Share

The Contracted Marriage to Mr. David
The Contracted Marriage to Mr. David
Author: Jane_Writes

TCMWMD 1

Author: Jane_Writes
last update Last Updated: 2023-08-11 06:16:08

“Shaina Point of View”

Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ng kaharap ko. Hindi ko alam ang isasagot ko.He didn’t offer me a job, ang inaalok niya sa akin ay isang kasal. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso, masyado akong nabigla.

“Mr. David, trabaho kasi ang pinunta ko dito hindi kasal. Kung nagbibiro naman kayo hindi po magandang biro iyan,” pinilit kung magpanggap na natatawa pero itong kaharap ko ay hindi man lang nagbago ang reaksyon. Prenteng nakaupo ito habang naka- krus ang kamay.

“Did you think it's just a joke, Miss Shaina?” Napangiwi ako dahil sa tanong nito, hindi ko naman matatanggap ang alok niya na pagpapakasal kung totoo man ang sinabi niya.

“I'm here to deal with you, I'II give you money for your mother. Tanggapin mo ang alok kong kasal ibibigay ko sa'yo ang pera kahit magkano,” diretsong saad nito. Hindi ako nakaimik dahil sa pagtataka, paano niya nalaman na kailangan ko ng pera para sa nanay ko? Sinabi siguro ni Leti sa kaniya na nangangailangan ako ng pera, pero alam kaya ng kaibigan ko na kasal ang inaalok nitong si Mr. David?

Bigla naman pumasok sa isip ko si Mama. Yes, I need money pero hindi sa ganitong paraan. Kung tatanggapin ko ang alok niya kailangan kong magpakasal sa kaniya at para ko na rin binenta ang buo kong pagkatao. Isa sa katanungan ko kung bakit kasal ang inaalok nito.

“One last question, tatanggapin mo ba ang alok ko sa'yo or not?” Seryosong tanong nito, ilang saglit pa ay nagsalita na rin ako.

“Pasensya na Mr. David pero hindi ko matatanggap ang alok mo. Marangal na trabaho po ang gusto ko, kung wala na kayong sasabihin aalis na po ako.” Sabi ko at sinukbit ko ang bag ko at tumayo. Bago pa man ako naka- isang hakbang biglang nagsalita si Mr. David.

“Here's my calling card if you change your mind just call me,” saad niya. Sinundan ko nang tingin si Mr. David ng tumayo ito sa upuan at nilampasan ako nito. Napabuga ako ng hangin at saka ko binalingan ang calling card na nasa table. Kinuha ko na lamang ito at tinignan, bago na ulit ang number na nakalagay dito. Isiniksik ko na lang sa shoulder bag ko ang calling card at saka napagpasyahang umalis ng restaurant.

Umuwi ako sa apartment ni Leti ng mabigat ang loob. Hindi ko alam kung bakit, nanghihinayang ako sa offer ni Mr. David. Pero hindi ko naman kayang tanggapin ang alok na kasal kahit na bibigyan ako nito ng malaking pera.

Habang nakahalumbaba ako sa sofa at bigla na lamang tumunog ang ringtone ng cellphone ko senyales na may tumatawag. Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko ay nabasa ko ang name ni Jam. Pagkasagot ko ng tawag ay narinig kong umiiyak si Chin at Tintin, maski si Jam ay naririnig kong sumisinghot.

“Jam,may n-nangyari ba? Kinabahan kong tanong, nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang cellphone ng mahigpit.

“Jam, may nangyari ba kay Mama? Sagutin mo ang tanong ko?!” Napataas ako ng boses dahil hindi nagsasalita si Jam puro iyakan lang ang naririnig ko. Gustong bumagsak ng luha ko pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong mag-isip ng masama.

“Ate… Si Mama…” Umiiyak na wika ni Jam, kusang tumulo ang luha ko. Alam ko na ang sasabihin ni Jam pero hindi muna ako nagsalita at hinayaan kong magpatuloy siya sa pagsasalita.

“I-inatake si Mama sa puso kanina at kararating lang namin nang hospital. Ang sabi ng doktor lumala na daw ang karamdaman ni Mama. Kailangan na daw niyang maoperahan sa lalong madaling panahon,” nanikip ang dibdib ko dahil sa huling sinabi ng kapatid ko.

“Kailangan niya rin madala sa malaking hospital para sa malaking gamutan, Ate.”

