Hindi makapaniwala si Harvy na ginawa nina Dahlia ang ganoong klase ng plano. Ang akala niya ay walang alam ang asawa niya sa plano ng kanyang lolo. Natatawa na lang siyang isipin, na tama ang ginawa ng mga ito sa kanya."So, pinikot mo ako?" tanong niya sa asawa pagkatapos nitong magkwento."Ayaw mo ba?" tumayo ito mula sa pagkakakandong sa kanya."Sinabi ko ba? buti at ginawa niyo yun, kung hindi, baka nakatuluyan ko na talaga si Audrey na may saltik sa utak. Kung ginahasa mo ako agad, baka napakasalan agad kita." biro niya, saka hinila si Dahlia sa kanyang kandungan. "Ang ganda at ang sexy kaya ng asawa ko. Sino bang makakatanggi sa ganitong alindog?""Naku! napakabolero mo, eh muntik mo na kong hiwalayan no.""Wag na nating pag usapan ang nakaraan, tapos na naman yun eh. Ang mahalaga ay ang ngayon.""Sa bagay. Oh, saglit lang at may tatapusin muna ako," tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kanya, "itatype ko muna yung isang proposal.""Saan?""May magpapatayo ng subdivision, nakita ni
"Sa penthouse tayo matulog," yaya ni Harvy sa kanya."Pwede naman, hindi pa ulit ako nakakatulog doon eh." nakangiti niyang tugon."Mag oorder lang ako ng pagkain," sagot sa kanya ni Harvy.Pagdating ng pagkain, bandang alas sais, umakyat na sila sa pent house."Buksan mo," utos ni Harvy sa kanya.Binuksan niya ang pintuan. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Mga bulaklak na nasa flower vase. Sa kabilang side ay painting ng larawan ng kanyang ama, ni Malena at ni tita claudia na magkakasama. Sa kabilang wall naman, ay larawan nilang lahat noong kasal nila, larawan nilang mag asawa, larawan nilang apat ng tatay niya at nung mag ina, at larawan nilang tatlo nina lolo.Nasa kabilang side ay larawan naman nilang apat ng mga biyenan, larawan nila kasama si lolo, at larawan nilang mag asawa kasama sina Malena, tita Claudia at papa niya. Umagos ang luha sa kanyang mata at isa isang nilapitan ang mga larawan."Kailan mo ito ipinagawa?" tanong niya."Last week pa yan, kararating lang ng mga b
May bitbit siyang plastic ng milk tea. Papasok na siya ng elevator ng mapatingin sa entrance ng building. Hindi niya mawari, kung si Audrey ba ang babae na natatanaw niya. Nakatingin ito sa gawi niya, medyo malayo ito. Napatingin siya sa tumunog na elevator, paglingon niya ulit, wala na ito doon.Napabuntung hininga na lang siya, bago tuluyang pumasok sa elevator. Naiisip niya rin siguro ang babae, kaya pakiramdam niya ay nakikita niya ito.Pagbukas ng elevator, may napansin siyang babae na nakatalikod, kausap ito ni Ellaine. "Si Audrey!" nilapitan niya ito agad at hinawakan sa braso, "Audrey!""Ma-ma'am.. bakit po?" tanong nito. Taga H.R ito, kahawig lang ni Audrey kapag malayo."So-sorry Alice. Akala ko kasi si Audrey." Napapahiya niyang sabi dito."Okay lang po ma'am. Marami nga pong nagsasabi na kahawig ko yun lalo na kapag nakatalikod." nginitian siya ng babae.Nangilo siya sa narinig mula dito. Kahawig lang nito si Audrey kapag nakatalikod, subalit kapag nakaharap, ibang iba ang
