Share

Chapter 31

POV: Harvy

Hindi siya nakapgsalita sa tanong ni Dahlia. Kahit siya, hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit parang gustong gusto niya si Audrey. Mabait naman si Audrey, medyo selosa lang ito. Isa pa, may pagiging gastador. Hindi naman ito humihingi sa kanya, subalit pakiramdam niya ay obligado siyang ibigay dito ang lahat na nanaisin nito. Mahilig bumili ng mamahaling gamit si Audrey, pero feeling niya, namimili lang ito ng bagay sa sariling style.

Sa sitwasyon niya, na obligado siyang magpakasal kay Dahlia, pero nangako naman siya ng kasal kay Audrey, mas lalo niyang naisip na, kawawa si Audrey sa sitwasyon.

"Nagka boyfriend ka na ba?" balik tanong niya dito.

"Hindi pa."

"Hindi mo ako maiintindihan kung ganun."

Bakit naman?"

"Hindi mo pa naexperienced magkalovelife kaya ka ganyan magsalita. Kapag dumating ang oras na makilala mo na ang taong para sayo, maiintindihan mo na ko."

"May mga bagay naman akong naoobserve dahil nagkaroon din naman ng lovelife ang mga kaibigan ko.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status