POV: Harvy
Hindi niya inaasahan ang isinagot sa kanya ni Dahlia. Kung hindi papayag ang babae, siya ang talo. Kaya hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Bigla siyang kinabahan, kung hindi papayag ang dalaga sa gusto niya, may mamanahin ito, siya ay wala. Kaya kailangan mag isip siya ng tama.Mataman niya iyong pinagmasdan, nakipagtitigan ito sa kanya. Alam ng babae kung saan ang weakness niya. Ipinilig niya sa ibang direksiyon ang kanyang ulo.Parang dito siya magkikita ng kasagutan sa mga gamit sa kanyang unit. Tiningnan niya ulit ang dalaga, nakatingin pa rin ito sa kanya. Kaya siya na lang ang bumasag sa katahimikan nila."Anong kailangan kong gawin para pumayag ka?" tanong niya dito sa mababang tinig."Una, isasama mo ako sa lahat ng lakad mo. Pangalawa, no more boys night. Pangatlo, hindi mo ako alila para utus utusan mo ako. Pang apat, let me handle all the finances, in short, magiging asawa talaga ako sayo. Okay lang din sa akin kung hindi tayo magsasama sa kwarto. Ayoko rin naman. Pang lima, ayokong papupuntahin mo dito kung sino man ang babae mo. Pang anim, lahat ng disisyon, dapat pag uusapan natin. Kung talagang gusto mong makipaghiwalay after three years, go lang. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sayo. Para ito kay lolo kaya ako pumayag." Mahabang litanya nito."At sino ka naman para magdemand ng ganyan sakin?" Tanong niya "secretary lang kita.""Ooops, another demand ko pala, hindi mo ako pwedeng pagtaasan ng boses or pagbuhatan ng kamay.""Makapal din ang mukha mo no?""Sino bang may kailangan sa ating dalawa? Ikaw o ako? Matuto kang lumugar, hindi lahat ng tao ay mag aagree sayo, ibahin mo ako. Pag mali ka, mali ka! Baka layasan kita ngayon din, walang problema sakin."Napabuga siya ng hininga. Ito ang sinasabi niya sa sarili. Paano siya kung umayaw ito. Tumayo na ang babae ng walang makuhang sagot mula sa kanya. Lalabas na ito."Wait," awat niya dito. Tumigil ang dalaga saka siya nilingon "okay, you win.""And?""Anong and?""You need to apologize to me!""Apologize? No way!" Never siya nag apologize sa ibang tao."Okay, i'll go ahead" pinihit na nito ang seradura saka tuluyang lumabas.Narattle siya sa ginawa ng babae. Hinabol niya ito saka naabutan malapit sa elevator. Hinawakan niya ito sa braso."Sandali nga Dahlia!""Bakit? Let me go!" Hinila nito ang braso "matuto kang humingi ng dispensa kapag nagkakamali ka. Perfect ka?""I'm sorry!""Wow.. sorry labas sa ilong? Maging sincere ka nga paminsan minsan. Ang plastic mo!"Wala pang nakakapagsabi sa kanya ng mga ganitong bagay. Kung hindi niya lang kailangan ang babaeng ito, baka pinilipit na niya ang leeg nito."Please, bumalik tayo sa loob at mag usap tayo. Sorry sa mga nasabi ko."Nauna ng bumalik ang babae sa loob ng unit."Ihahanda ko lang ang mga papel para alam natin ang mga kasunduan natin" sabi niya dito."No need" kinuha ng dalaga ang file case sa loob ng bag nito "ito, tig isa tayo nyan, may pirma ko na yan, pero basahin mo muna yan ng maayos para mas okay. Mahirap naman yung basta ka pipirma tas hindi mo naman naintindihan. Baka bandang huli sisihin mo pa ako.""Akin na" inabot niya ang mga papel. Pinasadahan niya ng basa. Ang daming demands. Pero hindi siya nagreklamo. Dahil maliit na bagay lang naman ito. Tinatakan na niya ang mga papel saka pinirmahan."Lagyan mo ng date." Utos ng babae.Sinunod niya naman ito."Ito na" iniabot niya ang mga papel."Sayo ito" iniabot nito pabalik ang isang naka stapler na papel. "Kung nabasa mo dyan, sabay nating aayusin ang lahat, simula sa mga foods and venue, mga ninong at ninang. