Hindi niya makontak si Harvy. Dalawang oras na siyang naghihitay sa park na tagpuan nila noon. kanina ay marami pa ang mga tao doon, subalit ngayon ay mangilan ngilan na lang ang mga ito. Karamihan sa mga naroroon ay magkakarelasyon. Agaw pansin siya doon, dahil kakaiba ang kanyang ganda at tangkad. "Miss, magkano ang isang oras mo?" tanong ng isang lalaki sa kanya na medyo matanda na. "Tseh!! hindi ako pumapatol sa walang pera." sagot niya. "Kakapanalo ko lang sa sabong, malaki laki din ang napanalunan ko. Ayoko namang umuwi agad sa bahay at makikita ko na naman ang asawa kong laging amoy ulam. Ni ayaw ng mag ayos ng sarili. Kapag nagsisiping nga kami, nakapikit na lang ako at siya na ang natrabaho. Matagal akong labasan.." kwento nito, na kahit hindi siya interesado ay hindi niya maiwasang marinig ang sinasabi ng lalaki. "Hoy, pareng Turing, anong ginagawa mo dyan?" may dalawang lalaki pa ang lumapit sa kanya. "Tinatanong ko kung magkano ang oras nitong magandang babaeng ito eh.
Nagising siya sa mga katok sa pintuan ng kanyang kwarto. Tiningnan niya ang oras.. Alas singko pa lamang ng umaga. Napuyat sila ni Dahlia pag istar gazing kagabi kasama sina Malena at Amihan. Naiinis siyang tinungo ang pinto. Ang mommy niya."Anak, nariyan ang tatay ni Audrey, bilisan mo." sabi ng mommy niya."Bakit daw po" nagulat siya sa sinabi nito na naroon ang ama ni Audrey. 'Ano kayang ginagawa niya dito ng ganito kaaga?'Sumunod na lang siya sa ina. Naroon ito at nakaupo, kausap ang kanyang ama."Anak.." tawag ng tatay niya," may nangyari daw hindi maganda kay Audrey.""Ano po yun?" naupo siya."Nasa ospital ang anak ko ngayon Harvy, nakita siya kahapon ng mga residente sa kabilang barangay, walang saplot sa katawan, at bugbog sarado. Ginahasa ang anak ko Harvy!" umiyak ang matandang lalaki. "Hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon, bakit siya napadpad doon.. At ngayong nagising siya, ikaw ang hinahanap niya. Nakikiusap ako sayo, puntahan mo ang anak ko.."Para siyang binuh
Ang daddy niya ang nagdrive ng sasakyan pauwi ng bahay. Parang hindi niya kayang magmaneho sa nakitang kalagayan ni Audrey."Ano kayang ginagawa ni Audrey sa park ng ganoong oras?" basag ng mommy niya sa katahimikan."Baka totoo ang balitang pick up girl siya," sagot ng daddy niya."Naririnig ko nga yun sa mga amiga ko," sagot ng mommy niya."Wag kayong mag isip ng masama tungkol sa kanya, wala kayong alam!" natahimik ang mga magulang niya sa sinabi niya. Alam ng mga ito na pag nagtaas siya ng boses, ay galit siya. "Alam niyo ba kung bakit siya naroroon? magkikita sana kami, hindi ko siya sinipot! kasalanan ko! at alam niyo, ayaw niyang malaman ng iba ang kalagayan niya, dahil sakin, bukod sa kahihiyan at ayaw niyang kaawaan siya, baka masira ang buhay ko! ngayon, anong kasalanan niya? anooo?!""A--anong ibig mong sabihin anak?" naguguluhang tanong ng mommy niya."Tanghali pa lang, nagkita na kami mommy, nagtext siya sakin na magkita kami don, hindi ko siya sinipot. Pinatay ko pa ang