“J-jam, h'wag ka ng umiyak. Si Ate ang bahala, hangga't wala pa ako d'yan bantayan mong mabuti si Mama at sila Chin at Tintin.” Pagkasabi ko no'n ay nagpa-alam na ako na may aasikasuhin lang at tatawag na lamang ako mamaya. Sumasakit ang ulo ko dahil sa malaking problema na ito, ito na nga ang kinatatakutan ko. Ang lumala ang sakit ni Mama at mauwi sa malaking operasyon.

Napahilamos ako ng mukha dahil sa matinding frustration.

“Saan ako makakahanap ng malaking halaga ng pera?” Bulalas ko habang mariing nakapikit, bigla akong napalingon sa shoulder bag ko ng biglang maalala ang calling card na binigay ni Sir David

Matagal kong pinakatitigan bago ko napagpasyahang tawagan ang calling card na ibinigay sa akin.

Nang sagutin ang tawag ko ay malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay kong magsalita ang nasa kabilang linya ng telepono.

“Nagbago na ba ang isip mo?” Nagulat ako dahil sa biglaang tanong ni Sir David mukhang inaasahan na niya na tatawag ako.

“Tinatanggap ko na ang inaalok mo, Sir. Pero may hihingiin sana ako sa'yong pabor,” lakas loob kong sabi. Tutal para sa pamilya ko ang gagawin kong desisyon na ito lulubusin ko na ang paghingi ng pabor.

“Say it. ”

“I need money as soon as possible. Kailangan ko ng pera para sa Mama ko,” kagat labi kong sabi. Alam kong para na akong babaeng mukhang pera dito, no choice ako kundi kapalan ko na ang mukha ko. Hindi ko man alam kung ano ang naghihintay sa akin sa desisyon kong ito mahirap itong gagawin kong desisyon pero kailangan kong gawin ang mas makakabuti para sa pamilya ko.

“Okay, I give you money tomorrow. Prepare your self because starting tomorrow you will come with me in my house,” ayon lang ang sinabi ng lalaking ngayon ko pa lang nakilala at binabaan na ako ng telepono. Para akong lantang gulay na naupo sa sofa, sa mga oras na ito ay wala ako sa tamang pag-iisip. Sana lang tama ang naging desisyon ko pero kung ano man ang kapalaran naghihintay sa akin ay hindi ako magsisisi na tinanggap ko ang alok ng isang misteryosong lalaki.

Napalingon ako sa pintuan nitong apartment ko ng biglang bumukas ito at bumungad sa akin si Leti na humahangos pa at mukhang may emergency.

“Best, nalaman mo na ba ang nangyari sa Mama mo? ” Marahan akong tumango, nilapitan naman ako nito at niyakap.

“Leti, kailangan ako ni Mama ngayon pero hindi ako makauwi sa probinsya. Kailangan kong katagpuin si Mr. David bukas dahil tinanggap ko na ang alok niya,” umiiyak kong saad.

“Ako na lang ang uuwing Probinsya, Best.”

“ 'Di ba may trabaho ka? H'wag na lang Leti, nakakahiya kay Ma'am Angelou kung hindi ka papasok,” saad ko at humiwalay sa yakap.

“Ano ka ba Shaina?! Hindi na iba ang turing ko sa inyo. Basta ako na ang bahala kay Tita at ikaw naman asikasuhin mo ang dapat mong asikasuhin. Sa ngayon kailangan mo munang tumigil sa pag-iyak dahil pumapangit ka! Magiging okay din si Tita, alam naman natin na lalaban ang mama mo sa sakit niya.” Pagpapalakas ng loob na sabi ni Leti, marahan akong tumango bago pinahid ang luha sa pisngi ko.

“Saka ko na lang sasabihin sa'yo ang tungkol sa inaalok ni Mr. David, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko, naguguluhan ako kung alin ba ang dapat gawin at hindi. ” Malungkot kong wika, siguro bukas ko na lang iisipin ang ibang problema ko.

“Relax mo lang sarili mo h'wag kang masyadong stress kasi hindi makabubuti sa kalagayan mo iyan Shaina,” paalala ni Leti sa akin.

“Pero curious talaga ako kung anong trabaho ang inaalok sa'yo. Puwede mo ba sabihin sa akin? Para naman kahit papaano ay may bitbit akong goodnews kay Tita.”

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil wala akong balak sabihin sa kaniya ang napag-usapan namin ni Mr. David

Patawarin mo ako Leti pero hindi ko kayang sabihin sa'yo na hindi trabaho ang inaalok sa akin ng binatang iyon.