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko intimate wedding lang, pero ang request ni Lolo ay engrandeng handaan dahil baka huling kasalan na daw ito na madadaluhan niya.""Pwede ko bang imbitahin si.. Audrey?""Nasa page 2, na walang ex mo ang pupunta sa kasal natin.""Eh ex mo pwede?""Wala akong ex. Hindi pa ako nagkakaboyfriend. Saka kung may ex man ako, may delikadesa ako at may kahihiyan, bakit ko naman siya iimbitahin okay?""Hindi ko naman ex si Audrey eh.""Nasa page 1, na hindi ka dapat mag girl friend habang mag asawa tayo. Binasa mo ba ha?"Napakamot siya ng ulo. Sa totoo lang, hindi niya binasa lahat ang nakasulat. Natatamad siya. Saka ang gusto niya ay matapos na agad ang usapan nilang ito."Saka pag may kailangan ka, lagi kang may pakisuyo, hindi yung akala mo, lahat utusan mo. Saka ayokong tumira dito sa unit mo. Dito kayo gumagawa ng kababalaghan ng babae mo eh.""Saan tayo titira, aber?" Tanong niya."May bahay ako. As in bahay, hindi apartment, hindi condo, kundi bahay talaga. May garahe at garden.""Bakit doon pa, eh magkukunwari lang naman tayo sa loob ng tatlong taon?""Para lubus lubusin na natin. Para walang magduda, at siguradong hindi ka magdadala ng babae. Nakasulat din dyan na pwede kang magkabisita na lalaki sa bahay basta walang magwawalwal. Alam ko pa naman kapag nalalasing ka."Napakamot siya sa ulo. Ano nga ba naman ang tatlong taon. Kakayanin niya ito. Nagpaalam na ang dalaga sa kanya. Hindi na ito nagpahatid.Magkaibang magkaiba ito at si Audrey. Maasikaso ang nobya niya, ito namang si Dahlia, akala mo walang kasama. Saka hindi nakikioagtalo sa kanya si Audrey. Laging sumasang ayon. Ito namang si Dahlia, akala mo pantay sila ng estado sa buhay. Hindi nya pa rin alam kung saan napulot ng lolo niya ang mag amang yun.Tumunog ang phone niya, sa wakas, si Audrey!"Hi baby, sorry kung ngayon pang ako nakatawag ha. Kumusta ka na?" Sabi ng babae sa kabilang linya."Okay naman ako baby. Kailan ka uuwi?""Hindi pa sure eh, may problema ba?""We need to talk.""About what?""Kailangan kong sabihin sayo to sa personal.""Next month pa ako uuwi eh.""Please baby, come home""Ay, wait lang baby, my dad is calling me, i love you, bye!" Inoff na nito ang phone.Nag alala siya. Malamang hindi na umabot si Audrey sa kasal niya. Hindi na niya ito makakausap ng maayos. Wala na siyang magagawa pa.POV: Dahlia Muli silang nagkita ni Harvy sa ospital. Medyo malakas na si Lolo A. Nakikipagbiruan na ito sa kanila. Nakakatawa na ito na tulad nung dati. "Oh, kailan ba ang kasal" tanong nito habang pinapakain ito ng kanyang anak na si John. "Mag uusap pa kami ni Dahlia lolo, pero as soon as posible sana, makapagpakasal na kami." Sagot ni Harvy. "Mabuti naman kung ganon na magkakasundo na kayong dalawa, mahirap yung ikakasal kayo pero kayo ay magkagalit." Natatawa si Lolo A "yung venue ng reception, doon sa isa nating hotel, anong palagay nyo?" "Sige po lolo kung saan kayo mas convenient" sagot niya. "Ano pong gusto nyong kulay ng motif?" "Naku, nakakahiya namang ako ang pipili ng kulay eh kayo naman ang ikakasal." Sagot nito "Gusto ko po sana Gold and black" sagot niya "maganda po kasi ang contrast nilang dalawa." "Gusto ko rin yan hija" patango tango ang lolo ni Harvy. "Sino ang gusto nyo lolo na maging ninong at ninang namin?" Tanong ni Harvy. "Kilala niyo na naman ang lah
