Nanghahaba ang leeg ni Rein habang pinapanood ang mga babaeng nakapila sa malaking gusali na iyon. Pagtingala niya, MAXIMILLIAN CORPORATION. Nangunot ang noo niya. "Nagpapa audition na ba sila dito para maging artista? baka naman modeling job?" Agad siyang lumapit sa guard, "boss, audition ba ito para maging housemate?" Agad nagtawanan ang mga babaeng naroroon. Pati ang guard ay tinawanan siya. "Miss, may hiring kasi dito ngayon, executive secretary ng may ari," nakangiting sagot nito sa kanya. "Ilan po ang ihahire?" nacurious siya kasi, ang daming aplikante. "Isa lang.." "Isa lang, pero ang daming aplikante?" nagulat siya sa mga naroroon. "Bakit sila pipila ng ganito, kung isa lang ang kailangan?" "Miss, ang 30,000 na salary sa loob ng isang buwan, libre pagkain, tirahan at travel, take home mo ang buong sahod mo, hindi mo ba kakagatin?" sabi ng babaeng nasa unahan na panay ang nguya ng bubble gum. "Nag aapply ka rin?" tanong niya dito. "Oo, bakit?" nakapameywamg ito at inur
"Ano ba yan Miss.. nagkalat ka pa," sabi ng isang nagrorobing na guard sa kanya. "Sir, sinagi ako ng babaeng ito," tumayo siya at ipinagpag ang basang pantalon, "mag ingat naman kayo." "Nagsorry naman ako sayo ah," sagot ng babae, "wala naman akong magagawa kung minumukbang mo yang free coffee and biscuits.. patay gutom!" nagkatawanan pa ang mga babaeng iyon. Inis na inis ang kanyang mukha, dahil sa ginawa ng mga ito. Kagaganda nga ng mga suot, mga ugaling mangkukulam naman! Agad siyang tumayo upang magtungo sa banyo. "Asan ba kasi ang Cr dito.. ang laki laki ng kumpanya ke hirap hanapin ng banyo," inis niyang sabi. Sa kanyang pagliko sa pasilyo, nabangga siya sa isang matipunong dibdib. Agad siyang nahawakan nito sa beywang. "Shit!" pakinig niya ang tinig ng lalaki na nagmura. "Aaah.." impit niyang tili, at natakot na matumba siya ng tuluyan. "Small world.. sungit.." nakangiti ang lalaki habang nakatitig sa kanya, "sa dinami dami ng maaaring makasalubong mo, ako tala
"Ibinigay lang sakin.. I mean, ipinahiram, bakit?" naupo siya sa upuan niyang naiwan."Bakit ka pinahiram ng damit? ano to, favoritism?" nakanguso ang mga ito habang patuloy ang pang uuri sa kanya."Kasalanan niyo yan, nabuhusan ako ng kape dahil sa inyo eh. Nakapagbihis tuloy ako ng maganda. Bagay ba sakin?" pang aasar niya sa mga ito."Mukha kang pokpok," sagot nila sa kanya."Hay, iba talaga ang nagagawa ng inggit. Mga bhe, wag kayong ganun, okay?" nakangiti niyang sabi sa mga ito."Grabe sila, " sabi ng ilang babaeng sunod sunod lumabas sa loob ng opisinang inaapplyan.SI Lorelei ang head ng HR department, at the same time, vice president ng kumpanya nila. Ang nais niya para sa kanyang kapatid, ay isang malinis na uri ng babae. Hindi na bale kahit single mom pa yan, ang mahalaga ay maayos sa katawan."Number 6,7,8,9,10, pasok!" sigaw ng isang assistant.Pagkapasok ng mga aplikante, agad ipinipinid ang pintuan, at personal niyang binabasa ang CV ng mga ito. Ang limang pumasok ay na
"Shocks! Loraine, anong nangyari sa inyo?" nilapitan ang mga ito ng dalawa pa nilang kasamahan."Ipinabura nila ang aming make up.. huhuhu ang pangit ko na.." umiiyak ito habang inaalo pa ng dalawang kasama."Nasaan si Eliza?" tanong ng mga kasama nito."Naroon siya, nakapasa sa screening, huhuhu.." iyak talaga ito ng iyak."Wag na tayong pumasok diyan, ayokong mabura ang aking mukha!" sabi pa ng mga ito.Ang ending, nag iisa na lang siya sa labas. Nagulat pa ang assistant na tumatawag ng makita siyang walang kasama."Ako na po ata ma'am?" itinaas niya ang kanyang kamay."Sige, halika na.." tawag sa kanya para pumasok sa loob.Nasamyo ng kanyang balat, ang malamig na ihip ng hangin na nagmumula sa aircon. Ito ay nangunot sa kanyang buto. Mas pinili niyang maupo sa gilid kung saan hindi tumatama sa kanya ang lamig ng hangin."Miss.. Pineda?" isang magandang babae ang tumawag sa kanya. Para itong isang anghel na bumaba sa lupa upang maghasik ng kagandahan. She was mesmerized by her bea