“A- ano kasi, iyong trabaho na inaalok sa akin ay pagiging yaya ng mga anak ni Mr. David,” pagsisinungaling ko.

“Yaya? Sigurado ka ba na pagiging 'Yaya' ang inaalok sa'yo?” Nagtatakang tanong nito, tumango naman ako bilang oo.

“Malaki ba ang sahod? Hindi naman ba masungit si Mr. David? Sure ka na ba sa trabahong iyon?” Sunod-sunod ang tanong ni Leti sa akin, nagkibit-balikat lang ako.

“Mag- aalaga lang naman ng mga bata Leti. Kaya hindi na hassle sa akin para mag-alaga ng mga bata,” saad ko.

“Kailan start ng work mo? ”

“Bukas. Bukas ako magsisimula sa trabaho,” sabi ko.

“Single dad ba si Mr. David? ”

“Hindi ko alam, siguro naman kumpleto ang pamilya nila.” Pagsisinungaling ko, hindi ko gusto magsinungaling pero kapag nalaman ni Leti ang totoo malamang pipigilan niya ako. Pero dahil nakapangako na ako kay Mr David na pumapayag na ako wala na itong atrasan pa.

“Dapat alamin mo Shaina! Para naman kapag single dad ikaw na lang ang maging nanay ng mga anak niya,” biro ni Leti. Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinasabi nito, wala ako sa mood na makipag biruan sa kaibigan ko dahil inaalala ko si Mama. Kamusta na kaya siya? Maayos na kaya ang kalagayan niya? Ang dami kong katanungan pero wala akong magawa kundi manalangin para sa kaligtasan ni Mama.

“Magagalit kaya sa akin si Ma'am Angelou? Kasi two weeks pa lang ako sa restaurant niya tapos magre-resigned kaagad ako,” malungkot kong sabi. Hindi pa nga ako nakaka-isang buwan sa trabaho pero kailangan kong pumili kung ano ang mas makakabuti para sa lahat.

“Hindi 'yon magagalit, mabait ang boss natin at walang dahilan para magalit sa'yo iyon. Alam naman natin na maiintindihan ni Ma'am Angelou ang sitwasyon mo siyempre kailangan mo nang mas malaking sahod para sa Nanay mo,” Ani ni Leti.

Marahan akong tumango. “ Sa totoo lang ayaw kong mag-resigned. Napamahal na sa akin ang restaurant at ang pagiging waitress ko. Pero kailangan kong magdesisyon at para sa ikaliligtas ng buhay ni Mama. Sa panahon ngayon kung mahirap ka wala kang pera. Kapag nagsikap ka, giginhawa ang buhay. Pero bakit gano'n? Nagsisikap naman ako pero bakit ganito pa rin ang buhay ng pamilya ko?” Mapait akong ngumiti bago napabuntong hininga.

Hinawakan ni Leti ang kamay ko at marahan itong pinisil. “Huwag mong isipin na wala kang ambag sa mundong ito my friend. Alam kong balang araw ang mga paghihirap na dinaranas mo para lang guminhawa ang pamilya mo ay may magandang mangyayari. Siguro hindi lang ngayon pero malay mo magising ka na lang maginhawa na ang buhay niyo tapos si Tita wala ng iniindang sakit. ”

Nanatili akong tahimik at hinayaan siyang magpatuloy sa pagsasalita. “Nakalilimutan mo na ata, saksi ako sa mga paghihirap mo para lang matustusan ang pangangailangan ng pamilya mo. Kung paano ka umiyak, magsabi sa akin ng mga problema mo. Kaya kung gusto mo ngayong umiyak, sige lang. Iiyak mo lang 'yan basta kapag tumigil ka sa pag-iyak. Hindi mo na puwedeng sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyayari sa inyo."

“Salamat talaga Leti. Kung wala ka paano na lang kami, napaka-suwerte ko dahil naging kaibigan kita. Kung wala ka wala akong masasandalan.” Niyakap ko siyang muli at isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Tama siya, hindi ko dapat sisihin ang sarili ko.