POV: HarvyNaalala niya ang farm na ireregalo sana sa kasintahang si Audrey kapag ikinasal na sila. Subalit wala na siyang choice, baka mapikon pa sa kanya si Dahlia. Iniiwasan niyang magkamali dito, dahil na rin sa pakikisama nito sa kanya.Hindi si Dahlia ang tipo niyang babae. Ayaw niya ng masyadong maliit. Mukhang 5'3 lang ito, samantalang siya ay 6'2. Hanggang balikat lang niya ito. Saka ang wavy ng buhok nito, Hindi rin ito kaputian. Angbtamang description dito ay cute. Nakadagdag sa appeal nito ang mga dimples sa pisngi. Samantalang si Audrey ay halos kasing taas niya. Ang sexy nito at ang kinis. Gustong gusto niya kapag 'dirty time' nila na ipinupulupot nito ang mga legs sa kanyang balakang. Mukha itong foreigner na pangahan. Ang buhok nito ay kumikinang kapag tinatamaan ng liwanag. Ang dibdib ng babae ay parang laging nanunukso sa laki, samantalang kay Dahlia ay parang sakop lang ng cup A lahat.Si Dahlia ay diretso magsalita. Wala siyang pakialam kung masasaktan ka niya, ma
POV: Dahlia"Tama ba ang disisyon ko? tama ba?" pabalik balik siya paglakad sa kwarto niya "Oo.. tama.. tama siguro... hindi. mali yun... maling mali. Hindi dapat ako pumayag. Alam mo Dahlia gaga ka talaga!"Nakaharap siya sa salamin habang kausap ang sarili."Hoy bulaklak na tuyo!" ginulat siya ng kaibigan. Si Amihan ang kaibigan niyang sobrang rupok. "anong ipinagsisintir mo diyan?""Naku Ami ha, wag mo akong mabatangas batangas ng salita at baka mainis ako sayo!""Jusko dai naman! bay ga bugnot ka na naman? may regla ka no?""Hoy ang bibig mo naman, nakakahiya baka marinig ka sa labas!" awat niya dito."Oh ih ano na ga ang nangyari sa pulong ninyo ng iyong sintang irog?""Tigilan mo nga ako Amihan. Naiirita na ako sa Batangas batangas words mo ha!""Ay ano gang magagawa ko ay garne ako sadya. Sus naghahanap ka laang ng pagsusulingan ng iyong inis. Ano gang nangyari?""Reregaluhan niya ako ng farm."Naibuga ni Amihan ang sinusupsup na milktea, talsik ito sa kanyang sapatos."Amihan,
Paglabas nila ng Pandora, nakasalubong nila sina Harvy at Arvin. Nagulat pa ito ng makita sila."Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Harvy."Bumili, kita mo oh?" itinaas niya ang paper bag."Tamang tama pala na nandito ka na, bumili na tayong wedding ring" sabi nito."Hi Ami" bati ni Arvin."Tse!" sagot ng kaibigan.Dating nililigawan ni Arvin si Ami. Subalit sa hindi malamang dahilan, ginhost ni Arvin ang kaibigan. Simula noon, hindi na ito nakakausap ng maayos ni Arvin. Nahawa ata ito sa kanya.Ilang beses na nitong pinatawad si Arvin noon, pero ginhost lang ito, kaya sa sobrang inis nito halos isumpa na nito si Arvin."Galit ka pa rin sakin?" tanong ni Arvin."Ay hindi, tuwang tuwa ako sayo. Napakabait mo eh. Napaka.." sabay irap nito sa lalaki."Tara na sa loob Dahlia. At baka madamay pa tayo sa dalawang yan" aya ni Harvy sa kanya."Harvy, anong madamay? madadamay ka lang kapag kinampihan mo yang kaibigan mong multo!" sagot ni Amihan."Paano ako makakapag explain sayo i nakablocke
POV: AudreyNawiwili siyang manood ng mga fashion week sa Paris. Noon ay isa siyang modelo, subalit dahil na rin sa drugs na kinasangkutan niya noon, na banned siya sa international scene. Kaya mas pinili niyang umuwi na lang ng Pilipinas. Noong una, okay naman ang buhay niya pag uwi ng Pinas. Yun nga lang, nauubos ang kanyang pera. Kaya sinabihan siya ng kanyang mga magulang na humanap na lang ng lalaking bubuhay sa kanya.Kaya lagi siyang nasa club, naghahanap ng pwedeng maging prospect. Sa unang dalawang buwan, wala siyang nahanap. Kung hindi matanda, may asawa naman. May mga may hitsura naman pero mga hampaslupa.Nawawalan na siya ng pag asa. Napapunta siya sa isang stag party. May disco bar kaya nakipg sayaw siya. At itong lalaking ito, ang nag approach sa kanya."Ako si Harvy Austria"Tumunog agad ang bell niya sa ulo. BINGO!!!!Ito na ang hinihintay niya. Ang lalaking ito ay bukambibig ng mga babaeng nakikilala niya. Kaya may background check na ito mula sa kanya."Audrey Rive