"Maaga po silang umalis?" tanong niya kay lolo Harry."Oo. May sumundo daw kanina sabi ng isang katulong," sagot ng matanda ,"malamang, naglambing na naman si Alma na lumabas sila ng maaga. Matagal na kasi nilang hindi nakakasama ang anak nila, lalo pa ngayon at ikakasal na siya," sagot nito sa kanya."Pupunta po ba kayong office? sasabay na po ako," sabi niya sa matanda."Mabuti pa nga, iwasan mo na ang magmaneho lagfi, lalo na at lagi kang pagod sa pag aasikaso ng kasal niyo."Lumabas ang tatay niya mula sa kusina na kausap si tita Claudia, nginitian niya ang mga ito."Aalis na ba tayo sir?" tanong nito kay lolo."Anong sir? kapag nasa bahay, tito na lang." sagot ng matanda. Medyo nahiya itong lumingon sa kanya, "hindi pa ba alam ng anak mo?"Napakamot sa ulo ang tatay niya, "eh.. hindi pa po.""Papa, wag kang mag alala, pansin na namin yan ni Malena, saka nag usap na kami ni tita kagabi, wala naman akong tutol.""Talaga?" nagulat ito, "bakit wala ka namang nabanggit sakin?" baling
Wala si Harvy pag uwi niya ng bahay. Hinanap niya ito sa loob ng green house subalit wala pa rin ito. Magulo ang higaan ng lalaki. Malamang, natulog ito maghapon, kaya ganito ang kwarto nito. Nasa kama ang cellphone nito, marahil ay low bat. 'Nasaan na kaya ang lalaking yun?'Nakasalubong niya si Malena na may dalang bed sheet."Anong ginagawa mo dyan?" tanong nito."Hinahanap ko kasi si Harvy.""Ah, umalis siya mga alas kwatro, ang sabi pa niya, kapag hinanap mo daw siya, sabihin ko, may pinuntahan lang."Bakit hindi niya dala ang kanyang cellphone?""Malay ko dun. Ang weird nga kanina eh. Mukhang aburido. Sabi pa niya, palitan ko ang cover ng kama niya. Basa ng pawis, siguro nakatulog siya na hindi nabubuksan ang aircon. Lasing pa nga siya eh.""Bakit kaya?""Ewan ko ba dun, ang saya nya pa kahapon hindi ba? Tapos ngayon, nagbago na naman ng mood. Sabi ni mama, baka daw ganun talaga kapag ikakasal na.""Hindi naman siguro.. Baka may pinagdadaanan lang.."Subalit ilang araw na itong
Parang mali ang sinabi niya kay Dahlia, hindi niya intensiyon na saktan ang dalaga, subalit nahihirapan na siyang harapin ito. Para sa kanya, mas madali na siguro na hindi niya ito kinakausap kesa magiguilty siya ng dahil sa nangyari kay Audrey. Pero nagsisi siya masyado ng umalis si Dahlia. Tinatawagan niya ito sa intercom, iba ang sumagot, at sinabing umalis nga daw ang babae. Sinubukan niya itong tawagan, subalit hindi ito nasagot.Tinawagan niya si Amihan para tanungin kung magkasama sila, subalit hindi daw nito alam kung nasaan ang dalaga. Sinubukan din niya itong patawagan kay tito John, ayon sa matanda, nagpapahinga lang daw si Dahlia. Halata daw sa tinig nitp na may dinadamdam ito.Nag alala siya bigla para sa kasal nila bukas..'Paano kung hindi siya dumating? paano kung hindi siya makonsensiya sa kung anong mangyayari kay lolo? Hindi kasi ako nag iisip! Kahit kailan talaga Harvy, tanga ka!' sigaw niya sa isipan, 'sana hindi ka na lang nagsalita ng hindi maganda. Sana , nagso
Nag umpisa na ang entourage. Una silang lumakad ng mga magulang, kasunod niya si Arvin. Kumakanta na ang singer na nahired nila. Isa isa ng lumalapit ang mga abay. Hanggang sa mga sponsors, at pinaka huli si Dahlia. Nakasuot ito ng belo, Ang ganda nitong panoorin. Lahat ng suot nito ay perfect sa kanya. Kinakabahan siya habang papalapit sa kanya. Nagmano siya sa tatay nito, humalik naman ito sa mga magulang nila, Bago niya inabot ang mga kamay nito at inakay siya sa harapan ng altar."Akala ko hindi ka na sisipot," sabi niya dito."Bakit? ayaw mo ba?" malamig ang tinig nitong sagot sa kanya."Hindi naman.. pasensiya ka na kahapon.""Wag na nating pag usapan yan, at baka umatras pa ako sa kasalang ito," sagot ng babae sa kanya.Inumpisahan na ang kasalang iyon. Smooth ang naging takbo ng seremonyas."Now, I pronounce you, husband and wife, you may now kiss the bride.." anunsiyo ng pari.Itinaas niya ang belo ni Dahlia, "May I?""Do i have a choice?" mataray na tanong nito.Hinalikan