Pakiramdam ni Harvy, ay masyado ng naaapektuhan si Dahlia ng mga nangyayari sa paligid niya. Baka natatakot lang talaga ang asawa niya."Sigurado ka ba sa nakita mo?" tanong niya kay Dahlia. Napapansin niyang balisa ito."Oo.. hindi ako maaaring magkamali, siya talaga ang napansin ko sa labas." walang kagatul gatol na sabi nito."Nasaan ba siya kanina?" tanong ulit niya dito."Nakatayo siya sa harapan ng entrance at nakatingin siya sakin. Akala ko nga papasok siya. Nalingat lang ako, bigla siyang nawala," paliwanag nito sa kanya."Baka napapagod ka lang ngayon. Magpahinga ka kaya muna? marami ka kasing ginagawa nitong nakalipas na araw hindi ba?" hinawakan niya ito sa balikat, "baka naistress ka rin kasi alam mong kriminal ang tatay niya.""Ba-baka nga. Simula kasi malaman ko na kriminal ang tatay niya, oarang natakot na ako sa kung ano ang pwede nilang gawin. Nakakatakot na gumagala gala pa sila hindi ba?""Wag mo silang masyadong intindihin, andito lang ako, handang protektahan ka p
"Kailan niyo ba naman kami bibigyan ng apo?" tanong ng kanyang lolo sa kanila ni Dahlia. "Hindi pa nga po ipinagkakaloob. Baka hindi pa ito ang oras," sagot niya. "Abay dali dalian para makarami. Kahit sampung anak, kaya nating buhayin," nakangiting sabi sa kanila ni lolo Harry. "Wag po kayong mag alala lolo, pinaprocess na po namin yan," ganting biro ni Dahlia. "Naku, naexcite naman ako," sagot ni Alma. "Parang masaya na nga na magkaroon ng mga batang patakbo takbo sa paligid hindi ba?" "Saka maganda nga yung madami. Bakit kasi tayo mga solong anak hahahaha" sagot naman ng daddy niya. "Kung ilan po ang kayanin, gagawin natin yan kahit isang basketball team pa," nakangiti niyang sagot. "Nagpacheck up na ba kayo?" tanong ng mommy niya. "No need na po mommy, naniniwala po kai kami na kung ukol, bubukol," nakangiting sagot ni Dahlia. "Sa bagay, kami nga ng daddy mo matagal din bago nagkaanak. Ilang taon din, yun nga lang hindi na nasundan." sagot ng mommy niya. "At risk ka kasi
Bagong suliranin ang kinakaharap nila ngayon. Kaya pa namang alagaan ng kanyang mga magulang ang lolo niya, subalit matatanda na rin ang mga ito. Baka pati ang mga ito ay mahirapan sa pagbabantay sa matanda at pati health nila ay marisk na rin dahil dito. Naghanap sila ng agency na pwedeng kuhanan ng mga nurse. Walang available na lalaki, tutal naman ang lolo niya ay gentleman, kaya babae na lang ang kinuha nila. Hiningian nila ito ng CV. saka ng mga work experience. So far, maganda naman ang credentials nito, at talagang recommended ng mga napasukan. Akala nila ay matured ito, ngunit pagkakita nila dito, isa itong magandang babae, na may magandang katawan. Kahit siya ay nagulat na ganoon pala ang hitsura noon."Ikaw si Allyssa Mendez?" paninigurado niya dito. Sa opisina nila ito pinaounta para mainterview. Lahat ng records nito ay maayos, maging ang mga nakaraang employer nito.Ayon sa mga napasukan nito, masigasig daw ang babae sa oagtatrabaho, umaalis lang ito kapag alam na, na w
Abot hanggang langit ang pagkaasar niya sa sariling asawa dahil sinabihan siya nito na napapraning na naman. Pakiramdam kasi niya, sa halip na ito ang unang uunawa sa kanya ay ito pa ang hindi nakakaintindi. Inis na inis siyang isipin na ito mismo ang nanlibak sa kanyang inasal.Hindi talaga niya ito kinausap. HInayaan niyang magtrabaho ang lalaki ng hindi sila nagpapalitan ng kahit anong salita. Nakinig na lang siya ng music at nagfocus sa ginagawa.Tumunog ang intercom niya, at daglian niyang sinagot."Ma'am, may delivery po dito, nakaaddress po sa inyo." sabi ng receptionist sa kanya."Paakyatin mo na lang, salamat." sagot niya.Hindi na siya naghintay ng mahabang oras, dumating na ang may dala ng deliver para sa kanya. Isang magandang tulips bouquet. Inamiy amoy niya pa ito."Kanino kaya ito galing?" kinikilig siya."Wala bang note?" tanong ng asawa niya."Meron! pakialam mo ba?" pagtataray niya dito. Kinuha niya ang note at binasa.To the beautiful woman of my life,I apologize f
