POV: AudreyNawiwili siyang manood ng mga fashion week sa Paris. Noon ay isa siyang modelo, subalit dahil na rin sa drugs na kinasangkutan niya noon, na banned siya sa international scene. Kaya mas pinili niyang umuwi na lang ng Pilipinas. Noong una, okay naman ang buhay niya pag uwi ng Pinas. Yun nga lang, nauubos ang kanyang pera. Kaya sinabihan siya ng kanyang mga magulang na humanap na lang ng lalaking bubuhay sa kanya.Kaya lagi siyang nasa club, naghahanap ng pwedeng maging prospect. Sa unang dalawang buwan, wala siyang nahanap. Kung hindi matanda, may asawa naman. May mga may hitsura naman pero mga hampaslupa.Nawawalan na siya ng pag asa. Napapunta siya sa isang stag party. May disco bar kaya nakipg sayaw siya. At itong lalaking ito, ang nag approach sa kanya."Ako si Harvy Austria"Tumunog agad ang bell niya sa ulo. BINGO!!!!Ito na ang hinihintay niya. Ang lalaking ito ay bukambibig ng mga babaeng nakikilala niya. Kaya may background check na ito mula sa kanya."Audrey Rive
POV: HarvyIsang tawag ang pumukaw ng kanyang pagmumuni muni. Si Audrey! Ang alam niya ay next month pa ito uuwi. Pero ang number na gamit ay number na sa Pilipinas."Honey, nakauwi na ko." masayang sabi nito sa kanya."Hindi ka man pang nagsabi na uuwi ka" sagot niya."Surprise?""Yes of course! asan ka ngayon?""Nasa bahay ako. kararating ko lang eh. I miss you!""I miss you too.""Puntahan na lang kita ha?""Magkita na lang muna tayo sa resto na paborito nating puntahan bukas.""Oh sige.. saka san tayo pupunta sunod? your place?""Basta gusto ko magkita muna tayo.""Siyempre naman" halata ang excitement sa boses nito "oh sige na, magpapahinga muna ako. I love you bye!""I love... shooot pinatay!" naiiling niyang sabi. "Paano ko sasabihin sa kanya.Magagalit yun. Sana maunawaan niya ang sitwasyon ko. Ayoko man siyang iwan pero wala naman akong magagawa. Nakasalalay dito ang future naming dalawa. Sinabi pa ni lolo na ipupull out ang investment sa kanila kapag hindi ako nagpakasal kay
POV: DahliaNakaupo siya sa sofa sa hospital room. Mataman niyang iniisip kung ano ang gagawin niya para mainlove sa kanya ang pinakamamahal niyang si Harvy. Grabe naman kasi ito, kung mahabol si Audrey akala mo wala ng ibang babae sa mundo. Pang model nga ang katawan at mukha kaso ugaling demonyita naman! Si lolo A ay umaayos na ang lagay. Minsan iniisip niyang nagdadahilan na lang ito. Kapag may gusto itong irequest, bigla itong humihina. Kapag napagbigyan, biglang lumalakas."Saka ko na tatanungin si Lolo kapag naikasal na ko. Tatlong taon, yun ang palugit ko sa sarili ko para mafall sakin si Harvy. After non, bahala na kung magtagumpay ako o hindi. Sana lang, ayon ang panahon sakin.Kung pera din lang naman ang gusto ko, sana hindi ko na siya pakasalan dahil makukuha ko na ang kalahati ng yaman niya Ewan ba sa puso ko siya pa ang...""Hoy!!! naimik ka na naman dyan mag isa! may hangin na ata ang ulo mo!" ginulat na naman siya ni Ami. Para talagang hangin ang babaeng ito, hindi
POV: Harvy"Magkatulad talaga kayo ng ugali ni Ami, pati mga salitain magkapareho" naiiling niyang sabi kay Dahlia habang nasa canteen sila ng ospital. Pinili nila sa sulok para walang makakarinig ng usapan nila."Matagal ko ng kaibigan si Ami. Mabuti siyang tao at sweet. Kung lalaki lang ako magugustuhan ko siya bilang babae" pagtatanggol ni Dahlia sa kaibigan."Alam kong mabuti si Ami, hindi naman siya magugustuhan ni Lolo kung hindi siya mabait. Kita mo naman hanggang ngayon wiling wili sa kanya ang matanda" wika niya."Ano bang pag uusapan natin?" tanong ng babae."Dumating na si Audrey. Gusto nga niyang pumunta sa condo, sabi ko sa labas na lang kami magkita.""Anong plano mo?""Magsasabi na ko sa kanya. Mahirap kasi na sa iba pa niya malalaman." "Karapatan niyang malaman, para hindi niya ako sugurin. Tutulong lang ako sayo. Hindi ko ito ginusto.""Hindi nga ba?"Napatingin sa kanya ang babae."Oh, eh di wag na nating ituloy, ano bang pakialam ko sayo?" nakataas ang kilay nito.