“Para ka pa din bata my friend. Kapag tayong dalawa lang ang magkasama parang ikaw pa ang mas malala. Akala ko ako lang ang iyakin kapag iniiwan nang jowa pero ikaw din pala,” biro niya. Natawa ako dahil tama siya, iniiyakan niya ang mga lalaking nang-iiwan sa kaniya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at nakangiti siyang pinagmasdan. “ Magkaiba naman kasi tayo ng pinagdaraanan, Leti. Pero tama ka, dapat malakas lang ako parati. Lalo na ngayon mahirap itong pinagdadaanan ko pero para sa pamilya magiging malakas ako.”

Inangat ni Leti ang kanan niyang kamay para makipag- apir sa'kin. Gano'n din naman ang ginawa ko at nakipag-apir sa kaniya. “Oh, 'di ba? Para tayong walang pinagdadaanang problema,” wika niya.

“Hindi ba't sabi mo dapat think positive lang? Kaya simula sa araw na 'to magiging malakas ako at hindi na iiyak,” sabi ko. At paano ako magiging malungkot kung may kaibigan akong nand'yan at lagi akong dinadamayan sa lahat nang problema,” saad ko.

“Asus, h'wag mo akong bolahin at baka makurot kita, Shaina Castro.” Natawa naman ako dahil sa biro niya, parang wala kaming iniisip na problema sa mga oras na 'to. Sana ganito na lang lagi.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jane_Writes
thankkk you po madam
goodnovel comment avatar
Fatima Morento
ang ganda ng kwinto
goodnovel comment avatar
vrlfxmxemrkfko
highy recommended
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 2

    “SHAINA POINT OF VIEW”NAKATAYO ako sa harapan ng misteryosong lalaking ito habang hinihintay siyang magsalita. Kanina pa malakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan. “Mr. David? ” pagtawag ko sa pangalan niya. “Don’t call me Mr. David, just call me Matteo and tomorrow you will meet my family kaya kailangan nating magpanggap na mahal natin ang isa’t isa.” Seryosong saad ng kaharap ko. Para akong estudyante na tinuturuan, sa kalagayan ko ngayon ay puno ng katanungan ang isip ko. Kaya ba siya naghahanap ng mapapangasawa para maipakita sa pamilya niya na may asawa na siya? Hindi kaya may ibang dahilan? Pero nasaan kaya ang pamilya niya kung bakit hindi natututukan itong misteryosong lalaking ‘to. “Are you listening to me?” nakakunot noo nitong tanong. “Ah, oo. Nakikinig ako,” saad ko at nagpilit ngiti. Kakayanin ko kayang magpanggap na nagmamahalan kami e, sa sitwasyon naming ito ngayon pa lang kami nagkakilala at nagkausap. “Alright. Anyway yo

    Last Updated : 2023-08-11
  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 3

    “SHAINA POINT OF VIEW” “Oh my god! This is your fiancee, Matteo? Magaling kang pumili ng mapapangasawa mo, anak.” Halos pekeng ngiti na lamang ang iginawad ko sa Mommy ni Matteo nang dumating kami sa bahay ng parents niya. Mukhang inaasahan na nila na darating kami dahil nakahanda na ang mga pagkain sa dining table. Inalalayan ako ni Matteo na maupo sa upuan, halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Simula na ang pagpapanggap namin ngayon at ang alam ng parents niya na fiancee niya ako. Maingat ang mga bawat salita na ginagawa ko upang hindi makahalata ang parents niya dahil maling kilos ko lang masisira ang napagkasunduan namin ni Matteo. “ I’m so proud of you son!” Nakangiting wika ng Daddy ni Matteo, nilingon naman ako nito at saglit na nginitian. “Saan pa ba ako magmamana kundi sa’yo, Dad.” Nakangiting saad nito sa Daddy niya. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa matinding kaba, kakauwi lang daw dito sa Pinas ang parents niya kaya

    Last Updated : 2023-08-11
  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 4

    “SHAINA POINT OF VIEW” “YOU may now kiss the bride.” Halos iyon lang ang salitang naintindihan ko sa mga oras na ‘to. Unti-unting itinaas ni Matteo ang belo na nakaharang sa mukha ko. Ngayon ang kasal namin at sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko namalayang hinigit na pala ako ni Matteo palapit sa kaniya. Dilat ang mga mata habang hindi makapaniwalang palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Nakahawak ang isa niyang kamay sa baywang ko samantalang ang isa ay nakahawak sa kaliwa kong kamay. Halos maghiyawan ang mga bisita sa loob ng simbahan ng inilapat na ni Matteo ang labi niya sa labi ko. Hindi ako naka- react dahil ang first kiss ko ay mapupunta lamang pala sa lalaking hindi ko pa lubusang kilala at hindi ko mahal. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Siya ang unang humiwalay sa halik at kaniya ako nitong inalalayan humarap sa mga bisita. Halos ang ginagawa naming pagpapanggap ay parang totoo dahil para kaming sweet couple