"Ito si lolo Harry," pakilala niya sa kanyang lolo, sa taga alaga nitong si Allyssa. "Lolo, ito na ang care giver nyo, si Allyssa..""Bakit ako magkicare giver John? kwarenta lang ako," sagot ni lolo Harry."Opo, pero wala kasi kayong kasama sa loob ng bahay kapag busy kami." sagot niya sa matanda, "kaya po kailangan, may kasama kayo.""Eh, sino ba itong babaeng ito?" turo niya sa mama niya, "bakit may kakaibang mukha dito? nasaan ang asawa mo ,John?""May ginagawa pa po siya," nginitian niya ang matanda."Napakasipag talaga ni Alma. Ang swerte mo talaga ano? Kaya sabihin mo sa anak mong si Harvy, kapag nag asawa ay gaya ng mommy niya. Mabait na masipag pa." hinawakan ng matanda ang kanyang kamay. "Sino nga ba ito?""Si Allyssa po. Ang inyong makakasama." sagot niya."Aah, kagandang bata naman nito.""Ituturo sayo ni mommy ang lahat Allyssa. Pwede kang mag off ng sabado at linggo dahil narito kami ng asawa ko nun. Pwede kang gumala kung gusto mo.""Hindi kayo natutulog dito ng asawa n
Nakita na ni Harvy ang papalapit na sasakyan, malamang, si Richmond iyon."Medic!!! get ready," ibinaba agad nila ang stretcher. Ang bilis ng takbo nito, na halos sa harapan na nila magpreno.Tumalon na ito sa drivers seat at nagmamadling pumunta sa likod ng pick up."Dito ko siya inilagay para mabilis.. Apat na minuto na simula nung saksakan namin siya ng gamot," sabi nito.Agad inasikaso ng mga Medic ang lolo niya. "Dadalhin na namin sa ospital si lolo, Harvy," paalam ni Arvin "mag iingat kayo.""Salamat pare.." paalam niya kay Arvin. "bahala ka na kay lolo.."Pag alis ni Arvin, agad niyang binalingan si Richmond. "Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sayo o ano.""Wag ka munang magpasalamat, wala pa si Dahlia." awat nito sa kanya."Bakit mo kinuha si Dahlia?" tanong niya."Tumawag sakin si Audrey na nalocate niyo na sila. Papatayin na daw nila si lolo, kaya inoffer ko ang bahay namin dito. Nakita ko ang kalunos lunos na kalagayan ng matanda. Hindi ako pwedeng magsabi kahit kanino,
Sinagot agad niya ang tawag ni Richmond. Gakit na galit siya sa lalaki."Mahal.." tinig iyon ng asawa niya."Mahal!! kumusta ka na? okay ka lang ba? hindi ka ba sinaktan ni.. Richmond?" tanong niya kay Dahlia."Hi--hindi. Si lolo talaga ang gusto niyang tulungan.. kaya niya ako kinuha.." sabi nito."Ka--kasama mo si lolo?" tanong niya."Oo mahal.. malaki na ang ipinag iba niya ngayon. kumpara noong bago pa lang kami nagkita. Nabibihisan at napapakain ko siya ng maayos..""Sana sinabi niya na...""Mahal, please. Natatakot siyang patayin nina Audrey si lolo. Siya ang nagligtas kay lolo kung tutuusin.""Kasabwat siya nina Audrey!""Hindi.. pinangalagaan niya lang si lolo. Malaki ang utang na loob natin sa kanya Harvy. Wag mo siyang pagsalitaan ng hindi maganda, dahil hindi mo alam ang sakripisyo niya maprotektahan lang kami ni lolo Harry.""Nasaan kayo?" hindi na siya nakipagtalo dito."Bubuksan ko ang gps ng phone niya, itrace niyo na lang. Plano na niya kaming itakas ngayon.. kasi-- ma
