacket.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status