Pagkalabas ni Harvy, hinabol niya pa ng tingin ang lalaki. Nakakalungkot lang isipin, na parang siya ang asawa, ngunit siya ang nang agaw. Totoo naman iyon. Kanina, naalala pa niya ng tawagan siya ni Amihan.."Oh, hello?" patamad niyang sagot."Asan ka na? alas otso na? kasal mo na ng alas nuebe ano ka ba!" halos masira ang ear drum niya sa lakas ng boses ni Amihan."Ah, kasal ko na ba? okay." saka niya pinatay ang kanyang cellphone. Limang minuto pa soyang tumitig sa kisame, bago bumangon.Ang bigat ng paa niyang humakbang. Parang ayaw umangat ng kanyang mga paa. Naligo lang siya ng mabilis. Pagkatapos niya sa banyo, tinuyo niya ang kanyang buhok. Nagblower siya. Saka nag make up. Sanay siya sa ganitong madalian. Itinaas lang niya ang kanyang buhok. Nagbihis siya, at kinuha ang bag.Ng makarating siya sa venue, naroroon sa labas ang mga nag aalalang coordinator. Nasa baba na ang make up artist at vanity mirror. "Nandyan na siya!!" sigawan ng mga ito. kulang na lang ay buhatin siya p
Nakita na ni Harvy ang papalapit na sasakyan, malamang, si Richmond iyon."Medic!!! get ready," ibinaba agad nila ang stretcher. Ang bilis ng takbo nito, na halos sa harapan na nila magpreno.Tumalon na ito sa drivers seat at nagmamadling pumunta sa likod ng pick up."Dito ko siya inilagay para mabilis.. Apat na minuto na simula nung saksakan namin siya ng gamot," sabi nito.Agad inasikaso ng mga Medic ang lolo niya. "Dadalhin na namin sa ospital si lolo, Harvy," paalam ni Arvin "mag iingat kayo.""Salamat pare.." paalam niya kay Arvin. "bahala ka na kay lolo.."Pag alis ni Arvin, agad niyang binalingan si Richmond. "Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sayo o ano.""Wag ka munang magpasalamat, wala pa si Dahlia." awat nito sa kanya."Bakit mo kinuha si Dahlia?" tanong niya."Tumawag sakin si Audrey na nalocate niyo na sila. Papatayin na daw nila si lolo, kaya inoffer ko ang bahay namin dito. Nakita ko ang kalunos lunos na kalagayan ng matanda. Hindi ako pwedeng magsabi kahit kanino,
Sinagot agad niya ang tawag ni Richmond. Gakit na galit siya sa lalaki."Mahal.." tinig iyon ng asawa niya."Mahal!! kumusta ka na? okay ka lang ba? hindi ka ba sinaktan ni.. Richmond?" tanong niya kay Dahlia."Hi--hindi. Si lolo talaga ang gusto niyang tulungan.. kaya niya ako kinuha.." sabi nito."Ka--kasama mo si lolo?" tanong niya."Oo mahal.. malaki na ang ipinag iba niya ngayon. kumpara noong bago pa lang kami nagkita. Nabibihisan at napapakain ko siya ng maayos..""Sana sinabi niya na...""Mahal, please. Natatakot siyang patayin nina Audrey si lolo. Siya ang nagligtas kay lolo kung tutuusin.""Kasabwat siya nina Audrey!""Hindi.. pinangalagaan niya lang si lolo. Malaki ang utang na loob natin sa kanya Harvy. Wag mo siyang pagsalitaan ng hindi maganda, dahil hindi mo alam ang sakripisyo niya maprotektahan lang kami ni lolo Harry.""Nasaan kayo?" hindi na siya nakipagtalo dito."Bubuksan ko ang gps ng phone niya, itrace niyo na lang. Plano na niya kaming itakas ngayon.. kasi-- ma