POV: AudreyIto na ang pinakahihintay niya.. Ang araw na magpopropose na sa kanya si Harvy. Ang pakiramdam niya nakalutang siya sa ulap. Nagbihis siya ng sexy, yung tipong iuuwi na siya ni Harvy at doon na patitirahin sa bahay ng mga ito.Nagpabango siya, kulang na lang pati panty niya lagyan niya ng perfume. Makakaalis na rin siya sa bahay ng mga magulang. Gusto na niyang bumukod dahil nasasakal na siya sa mga ginagawa ng mga ito sa kanya.Hindi siya susunduin ng lalaki dahil may ginagawa pa daw ito. Palagay niya naghahanda ito para sa proposal. Kilig na kilig siyang isipin na magiging Misis Austria na siya. Sinusubok man siya ng pagkakataon, nasa kanya pa rin ang huling baraha.Hirap na hirap na siyang maging mabait sa harapan ng pamilya ni Harvy. Kating kati na siyang maging siya talaga. Ang kanyang pulang gown na may slit sa gilid ang nagpatingkad sa ganda niya. Nakita siya ng ama pagbaba niya ng hagdan."Anak, isuot mo ito" iniabot sa kanya ang isang kahetang pahaba. Pagbukas ni
POV: HarvyAwang awa siya kay Audrey. Nakakahiya dahil hindi man lang niya ito kayang ipaglaban. Mahal niya ang nobya, ngunit kailangan niya munang isecure ang future nila."Pero bakit?" umiiyak na tanong ni Audrey."Honey, makinig ka.. Nag iwan ng last will si Lolo, pero may kondisyon. Pakakasalan ko si... si Dahlia at magsasama kami ng tatlong taon. Kapag hindi kami naging okay, maghihiwalay kami. Pero pag hindi k9 siya pinakasalan, sa kanya mapupunta ang kalahati ng kayamanan, kay Dahlia.""At yung kalahati?" "Sa charity.."Napatda ang babae sa sinabi niya."You mean.. wala kang mamanahin?""Yes.. yan ang nakalagay sa kasunduan na gusto ni lolo. But please, wait for me, three years lang. Babalikan kita, kukunin ko lang kung ano yung sakin."Nagpunas ng luha si Audrey saka hinawakan ang kanyang mga kamay."Honey, magtitiis ako, alam kong ako talaga ang mahal mo. Para sa perang pinaghihirapan mo, at sa bubuuin nating pamilya.""Maraming salamat Mahal.. alam kong uunawain mo ang sitw
POV: Dahlia"Alam mo ga, nakita daw nung friend ko si Harvy at Audrey sa isang resto, kaso parang close ang resto na yun, sila laang daw dalwa ang tao." kwento ni Ami sa kanya."Ano daw ginagawa?" itinigil niya ang oagtatrabaho at hinarap ang kaibigan."Ay nangalngal daw yung karibal mo. Baka hiniwalayan na ni Harvy. Oi wagi ka dun ha""Hindi pa tayo sure" saka hinarap niya ulit ang ginagawa niya "baka mamaya nag aarte artehan na naman sila.""Hoy, ano ka ga, napaka nega mo. Member ka ga ng transformer?""Bakit?""Si Negatron ka eh.""Negatron ka dyan. Megatron yun no.""Ang hina mo sa joke friend.. snail ka ga?""Oh, bakit na naman?""Slow ka;""Ikaw Amihan, inaatake ka na naman ng nga korni mong jokes.""At least wala akong karibal.""Kanino? kay Arvin?""Aba.. ay hindi na ano! ayaw ko nga sa pisting yun. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya sa akin.""Patawarin mo na kasi.""Anong patawaren? hello? ilang beses niya akong tinarantado, anong palagay niya sa sarili niya? gold?""