POV: HarvyIsang tawag ang pumukaw ng kanyang pagmumuni muni. Si Audrey! Ang alam niya ay next month pa ito uuwi. Pero ang number na gamit ay number na sa Pilipinas."Honey, nakauwi na ko." masayang sabi nito sa kanya."Hindi ka man pang nagsabi na uuwi ka" sagot niya."Surprise?""Yes of course! asan ka ngayon?""Nasa bahay ako. kararating ko lang eh. I miss you!""I miss you too.""Puntahan na lang kita ha?""Magkita na lang muna tayo sa resto na paborito nating puntahan bukas.""Oh sige.. saka san tayo pupunta sunod? your place?""Basta gusto ko magkita muna tayo.""Siyempre naman" halata ang excitement sa boses nito "oh sige na, magpapahinga muna ako. I love you bye!""I love... shooot pinatay!" naiiling niyang sabi. "Paano ko sasabihin sa kanya.Magagalit yun. Sana maunawaan niya ang sitwasyon ko. Ayoko man siyang iwan pero wala naman akong magagawa. Nakasalalay dito ang future naming dalawa. Sinabi pa ni lolo na ipupull out ang investment sa kanila kapag hindi ako nagpakasal kay
POV: DahliaNakaupo siya sa sofa sa hospital room. Mataman niyang iniisip kung ano ang gagawin niya para mainlove sa kanya ang pinakamamahal niyang si Harvy. Grabe naman kasi ito, kung mahabol si Audrey akala mo wala ng ibang babae sa mundo. Pang model nga ang katawan at mukha kaso ugaling demonyita naman! Si lolo A ay umaayos na ang lagay. Minsan iniisip niyang nagdadahilan na lang ito. Kapag may gusto itong irequest, bigla itong humihina. Kapag napagbigyan, biglang lumalakas."Saka ko na tatanungin si Lolo kapag naikasal na ko. Tatlong taon, yun ang palugit ko sa sarili ko para mafall sakin si Harvy. After non, bahala na kung magtagumpay ako o hindi. Sana lang, ayon ang panahon sakin.Kung pera din lang naman ang gusto ko, sana hindi ko na siya pakasalan dahil makukuha ko na ang kalahati ng yaman niya Ewan ba sa puso ko siya pa ang...""Hoy!!! naimik ka na naman dyan mag isa! may hangin na ata ang ulo mo!" ginulat na naman siya ni Ami. Para talagang hangin ang babaeng ito, hindi
POV: Harvy"Magkatulad talaga kayo ng ugali ni Ami, pati mga salitain magkapareho" naiiling niyang sabi kay Dahlia habang nasa canteen sila ng ospital. Pinili nila sa sulok para walang makakarinig ng usapan nila."Matagal ko ng kaibigan si Ami. Mabuti siyang tao at sweet. Kung lalaki lang ako magugustuhan ko siya bilang babae" pagtatanggol ni Dahlia sa kaibigan."Alam kong mabuti si Ami, hindi naman siya magugustuhan ni Lolo kung hindi siya mabait. Kita mo naman hanggang ngayon wiling wili sa kanya ang matanda" wika niya."Ano bang pag uusapan natin?" tanong ng babae."Dumating na si Audrey. Gusto nga niyang pumunta sa condo, sabi ko sa labas na lang kami magkita.""Anong plano mo?""Magsasabi na ko sa kanya. Mahirap kasi na sa iba pa niya malalaman." "Karapatan niyang malaman, para hindi niya ako sugurin. Tutulong lang ako sayo. Hindi ko ito ginusto.""Hindi nga ba?"Napatingin sa kanya ang babae."Oh, eh di wag na nating ituloy, ano bang pakialam ko sayo?" nakataas ang kilay nito.