"Hoy Richmond!", Tawag ni Audrey sa lalaki, "Anong kalokohan ang ginagawa mo ha? papatayin ko na yang Dahlia na yan, alam mo namang kating kati na ang kamay ko para sakalin siya!""Gusto mo, para patas, one on one kayo?" tanong ni Richmond sa kanya.Napatda si Audrey sa sinabi nito. Wala siyang panama sa babaeng iyon, dahil black belter iyon sa karate. "Ba-bakit one on one""Ang yabang mo kasi, akala mo naman kung makapagsabi ka dyan, kayang kaya mo yung tao!""Gusto mo, patayin ko siya, ngayon din?" masama ang tingin niya dito."Subukan mo lang!" hinawakan ni Richmond ang panga niya, "wag na wag mong kakantiin ni dulo ng buhok ni Dahlia! kung ayaw mong mamatay kayo ng tatay mong kakantutan mo gabi gabi!"Nagulantang siya sa sinabi ni Richmond.. "Pa--paano mo nalaman?""Ang lakas mong humalinghing! Di ka ba nadidiri na ginagang bang ka ng tropa ng tatay mo? Aoat silang pinapaligaya mo ng sabay sabay! napakagaling mo Audrey!" Saka siya iniwanan ng lalaki.Naalala niya, nag inuman sila
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala na siya sa sasakyan. Nasa kwarto siya. Bigla aiyang tumayo, at napansing iba ang suot niyang damit. Pati panloob niya ay iba.Bigla siyang nagpanic, at naalala ang pambababoy ng lalaking iyon sa kanya. Tumayo siya para puntahan ang pinto. Doon lang niya napansin ang kadena sa kanyang paa.Sumilip siya sa bintana, madilim na, mataas ang pader. Napaluha siya sa isiping iyon. Marahil ay hinahanap na siya ng asawa niya. Ngayon, binaboy pa siya ng lalaking ito.Nagmamadali siyang bumalik sa kama, ng marinig ang mga yabag na nanggagaling sa labas. Palakas iyon ng palakas. Nakita pa niya ang anino sa siwang ng pintuan.Bumukas iyon, at iniluwa ang lalaking nakangiti, may dalang tray. Binato niya ito ng unan."Hayup ka!! pinagkatiwalaan kita! Ganito lang ang gagawin mo sakin!" iyak siya ng iyak. Balewala naman ito sa lalaki. Ngumiti pa rin ito sa kanya."Kumain ka na. Mahaba haba ang biyahe kanina," inilapag nito sa lamesa ang dalang pagkain."Pakawala
Nakasalubong niya sa hallway ng condo si Arvin, nagulat pa ito at naroroon siya. Agad niya itong sinugod at sinuntok ng isa, na ikinabigla nito. "Ba--bakit?" agad pumagitna ang mga naroroon "anong problema mo par? bakit ka basta mananakit?" tanong nito sa kanya at poporma na susugod, "gago ka ba?" "Ilabas mo ang asawa ko, hayup ka!" sigaw niya dito. "Mas hayup ka! bakit ko naman itatago ang asawa mo? Tigilan mo ko sa kapraningan mo Harvy ha! ganitong nabubwesit ako at nawawala ang phone ko, wag kang patanga tanag dyan!? bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabi nito, "mna--nawawala din ang- phone mo?" parang natauhan siya sa sinabi nito. "Oo! saka bakit mo hahanapin ang asawa mo sakin? eh wala naman akong gusto dun? putang ina mo, ang sakit ha!" saka ito gumanti sa kanya. Hindi na siya lumaban pa. "Pa--pasensiya ka na pare.. may sumundo kasi sa asawa ko eh. Akala ko, ikaw.. Kasi, sumagot naman si Richmond sakin kanina, ikaw ang hindi." "Baka siya ang kumuha sa asawa mo. Pa
Kakalabas niya lang ng building ng mamataan niyang parating ang isang sasakyan at tumigil sa harapan niya. Nagbaba ito ng bintana at binati siya."Ipinapasundo ka ni Harvy, hindi ka daw kasi niya makontak, nakita na daw nila si lolo." anito sa kanya."Talaga?" gulat na gulat siya, maaari ngang natagpuan na si lolo."Oo, pinapasunod ka sa lugar, buhay daw siya.""Salamat," bubuksan na sana niya ang passenger seat sa harap, pero pinigilan siya nito."May mga prutas kasi dito at box," nasilip niyang meron nga, " sa likuran ka na lang. Makakapag usap din naman tayo kahit nandun ka.""Ah, sige, gusto ko nga doon at makakapagpahinga ako." nakangiti niyang sagot dito. " bakit ka nakamask?""Inatake ako ng allergic rhynitis. Oh, handa ka na ba?" tanong nito."Sige, tara na" nginitian niya pa ito, "tatawagan ko lang ang asawa ko."Dial siya ng dial, hindi man lang magring ang phone ni Harvy, kaya nagtataka siya. "Wag ka ng magtaka, baka nawalan ng signal dun, ang alam ko, ipinaputol muna ang