Nakatitig siya sa malayo ng tawagin ni Harvy. Pumasok siya sa opisina saka nagtanong."Bakit?"."Naghiwalay na kami ni Audrey.""Balita ko nga.""Pero babalikan ko siya after 3 years""And so? bahala ka kung anong gusto mong gawin""Teka nga Dahlia, magkalinawan tayo, bakit ba parang galit na galit ka sakin ngayon? ano bang ginawa ko?""Wala""Yun naman pala eh, wala akong ginawang mali sayo..""Ooops.. mali,""Anong mali?""Wala kang ginawang tama sakin.""Abo bang naging problema? akala ko ba noon ako ang kuya mo?"'Matagal na yun, nung hindi mo pa jowa si Audrey at hindi pa kita type' sabi niya sa isipan."Gusto ko lang magbago. Kailangan kong magbago.""Pero Dahlia, kasama mo ako kahit noong bata ka pa. Noong unang pasok mo naman sa opisina okay ka. Bakit nagbago ka?""Nakilala ko ang totoong ikaw, that is why, nagbago ako.""Anong totoong ako? Mabuti naman ako ah,""Wag ka na ngang mag usisa. Naiinis ako lalo""Sabihin mo nga sakin, ano bang nagawa kong ikinagalit mo?""Wag mo ng
Nakita na ni Harvy ang papalapit na sasakyan, malamang, si Richmond iyon."Medic!!! get ready," ibinaba agad nila ang stretcher. Ang bilis ng takbo nito, na halos sa harapan na nila magpreno.Tumalon na ito sa drivers seat at nagmamadling pumunta sa likod ng pick up."Dito ko siya inilagay para mabilis.. Apat na minuto na simula nung saksakan namin siya ng gamot," sabi nito.Agad inasikaso ng mga Medic ang lolo niya. "Dadalhin na namin sa ospital si lolo, Harvy," paalam ni Arvin "mag iingat kayo.""Salamat pare.." paalam niya kay Arvin. "bahala ka na kay lolo.."Pag alis ni Arvin, agad niyang binalingan si Richmond. "Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sayo o ano.""Wag ka munang magpasalamat, wala pa si Dahlia." awat nito sa kanya."Bakit mo kinuha si Dahlia?" tanong niya."Tumawag sakin si Audrey na nalocate niyo na sila. Papatayin na daw nila si lolo, kaya inoffer ko ang bahay namin dito. Nakita ko ang kalunos lunos na kalagayan ng matanda. Hindi ako pwedeng magsabi kahit kanino,
Sinagot agad niya ang tawag ni Richmond. Gakit na galit siya sa lalaki."Mahal.." tinig iyon ng asawa niya."Mahal!! kumusta ka na? okay ka lang ba? hindi ka ba sinaktan ni.. Richmond?" tanong niya kay Dahlia."Hi--hindi. Si lolo talaga ang gusto niyang tulungan.. kaya niya ako kinuha.." sabi nito."Ka--kasama mo si lolo?" tanong niya."Oo mahal.. malaki na ang ipinag iba niya ngayon. kumpara noong bago pa lang kami nagkita. Nabibihisan at napapakain ko siya ng maayos..""Sana sinabi niya na...""Mahal, please. Natatakot siyang patayin nina Audrey si lolo. Siya ang nagligtas kay lolo kung tutuusin.""Kasabwat siya nina Audrey!""Hindi.. pinangalagaan niya lang si lolo. Malaki ang utang na loob natin sa kanya Harvy. Wag mo siyang pagsalitaan ng hindi maganda, dahil hindi mo alam ang sakripisyo niya maprotektahan lang kami ni lolo Harry.""Nasaan kayo?" hindi na siya nakipagtalo dito."Bubuksan ko ang gps ng phone niya, itrace niyo na lang. Plano na niya kaming itakas ngayon.. kasi-- ma