    Last Updated : 2023-08-15
  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 5

    “SHAINA POINT OF VIEW” DALAWANG araw na ang lumipas ng ikasal kami ni Matteo. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa tuwing pumapasok sa isip ko ang nangyari noong gabing ‘yon. ~Flashback~ Dali- dali akong nagbalot ng tuwalya ng marinig namin ang pagkatok mula sa labas ng hotel room na kinatatayuan namin ni Matteo. Parehas kaming hubo’t hubad sa mga oras na iyon ng tawagin kami ng parents ni Matteo. Kaya ang binabalak ni Matteo ay hindi natupad. Mabuti na lang ay naka-lock ang pintuan kung kaya’t hindi nabuksan ni Mommy Livia at mabuti na lang din hindi kami naabutang may ginagawang milagro. Ang lasing na si Matteo ay parang nawala ang kalasingan ng dumating ang Mommy niya. “Oh? Nasaan ang asawa mo?” Tanong ng Mommy niya sa kaniya, siya ang nagbukas ng pintuan dahil hindi ko magawang lumabas ng banyo dahil sa matinding kahihiyan. “She’s taking a shower. Why are you here, mom? ” Rinig kong tanong ni Matteo sa Mommy niya.“Kasi naman nakalimutan kong ibigay sa asa

    Last Updated : 2023-08-15
  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 6

    “SHAINA POINT OF VIEW”NAGING maginhawa na ang pakiramdam ko dahil naoperahan na si Mama. At kasalukuyan siyang nagre-recover at dahil sa magandang balita na iyon ay gumaan ang pasanin ko. Hindi na ako mag-aalala sa kalagayan ni Mama dahil wala na siyang dinaramdam na sakit sa puso. Ang kailangan ko ng lang gawin ngayon ay sumunod sa nais ni Matteo. Naging madalas ang pagpunta ni Carmela dito sa bahay ng boyfriend niya. Na asawa ko naman sa papel dahil sa kontrata na pinirmahan ko. Naging madalas din ang pamamasyal namin ni Carmela sa tuwing nasa kumpanya si Matteo. Pero ngayon hindi natuloy ang lakad namin ni Carmela dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa US. Hindi naman niya nabanggit kung ano ang aasikasuhin niya kaya hinayaan ko na lamang ito. Wala si Matteo dahil may inaasikaso sa kumpanya niya. Nabanggit lamang sa akin ni Matteo na pupunta ang mga kaibigan niya dito sa bahay niya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ng mga kaibigan niya dito pero alam k

    Last Updated : 2023-08-15
  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 7

    “THIRD PERSON POINT OF VIEW” Nagising ang dalaga nang maramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa kaniyang ibabaw. Madilim ang silid at ang tanging nagbibigay liwanag lamang ay ang liwanag ng buwan na nanggaling sa labas ng bintana. Ang kamay ng binata ay kung saan- saan na umaabot sa katawan ng dalaga.“Anong ginagawa mo?” Hindi nagsalita si Matteo bagkus siya ay abala sa paggawang paghalik sa leeg ng dalaga. Hindi niya magawang maitulak si Matteo na nasa kaniyang ibabaw sapagkat mas malakas sa kaniya ang binata. Dinagdag pa dito ay hinang- hina siya dahil sa matinding kalasingan. Sa bilis ng mga pangyayari at suot- suot niyang bistida ay wala na sa kaniyang katawan. Tanging alinghing lamang ang naririnig sa buong silid nito dulot ng matinding kiliti na ginagawa ni Matteo sa kaniyang katawan. “Matteo—” bigkas ng dalaga nang maramdaman niyang nasa kaniyang hita na ang kamay ni Matteo. Mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman niya sa mg

    Last Updated : 2023-08-15
  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 8

