Share

Chapter 81

Biglang natigilan si Vladimyr  pagkakita sa lalaking nasa harap niya. Pagkatapos magblangko ang isip niya dulot ng bugso matinding galit at selos. Na hindi na niya nagawang pigilan tulad ng madalas niyang gawin, ilang ulit na napakurap si Vladimyr na tila nagising siya mula sa  kadiliman ng puso niya. 

“L-Luvien?” naguguluhan niyang anas. Tila napaso siya mula sa pagkakaupo sa sikmura ni Lucien. 

“Vladimyr!” 

Napalingon si Vladimyr sa mga lalaking tumawag sa kaniya at nagsalubong ang kilay. Bakas ang pagkagulat sa mga mata ng mga ito ngunit sa isang iglap napalitan ng pagkabahala.

Nagmamadaling lumapit sina Ethan, Leon at Noah kay Vladimyr para ilayo ito kay Lucien. Nag-aalala sila sa kalagayan ni Vladimyr. Hindi ito maaring ma-stress dahil maselan ang kalagayan nito. Natatakot sila na baka maylit na naman ang nangyari noong nakaraang linggo. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status