"Hoy Richmond!", Tawag ni Audrey sa lalaki, "Anong kalokohan ang ginagawa mo ha? papatayin ko na yang Dahlia na yan, alam mo namang kating kati na ang kamay ko para sakalin siya!""Gusto mo, para patas, one on one kayo?" tanong ni Richmond sa kanya.Napatda si Audrey sa sinabi nito. Wala siyang panama sa babaeng iyon, dahil black belter iyon sa karate. "Ba-bakit one on one""Ang yabang mo kasi, akala mo naman kung makapagsabi ka dyan, kayang kaya mo yung tao!""Gusto mo, patayin ko siya, ngayon din?" masama ang tingin niya dito."Subukan mo lang!" hinawakan ni Richmond ang panga niya, "wag na wag mong kakantiin ni dulo ng buhok ni Dahlia! kung ayaw mong mamatay kayo ng tatay mong kakantutan mo gabi gabi!"Nagulantang siya sa sinabi ni Richmond.. "Pa--paano mo nalaman?""Ang lakas mong humalinghing! Di ka ba nadidiri na ginagang bang ka ng tropa ng tatay mo? Aoat silang pinapaligaya mo ng sabay sabay! napakagaling mo Audrey!" Saka siya iniwanan ng lalaki.Naalala niya, nag inuman sila
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala na siya sa sasakyan. Nasa kwarto siya. Bigla aiyang tumayo, at napansing iba ang suot niyang damit. Pati panloob niya ay iba.Bigla siyang nagpanic, at naalala ang pambababoy ng lalaking iyon sa kanya. Tumayo siya para puntahan ang pinto. Doon lang niya napansin ang kadena sa kanyang paa.Sumilip siya sa bintana, madilim na, mataas ang pader. Napaluha siya sa isiping iyon. Marahil ay hinahanap na siya ng asawa niya. Ngayon, binaboy pa siya ng lalaking ito.Nagmamadali siyang bumalik sa kama, ng marinig ang mga yabag na nanggagaling sa labas. Palakas iyon ng palakas. Nakita pa niya ang anino sa siwang ng pintuan.Bumukas iyon, at iniluwa ang lalaking nakangiti, may dalang tray. Binato niya ito ng unan."Hayup ka!! pinagkatiwalaan kita! Ganito lang ang gagawin mo sakin!" iyak siya ng iyak. Balewala naman ito sa lalaki. Ngumiti pa rin ito sa kanya."Kumain ka na. Mahaba haba ang biyahe kanina," inilapag nito sa lamesa ang dalang pagkain."Pakawala
Nakasalubong niya sa hallway ng condo si Arvin, nagulat pa ito at naroroon siya. Agad niya itong sinugod at sinuntok ng isa, na ikinabigla nito. "Ba--bakit?" agad pumagitna ang mga naroroon "anong problema mo par? bakit ka basta mananakit?" tanong nito sa kanya at poporma na susugod, "gago ka ba?" "Ilabas mo ang asawa ko, hayup ka!" sigaw niya dito. "Mas hayup ka! bakit ko naman itatago ang asawa mo? Tigilan mo ko sa kapraningan mo Harvy ha! ganitong nabubwesit ako at nawawala ang phone ko, wag kang patanga tanag dyan!? bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabi nito, "mna--nawawala din ang- phone mo?" parang natauhan siya sa sinabi nito. "Oo! saka bakit mo hahanapin ang asawa mo sakin? eh wala naman akong gusto dun? putang ina mo, ang sakit ha!" saka ito gumanti sa kanya. Hindi na siya lumaban pa. "Pa--pasensiya ka na pare.. may sumundo kasi sa asawa ko eh. Akala ko, ikaw.. Kasi, sumagot naman si Richmond sakin kanina, ikaw ang hindi." "Baka siya ang kumuha sa asawa mo. Pa
Kakalabas niya lang ng building ng mamataan niyang parating ang isang sasakyan at tumigil sa harapan niya. Nagbaba ito ng bintana at binati siya."Ipinapasundo ka ni Harvy, hindi ka daw kasi niya makontak, nakita na daw nila si lolo." anito sa kanya."Talaga?" gulat na gulat siya, maaari ngang natagpuan na si lolo."Oo, pinapasunod ka sa lugar, buhay daw siya.""Salamat," bubuksan na sana niya ang passenger seat sa harap, pero pinigilan siya nito."May mga prutas kasi dito at box," nasilip niyang meron nga, " sa likuran ka na lang. Makakapag usap din naman tayo kahit nandun ka.""Ah, sige, gusto ko nga doon at makakapagpahinga ako." nakangiti niyang sagot dito. " bakit ka nakamask?""Inatake ako ng allergic rhynitis. Oh, handa ka na ba?" tanong nito."Sige, tara na" nginitian niya pa ito, "tatawagan ko lang ang asawa ko."Dial siya ng dial, hindi man lang magring ang phone ni Harvy, kaya nagtataka siya. "Wag ka ng magtaka, baka nawalan ng signal dun, ang alam ko, ipinaputol muna ang