"Nasasaktan ako Harvy!" Sigaw ni Dahlia sa asawa. "Talagang masasaktan ka! Anong karaparan mong sugurin at saktan si Audrey, ha?" Galit na sigaw ng lalaki kay Dahlia. "Siya ang nauna, ininsulto niya ako!" "Kahit na, sana lang pinalagpas mo na lang!" "Ha.. ganyan ka magbulag bulagan Harvy? Okay fine, pinuputol ko na ang ugnayan natin kung gusto mo! Magsama kayo ng Audrey mo. Alam mo ha? Sinasayang ko lang ang pagmamahal ko sa katulad mong manhid! Pagod na akong unawain ka. Ang sakit mong mahalin!" Hindi nakapagsalita ang lalaki sa sinabi ni Dahlia "nagulat ka no? Oo, mahal kita, minahal kita. Pero hindi ko akalaing sasaktan mo ako ng ganito ng dahil lang sa babaeng yan. Na puro kaplastikan ang alam sa buhay. Ipinagtanggol ko ang sarili ko, lalo na si lolo, na binastos bastos niya. Alisin mo ang maskara ng babaeng yun para matauhan ka, na sa likod ng maamong mukha, nagtatago ang isang halimaw!" Saka nilayasan ni Dahlia ang asawa. POV: Harvy "No!!!" malakas niyang sabi sa lolo niya
POV: Dahlia Hindi siya mapakali kaya lakad siya ng lakad sa loob ng kanyang kwarto. Nagulat siya sa disisyon ng matanda na ipakasal siya kay Harvy. Matagal na niyang lihim pinapangarap ang lalaki. Kaya ng sabihin sa kanyang ipapakasal siya dito, naghalo ang excitement at pangamba. May girlfriend na ito, si Audrey Rivera, ang babaeng may dalawang mukha. Paano niya nasabi? Kapag kaharap ang ibang tao, napakabait nito, subalit pag silang dalawa lang, para itong ahas na nagpapalit ng balat. Nag iibang anyo. May insidente pa na nagkasama sila sa isang dinner. Buffet ito, nagpaalam siyang kukuha ng oagkain pero sinundan siya ng babae, nakangiti itong lumapit sa kanya at habang nagsasalita, kumukuha ito ng pagkain. Hindi aakalian ng ibang nilalait siya nito. "Alam mo, sana hindi ka na lang sumama dito" nakangiti ito pero mahina ang boses "hindi ka naman nabibilang dito, para ito sa pamilya. Driver lang at alalay ni lolo ang tatay mo, at sekretarya ka lang naman ng daddy ni Harvy." "The
POV: Harvy Pag uwi niya sa bahay, doon pa lang niya naisipang buklatin ang last will and testament ni Lolo A. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kondisyones ng matanda. Pinanindigan talaga nito ang kagustuhang makasal sila ni Dahlia. Binasa niya ito ng buo. NILALAMAN: Ako, si Antonio Austria, nasa hustong edad, ay nag iiwan ng habilin sa aking mga maiiwan kung sakaling ako ay kuhanin na ng Panginoon. Para sa aking nag iisang anak na si John Austria at sa kanyang mabuting may bahay na si Alma Austria, iniiwan ko ang aking bahay, kung saan siya lumaki at bumuo ng pamilya. Iniiwanan ko rin siya ng isang daang million at inuutusang enjoyin ang buhay nila habang bata pa sila. Magtravel at magliwaliw. Kung sakaling kulangin pa ang perang aking iniwan, my time deposit na nakalaan sa kanila at susuportahan sila ng kanilang anak na si Harvy. Walang aalising empleyado maliban sa kung sila ay nagkasala sa kumpanya. Ang mga kasambahay ay may dagdag na sahod every six months. Sa aking assi
POV: DahliaUmaga na pala. Aasikasuhin niya pa ang pagkain ng ama. Gising na si Lolo A kaya madalu na siyang makakapagpaalam. Naligo muna siya saka nagbihis ng panralin at blouse. Pinakain nya muna si Lilo A, kasabay ng kanyang ama. Eksakting tapis na ito, dumating na sina tita Alma."Lolo, aalis po muna ako, bye po Lolo pogi" nafmano siya saka humalik sa pisngi ng matanda."Mag iingat ka" mahinang tugon nito saka kinurusan siya sa hangin. Madasalin talaga ito. Hindi na niya inabot ang asawa ng matanda. Ang sabi sabi, nabuntis lang daw ito ni Lolo A, namatay pagkapanganak kay tito John. Siya naman ay lumaking wala na ring ina, namatay naman panganganak sa kanya.Hindi na niya matandaan kung paano sila napunta kina Harvy, ang pagkakaalam niya, inalok ni Lolo A ang tatay niya ng trabaho at isinama sa bahay nito. Mga kasambahay pa ang nagpalaki sa kanya at paminsan minsan inaalagaan siya nina tita Alma, dahil wala silang anak na babae.Sumakay siya sa angkas rider para mabilis makaratin