"Hoy Richmond!", Tawag ni Audrey sa lalaki, "Anong kalokohan ang ginagawa mo ha? papatayin ko na yang Dahlia na yan, alam mo namang kating kati na ang kamay ko para sakalin siya!""Gusto mo, para patas, one on one kayo?" tanong ni Richmond sa kanya.Napatda si Audrey sa sinabi nito. Wala siyang panama sa babaeng iyon, dahil black belter iyon sa karate. "Ba-bakit one on one""Ang yabang mo kasi, akala mo naman kung makapagsabi ka dyan, kayang kaya mo yung tao!""Gusto mo, patayin ko siya, ngayon din?" masama ang tingin niya dito."Subukan mo lang!" hinawakan ni Richmond ang panga niya, "wag na wag mong kakantiin ni dulo ng buhok ni Dahlia! kung ayaw mong mamatay kayo ng tatay mong kakantutan mo gabi gabi!"Nagulantang siya sa sinabi ni Richmond.. "Pa--paano mo nalaman?""Ang lakas mong humalinghing! Di ka ba nadidiri na ginagang bang ka ng tropa ng tatay mo? Aoat silang pinapaligaya mo ng sabay sabay! napakagaling mo Audrey!" Saka siya iniwanan ng lalaki.Naalala niya, nag inuman sila
Iminulat niya ang kanyang mga mata. Wala na siya sa sasakyan. Nasa kwarto siya. Bigla aiyang tumayo, at napansing iba ang suot niyang damit. Pati panloob niya ay iba.Bigla siyang nagpanic, at naalala ang pambababoy ng lalaking iyon sa kanya. Tumayo siya para puntahan ang pinto. Doon lang niya napansin ang kadena sa kanyang paa.Sumilip siya sa bintana, madilim na, mataas ang pader. Napaluha siya sa isiping iyon. Marahil ay hinahanap na siya ng asawa niya. Ngayon, binaboy pa siya ng lalaking ito.Nagmamadali siyang bumalik sa kama, ng marinig ang mga yabag na nanggagaling sa labas. Palakas iyon ng palakas. Nakita pa niya ang anino sa siwang ng pintuan.Bumukas iyon, at iniluwa ang lalaking nakangiti, may dalang tray. Binato niya ito ng unan."Hayup ka!! pinagkatiwalaan kita! Ganito lang ang gagawin mo sakin!" iyak siya ng iyak. Balewala naman ito sa lalaki. Ngumiti pa rin ito sa kanya."Kumain ka na. Mahaba haba ang biyahe kanina," inilapag nito sa lamesa ang dalang pagkain."Pakawala
Nakasalubong niya sa hallway ng condo si Arvin, nagulat pa ito at naroroon siya. Agad niya itong sinugod at sinuntok ng isa, na ikinabigla nito. "Ba--bakit?" agad pumagitna ang mga naroroon "anong problema mo par? bakit ka basta mananakit?" tanong nito sa kanya at poporma na susugod, "gago ka ba?" "Ilabas mo ang asawa ko, hayup ka!" sigaw niya dito. "Mas hayup ka! bakit ko naman itatago ang asawa mo? Tigilan mo ko sa kapraningan mo Harvy ha! ganitong nabubwesit ako at nawawala ang phone ko, wag kang patanga tanag dyan!? bulyaw nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabi nito, "mna--nawawala din ang- phone mo?" parang natauhan siya sa sinabi nito. "Oo! saka bakit mo hahanapin ang asawa mo sakin? eh wala naman akong gusto dun? putang ina mo, ang sakit ha!" saka ito gumanti sa kanya. Hindi na siya lumaban pa. "Pa--pasensiya ka na pare.. may sumundo kasi sa asawa ko eh. Akala ko, ikaw.. Kasi, sumagot naman si Richmond sakin kanina, ikaw ang hindi." "Baka siya ang kumuha sa asawa mo. Pa
Kakalabas niya lang ng building ng mamataan niyang parating ang isang sasakyan at tumigil sa harapan niya. Nagbaba ito ng bintana at binati siya."Ipinapasundo ka ni Harvy, hindi ka daw kasi niya makontak, nakita na daw nila si lolo." anito sa kanya."Talaga?" gulat na gulat siya, maaari ngang natagpuan na si lolo."Oo, pinapasunod ka sa lugar, buhay daw siya.""Salamat," bubuksan na sana niya ang passenger seat sa harap, pero pinigilan siya nito."May mga prutas kasi dito at box," nasilip niyang meron nga, " sa likuran ka na lang. Makakapag usap din naman tayo kahit nandun ka.""Ah, sige, gusto ko nga doon at makakapagpahinga ako." nakangiti niyang sagot dito. " bakit ka nakamask?""Inatake ako ng allergic rhynitis. Oh, handa ka na ba?" tanong nito."Sige, tara na" nginitian niya pa ito, "tatawagan ko lang ang asawa ko."Dial siya ng dial, hindi man lang magring ang phone ni Harvy, kaya nagtataka siya. "Wag ka ng magtaka, baka nawalan ng signal dun, ang alam ko, ipinaputol muna ang