Nakita na ni Harvy ang papalapit na sasakyan, malamang, si Richmond iyon."Medic!!! get ready," ibinaba agad nila ang stretcher. Ang bilis ng takbo nito, na halos sa harapan na nila magpreno.Tumalon na ito sa drivers seat at nagmamadling pumunta sa likod ng pick up."Dito ko siya inilagay para mabilis.. Apat na minuto na simula nung saksakan namin siya ng gamot," sabi nito.Agad inasikaso ng mga Medic ang lolo niya. "Dadalhin na namin sa ospital si lolo, Harvy," paalam ni Arvin "mag iingat kayo.""Salamat pare.." paalam niya kay Arvin. "bahala ka na kay lolo.."Pag alis ni Arvin, agad niyang binalingan si Richmond. "Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sayo o ano.""Wag ka munang magpasalamat, wala pa si Dahlia." awat nito sa kanya."Bakit mo kinuha si Dahlia?" tanong niya."Tumawag sakin si Audrey na nalocate niyo na sila. Papatayin na daw nila si lolo, kaya inoffer ko ang bahay namin dito. Nakita ko ang kalunos lunos na kalagayan ng matanda. Hindi ako pwedeng magsabi kahit kanino,
Sinagot agad niya ang tawag ni Richmond. Gakit na galit siya sa lalaki."Mahal.." tinig iyon ng asawa niya."Mahal!! kumusta ka na? okay ka lang ba? hindi ka ba sinaktan ni.. Richmond?" tanong niya kay Dahlia."Hi--hindi. Si lolo talaga ang gusto niyang tulungan.. kaya niya ako kinuha.." sabi nito."Ka--kasama mo si lolo?" tanong niya."Oo mahal.. malaki na ang ipinag iba niya ngayon. kumpara noong bago pa lang kami nagkita. Nabibihisan at napapakain ko siya ng maayos..""Sana sinabi niya na...""Mahal, please. Natatakot siyang patayin nina Audrey si lolo. Siya ang nagligtas kay lolo kung tutuusin.""Kasabwat siya nina Audrey!""Hindi.. pinangalagaan niya lang si lolo. Malaki ang utang na loob natin sa kanya Harvy. Wag mo siyang pagsalitaan ng hindi maganda, dahil hindi mo alam ang sakripisyo niya maprotektahan lang kami ni lolo Harry.""Nasaan kayo?" hindi na siya nakipagtalo dito."Bubuksan ko ang gps ng phone niya, itrace niyo na lang. Plano na niya kaming itakas ngayon.. kasi-- ma
"Hoy Richmond!", Tawag ni Audrey sa lalaki, "Anong kalokohan ang ginagawa mo ha? papatayin ko na yang Dahlia na yan, alam mo namang kating kati na ang kamay ko para sakalin siya!""Gusto mo, para patas, one on one kayo?" tanong ni Richmond sa kanya.Napatda si Audrey sa sinabi nito. Wala siyang panama sa babaeng iyon, dahil black belter iyon sa karate. "Ba-bakit one on one""Ang yabang mo kasi, akala mo naman kung makapagsabi ka dyan, kayang kaya mo yung tao!""Gusto mo, patayin ko siya, ngayon din?" masama ang tingin niya dito."Subukan mo lang!" hinawakan ni Richmond ang panga niya, "wag na wag mong kakantiin ni dulo ng buhok ni Dahlia! kung ayaw mong mamatay kayo ng tatay mong kakantutan mo gabi gabi!"Nagulantang siya sa sinabi ni Richmond.. "Pa--paano mo nalaman?""Ang lakas mong humalinghing! Di ka ba nadidiri na ginagang bang ka ng tropa ng tatay mo? Aoat silang pinapaligaya mo ng sabay sabay! napakagaling mo Audrey!" Saka siya iniwanan ng lalaki.Naalala niya, nag inuman sila