Wala pa ring progress sa pagkawala ni Lolo Harry. Si Dahlia ang bumalik sa opisina, at siya ay naiwan sa bahay kasama ng mga magulang.Hindi niya rin kayang magfocus sa pagtatrabaho, mabuti na lang at maaasahan ang asawa niya. Ito ang sumasalo ng lahat para sa kanya. Kalahati ng buhay niya ay nakasalalay sa babaeNag uusap silang mag anak, ng dumating sina Richmond at Arvin. Bumati sila sa kanila saka naupo."May progress na ba sa pagkawala ni lolo?" tanong ni Arvin."Wala pa nga eh. Ang hirap kausap nina Audrey." sagot niya."Richmond, ilabas mo na ang envelope," sabi ni Arvin kay Richmond."Anong envelope?" tanong niya sa mga ito."Ito ang---" biglang tumigil sa oagsasalita su Richmond, saka tumayo, "ano to?" kinuha ang isang bagay na nakasaksak sa outlet, "camera!""Patingin nga?" inagaw niya kay Richmond ang hawak nito, "oo nga no! kaya pala alam niya ang mga ginagawa namin.""Masyado ng matalino si Audrey," sabi ni John, "sir, pakihanap ng sa buong bahay kung saan pa may ganito."
"Takot na takot ka ah!" tawa ngbtawa ang nasa kabilang linya."Audrey, nasaan si lolo?" tanong niya. Naglapitan sina Harvy sa kanya."Relax lang, ikaw naman, nagmamadali ka agad," napataltak pa ito."Ibalik mo na siya! may sakit naman siya, maawa ka sa kanya!" umiiyak niyang sabi, "wag na si lolo, sana ako na lang, kung galit ka sakin.""Galit? hindi ako galit sayo Dahlia, muhing muhi ako sayo!" bulyaw nito sa kabilang linya. "kasalanan mo ang lahat! masaya sana kami ngayon, kung hindi dahil sayo!""Alam kong kasalanan ko, kaya ako na lang.. pabayaan mo na si lolo.""Ano ako? baliw? eh ito ngang matandang ito ang may kagagawan ng lahat eh.""Ibibigay naman namin ang gusto mo, pakawalan mo lang siya.""Kailangang ibigay niyo! kaya nga kidnap for ransom ito hindi ba? Ikaw, ginagawa mo na naman akong tanga!""Audrey please...""Audrey please!" panggagaya nito sa kanya, "matapang ka hindi ba? mayabang ka pa! asan na ang tapang at yabang mo ngayon? uuuh.. wala na.. kawawa naman." nawala na
"Tama, sinasabi na nga ba, at sina Audrey ang may pakana nito!" inis na inis si Dahlia habang nakaupo sa loob ng kotse. "Unang kita ko pa lang sa babaeng iyon, iba na ang kutob ko.""Sana nga, naniwala na lang ako sayo," sabi ni Harvy sa kanya."Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Dapat talaga, mapuntahan ang bahay ng mga yan. Kakalbuhin ko talaga yan kapag nakita ko."Pero ramdam niya ang guilt sa kanyang puso. Parang hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa kanyang lolo. Hindi niya ata kakayanin yun, na mapahamak ito dahil sa kapabayaan niya."Ako man, ganyan din ang iniisip ko," malungkot na sabi ni John, "hindi maaaring mapahamak si daddy. Talagang hindi ko kakayanin. Siya lang ang mag isang nagpalaki sa akin.""Honey, makikita din natin si daddy, magpray lang tayo," alo ni Alma kay John "wag kang mag isip ng masama.""Sorry honey, pinagtatawanan pa kita, yun pala, tama ka." sabi ng daddy niya sa kanyang mommy."Sssh, okay lang yan. Wag mong sisihin ang sarili mo." awat ng