    “SHAINA POINT OF VIEW”“Matteo, buntis ako.” Nakayukong sabi ko, kararating lamang niya galing sa trabaho. Pero hindi ko alam kung nagkita ba silang dalawa ni Carmela. Ang plano ko sana ay kay Carmela ko na lamang sasabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko pero may nagtulak sa akin na kay Matteo ko na lamang unang sabihin. Napatigil siya sa pagtatanggal ng kaniyang necktie dahil sa biglaan kong pagsasalita.“Say it again,” utos niya sa akin sa mahinang boses. “Buntis ako, magiging tatay ka na.” Paglilinaw ko, ano kaya ang pakiramdam kung ang lalaking mahal mo ang sasabihan mo nang ganoong bagay? Na magiging tatay na siya at nabuo ang sanggol sa sinapupunan ko dahil sa pagmamahalan namin. Ngunit lahat ng nasa isip ko ay malabong mangyari, magiging nanay na ako at sa lalaking kaharap ko ngayon. “It’s true? You’re not joking, right?” “Bakit ako magbibiro Matteo? Isa itong seryosong usapin at ngayong buntis na ako nabibilang na ang mga araw ko dito. Sa puder mo,” pagkasabi ko no’n ay n

    Last Updated : 2023-08-15
  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 9

    “THIRD PERSON POINT OF VIEW”Masayang nagsi- celebrate ang pamilyang David sa isang beach resort sa Tagaytay. Matapos ipaalam ni Matteo ang tungkol sa pagbubuntis ni Shaina ay nagpasiyang umuwi ng Pilipinas ang magulang ni Matteo upang i-celebrate ang tungkol sa pagbubuntis ni Shaina. Alagang- alaga ni Matteo si Shaina kahit na tatlong buwan pa lamang ang tiyan nito ay hindi hinahayaan ni Matteo na mapagod ito. Halata na ang umbok ng tiyan ng babae ngunit kahit na siya’y nagdadalagang tao kapansin-pansin pa rin ang hubog ng katawan nito. Habang masayang kumakain ang buong pamilyang David ay pinagsasandok pa ni Matteo ng pagkain si Shaina. Paniwalang-paniwala ang magulang ni Matteo dahil sa pagpapanggap na ginagawa nila ni Shaina. Sobrang sweet kasi ng dalawa na animo’y totoo silang nagmamahalan. “Kumain ka na rin, Matteo. Tignan mo, hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo,” sambit ni Shaina sa katabi. Hindi pa kasi kumakain ito dahil sa ginagawang pag-aasikaso sa kaniya. Nahi

    Last Updated : 2023-08-15

Latest chapter

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 20 (Finale)

    “Shaina Point of View” Ito na iyong pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Iyong pinapangarap ko na magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya ay natupad ko na. Totoong-totoo na ito, totoo ng kasal ang mangyayari sa tana ng buhay ko. Nandito ako ngayon sa harapan ng altar habang kaharap ang lalaking bumago sa buhay ko. Ang lalaking nag-alok sa akin ng kasal, at ng kontrata na kailangan kong sundin. PIGIL ang luha ko habang nakatitig sa perpektong mukha ni Matteo. “Matteo, salamat dahil minahal mo ako. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, dahil nandito tayo sa sitwasyong ito,” sambit ko. Sa mga sandaling ito tila nakalimutan ko na napapalibutan kaming dalawa ng maraming tao. Mga taong magiging saksi sa kasalang ito, mga pamilya namin ni Matteo na masaya para sa aming dalawa. At hindi magpapahuli ang kambal na anak namin ni Matteo. Buhat-buhat ni Jade si Shella ang kakambal ni Matt, limang buwan na sila at ngayon lang naganap ang kasal naming dalawa. Gusto kasi ng mga magulang namin ni

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 19

    “Shaina Point of View”HINDI ako makapaniwala, hindi kaagad pumasok sa utak ko ang sinabi ni Matteo. Hindi ko mapigilang hindi maiyak, pumunta siya dito upang sabihin ang totoo niyang nararamdaman sa akin. At upang sabihin ang lahat-lahat, ngunit naguguluhan pa rin ako. Paanong nangyari na wala na sila ni Carmela? Perfect couple sila at wala akong nakikitang dahilan upang maghiwalay sila. “B-bakit wala na kayo ni C-carmela, Matteo? Hiniwalayan mo siya dahil sa akin? Matteo, perfect couple kayong dalawa. Mas malalim ang pinagsamahan ninyo kaysa sa akin,” nag-aalangan kong sabi. Bumuntong hininga siya at ngumiti, habang nakatingin sa akin. “Carmela is lier, she has a boyfriend. At habang lumilipas ang mga araw na kasama kita ay nakikilala kita ng lubusan. Hindi ko inakala na mahuhulog ang loob ko sa ‘yo habang kami pang dalawa. Kung hindi ko nalaman ang tungkol sa sikreto niya ay hindi ako matatauhan. Hindi ko mare-realize ang nararamdaman ko sa ‘yo, mahal kita. M