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala na siya sa sasakyan. Nasa kwarto siya. Bigla aiyang tumayo, at napansing iba ang suot niyang damit. Pati panloob niya ay iba.Bigla siyang nagpanic, at naalala ang pambababoy ng lalaking iyon sa kanya. Tumayo siya para puntahan ang pinto. Doon lang niya napansin ang kadena sa kanyang paa.Sumilip siya sa bintana, madilim na, mataas ang pader. Napaluha siya sa isiping iyon. Marahil ay hinahanap na siya ng asawa niya. Ngayon, binaboy pa siya ng lalaking ito.Nagmamadali siyang bumalik sa kama, ng marinig ang mga yabag na nanggagaling sa labas. Palakas iyon ng palakas. Nakita pa niya ang anino sa siwang ng pintuan.Bumukas iyon, at iniluwa ang lalaking nakangiti, may dalang tray. Binato niya ito ng unan."Hayup ka!! pinagkatiwalaan kita! Ganito lang ang gagawin mo sakin!" iyak siya ng iyak. Balewala naman ito sa lalaki. Ngumiti pa rin ito sa kanya."Kumain ka na. Mahaba haba ang biyahe kanina," inilapag nito sa lamesa ang dalang pagkain."Pakawala
Nakasalubong niya sa hallway ng condo si Arvin, nagulat pa ito at naroroon siya. Agad niya itong sinugod at sinuntok ng isa, na ikinabigla nito. "Ba--bakit?" agad pumagitna ang mga naroroon "anong problema mo par? bakit ka basta mananakit?" tanong nito sa kanya at poporma na susugod, "gago ka ba?" "Ilabas mo ang asawa ko, hayup ka!" sigaw niya dito. "Mas hayup ka! bakit ko naman itatago ang asawa mo? Tigilan mo ko sa kapraningan mo Harvy ha! ganitong nabubwesit ako at nawawala ang phone ko, wag kang patanga tanag dyan!? bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabi nito, "mna--nawawala din ang- phone mo?" parang natauhan siya sa sinabi nito. "Oo! saka bakit mo hahanapin ang asawa mo sakin? eh wala naman akong gusto dun? putang ina mo, ang sakit ha!" saka ito gumanti sa kanya. Hindi na siya lumaban pa. "Pa--pasensiya ka na pare.. may sumundo kasi sa asawa ko eh. Akala ko, ikaw.. Kasi, sumagot naman si Richmond sakin kanina, ikaw ang hindi." "Baka siya ang kumuha sa asawa mo. Pa
Kakalabas niya lang ng building ng mamataan niyang parating ang isang sasakyan at tumigil sa harapan niya. Nagbaba ito ng bintana at binati siya."Ipinapasundo ka ni Harvy, hindi ka daw kasi niya makontak, nakita na daw nila si lolo." anito sa kanya."Talaga?" gulat na gulat siya, maaari ngang natagpuan na si lolo."Oo, pinapasunod ka sa lugar, buhay daw siya.""Salamat," bubuksan na sana niya ang passenger seat sa harap, pero pinigilan siya nito."May mga prutas kasi dito at box," nasilip niyang meron nga, " sa likuran ka na lang. Makakapag usap din naman tayo kahit nandun ka.""Ah, sige, gusto ko nga doon at makakapagpahinga ako." nakangiti niyang sagot dito. " bakit ka nakamask?""Inatake ako ng allergic rhynitis. Oh, handa ka na ba?" tanong nito."Sige, tara na" nginitian niya pa ito, "tatawagan ko lang ang asawa ko."Dial siya ng dial, hindi man lang magring ang phone ni Harvy, kaya nagtataka siya. "Wag ka ng magtaka, baka nawalan ng signal dun, ang alam ko, ipinaputol muna ang