Wala pa ring progress sa pagkawala ni Lolo Harry. Si Dahlia ang bumalik sa opisina, at siya ay naiwan sa bahay kasama ng mga magulang.Hindi niya rin kayang magfocus sa pagtatrabaho, mabuti na lang at maaasahan ang asawa niya. Ito ang sumasalo ng lahat para sa kanya. Kalahati ng buhay niya ay nakasalalay sa babaeNag uusap silang mag anak, ng dumating sina Richmond at Arvin. Bumati sila sa kanila saka naupo."May progress na ba sa pagkawala ni lolo?" tanong ni Arvin."Wala pa nga eh. Ang hirap kausap nina Audrey." sagot niya."Richmond, ilabas mo na ang envelope," sabi ni Arvin kay Richmond."Anong envelope?" tanong niya sa mga ito."Ito ang---" biglang tumigil sa oagsasalita su Richmond, saka tumayo, "ano to?" kinuha ang isang bagay na nakasaksak sa outlet, "camera!""Patingin nga?" inagaw niya kay Richmond ang hawak nito, "oo nga no! kaya pala alam niya ang mga ginagawa namin.""Masyado ng matalino si Audrey," sabi ni John, "sir, pakihanap ng sa buong bahay kung saan pa may ganito."
"Takot na takot ka ah!" tawa ngbtawa ang nasa kabilang linya."Audrey, nasaan si lolo?" tanong niya. Naglapitan sina Harvy sa kanya."Relax lang, ikaw naman, nagmamadali ka agad," napataltak pa ito."Ibalik mo na siya! may sakit naman siya, maawa ka sa kanya!" umiiyak niyang sabi, "wag na si lolo, sana ako na lang, kung galit ka sakin.""Galit? hindi ako galit sayo Dahlia, muhing muhi ako sayo!" bulyaw nito sa kabilang linya. "kasalanan mo ang lahat! masaya sana kami ngayon, kung hindi dahil sayo!""Alam kong kasalanan ko, kaya ako na lang.. pabayaan mo na si lolo.""Ano ako? baliw? eh ito ngang matandang ito ang may kagagawan ng lahat eh.""Ibibigay naman namin ang gusto mo, pakawalan mo lang siya.""Kailangang ibigay niyo! kaya nga kidnap for ransom ito hindi ba? Ikaw, ginagawa mo na naman akong tanga!""Audrey please...""Audrey please!" panggagaya nito sa kanya, "matapang ka hindi ba? mayabang ka pa! asan na ang tapang at yabang mo ngayon? uuuh.. wala na.. kawawa naman." nawala na
"Tama, sinasabi na nga ba, at sina Audrey ang may pakana nito!" inis na inis si Dahlia habang nakaupo sa loob ng kotse. "Unang kita ko pa lang sa babaeng iyon, iba na ang kutob ko.""Sana nga, naniwala na lang ako sayo," sabi ni Harvy sa kanya."Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Dapat talaga, mapuntahan ang bahay ng mga yan. Kakalbuhin ko talaga yan kapag nakita ko."Pero ramdam niya ang guilt sa kanyang puso. Parang hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa kanyang lolo. Hindi niya ata kakayanin yun, na mapahamak ito dahil sa kapabayaan niya."Ako man, ganyan din ang iniisip ko," malungkot na sabi ni John, "hindi maaaring mapahamak si daddy. Talagang hindi ko kakayanin. Siya lang ang mag isang nagpalaki sa akin.""Honey, makikita din natin si daddy, magpray lang tayo," alo ni Alma kay John "wag kang mag isip ng masama.""Sorry honey, pinagtatawanan pa kita, yun pala, tama ka." sabi ng daddy niya sa kanyang mommy."Sssh, okay lang yan. Wag mong sisihin ang sarili mo." awat ng