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 18

    “LETI POINT OF VIEW”“WALA si Shaina dito. Bakit dito mo siya hinahanap? Di ba asawa mo siya? Ano naman ang kinalaman ko sa inyong dalawa ng bestfriend ko?” sarkastiko kong tanong sa lalaking ito. Ang aga-aga iistorbohin lang ako para tanungin kung nandito ba si Shaina. Naiinis ako sa bestfriend ko, dahil nagsinungaling siya sa akin. Wala naman akong magagawa kundi tulungan siya. Naiintindihan ko si Shaina kung bakit niya sinakripisyo ang sarili. Pero kung alam ko lang noong simula pa lamang ang tungkol sa kasunduan nila ni Matteo David ay hindi ako makakapayag. Naguguluhan din ako dahil bakit nandito ngayon ang lalaking ito? At bakit gusto niyang makita ang kaibigan ko? Samantalang nagawa na ni Shaina ang nasa kasunduan nila. Sa sitwasyon ngayon ni Matteo ay parang ayaw niyang mawala si Shaina sa piling niya. In-love kaya siya sa bestfriend ko? “Please, gusto ko siyang makita, may mahalaga akong sasabihin sa kaniya.” N

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 17

    “MATTEO POINT OF VIEW”All this time niloloko lang ako ng girlfriend ko. Carmela is cheating on me. Malinaw na sa akin ang lahat. Masakit sa akin dahil ibinuhos ko ang oras ko para sa kaniya. Ginawa niya akong gago at tuta sa tuwing magkasama kami. But I’m not totally angry to her. Siguro dahil hindi ko na siya ganoon kamahal para magalit at magwala dahil niloko niya ako sa mahabang panahon. Pero hindi ko pa rin matanggap, nabulag ako sa pagmamahal ko sa kaniya. Pero kung hindi dahil sa mga palusot niya at pagsisinungaling sa akin ay hindi ko makilala si Shaina. Ang babaeng nagpabaliw sa akin sa maikling panahon. Ang babaeng nagpabago sa takbo ng buhay ko. Si Shaina ang dahilan kung bakit gusto kong mamuhay ng masaya at bumuo ng pamilya. Pagkatapos kong mapanood ang video ni Carmela at ng lalaki niya ay doon ko na tinapos ang lahat. Sapat nang dahilan iyon para hiwalayan siya. Hindi man sabihin sa akin ni Shaina ang totoo niyang nararamdaman sa akin. Pero nakikita ko mula

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 16

    MATTEO POINT OF VIEW It’s been a long time nang magkausap kami ni Shaina. And it’s been a long time ang pagpipigil ko upang huwag siyang kausapin. I think she’s right, I have a girlfriend. At hindi ko dapat bigyang kahulugan ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Dapat matuwa ako dahil maibibigay ko na ang hiling ni Dad. Ang magkaroon siya nang apo. Dapat maging masaya ako dahil finally makukuha ko na ang buong mana ko. Carmela is my girlfriend has been 3 years. At ipinakilala ko siya to my family. Ngunit hindi siya tanggap ng magulang ko, kaya tinago namin ang relasyon naming dalawa. At nang malaman kong hindi kami magkaka-anak ni Carmela and I’ve decided na kumuha ng babaeng tutupad sa pangarap ko, and it’s was Shaina. Shaina is a type of girl na gagawin ang lahat para sa pamilya niya. At iyon ang nagustuhan ko. Hindi ko man aminin pero iyon ang totoo. Naguguluhan ako kung ano ba itong nararamdaman ko sa kaniya. I tried to become serious person in front of her. Pero nabig