Wala pa ring progress sa pagkawala ni Lolo Harry. Si Dahlia ang bumalik sa opisina, at siya ay naiwan sa bahay kasama ng mga magulang.Hindi niya rin kayang magfocus sa pagtatrabaho, mabuti na lang at maaasahan ang asawa niya. Ito ang sumasalo ng lahat para sa kanya. Kalahati ng buhay niya ay nakasalalay sa babaeNag uusap silang mag anak, ng dumating sina Richmond at Arvin. Bumati sila sa kanila saka naupo."May progress na ba sa pagkawala ni lolo?" tanong ni Arvin."Wala pa nga eh. Ang hirap kausap nina Audrey." sagot niya."Richmond, ilabas mo na ang envelope," sabi ni Arvin kay Richmond."Anong envelope?" tanong niya sa mga ito."Ito ang---" biglang tumigil sa oagsasalita su Richmond, saka tumayo, "ano to?" kinuha ang isang bagay na nakasaksak sa outlet, "camera!""Patingin nga?" inagaw niya kay Richmond ang hawak nito, "oo nga no! kaya pala alam niya ang mga ginagawa namin.""Masyado ng matalino si Audrey," sabi ni John, "sir, pakihanap ng sa buong bahay kung saan pa may ganito."
"Takot na takot ka ah!" tawa ngbtawa ang nasa kabilang linya."Audrey, nasaan si lolo?" tanong niya. Naglapitan sina Harvy sa kanya."Relax lang, ikaw naman, nagmamadali ka agad," napataltak pa ito."Ibalik mo na siya! may sakit naman siya, maawa ka sa kanya!" umiiyak niyang sabi, "wag na si lolo, sana ako na lang, kung galit ka sakin.""Galit? hindi ako galit sayo Dahlia, muhing muhi ako sayo!" bulyaw nito sa kabilang linya. "kasalanan mo ang lahat! masaya sana kami ngayon, kung hindi dahil sayo!""Alam kong kasalanan ko, kaya ako na lang.. pabayaan mo na si lolo.""Ano ako? baliw? eh ito ngang matandang ito ang may kagagawan ng lahat eh.""Ibibigay naman namin ang gusto mo, pakawalan mo lang siya.""Kailangang ibigay niyo! kaya nga kidnap for ransom ito hindi ba? Ikaw, ginagawa mo na naman akong tanga!""Audrey please...""Audrey please!" panggagaya nito sa kanya, "matapang ka hindi ba? mayabang ka pa! asan na ang tapang at yabang mo ngayon? uuuh.. wala na.. kawawa naman." nawala na
"Tama, sinasabi na nga ba, at sina Audrey ang may pakana nito!" inis na inis si Dahlia habang nakaupo sa loob ng kotse. "Unang kita ko pa lang sa babaeng iyon, iba na ang kutob ko.""Sana nga, naniwala na lang ako sayo," sabi ni Harvy sa kanya."Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Dapat talaga, mapuntahan ang bahay ng mga yan. Kakalbuhin ko talaga yan kapag nakita ko."Pero ramdam niya ang guilt sa kanyang puso. Parang hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa kanyang lolo. Hindi niya ata kakayanin yun, na mapahamak ito dahil sa kapabayaan niya."Ako man, ganyan din ang iniisip ko," malungkot na sabi ni John, "hindi maaaring mapahamak si daddy. Talagang hindi ko kakayanin. Siya lang ang mag isang nagpalaki sa akin.""Honey, makikita din natin si daddy, magpray lang tayo," alo ni Alma kay John "wag kang mag isip ng masama.""Sorry honey, pinagtatawanan pa kita, yun pala, tama ka." sabi ng daddy niya sa kanyang mommy."Sssh, okay lang yan. Wag mong sisihin ang sarili mo." awat ng