Wala pa ring progress sa pagkawala ni Lolo Harry. Si Dahlia ang bumalik sa opisina, at siya ay naiwan sa bahay kasama ng mga magulang.Hindi niya rin kayang magfocus sa pagtatrabaho, mabuti na lang at maaasahan ang asawa niya. Ito ang sumasalo ng lahat para sa kanya. Kalahati ng buhay niya ay nakasalalay sa babaeNag uusap silang mag anak, ng dumating sina Richmond at Arvin. Bumati sila sa kanila saka naupo."May progress na ba sa pagkawala ni lolo?" tanong ni Arvin."Wala pa nga eh. Ang hirap kausap nina Audrey." sagot niya."Richmond, ilabas mo na ang envelope," sabi ni Arvin kay Richmond."Anong envelope?" tanong niya sa mga ito."Ito ang---" biglang tumigil sa oagsasalita su Richmond, saka tumayo, "ano to?" kinuha ang isang bagay na nakasaksak sa outlet, "camera!""Patingin nga?" inagaw niya kay Richmond ang hawak nito, "oo nga no! kaya pala alam niya ang mga ginagawa namin.""Masyado ng matalino si Audrey," sabi ni John, "sir, pakihanap ng sa buong bahay kung saan pa may ganito."
"Takot na takot ka ah!" tawa ngbtawa ang nasa kabilang linya."Audrey, nasaan si lolo?" tanong niya. Naglapitan sina Harvy sa kanya."Relax lang, ikaw naman, nagmamadali ka agad," napataltak pa ito."Ibalik mo na siya! may sakit naman siya, maawa ka sa kanya!" umiiyak niyang sabi, "wag na si lolo, sana ako na lang, kung galit ka sakin.""Galit? hindi ako galit sayo Dahlia, muhing muhi ako sayo!" bulyaw nito sa kabilang linya. "kasalanan mo ang lahat! masaya sana kami ngayon, kung hindi dahil sayo!""Alam kong kasalanan ko, kaya ako na lang.. pabayaan mo na si lolo.""Ano ako? baliw? eh ito ngang matandang ito ang may kagagawan ng lahat eh.""Ibibigay naman namin ang gusto mo, pakawalan mo lang siya.""Kailangang ibigay niyo! kaya nga kidnap for ransom ito hindi ba? Ikaw, ginagawa mo na naman akong tanga!""Audrey please...""Audrey please!" panggagaya nito sa kanya, "matapang ka hindi ba? mayabang ka pa! asan na ang tapang at yabang mo ngayon? uuuh.. wala na.. kawawa naman." nawala na
"Tama, sinasabi na nga ba, at sina Audrey ang may pakana nito!" inis na inis si Dahlia habang nakaupo sa loob ng kotse. "Unang kita ko pa lang sa babaeng iyon, iba na ang kutob ko.""Sana nga, naniwala na lang ako sayo," sabi ni Harvy sa kanya."Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Dapat talaga, mapuntahan ang bahay ng mga yan. Kakalbuhin ko talaga yan kapag nakita ko."Pero ramdam niya ang guilt sa kanyang puso. Parang hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa kanyang lolo. Hindi niya ata kakayanin yun, na mapahamak ito dahil sa kapabayaan niya."Ako man, ganyan din ang iniisip ko," malungkot na sabi ni John, "hindi maaaring mapahamak si daddy. Talagang hindi ko kakayanin. Siya lang ang mag isang nagpalaki sa akin.""Honey, makikita din natin si daddy, magpray lang tayo," alo ni Alma kay John "wag kang mag isip ng masama.""Sorry honey, pinagtatawanan pa kita, yun pala, tama ka." sabi ng daddy niya sa kanyang mommy."Sssh, okay lang yan. Wag mong sisihin ang sarili mo." awat ng