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 15

    “SHAINA POINT OF VIEW”WALONG buwan na ang tiyan ko at simula noong huling pag-uusap namin ng girlfriend ni Matteo sa hospital. Ay hindi ko na siya masyadong kinakausap. Magkakausap lang kami sa tuwing may tinatanong siya about sa pinagbubuntis ko. Alam kong nagtataka na iyon dahil sa pagiging mailap ko sa kaniya. Ayos na ang ganito, hindi naman ako kawalan. Malapit na rin ako manganak, kaya sinusulit ko na ang bawat oras na pagiging buntis ko. Dahil kapag maisilang ko na ang anak namin ni Matteo iyon na ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Nasasaktan ako. Sa tuwing iisipin na hindi ko makakasama ang magiging anak namin ni Matteo. Wala naman talaga akong karapatang magreklamo. Una sa lahat bayad ako. Binayaran niya ako para magsilang nang sanggol. Kung kailan nasa ganito kaming sitwasyon saka ko tuluyang napagtanto na mahal ko na nga siya. Alam kong mali itong nararamdaman ko, pero kahit anong pigil ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na huwag mahalin ang lalaking m

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 14

    MATTEO POINT OF VIEW” I was sitting on the sofa, habang hawak ko ang bote ng beer. Nandito ako sa Condo ni Carmela ng tawagin niya ako. It’s already evening, imbis na mag-enjoy kami ngayon ng girlfriend ko ay hindi ko magawa. Bakit siya pa rin lamang ng isip ko mapahanggang ngayon? Shaina is not my girlfriend pero kung mag-alala ako sa kaniya ay parang siya ang girlfriend ko. Siguro dahil dala- dala niya ang magiging anak namin ni Carmela. “Let’s cheers, babe.” I just nodded and smiled with her. Sabay naming ininom ang beer na hawak namin. Matapos kong uminom ay tinignan ko ang babaeng mahal ko.“ This fast few days, naging abala ka ba sa trabaho mo, Love?” I asked, I’m just confused because she didn’t calling me this fast few days. She’s smiling with me. “Yes, babe. Ang mga clients ko kasi ay gusto ako mismo ang mag- assist sa kanila. Kaya hindi kita magawang tawagan. You know… I’m busy, right?” she said. I smiled. “Alright,” saad ko. Muli akong lumagok ng beer bago p

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 13

    “SHAINA POINT OF VIEW” Kinaumagahan, niyaya ako ni Matteo na pumuntang simbahan. Dahil linggo ngayon at araw ng simba. Hindi ko nga inaasahan na ang lalaking tulad niya ay malapit sa diyos. Hindi sa nanghuhusga ako, hindi lamang ako makapaniwala na nagsisimba siya. Sa loob ng ilang buwan na pananalita ko dito hindi ko minsan makuha ang mood ni Matteo. Mayroon kasi siyang ugali na pagiging seryoso, cold magsalita. Ngunit kung minsan ay malambing at nagbibiro ito kung minsan. Nakaupo kami ni Matteo sa mahabang upuan ng simbahan. Nasa hulihang upuan kami naupo dahil puno na ang mga upuan ng makarating kami. Tahimik lang siya sa tabi ko habang nakikinig sa mga payo ng pare. Hanggang sa mapatingin ako sa direksyon niya dahil sa sinabi ng pare.“ Sa panahon ngayon, pera ang laging katapat. Kung may pera ka, makukuha mo kaagad ang kung anong naisin mo. Ngunit ang isang bagay na hindi natin mabibili sa pamamagitan ng pera ay ang pagmamahal ng isang tao,” saad ni father.Binalik ko din

  • The Contracted Marriage to Mr. David   TCMWMD 12

    “SHAINA POINT OF VIEW” Kararating ko lang sa clinic ng pinsan ni Matteo dahil check-up ko. Ako lang ang mag- isang pumunta dahil hindi ko naman sinabi kay Matteo na check up ko ngayong araw. Wala din naman akong balak sabihin sa kaniya na may check-up ako. Mas magandang si Carmela ang bigyan niyang pansin kaysa sa akin. Ilang araw na rin ang lumipas noong nag- stay si Carmela sa bahay ni Matteo. Nabalik ako sa kasalukuyan ng iwinasiwas sa mukha ko ang kamay ni Jade. Umayos ako ng upo. “ Naintindihan mo ba ang sinabi ko, Shaina?” nakakunot niyang tanong. Umiling ako, “ Ang totoo ay hindi ko naintindihan.” Sambit ko. “Pwede mo bang ulitin ang tinatanong mo Jade?” Bumuntong hininga ito. “ Ang tanong ko kasi kung nagtatalik pa ba kayo ng pinsan ko?” pagkasabi na no'n ay kaagad akong umiling.“Hindi na namin ginagawa ‘yan,” sabi ko. Kinunutan niya ako ng noo na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Are you sure?” paninigurado nito. Tumango ako ng mabilis. Isang beses la

DMCA.com Protection Status